Ang pinakagusto ko sa Baguio ay ang mga bulaklak. Ang gaganda.
Dahil siguro sa lamig kaya nagbu-bloom talaga ng mga bulaklak. Ang lalaki ng mga petals ng milflores. Parang giant repolyo. Ang gaganda ng mga petunia. Ganoon din ang trumpet and candle flowers. Nakaka-enjoy tingnan.
Kaya lang doon lang yun sa Baguio. Kapag tinamim mo ang ganoong tanim rin sa lugar na maiinit, hindi ganun kaganda ang mga bulaklak.
Ang dami kong milflores sa bahay namin sa probinsya. Namumulaklak rin ngunit maliliit. Ganoon din ang candle flowers. Yung aking trumpet flower, ni minsan nga hindi namulaklak, ilang taon ko nang tinamin.
Nasa Baguio ako kasama ng mga kaibigan para sa Lakbayan para sa Katotohanan na ginanap noong Martes sa harap ng Supreme Court. Kapag summer kasi, doon sa Baguio ginaganap ang mga session. Nauna kami ng mga kaibigan naming noong Linggo para makapamasyal kami ng husto. Kaya nakapag-enjoy ako ng husto sa ganda ng tanawin sa Baguio dahil matagal-tagal na rin ako hindi nakapunta doon.
Tamang-tama lang ang ginaw doon. Pwedeng scarf lang o sweater ang pang kontra ginaw. Umulan nang doon kami kaya napabili ako ng payong (P50 lang) dahil lumalakad ako mula sa Don Henrico’s pizza parlor sa session road papuntang SM nang inabutan ako ng ulan.
Noong Martes, 9:30 a.m, nasa UP Baguio na kami at hindintay naming ang grupo ng Bayan. Naki-usap si Carol Araullo, chairperson ng Bayan sa opisina ni Chief Justice Renato Puno kung pwede nila maibigay ng personal ang kanilang open letter.
Pumayag si Chief Justice bago masimula ang kanilang session ng 11:00 a.m. Pasado 10 a.m. na kaya nagmamadali kaming pumunta sa Supreme Court. Maliban kay Carol, kasama rin si Fr. Joe Dizon at R.C. Constatino.
Hinarap nga sila ni Chief Justice. Naki-meron lang ako. Binigay ni Carol ang kanilang open letter na nakiki-usap na i-tama ang kanilang desisyon tungkol sa executive privilege ni Romy Neri. Hiningi rin niya na mag-inhibit ang tatlong justices na halata namang mga tuta ni Gloria Arroyo. Ang tatlo ay sina Associate Justices Arturo Brion, Penato Corona at Presbitero Velasco.
Ipinahayag nila ang action pagkatapos ng tanghalian. Rejected ang inhibition ng talo. Binigyan naman ng 10 araw si Neri na mag-comment sa motion for reconsideration ng Senado. Pagkatapos noon, bigyan rin ng sampung araw ang Senado para sumagot sa bago comment ni Neri.
Ito ang nakakabigay ng pag-asa. Tinanong ni Carol kung ano ang epekto ng mga rally laban sa desisyon ng Supreme Court noong March 25 na kinampihan ang Malacanang para itago ang katotohanan tungkol sa ZTE. Sabi ni Puno, “Sa akin, alam ko ang epekto.”
Tinanong ni Fr. Dizon kung may pag-asa na mabaligtad and March 25 na desisyon. Sabi ni Puno, “Who knows? We might.” (Walang nakaka-alam. Baka sakali).
These SC Justices are living a comfortable life. No wonder many want to be appointed to SC. Not only does it give you the prestige, lots of benefits and perks. Working in Baguio?
They gotta be kidding. They are there to escape from the heat; drink and play golf. They are there to discuss how to deal with the very unpopular and controversial recent decision on Neri’s case. Public outcry was just too much to ignore. But, do expect Malacanang emissaries ordered to go up Baguio. Even if they cannot join these justices, these Malacanang dogs will make sure these justices feel their presence.
panis na balita na ito….panis na din si Lozada….wala nang matinong pulitiko, kahit true blue na oposisyonista ang mag-pondo ng aksyong pulitika based on this panis na balita (a.k.a. search for “truth” kuno). lahat sila e naghahanda na sa 2010….
Why don’t you join those Justices in Baguio? Stop being a jerk.
Who knows? We might. Safe answer but it gives some hope.
Itong si happy gilmore, panis na rin sa kanyang mga poste. Halatang halata na naiinis dahil panis na rin ang ang sarili niya dahil sa pagka panis ng kanyang ipinagtatanggol.
off topic … ano na naman ang ginawa ng mga pinutukan ng kulog sa http://www.tribune.net.ph? … di ba puedeng gawing secured ng tribune ang site nila? … me login at password para wag naman maging frustrating ang pag access doon …
I’ve been unable to get into The Tribune online for days now. I don’t know what’s wrong…
Di ko talaga ma-access ang Tribune for days now!
Pasilip-silip din ako at napaka-busy namin sa ngayon!
Bilib ako sa ‘yo, Ellen! “Work n pleasure” ka diyan sa Baguio!
If there’s one thing that we shouldn’t forget to do nowadays is to keep on praying! Ika nga, may rice shortage na tayo, may fish shortage pang darating, sa Prayer, dapat huwag nating hayaang ma-shortage din! Ito na lang yata ang hindi makurakot ng tinamaan ng diyablong pekeng gobyerno natin!
I can access tribune daily. Go to http://www.tribuneonline.org
Panis na pala e bakit gigil na gigil na nagpost dito si Happy?
Profit of dumi(doomy) and guniguni(gloomy) yan chi.
Chi,
Thanks a lot, got the Tribune at last!
mga kapatid, huwag nyo ng patulan si happy gilmore. Panis na yan!!! pati yong lumalabas sa knya panis na rin!!! hahaha….
Lumabas na naman si Happy Gilmore.Hehehe!
Doon sa blogsite ko nandoon ang kakambal ni Happy Gilmore si Pilosopong Tasio a.ka.a Albert.Hindi kaya iisa lang kayo? Nagtatanong lang naman…Happy Gilmore..
Unbelievable! But this is apparently what happens when laws are promulgated and passed by adulterers and fornicators as many lawmakers in the Philippines are. Nababoy na ng husto ang Pilipinas! But for how long? Hanggang kailan magtitiis ang mga pilipino?
In fact, the creep is most likely trying to test the patience and endurance of Filipinos with this hunger crisis that she and her minions are amazingly trying to profit on instead of quiver in fear of mass indignation and strike.
Buti na lang meron Ellen’s blog, etc. where we can see a glitter of hope—na marami pa ring hindi duwag!
kahit pumunta sa tribuneonline.org, luma rin ang entry! 🙁
kakainis nga. kaya dito na lang talaga sa ellenville!
maraming mga sipsip kay gloria mandurukot talaga.
Gusto ng mga alipores ni Gloria na gawin probinsya itong Pinas samantalang ang bansang ito ay nasa sentro ng CRESCENT shaped Asia-Pacific region na punong-puno ng potential.
Ang Pilipinas ay parang isang parabolic dish sa mundo ng trade and diplomacy ng AsPac.
Use your imagination not your frustration Happy.
Kung ang Vietnam meron silang Da Nang at Saigon South, tayo kaya rin natin yan!
HAPPY gilmore regards daw sabi ni Mamasang.
Para kay Korap Gloria Pidal at ayudas ang TRUTH ay napapanis! Kaya ang heroine ni Happy ay isang congenital LIAR!
myrna,
click refresh…pag wala pa, ewan ko na. 🙂
Firefox ba ang gamit mo? I tried Explorer and I can get into Tribune, too.
i can access http://www.tribuneonline.org. Baka busy lang ang site kapag ino-open nyo….
Ellen, masarap magpunta sa Baguio ng second (o third?) Sunday ng February. Yung Panagbenga festival, dun mo makikita yung mga pamatay na bulaklak ng Benguet.
Yung mga milflores na malalaki, pwedeng buhayin sa mas mainit na lugar kung dun mo bibilhin sa Tagaytay o Silang, Cavite. Mas resilient sila kesa yung variety sa Baguio. Tiyempuhan mo sa Ming’s si Ming Ramos, baka makalibre ka pa.
BTW, Ellen, this article is currently featured in GMA7’s website under “Guest Blogger”.
Bulag sa Ethical na Panuntunan
Sila ang mga blind loyals ni Gloria gaya ni Puppy Gilmore.
Tanggap na nila ang kurapsyon at hindi na mhalaga sa kanila ang anumang ethics at morals. Hindi nila makitang ang mga aksyon ng Palasyo ang siyang gumuguho sa integridad at dignidad ng bansa.
Ginapang niya ang Garci scandal mtapos umamin. Binaliktad niya ang ‘guilty’ verdict kay Estrada for her own political survival. Bina-braso ang proseso ng imbestigasyon sa anumalya ng ZTE-NBN. Pinayagan ang rice-smuggling hindi ang rice-hoarding (Pareho lang itong illegal, Puppy) At ang most painful sa lhat…hina-harass niya (Sa tulong ng mga blind loyals) ang mga institusyung pumupuna sa un-ethical na ginagawa ng Executive Office.
Ganyan kapag walang ethical na sinusundan ang mga political decisions pati na itong mga ‘Dis-information at Sinungalin na Propaganda ng Administrasyon’
Dahil sa tingin ko, si Puppy Gilmore ay media personnel ni Arroyo…. NO MORE LIES & BLUNDERS! PUPPY BOY!!!