Skip to content

Duda sa krisis

Dahil sa kawalang kredibilidad ng administrasyong Arroyo, marami ang nagdududa kung meron talagang krisis sa bigas kahit na araw-araw maraming mahihirap ay anim na oras na pumipila para lamang makabili ng dalawang kilong bigas sa NFA.

Marami ang nagsu-suspetsa, kasama na si dating Pangulong Estrada at si Jun Lozada ang star witness sa imbestigasyon ng ZTE na gawa-gawa lang ni Gloria Arroyo ang kriris sa bigas para matabunan ang eskandalo ng NBN/ZTE kung saan maaring sabit si Arroyo.

Maala-ala natin na ang $139 milyon ng kontrata sa pagitan ng Department of Transportation and Communication at ZTE na inayos ni dating Comelec Chairman Benjamin Abalos ay nmaging $239 milyon dahil maraming pumasok para kumita. Mabuti lang at inimbistigahan ng Senado, maraming nabulgar ang garapalang kurakutan. Suspendido ngayon ang deal.

Ngunit hindi pa tapos ang imbestigasyon dahil pinigilang kinampihan ng Korte Suprema si dating NEDA Chairman Romulo Neri na hindi magsasalita tungkol sa papel ni Gloria Arroyo. Panibagong anomalya yan.

Sa dami ng kasinungalingan ni Arroyo, para na siya yung bata doon sa kwento na” the boy who cried wolf.” Palagi lang niloloko ng bata ang mga magsasaka na may dumarating na lobo. Tako naman ang mga magsasaka para tumulong. Tapos pagtatawanana lang sila ng bata. Isang araw dumating nga ang lobo. Hindi na naniwala ang mga magsasaka. Hindi siya tinulungan. Kaya ubos ang kanyang mga tupa.

Sa impormasyon na aking nakuha, may naka-ambang talaga na kiris sa banding Oktubre. Kapag maubos na natin ang mga naani sa Septyembre.

Sa ngayon kasi, meron pang bigas sa merkado para sa halos dalawang buwan. May ani ngayon sa Nueva Ecija (tatlong beses sila uma-ani sa isang taon). Kaya may madadagdag sa supply n gating bigas. May inaasahang darating na bigas na ipinangako ng ibang bansa- U.S., Vietnam, Thailand.

Kung darating yun, makaka-abot ang ating supply hanggang Septyembre. Kapag pumalya ang pangako ng mga bansang yun dahil may sarili rin silang panganga-ilangan, malaki ang problema natin. Kaya magdasal tayong darating an gating inangkat na bigas sa abroad.

Pagdating ng Okbtubre, wala na tayong inaasahang imported na bigas. Wala na tayong mabilhan. Yan ang problema.

Dahil sa kawalang krebilidad ni Arroyo at ng kanyang mga opisyal, walang naniniwala sa kanila kaya ginagawa ng mga may pera ay nag-iimbak sila ng maraming bigas para kahit lamapas ng Oktubre, hindi sila mawawalan. Dahil doon, madali mawala ang bigas sa merkado.

Kaya ang walang perang pang-imbak ng bigas ay magkaroon na ng krisis bago Oktubre.
Magdasal tayo.

Published inrice crisisWeb Links

44 Comments

  1. Eggplant Eggplant

    What do we expect from this administration. Everything is possible, ist’t it? With magicians in Malacanang, they can create artificial shortage to rice so as to divert public attention from the massive issues of graft and corruption this administration is perceived to be involved.

  2. Eggplant Eggplant

    I mean shortage of rice

  3. chi chi

    Hindi ako naniniwala na merong krisis sa bigas. Kung meron talagang krisis ay hindi na maglilimayon si Korap Gloria at magpapakodak na parang “singing in the rain”!

    Ang nasa krisis ay ang pekeng gobyerno ng tianak, naghihingalo kaya as usual ay “wag the dog” ang laro. Patented ang kilos ng korap Gloria.

  4. Dapat mahanap iyong pinagtataguan ng hoarded rice gaya noong mga nabulok noong 2001-2002. Narinig kasi iyong food shortage sa Darfur, ginaya! But who knows? It may turn out to be a blessing in disguise.

    Baka diyan na mag-alsa ang mga pilipino even when as usual Gloria Dorobo and minions are saying that it is impossible for Filipinos to rise up in arms against the Dona Mentira y Ladron. Tignan natin!

  5. chi chi

    Korap Gloria is a big time congenital liar that even if she talks of a real thing, people hardly buy her words.

    Napakasamang produkto itong si Gloria Arroyo Pidal… Sinungaling, Magnanakaw, Mandaraya, Korap, Human Rights Abuser!

  6. rose rose

    Para sa akin..ang tunay na krisis ay hindi lang bigas o pandesal…may roon din krisis sa mga tunay na shepherds ng ating simbahang catolico..yesterday was Good Shepherd Sunday..and we catholics heard that the pope, the cardinals, the bishops and the priests are representatives of Christ..as the Good Shepherd…and a shepherd would guide his flock to follow the right way..to obey the ten commandments..hindi ba ang sabi ni Jesus Christ..my sheep(s) know me, they know my voice and they follow me..bakit ang flock ng CBCP sa Malacanang ay hindi sila sinunod..bingi ba yong mga tupa sa Malacanang? ay nagkamali ako babuyan nga pala at mga baboy ang mga nandoon..ano na nga yong sinabi ni Bishop Pabello..the Good Shepherd leads His flock on the right track..hindi tumatalon sa bakod para magnakaw…

  7. rose rose

    Ang survey rating ni Arroyo ay bumaba uli..unlike the many who were asked..na obviously belong to the masses..there was one fellow na naka barong..(most likely an upper class)
    and he said…”Arroyo is a working president”…I do agree with him she is a working president ..working hard to enrich herself, and to keep her presidency..but hardly working for the people..kung sabagay hindi na man siya tunay na elected president what the heck does she care…

  8. Elvira Elvira

    I called up in Maguindanao a week ago and asked them if there is a rice shortage there. “Sa Manila lang ‘yan!,” ang sagot sa akin. “Katunayaan planting season sa amin ngayon at mga Agosto ang harvest.” Tumawag naman ako sa bandang Davao at nagtanong sa iba pang kamag-anakan, ang sagot, “Oo, mahaba ang pila sa TV pero wala pa naman dito!” Sino ngayon ang nagsisingaling?

    Is the gang of Evils trying to hide its “Sins” to the people through this RICE SHORTAGE propaganda? Most likely.
    True, there IS a shortage of not only rice but also of Wheat around the world, the latter being used for producing OIL. That’s why we’re also experiencing the sudden rise of prices in almost everything here in Europe.

    Too bad, it looks like ang ating bansa, will be one of those who will suffer most in this coming crisis. That is, if the Pinoys at home, KEEP on tolerating the No. 1 Culprits of our country!

    Sino pa kundi ang Gang of Evils…Gloria n Co.!
    .

  9. Etnad Etnad

    Noon ko pa sinasabi na gawagawa lang ng demonyo yang problema sa bigas. Gusto lang pagtakpan yong pangungurakot nila. Nagwagi sila … nauto at talo na naman ang taongbayan. Ngayon wala na tayong magagawa … take it or leave it, deal or no deal.
    Kawawang Lozada napag-iwanan na. Nasaan na ang mga sigaw ng taongbayan …. puro singaw na lang.

  10. Etnad Etnad

    Sana tuloy tuloy ng magalit ang taongbayan sa isyu ng kakulangan ng bigas na gawagawa lang ng mga utak biya na mga tuta ni Glorya. Sana matauhan na ang mga Pinoy sa ginagawang kalapastanganan ng gobyernong Glorya. Hindi na kapani-paniwala lahat na pinaggagawa nila. Sabi nga scripted lahat ng galaw …. uumpisan pa lang nila .. alam na ng taongbayan ang ending.

    5

  11. Elvie,

    Biglang tinging anf akala ko sinabi mo, “Gang of Elvis.” Buti na lang binasa ko ulit. “Gang of Evils” pala as in Gloria dn Company.

    Of course, rice crisis sa Manila dahil wala naman silang produce doon. Kapareho rin iyan ng situation noong umalis kami ng Pilipinas. Dahil nga sa may lupa kami sa probiinsiya and we get a share of the produce there, bigas and all, we never experienced the famiine na parang curse of the Macapagal! Kahit daw noong WWII when everyone was going hungry, sabi ng nanay ko hindi sila nakaranas ng gutom lalo na sa probinsiya namin. At least, sa probinsiya, dahil sa magkakamag-anak, nagtutulungan. Pero sa Manila daw nakasusi ang bigas kas baka manakaw. Ang dami naman kasing magnanakaw na dapat pinagpupuputol na ang mga kamay.

    Now, there is rice crisis all over all of a sudden dahil sa pakulo ni Gloria. The problem is real I guess elsewhere but in the Philippines it is apparently recommended by Gloria’s publicity advisers in order to deviate the attention of the Filipinos from the more serious and graver issues that need to be addressed once and for all by all concerned.

    Kitang-kita naman sa totoo lang. Nagtatanga-tangahan lang ang marami I guess. Kakaiyak sa totoo lang.

  12. Ang masama niyan ay pag nagalit ang Panginoon sa ginagawang kabulastugan ni Gloria Dorobo and this food shortage becomes real, maging tigang ang lupa at wala nang matanim, pati mga hayop isa-isang mamatay as in the case of countries experiencing famine, etc. in Africa because of bad leadership.

    Dapat mabagabag na ang lahat bago mahuli ang lahat. Condolence na lang sa lahat pagnagkataon!

  13. Valdemar Valdemar

    During the coup days many were happy with the salary increases because veterans received also like clockwork their pension increases automatically to live haggardly. In these days of rallies, lying, ebbing peoples’ trustin the administration laws pertaining to salary increases specifically remove any increase on pensions. Di kaci sayang pa kung di madagdag sa makurakot kaysa mabigay sa mga useless dregs sa society ng mga kurakot.

  14. Valdemar Valdemar

    I go to market everyday. There are unqueued rice stalls. In many places, farmers who sold their bumper crop to traders are complaining they hardly could buy the low priced NFA rice creating reason enough so the NFA imports rice forever. The cycle gather green crisp moss for everyone. Whoever thought of this ‘crisis’ should be rewarded with tons of rice dumped over his head.

  15. chi chi

    Whoever thought of this ‘crisis’ should be rewarded with tons of rice dumped over his head. – Valdemar

    Ha!ha!ha! Definitely Korap Gloria and her student executioner Arthur Yap. Balibagin ang mag-amo ng sako-sakong bigas dahil sa pananakot sa tao to cover her orginal sins!

  16. chi chi

    …cover up..

    Just had a talk with my sis. Puno pa raw ng bigas ang kamalig ng mga tindahan sa amin.

    Sa Maynila lang ang krisis sa bigas na gawa-gawa ni Korap Gloria. Bilyunes na komisyon sa importasyon at cover up sa kanyang mga anomalya. Galing mangurakot at mangbaboy ng imFACTO president, shooting two birds and more with one stone!

  17. Is that so, Chi? So what are the imports from the US, Vietnam and Thailand about? Pihado padded ang bills niyan para sa kurakot!

    Truth is alam na namin may kurakotiyong mga importation na iyan kaya sabi ng Japan, “No, sorry but we need our rice more!” Tapos biglang kambyo ng mga hinayupak, “No need. Filipinos do not like Japanese rice kasi masyadong malagkit at malambot!” Galing talagang mangatwiran ng mga kurakot!

  18. I cannot help laughing at this Inquirer banner: “Arroyo: Rice, bread bandits beware.” Tamang-tama doon sa Philippine proverbs that says, “Ang magnanakaw ay galit sa kapwa magnanakaw!” Bwahahahahaha!

    Puede ba pagpuputulin na ang mga kamay ng mga magnanakaw na iyan?

  19. BTW, kawawa naman iyong Cardinal ng Dagupan. Kinakasuhan ng isang inutil. What the Archbishop can do in retaliation maybe is send a recommendation for the excommunication of the idiot. Pero sabi naman siguro ni Gunggonzales, he can join the INC or El Shaddai or JIL.

    Sa simbahan namin mahirap makapasok iyan kasi I bet you marami kaming members na mag-o-oppose ng membership ng ungas unless he repents and perhaps condemns his fellow crooks in the present kurakot government.

    My sympathy to the crusading cardinal. May his tribe increase. Oooops, celibate nga pala iyong pari!!! O sige, may God be with you always!

  20. vic vic

    “National Bureau of Investigation (NBI) chief Nestor Mantaring said the case would be filed against 11 persons for hoarding.” PDI

    Another divertionary tricks of GMA.. and these 11 individual will just be Scapegoats to again cover the behinds of the real bigwigs and you can follow the rice to where it always lead to…

  21. jerz jerz

    Noon pa, nababasa ko na rito na magkakashortage daw sa bigas. Tapos, nabasa ko, yan na nga, nangyayari na. Ngayon, sinasabi naman dito gawagawa lang ni Gloria lahat ng ito. Ano ba talaga? Gawagawa rin ba ni Gloria yung food crisis sa ibang bansa?

  22. Tilamsik Tilamsik

    Yes kagagawan niya!

  23. jerz jerz

    Ang galing nyo talagang mag-isip. Naisip nyo yon?

  24. pilipinaskongmahal pilipinaskongmahal

    My gut tells me Gloria is adding this issue to the current administration’s Conspiracy Galore. I don’t see any shortage of rice here in Mindanao. We have a lot of restaurants here that offer unlimited rice to those who eat there. Vast green rice fields are seen almost everywhere in the provinces. This government is known for creating issues because in every issue they create, they see opportunity for them to hoard more, cheat more, steal more. This rice issue gives them the opportunity to import and sell rice at a very high price which will eventually create a domino effect to rest of the basic commodities. Gloria is the evil incarnate! “All that is necessary for the triumph of evil is that good men do nothing.” When good men do nothing, they get nothing good done…

  25. Hahahahahaha! Magkano kaya ang bayad sa 11 suspects kuno? Scripted din iyan no doubt, produced by the Pidal Productions! Kunyari iimbestigahan, may magki-criticize, tapos, plead guilty, tapos, executive clemency with the usual scripted “I’m sorry” ala-Gloria Dorobo, tapos, basbas ni Evil Bitch. Tapos ang kuwento. Gutom ang tiyan ng mga pilipino! Suwerte na lang kung makalabas ng Pilipinas at magkalat sa ibang bansa. Susmaryosep!

    Meanwhile, sige banat. Tuloy ang laban!

  26. Tilamsik Tilamsik

    Ang mga diktador at mandarambong, kurakot, sakim, buwaya, linta at garapata ng bansa ay nanagumpay lamang dahil ang mga tao ay di nag iisip.

    Isipin natin kung saan napunta ang fertlizer fund ng bayan! isipin natin ang ating mga anak na ginagahasa ng mga animal..!!!

  27. Mrivera Mrivera

    there is really no rice shortage. only gloria, the short.

  28. Mrivera Mrivera

    ang baliw na babaeng mukhang daga ay pikon na daw dahil mabagal ang usad ng laban sa smuggling.

    ayaw pang aminin na kinakabahan na ang bruha dahil nauubos na ‘yung mga nahuthot niya sa mga naunang deals at kunyari lang itong crackdown sa big time smugglers.

    ‘daming nahuhuli kuno, meron bang malaking buwayang nakasuhan?

    hindi matatapos ‘yang smuggling na ‘yan. kahit itanong pa doon sa smuggler na mukhang kabayo at sa tiyuhin niyang mukhang ahente ng punerarya.

  29. Mrivera Mrivera

    si gen carlos garcia nga, meron ng mga ebidensiya, lumusot sa sagingangbayan, ‘yun pa naman kayang mga bigtime buwayang kanilang mga kaibigan?

    sus! mas mahirap pa ngang sagutin ‘yung wan plas wan!

  30. Mrivera Mrivera

    jerz,

    bagay sa iyo ang papel na ibinigay ng malakanyang.

    kunyari ay TANGA!

    o talagang tanga ka?

  31. Mrivera Mrivera

    itong si gloria, kung sa binhi ay isang hybrid.

    hybrid na walang pakinabang!

    at dahil tao (nga ba?) siya, hybrid sa kawalanghiyaan!

  32. Valdemar Valdemar

    At a time like now, everyone wants a raise. But what will happen next after a raise is another rising prices like hell. Raising pay is bad. We raise uniformly including those lazy and schemers and the like. I note that prices in Japan and even other places remain steady. Salary hikes there arent in vogue. They reward deserving people with promotion. In the private side, other than promotion, they raise the pay on a confidential selection basis.

  33. irene irene

    I told you so….

    mga kaaibigan, walang rice crises! pakana lang yan ni arroyo at katiwalian nya! dinadivert lang nila ang mga usapang ZTE, DEPED, SOUTH/NORTH RAIL at iba pa!
    Hindi ba nyo nabasa ang sinabi ni JDV Sr. na my 100 milyon dollars commission na makukuha na nman ng katiwalian sa mga import na bigas????? Yan na yon, yong galing sa US, Vietnam & Thailand. Dyan na nman sila babanat ng pangungurakot! Ksi dba na pending yong ZTE, lahat na project ngayon ay nababantayan na na iimbistiga na, kaya dyan sila sa rice ngayon kukuha na nman ng para sa darating na election. Remember malapit na nman ang election madali nalang hintayin ang dalawang taon ngayon lalao na’t nagkakagulo at busy ngayon ang mga tao sa pagpipila para makabili ng salop-salop lamang na bigas!!!!

  34. irene irene

    Mrivera,

    Pabayaan mo na yan si jerz, siguro walang rice crisis sa loob ng bahay nila ksi naaambonan sya mula sa malacanang!

  35. xman xman

    The National Public Radio (NPR) in Washington D.C. reported that gloria told their reporter that there is enough rice for the time being.

    Ang opposition media ay dapat ipamodmod sa foreign press na gawagawa lang ni gloria itong rice crisis kuno para magkaroon na naman ang swine mafia ng tongpats, para ma divert ang attention ng mga tao sa mga pangungurakot nya sa ZTE at iba pang projects.

    Wala pa akong narinig sa foreign media na ine report nila ang mga katiwalian ni tiyanak. Bakit hindi pinasisingaw ng foreign media ang kabahuan ni tiyanak??

  36. Sa mga naglilista sa mga katiwalian ng administrasyon ni Gloria (Schumey, Kabayan, WWNL/PeeDee, etc.), idagdag ninyo ito:

    P2 Bilyon nawala sa auction ng NFA rice noong 2005!

    Nakuha na ng COA ang mga dokumento na nagpapatunay na ibinenta ng NFA nang palugi sa mga masusuwerteng negosyante ang mga allocation ng NFA Rice noong 2005. Ayaw sa gutin ng NFA dahil hindi pa raw tapos ang imbestigasyon nila.

    Juice ko po! Magtatatlong taon na, hindi pa tapos? Yung pakitang-tao ngayon ni Pandak laban sa nagsasamantala sa bigas gamitin niya laban sa mga rice traders na kumita ng extrang P2Bilyon.

    Ang problema diyan, kahit kanino mo itanong, isang malaking baboy, este, tao, ang nasa likod ng monopolya ng bigas!

  37. Sabi ni Ellen:
    Sa impormasyon na aking nakuha, may naka-ambang talaga na kiris sa banding Oktubre. Kapag maubos na natin ang mga naani sa Septyembre.

    Ellen hindi alintana ni Gloria yang krisis na iyan sa Oktubre.

    Nakatutok ng madiin ang Malakanyang sa panahong iyan Oktubre) sa pag-expire ng impeachment na nai-file nung isang taon laban kay Kutonglupa.

    E ano naman sa kanya kung magutom ang taumbayan? Walang problema kung matigil ang supply ng bigas, ang problema lang niya ay kung matigil ang ating pagiging PALABIGASAN ng Unanong Bansot na Pandak!

  38. Tarantada talaga. Tinapay na lang daw ang kainin ng mga pilipino ala kano. Gaga ba siya e ang mahal na nga ng harina. Sa US nga, nagtaas ang presyo ng bagels. Kapansin-pansin din daw ang pagliit ng tinapay ng MacDonald. Kaya ano ang sinasabi ng inutil na kumain na lang ang mga pilipino ng tinapay. At least, iyong kanin busog ang tiyan. Puede ba, sabunutan na ang inutil at kaladkarin palabas ng Malacanang?

  39. Xman,

    Balita ko iyan ang ipinangangatwiran doon sa pondong hinihingi para sa irrigation daw sa Pangasinan at Mindanao mula sa Japan. Kunyari mahina ang ani kasi kulang sa irrigation! Malaking pera ang hinihingi sabi ng informer namin sa Philippine Embassy sa Tokyo. Kausapin daw namin iyong mga humahadlang sa ODA para doon. Ano siya, masaya?

    Gusto lang magkaroon ng pera para ipangsuhol doon sa mga sipsip sa Tongress dahil panahon na naman ng pagsampa ng Impeachment laban sa unano y dorobo.

    Puede ba tanggalin na iyan before the SONA. Kawawa ang mga pilipino. Babasagin na naman ang kanilang mga ear drum ng mga kasinungalingan ng ungas. Sa isang banda, next time, ano naman kaya ang gimmick ng ungas.

    Golly, nabibisto naman ang mga props niya gaya noong mga bata na nagpadala daw ng bangkang papel (Remember that lie?) pero halang talaga ang kaluluwa. Pati iyong mga bata noon tinuruan pang magsinungaling.

    Hindi naaantig kahit na mabisto. Panggulo daw kasi siya! Yuck!

  40. jerz jerz

    Bilib ako sa inyong mag-isip. Masyadong malawak ang imahinasyon nyo…kaso puro imahinasyon na lang yata. Hahaha.

  41. jerz jerz

    “The rapidly escalating crisis of food availability around the world has reached emergency proportions.” – UN Secretary General Ban Ki-moon.

    Sabi ng mga bloggers dito, pakana lang lahat yan ni Gloria.

    Galing talaga.

  42. Jerz,

    Itong blog ay para sa talakayan ng isyu. Hindi ko pinapayagan ang personal na insultuhan.

  43. OK, so there is food shortage lalo na sa Africa, so, bakit kailangang magkaroon din ng food shortage sa Pilipinas? Gago din ang katwiran ano?

    Kung sa Iraq nga na may guerra nakaka-export pa ng mga gulay sa ibang lugar, Pilipinas pa na supposedly democratic daw! Gago din ano?

    Ang sabihin ng mga ungas, sawa na ang mga pilipino sa mga pakulo ni Gloria, kaya lang siguro talagang kailangan nang mabulgar ang mga kabulastugan niya even with the help of the unseen hands from up above.

    Ayaw mag-strike ng mga gutom, kaya strike from heaven ang mangyayari niyan. Mas matindi iyan sa totoo lang. Just you wait and see! October ba ang target date, Ellen?

  44. Tilamsik Tilamsik

    Pagmasdan mo Ina kong Bayan ang nakabayubay mong katawan inilugso ng mga mapang api.

    Aking Ina ititindig ka ng mga anak na sisingil. Padagundungin ang alab ng Bayan.

Comments are closed.