Skip to content

May sinira na naman si Gloria

Update: DOJ welcomes pardon for the 9

Halatang-halata naman itong mga opisyal ng military na puring-puri sa siyam na dating opisyal ng Magdalo sa kanilang pag-amin na guilty sila sa ginawa nila sa Oakwoong noong July 2003 nang nanindigan laban sa pamahalaan ni Gloria Arroyo.

Halatang-halata naman na may deal. Huwag na tayo magtaka kung sa susunod na linggo,
ipa-pardon ni Gloria Arroyo itong siyam.
Dahil sa kanilang sa kanilang pag-amin sinentensyahan ni Judge Oscar Pimentel sina Captains Gerardo Gambala at Milo Maestrecampo ng 20 hanggang 40 na taon sa kulungan.

Sina Captain Alvin Ebreo, Laurence Louis Somera, Albert Baloloy, at John Andres, 1Lt. Florentino Somera, 2Lt. Kristoffer Bryan Yasay at 1Lt. Cleo Dongga naman ay anim na 12 taon sa kulungan.

Walang problema sa kanila yan. Puring-puri na sila nina AFP Chief Hermogenes Esperon at Army Chief Alexander Yano. Siyempre dahil kanila na sila, i-papardon na sila ni Arroyo. Baka tulungan pa yan sila maghanap ng pwesto o kaya mag-abroad.

Sabi ni Lt. Col. Bartolome Bacarro, “Ang kahanga-hanga sa kanila ay ang kanilang katapangan sa pag-amin na sila ay nagkamali at handa nilang harapin ang kaparusahan ng kanilang ginawa.”

Nagpapatawa naman itong si Bacarro. Katapangan ba yung makipag-deal para malibre ang sarili? Katapangan ba yung talikuran ang panindigan para sa isang corrupt at mapanupil na presidente at ngayon ay sabihin na sinasuportahan na nyo na siya? Ano kayong klaseng opisyal?

Sinasabi ko na “dating Magdalo” dahil matagal nay an sila tinanggal sa Magdalo mula ng bumaligtad sila. Hindi lang sila humingi ng tawad kay Arroyo, ini-endorso pa nila ang programa ni Arroyo.

Iba ang kaso nitong siyam sa lima na plea bargain sa mas “conduct unbecoming og an officer ang genetleman. Saka na natin pag-usapan ito.

Gusto kong intindihan sina Gambala at Maestrocampo dahil limang taon sila sa kulungan. Ngunit naiisip ba nila ang mga mas mababa ang ranggo lalo na ang mga enlisted personnel na naniwala sa kanila?

Alam ko matagal ng ginagapang ni Esperon, sa pamamagitan ng kanyang administrative officer na si Maj. Paolo Perez, ang mga dating Magdalo officers. Akala nila kasi nakaka-score sila laban kay Sen. Antonio Trillanes IV at ang ilang mga nanindigan sa Magdalo officers kapag napabaligtad nila itong sina Gambala. Nagtagumpay nga sila. May sinira na naman sila.

Dahil alam nating kung ano ang ginagawa ng Malacanang at nina Esperon, lalong kahanga-hanga ang paninindigan at ang sakripisyo nina Trillanes.

Published inMagdaloMilitaryWeb Links

39 Comments

  1. chi chi

    “Katapangan ba yung makipag-deal para malibre ang sarili? Katapangan ba yung talikuran ang panindigan para sa isang corrupt at mapanupil na presidente at ngayon ay sabihin na sinasuportahan na nyo na siya?”

    Talaga, Ellen.

    Trillanes hanggang huling laban!

  2. chi chi

    O, kasama kay Trillanes iyong may 20 pa yatang Magdalo na NO surrender sa GloriaAsspweron’s game!

    Mabuhay kayong lahat na natitirang kahanga-hanga ang paninindigan at sakripisyo para sa Inang-Bayan at Kapinuyan!

  3. bitchevil bitchevil

    Palace open to pardon for mutineers

    Malacañang is open to granting executive clemency to nine junior officers convicted for taking part in a foiled coup against President Arroyo in 2003.

    Chief Presidential Legal Counsel Sergio Apostol said the nine officers, convicted Tuesday by the Makati Regional Trial Court for the crime of coup d’etat, would be treated like any other convict qualified for presidential pardon.

    Apostol said the decision of the accused soldiers to change their plea to guilty can be considered in the event they petition for pardon.

  4. parasabayan parasabayan

    Gagawin nila evil duo ang lahat just to pin down Trillanes. Asspweron is also doing this para ma-entice din yung mga ibang Tanay Boys. Whatever the reason is kaya bumaligtad ang 9 na Magdalo, it is something that they will live with the rest of their lives. May pardon ka nga pero hindi ka na pwedeng bumoto(not that it is even an axercise worth doing in the Philippines dahil pera perahan lang naman ya-pinauso ni evil bitch), ni hindi ka pwedeng tumakbo sa public office. Eh ano pa ang pwedeng gawin nitong mga ito? Oo nga nakalabas ka sa kulungan wala ka namang paroroonan.

    To the rest of the Magdalo group and the Tanay Boys, THINK of the repercussions first. Two years from the elections is not too far away. Kung makakatiis lang kayo ng dalawang taon lang, your chances of a fair trial will be greater. Under the two BIGGEST CRIMINALS, the evil bitch and asspweron, expect a transactional pardon. Baka mamaya beholden pa kato at gawin nila kayong mga piyon nila!

  5. Bacarro:”Ang kahanga-hanga sa kanila ay ang kanilang katapangan sa pag-amin na sila ay nagkamali at handa nilang harapin ang kaparusahan ng kanilang ginawa

    Kay Gloria mo iyan sabihin, ulul.

  6. Etnad Etnad

    Pag pinakawalan nila yang siyam na yan ibig sabihin pati mga Justices ay hawak na nila talaga. Pag nangyari yan i-salvage na rin yang Pimentel na yan. Dapat alisin na yan sa pagka-justice wala siyang kuwenta.

    Maiba lang ako … bakit ano ang business na naman ng ZTE sa Diwalwal. Ano ba talaga ang ZTE na yan? Di ba sa telecommunication lang? Kasosyo yata ng mga Arroyo diyan za kompanya na yan. Kapal talaga ang mga Pidal …. KAPAAAAAAL. Alisin na kasi yang mga yan …

  7. Valdemar Valdemar

    What I cant understand is that Gloria wants so many incarcerated here while she wants all those incarcerated abroad to be free at all cost. Funny justice.

  8. uroknon uroknon

    Sa tingin ko ginagamit lamang ng ilang Magdalo ang realidad na sa labang ito natalo sila. Sa kasalukuyang rehimen wala silang magagawa kung patuloy silang magmamatigas at patuloy na nabubulok sa kulungan. Kung sa kabila ng pagiging isang Senador ni Magdalo Trillanes ay wala rin syang nagawa sa kabila ng kanyang pagmamaktol sa Manila Pen, paano na kaya yong ibang mga sundalong nangangatwiran din ngunit kulang sa kapangyarihan at lakas. Sa syemtema ngayon, mas maituturing na katapangan ang minsang tanggapin ang pagkatalo at sa huli ay matatamo rin ang minimithing pagbabago.

    Sa kabilang dako, sa mga pangyayari sa kasalukuyan, kung saan halos lahat ng sektor ng lipunan ay balot na sa alinlangan, mas higit na magtatagumpay ang sino mang Pilipino na may tapang na harapin ang hamon maging ito man ay sa pamamagitn ng lakas laban sa lakas.

  9. vonjovi2 vonjovi2

    Marami sa atin dito na nagagalit sa mga “DATING” MAGDALO na (sabi ni Ellen) nakakuha ng deal sa Malacanyang. Bakit natin sila sisisihin ng husto kung sila ay bumaliktad sa kanilang pinag lalaban. Limang taon sa kulungan na nag tiis sila at hindi kapiling ang mga asawa at anak. Kasama pa doon torture sa kanila.
    Sabi nga ni CHI Katapangan ba yung makipag-deal para malibre ang sarili? Katapangan ba yung talikuran ang panindigan para sa isang corrupt at mapanupil na presidente at ngayon ay sabihin na sinasuportahan na nyo na siya?”

    Sa akin Chi ay katapangan rin kahit papaano ang ginawa nila. Alam ko na labag sa loob nila ang sumuko kahit alam nila na tama ang kanilang pinaglalaban. Kahit ako ay nawawalan na rin ako ng pag asa na mabago pa ang bansa natin dahil kada palit ng pinuno ay siya naman nag uumpisa ng nakaw ulit. Sabi nga nila ay kami naman ngayon ang mag papabusog. Nandiyan rin ang mga suwail na unjustices at militar/pulisya natin. Isa pa ang nag papa baho ay ang mga POLITIKONG magnanakaw. Limang taon sila sa kulungan na hindi kasama ang mga asawa at anak. Nag dusa sila at nagawa na nila ang kanilang tungkulin. Ikaw ba chi or tayo dito ay may nagawa
    para sa bayan para pigilin ang pagnanakaw ng mga hinayupan sa gobyerno. Puro lang tayo sulat at kulang sa gawa. Alalahanin ninyo na mahirap makulong.

  10. parasabayan parasabayan

    Vonjovi, sumasangayon ako sa sinabi mo. Huwag naman nating husgahan ang 9 na sundalong ito. Sapat na na sumama sila at nakipagisa nung 2003 bilang Magdalo group. Sumuko sila noon dahil sa negosasyon ng mga opisyal na hindi sumunod sa pinagusapan. Habangnasa kulungan sila alam nila ang nangyayari sa rehimen ni evil bitch na wala ng tunay na batas. Alam nila na kahit na anong pagmamatigas nila, wala pa ring mangyayari dahil kaliwa at kanan ang talamak na nakawan at patayan. Wala lalo silang magawa para makatulong sa mga pamilya nila dahil nga sa nakakulong sila. Sa totoo lang ang napakaliit na kita nila habang nakakulong ay hindi pa sapat na pambayad ng kanilang mga abogado at pamasahe ng mga kaanak para bisitahin sila sa kulungan. Hirap na hirap ang loob nila na wala silang magawa dahil sa nakakulong sila. Kapag nakalabas na sila, kahit papaano marami pa silang pagkakataon na maghanap buhay para kumita ng mas maayos. Yun nga lang depende yun sa kondisyones ng pardon nila. Dahil kung maraming probisyon na hindi na sila mamumuhay ng normal, mas mabuti pa siguro na nagtiis na lang sila ng dalawang taon na lang hanggang mawala na si evil bitch!

  11. UGN UGN

    Its quite saddening that citizens question the integrity and valor of the 9 soldiers who accepted a deal with the government. such harsh criticisms have been heaped on them for selling out. but we have to remember that they placed their lives on the line in 2003 when they stood for the truth. the question that needs to be answered are where are the people who supposedly believed in them? 5 years hence, what have we done to stand up for what we think is truth, justice and democracy? what actions aside from heaping abuse at GMA albeit anonymously in numerous chatrooms and blogs ? can we even compare to the sacrifices that they already have made and will continue to make to allow us the right to criticize them. i may not believe in their actions nor condone their decisions but I respect their opinion. its time—long overdue in fact that the people take a more active approach in ridding our country of the overstaying boarder in Malacanang.

    and to those soldiers who remain steadfast in their beliefs–WE SALUTE AND HONOR YOU.

  12. fly-by fly-by

    Pasensya na po, at hindi ako sang ayon sa pag amin ng 9. Kahit ano pang paghihirap ang ibinagay sa kanila, hindi magiging tama ang mali. Hindi lang naman sila ang nakulong. May mga kasama rin silang nakapiit, nguni’t hindi sumuko. May mga kasama silang hindi nakipagkompromiso. May mga kasama silang tuloy pang nakikipaglaban, kahit paano.

    Bukod pa duon, hindi lang sila sumuko, dinali pa nila ang kapwa nilang nakakulong. Hindi ba’t sila ang gumawa ng video para kay GMA na nagsasabing huwag tumutol sa kapangyarihan ng administrasyon?

    Tutoo, para sa maraming nandito, ang laban nila ay limitado lang sa pagsusulat at pag-blog. Nguni’t may iba rito na nagsakripisyo din, at patuloy na nagsasakrispisyo. May iba ditong pamilya at kamag-anak ng ilang nakapiit din. Paano natin sasabihin sa kanila na okay lang na sumuko ang iba at pumanig sa administrasyon dahil mahirap makulong. Para na rin nating minaliit ang sakripisyo ng mga tuluyan pang lumalaban.

  13. fly-by fly-by

    Kailangan nating bigyang halaga ang patuloy na sakripisyo ng mga patuloy pa ring lumalaban. Matatalo lang tayo, kung susuko tayo. Matatalo tayo kung titigil tayo dahil sa kawalan ng pag-asa.

    Matagal din yun laban kay Marcos nuon. Nguni’t nagtagumpay ito dahil hindi sumuko ang mga bayani natin. Natalo din si Bonifacio sa Pinaglabanan, nguni’t kung sumuko siya nuon, wala pa ring Republika ngayon.

  14. UGN UGN

    Flyby,

    Youre opinion is noted and well taken. I dont think anyone here is belittling the sacrifices made by those people who still continue to uphold their beliefs and what they have stood for. And to their family–all the more we salute you for your courage. As for the 9–may they make peace with their mistahs and their comrades.

    But for us, the vast majority of the Filipinos who are not personally involved in this struggle excpet that we believe in what these courages men and officers stood for in the opulent space of Oakwood what better way to Honor the sacrifices that they have made by being active and personally involved in the struggle whose seed was planted in 2003 ?

  15. Chabeli Chabeli

    Oh my goodness naman ! I just have to share this. Retired Major Carlos Garcia who was the Comptroller of the AFP was acquitted a second time of perjury !!!!! He “alleged to have amassed P303 million in unexplained wealth”. How worse can things get in this basura Gloria pa ba get ????

    Here’s the link to the story:
    http://www.abs-cbnnews.com/topofthehour.aspx?StoryId=114626

  16. Chabeli Chabeli

    Ooops, sorry for the typo. Should read: How worse can things get with this basura Gloria ????

  17. chi chi

    vonjovi,

    HIndi mo binabasa ng buo ang topic ni Ellen.

    Kay Ellen na linya yan at nagkaon na iyan din ang aking opinyon.

    Magbasa ka at nang malaman mo kung ano at sino-sino ang may sabi. Hirap sa iyo ay iyon lang head at unang paragraph ang iyong binabasa!

  18. chi chi

    vonjovi,

    Ako at kami ay siguradong merong nagagawa sa mga sundalong aming sinusuportahan!

  19. chi chi

    vonjovi,

    last time I checked, ang pagsusulat at paghahayag ng opinyon sa publiko sa anumang venue ay isang mahalagang hakbang para manatili ang demokrasya. Kung inaakala mo na ang iyong pagsusulat sa Ellenville ay walang kinakapuntahan, siguro ay dapat kang mag-isip ng ibang sarili mong paraan para mapatalsik ang pekeng president. Wala namang palang kinakapuntahan ang mga sulat dito sa iyong palagay.

  20. Puede ba sipain na si Gloria Idiota. Golly, nagugutom na ang Pilipinas, biofuel pa ang pinagsasabi ng inutil.

    CNN reports that Vietnam and Thailand are not selling any of their overseas for fear of possible shortage of rice for their own people. At least, buti pa iyong mga Vietnamese at Thai, inuuna ang mga kababayan nila. Itong si inutil, dahil sa mga maling policy ng ungas, mukhang nadadamay ang ibang bansa sa Asia. Wait till the Thais, Vietnamese, et al get mad against Filipinos!

    As for these 9 traitors to the ideals of the Magdalo, tamaan sana sila ng kidlat!

  21. norpil norpil

    has trillanes said anything about the 9?

  22. OFF TOPIC MODE:

    corruption has a new name
    pera pera lang
    kaya siguro nakapagtayo ang HANJIN, (ZTE- name ng dog ko saka HANJIN) sa Subic at sa Taal kung natuloy, alam nila pera lang ang habol natin kapalit ng ating magandang kapaligiran. kabastusan sa atin yun, tayo nga di natin, mapasyalan ang mga bunkok dito sa atin dahil sa seguridad, bakit sila nakapagtayo dun? Saan bang bansa di binastos ang pinoy? aminin natin, maski sa land of free, binastos din tayo dun. so ano pa ang aasahan ninyo sa trato nila sa pangulo, mga anak niya at iba pang opisyal ng gobyerno pag napunta tayo sa bansa nila? ha ha ha, mangarap ka’t magising, gloria! be proud filipinos. 3rd yata tayo sa pinakamarami, konti lang ang koreans.

  23. parasabayan parasabayan

    I still remember the Lim and Trillanes walk to Manila Penn. Yun na sana ang pinakamagandang panahon para ipinakita natin ang ang suporta natin sa mga Madalos at kay Lim. Anong nangyari? No one supported them so if these 9 Magdalos lost faith in our support, I can not blame them. Tama na ang 5 taong sakripisyo nila sa isang bansang TUOD! Except for a hundred thousand people who attended the last interfaith rally in Makati with Cory, Lozada and Erap, lahat tayo ay walang karapatang humusga sa pagbabaliktad ng mga Magdalo. Nung nanawagan sila na suportahan natin sila sa Manila Pen, walang tumugon! Puro takot!

    This is the big problem with us because we are excellent critcs kaya lang kulang tayo sa action! These 9 Magdalos have gotten smarter and kahit na kumapit sila sa patalim, they know that futile lang ang pagmamalasakit nila sa bayan dahil karamihan ay talaganag AYAW KUMILOS, DADA lang ng DADA. For those of you who are very active in these movements, sorry ha. I know that PMS, Tongue and even Edfajardo who just came from the airport then joined the gang. I wish I could have joined you guys too but the only thing I could do was CLONE myself through my relatives and friends and believe me, they were there in the rallies in big numbers too hindi lang paisa-isa! Yung mga iba kung hindi na rin lang tayo nakakatulong sa pagpapatalsik sa evil bitch, huwag na lang tayong magsalita dahil masakit ito sa mga taong nagsakripisyo na ng malaki!

  24. Let’s put things in a proper perspective. What the 9 admitted guilty of is teh to the crime of coup’etat. Trillanes et al never admitted that they are guilty of coup d’etat because they are not.

    Here’s the meaning of coup d’etat under the revised penal code:

    “Art. 134-A. Coup D’ÉTAT. — How committed. — The crime of coup D’ÉTAT is a swift attack accompanied by violence, intimidation, threat, strategy or stealth, directed against duly constituted authorities of the Republic of the Philippines, or any military camp or installation, communications networks, public utilities or other facilities needed for the exercise and continued possession of power, singly or simultaneously carried out anywhere in the Philippines by any person or persons, belonging to the military or police or holding any public office or employment, with or without civilian support or participation, for the purpose of seizing or diminishing state power.”

  25. Remember, not a single shot was fired in that Oakwood incident. So, how can it be a “swift attack.”

    “Duly consituted authority”. Since when was Gloria Arroyo duly constituted. She grabbed power in january 2001. She cehated in 2004.

    “Attack against any military camp or installation, communications networks, public utilities or other facilities needed for the exercise and continued possession of power…” Oakwood does not fall into any of those mentioned.

    If you remember, the 53 who pleaded guity last year and recently the five including Lt Sonny Sarmiento, the offense the admitted in the court martial was “conduct prejudicial to public order and military discipline.”

    ‘Yun pa siguro pwede. But coup? Gloria Arroyo and Angelo Reyes, baka pwede pa because Estrada was a “duly constituted authority.”

  26. Etnad Etnad

    Kung hindi man ma-pardon yang siyam na yan hanggang sa pagretiro ni hunghang espweron, palagay ko i-e-extend na naman siya ni Glorya. Isa pa hindi pa kasi kinuha ni Lord si Mike para sana may mapaglagyan na siya kay Esperon. Naku ha tsismis to ….

    Naa-awa na ako kay probinsiyanong intsik … mukhang na-iba na ang isyu ….. napunta na sa pagkain. Galing talaga ni Glorya …. iwas pusoy na naman siya.

    Galing galing talaga ang mga Huwes ano …. pag may pera ka …. panalo ka.

    Pare-parehas talaga sila Glorya at ang mga Justices eto ang sabi nila “pag mahirap ka manigas ka …… pag may pera ka ayos ka.”

  27. Naniniwala ako sa sinabi ni Atty. Francisco na walang magpi-plead guilty to a capital offense.

    Sira ang ulo o may maitim na balak o meron nang negosasyon ang gumawa non dahil hindi bababa ang sentensiya sa habang-buhay na kulong. Bakit pa? Ilaban mo na lang may pag-asa ka pa.

    Ang mga DATING MAGDALO mismo ang sumira sa ipinaglalaban nila. Gusto nilang ilabas ang katotohanan kaya nila inokupa ang Oakwood.

    Ngayon kasama na silang bumabaluktot sa katotohanan. Umamin sa kasalanang hindi naman ginawa?

    Pasensiya na kayo, pero hinding-hindi ninyo ako makukumbinse na nasa katuwiran sila sa ginawa nilang pag-amin. Personal ang dahilan siguro.

    Kung lagi na lang personal ang paiiralin, hindi talaga sila bagay diyan sa institusyon ng militar – ang mag-serbisyo sa taumbayan – hindi sa sarili, hindi sa isang pamilya.

    May isa akong kaibigan na nakabartolina pa rin sa Bonifacio, dalawa na lang sila yata ni Jason Aquino ang nakahiwalay, hindi alintana ang sariling kapakanan dahil sa paniniwala niya kasama ang ganyang sakripisyo, (oo, pati na ang naghihirap niyang pamilya sa Mindanao) sa kanyang sinumpaang tungkulin na paglilingkuran niya ang mamamayang Pilipino.

    Sila ang tunay na kawal na Pilipino na hinubog ng mga bayaning nag-alay ng buhay para lamang LUMAYA ANG BANSA sa tanikala ng mapang-api.

    Hinda para sa SARILING KALAYAAN! Mabuhay ka, kaibigan!

  28. Slip of the TonGuE –

    last line:

    Hindi para sa SARILING KALAYAAN!”

  29. Major Jason Aquino is one brave, admirable officer.

    Yes, nakabartolina siya for many months ngunit hindi siya bumigay. Hindi katulad nitong siyam.

    Ang isa ring matatag ay si Capt. Dante Langkit. He was the one confined in military confinement the longest (10 months) but he remained steadfast to the cause of truth and justice.

    Wala na sa bartolina si Capt. Langkit ngunit hiwalay pa rin siya sa iba. he is confined at the ISG compound in Fort Bonifacio.

  30. chi chi

    Matigas ang salita ko sa mga ‘bumaligtad’ na Magdalo dahil sa tuwinang pagbabalikan ko ang mga estorya nina Capt. Langkit, Major Aquino at iba pa na nalathala dito sa Ellenville ay lalo akong humahanga sa matindi nilang paninindigan para sa bansa.

    Tongue,

    Sang-ayon ako sa sinabi mo 100%: “Kung lagi na lang personal ang paiiralin, hindi talaga sila bagay diyan sa institusyon ng militar – ang mag-serbisyo sa taumbayan – hindi sa sarili, hindi sa isang pamilya.”

  31. Wow, nag-uutos na naman si Gloria Dorobo na mag-release daw g funds para doon sa mga rebeldeng sumuko na sa kaniya! Corruption talaga ang alam ng animal said ang kaban ng bayan, pero sabi naman ng staff ko baka isa na namang racket ng mga Pidal daw na utusan iyong mga tenants nila na magpanggap ng rebelde para makakuha ng padded funds.

    Galing talaga ng animal sa racket. Panay ngayon ang bola sa mga nagugutom na pilipino na hindi sarili niya ang sisihin kundi iyong mga agency na nirereklamo ng mga tao. Papaanong nakakalusot ang malanding idotang iyan?

    Nagwala daw iyong mga taga-Davao na nasasalanta ng pagho-hoard ng bigas ng Pidal government. Dapat lahat na ng mga pilipino magwala na. My condolence to all. Ako may stored rice na for two years kahit na wala pa kaming balita sa Japan na apektado kami ng racket ni Gloria at galamay niya. Kung sabagay iba naman kasi ang bigas namin.

  32. —idiota not idota.

  33. bitchevil bitchevil

    Jun Lozada now fears pulling out his security detail after the Senate terminates the ZTE hearing. At present, he enjoys the security provided by the Senate. Watch out…Malacanang may offer to provide him security with PSG personnel…he, he.

  34. irene irene

    Etnad,
    Tama ka, nakakaawa talaga si Jun Lozada, pagkatapos ng lahat na sinakripisyo nya, ni wala man lang nangyari! Nailagay sa kapahamakan ang pamilya nya, nawala sya ng trabaho, lahat, lahat. At tama ka, magaling mag divert ng issue si Gloria Dorobo. Noong unang balita na my rice shortage kung nababasa mo yong mga comment ko sa blog d2 sa Ellenville, sinabi ko maraming beses na: na nililihis lang ni gloria ang issue. She knows how to play her cards well….Ngayon halos hindi na marinig sa mga radio o pahayagan ang ZTE…. Kawawang Jun Lozada. Baka sya na ang isusunod na issue ng dahil sa pag bulgar nya sa mga anomalya ng mga arroyo!!!

    At ky Grizzy, tama ka puro corruption ang nalalaman ni gloria. Sunod-sunod ang pag release ng fund, at mga milyones pa ha! hindi lang billions!!!!Hindi sya babababa sa pwesto hanggat hindi nya nalilimas lahat ng pera ng pilipinas!!!Dahil sya daw ang nagpa unlad ng bansa kaya kung gusto daw sya patalsikin ng mga tao, she might as well take all the money na pinaghirapan nya sa pagpapaunlad ng pilipinas, KUNO!!!Umunlad ba ang pinas? lalaong lumubog noong sya na ang nakaupo sa truno ng iniduro ng kanyang umaalingasaw na administrasyon….

  35. Mrivera Mrivera

    katulad din sinabi ko na:

    “sayang sila. sayang.”

  36. bitchevil bitchevil

    Jun Lozada must be supported until the end. Unfortunately, may groups and politicians only joined the movement when it was only hot. Now that the ZTE appears to have been overtaken by the rice crisis, we don’t hear from these people anymore.

  37. parasabayan parasabayan

    Magaling sa maniobra si evil bitch and so are her lapdogs. Hindi ba ninyo napapansin na kapag may lumabas na anomalya eh tahimik silang lahat? Tapos sabay sabay silang nag-papapressconference pagkatapos? Then all of a sudden may mga pinapalabas sa issue para mawala ang attention ng tao sa totoong issue.

    Ang mga mahihirap ngayon ay busy sa pagpipila sa murang bigas kaya walang ingay. Tignan lang natin kung wala ng murang bigas na mabili ang mga tao kung tatahimik pa rin sila!

  38. UGN UGN

    bitchevil,

    what do we expect from these politicos? they began losing interest in Jun Lozada when they realized that JLo will not allow himself to be used to further their political agendas. the same with Trillanes in 2003 and in Manila Pen, no politico showed their face because they will not be treated as stars and they will not be able to hog the cameras and the media. But again, they are the same ilk as GMA and company–the only difference is that they are on the outside looking in, believe me if they were chummy chummy with GMA they too would be singing her praises– paging ;Joker, pag bad ka, lagot ka. Absolute power corrupts absolutely. Its time that Change be championed by the common people who have no political ambitions–thats the only way that the country will be strong again. JLo is one of those–and so are the bloggers here. Friends, its time we make a stand. civil disobedience was once an effective medium to air a clamor for change–maybe if used properly and by the right people it may lead to another change…

    GMA, alis na!

  39. bitchevil bitchevil

    It looks like the one and the very few who consistently show support for Jun is Cory’s group. Even the Black & White Movement has become Black. There’s a move to have the ZTE investigation in the Senate terminated on order from the Palace. Silently and actively working on its termination are the Malacanang paid Senators and some spies in the opposition.

Comments are closed.