Skip to content

Inspirasyon si Cory Aquino

Tinitingnan ko ang mga litrato ni dating Cory Aquino mula nang ibinalita na siya ay may kanser sa kolon at laki nga ang kanyang ipinayat.

Sa pahayag ng kanyang pamilya na binasa ni Kris, noon pang Enero nagsimula ang kanyang check-up. Ibig sabihin noon may alam na sila noong mga nakaraang buwan na kanser ang kanyang sakit.

Ibig sabihin noon, noong dumalo siya sa rally sa Makati noong Feb. 29 at umakyat sa stage kasama ni dating Pangulong Estrada, alam na niyang may kanser siya. Ganun din nang dumadalo siya sa misa na dinadaluhan rin ni Jun Lozada, ang star witness sa imbestigasyon ng deal sa ZTE Telecommunications. Siya pa ang nagpapalakas ng loob ni Jun Lozada.

Kahit ano pang tapang ng isdang tao, kapag sinasabi na yo na ikaw ay may kanser, para kang binigyan ng death sentence. Bawat isa iba ang paraan para labanan ang kanser ngunit base sa aking naranasan at sabi rin ng mga doktor, unang-una ang pagtanggap ng katotohanan.

Meron kasing iba na nahirapan tumanggap ng katoohanan na sila ay may kanser. Kaya meron diyan na ayaw pag-usapan at tinatago pa. Mahirap magsimula ng paggamot kung ang may sakit ay ayaw aminin na maysakit siya.

Kapag nalampasan na ang “denial” stage, medyo madali na harapin kasunod na mga hakbang. Kaano kalala ang kanser? May pag-asa bang makuha pa sa chemo o ibang klaseng gamot. Ako, stage 3-A ako ng ovarian kanser. Nag-chemo ako ng anim na beses at awa ng Diyos, naka-bonus na ako apat na taon.

Kapag mga stage four na kasi, prang ayaw na ng mga doktor na pahirapan pa ang pasyente sa chemo. Sasabihin na “quality life” na ang asikasuhin. Ibig sabihin, alagaan na lang ng husto ang pasyente at pasayahin na lang ang mga natitirang araw sa mundo.

Ngunit hindi naman maganda na para ka na lang maghihintay ng kamatayan. Dapat huwag isipin ang kung anong taning sa buhay. Ang Panginoon lang ang nakaka-alam kung hanggang saan tayo dito sa mundo. Ang mahalaga ay may kabuluhan ang oras natin ditto sa mundo.

Kwento ni Jaime Gachitorena, anak ni dating Sandigan Justice Francis Gachitorena, na nang nalaman ng tatay niya na bilang na ang kanyang mga araw, ang inasikaso niya ay ang relasyon sa pamilya, lalo pa sa kanyang mga anak. Para bang pinupuno niya ang kanyang mga pagkukulang. Sabi ni Jaime, nakaka-touch.
Masuwerte pa rin si Cory na nadiyan ang kanyang mga pamilya na mag-aalaga sa kanya. At may kaya siya para sa kailanganin na gamot at laboratory procedures. Mahal kasi ang gamot para sa kanser. Ngunit kung oras mo, walang perang makakaharang niyan.

Magandang ehemplo ang pinakikita ni Cory na kalakasan ng loob para harapin ang kanyang sakit. Patuloy siyang inspirasyon ng sambayanang Pilipino.

Published inHealthWeb Links

12 Comments

  1. kaya ni father fernando suarez sa dasal na gumamot ng kanser, kung napaaga sana ang detection bago naka-alis si fr. suarez pabalik ng canada baka napagaling na si cory lalo na si deedee sytangco na spokesperson ni cory ay isa sa mga core group ng miracle priest. kung si FG na napakahayop ay nakuhang gumaling sa dasal ni surez si cory pa kaya 😉

  2. Chabeli Chabeli

    I am a great admirer of former President Cory Aquino because of her spiritual strength. It is precisely her strong faith that will see her through. Each day I pray one Our Father, one Hail Mary and one Glory Be that sana God will cure her from her cancer.

  3. chi chi

    I read that big C already in stage 4 is very difficult to survive. But my friend who was diagnosed with cancer in stage 4 and was given only 2-6 months to live is now on her 1 1/2 year bonus. This is after chemo sessions and prayers.

    I noticed that for many cancer survivors, they live life to the fullest and not afraid of death after surrendering their life to the Almighty.

    Cory Aquino will survive her illness, malakas siya sa Itaas!

  4. atty36252 atty36252

    kung si FG na napakahayop ay nakuhang gumaling sa dasal ni surez si cory pa kaya
    **********************

    Veterinario pala ang Father Suarez na yan.

    Levity aside, “the prayer of a righteous man availeth much.” Kaya sa Biblia, kahit makasalanan ay napapagaling ni Cristo, at ng mga prophet dahil their prayer is heard by the Father.

  5. Valdemar Valdemar

    I dont mean to be rude but how come I read a lot of well of people with cancer.

  6. Paano naman kaya, atty, itong stage 7 cancer ng lipunang Pilipinas? Hahayaan na lang bang paabutin pa ng 2010 para lalong lumaganap ang bulok, o tanggalan na ng life-support system?

  7. atty36252 atty36252

    Tongue:

    Gawin ang ginagawa kay Cory – chemo. Sugpuin ang mga cancer cells. Ang problema, either naduwag na ang mga tao, o natulog sa gutom.

  8. parasabayan parasabayan

    I have a very close family member undergoing a second round of chemo for leukemia. The first round lasted for 30 days. This time around her confinemenr may be another month. It pains me to see how a one time so vibrant person fights for her life. Leukemia does not have any stages. Adult setting leukemia is also more difficult to treat than those of younger patients.

    It is remarkable that Cory could join all the movements against the evil bitch inspite of her affliction. It shows that she has put her passion first before her self. Unlike the evil bitch who just thinks about herself first at all times.

    I continue to pray for Cory’s full recovery.

  9. bitchevil bitchevil

    This reminds me of the famous Lucita Lalu case of the 60s. I bet you this Jap is a Yakuza member. Why was he set free after committing similar crime in 2000? Here we are complaining about our lousy justice system. I never imagine it’s also happening in Japan!

    TOKYO — A Japanese man who was arrested over the death of a Filipina woman allegedly chopped up her body and cleaned the pieces in a washing machine, reports said Tuesday.

    Media accounts also revealed that Hiroshi Nozaki, 48, had served prison time for a similar case of mutilating the body of a Filipina bar hostess in 2000 but was set free.

  10. bitchevil bitchevil

    Cory and Erap appears to have become good friends now. Speaking of Erap, he’s having second thought of going to the US for his knee check up for fear of being arrested by the US government on his involvement of the Fil-Am FBI agent Agoncillo and Michael Ray Aquino. Perhaps Erap could have been tipped of by some trusted friends. This could be another conspiracy between the US and Arroyo to make sure Erap doesn’t return until after 2010. Malacanang may not show it but they sure are afraid of Erap’s running in 2010. Even if he doesn’t run, his presence between now and 2010 would help the opposition against Malacanang. To Erap…beware of the devils’ conspiracy!

  11. Atty:”Gawin ang ginagawa kay Cory – chemo.

    Thanks, Atty.

    Gloria, ki-chemo!

Comments are closed.