Skip to content

Babuyan ni Gloria

Diretso ng idinawit ni Sen. Panfilo Lacson si Gloria Arroyo sa nawawalang P1.4 bilyon na nakalaan para sa programa ng pagbababoy.

Dapat naman. Lahat na pangungurakot dito sa bansa ay nangyayari dahil kurakot ang pinuno. At hindi naman ito mangyayari kung hindi niya inaprubahan.

Lumalabas na ginamit ang malaking parte ng pera na dapat ay tulong sa mga magba-baboy sa 2004 eleksyon. Katulad rin ng nangyari sa P728 million fertilizer scam ni dating agriculture secretary Jocjoc Bolante.

At nangyari itong anomalya nang linipat ang Quedancor, ang opisinang ipinatayo para tumulong sa mga magsasaka, sa Office of the President. Kaya talagang sabit talaga si Arroyo.

Unang ibinulgar ng abogadong si Harry Roque sa programa ni Korina Sanchez sa ANC ang anomalyang ng nawawalang P1.4 bilyon sa P2.5 bilyon na programa ng Quedancor para sa magbababoy. Itong pera ay inutang sa mga bangko, isa na ang Land Bank.

Sabi niya Roque, grabe and modus operandi ng mga opisyal. Ginawang gatasan ang Quedancor. Ang mga tao sa likod ng mga kumpanya na nagpapautang ay sila rin ang mga may-ari ng kumpanya na umu-utang.

Ang mga maliit naman na hograisers, pinapipirma sila ng P200 hanggang P300 sa papeles na nakatanggap raw sila ng baboy na kanilang palakihin ayon sa programa kahit na wala silang natanggap. Sa mga mahihiorap naman sa kanayunan, pipirma sila dahil sa isip nila, wala namang mawawala sa kanila, kikita pa sila ng P200 o P300. Sayang naman at pwede rin pambili ng bigas at ulam.

Ang hindi naiisip ng mga mahihirap na ang panloloko ng mga tauhan ni Arroyo ay makaka-apekto sa kanilang pangaraw-araw na buhay. Hindi nila naiisip na dahil hindi naisagawa ang swine program ng maayos, patuloy na mahal ang karne ng baboy.

Hindi rin nila naiisip na dahil sa perang kinurakut sa swine program at ginamit sa 2004 eleksyon, naisagawa ni Gloria Arroyo ang pandaraya kaya patuloy siyang namamayagpag sa Malacañang. Kaya nagkakandaloko-loko ang buhay natin ngayon.

Ayaw tanggapin ni Sen. Francis Escudero ang rason ng Quedancor na nawawala raw ang listahan ng mga umutang. “Financial institution sila kaya dapat maayos ang papeles,” sabi niya.

Sabi pa ni Chiz, na ang kanyang tatay na si Rep. Sonny Escudero ay dating secretary of agriculture, dapat ilaas ang listahan ng nakinabang sa programa. “Dapat malaman kung sino ang tumanggap ng mga baboy o kung sino ang nambaboy sa taumbayan,” sabi niya.

Published inWeb Links

60 Comments

  1. hKofw hKofw

    “Babuyan Ni Gloria” – Talagang binababoy na ni Gloria ang Pilipinas. Wala na talaga siyang hiya. Binaboy at patuloy na binababoy na niya ang lahat ng ahensiya nga gobyerno, mga institusyon, at lalo na ang ating sagradong konstitusyon. Ayon sa mga diksyonaryo ang ibang ibig sabihin ng baboy (pig or swine) ay:

    -A nasty or disgusting person.
    -A greedy person: somebody who is regarded as slovenly, greedy,gluttonous or gourmand.
    -(US, offensive term): an offensive term that deliberately insults a woman’s morality (slang).
    -coarse person: somebody who is thought to behave in a coarse, discourteous, or brutal manner (informal insult).

    Hanga pa ko sa tunay na baboy at mga biik dahil nakayuko ang mga ito lagi dahil alam nilang baboy sila. Pero si Gloria at ang pamilya niya ay nakatingala pa.

  2. rose rose

    Nabasa ko kanina na may pig epidemic sa Bulacan, Nueva Ecija where there are hog farms..sana magkaroon ng truth epidemic ang mga baboy ni Gloria..hindi ba may truth serum? Why not use this on Neri, San Miguel, Razon, etc. para magkaroon ng truth epidemic sa babuyan niya..
    ..oo nga laging nakataas ang noo ni Mama Pig..sana umulan at pasukan ng tubig ang ilong niya para malunod si Mama Pig..

  3. luzviminda luzviminda

    Sanay na kasi sa BABOY na pamumuhay ang mag-asawang Arroyo eh. Kaya ang lahat ng kanilang kilos ay sobrang KABABUYAN!!!!

  4. luzviminda luzviminda

    Wala talagang patawad sa kagahaman sa kurakot ang pamilyang Arroyo at alipores nila, dati mga magsasaka ang pinagsamantalahan, ngayon naman ay ang ating mga magbababoy. Aside form the ZTE, Macapalga(Arroyo) Blvd, atbp, ano pa kaya ang susunod na mabubunyag na katiwalian ni Arroyo? Pang-Guinness World Record talaga si pResident Evil Bitch! Surely, may katapusan ang kasamaan. Hindi natutulog ang DIYOS!

  5. Diego K. Guerrero Diego K. Guerrero

    May palusot ang ang mga baboy sa Malacanang. Sakop daw ng
    *bank secrecy law* ang mga pautang ng Rural Credit Corporation (Quedancor). Batas ni Gloria Arroyo ang umi-iral. Parang kaso ni Jose Pidal. Walang makuhang documento galing sa mga bangko. Ay naku , kawawang bansang Pilipinas. Pondo ng babuyan naging bato. Hello Joc-joc!! Hello Garci!!

  6. Valdemar Valdemar

    On the race to fortune grab, omeone played horsey, now another went on piggyback. Agriculture really runs thick in the family. Next we expect on every bagged NFA rice, this bumper sticker, “FOR THE LOVE OF MIKE! at least I still have left some concern for you before I go”.

  7. parasabayan parasabayan

    Sabi ni Mr “wetness” dalhin daw ni Harry Roque ang mga “proofs” ng anomaliang ito sa korte. At sabi naman ng EK kingdom, dahil daw sa privacy laws ng banko, hindi daw malalaman ng bayan kung sino sino ang mga nanghiram ng pera para dito sa “babuyan”.

    Halos araw araw ay may lumalabas na issue ng corruption. Kaya lang ang lahat ay may “protection” dahil sa “executive privilege”, ngayon naman ay bank privacy. Ang galing talagang mangurakot ang mga BABOY na ito dahil alam nilang magtago.

    The way it looks, we can uncover all the anomalies we want but this regime can always wiggle its way out of its accountability. Ang talagang kawawa ay ang kaban ng bayan.

    Nagbibigay si evil bitch ng pondo kaliwat kanan na akala mo pera niya ang pinamumudmod niya.Ang hindi alam ng mga tao eh ito ay puro utang sa mga bansang humahawak sa leeg natin. Sa bawat dolyar o euro na ibinibigay sa atin ay may kapalit na kundisyon. At hindi ito mga dole outs kundi pautang. Anong mangyayari sa atin kung lahat ng mga inuutang na ito ay hindi talaga pumunta sa mga projects kundi sa bulsa ng iilang tao? Lalong gutom ang mga mahihirap! Lalong walang asenso sa mga maliliit na komunidad! Kung ganito na lang ng ganito na ang mga nakapwesto sa gobierno, nagpapasarap na lang sa mga nakukurakot nilang pera ng bayan na karamihan naman ay inuutang natin sa lahat ng mayayamang bansa, saan kukuha ng pambayad ang ating mga apo-apohan? Sa pangsamantalang sarap, habang panahon ang hirap!

    Itong mga nangungurakot ng pera natin ay may mga anak at yung iba mga apo din. Ang perang madaling makuha ay madali ding mawawala. Sa akala kaya nitong mga BABOY na ito ay ang kinukurakot nila ay sapat na para sa kinabukasan ng mag apo nila? Kung ang ating bansa ay hindi uunlad dahil ang mga perang nakalaan sa pagunlad ay napupunta sa iilang tao lang, ang karamihan ng mga tao ay magiging magnanakaw na lang at mapagsamantala sa kanilang mga kapwa. Kahit hindi nila gustuhin itong buhay na ganito, wala silang magagawa sa tuloy tuloy ma hirap ng buhay.

    Kung ang perang para sa mga projects ay talagang magagamit sa kaunlaran, ang lahat ng tao ay may pakinabang. Bawat isa ay matututong magmalasakit sa mga naipundar na infrastructures. Masaya ang mga tao at ng bayan.

  8. TurningPoint TurningPoint

    Dahil sa babuyan na rin lamang ang nangyayari, kapag may nagpanukala na baguhin na ang pangalan ng Pilippines to Babuyan Island, suportahan natin.

  9. TurningPoint TurningPoint

    Pasensiya na, hindi ko sinasadya nawalan yong H sa Philippines. Kung sa bagay, intindi naman ni gloria yun kahit walang H.

  10. martina martina

    Lawmakers should make a law or copy even a law from other countries about ‘Freedom of Information’, or something to that effect, kung wala pa. Katulad ng mga COA reports, restricted lamang ata ang mga ito sa few people, na ewan kung binabasa ba. Kung nuong 2004 pa nangyari, posibleng 2005 nailabas sa COA report, bakit ngayon lamang lumabas? Recently lamang ba may nagbasa? Kung open sa public iyang mga report na iyan, ay dapat nuon pa may nakakita. Lumabas lamang ito siguro dahil may insider tip, hindi dahil mismo sa report. Pilipinas, ano bah?

  11. parasabayan parasabayan

    Sa mga bansang napuntahan ko na, yung mga mayayaman na bansa ay malalaki ang buwis na binabayad ng mga mamamayan. Halos 40% ng kinikita ng bawat isa ay pumupunta sa buwis lamang kaya lang nakikita ng lahat ang magagandang kalsada, masinop na kalakalan, malinis na kapaligiran, epektibong serbisyo para sa mga tao. Higit sa lahat, halos lahat ng tao ay nakakakain ng parehong pagkain, mahirap man o mayaman! Kaya lang hindi ito nangyari sa panandaliang panahon. Maraming sakripisyo ang inilaan ng mga tao at ng mga lider nila para magkaroon ng ganitong pamumuhay.

    Sa Pilipinas, kabaliktaran. Halos lahat ng makita mo(bukod lang siguro sa Makati, Forbes Park at mga mabibilang na lokasyon ang may kalidad ng pamumuhay. Halos lahat ng mga siudad natin ay tadtad ng squatters, mga batang uhugin at linalangaw natutulog na lang sa mga kahon na inilatag sa semento. Ang mga nakakatandang kapamilya ay tumutungga na lang at nagsusugal sa bawat kanto nagaantay ng pagkagat ng dilim para “magdelihensiya” ng pambili ng gin. Nakakaawa talaga tayo!

  12. parasabayan parasabayan

    Walang programang totoo ang gobierno. Walang plano. Kung may kalamidad, doon lang kikilos. Ang mga lider natin, ang nasa utak ay kung saan sila makakakurakot ng malaki. Kaya kahit na hindi kailangan ng ating bansa, katulad ng ZTE, basta malaki ang tongpats, yun ang paglalaanan ng pansin.

    Katulad ng kakulangan sa bigas ngayon. Kung hindi ginamit ni Jocjoc yung fertilizer money nung 2004, siguro naman ay hindi tayo umaangkat ng bigas sa ibat-ibang bansa ngayon. Yung bilyones na ginamit dito sa BABUYAN na ito, kung tunay na ito ay naibigay sa mga tao siguro naman ay marami ng biik ang bawat pamilya sa mga probinsiya. Yung irrigation money na bilyones din, kung nagamit ito sa infrastructures talaga, hindi na tayo kukulangin ng bigas ngayon.

    Napakaganda ng mga taniman natin. Napakasuwerte natin sa ating klima. Napakaganda ng mga isla natin dahil kahit saan ka, makakatikim ka ng preskong isda. Wala tayong rason para kulangin sa pagkain. Kaya lang kung puro nakawan ang ginagawa ng mga lider ng bansa, talaga naman na balang araw baka hindi na lang sa BABUYAN ang lagpak natin!

  13. martina martina

    Ang baboy, kahit anong gawin, baboy pa rin. Itong babuyan ng mga Arroyo ay talagang gustong i-maintain na gutom o mas gawing tanga pa ang mga tao, para kahit babuyin nila, okay pa rin kasi nga mga tanga naman. Kahit blankong papel siguro pipirmahan, bastat may kapalit na kahit 100 piso.

  14. martina martina

    Para hindi piecemeal ang paglalabas ng mga anomalya, bakit hindi gawin ng isang whip, para mas may impact at talagang malula ng husto ang publico. Bakit hindi hingan ang COA ng summary ng mga anomalya sa lahat ng branches of government. Sila ang custodian ng mga accounts ng gobyerno, kaya dapat, alam nila lahat.

  15. Toney Cuevas Toney Cuevas

    Whore Gloria the Little Piggy – Baboy na Binaboy pa.

    This little piggy ninakaw ang palacio.
    This little piggy ay sinungaling.
    This little piggy ay nandaya kaya naging dimonyo.
    This little piggy walang hiyang magnanakaw.
    This little piggy naging putang-ina.
    And this little piggy wiggy paalembong alembong pa at naging korapted ever after.
    Kinda corny, but tells all about baboy na putang biik.

  16. martina martina

    Dapat din kasi may monitoring of govt projects from an independent branch of govt, say, from congress/senate. No branch of government deserve to be given another budget, unless they have proven accomplishments from previous year’s budget. Pakawala ng pakawala ng pera, wala namang monitoring, eh di tapos na ang pinas.

  17. hKofw hKofw

    Binaboy na ng husto ng mag-asawang BABOY ang Pilipinas sa pamamagitan ng Pidalismo. Ang nakakapagtaka ang mga TAO na nasa puwesto ng kabanalan? (CBCP) at hustisya? (SC), tagapagtanggol ng bansa? (AFP-PNP) at mga mambabatas? (Congress) ay mga nakayuko sa mag-asawang BABOY. Hoy gumising kayo! Ang mga suweldo ninyo ay galing sa mga naghihirap na mga Pilipino at ang ibang mga pera na galing sa mag-asawang BABOY at Pidalismo ay nakaw sa mga NAGHIHIRAP NA MGA PILIPINO! Ihinto na ninyo ang ang inyong katangahan at kahangalan! GISING!!!

  18. rose rose

    May bagong order na naman siya…adopt the corn raising program..para daw matulungan ang mga magsasaka na maahon sa karipan..pera na naman ito..para sa babuyan niya? Cebu is noted for the corn industry..kaya sa Bisaya corn is associated with Cebu..I hope this is not so any mmore..sa Western Visayas noong araw lalo na sa mga hacienderos..ang mais ang siyang pinakakain sa laborers or sa baboy..kaya medio mababa ang pagtingin nila sa mga taga Cebu..marami kasi ang mga “asin” de ro sa kanila.

  19. parasabayan parasabayan

    Martina, supposedly there are monitoring measures for all these projects kaya lang kapag pera ang pinaguusapan nawawala na ang accountability. Ang “lagay” napapagusapan ang lahat niyan. Unless we get real strict monitors and put the erring government officials in jail or remove them from office, corruption will always be a bad habit for government officials. Take for instance what is going on with the evil bitch. All the incidents are all leading to the Malacanang occupants but because everyone around them are protecting these occupants(because if they are ousted, they will be out of job and powerful positions), the root of all the corruption is very much alive. If our leaders are so corrupt and there is nothinbg we can do about it, siempre ano ang sasabihin ng mga ordinaryong empleado? Kami rin ah, ang lagay kayo lang?

    Besides, look at what is happening, the upright citizens like the Magdalos and the Tanay Boys are put in jail and the cheats, killers and super corrupt officials are running the government. The message is clear that “good” does not merit anything and the “bad” gets you somewhere. This worries me a lot as our youth can pick up very easily and I can just imagine what it does to future generation. Kargo de konsensiya ni evil bitch lahat yan!

  20. xman xman

    It is now high time for filipino’s to have CIVIL DISOBEDIENCE to put it in motion.

  21. florry florry

    Tuwing nakikita ni Gloria si Mike, parang nakakakita siya ng baboy, kaya nagkaroon siya ng ideya na ipasok ang gobyerno sa programang babuyan. Tulad ng mga iba pang mga programa ni Gloria talagang babuyan na naman ang nangyari dahil hindi lang mga baboy ang nawawala kundi ang malaking pera na budget para dito. Ang malungkot na parte ay hinarangan na naman ng pader ang binabalak na imbestigasyon ng Senado.
    Hanggang kaylan kaya makakatiis ang bayang Pilipino sa kasamaan ng magasawa at mga alipores nito? Sana bago maging parang kulungan ng mga baboy ang bansang Pilipinas ay mapaalis na sila at sila na ang ikulong sa babuyan kasama ang katulad nilang mga baboy.

  22. Mrivera Mrivera

    florry,

    pakiramdam kasi ni mgloria ay nalalamangan siya ng kanyang asawa dahil sa pagiging asal baboy nito, ang pagiging palamunin at patabain pero walang trabaho kaya naisip na rin niya (gloria) na magpakababoy na rin!

  23. Mrivera Mrivera

    wala na.

    dati ay banana repablik nakilala ang pinas. ngayong ay babuyan repablik na?

    hindi ako makapapayag.

    oink. oink. huwiiiiiiiirrrrrrrrrrrrrrrrrk!

  24. Napanood ko yung program ni Korina sa ANC with guest Atty. Harry Roque kaya agad kong na-blog dito. Si Cito Lorenzo ang may susi sa anomalyang ito, kasama na yung sa fertilizer scam. Si Lorenzo kasi ang head ng Quedancor nung panahong yun, at siya rin ang inappoint na Presidential Adviser on Jobs Creation kaya nalipat sa Office of the Pres. yung Quedancor. After Panganiban’s removal from Dept. of Agriculture, diba si Gloria mismo ang umupo bilang Agri Sec? Nag-oopisina pa siya sa DA pagkatapos niyang manalo nung 2004. Ibig sabihin, nandoon siya mismo nung panahong ino-audit ng COA yung mga ginastos ng DA habang campaign period. Alam na alam niya kung saan-saan nanggaling ang mga kinupit nila Jocjoc at Lorenzo para sa fertilizers at itong swine loans.

    Wala namang napabalitang magandang nagawa si Gloria mismo habang siya ang nakaupo sa DA, meron ba? Maliban siguro sa pagtago ng mga papeles na sasabit siya, wala akong makitang dahilan upang bigla niyang iwanan ito at itinapon kay Arthur Yap, isang gunggong at kalahating sasalo sa lahat ng kagaguhang pinag-gagawa ng mga nauna sa kanya.

    Diretso ang responsibilidad ni Gloria sa pondo ng fertilizer at baboy. Pag hindi siya tumigil ng pambababoy sa atin, gagawin natin siyang fertilizer.

  25. Siyanga pala, utang yang pondo sa baboy na iyan. Ang Quedancor ay opisina na nagbibigay pautang sa maliliit na nagtatanim ng bigas at mais, bakit sila nakialam sa livestock? Isa pa, dahil may ebidensiya ang COA na pera ang ipinamigay ng mga supplier ng baboy, paano mo masisingil ngayon iyan? Ang alam ko, biik at pera ang kabayaran ng pautang sa baboy. Paano mababayaran ng biik kung wala namang ibinigay na baboy?

    Malamang ang magbabayad na naman ay iyung mga nagbabayad ng buwis na katulad ko at kayo!

  26. Laski Laski

    Pig farm na pala ang malakanyang? Ang Bastusan Republic (ayon kay Ana) ay naging Babuyan Republic na rin! Ang sabi naman ng US embassy – Kleptocrat Republic …

  27. ebvmart ebvmart

    Before I also heard that the government had a program about goat raising and that they intended to import Goats from australia,what happened to this program did it materialize?

  28. tagairaya tagairaya

    Babuyan ba o Kababuyan?

  29. Etnad Etnad

    Kaya pala unti unti ng nagiging mukhang baboy ang mga nakatira sa Malakanyang.

  30. Mrivera Mrivera

    ‘tang inang bank secrecy law ‘yan!
    pera ng bayan ang nasasangkot kaya walang dahilan itong inang baboy upang ipagpilitan ang immunity na ‘yan!
    hindi nila sariling kuwarta ang piang-uusapan kundi pondong galing sa kaban ng bayan na ginagamit nila sa kanilang kababuyan!

  31. HAHAHAHA natawa talaga ako sa headline mo Ellen!

    @tagairaya: they’re all the same pare-parehas sinonim antonim kinuchiwabongganim babuyan, kababuyan, binaboy, kinababuyan it’s always a question of leadership.

  32. Toney Cuevas Toney Cuevas

    How about Malacanang Palace, once the People’s House, now has became the “Pig Farm” or Hacienda ng Baboy of Whore Gloria. Whore Gloria is the mama pig and we all know who the papa biggest pig of them all without the benefit of the doubt. Since 2001 when all this babuyan govierno started, it would be safe to assume, for as long as whore Gloria is the mama baboy in the pig farm, things are not going to change. One way to change i though as I can see it, is deliver those baboys to palengke, the slaughter house, if you will, to be butcherd. Those baboys in the pig farm are already been fattened enough, to maximum, and the darak with kanin feed it’s now depleting, time to get something in retun from their piggy wiggy behavior. Like a bad disease, it must be cut out or it will spread, if it’s not already.

  33. Toney Cuevas Toney Cuevas

    Baboys in the pig farm are only good for pork rind, leather goods and adobong baboy, et al. They’ve no brain nor feeling, non-appreciative bunch of baboys, if I may add. All they do is just eat, eat all day, sleep and make a messof putik. In addition, they are the biggest contributors in polluting to the environment and our rivers, their stink from the pig farm can be smelled if one is happen to be strolling around Meycawan in Bulacan. Be that as it may, Pilipinos are in to baboy, sadly. Most especially those in the pig farm, it’s their daily staple diet to fatten all their piggy banks.

  34. Toney Cuevas Toney Cuevas

    So, its now the moment to butcher the mama pig! And the papa pig and all the wiggies piggies in the pig farm. Since, they’re nothing but a nuisance to the neighborhood. Oink! Oink! Oink! Katayin na!

  35. Toney Cuevas Toney Cuevas

    “Senator Panfilo Lacson has urged President Gloria Macapagal-Arroyo to give the nation a break by spending the last two years of her administration ensuring the transparent dispersal of funds to address the rice crisis. Also, called for a Senate probe into the unaccounted P2.2 billion in loans released by the Quedan and Rural Credit Guarantee Corp. (Quedancor) to swine raisers.”

    Here we go again, asking the mama baboy to give the Pilipinos a break. Baboy Gloria giving the nation a break? Gloria wasn’t called a baboy for nothing. Like I once said, mama baboy has no feeling nor shame, just a total mess.

    Another probe or inquiry by good Senator is well and good, but this is getting old. How many of those Senate probes the country has been through already? But, the country must have the standard exercise as the norm, check on the mama baboy, see if the baboys are behaving. But, while being probed, instead mama baboy went piggy wiggy all the way to Jose Pidal in Swiss. Then, the country lives ever broke after.

    Is there more to this tiring exercise by the Senate? Is it going to be over in 2010 or there are more to the story long after the 2010. Yet, remain to be seen. I can’t wait to see the ending of this babuyan story.

  36. Zardux Zardux

    Malaki pala ang kita sa babuyan ni gloria.

  37. rose rose

    Hindi puedeng gawin na fertilizer ang mga baboy..maka mamatay ang mga tanim..

  38. parasabayan parasabayan

    So itong Yap pala na ito ang tigasalo ng mga agri problems ni evil bitch. Kaya yung 40 bilyon na binibigay sa kanya ngayon ni evil bitch ang kabayaran ng mga serbisyo niya sa pagtatakip sa mga kasalanan ni evil bitch! Kaya lang hindi rin makokorner ng senado yang si Yap kasi sakop ng “excutive privilege” ang nakawan ng pera ng agricultural projects!

  39. parasabayan parasabayan

    Tongue, is this Cito Lorenzo still connected with the government now? Baka naman pwede ng itago yan in a safe place para tumestigo later when the evil bitch is about to exit. Sa ngayon kasi, she has all the power to pay off people, abduct them and evil kill them. Nakakatakot talaga itong evil bitch na ito! Maybe Cito can live out of the country muna and he can later come back when the evil bitch is being prosecuted!

  40. rose rose

    Ang pera na nawawala ay para sa mga swine raisers..and that is why may karapatan si Gloria na mapunta sa kanya..she is entitled to it..she is a swine raiser..Mama Pig, Papa Pig, Daughter Pig and the two Sons..and the grandchildren…not counting the yayas and all who works for her…

  41. chi chi

    Umaalingasaw ang baho ng babuyan ni Korap Gloria!

  42. bitchevil bitchevil

    And now, the anomaly is about irrigation. Billions of irrigation funds were unaccounted for. Name any government project and each is tainted with anomaly and corruption. This shall continue until 2010. Unless this Midget is removed now, many more anomalies would be discovered and still to come.

  43. Mrivera Mrivera

    bakit kailangang direktang ipasa ilalim ng office of the president itong quedancor? gayundin ang iba pang ahensiyang maaaring gawing palabigasan at gatasan?

    dahil ba sa pondong maaaring kontrolin at ibulsa? bakit hindi makapagbigay ng malinaw na talaan ng mga pinautang at kung magkano ang tunay na halagang tinanggap ng bawat beneficiary?

    iisa lang ang target ng administrasyong ito. ang huthuting tuyot ang kaban ng bayan hanggang sa huling sandali ng panunungkulan sa taong 2010. ‘yun ay kung may balak pa ngang umalis sa malakanyang ang mag-anak na may ari ng pinakamalawak na babuyan sa buong pilipinas na sa dami ng alaga nilang baboy at katulad na rin sila sa kababuyan.

    napakababoy nga nila!

    ‘kakapal ng mukha!

  44. Mrivera Mrivera

    mas may kahihiyan pa nga ‘yung mga alaga naming baboy dahil buong pakumbabang nakatungo habang naglalakad. siguro kahit alam nilang sila’y pinakikinabangan matapos katayin ay nahihiya pa rin dahil sa kanilang pagiging baboy.

    pero itong nananahanan sa malakanyang na mag-anak na sobrang sisiba at gahaman sa salapi’t kapangyarihan ay ipinagmamalaki pa ang kanilang kababuyan!

  45. parasabayan,
    Ang balita ko, kasabay ni Jocjoc nawala si Cito Lorenzo nung naging mainit yung fertilizer scam. Green card holder yata ang mokong kaya nagtatago sa America. Sa ilalim ni Lorenzo nangyari lahat iyang fertilizer, swine, irrigation scams na iyan.

  46. Huwag kayong magugulat pero meron pang isang kontratang pinirmahan iyang ZTE sa gobyerno ni pResident Evil Bitch. Nakakagulat, kasi walang kinalaman sa Telecoms na siyang negosyo ng ZTE.

    Baryang-barya kung tutuusin yung “tong-pats” nila Abalos at Greedy Group sa kikitain dito sa isang project ng ZTE. BILLIONS OF DOLLARS ang halaga ng maaring kitain dito.

    Hulaan ninyo kung anong project.

    Sirit?

    Pagmimina ng ginto sa Mt. Diwalwal! Susunod na iyang puputok na balita!

    Ano kaya ang silbi ng WiMax sa pagmimina?

    Grabeng babuyan na ito. Dapat siguro itong tawagin na….

    SWINEMAX!

  47. Pahulaan #2

    Sinong senador ang nagsabi nito:

    If there is a need for the Senate to investigate this matter, I will support it,” he said.

    The Senator said that if the reports are true, “it is a pity that a supposed program to benefit indigent hog-raisers has become a venue for a billion-peso corruption.”

    Sa likod ng posibleng pag-abot sa P200 kada kilo ng presyo ng baboy sa pamilihan, lumilitaw na nagkababuyan na pala sa programang ito ng pamahalaan. Imbestigahan ang dapat imbestigahan, parusahan ang dapat parusahan,” he added.

    Sino’ng Senador ito?

    Sirit?

    Si Bong Revilla! Gulat ba kayo?

  48. Nasa Switzerland ba si Pandak?

    Sa Biyernes, April 11, merong review ang UN Human Rights Commission ng human rights record ng Pilipinas sa Geneva. Dito na maglalabasan lahat ng itinatago ni Tiyanak na baho. Yung final report ni Special Rapporteur Philip Alston, nakasubmit na. Nandoon na rin yung mga lobbyists laban kay Gloria at namigay ng position papers sa mga attendees.

    Ang presentation ng gobyerno ay nakasentro sa dami ng batas, instructions, policies, task forces, na talaga namang napakarami kung hindi kabisado ng ibang nasyon akala nila’y matindi ang pagpapatupad ng human rights sa Pilipinas.

    Ang misyon ng mga kontra kay Pandak ay ipaliwanag ang mga ebidensiya na ang lahat ng ito’y puro lamang pabalat-bunga.

    Ang tunay na bulok ay lalabas lamang kung talagang babalatan. Magtagumpay sana silang ipaalam sa buong mundo ang kalunos-lunos na kalagayan ng karapatang pantao sa ilalim pamumuno ng demonyang pokpok!

  49. Mrivera Mrivera

    sabi ni apolpol ay covered daw ng bank secrecy law ang pautang ng quedancor at walang sino mang pribadong tao ang pinapayagan ng batas upang bulatlatin ang bank account ng sino mang loan recipient unless merong written permission mula sa account holder.

    ibig sabihin pala, kahit pondong galing sa kaban ng bayan ang nasasangkot sa anomalyang ito ay hindi rin puwedeng pakialaman ng taong bayan?

    matalino talaga itong apolpol na ito. maaasahan. at may kusang palo bilang sipsip na tagapagtanggol ng kurakot na administrasyon!

  50. chi chi

    Tongue,

    Mas mabuti sana kung pagsalitain si Mrs. Edith Burgos sa UNHCR.

    Balita ay isang katutak ang ipinadala ni Korap Gloria dun para balandrahan ang mga’reklamador’ sa sitwasyon ng Pinas human rights.

    Ano ang ginagawa ng bitch sa Switzerland? Naglilipat ng kurakots sa Caymans!

  51. Mrivera Mrivera

    galing sa kabila:

    happy gilmore Says:”…….., those who are in power now were once in the opposition – but our problems remains unsolved because the root cause of our problems are systemic and cultural.”

    mali ka, happy.

    mas lamang na personal ang dahilan kaya kami naghihirap ng ganito.

    PERSONAL na pangungurakot ng ngayo’y mga nakapuwesto lalo na ang kagalanggalang mong panggulo!

    happy, sobrang pitong taon, isipin mo. walang ipinagbago. mas nalulublob pa sa pagdarahop ang mga pobreng walang mapasukang hanapbuhay at walang makunan ng ipangpupuhunan upang kahit paano ay makasalba sa pang-araw araw na pangangailangan.

    sa halip na isipin kung paano maglingkod nang maayos sa bayan ay pagpapayaman ang inuuna ng mga walang budhing hinuhuthot ang kaban. puro utang. kabikabilang utang na wala namang pinupuntahan kundi ang kanilang mga hindi na yata napupunong lukbutan.

    sino ang magbabayad ng mga inutang na hindi namin pinakinabangan?

    kami ring mga dukha at karaniwang mamamayan!

  52. chi chi

    Ikulong yang lintik na si Nelson Buenaflor, president of Quedancor na hindi alam kung nasaan na mga baboy! Accounting mistake lang daw at hindi nawawala ang pondo sa programang babuyan ni Korap Gloria. Nandun kay Gloria!

  53. irene irene

    Huwg na kyong magtaka! Nababagay lang nman sa kanya ang farm pig. Pamilya BABOY nman sila. Tingnan mo si Mike Fatso BABOY, buti nga ngayon medyo lumiit na sya ksi nagpa lipo! Tignan mo si Gloria ang pandak-pandak ang laki ng mukha nya! mukhang BUBUWIT pa, HAHAHAHA!!!!! yong dalawa nyang anak na lalaki na mga tongressesta, maga baboy din ang mukha at katawan kaya bagay lang sa kanila ang Familya de ungek! ungek! ungek!!!! yong anak lang na babae ang parang malnourish, siguro nag sa-sahbu yon or cocaine. Hindi ako magtataka kung ang susunod na mabulgar e, mga drug lord din pala ang Familya ungek!!!!!

  54. haji haji

    Welcome to Republika ng Babuyan where you can find
    the longest Chorizo in the world. Sabi ng kaibigan kong
    Hapon he’s interested to invest in Cocodile farming in
    Palawan kaso lang maraming red tape. I told him don’t
    pursue your plan sayang lang ang pera mo dahil maraming
    buaya sa gobyerno especially diyan sa Agri-hakot-department.
    What is next Bakahan Scam o Kambingan Scam.

  55. Lintik talaga sa kasuwapangan! May P300M “arranger’s fee” pa. Okey lang sana kung mahirap ang trabaho ng mangumbinsi. Kaso, parehong gobyerno ang Quedancor at Landbank! Nangumisyon sa isang transaksiyon ng parehong opisina ng gobyerno?

    Pero ito, opisinang nasa ilalim ng presidente mismo ang nangutang, kinotongan ng komisyon!

    Kanino sa palagay ninyo ibinigay yung komisyon?

  56. dandaw dandaw

    How many corporations or businesses has GMA and her baboy are in? and how many has Marcos? It is unbelievable that a Philippine President earns $6,000.00 a year. That is below poverty line in the U.S. It is time to trace their hidden wealth. San Jose Mercury News did a big story with Marcos and the Mercury News got a Nobel Prize for their investigative reporting. Since GMA and her Mafia gangs have already a precedent with Marcos, it will take an FBI to uncover their loot. Though thieves of that magnitude I believe will not go unpunished. There was a study done on the evil deeds of short people, Napoleon and it says they have a short circuit in their brain that triggered their criminalities.

  57. Mrivera Mrivera

    magkatulad na paghihirap na dinanas sa ilalim ng administrasyon ng mag-ama? nakadalawa na, meron pa bang pangatlo?

    naku po! ipag-adya nawang muling mapasailalim ang pilipinas sa pamamahala ng sino mang magmumula sa angkang ito. nakakaawa na ang susunod na salinlahi kung hindi pa matututo ang mga pinoy sa pagpili ng mamumuno sa bansa.

    tayong mga dumanas ng dobleng kahirapang ito ay maging matalino na at huwag ng padadala sa mga pangako at matatamis na salita. gayundin, itong mga kasalukuyang nagtatakip sa mga katiwaliang alam nilang kinasasangkutan ng mag-anak na magbababoy na nananahanan sa malakanyang ay magtika na at unahin ang kapakanan ng mga dukhang mamamayang kinabibilangan din ng kanilang mga kakilala, kaanak at kaibigan.

    may panahon pa upang itama ang mga naging maling desisyon at paniniwala. maaari pa nating maisalba ang bansa alang-alang sa ating mga anak at apo at sa mga susunod sa kanila.

    pagkakaisa at pagbibigkis ang susi gayundin ang pagtayo at pag-ako sa kanya kanyang pananagutan para sa pangkalahatang kapakanan.

    hindi lamang ako.

    hindi lamang ikaw.

    hindi lamang siya.

    hindi lamang kami.

    hindi lamang sila.

    at, lalong hindi lamang kayo.

    kundi LAHAT TAYO!

  58. Valdemar Valdemar

    Mabuti pa siguro kung dina dumaung si Magellan at mga kampon ng religion. Nanatili sana tayong Muslim at walang nalustay sa ating pera dahil lang sa mga baboy.

Comments are closed.