May litrato sa Malaya noong Miyerkoles ng mga sakong bigas mula sa Estado Unidos na nire-repack sa National Food Authority. Ang nakalagay “U.S No. 2 quality long grain, 4% broken”.
Kapag sinabing “broken”, may halong binlid. Yung maliliit na bigas. “Broken” ang tawag kasi parang yun ang mga basag na bigas. Kapag four per cent, good quality pa yan. Ibebenta ng NFA ang 4 per cent broken ng P25 isang kilo.
Ngayong linggo, darating ang panibagong importasyon galing ng Amerika.Twenty-five per cent broken. One fourth ng isang sakong bigas ay binlid at ibebenta ito ng P18 bawat kilo.
Sa normal na panahon, ang binlid ay ginagawang pagkain ng baboy. Nilulugaw yun dahil mahirap saingin. Dahil nga basag na mga bigas, basa yun kapag sinaing.
Itong mga klaseng bigas ay latak na sa mga bodega ng ibang bansa. Dati pinamimigay na ng Amerika yan sa mga gutom na gutom na bansa sa Africa. Binibili na natin ngayon dahil yun na lang ang natirang pwedeng bilhin sa world market dahil nagkahirapan na nga ang supply ng bigas.
Sa sobrang galing kasi ni Gloria Arroyo, hindi siya nagkaroon ng population program dahil magagalit sa kanya ang mga Obispo. Hinayaan niyang kurakutin ng mga tauhan niya ang pera para sa agriculture kaya binebenta na ang mga palayan para gawing subdivision. Ag resulta noon, kukunting produksyon ng bigas. Import tayo ng import ng bigas. Sa panahon ng gipitan, pati binlid ng ibang bansa, binibili natin para may makain.
Ganoon na nga ang nangyayari, ayaw pa rin maniniwala ng Malacañang at ang mga alipores ni Gloria Arroyo na naghihirap ang taumbayan.
Sa survey ng Pulse Asia na lumabas noong Martes, 12.8 milyon na Pilipino (71 0%) ay nagsasabing hirap na hirap na sila. Dalaw sa tatlong Filipino (66%) ay nagsasabi na lalong hirap ang buhay nila ngayon kaysa noong mga nakaraang taon kahit na pinaglalandakan ni Gloria Arroyo na umuunlad raw ang bayan sa kanyang magaling na pamalakad.
Sabi ni Rep. Luis Villafuerte na president ng Kabalikat ng Malayang Pilipino (Kampi), ang partido ni Arroyo: “Hinahamon ko ang Pulse Asia na ilabas kung profile ng respondents. Saang lugar sila nagtanong? Sa lugar ng mga dukha? Sa lugar ng miuddle class? O sa lugar ng mayayaman.”
Pinagyabang ni Ricardo Saludo, cabinet secretary na ang ang galing nila, Sabi daw ng World bank 5.7 o 5.8 % lang ang asenso ng ekonomiya ng Pilipinas ngunit nagawa nilang 7.3 %.
Ang mga kakilala ko naman ang nagtatanong kung saan hahanapin ang 7.3% growth na yan. Pwede rin ba yan masaing panhalo sa binlid na ibinebenta ng NFA?
Pinakakain ni Korap Gloria ang mga mahihirap nang US rejects!
Halungkatin ang mga binlid ng sakong bigas at nandun ang 7.3% growth. O baka nakatago sa bulsa ni binlid-brain Saludo!
Ang lungkot naman..ipapakain sa mga mahirap ang para sa baboy..just a while ago, I read the news about the anomalies in the swine industry program..nawawala yong former Executive Officer, hindi alam kung saan napunta ang pera ng Quedancor..ang palagay ko kinain ng Baboy sa palasyo yong pera..
Ano ba naman yan, nasupalpal na nga sila ng ADB report hanggang ngayon pinapangalandakan pa rin nila ang 7.3% growth.
Its a fluke and the only reason it went up was due to the last illegal campaign over spending embarked on by the government. Instead of getting worried they have the gall to spin it off as an accomplishment. Liars indeed and the arrogance never ceases……..
Nakakalungkot isipin na ang isang bansang mayaman sa natural resouces lalo na sa agrikultura ay bumibili ng “binlid” sa ibang bansa para lang may ipakain sa mga tao. Sabi ng gubyerno, ala raw crisis sa bigas. Tanong ko lang po… Bakit nila ipakakain sa mga tao ang binlid na pakain baboy na maituturing kung alang krisis. Ganyan na ba talaga kababa ang tingin nila sa aming mahihirap?
On the level……..
Improved economy daw? Sinong niloloko ng mayabang na magnanakaw na iyan? Kung mayaman na ang Pilipinas nag-uwian na sana ang mga pilipino dito sa Japan sa bansa nila.
Sa totoo lang, ang dami naming inaalagaang mga pilipina dito ngayon na mga biktima ng domestic violence na kung problema ng hapon ay madaling nagagawan ng solusyon ng mga autoridad dito. Sa kaso kasi ng mga pilipino ay may tinatawag na problem of jurisdiction maliban na lang kung hindi na makikialam ang embahada ng Pilipinas.
Meron nga akong inaasikasong sinunog ng dating yakuza na kabit ng sinunog. Gulat nga ako kasi sa hirap ng buhay nila sa Pilipinas ay magtitiyaga pa rin siya sa Japan kahit na anong pahirap at pasakit ang dinaranas niya sa Japan na mas di hamak na mabuti naman daw kesa iuwi niya ang mga anak niya sa Pilipinas at danasin ang kahirapang dinaranas ng pamilya niya doon. Dito daw sa Japan kahit wala siyang mataas na pinag-aralan at nakakapamuhay siyang marangal at kahit papaano ay alam niyang hindi lalaki ang mga anak niyang mangnmang.
Tignan mo nga iyong pinuno ng partido ng Kampi na si Villafuerte, abaw may lakas pa ng loob na mang-insulto ha. Sasabihin ba niya na kung mahirap ang sumagot sa Pulse Asia ay huwag pansinin dahil sagot ng mga mangmang at walang pinag-aralan? Sa amin iyna sisibakin ang animal na iyan na hindi ginagawa ng tama ang trabaho sa Kongreso ng Pilipinas para mabago naman ang buhay ng mga pilipino na hindi parang lahat mga pulubi.
Kaya ba ginagawa ni Gloria ang pagmumudmod niya ng pack of rice at ramen niya para ipamukha sa mga pilipino na pulubi sila dahil sa salawikain na, “Beggars cannot be choosers”? Iyon ba ay para palaging nagpapasalamat sa kaniya ang mga pilipino kahit na ang perang iyon ay galing din sa kanila pati na iyong mga inuutang na pmapuno sa mga ninanakaw niya at ng mga galamay nilang mag-asawa na babayaran ng mga pilipino ng heherasyon ito at sa darating pa.
Kawawang bansa! Niloloko na ayaw pa ring pumiyak!
Ellen,
Iyang mga bigas na iyan na galing sa Tate, di ba abuloy ng kano iyan sa mga mahihirap sa Pilipinas, bakit kailangang ibenta? Para may pera na naman si Gloria Dorobo?
Sinungaling ang animal na ipinagmalaki pa iyong strong peso daw niya na pinupunuan ang kaban ng bayan ng utang lang, wala namang production maliban sa mga OFWs.
Puede ba tigilan na ang kabobohan ng economist daw na iyan. Kening buri mo nga ang animal kasi ubod ng yabang! Parang katulad noong kapitbahay namin noong araw na tuyo ang ulam kinukubyertos pa para hindi halatang naghihirap!
Sa isang banda, buti may binlid rice from the USA. Baka mamaya sasabihin ni Gloria Dorobo at noong behong ministro niya na pakainin na lang nga darak ang mga pilipino. Ginawa pang baboy! At least, iyong baboy may dagdag kaning baboy at arnibal iyong darak! Iyong mga mahihirap, bibigyan yata ng ramen na gawa sa Tsina na alam namin na punong-puno ng bawal na mga chemicals. Kawawang mga pilipino!
Ngayon sinasabi ng mga tuta ni Gloria Dorobo, hindi daw kasalanan ng gobyerno niya na lumalabas ng Pilipinas ang mga OFWs. Sila daw ang may gustong lumabas sila ng bansa dahil mga ambisyoso sila.
Wow, ang katwiran! Bakit mabibigay ba niya ang kinikita nila sa labas ng bansa? Dapat lang silang magkaroon ng ambisyon na kailangan pang sa ibang bansa matupad. Sino ngayon ang dapat na sisihin?
Tapos ang tapang ng apog na magyabang sa ibang bansa ng hinayupak! Improved economy daw! Neknek mo, Gloria!
Lahat ng may pagkakakitaan, naka dip ang hands ng mga Arroyo. Kung donation lamang ang mga binlid ng America at ibinibenta ito, ito na talaga ang pinaka macapal, walang prinsipyo at pinaka low life na leader sa buong mundo.
Malala ko, hindi ba iyong allowance ng mga sundalo in dollars na bigay yata ng United Nations para sa peace keeping missions ay may nagbulsa din o may kumuha ng cut, ano na kaya ang nangyari duon? Laging mga nakakalusot at nalilimutan ang issue kaya tuloy tuloy ang nakawan.
Patalsikin na iyan! Hindi ba nahihiya ang mga opisyal ng Pilipinas na ang lalakas pa ng loob na magyabang samantalang majority ng mga pilipinong umaalis para sa ibang bansa ang tingin sa bansa nila ngayon ay impiyernong dapat nilang takasan?
Iyong mga nabubugbog, nare-rape, etc. sa ibang bansa nga, kahit na halos mapatay na nga, kung papipiliin, mas gusto pang ma-rape, etc. yata, huwag nang umuwi sa Pilipinas kung makakatrabaho pa rin sa ibang bansa despite the risk walang iniwan doon sa mga nakakulong sa mga Japanese prison na ayaw nang umuwi sa Pilipinas at hindi atubili na nakakulong sila kasi kahit papaano daw may kita sila?
Now, come to think of it. Iyan kaya ang dahilan ni Ralph Recto noon na niririkisa kung ilang ang mga pilipinong nakakulong sa ibang bansa? Iyon kaya ay para malaman kung magkano ang ini-income ng Pilipinas sa mga padala ng mga nakakulong sa ibang bansa? Walang patawad talaga ha? Pati iyong mga nakakulong, gustong gatasan!
Please mahiya naman si Gloria Dorobo kahit kaunti man lang! Patalsikin na iyan!
Yuko,
Isip ko nga na abuloy lang ng US ang mga binlid na yan sa Pinas. Iyan ding klase ang abuloy ng US sa African countries na walang makain.
Tama ka, pinagkakakitaan ng Pidal mafia ang binlid na galing US!
napaklungkot isipan.
talagang napakalungkot.
saan na ba si Happy?
Ricefields in the country are more than enough to feed us all. Something went wrong and CARP is the primary culprit. The chinese seasonal buyers are secondary and the administration sleight is only a third.
Nakikialam na ang mga obispo sa CARP. Gusto nilang ipamigay yung 1.3 million hectares sa mga mahihirap. Heh,heh,heh…papayag ba si evil bitch dito? Di wala na siyang maiparenta sa mga Intsik.
Ingat lang ang mga kakain niyang binlid kasi baka sumuot pa sa mga cavities ng mga kakain. Aray ko po! Ni walang dental plans sa Pilipinas kaya puro bukbok pa ang mga ngipin ng mga mahihirap.
Baka nga ang sabi ng US eh ibigay ang binlid sa mga mahihirap kaso mo ang narinig ni Yap ay “ibenta” sa mga mahihirap.
There is no excuse for rice shortage in the Philippines. Even Japan which has very limited land for farming finds ways to make their staple food sufficient.
Ano na naman kaya ang rason si bubuwit sa shortage na ito? Her spin doctors will definitely come up with a “twist”, making it beneficial to her!
The bulshitology of Arroyo’s Enchanted Kingdom in La La Land,people in her banana republic will not starve,they will have to pay the higher food prices.However,if people are hungry,they are angry!
Arthur Yap: ka-ma’am-halan, di ko na po maitatago ang kakulangan ng bigas at patuloy na pagmahal ng pagkain. Nagugutom na po ang inyong mga alipin. Wala na po silang makaing bigas!
EvilGlo: Let them eat cake!
… sana alam nyo ang kasunod ng kwento nito sa kasaysayan. interesting!
kelan ba nabusog ang mga pinoy? ang mga nakaluklok ngayon ay dating mga gutom – naliligo na nga sa pera – gutom pa din. will things be any different kung palitan ng mga nakaupo?
ginagamit lang ang issue ng pagtaas ng bilihin para ma destabilize ang gubyerno. pero pag ang mga oposisyon na ang nakaupo – uunlad ba ang ma buhay natin? HINDI.
systemic as well as cultural ang problema ng pilipinas. unless we can solve these two problems, walang mangyayari sa atin.
happy, mabuti naman eh nagparamdam ka. wala akong mapagtrip-an kaya papatulan kita. eh kung ang sagot pala sa tanong mo eh isang malaking YES?!! O kaya sabihin na nating hhmmmm… yes pero konting konti lang ang magiging kaibahan. We will never know unless we try di ba? The only thing certain here is kahit ano o sino’ng pumalit kay Evil eh siguradong magandang kaibahan dahil, truth be told, wala nang mas dedemonyo pa sa panunungkulan ni Gloria sa kasaysayan ng Pilipinas.
So, ok ka na? agree ka na na palitan na nating ang demonyo mong idol? And don’t say na hindi na uunlad ang buhay natin kung iba na ang nakaupo. Ano ka, Diyos para malaman ang sagot dun sa tanong na yun? Just like your evil idol, you are playing God happy. tsk, tsk… nahahawa ka na sa kahibangan ng idol mo.
Sabi ni evil bitch, global daw ang problema ng bigas dahil daw sa global warming. Eh bakit ang Thailand at Vietnam ay may bigas na ine-export? Magkakapit bahay lang tayo dito sa mga bansang ito. Pareho ang klima natin. Ang diperensiya lang ay mas inaasikaso ng Thailand at Vietnam ang produktong agrikultural katulad ng bigas. Marunong talagang maglubid lubid ng kasinungalingan si evil bitch!
I can still remember the 1976 rice crisis,when as ayoung boy have to queue a long line in NARIC bodega,sometimes it take hours and we can only buy atleast 2kilos of rice,the rice was a mixture of milled corn and binlid with a lot of small pebbles.and the smell yes the smell,it smells rotten when cooked I cannot forget that smell ha ha ha.How I wish my kababayan out there will not experienced eating this kind of rice anymore.
Ellen, di ko alam ibig sabihin ng binlid. Tinanong ko sa Mommy ko, yan daw yung nasa dulo ng bilao pag tinatahip ang bigas. Itinatapon na raw yan o kaya’y ipinapakain sa manok o itik. Dyusme!Pagkain ng manok ipapakain ni Pandak sa mga tao?
Ramdam na ramdam nyo ba ang pag-unlad?
Iyan ba ang binlid? Akala ko ay bigas ‘yan na tiniris-tiris.
Susmaryosep, kung ang binlid ay iyong mga itinatapon ko sa mga manok ni Tatay e talaga namang malapit na tayo sa “perdition”!
7.3% growth nakatago sa binlid!
Matanda na pala itong si ebvmart, ako ang inabot ko RCA at NGA na. Si Cocoy siguro ang kababata nito.
Ang alam ko, matinding drought ang tumama sa Pilipinas noon kaya nawalan ng bigas. Pero ngayon ang natutuyo lang e ang kaban ng bayan dahil ninanakaw ng mga kawatan sa Malacañang.
Ang kaibahan, si Marcos, inasikaso ang irigasyon, pinondohan ang research, nag-decree na lahat ng lupang idle at tiwangwang, pwedeng tamnan. Resulta, Masagana 99. Nagkabuhay ang mga magsasaka ng Central Luzon. Naging self-sufficient ang Pinas sa bigas na kinainggitan ng lahat na kapit-bansa. Kaya iyang Thailand at Vietnam nagpadala ng mga scholars nila dito sa IRRI para pag-aralan yung milagro ni Makoy.
E ngayon, itong diktador-wannabe ang programa lang alam e mag-import (siyempre kasabay na ang kupit diyan)! Nanlilimos sa Thailand at Vietnam na pinakamalalaking exporter ngayon ng bigas. Papalo na sa $1000 per Metric Ton ang Thai rice kaya pati patuka ng manok, ipapakain na sa mga kawawang Pinoy.
Ekonomista daw siya, bwahahaha!
Tama ka chi. Malapit na.
Dagdag ko pa, pati simbahan noon, ipinagbawal yung pagsaboy ng bigas sa mga bagong kasal.
Pag si Luli ang ikinasal, granada ang ihahagis diyan!
Cocoy,
Nandiyan ka ba? Paki-explain nga…ano ba ang NARIC at bakit nagkarun ng tag-gutom noong 1976?
Kung dahil sa marinding drought, as alam ni Tongue, ay acceptable…natural cause. Pero itong tag-gutom na halos ay nangyayari na ay unacceptable dahil gawa ng kurakots ni Gloria…evil woman made.
Galing talaga ni Gloriang Manananggal. Baka pwedeng taniman ang Diosdado Macapagal Highway ng palay at kapag umani ay mapapakain ang taong bayan. Puro kase pangalan ng Macapagal ang inaatupag pati ang dating Clark Air Base pinangalan na rin sa tatay niya. Ang tatay nya ba ang nagpaalis sa mga Amerikano? Bakit hindi na lang palitan ang Pilipinas ng Republika ng Macapagal tutal garapal naman at wala ng kahihiyaan si Gloriang Manananggal.
Ekonomista, magaling na ekonomista nag aral pa sa ibang bansa. Hindi kaya ang kanyang pinag aralan ay kung papaano padamihin ang kanyang sariling pera at walang paki alam sa taong bayan. Siguro ang katuwiran nitong si Gloriang Manananggal mag aral din kayo sa ibang bansa. Hindi matalino kung hindi magulang, ginugulangan niya ang kapwa niya Pilipino. Baka naman lider ito ng buloy-buloy gang kaya lahat ng kausapin niya napapaamo ilabas lang niya ang kanyang ngipen at pakurap kurap ng mata ay mapapaamo niya.
Ano ba ang kasalanan namin mahihirap at lalo kaming naghihirap matipid naman kami halos dalawang beses na lang kaming nakain sa mag hapon, baka ngayon isang beses na lang at nilugaw pa.
Ang binlid ay iyong reject pag “inayagan” yong bigas para mahiwalay ang buo at ang binlid para sa manok o iluto para pagkain nang baboy..
Ang NARIC no-on sa pag-alaala ko ay nadamage ang production sa manga ta-on na yon sa “Locust Infestation” kaya Ulam namin no-on fried locust at ang sarap din. iyon lang ang mura no-on sabay din nang prolong dry season… somebody can confirm this, t’was very long time ago ma-ari mali ako, at panahon rin ni Dadong Macapagal yon…
Ang NARIC ay itinatag ni Monching ayun sa kuwento ng lolo ko na ang ibig sabihin ay——National Rice and Corn.
Ng si Gloria na————-Naibulsa ang Rice and Corn
PSB,
Hindi naman kumakain ng bigas ang mga Europeans, et al sa totoo lang. Nang nag-aaral nga ako sa England, nasabik ako sa kanin. Panaginip ko nga kumakain ako ng kanin. Nagsawa ako sa patatas.
Manloloko talaga ang animal na sinungaling. Kinurakot ang mga pera para sa mga fertilizer tapos iyong mga kakutsaba naman ng mga ungas, ni-landgrab ang mga lupain para sa pagpo-produce ng mga pagkain (bigas, gulay, etc.) para gawin subdivision o kaya ipaupa sa mga intsik na magdadala ng mga intsik na lulusot at magpaparami sa Pilipinas gaya ng mga workers na ipinapadala ng Tsina kasama ng mga ODA grants nila sa Africa para daw mag-produce ng pagkain para sa mga intsik sa Tsina, hindi para kainin ng mga pilipino na aamutan lang kung bibilhin nila ng mahal ang mga ipo-produce ng mga intsik.
Medyo magulo ba? Pero iyan ang alam kong gagawin daw sa mga lupaing ninanakaw mula sa mga magsasakang pilipino. Iyan ang isa pang kawalanghiyaang alam ni Gloria Dorobo na pag nabisto, Wow! Ang galing manduro ng iba. Hindi talaga aamin ng kasalanan. Pirming may pinagbibintangan ang ungas! Kunyari pa raw ang ungas na parang akala mo talagang tagapagtanggol ng taumbayan. Puede ba tama na ang arte?
Tama na, Sobra na, Sipain na!
Vic: ang binlid is binlod (binlud) sa Bisaya? Hindi ba pagkatapos ma bayo ang paray, you have to separate the chaff..using the kararao..ang upa will be used for the pigs while the good rice damaged in the process of pounding is what we call binlud? ang this is cooked para sa linugaw? just like the cream of wheat? ano na nga sa ingles ang kararao? My Tagalog is bako bako..while my visayan is halo halo with kinaray-a and ilonggo..mixed up dialect..or chop suey dialect?
Thanks, Vic.
Locust infestation and prolong drought and rason pala kung bakit may NARIC noon time of the father. Now time of the daughter, the cause of rice shortage/no rice pala is all corruption of the 4×6 bitch.
Buti pa diyan sa inyo sa Canada, sitting pretty lang ang mga Pinoy at walang masyadong problema.
Rose,
Dapat ay si Korap Gloria at pamilya ang unang kumain ng binlid at ipa (chaff)kasi ay babuyan naman ang laro nila.
Chi:
Maliit pa ako may NARIC na. Puro kurakutan na kahit noong Congressman pa lang si Dadong.
Nagkaroon din ng rice shortage noon panahon ni Dadong dahil din sa natural at unnatural (graft and corruption) causes. Panay ang bagyo noon at nasalanta ang mga pananim. Iyong tatay kasi ni Midget kunyari malinis pero kurakot din—siya ang nagpauso ng suhol via pork barrels according to people who knew the Macapagal tricks.
Kawawa talaga ang Pilipinas at mga pilipino kapag lumaganap pa ang lahi ng mga iyan!
Chi,
Noong bagong nakaw pa lang ng posisyon si Gloria Dorobo tanda ko iyong nabulok na bigas na galing sa US na na-hoard ng kaibigan ng mga Pidal sa isang warehouse sa Batangas. Inamag dahil nabasa daw.
Sabi sa balita noon na taon-taon ay nagbibigay ng bigas sa Pilipinas ang America para sa mga mahihirap pero dahil sa mas maganda yata ang bigas na iyon ay inisip ng mga kurakot na ipalit ang mga bigas na iyon para ibenta at iyong mga low class na bigas ang ipamumudmod sa mga mahirap.
Noong panahon nga ni Marcos, tanda ko na ipinamumudmod ang mga bigas na iyon tuwing Pasko kaya nga may pila doon tuwing magkakaroon sila ng Christmas celebration sa Malacanang Park.
Ngayon siguro dahil na rin sa pagyayabang ni Unano na improved ang economy ng Pilipinas kahit hindi, sabi siguro ng mga kano, hindi na puedeng puro libre na lang ng bigas ang Pilipinas. Pero putris naman. Mukhang hindi lang binlid ang ihalo. Baka lagyan pa ng darak!
Chi, ang problema nang Pinoy dito kong pa-ano mabudget ang kinikita para sa sarili at kamag-anak sa Pilipinas..dati magpadala ka nag $200. buwan-buwan sa pamilya na isang kapatid suffeciente na,ngayon $500 kinakapos pa,,kaya kawawa rin kami, dami rin na-iwan do-on..
Vic,
That’s also the complaint of my relatives in San Diego. Exacto $200 they used to send parents in Pinas. Tapos ngayon, pulubi raw sila with $200 lang. $500 na rin ang padala nila ngayon sa Pinas. Patay-patayan sa trabaho ang mga OFWs at mga Pinoy na meron sustentado. And Gloria has the gall to say that very soon working abroad will be a choice and no longer a necessity.
Kakaawa ang mga poors, they have to eat binlid. It’s better if they plant camote na lang to substitute minsan sa lugaw binlid.
Imagine, 3 years daw ang rice shortage because Gloria, the tongessmen and Senatongs did not do their jobs. JdV said that “It is more lucrative to import rice than to produce it. There is no compulsion to make the country self-sufficient in rice.” Susmaryosep!
Where did the P145-billion appropriated for a 10-year APMA program? This is in addition to the P44 billion operating budget of the Department of Agriculture. NAMADYIK!
Hello villagers of Ellenville,
I don’t know if you noticed something on the news, mukhang bino-bombard tayo nang mga news like – EU happy happy ever with the good economic chuvalinga nang Pinas, or that – RP, no longer an economic laggard in Asia, or ADB says this and that and chorva chorva!
Reality is, tingi tingi na ang bigas, tumaas na ang bili nang NFA nang bigas from producers and if you connect the dots, ano ibig sabihin nitech? Tataas ang bigas, korak?
Mukhang feel ko na merong media propaganda ever na maganda ang buhay sa Pinas. Ano sa tingin nyo?
Ang nairita ako dun sa report nang EU – duda ko naduling lang ever ang mga gagetch sa 7.4% unemployment at akala nila eh GDP growth yon!
Chi,
Baka pag nagsara ang mga job markets para sa mga pilipino, doon ma-realize ng mga pilipino ang mga kabulastugan ni Gloria Dorobo. Suspicion ko nga, pinapalitan ng Mickey Mouse money iyong mga dollar reserves na naa-accumulate dahil sa remittances ng mga OFWs na ninanakaw at dini-deposit sa mga private accounts nila sa Europe. Artificial pati ang exchange rate ng peso sa dollar gawa nang ang produce lang naman ng Pilipinas ay iyong mga OFWs wala nang iba at saka very dependent sa US ang economy ng Pilipinas.
Tama si Reyna, propaganda lang lahat. Kung sabagay, dapat kasing maging worth iyong bayad sa publicity ni Dorobo. Hopefully, wala nang naniniwala sa mga propagandang iyan.
Tindi pala ng inflation ha? Tapos sasabihin ni Dorobo, improved economy? Sino bang niloloko ng kumag na iyan? Better still, may naniniwala pa ba sa ungas na iyan? Ang kapal talaga ng mukhang magsinungaling!
Iyong pagbaba ng dollar versus the peso in fact ay parang shooting two birds with one stone—(1) para mura ang bili ng mga dollar reserve hoarders na hini-hoard ang mga dolyar sa kaban ng bayan doon sa kanilang mga privatge accounts sa Hong Kong, Europe, USA, etc. at (2) para mas lalong malaki ang foreign earnings ng mga OFWs na ipapadala nila sa mga pamilya nila dahil kulang na nga ang value ng 200 dollars na pinapadala nila. Noon nga 100 dollars lang ang average na padala ng mga pilipino dito sa mga pamilya nila. Ngayon daw kuling ang anim na lapad (\60,000).
Proof na si Gloria Dorobo and company lang ang nakikinabang!
“Pray for Arroyo’s continued service to people, says prelate,” says an Inquirer banner. Wow! Sipsip pa rin ha? Bakit hindi niya ipagdasal na bumaba na si Dorobo para matapos na ang gulo at mabago na ang lahat. Palabasin na iyong mga matatapang na sundalo at palitan ang mga duwag. Pag inalis si Dorobo, palitan iyong mga probiso ng batas na nagbibigay ng kalayaan sa mga nagiging pangulo na magkaroon ng sobrang lakas at kapangyarihan.
Time to teach Filipinos that in a democracy, power should rest in the people for a democratic government is FOR, OF and most of all, BY the people. Iyong decision ng paglalagay pati ng mga judges sa Supreme Court halimbawa should rest on the people not on a crook like Gloria the Criminal.
Pinalala ng katiwalian at ng maling polisiya sa populasyon ng gobyernong Arroyo ang krisis na ito.
Bakit hindi na nila aminin na may krisis talaga sa bigas at magbitiw na silang lahat!
Ang natatandaan ko, ang binlid o binlod sa Ilonggo, ay para sa mga manok. Grabe na talaga ang situation sa atin kung ito ang “ipinagmamalaki” ng pekeng pamahalaan na walang rice shortage kasi may imported na binlid!
Abaw, lintik gid nga, bilib pa rin ang mga tinamaan ng Kutong na Obispo diyan at ipagdarasal pa raw si Dorobo para mapabuti ang service sa bayan! Hello, hindi kaya nagse-second “childhood” na ang mga ito? Nabubulag at nabibingi sa katandaan? Ay, ambot na lang!
Para sa manok ba iyang binlid, Elvie, na ipinakakain na ngayon sa tao? Susmaryosep!
Shock nga ang mother ko sa totoo lang. Wala daw iniwan noong guerra. Noon daw ang bigas binibenta, sisid rice!
Pasalamat daw siya na sa probinsiya namin wala naman daw crisis. At saka iyong mga close relatives namin lahat nasa Tate na, kumakain ng California Rice, not binlid.
This more shocking: The price of Indonesian rice for export is $618-745 per metric ton, In vietnam $430-460 in Thailand $620-625,broken $610-615,India $ 204 when the private importers from Bangladesh want the buy it at the same price they demand double the price. Lately Philippines sources its rice from Vietnam at $700 +++ How many million tons did Phil imports. OMG.. do the calculation.
This is more garapal than ZTE-NBN scandal,what do you think? their over price is almost 100%. I did surf the net because I cannot believe what I read in the other paper,unless I checked by myself and its damn true.
Nakita ba ninyo ang images ng tambak na pinoy sa isang depressed na area sa Quezon City na nag-uunahan para makaamot ng konting bigas/binlid?!
Look what the idiot has done.
For sounding off the rice crisis in the Philippines, all rice producers in Asia are now vying to bid to export rice to the Philippines, and the braggart wanting to make an impression of an improved Philippine economy (kuno) is willing to buy even low quality rice at a price the ordinary Filipino cannot afford to pay.
Hindi pa damdam ng ibang Asian ang crisis siguro that this salot from the Philippines is propagating in this part of the globe. Dios mahabagin!
The Philippine government had invested about 190 billion pesos since 1998 for agriculture food production. The Philippines should be self-sufficient in rice production years ago. What went wrong? Where are the irrigation systems? It appears that billions have been vaporized without a trace like Bolante’s liquid fertilizer and GMA ‘s swine scams. Gloria Arroyo poured another 40 billion pesos in food production that will end up to her baboy cronies’ pockets.
DKG,
Irrigation system you say? I doubt if the money set aside for such are really being used for it that the Dorobo in fact wants financed with ODA from Japan, etc.
We have heard in fact of irrigation system in Mindanao not being able to be constructed because Japan will not release ODA for it due to opposition by NGOs here protesting against extrajudicial killings, graft and corruption in the Philippines committed by the government of Mrs. Dorobo.
We have been asked in fact to talk to our Japanese friends not to oppose it anymore—the construction of the irrigation system in Mindanao and Pangasinan for instance—but we do not have the intention to talk to them about it, not until the Midget is removed from the palace by the murky river! Ano siya, masaya?
walang krisis sa bigas dahil umaapaw ang mga bodegang pinapakita sa mga balita.
ang krisis na dinaranas ng sambayanan partikular na kaming mga pobre ay ‘yung kawalan o kakulangan ng sapat na perang pambili ng aming pangangailangan.
walang pagkakakitaan sa pilipinas, walang pambili ng pagkain.
kawawa naman ang gobyerno ni gloria, walang makukulektang buwis dahil walang pambayad ang mga tao.
kaya nga siguro nangutang sa tsina para kunyari eh pampondo sa mga proyekto pero ang totoo eh pandagdag sa mga deposito nila dahil baka maging stagnant account, magbabayad ng charges sa bangko.
tsk. tsk. tsk. tsk.
CARP made us into ineffective small farmers just to make us politically happy. Five hectares or less is barely a survival plot. A viable production unit is a greater area. It follows that a larger area has less trouble compared to that smaller areas with lots of redundant farmers not to mention lazy and or absentee awardees. The bottomline is to leave the land to those capable of tilling it to progress. Lease out those precious lands, instead. BTW, I collected reports of untilled rice lands in Bulacan alone as of now. Perhaps, a stop gap measure could be amended into the CARL to confiscate CLOWA of lands untilled for a period of six month.
lahat tayong isinilang ilang panahon matapos ang WWII ay naranasan ang hirap sa pagpila upang makabili ng bigas.
pero teka, mag-ama? parehong sa ilalim nila naganap at naranasan ng buong sambayanan? nakadalawa na, meron pa bang pangatlo?
naku po! ipag-adya nawang muling mapasailalim ang pilipinas sa pamamahala ng sino mang magmumula sa angkang ito. nakakaawa na ang susunod na salinlahi kung hindi pa matututo ang mga pinoy sa pagpili ng mamumuno sa bansa.
tayong mga dumanas ng dobleng kahirapang ito ay maging matalino na at huwag ng padadala sa mga pangako at matatamis na salita. gayundin, itong mga kasalukuyang nagtatakip sa mga katiwaliang alam nilang kinasasangkutan ng mag-anak na magbababoy na nananahanan sa malakanyang ay magtika na at unahin ang kapakanan ng mga dukhang mamamayang kinabibilangan din ng kanilang mga kakilala, kaanak at kaibigan.
may panahon pa upang itama ang mga naging maling desisyon at paniniwala. maaari pa nating maisalba ang bansa alang-alang sa ating mga anak at apo at sa mga susunod sa kanila.
pagkakaisa at pagbibigkis ang susi gayundin ang pagtayo at pag-ako sa kanya kanyang pananagutan para sa pangkalahatang kapakanan.
hindi lamang ako. hindi lamang ikaw. hindi lamang siya. hindi lamang kami. hindi lamang sila. at, lalong hindi lamang kayo.
kundi LAHAT TAYO!