Skip to content

Bomba ang isyu ng rice shortage

Ang galing-galing talaga ni Agriculture Secretary Arthur Yap. Bilib na bilib na ako sa kanya.

Noong isang linggo, ang solusyon niya sa peligro na magkaroon ng pagkukulang sa bigas ay ang pag-order sa mga fastfood na kalahating tasa na lang daw ang isilbing kanin.

Ngayon naman ang kanyang solusyon ay kumain ng brown rice or “pinawa”.Tapos nag-lecture siya na mas marami raw bitamina ang brown rice at nakaka-prevent pa raw ng kanser.

Nagpalabas pa siya ng impormasyon galing sa Asia Rice Foundation na nagsasabing ang proseso para pumuti ang bigas ay nakakabawas ng 15 porsiyento na protina, 85 % na mantika, 90 % na calcium, 75 percent na phosphorus, 80 % na thiamine, 70 % na riboflavin, at 68 percent na niacin.

Sinabi rin daw ng American Journal of Clinical Nutrition na ang isang tasang brown rice nagbibigay ng 88 porsiyento sa pang-araw-araw na panganga-ilangan ng manganese, ang mineral na tumutulong gumawa ng enerhiya mula sa protina at carbohydrates.

Galing!

Ang hindi niya sinasabi, mas mahal di hamak ang brown rice kaysa puting bigas. Dapat pumunta siya sa mga grocery at tingnan niya ang presyo.

Parang moscuvado sugar din yan. Walang masyadong kung ano-anong artipisyal na elemento kaya mas maraming bitamina. Kaya lang mas mahal dahil mahal ang mag-produce ng ganoong mga produkto.

At ang tunay naman talaga na isyu dito ay ang napipintong pagkulang daw ng bigas dahil kokonti na lang daw ang nabibiling bigas sa world market. Ayaw aminin ng Malacañang na may napipintong pagkukulang ng bigas. Kaya nga sinasabi ni Sen. Mar Roxas kay Arroyo na “Magpakatotoo ka.”

Sabi ng mga alipores ni Arroyo hindi supply ng bigas ang kulang. Kung di ang mataas na presyo ng bigas. Talagang akala nila tanga tayo, ano?

At bakit nga ba nagiging mahal ang presyo ng bigas? Hindi ka naman kailangan maging ekonomista katulad ni Arroyo para maintidihan ang natural law of supply and demand. Kung marami ang produkto at kukunti ang namimili, bagsak ang presyo. Kung kukunti ang produkto at marami ang namimili, akyat ang presyo. Ibig sabihin ngayon, kukunti ang supply ng bigas sa merkado. Ito ba ay totoong kulang o merong nagmamanipula? Yan ang tanong ng marami.

May nag-text sa akin na six –by-six daw na truck ng Army ang kumukuha ng bigas sa NFA Nueva Ecija para kunsumo sa mga military camp. Siyempre inu-una ang pagkain ng mga sundalo. Mahirap magutom ang mga sundalo. Baka umalsa pa yan.

Sabi nga ni Sen. Loren Legarda, “politically explosive” itong isyu ng pagkukulang ng bigas.

Published inPoliticsWeb Links

27 Comments

  1. 30 pesos ang isang kilong bigas.Maghapong suweldo ay sampung kilo lang ang mabibili.3 kilo ang isasaing sa araw araw.Papano na ang ulam?

    Hindi yata balansi ang suweldo.Papano na mabubuhay ang ordinaryong Pilipino.Sabi nga ng kaibigan ko.Drugs daw ang number one killer ng mga Pilipino.Tanong ko naman sa kanya.Bakit mga drug addict na ba ang karamihang kababayan natin? Ang sagot niya sa akin.Iyun na nga Pare marami ang namamatay sa drugs dahil sobrang mahal at hindi na nila kayang bumili ng penicillin at diovan kaya sila namamatay,syempre ang inuuna nila ay ang pambili ng bigas….Ganoon ba?

  2. bitchevil bitchevil

    This year being the Year of the Rat, our rice might have been eaten by the rats. Speaking of the saying “Rat Race”, even if you win the race you’re still a rat.

  3. bitchevil bitchevil

    The current serious rice shortage reminds us of Joc Joc Bolante in that multi-million fertilizer scam. That scandal which remains unresolved today affected heavily on the current rice crisis. Joc Joc must be brought back to the Philippines and testify. He and his cohorts must be blamed for the rice crisis.

  4. rose rose

    Mabuti hindi niya sinabi na kaya may rice shortage sa atin kasi mahilig kumain ang Filipino ng kanin…Noong araw ang bigas na milagrosa ang hinahanap ng may kayang tao..kasi mabango at puti..ayaw ng brown rice kasi ito ay para lang sa mga laborers..ganoon din sa kalamay (sugar) ang brown sugar ay ginagamit lang para sa butong butong (tiratira) o sa mga kakanin gaya ng bandi (peanut brittle)o suman masuerte kami sa Antique noon kasi ang mga ito ay mura pa at hindi pinapansin..iba na nga ang buhay ngayon..sabi nga sa kanta..”the rich gets richer and the poor gets poorer”!

  5. hawaiianguy hawaiianguy

    rice shortage may mean a social volcano is in the works, depends on how much shortage there may be. If one third of the people begin to experience hunger as a result of the shortage, then it’s going to be bad for Arroyo’s regime.

  6. haji haji

    What is next MEMO-RICE ?

  7. bitchevil bitchevil

    There’s definitely a rice shortage because this evil woman in Malacanang is short.

  8. Valdemar Valdemar

    Our Father who art with the hungry people of the Philippines pls forgive the administration for groping endlessly for more lies, fly lies, white lies. Wala naman daw NFA crisis as long as one can afford the resacked NFA rice. For the NFA rice to be truly available, follow the DA secretary on his rounds of the markets. Maybe the president believes the grandeur of her enchanted kingdom afterall where rice is plentiful at 18.25 pesos always. Perhaps if we all sleep, we can dream of her kingdom. Sleep tighly forever and ever.

  9. Baka next sabihin naman ng behong si Yap, kumain na lang ng darak ang mga pilipino. Ano baboy parang katulad noong mga amo niya?

  10. Golberg Golberg

    Ano na nga pala ang update sa kaso ni Bolante?
    Dapat dun itapon pabalik dito at tabunan ng fertilizer ng sakahan o bagsakan ng 5M metric tons ng bigas dun sa pier. Isama si Gloria. Pareho sila ng tatay niya.

  11. Golberg Golberg

    O baka naman gumaganti ang mga intsik dito sa atin at may hoarding ng bigas?
    Wala kasing nangyari dun sa NBN contract nila. At sa issue sa KIG dehado sila. Kaya ang ganti nila bigas?

  12. Golberg Golberg

    Nasabi siguro nila, “Huwag bigyan ng bigas ang mga Pilipino.” O binabawi nila yung lugi nila sa NBN contract sa pamamagitan ng mataas na presyo ng bigas? Marami sa kanila diba ay may malalaking rice millers dito sa atin?

  13. bitchevil bitchevil

    Remember that Chinese ship that passed Palawan on its way to Spratly? It actually picked up tons of RP rice.

  14. bitchevil bitchevil

    How can Sec. Yap solve the rice crisis if it’s his fellow Tsinoys who belong to the so called Binondo Cartel are the ones controlling the rice distribution?

  15. parasabayan parasabayan

    The rice shortage may also be a divertionary tactic so the Filipinos will be weaned from the ZTE deal and the Spratly issues. Magaling sa ganito si evil bitch, you know.

    It is also possible that China is causing the rice issue to be floated so the evil bitch will be put in a cornered place and she will succumed to their wishes- to continue with all the big projects and the humungus anomalous loans. This is the only way China can control us. China may have already invested a lot in the Spratly’s explorations and now she is salivating on the billions of oil reserves.

  16. godsgift godsgift

    gago ka talagang yap ka, palibhasa aso ka ng kampon ni satanas na si gloria at pamilya nya…hindi na kayo naawa sa mga taong bayan na nagpapakahirap sa pagkayod para may kurakutin kayo, ngayon kami pa ang tinitipid nyo, palibhasa kayo di nyo kailangang kumain ng kanin dahil paupo upo lang kayo dyan at pinag iisipan kung paano magkamal ng kwarta ng mga taong bayan, samantalang ang mga taong bayan, hindi pwedeng hindi kumain ng kanin, dahil mabibigat ang trabaho…kayo kaya ng amo mong si gloria dorobo ang magtrabaho sa bukid, o maging construction worker kahit isang buong araw lang na ang kinain mo lang ay konting kanin dahil sa mahal ng bigas? i try nyo, at hindi lang puro pagpapacute ang ginagawa nyo sa camera.

  17. Valdemar Valdemar

    There should be a rider on the lease contract of a million hectares. The chinese should plant rice to another million hectares for the farmers to acquire the better technology.

  18. Mrivera Mrivera

    godsgift,

    ‘anlalim ng sugat na nasaling mo, ah.

    kulang pa ‘yan. itanong mo sa mga hudas na ‘yan kung kaya nilang magbilad sa araw sa gitna ng disyerto habang nagpapawis ng dugo upang may makain ang mga naiwan sa pilipinas.

    mga damonyong ‘yan! ‘kakapal ng mga mukha!

  19. Golberg Golberg

    OIL FOR POWER!

    Pero dapat mga Pilipino ang makinabang dun hindi kung sino-sino lang.

  20. J. Cruz J. Cruz

    Any which way you look and discern it — An all-encompassing top-to-bottom HOUSECLEANING is mandated. None of these quick fixes will do the trick anymore!

    It’s so unbelievable there are still so many intellects who remain unobstructed by the dishonesty path….

    How does a thief make a living? By stealing and we have it at the very top!

    That is why we have to be less tolerant and more combative! And the time to act is NOW! Or risk 2010 & beyond….

  21. Kung sinu-sino na ang tinuturo ng idiota. Hindi niya aminin na hindi niya kaya ang trabahong matino. Pagnanakaw lang ang alam and worse, pagyayabang lang! Sabi noong kapampangan na staff ko, kapampangan daw kasi! In short, amenado siya na kapag nagsalita si Gloria Dorobo, puro hangin lang! No substance. Ngayon gusto pa yatang darak na lang ang ipakain sa mga pilipino! Ano baboy? Oink, oink, oink, oink!

  22. There is a delude presently of photos in Philippine newspapers of the idiota being embraced by people she and her minions have deliberately made hungry.

    This shortage of rice may actually be artificially induced so the friends of the greedy couple can raise their prices so they can contribute more to the Pidal Kurakot Memorial Foundation, or if that is not the case, it must be a famine, more like a wrath of heaven brought about by the fact that the Philippines is now run by the evil bitch and her legions.

    Ginugutom ang mga pilipino para kapag nabigyan sila ng kinurakot na bigas paid with padded bills charged to the Filipino taxpayers para abaon sila sa utang na loob doon sa kurakot na nangggutom sa kanila in the first place. Golly, tinuturan pa ng mga pilipino na umasa na lang ng umasa, imbes na bigyan sila ng trabaho para matoto silang tumayo sa sarili nilang mga paa.

  23. Ano kaya ang kinakain ni sec yap na bigas?
    Nagtitipid din kaya siya?
    Sabi nila, halos kalahati daw ang natatapon na kanin ng mga pilipino. Tayo pa ang sinisi. ha ha ha. May matira man na kanin kami, binibigay namin sa aso, baboy, manok at mga ibon.

    Yung gasolina ang tignan nila, 50% ang nauubos sa trapik, sinisira pa ang kalikasan, magtataas pa ng pamasahe.
    Sa aking pagkakaalam, mga oil cartel lang ang di apektado sa masamang ekonomiya at patuloy pa silang nagpapayaman.

    Wag kayong magalala, kahit na parang walang patutunguhan yung senate hearing, may mangyayari tiyak na kababalaghan. God is great!!

  24. luzviminda luzviminda

    Gusto yata ng administrasyon ni Gloria ay huwag nang magkanin…MAGLUGAW NA LANG ANG MGA PINOY!!!!!

    Di nakapagtataka kung ang daming Pinoy na sakitin at malnourished! Basta ang mahalaga ang ARROYO MAFIA SYNDICATE lang ang nabubundat!!!!

  25. bitchevil bitchevil

    Sec. Yap’s father-in-law is a major rice trader!

  26. norpil norpil

    at the rate poverty is growing in pinas, it will soon be a luxury to eat rice. ordinary pinoys will eat noodles while chinese who started eating noodles can afford rice.

  27. bitchevil bitchevil

    People should see the “Light”. We need officials who are just and upright, with sound judgment and strict morals.

Comments are closed.