Skip to content

Mensahe ng Easter

Ang Easter Sunday o Domingo ng Pagkabuhay ay mararating lamang kapag natapos na ang Biyernes Santo at Sabado de Gloria. ‘Yan ang magandang mensahe ng Easter Sunday: walang resurrection o pagkabuhay kung walang kamatayan.

Maganda itong mensahe ng Easter sa ating krisis pulitika sa bansa. Marami kasi ang nagtatanong kung bakit sa dami ng kasalanan ni Gloria Arroyo- pang-aagaw ng pwesto ng president noong 2001, pandaraya sa eleksyon noong 2004, garapalang pangungurakot hindi lamang siya pati na ang kanyang mga alagad, pambabastos ng Constitution, panunupil ng malayang pamamahayag at marami pa – nandiyan pa siya sa Malacañang samantalang karamihan sa mga Pilipino ay ayaw sa kanya.

Marami nga ang nagsasabi, ano ba ang kasalanan ng sambayanang Pilipino at pinaparusahan tayo magkaroon ng pangulo na katulad ni Arroyo? At ang masakit pa ditto, ang mga institusyon o mga tao na inaasahang tumulong o magbigay ng giya sa ganitong krisis, ay kasama ni Arroyo.

Marami kasi sa atin iniisip ang bilis ng pagpatalsik kay Pangulong Estrada noong 2001. Ilang buwan lang tanggal si Estrada. Si Arroyo na kasa-kasama ni Estrada hanggang sa tagilid na ang nahalal na pangulo. Walang hirap na ipinunla si Arroyo.. Basta lang siya umani ng tagumpay at naging presidente.

Kaya siguro leksyon yan para sa mga gusto ng pagbabago. Kung walang sakripisyo, walang Biyernes Santo, walang katotohanang pagbabago.

Marami sa atin ang naala-ala lamang sa Edsa One ay ang pagtipon-tipon ng libo-libong Pilipino sa Edsa at ang pagpatalsik kay Pangulong Marcos. Nakalimutan natin na sobra 20 taon na nagpenitensya ang bayan sa ilalim ng diktaturya ni Marcos. Marami ang namatay. Maraming buhay ang nasira.

Ang pagkamatay ni Ninoy Aquino noong 1983 ay dagdag tulak at nagpaliyab ng nagbabagang ngitngit ng taumbayan. Bago doon marami nang pagkikilos ang nangyari na siyang nagpahina kay Marcos hanggang natumba na nga noong 1986.

Maraming sektor, na dati ay walang paki o kampi kay Arroyo, ang nagising at kumikilos na laban sa administrasyon. Maganda yun. Ngunit dapat kilalanin nila ang pagkilos na ginawa ng mga grupong matagal nang lumalaban sa kasinungalingan at panloloko ni Arroyo. Hindi nakarating sa ganitong tagilid na sitwasyon si Arroyo kung wala ang mga yun.

Ngunit kulang pa. Sabi nga ni Jun Lozada, “Kailangan pakuluin pa.”

Nasa Biyernes Santo pa rin ang bayan. Ngunit darating ang tunay na Easter Sunday.

Published inWeb Links

40 Comments

  1. “Arroyo vows to stay being ‘force of good,'” says an Inquirer banner. Papaano siyang magiging force of good, e siya mismo ang epitome of evil? Ang kapal naman talaga ng mikha ng babaing ito.

    Nagkakasala tuloy ang maraming mga pilipino na imbes na manahimik na at maka-concentrate ngayon sa mga bagay na spiritual, naglalagablab pa ang mga damdamin dahil sa mga kawalanghiyaang ginagawa ng salbaheng ito. Ang lakas pa ng loob na magsabing hindi siya babab.

    Bakit hindi iyan pinagsasabihan ng mga pare na mas mabigat ang kasalanan ng mga manunukso o mga taong siyang dahilan kung bakit natutulak na magkasala ang iba?

    Dapat talagang ipanalangin na sa Poong Maykapal na tapusin na ang pamahalaang ito kahit na sa anumang paraan. Siguro naman kung mawala na ang mga kurakot ay manahimik na ang bansa.

  2. rose rose

    ..what I find sad is..the Bishops, priests, etc. are supposed to be the Shepherd of Jesus’ flock..I am reminded of the story in the Bible when He asked Peter..”Do you love me? Feed my lambs!”. and I am disappointed that CBCP, does not seem to..I don’t mean bread..for He also said that “not in bread alone, does the man live, but in the words of God.” Gloria and her cabinet members had a retreat..and prayed..the military lead the stations of the cross..I hope they have realized kung ano ang pagkukulang nila sa bayan..hindi ba “we have to die of ourselves”..”we have to be less of ourselves and more of Him?” From St.
    Francis..”it is in dying that we are born to eternal life?”
    Let’s hope that come Monday, we will find a new kind of leadership..a renewed leadership..and sana the bishops and priests who are blind will see, and the deaf will hear and not the blind leading the blind..by their own examples they should preach..example..gospel to life, life to gospel..

  3. Diego K. Guerrero Diego K. Guerrero

    How many Gloria’s vows had been broken? Nobody believes her lies anymore. No more rice este lies!

  4. Golberg Golberg

    Naku Rose, masakit isipin na pati yung highest post sa vatican ay bulag din yata at bingi rin. Kahit yung revolution sa loob mismo ng simbahan ay hindi ginawan ng counter revolution.
    Magkakaroon lang tayo ng pagbabago sa ating bansa kung malilinawan ang mga utak ng mga lider natin. Kung luminaw man, umalis kaya si Gloria sa pwesto niyang hindi naman dapat sa kanya?
    Nag retreat pala sila! May nangayari kaya? O pasok sa isang tenga yung preach tapos labas sa kabila? May awa naman ang Diyos, sagarin ko na ang pagmamalabis. Hindi naman sana ito ang pumasok sa utak nila.
    May tanong ako. Ano yung Hades? Nakasulat daw iyon sa Mathiew 16:18?

  5. rose rose

    Golberg: Hades according to the dictionary is a resting place for the dead..and in the modern translation of the bible a euphemism for hell..Matt: 16:18 “And so I tell you, Peter: you are a rock, and on this rock foundation, I will build my church, and not even death will ever be able to overcome it.” Not realizing it until now, what is shown sa Tarot cards is a card of Hades..Once a friend who was into the Tarot card asked me to get him a deck of Tarot card..so I got him one..and that was when I saw it..and this is why I guess we are not to believe in this..and besides hindi ba pag semana santa lumalabas ang mga ganito..fortune telling, etc..Thanks, I learned something from your question…Sana magbabago na ang leadership sa atin..a renewed one. Kaya interesting ang dialogue kasi we learn from one another..

  6. tagairaya tagairaya

    I am still praying, you know, that Gloria Arroyo will be struck by a blinding flash of light, like St. Paul, so she will be rid of her delusion and she will repent, reform, and do the right thing for the salvation of her soul and for the good of the Filipino people.

  7. vic vic

    Christ was Crucified for The Sins of Multitudes and the Men and Women yet to live and die in this Earth, yet Pray Tell me, had we punished one sinner amongst our Big Politicians? Or better yet crucified them?

  8. Happy Easter to all! A good time indeed to reflect on the Sacrifices of Christ. Faith in Christ is in fact a gift. Easter is a good time to reflect on the teachings of the Lord, Jesus Christ, and make a promise to emulate His good examples.

    In fact, if one has enough faith in Christ and follow His teachings, I doubt if he can be led astray by any claim by Gloria Dorobo and her patrons in the CBCP that she is a “force of good.” Ang tayog ng pangarap ng ungas na gusto pa yatang gayahin ang emperador ng Japan when he claims that he is descended from the Sun goddess, Amaterasu Omikami.

    Susmaryosep naman ang taong ito to be claiming now na ka-level na niya ang Panginoon calling herself now as a “force.” Mahilig sigurong manood ng Star Wars.

  9. Dapat pinapaalalahan si Gloria Dorobo ng mga pari na dapat nagbabasa ng Scriptures para alam nila ang ipapayo sa kaniya na she should “Be of the same mind one toward another. Mind not high things, but condescend to men of low estate. Be not wise in your own conceits. Recompense to no man evil for evil. Provide things honest in the sight of all men. (Romans 12:16-17)

    Pero hindi tayo dapat mabagabag kasi ang mga ganyang katayog ang akyat, siya namang bilis at sakit ng bagsak. “Pride goeth before destruction, and an haughty spirit before a fall. (Prov. 16: 18) “For, behold, the day cometh, that shall burn as an oven; and all the proud, yea, and all that do wickedly, shall be stubble: and the day that cometh shall burn them up, saith the Lord of hosts, that it shall leave them neither root nor branch.”(Malachi 4:1) “12 And whosoever shall exalt himself shall be abased; and he that shall humble himself shall be exalted.” (Matt. 23:12)

    I find comfort on these passages in the Scriptures, too: “If it be possible, as much as lieth in you, live peaceably with all men. Dearly beloved, avenge not yourselves, but rather give place unto wrath: for it is written, Vengeance is mine; I will repay, saith the Lord. Therefore if thine enemy hunger, feed him; if he thirst, give him drink: for in so doing thou shalt heap coals of fire on his head. Be not overcome of evil, but overcome evil with good. (Romans 12:18-21) Mahirap gawin but worth trying especially if we gain a strong testimony and faith that the days of Gloria Dorobo are numbered and will soon be over.

  10. Nakakasuka ang litrato ni Gloria Dorobo sa Inquirer nagpipitas ng strawberry. Libre photo-op, pihado libre strawberry pa. Lahat na lang ng nilalamon ng pamilya ng ungas charged pihado sa taumbayan. In fact, diyan yumayaman ang mga nagiging temporary tenant ng Malacanang kaya nag-aambisyon na maging permanente doon. Nawawala tuloy ang kabanalan ng araw ng ito.

  11. KapitanKidlat KapitanKidlat

    “Shout against her all around; She has given her hand, Her foundations have fallen, Her walls are thrown down; For it is the vengeance of the Lord. Take vengeance on her. As she has done, so do to her” (Jeremiah 50: 15). Those who usurp the authority of God and put power into their hands and rule this world with abomination; to them them is wrath of God and a destruction from the hell of fire.

  12. TurningPoint TurningPoint

    Tama ang sinabi ni Jun Lozada, kailangang pakuluin pa. At ngayon, nagsisimula nang kumulo ang sinaing dahil kulang o kokonti ang laman ng palayok.

    According to gloria, food shortage and high prices of basic commodities the country is experiencing today is a global problem that needs divine intervention. Goes to show that there’s no economic boom and she wants a “miracle” to solve the problem.

    Walang himala! Walang mangyayaring himala sapagkat ang P3 billion para sa fertilizers na gagamitin sa pagsasaka ay nilaspag ni gloria noong 2004 elections.

  13. Golberg Golberg

    Rose, maraming salamat!
    Tama pala hinala ko. May shades of ancient belief yung Hades. Meron daw kasing second resurrection. Kaya pala Hades at hindi hell. Napakabait kasi ni God para sunugin ng tuluyan sa impyerno ang mga tiwali. Kamusta na kaya si William Miller? Ano kaya ginagawa niya ngayon?

  14. parasabayan parasabayan

    TP, this is now the exponential effect of using the agriculture money for the elections instead. Being an agricultural country, we should have concentrated on our crops particularly rice.

    No matter how we pray if we do not help ourselves, there will be no positive outcome. Imagine what the multi-billion money of Marcos and that of the multi-billion fertizer money that Joc-joc gave to the 2004 elections could have done to our agricultural productivity!

  15. Ultimately,We need to urges corrupt leaders to repent because Filipinos look to them, not only for leadership, but also for that humble transformation from the evils of corruption.

  16. Mrivera Mrivera

    paanong mangyayari ang transformation nina gloria from evil devil to righteous, read ermita’s line on villarosa’s acquittal:

    “It has nothing to do with the Court of Appeal’s [ruling] because in law, it’s better to release 99 percent of the criminals who had been brought to court than imprisoning just one percent who had not been proven guilty beyond reasonable doubt,” the executive secretary said.”

    ‘yung tae ay ipinagpipilitan nilang maging cake sa harap ng sambayanang sapul mula ay ginagawa nilang TANGA!

  17. ebvmart ebvmart

    The catholic church as well as other religious group be it a christian or a Moslem will and forever be against any immorality.The only reason why they are staying away from Lozada and his gang is they succumb to a contagious political virus.”Pakuluin pa” even has a political connotation.When the Bishops counter your opinion and belief they too are deemed corrupt and blind,this is irrational,you cannot catch a fly by using vinegar my dear use honey instead.

  18. Since Vice President Noli De Castro does not seem to have appeal among the intelligent voters, who would you like to see follow you in office in 2010?—EQ

    Gloria (GP):

    EQ, I’m glad you asked that.

    I know a lot of you think I’m going to support my husband ,Jose Pidal , for the job. Frankly, I don’t believe nepotism has any place in Philippine politics. Jose Pidal has better things to do when we retire in 2010.For example, we plan to put up the Jose Pidal Foundation to send deserving students to China for internship in big Chinese companies like ZTE.

    What I’d like to see is someone who shares my firm beliefs, my vision for our country free of Constitutional restraints, someone who is flexible, a person who understands there’s a time and place for the proper sound bites and forced smiles for photo ops.

    I’d also like to see a woman again as president, a compassionate conservative like myself. Remember , Tita Cory and I have been better presidents than our male counterparts!

    For these reasons, I see no reason why the next Administration nominee for president should not be Senator Loren Legarda

  19. Valdemar Valdemar

    Just by commemorating this penitential quaresma makes people so sad, so downtrodden like rubbing more salt to an injury. Particularly at this time when we cant do anythng but blame ourselves for the Glory phenomenon of ungodly ills against us. The church is impotent now even. No religion can help us anymore. So we rely on father time to heal us. Its like the common colds that has no medicine, only time can heal it except for the complications that might be cancerous already.

  20. Mrivera Mrivera

    “…. Sen. Juan Ponce Enrile, gave some encouraging words to the President who has kept her men, specifically former National Economic and Development Authority Director General Romulo Neri from testifying further on the National Broadband Network deal.

    “Jesus himself was accused of many crimes. But even in silence he proved his innocence because truth prevailed. Even against the superiority of strength of his armed enemies, He survived and triumphed in the end because Jesus revealed himself as the truth,” said Enrile in a statement.”

    source: PDI online, 22 march 2008 issue.

    here’s one old man of philippine politics whose survival depends so much on who is in power he has to cling to and suck to death. by these words of defense of gloria arroyo, it’s high time for enrile to retire since nothing is expected from him (and ever since) that is beneficial for the country. the more like him stays in the senate, the more this administration deceives the people.

    comparing gloria to Jesus Christ? INCREDIBLE!

  21. Easter was never meant to be a rebirth.

    Rebirth suggests a journey back to one’s origin and seeing the same old things in a totally fresh perspective. If there is anything to be sorry for, it is the painstaking realization of having spent a great deal of time, maybe even a lifetime, to rediscover that what one had searched for has been there all along- right where he started his journey. Rebirth offers hope for new beginnings, albeit, with all the baggages of the past.

    Easter is resurrection.

    From death to life- not a journey back to origin, but another journey altogether- no baggages from the past. No regrets, nothing to be sorry for. Nothing lost, nothing gained. Easter is a fresh sheet of blank paper where a fresh epic is waiting to be written.

    Resurrection is what most souls long for. Life can only offer a rebirth.

  22. zen2 zen2

    ebvmart,

    i cannot help but smile, why, you have just likened the dear Bishops to that of the fly, pestering flies !

    happy easter everyone !

  23. FYI

    —–Original Message—–
    Sent: Sunday, March 23, 2008 9:45 PM
    Subject: Photos/Text: Children ACT Now! say: Chase the thief in the Palace.

    Child rights advocates, women and children were one in condemning corruption as it robs the next generation of their future. This was what the “ARANGKADAng-kadang ng mga Bata at Kababaihan Laban sa Magnanakaw sa Malakanyang” showed at the University of the Philippines’ Diliman grounds.

    Please visit:
    http://www.arkibongbayan.org/

    Akribong Bayan Web Team

  24. Magno,

    Tama ka. Dapat doon inihambing ni Enrile si Gloria Dorobo doon sa magnanakaw na kasamang nabitay sa krus at kinantiyawan pa si Hesukristo na bakit hindi sila iligtas kung talagang anak siya ng Diyos. Kita mo talaga ang walang alam sa sarili nilang religion. Dapat mangilabot ang mga ipokrito’t ipokritong sinungaling sa ginagawa nilang blasphemy.

    Nakakatulog pa ba ang mga salbaheng iyan?

  25. Mrivera Mrivera

    Let’s build a new country — GMA
    Rising from the ebb of a week-long bashings against her government for alleged corruption, an upbeat President Gloria Macapagal-Arroyo urged yesterday the Filipinos to join her in building a new Philippines, breaking free from decades of debt, decline and underdevelopment.

    In her hopeful Easter message, the President enjoined the people “to draw from Easter the lessons that encourages us to work for the resurgence of an economically, politically and morally stronger Philippines.”

    Mrs. Arroyo also called on the people “to keep in our hearts Easter s message of love, salvation and resurrection.”

    “On this feast of the Resurrection, I remain bullish on our country, optimistic about our future and deeply committed to being a force for good,” the President said.

    The President stressed that she remains optimistic for her people despite a bleak tomorrow triggered by looming economic recession in the U.S. aggravated by soaring oil and increasing rice prices as well as the political turbulence hounding her regime triggered by unrelenting calls for her ouster.

    “Easters dawn after Black Saturday, inspires our quest to reform Philippine society and achieve the quality of life we wish for ourselves and our children. Every small sacrifice made, every act affirming our faith in God, our countrymen and ourselves, every hope to reach a goal contributes to reformation that will strengthen the Filipino nation,” the President said.

    Citing the travails of the apostles on Good Friday, the President said that “our people can easily feel that the burdens weighing down on us can be beyond our strength to bear.

    “But, with determination and Divine Providence, were building a new Philippines,” the President said.

    The President also reminded her countrymen to bear in mind showing in our lives the truism that there is no victory without sacrifice, no redemption without faith, no renewal without hope, and no significant change without resolve.” EMontano

    source: PDI online, 23 march 2008 issue.

  26. K. E.,

    Tama ka. Iba ang resurrection sa reincarnation, etc. bagamat sa palagay ko isa lang ang pinanggalingan ng ganyan paniniwala. Iyong isa hindi puedeng magkamali ng interpretation gawa ng may ebidensiya—si Jesus Christ mismo na nabuhay na muli. Iyong isa ay naibang interpretation ng doctrine na ito itinuro mula pa noong likhain ng Panginoon si Eba at Adan.

    Sa amin ang itinuturing naming rebirth ay iyong pagbibinyag (baptism) na isa sa prinsipyo ng Ebanghelyo ni Hesukristo. “Jesus answered and said unto him, Verily, verily, I say unto thee, Except a man be born again, he cannot see the kingdom of God.” (John 3: 3)

  27. Eggplant Eggplant

    Happy Easter paring magno, kap, cocoy, etc.
    Mukhang matindi ang poot ng karamihan sa mga mamayan sa mga pagkukulang ni Pres. Arroyo sa bayan. Kahit Holy Friday tuloy pa rin ang bakbakan ng pulitika. Alam naman natin na ang pangunahing layunin ng pagkapako ni Kristo sa krus ay upang tubusin tayo sa ating pagkakasala, kasama na diyan ang pagpapatawad ng ating mga kasalanan. Kung nagkasala man ang mga pulitiko sa bayan, kahit na ang pinakamababang kawani, sundalo man o pulis, kagaya din ng magnanakaw na napako sa Krus everybody deserves forgivness. Ang pagkikimkim ng poot laban nino man sa kabuoan ng Semana Santa ay hindi magandang panuntunan ng isang Kristiano. Si GMA at ang first family, etc. deserve to be forgiven. Wala sa tama na nagkikimkim tayo ng galit sa panahon na pinagnilaynilayan natin ang kamatayan ni Kristo. Marami sa atin ang naglalahad ng mga teksto galing pa sa Bibliya pero iba naman ang tinutumbok ng mga mensahe natin. Hindi pagpapatawad, o pagmamahal, galit po at pagkainis. Hindi ko sinasabi na huwag nating tuligsahin si GMA at ang kanyang mga kampon, pero sa Semana Santa naman sana po ay ceasefire muna.

  28. eddfajardo eddfajardo

    Sa mga darating na linggo after this Easter, asahan niyo na buhay na buhay na naman ang pagkilos ng lahat na sector para patalsikin si Arroyo. Pag nag resume ang ZTE hearing sa Congreso at pilit na i-ignorin na naman ni Neri ang pagtestigo despite the Supreme Court ruling na dapat siya ay tumestigo na, pag patuloy ang pag baliwala ng grupo ni Evelino Razon, Mascarinas, Atutubo, et al, na iwasan ang pagtetestigo nila sa kanilang role sa kidnapping kay Lozada sa Airport, sa pag sisimula ng investigasyon sa treacherous Spratly deal na kung saan marami ang lalabas na secreto na tinago ng Malacanang, at sa patuloy ng crisis sa bigas, sigurado ako bayan ay magigising na naman at kukulo na ito bagay na mga tao ay sasama na sa kahit anong klaseng protesta matanggal lamang si Gloria sa puwesto. Tandaan niyo ito mga kasama. Itong scenario ay hindi miraculo kungdi tunay na hulog ng Diyos para mawala ang forces of evil na namamayani ngayon sa ating mahal na Pilipinas.

  29. rose rose

    Eggplant: You are right..they should be forgiven..All Christians pray the prayer taught to us by Jesus..”Our Father” and in there we are taught to “forgive us our trespasses as we forgive those who trespass against us”. We are also taught to Obey the 10 commendments..and the 7th is “Thou shalt not steal” and the 8th is “Thou shalt not bear false witness against your neighbor”..We are also taught that kung nagnakaw ibalik ang ninakaw mo..the Bishops in their pastoral letter said that corruption and greed are against the 7th..thus it is but expected that Gloria should give back what was taken from the gov’t..ang sabi nga ni Spitzer (the former gov. of NY) in his speech when he resigned..”when much is given to you, much is expected of you..I failed in my responsibility”..masabi kaya ito ni GMA? what do you think? Thanks.

  30. rose rose

    Golberg: It was my pleasure to exchange my thoughts with you. God is so good indeed..unconditional love..May kasabihan tayo na “the good die young”..”matagal mamatay ang masamang damo”..bakit ganyan? I have asked myself this question many times..and in my CDD class I have been asked this too..ang masasabi ko lang ay..because of His love for us He wants us all to be with Him kaya He gives us all the time to repent and be sorry..the choice is ours, the decision is ours..

  31. rose rose

    We prayed and spent time to reflect this Holy Week..GMA asked for sacrifice..hindi ba matagal na ang nagsasacrificio ang mga tao? How about her? her family? her cabinet members? manakita ba tayo sa kanila? Sacrifice and let Neri tell what he knows..ang pagintindi ko ang Exe. Order 464 can only be used when there is a national security threat and only the President can use it..why is then being used by cabinet members? by Neri? ang sasabihin ba ni Neri ay national security threat? or Gloria Macapagal Arroyo security threat? There is a difference..

  32. rose rose

    corr: may nakita ba tayo sa kanila?..why is it then being used..

  33. petite petite

    “Ang kapangyarihan ng isa, kung walang pag-aalinglangan at buo ang kalooban, ay likas na matatag. Subalit ang taglay na kapangyarihan ng bawat isang magbuklod ang higit na makabubuti para sa sambayanan… Ang ating administrasyon ay administrasyon ng paghilom mula sa mga sugat ng nakaraan at iyan ang landas na ating patutunguhan” – gma (ang pagtatayo ng matatag na republika/pia/petsa: Hulyo,2003)

    Mensahe ng easter… “ang pagpapatawad sa kasalanan, maging ito’y pang-indibidwal o pambayan ay karugtong-pusod ng katotohanan at katuwirang maka-tao, malaong baga’y walang kaganapan ng pagpapatawad kung walang nakakamit na makataong hustisya.” Si Kristo’y ipinako sa krus nang hindi lamang para sa banal na layuning-kaligtasang ispirituwal, bagkus itinuro at inihabilin nito sa kanyang mga alagad at tagasunod ang kaibahan at kapakinabangan ng pagtatasa’t pagkatig sa mabuti (tama) o masama (mali) sa buhay ng isang tao, at ang yaong kahalagahan ng pagpapakatao para sa pag-unlad ng sangkatauhan. Sa huling-hininga ni Dimas, ay naroon ang tunay na esensya ng pagpapatawad ng isang tao (sa paghingi niya ng awa kay Kristo), at ang pagtanggap ng kapatawaran ng taong nagkasala na batay sa pagsasabuhay ng katotohanan at pagyakap sa hustisya. Tinanggap ni Dimas ang kapatawaran mula kay Kristo, at kaalinsabay rin tinanggap ni Dimas ang katotohanan na siya nagkasala sa lipunan, at ang pagtanggap ni Dimas sa parusang kamatayan bilang pagyakap sa hustisya, at kapwa sina Kristo at Dimas ay ipinako at namatay sa krus. Subalit, ang Kristo ay muling nabuhay para sa kaganapan ng kanyang banal na layuning-kaligtasang ispirituwal, ang misteryo ng paskal.

    Mensahe ng easter… Nawa’y hindi dapat na matuon lamang sa mga kamalian ng administrasyon, datapuwa’t ang lahat ng mamamayan ng Pilipinas ay sangkot at may pananagutan – “sa pang-araw-araw na penitensyang dinaranas ng mga mamamayan ng Pilipinas, ito’y bunga lamang, sa kung anong uri ng lipunan na kanilang tinatamasa’t ipinamumuhay, kahapon at sa ngayon”! Sa pagsasalarawan, na si Gloria ay maaring maging Dimas, o kaya’y ikaw, ako, nila, sila, siya, kami o tayo, o kaya’y mas masahol pa kaysa kay Dimas (ang kalagayan ng bawat mamamayan ng bansang Pilipinas). Nawa’y hindi lamang sa pagpapatalsik kay Gloria, bagkus dapat nang wakasan ang kulturang-kataksilan! Nawa’y kung ikaw man ay isang kristiyano… isabuhay mo ang buong kaganapan ang misteryo ng paskal. Para sa “paghilom mula sa mga sugat ng nakaraan”… dapat nang lisanin ni Gloria ang Malacanang, at itatag ang transisyonal rebolusyonaryong gobyerno.

  34. Patuloy na nasa Sabado NI gloria ang Bayan.

    Bakit Sabado NI gloria? Hindi nga ba, sabi ng matatanda noong araw? Sa araw na yun, patay ang Diyos, at ang lahat ng pwersa ng kasamaan eh naglipana at handang lipulin ang sinumang pasasakop sa kasamaan? Kaya marahil nandoon at “nagamit” ang pangalan ni glue. Araw nga niya yun! Heh-heh!

    Harinawang maITAMA NA ang isipan ng mga namumuno nang sa gayon, makita natin ag liwanag ng Bagong Pag-asa.

    Happy Easter sa mga Taong Tunay na may Puso para sa Bayan!…sa mga tunay na Makabayan!

  35. florry florry

    Ano nga ba ang kasalanan ng sambayanang Pilipino at pinaparusahan tayo magkaroon ng pangulo na katulad ni Arroyo?
    Walang kasalanan ang mga tao, kundi ang ilang grupo na galit kay Erap sa pangunguna nina Cardinal Sin, si Cory, mga elite at evil society na inilagay nila ang batas sa kanilang mga kamay. Hindi nila matanggap na ang isang katulad ni Erap ang mamumuno sa bansa at hindi nila binigyan ng halaga na si Erap ay ibinoto ng nakakaraming Pilipino. Winalang halaga rin nila ang kasabihang ang tinig ng nakakarami ay tinig ng Diyos, kaya siguro nagalit ang Diyos at pinarurusahan Niya tayo at yong kasalanan ng iilan, ang lahat ng Pilipino ay nagdurusa sa mga kamay ng iniluklok nilang si gloria at ang kaniyang mga alagad.

    Ang mensahe ng Easter para sa akin, Bilang pagsisisi sa kasalanan yong mga taong responsable sa pagluklok kay gloria, ay sila rin dapat ang responsable na magpababa sa kaniya. Parehas lang yon para maitama ang mali.

  36. Elvira Elvira

    Happy Easter to all of You!

    Para sa ating Bayan, sana magkaroon tayo ng kaganapan ng Pagkabuhay!
    Ellen,
    Tama ka. Patuloy ang Biyernes Santo hangga’t hindi namamatay ang kasamaan! Kailangan ang pagsisisi ng mga may kasalanan at pagbaba sa puwesto (na inagaw lang naman) at saka tayo magkakaroon ng Sabado de Gloria na mauuwi sa muling Pagkabuhay ng ating mahal na bansa!

    Siya nawa!

  37. Happy Easter to all. Yung mga anak ko nagsitalon kahapon pagkagising para raw tumangkad.

    Agad kong sinaway sabay sabing, “Hindi totoo yan. Tignan ninyo si Gloria talon ng talon nung bata pa kaya hayun, umigsi ang paa!”

  38. Rose:

    Sabi nga ni Jesus Christ, “…I say not unto thee, Until seven times: but, Until seventy times seven.” (Matthew 18:22) nang tanungin siya ni Peter tungkol sa kung ilang beses dapat magpatawad ang tao.

    But forgiveness is predicated by repentance. In the case of Gloria Dorobo, she has committed crimes against the Filipino race, and should be sent to prison for the rest of her life.

    It is just too bad that there is no more death penalty that merits one who has proved to be beyond reformation that prisons are supposed to be doing as a matter of fact.

  39. jerz jerz

    Nakapagnilay-nilay po ba kayo ngayong Holy Week? Nakapagsisi po ba kayo sa inyong mga kasalanan? Sana po’y oo.

  40. jerz jerz

    Kaya lang para pong hindi. Kasi puno pa rin ng galit ang inyong mga puso’t isipan.

Comments are closed, but trackbacks and pingbacks are open.