Skip to content

Patuloy ang paghanap ng katotohanan

march-15-rally.jpg
Malaya photo by Rolly Salvador

Sa rally na inorganisa ng mga estudyante noong Biyernes sa Liwasang Bonifacio, marami sa mga speakers ang nanawagan na sa kanilang pagbalik sa kani-kanilang probinsya ngayong bakasyon, ipagpatuloy nila ang paghanap ng katotohanan at hustisya na siyang pakay ng mga kilos protesta nitong mga nakaraang linggo at buwan laban kay Gloria Arroyo.

Sinabi rin ng mga batang mga speakers na huwag masyadong magkampante si Arroyo at ang kanyang mga opisyal na libre na sila sa kanilang krimen laban sa sambayanang Pilipino. Sa kanilang bakasyon, ipapaliwanag nila sa kanilang mga kamag-anak at kaibigan ang pinaglalaban dito sa Maynila.

Ipapaliwanag nila na ang kurakutan ng mag-asawang Arroyo at dating Comelec Chairman Benjamin Abalos ay nakaka-apekto sa bawat mamamayan, kasama na sila dahil ang uutangain para sa proyekto ng NBN/ZTE ay babayaran natin. $200 milyon o P10 bilyon yun ang mapupunta sana sa bulsa ng mga ganid na barkada nina Arroyo.Hanggang kaapuhan natin babayad noon.

Maganda na sinabi ito ng mga speakers kasama na si Grace Poe Llamansares, anak nina Susan Roces at Fernando Poe, Jr; Adel Tamano, ang gwapo at batang presidente ng Pamantasan ng Maynila at spokesman ng United Opposition at nian Danton Remoto.

Naglulundag na kasi sa tuwa sina Arroyo at ang kanyang mga opisyal at hindi raw sila napatumba ng oposisyon. Sabi ng Norberto Gonzales, national security adviser ni Arroyo, na ang pinalakas na raw na protesta ay ang Feb. 29 na rally sa Makati. Hanggang doon lang daw ang lakas ng oposisyon. Kaya libre na si Arroyo. Tuloy na ang kanilang ligaya.

Kampante sila kasi magbabakasyon na at wala ng mga estudyante na sasali sa mga rally. Pagbalik sa Hunyo, nakalimutan na raw ang kontrobersya ng NBN/ZTE.

Totoo yun na walang masyadong rally sa mga susunod na linggo dahil bakasyon na nga ng mga paaralan. At summer na. Grabe na ang init. Noong Biyernes lang, nakakapanghina ang init.

Ngunit makita natin sa pahayag ni Gonzales na ang mahalaga lang sa kanila ay ang maka-survive. Wala silang paki-alam sa katotohanan at hustisya.

Sa kanilang pahayag, ipinapa-alam nila na walang repormang mangyayari habang si Arroyo ang nasa Malacañang. Kaya tuloy ang kurakutan. Tuloy ang pagnakaw sa taumbayan. Iyan ang nakaka-ngitngit.

Ako ay naniniwala na hindi kagustuhan ng Panginoon na mangingibabaw ang kasamaan. Hindi ko maintindihan kung bakit pinapayagan niyang mamayagpag ang pagnanakaw at kasinungalingan sa ating bansa. Ngunit naniwala akong sa kahuli-hulihan, nanalo ang kabutihan sa kasamaan.

Bagay ito pag-isipan ngayong semana santa.

Published inPoliticsWeb Links

37 Comments

  1. skip skip

    Ellen,

    Huwag tayong mawalan ng pag-asa. Mahal ng Diyos ang Pilipinas. Diyata’t isang kumpas lang ng Kanyang makapangyarihang kamay ay tiyak na tanggal ang lahat ng kapit-tuko sa kapangyarihan.

    Ngunit hinahayaan muna Niyang patuloy na dumanas ng kapighatian ang bayan natin dahil hinahanda Niya tayo sa isang tunay na pagbabago.

    Pagbabago na hindi natin nakamit nung Edsa I at Edsa II. Pagbabago na magsisimula sa pagkakalabas ng lahat ng kabulukan sa sistema ng ating kultura. Pagbabago na mangyayari lamang kapag lahat tayo ay natuto nang tumaghoy at tumawag sa Kanya.

    Inihahanda Niya tayo sa tunay na pagbabago na uukit ng malalim sa puso’t isipan ng bawat Pilipino.

    Huwag maging palalo ang mga kampon ng kasamaan sapagkat kapag dumating na ang takdang panahon, tiyak na ililigtas na Niya ang mga Pilipino tulad ng kanyang pagliligtas sa mga Israelita noong unang panahon.

    Malapit nang kumilos ang Diyos. At ito’y magiging kagila-gilalas.

  2. chi chi

    Kapag sukdulan na ang kasamaan at nakahanda na sa tunay na pagbabago ang higit na nakararaming pinoy ay darating ang hindi natin inaasahang saklolo. It can happen in an instant, sooner, or later…but it will happen for sure.

  3. Elvira Sahara Elvira Sahara

    Totoong hindi natutulog ang Diyos! Ipagpatuloy natin ang paghahanap sa Katotohanan, gaano man kahirap ito at gaano man katagal! God’s answer will come at the right place and at the right time.

  4. parasabayan parasabayan

    Ang mga kabataan ngayon ay lumalaban na! Ibang iba ang movement ngayon sa mga nakaraang Edsa 1 at Edsa 2. Ang mga tao man ay hindi lumalabas sa kalya pero gumagawa sila ng sariling paraan na naririnig sila. Gumagawa sila ng mga sulat protesta at pinipirmahan nila. Gaya gaya naman ang Evil Bitch, nagpapahayag din ang kanyang mga alipores ng mga ADS ngunit ang mga local na munisipyo pa pala ang nagbabayad! Ang mga Assumptionista na naglahad ng suporta, mali pa ang mga pangalan ng iba ay mga patay na sa listahan. May rally din kuno ang mga kabataan, 500 lang ang pro-evil bitch ikumpara sa sampung libo na tutuong nag-rally! Hindi ba ninyo napansin na ang mga nag-rally para kay Evil Bitch eh puro nakaputi ng t-shirt? Siempre galing kay Evil Bitch yan. May kasama pang mga pagkain at baka pangmatrikula pa!

  5. parasabayan parasabayan

    Kung ang basehan ni Evil Bitch ay ang mga taong nasa kalye na nag-rarally, she has to think again! Almost 75% of the people are against her corrupt ways! Dati may mga kamaganak at mga kaibigan akong panay ang depesa kay evil Bitch, ngayon itong mga ito pa ang nag-papadala sa akin ng mga anti-Evil Bitch texts at galit na galit na ang mga ito sa mga nadidiskubreng panglilinlang at pagnanakaw ni Evil Bitch at ng kanyang pamilya!

  6. rose rose

    Skip: Amen to what you said..huwag tayong mawalan ng mag asa..God loves all of us and He will save the Phil. Let us keep our faith and trust in Him..He will set us free..We will find the truth that we are looking for..

  7. rose rose

    Mabuhay ang mga kabataan! Continue seeking for the truth..Go tell the people in the provinces of what really is happening..your future is at stake..is there a way you can organize group discussions? House 2 house campaign..
    you folks are intelligent..you can do it..you will do it and your will do it good! Our prayers are with you as you spread the good news in the search for truth..

  8. xman xman

    Kahit sinong ilagay mong presidente jan ay ganoon din ang labas, mga magnanakaw din puwera lang siguro si Erap dahil for six years sandiganbayan trial alang credible evidence na lumabas kundi puro fabricated evidence na gawa gawa ni arroyo, chavit singson, at iba pa.

    Kung ang Supreme Court justices ay hindi nalalagyan at ang mga generals ay hindi rin nalalagyan ay palagay ko may pag asang mapigilan ang pang re rape sa pilipinas ng whoever is in power.

    Tingnan nyo ang US kapag nangurakot ang presidente, congressman, senador, o sino pa man siya eh siguradong lagot sya dahil malakas ang Justice System nila. Eh sa pilipinas lalo na yang mga Supreme Court Justices sabi nga ni Erap noon eh parang ‘thieves wearing robes’ kaya nag coup d’etat siguro ang supreme court sa kanya.

  9. rose rose

    xman: maybe if we have a true justice system now hindi mangyayari ang sabi mo na “kahit sinong ilagay mong..” it worked before..from Roxas to Magsaysay mayroon bang presidente na nagnakaw? Kailan ba nagumpisa ang garapalan na pagnanakaw sa govierno? Ang turo sa amin noon (I left when Marcos was president) “Lady Justice when equal scales she holds is blind”..it is tragic but it is not so now..
    ..You are right dito sa America iba ang system..just the other day Spitzer resigned and it is said now that they are investigating the use of government money na nagstos niya..at he might be jailed for that..here in Jersey City Mayor McCann spent jail time for something he did..CPA siya and it had something to do with what he did as CPA..A Phil. with the three Ks (Kapayapaan, Katarungan and Kaunlaran) while it may seem hopeless now is not really a hopeless case and there is hope..and we will have it…Faith and Trust in God is my solution for God rules His people with justice..

  10. Valdemar Valdemar

    Truth has been a topic of discussion in its own right for thousands of years. The churches, the tv stations insist they advocate truth. But even if all the lamp oils are consumed dry, there is the virtual truth that no honest man could be found. Thus we remain only with half truth perhaps.

  11. I am glad to hear of this call for propriety, truth and justice by the young ones. Kaya sinong may sabing walang ipapalit kay Gloria Dorobo?

  12. parasamasarap parasamasarap

    Masaya ako at mukhang naabot nila ang bilang nung unang pagsasama-sama sa Ayala. Mabuhay ang mga kabataan at mabuhay ang kanilang ideyalismo. kaya nagkakaganito ang bayan natin eh dahil pagtuntong ng iba sa late 20’s eh nagbabago na ang pananaw nila ukol sa tama at mali. Proud din ako sa mga tulad natin na bagama’t hindi na kabataan ay pinipilit pa ring magpanday ng tama at matuwid na lipunan.

  13. parasabayan parasabayan

    This week of our Lenten season, let us pray for our leaders that they may be enlightened and those who had done a good job of serving the citizens will continue to do so and may there be more good leaders to come.

    Let us also pray for the youth. They are our hope for the future. Their involvement in our current problems is much appreciated.

  14. rose rose

    parasabayan: I am with you..let’s pray for our youth and our leaders who had done a good job in serving the people..
    Mabuhay kayong lahat and may your tribe increase…

  15. Elvira Sahara Elvira Sahara

    I’m praying hard for our YOUTH, the hope of our country.
    Let us help one another that we may not become another TIBET!
    Let us all unite to search for TRUTH and c l e a n – u p this MESS created by our GREEDY officials!

  16. KapitanKidlat KapitanKidlat

    Malaking bagay ang magagawa ng ating mga kabataan para sa paghahanap na katotohanan. Natutuwa ako at dinagsa ng mga kabataan ang Liwasang Bonifacio upang ihayag ang nagkakaisa nilang paniniwala at damdamin sa isyu ng katiwalian at pangungulimbat ng pera ng bayan. Gaya ng sabi ng ating bayaning si Jose Rizal, ang mga kabataan ang pag-asa ng bayan. Dahil sa kanilang inerhiya at idiyalismo, patuloy ang pagkilos at pangangalampag sa mga pagkukulang ng pamahalaan. Let us pray for our land,our youth, our leaders, and all the Filipinos from all walks of life to unite and see the light of truth that we shall all live in peace and progress.

  17. Mrivera Mrivera

    ang labanan sa kasalukuyan ay paninidigan ng kabataan laban sa mga nasa malakanyang na ang ipinaglalaban ay ang katwiran nilang inaanay!

    ano ang aasahan ng kabataan natin kung ang mga nakaupo ayn patuloy sa pagtatakip sa mga katiwaliang kinasasangkutan ng asawa ng umaastang pangulo na hindi gustong humarap sa mga paglilitis at ikinakatwirang hindi siya isang opisyal ng gobyerno at wala siyang kinalaman sa mga ibinibintang sa kaniya samantalang kung hindi bubusalan ang lahat ng may kaugnayan sa kanya ay malinaw na patungo sa kanyang harapan ang mga bakas ng kanyang kawalanghiyaan?

    gayundin itong si gloria, kahit isa ay walang sinagot sa mga katiwaliang ipinupukol sa kanya na maliwanag namang parang mga uod nang nakatahi sa kanyang laman na sa bawat kilos niya ay nagdudulot ng walang pangalawang kirot na pinipilit lamang niyang labanan sapagkat kung hahayaan niyang lumantad ang mga taong nag-iingat ng kanyang lihim ay sasambulat ang bulok niyang itinatago sa likod ng pakunwaring kabaitan.

    meron bang tunay na makataong ang ngiti ay ISMID na parang nang-uuyam?

  18. eddfajardo eddfajardo

    Kung mayroon man akong natutunan sa aking pananatili sa America for almost 20 years, it’s about their justice system. Tunay at walang sinasanto, kahit sino ka man. Compared to the Philippines, sobra dito ang garapalan. Nahuli na, siya pa ang bida. Tingnan niyo lang ang nangyari kay Lozada. He was abducted from the airport pero itong mga dumanpot sa kanya at papatay sana, sila pa ang may ganang magdemanda. Ang mastermind dito na si Lito Atienza ay pilit na ginagago ang kaisipan ng taumbayan na akala mo mga mangmang at tanga. Andiyan pa iyong hepe ng PNP na si Avelino Razon na dapat sana protectahan ang ordinaryong mamamayan, eh nagpagamit pa sa pressure ni Atienza at Malacanang. Yung lantad na lantad na pang ha-harass kay Lozada ng DOJ, PNP, at iba pang mga galamay ni Gloria; yung pag de-deny ni Abalos despite a number of witnesses accusing him of involvement in brokering the ZTE deal, yung mga lagayan sa mga congressman sa Malacanang, yung pag exile kay Joc-Joc Bolante para hindi magtestigo sa bilyon peso fertilizer scam, yung pag amin ni Iggy Arroyo ng bank account of about P260 milyon belonging to his brother in the name of Jose Pidal, yung pag gamit ng Presidential Security Group in rescuing (kuno) Ador Mawanay, remember him?, at pinaka grabe iyong involvement mismo ni Gloria sa pandaraya sa 2004 election in the infamous “Hello Garci” tapes. Kung sa America nangyari mga ito, palagay ko pati Presidente makakalabos sa tindi ng krimen. They might change their constitution not to give immunity to any sitting president. Kaya ba natin sikmurain na lamang mga ito? Wala ba tayo pakiramdam? Isipin ninyo mga kabayan kung ano ang dinudulot nito sa ating sariling buhay at bayan. Kailangan natin mga katoto ay isang malakas na pamumuno at sana ay hindi maglaho ang damdaming “enough is enough”, tama na, sobra na, alis na.

  19. bitchevil bitchevil

    How true is it that Mayor Fred Lim’s 44 years old son Manuel Lim was arrested by the cops in Manila for selling drugs? Mayor Lim did not lift a hand to help his son. That’s the kind of Mayor we want. He doesn’t care if his son goes to jail. Lim even congratulated the arresting officers for a job well done. Let’s bring Mayor Lim back to the Senate after his term in Manila.

  20. Diego K. Guerrero Diego K. Guerrero

    Malacanang Mafia controls the Arroyo government. Jose Pidal and his cronies are utilizing government resources for their criminal activities. Why businessman Ruben Reyes is given Presidential Security Group (PSG) security details? Pidal Security Group (PSG) men are also involved in Lozada’s abduction.

  21. bitchevil bitchevil

    You’re right and I agree, Mr. Guerrero. PSG is only for the First Family. Yet, many Malacanang officials and VIPs identified with the Arroyos have PSG security detail. Since PSG’s job is to protect the Malacanang occupants, they are also protecting the Arroyos when they protect these officials.
    Arroyos trust the PSG more than any other unit in the AFP.

  22. happy gilmore happy gilmore

    malabo na talagang magtagumpay ang opposition – bakasyon na at higit na pipiliin ng marami ang magsasama sama ang mga pamilya kesa mapagod sa pagwewelga…

    pagkatapos naman ay tag ulan na…kukulangin ang P300 sa karaniwang rallyista para sugurin ang ulan at bagyo….kaya wala din (notable na ang edsa I and edsa II occured before the onset of the vacation season of march and well before the rainy days of june onwards

    next year na lang ulit – but mukhang walang pulitiko ang mag pondo ng rally kasi abala sila sa paghahanda sa eleksyon…

    did you know na P20,000 ang kada isang effigy (o hihigit pa depende sa laki ng effigy) na sinusunog lang kada rally? di pa kasama dito ang ginagastos sa mga makukulay na large format printed streamers? saan kaya nanggagaling ang perang ginagastos dito? kung pinag paaral na lang kaya sa mga kabtaan ang lahat na perang ginamit sa mga rally – masasabi kong higit mas may buti kayong nagawa para sa bayan.

    pero hindi….patuloy ang pagsunog sa mamamahaling mga effigy, patuloy ang paglimbag ng mga mamahaling streamers….

    pareho lang pala ang mga rallyista sa mga nakaupo – pareho kayong nag aaksaya ng pera.

  23. bitchevil bitchevil

    Wait till after the Holy Week. That’s the problem with our people…both in the administration and opposition as a result of this beliefs inherited from the foreigner. They keep quiet and behave like holy men just because of Holy Week. When it’s over, all the craps are back again. Hypocrites? No other term to describe these people.

  24. Valdemar Valdemar

    This time is most appropriate for all those who favored, supported and still supporting EDSA 1 & 2 to do penance upang gagaan naman ang mga kalooban kahit di na mapapatawad ng mga mahihirap at nagugutom at mga nalilito

  25. bitchevil bitchevil

    Valdemar, you seem to be saying that Edsa 1 & 2 were wrong. Well, the next Edsa if there would be one would be correct this time.

  26. Eggplant Eggplant

    Nakakalungkot isipin may mga ilang pananaw diyan na nagsasabi na malabo nang magtagumpay ang mga opposition dahil Semana Santa na. Nakakalungkot ding isipin na ang mga iba diyan ay malaki ang kanilang paniniwal na dahil kapanahonan ng bakasyon, mas nanaisin pa ng mga aping Filipino na kalimutan o isan tabi na lang ang kanilang nararanasan na paghihirap at kawalan ng hustisya sa rehimeng ito sa ngalan lang ng bakasyon, pagsamasama ng pamilya at iba pa. Walang masama sa pagsasamasama ang mga magaanak na magpicnic, magbakasyon paminsan-minsan at iba pa dahil ito ay nakagawian na natin. Nunit ang igiya mo ang mga tao sa isang pananaw na pabor sa mga nagtatakip ng katotohanan, ito ay isang tuwirang panlilinlang para sa interes ng bayan. Hindi kaya na sa pagbalik ng mga magaanak sa sarili nilang tahanan ay nandiyan pa rin ang kahirapan, ang araw-araw na panaghoy sa tumataas na presyo ng mga bilihin na hindi na kayang abutin ng kakarampot nilang sweldo bilang ordinaryo lamang na manggagawa? Ang bakasyon at Semana Santa ay hindi kayang lunurin at pagtakpan ang sandamakmak na isyu ng pagkukulang ng administration na ito. Lalong lulutang lang sa pagaala-ala ng pagkapako ni Kristo ang mga kasalanan ng tao na kanyang inako sa krus; at habang ating ipinagmuni-muni ang pagkakasala natin at ng sandaigdigan, lalo lamang lulutang ang mga ala-ala ng katiwalian ng mga nasa administrssyon ni GMA na siyang araw-araw na nagpapahirap kay Juan dela Cruz. At sa tuwing maala-ala natin ang paghuhudas ni Judas Escariote kay Kristo Hesus, maala-ala pa rin natin ang paghuhudas din ng ilan sa poder upang ibenta ang ating lupain at angking karagatan sa mga dayuhan. Nang dahilan lang sa tatlumpong piraso ng pilak na pinagimbutan ni Judas, ipinagkanulo niya ang ating Panginoong Jesus. Nang dahil lang sa bukolan, patongan (tongpats) at moderated and unmoderated greed, ipinagkanulo din ng mga magagaling nating kababayan ang kinabukasan ng mga kabataan. Malabong magtagumpay ang mga oposisyon? Pwe…

  27. andres andres

    Happy Gilmore,

    Sa mga kagaya niyo nina Jerz at Buddy62, naaawa ako, di ako naiinis. Kung hindi kayo nahihibang, wala na kayo sa tamang pag-iisip.

    Kawawa naman kayo, kayo na lang ang iilan na bilang sa daliri kung sino ang naniniwala pa kay Gloria the Evil Bitch at sa kanyang pamilya.

    Wala ng mas masahol pa sa pandarambong, pagnanakaw at pagkakasasa na ginawa ng amo niyong si Gloria Arroyo the Evil One sa ating mga bansa.

  28. nelbar nelbar

    Ipagkumpara nyo rin ang pagsusunog ng pera ng mga Chinoy sa tuwing namamatayan sila?

    Hindi ba’t libong piso rin ang halaga nito kung ikukumpara sa mga effigy na tinutukoy ni Adam Sandler(1996)?

    Sa Irak, hindi lang sinusunog ang mga effigy dun. Tutuong tao mismo at sinasabit pa sa tulay!

  29. I am having wonderful time watching all those youtube presentation by young protesters in the Philippines.

    Tongue, all, you can get good images there to use in your blogs. Please visit: http://www.youtube.com/watch?v=QN8NmLGjue8

    Labas ang mga talents ng mga nagmamahal sa bayan. Mabuhay! Konting panahon na lang, matatanggal na din si Gloria Dorobo!

  30. andres andres

    Mabuhay Kabataang Pilipino! Ituloy ang Laban!

  31. andres andres

    Happy Gilmore,

    May araw din kayo ng amo mo! Talagang ganun ang buhay, kung si Kristo nga eh paminsan tinatalo ng demonyo diba? Ganun lang din ngayon, para malaman ng bayan ang kahalagahan ng maayos na pamamalakad, kinakailangan daanan ang isang tiwaling pamamahala ni Gloria Arroyo the Evil One!

    Kasama ka na rin don Happy Gilmore, Duren, Jerz at mga halang na kaluluwang taga suporta ni Evil One!

  32. andres andres

    Tulad ni Kristo, siya ang mananaig sa huli, kaya dito sa laban sa Evil Bitch, sa huli ay mananaig din ang kabutihan.

  33. Related topic FYI

    —–Original Message—–
    From: bong Arki [mailto:arkibongbayan2006@gmail.com]
    Sent: Monday, March 17, 2008 7:55 PM
    Subject: Photos/Text: RP human rights workers speak at the 7th session of the UN Human Rights Commission

    hilippine human rights workers take the issue of extra-judicial killings and enforced disappearances to the UN Human Rights Commission 7th assembly in Geneva.

    Please visit:
    http://www.arkibongbayan.org/

    Arkibong Bayan Web Team

  34. tikbalang tikbalang

    happy gilmore Says:

    March 17th, 2008 at 2:23 am
    kung pinag paaral na lang kaya sa mga kabataan ang lahat na perang ginamit sa mga rally – masasabi kong higit mas may buti kayong nagawa para sa bayan.

    Hmmpp? Bakit wala na bang pera at hindi na kaya ni Gloriang Manananggal ang mag paaral o mag bigay ng sapat na pondo sa mga pampublikong paaralan na ang dapat ang mahihirap na aking kababayan ang dapat makinabang. Dahil ba naubos na ang pondo dahil sa kanyang pansariling interes at ngayon H.Gilmore uutusan mo kaming ibigay sa mga mahihirap ang aming ginagastos sa pag rarally. Bakit hindi mo utusan ang amo mong si Gloriang Manananggal na tigilan na ang pangungurakot at mas higit siyang magastos at hindi niya pera ang kanyang nilulustay iyan ay pera ng bayan na ang dapat makinabang ay ang sambayanan. Kung may ginagastos man sa pagrarally iyan ang galing sa sariling bulsa at hindi galing sa “KABAN ng BAYAN”.

  35. bitchevil bitchevil

    RP government anomalies not only with China but also with Japan:

    Ermita, Gaite linked to Japan lot ripoff

    DEVELOPMENT DEAL TURNED INTO PROPERTY SALE

    A lawyer of a Japanese property developer accused two close aides of Mrs. Arroyo, Executive Secretary Eduardo Ermita and his deputy, Manuel Gaite, of exerting pressure on government agencies to award to a favored group the sales contract for a controversial government-owned lot in Japan that was already the subject of a development deal with another Japanese firm.

    Alex Tan, counsel for the Nagayama-Taisei consortium (NTC) that had won the bid for the property, told the Tribune that the false claimant, Masaichi Tsuchiya, had sold the lot including a four-storey building in Nampeidai to another Japanese firm, SBI Co. Ltd. in August 2006 based on a registration for transfer with the ..

  36. andres andres

    Eh sadyang tanga pala ito si Happy Gilmore eh, mas marami sanang mapag-aaral kung hindi nangungurakot ang amo niyang si Evil Bitch at si Jose Pidal!

  37. Mrivera Mrivera

    tikbalang, bitchevil, andres,

    huwag naman ninyong ganyanin si happy gilmore, nangangatwiran lang siya.

    nagmumukhang engot ‘yung mama.

    be kind to gloria’s pet.

Comments are closed, but trackbacks and pingbacks are open.