Hindi naman yata tama ang sinabi ng dating presidente ng Philippine National Oil Corporation na si Eduardo Mañalac na wala raw legal na boundary and Pilipinas kaya hindi raw masabi kung talagang may nakasama sa Joint Marine Seismic Undertaking na teritoryo ng Pilipinas na hindi naman kasama sa pinag-awayan sa Spratly islands.
Lumabas kasi sa pag-aaral ng marunong magbasa ng mapa, na ang kontratang pinasukan ng pamahalaang Arroyo sa pamamagitan ng PNOC sa China at Vietnam noong 2004 at 2005 ay nagsasakop ng 24,000 square kilometers sa loob ng teritoryo ng Pilipinas.
Nakasaad sa JMSU na ang Pilipinas, China at Vietnam ay magsagawa ng seismic study o sa Spratlys sa South China Sea kung saan anim na bayan ang umaangkin. Kapag sinabing seismic, siyempre magdi-drill yan at bubulabugion nila ang ilalim ng dagat.
Nakasaad sa kontrata na 142,000 square kilometers ang lawak ng lugar na kanilang pag-aralan. Sakop ng kontrata ang mga lugar na parehong ina-angkin ng Pilipinas, China at Vietnam. Anim nga sa isla na sakop ng kontrata may nakadestino na Pilippine military.
Ngunit ang nakakabahala ay maliban sa parte ng South China Sea na pare-pareho natin ina-angkin, isinama sa kontrata ang 24,000 square kilometers ng teritoryo ng Pilipinas na hindi naman inaangkin ng China at Vietnam. Ito ay malapit sa Palawan.
Maganda ang example na binigay ni retired Commodore Rex Robles, kasama sa grupong nag-aaral tungkol sa ating calim sa Kalayaan Island Group noong 1970. Kung sa bahay yun, may parte ng ating garden na may problema sa boundary sa iyong kapitbahay. Nag-usap kayo ng iyong kabitbahay na hindi na kayo mag-away, gawin nating park. Pwede mong gamitin, pwede ko ring gamitin. Yung lugar lang na hindi maresolba ang pag-aari.
Ngunit ang sarili mong bahay, hindi maa-aring gawing common park na pwedeng labas-masok ang kapitbahay.
Iyan ang ginawa sa JMSU. Isinama natin ang sariling anting teritoryo sa kontrata.
Nakalagay doon sa kontrata na ang ang lahat na imporamasyon na makuha sa seismic survey ay pag-aari ng tatlong kumpanya _PNOC, CNOOC, at Petro Vietnam ay hindi maaring mabigay sa iba na walang pahintulot ang lahat. Bakit natin i-bahagi sa China at Vietnam ang impormasyon tungkol sa ating natural resources? At bakit tayo pumayag na kailangan tayo magpa-alam sa China at Vietnam kung ano ang gagawin natin sa ating teritoryo.
Sabi ni Mañalac, kasi raw wala tayong baseline boundaries o hindi raw natin masasabi kung hanggang saan ang ating teritoryo.
Malaking kalapastangan ito sa ating bansa. Tayo ay isang bansa o state ng 110 na taon. Ang bansa ay may apat na elemento: teritoryo, sambayanan, pamahalaan, at kapangyarihan sa loob ng kaniyang teritoryo o sovereignty.
Ngayon sasabihin ni Mañalac na wala raw tayong opisyal na boundaries kaya hindi masabi na sarili nating teritoryo ang isinama sa kontrata?
Tama ang sabi ni Cocoy, isang regular blogger, “Nagkalitse,litse na ang gobyerno natin dahil sa kasapwangan ni Gloria. Gumising na bayan bago kayo mawalan ng balay dahil ang lupain ninyong taglay at na buy and sell na sa ukay-ukay. “
Oh!Ayan!Sabi ni Ellen ay Ako muna ang bida ngayon sa ukay-ukay.
Totoo naman na ang nangyayaring bentahan ng gobyerno Arroyo ay ukay-ukay style.
“FOR SALE” economic policy ni Madame (pimp) Gloria Macapal Arroyo from people to natural resources.
Ang galing-galing ng tripartite agreement, tayo ngayon ang dehado na hihingi ng pa-alam sa China at Vietnam para gamitin ang sarili natin teritoryo.
Anu-kamo sabi ni Manalac, wala tayong baseline boundaries? Ay tange! Mi casa es su casa na pala eto.
We are seeing the same cat-mouse argument employed by the honcho guys of madame pimp Gloria Macapal Arroyo.
In anti-wire tapping law in admission as evidence of garcillano tape, in executive privilege invoked by Rome Neri, now we have Manalac’s confidence building argument that public disclosure of a map from the seismic study will determine constitutional violation. The caveat is that PNOC cannot release such information under confidential agreement with China and Vietnam.
Not anymore surprising. The palace bright boys are always thinking of palusot.
The administration has claimed that the tripartite agreement is above board. So why hide under confidentiality clause?
It is like Madame pimp Gloria Macapal Arroyo has the license to prostitute Maria Clara but would not disclose details due to flesh trade secrets, treating the Filipinos like children for exploitations.
Wow! The automatic shutdown is in place, in case of discovery. Once, again Malacanang employed its solid fail-safe plan – ABANDONEMENT.
Madame pimp president abandoned ZTE deal, now she is abandoning phase 2 of the Spratly deal.
Damage control is once again call into action with legal luminaries such as Senators Miriam Santiago, Juan Ponce Enrile and Richard Gordon. Another casting call to throw all technical questions into oblivion behind confidentiality clause and redefine baseline resolution.
What kind of national policy is that public knowledge will force the President to abandon? Once in ZTE, now in Spratly.
There is so much rotten in Philippine governance.
pare cocoy, ano naman ang connection ng ukay-ukay sa spratly?
ang pagkaalam ko, segunda mano at mura ang binibenta sa ukay-ukay market. ang spratly ay virginal pa, tulad mismo ng palawan. anyway, di ako payag sa bentahan.
Mañalac, in his press conference yesterday, also said that as a geologist, he considers seismic survey part of exploration.
Dapat magkaroon na ng batas na ang exploration ng mga yaman ng Pilipinas ay ilimita sa mga pilipino lamang. Marami naman nang mga experto ang Pilipinas para gumawa ng mga ganyan exploration. Kulang nga lang sa gamit na doon dapat ginagamit ang mga perang inuutang ng mga nakaupo.
Iyan ang hirap ng ginagawang pang-iinsilto ni Gloria Dorobo sa mga kapwa niya pilipino na ang gusto lang niya ay magpunta sila sa ibang bansa at doon sila magtrabaho kahit katulong. Sayang ang mga katalinuhang ibang bansa ang nakikinabang.
Totoo ba yong inilabas nila Taberna sa DZMM na recorded na usapan ni Abalos at Joey ngayon ngayon lang?. Parang yong Hello Garci tape. Nakakakilabot.
Ang bansa ay may apat na elemento: teritoryo, sambayanan, pamahalaan, at kapangyarihan sa loob ng kaniyang teritoryo o sovereignty.
Hindi ko alam kung absent noon si Kuya Eddie Manalac sa Geography class nila nang tinalakay ang tungkol sa national patrimony ng isang bansa. Kung hindi man ay baka sadya lang na makakalimutin na siya ngayon sanhi ng takot at pag-aalinlangan. Naku kuya masama iyan baka babagsak ka sa tinatawag nilang moral degenerative disease better known as spiritual alzheimer. Nakukuha ito sa sobrang exposure sa oil, Chinese contract, at pangungumisyon. Rx. Uminom lamang ng patriotism capsule at truthfulness table, not once but three times a day until you can see the” way, the truth, and the light.” Dagdagan mo na rin ng panalangin para magkaroon ka ng spiritual discernment at di ka mahawaan ng kasinungalinga ng evil empire.
hawaaianguy;
Broda!Hayaan mo na lang munang ako ang maging bida.Bihirang dumating ang ganyang pagkakataon.Mas nakakalamang pa ang odds na tamaan ng kidlat kesa ganito.Bukas iba na naman ang bida, join ka na lang muna.Hindi pa nag-iinit ang upuan ko ay patatayuin mo na.Hehehe!
almost all dealings are to be abandoned na! si pandak nalang ang di pa inaabandona ng mga tadong tauhan nya…. lets all be watchfull enough, bka tong mga nagdatingan na insik na kunwari e nagbebenta ngayon sa ating e mga espiya rin pala… one day, tayo na ang inuutusan ng mga ibtsik na to!
I am one with Manalac when he said we have no boundary. I cannot find it in any map, charts or the google earth. That is overlooked by those people we are paying to look after the interest of our country and inhabitants. They were all influenced with the permanent interests and money of outsiders and some powerful patrons. So if ever we have soldiers down there, they are either mercenaries, squatters or considered as expats.
Siguro naman alam na lahat ng mga tao kung bakit ayaw bumamaba ng pandak at palagi nilang isulong ang cha-cha. Daming kober ap, sa tinging ko kaya pinakawalan si Erap dahil mas higit pa ang na korap nila, tinalo nila si Erap sa ka-kurapan. Siguro ang jueteng is run by now ng EK pinamumunuan ni Epdyi at ang dating position ni Sabit Singsyong ay ibinigay siguro kay coRAZON, sya ang may hawak ng buong PNP kaya alam nya ang mga anumalyang nangyayari sa buong bayan. Kasi hangang ngayon meron pa ring jueteng. Dyan siguro nang-gagaling yong ipinamimigay nilang libo-libong pera at panggastos nila. Kaya siguro di nila masabi kung saan nanggaling yong mga ipinamimigay nilang pera. At yong makokomisyon nila sa pagbenta ng bayan, yong ang pera para sa kanila pag nag retire walang bawas, di nagalaw.
pare cocoy,
ok, sinabi mo eh. pero talaga bilib din ako sa websayt mo, ang galing! keep it up, pare ko.
hawaiianguy;
Nalulumbay na ako sa iyo doon.Nag Good Morning ka lang sa akin at hindi ka na bumalik.Naghihintay ang pina collada sa iyo doon.Mayroon din cold Hawaiian crush doon.Mayroon din kaming pineapple bread na gawa sa pinya.Kung gusto mo naman,garlic bread na walang bawang.Buksan mo lang ang jokebox doon ay malilibang ka na habang recess ka dito sa class natin.Cocoy’s Delight ay ang student canteen na concession dito sa Ellenville at si Artsee ang General manager.Mabait na siya dahil pinagkursulista ko siya.Malapit na sigurong pirmahan ni Ellen ang motion for reconsideration niya.Hehehe!
By the way, had problems accessing this site kanina. Buti nalang naayus mo nadin Ellen. Kala ko sabotage 🙂
gandang gabi po. dami ko natututunan dito sa ellenville. ginigising ang natutulog kong makabayang damdamin. Salamat po sa lahat. ask lang po ako ano po ba ang blog site ni sir cocoy? lamat mo
ako din, nahirapang maka-access dito kanina. puro network error, kahit sa firefox ganun din!
tingi tingi ang pagbebentang ginagawa ni gloria sa bayan nating sinilangan matugunan lamang ang kasakimang bumabalot sa kanilang angkan.
bukas makalawa, masahol pa noong panahon ng hapon at kastila, sakop na tayo ng dating mga nagtitinda lamang ng goto at lugaw at nagbobote garapa. amo na natin ang mga tsekwa!
mabuhay si gloria!
tingi tingi ang pagbebentang ginagawa ni gloria. todo diskawnt pa. kawawang bayan ko. mas lalong magpapasasa sa salapi ang buong angkan ng mga garapal-arroyo
bukas makalawa ay magigising na lamang tayong amo na natin ang mga dating nagbobote garapa, nagtitinda ng goto at lugaw. alipin na tayo ng mga tsekwa.
mabuhay si gloria!
Tapos na raw ang crisis ni Gloria Dorobo sabi noong isa pang Gunggonzales. Oh yeah? Tignan natin.
Sobra Na, Tama Na, Kilos Na! Taragis ginagago na ang lahat, tamimi pa ba?
tinay;
Ay salamat at natanong mo ang blog site ko.Doon ay mag-eenjoy ka sa mga kuwentuhan champorado at may mainit na kape.Dito kay Ellen ang session hall.Doon naman ang coffee shop sa site ko.e click mo lang ng mouse mo ang pulang pangalan ko at mag-aawtomatik ang bukas ng pintuan para sa iyo.Kung gusto mo naman ay bigyan kita ng susi kapag nag memberships ka na sa Cocoy’s Delight.
Wala ba kayong napapansin mga housemates, hindi pa kumakaloskos iyong daga dito sa bahay ni Ate. Ano na naman kaya sasabihin ni Cute para mangantiaw?