Skip to content

Hindi lang Spratlys ang ibinenta

Lumabas ngayon sa dokumento ng Joint Marine Seismic Undertaking (JMSU) na hindi lang ang mga isla na inaangkin natin ang kasama. Pati na rin mga 24,000 square kilomters na sakop sa teritoryo ng Pilipinas.

Kaya mabuti na rin na dahil sa eskandalo ng NBN/ZTE kung saan ang $139 milyon na telecomunications project ay naging $329 milyon dahil sa mga komisyon ng mga kampon ni Gloria Arroyo (kasama na rin siguro siya), napunta na ang usapan sa Spratlys island.

Mabuti naman at napag-uusapan na ng maraming Pilipino ang isyu tungkol sa ating claim sa Kalayaan island sa Spratlys na nasa South China Sea. Karamihan kasi sa atin, siyempre ang ating interest ay para sa ating personal na buhay lalo na sa ating pamilya. Hindi na natin masyadong ini-intindi ang mga bagay na sinasabing “foreign affairs”.

Ang alam lang natin sa DFA (Department of Foreign Affairs) ay doon tayo kumukuha ng passport. O kaya, takbuhan ng mga may problemang OFW. Ang mahalaga lang sa karamihan sa atin ay magkaroon ng trabaho sa abroad.

Noong 1978, pormal na idineklara ni Pangulong Marcos na ang ilang isla sa Spratlys sa South China Sea ay pag-aari ng Pilipinas. Ang China naman sinasabi ang lahat daw na isla sa South China Sea ay pag-aari nila. May bahagi rin ng Spratlys na ina-angkin ng Vietnam, Taiwan, Malaysia, Brunei. Sinasabi ng marami na maliban sa isda, mayaman ang South Chian Sea sa langis.

Katulad ng personal na away sa lupain, may peligro na magkaroon ng banggaan ditto sa Spratlys na lalaki sa giyera. Nakakabahala yan hindi lamang sa mga claimant countries kung di na rin sa buong mundo kasi maraming dumadaan na oil tankers sa South China Sea mula Middle East lalo na ang papuntang Japan. Kaya mahalaga na mapayapa ang sitwasyon sa South China Sea.

Nagkasundo itong anim na bansa noong 1992 na kung may ano mang problema, kailangan resolbahin sa mapayapang paraan. Nagkasundo rin na maaring magkaroon ng exploration sa lugar na man conflicting claims ngunit sama- sama sila.

Ito ang sinasabi ni dating House Speaker Jose de Venecia tungkol dito sa Joint Marine Seismic Undertaking na pinasukan ng Pilipinas kasama ng China nang nag-state visit si Gloria Arroyo sa China noong Sept. 2004. Yun daw ang magsisimula ng mga proyekto sa South China Sea. Nang una, nagreklamo ang Vietnam, ngunit kalaunan sumali rin.

Ang JMSU ay tungkol sa pag-survey ng 142,886 square kilometers sa South China Sea. Bahagi ito ng proseso ng exploration. Kung lalabas sa survey na may langis o ano mang mineral sa nasabing lugar, itutuloy ang proyekto sa exploration.

Ito ngayon ang problema: Lumabas sa dokumento ng JMSU na hindi lamang ang lugar na disputed o inaangkin ng China ang kasama sa kontrata. Mga 24,000 square kilometers ng parti ng Pilipinas ang isinali sa kontrata.

Labag yun sa ating Constitution na nagsasaad na na ang ang exploration ng natural resources o likas na yaman ng Pilipinas ay dapat sa kontrol ng pamahalaan.

Bakit pumasok sa ganitong kontrata ang Pilipinas? Ini-ugnay ngayon ang $8 bilyon (dolyar yan) na loan na ibibigay ng China para sa iba’t-ibang proyekto na nakuha ng administrasyon ni Arroyo kasama ang mga kontrobertial na proyeko katulad ng ZTE, North Rail, South rail, Cyber Ed at iba pa.

Published inForeign AffairsSouth China Sea

15 Comments

  1. bitchevil bitchevil

    Expect another cover up. Even now, there are attempts or they already attempted in altering the map of the Philippines to make it appear that the joint exploration of the territories are far from the Philippine’s area of jurisdiction and sovereignty. If this is true, Malacanang is indeed going nuts. Who can imagine that even the Philippine map is now being altered to cover up the crime?

  2. Baka nga bago matapos ang taong ito ay naibenta na ang boung Mindanao.Next year ay Visayas then,Luzon kaya aalis na talaga siya sa 2010 dahil wala na siyan ibibinta,kundi ang Marianas Island,madali lang naman pirmahan ang mga papeles,experto si Iggy Arroyo d’yan.Nasaan na ba si Mosqueda at mag praktis ako sa kanya,pangit kasi ang signature ko.

  3. Diego K. Guerrero Diego K. Guerrero

    Ang likas na yaman ang ating bansa ang dapat makinabang ay ang mga Pilipino at Republika ng Pilipinas. Bakit niya ibenta o isanla ang hindi sa kanya? Hindi estado si Gloria. Maraming beses niyurakan ni Gloria Arroyo ang ating Saligan Batas dahil ganid sa kapangyarihan at salapi. Matagal na tayong bina-baboy. Dapat patalsakin na. Salot si Gloria sa ating bansa.

  4. chi chi

    Ang mga kasalanan niya simula pa(huwag na nating isama ang iligal na pagnakaw niya sa trono ni Erap),ang Nani Perez, the million dollar man love of her life, Hello Garci, Jocjoc Fertilizer Bolante, Northrail, NBN/ZTE etc. pa, ay hindi na nga kapata-patawad sa pinoy, ito pa kayang pamimigay/ pagpapalit/pagbebenta ng parte ng Pinas sa China dahil lang sa pansariling interes?!

    Pagtataksil sa bansa, wala iyang kapatawaran! Dapat sa babaeng ito ay kaladkarin sa putikan at dun ilublob hanggang madedbol!

  5. Laski Laski

    Sunod sunod na katiwalian ang ginagawa ni Gloria. Let’s look at it this way. Gloria is inadvertently trying to incense the pinoy sensibilities. Gloria is trying to wake up pinoy lethargies so pinoys will rise up and demand retribution for their woes. Gloria is saying: “Arise, my fellow countrymen … unless you demand righteousness for my iniguities, the next leader after me will put the yoke on you like driven cattle to the slaughter!”

  6. She’s either gonna pawn each province near the Spratly island one by one and then she’ll turn to the Malaysians to sell of Minadanao followed by Batanes that she’ll sell off to Taiwan.

    This woman is the worst president this country ever had.

    Marcos may have been a dictator but he did try to protect Philippine sovereignity!

  7. bitchevil bitchevil

    Marcos even attempted to get back Sabah. Remember the “Jabiddah Massacre”? Dictatorship is not bad per se. There are good and bad dictators. Sometimes, you need a strong leader with iron hand to discipline the people. In papers, Gloria Arroyo may appear not to be a dictator but her actions are worse than that of a dictator.

    Tuesday is the resumption of Senate hearing. It would be interesting with the expected appearance of a new witness who has first hand knowledge about the pay-off. The problem is Malacanang would again call a Press Conference with Bunye and Ermita talking shit just to distract audience from watching the Senate hearing. Or the Ombudsman would suddenly call for its own hearing. They have done these several times so that the media coverage would switch to Malacanang instead of the Senate hearing. They might use the same trick again.

  8. Wag na wag nilang ibebenta ang Republika nang Bikolandia kundi tatabasin ko’t tatahiin ang mga kwan na yan! Hmpt!

  9. Eggplant Eggplant

    Expect a cover-up with a doctor and a pretty woman talking again what they don’t know. I don’t give much importance with the Spratleys (although this is also a very important one)because this is still a claim, but if it is our own territory which is at stake this is a very serious problem. Kailangang bantayan nating lahat ito; at kung kailangang kumilos ang buong mamayan upang isalba ang ating lupain, dapat kumilos ang lahat. I hope the Senate as well as the also the house of representatives shall immediately conduct and investigation to this effect. Pigain ng tanong si JDV kung ano ang kanyang partisipasion dito at nalalaman.

  10. krunck krunck

    Unano and her cohorts violated Article I: The National Territory and Article XI, Section 1 of our constitution … again. I dunno when this evil be punished. What she is doing right now is really a totally outrageous! The pandemonium happening in our country is not cause by the leftist nor the opposition but by her and her followers. What will happen next? She’s really the Queen of all Shame.

  11. Valdemar Valdemar

    PGMA and the FG are the best booble-boodle, they have already sold even our souls.

  12. These crooks have been selling the Philippines and the Filipino people whom they call as the Philippines’ No. Export Commodity. I was actually shocked and thought Filipinos should be outraged and feel insulted when Gloria Dorobo’s emissary, Egcel Lagman, came to Japan and announced that the OFWs were the Philippines’ No. 1 Export Commodity.

    Lagman came to Tokyo soon after the Japanese government announced that Japayukis would then be banned from coming to Japan in accordance with the new Immigration Law aimed at curtailing human trafficking to/from Japan. On instruction from the glorified pimp, no doubt, he tried to renegotiate the hiring of the Japayuki to fill up jobs n bars, clubs and even brothels in Japan vacated by the more emacipated Japanese women but in vain.

  13. parasabayan parasabayan

    I am awed at how the Fatso has his fingers in all the transactions, from the telecom, to the customs x-ray machine, to the exploration in the Spratly’s to almost any business he can get “KUPIT”! Wala namang magawa si Evil Bitch kasi si Fatso ang nagmaniobra ng lahat para maging presidente siya. The Fatso, I heard, was the one who distributed the bundles of money to the AFP officers to rig in the 2004 elections.

  14. gusa77 gusa77

    Relax,calm down everybody,agression never been successful, unless you’re in tight situation,wind up little bit,thier next move would put them in grave situations.THE tropical depression are turning to a typhoon status,wait till the indication of changes of tides and currents, how strong of super typhoons was.How and what the effect,when the hit the landfall.current strenght in moderate so far.

  15. Valdemar Valdemar

    Why Spratlys became a hope for an oil source for us. Long before stringent marine pollution laws were passed it is an SOP to wash the tankers to remove evidences of its previous cargo that may contaminate the new oil cargo. The tankers should be clean before reaching the Singapore Strait from Japan and other discharging ports up north. They do it right close to the Spratlys. Crude oil floats like cakes and sea currents lodge these on the coral reefs and the island beaches. Fishermen there and even our squatters passed on the constant sightings of oil they thought to spring up from the deeps around.

Comments are closed, but trackbacks and pingbacks are open.