Skip to content

Hindi nakakasiguro si Arroyo sa military

Tama si Jun Lozada. Huwag na tayong umasang mapilit natin si Gloria Arroyo mag-resign. Kailangan talaga tanggalin siya.

Sinabi sa amin ni Jun Lozada sa aming interview noong linggo sa La Salle Greenhills na kahit anong sigaw natin na “Gloria Resign”, hindi magre-resign yan. Nang pinag-uusapan raw ang mga protesta ng nagsisimula ang imbestigasyon ng NBN/ZTE, may isang cabinet member na nagsabi, “Hindi natin ibibigay ito ng walang patayan.”

Maniniwala ako diyan dahil saan nga naman pupunta si Arroyo at ang kanyang mga alipores kung bababa siya. Kung dito, putaktehen siya ng kaso. Kahit makipag-deal siya kay Noli de Castro, na ngayon ay naghahanda nang pumalit sa Malacañang (ito naman isa ay naghihintay lang na mahulog ang pagka-presidente mula sa langit), hindi naman sigurado kung maipatupad yan dahil baka pati si De Castro kasamang maanod sa pagbaha ng galit ng taumbayan.

Sabi ni Lozada kailangan na talaga ng tulong ng mga military at pulis para mapatalsik si Arroyo. Marami na dating hindi sumasama sa kilos protesta ay nakiki-martsa na katulad ng mga madre at mga estudyante. Nakakatuwa ang delegasyon ng mga estudyante noong Biyernes sa Ayala. Ang dami nila at talagang ang lakas ng sigaw na “Gloria. Resign.”

“Manindigan na kayo,” ang panawagan ni Lozada sa mga sundalo at pulis. Dagdag pa niya, “Nakikita na ninyo na lahat na kapangyarihan ng estado ay ginagamit laban sa mamamayan.” Nandiyan ang wiretapping, ang pagharang ng taumbayan na gustong sumali sa mga rally. “Wala ba kayong konsyensya?” ang tanong ni Lozada.

Ang balita namin, marami sa ating mga sundalo at pulis ang naiiinis na sa ginagawa ni Gloria. Hindi totoo ang sinasabi ni AFP Chief Hermogenes Esperon at PNP Chief Avelino Razon na buong-buo sila sa likod ni Arroyo. Sila mismo hindi makakasiguro si Arroyo.

Basahin niyo itong lumabas sa column ni Ramon Farolan, retired Air Force general, sa Inquirer sa taped na usapan nila noong Feb. 25. Mukhang pinaglalaruan lang nila si Arroyo:

Gen. Razon: Mistah, ano bang gagawin natin pagkatapos ng flag-raising sa Edsa?
Gen. Esperon: Hinahamon tayo ng class ’76. Dalhin mo ang golf set mo at mag-laro tayo sa Aguinaldo.
Gen. Razon: Eh, paano tayo makaka-alis sa Edsa? Nakakahiya naman kung basta mag-disappear tayo agad.
Gen. Esperon: Ganito, sabihin mo sa staff mo na magkapit-bisig tayo, kasama ang army, air force at navy commanders patungong Aguinaldo. Pag-dating natin doon, derecho sa clubhouse, bihis at tee-off agad!
Gen. Razon: Maganda ’yan, mistah. Pero baka tatawag si “4 by 4” (Palace codename).
Gen. Esperon: Akong bahala. Sasabihin ko na pinaguusapan natin ang anti-coup operations.

Published inMilitaryWeb Links

62 Comments

  1. TurningPoint TurningPoint

    Ayon kay Jun Lozada, hindi magre-resign gloria arroyo ayon sa panawagan ngayon. Sang-ayon din ito sa isang opinyon na aking natunghayan hindi aalis si gloria arroyo ‘out of delicadeza’. Ang dahilan:

    1. Wala siyang delicadeza.
    2. Gusto niyang manatiling panggulo hanggang sa dulo ng daigdig.
    3. May natitira pang pera sa kaban ng bayan na pwedeng kurakutin.
    4. At kung sakaling hindi na mapigilan ang pagre-resign dahil sa lumalakas na panawagan, naghahanap pa ng isang tao (baka si Noli de Castro) na papalit sa kanya na handang “patawarin” siya agad sa kanyang mga kasalanan.

  2. Ellen,

    Absolutely! That’s why during the interfaith rally, she hid in the PNP gen hqs! She doesn’t trust the AFP, she knows only a handful of generals support her and heaven knows generals are no match when the armed forces blow up!

    Hah, the rat is seriously feeling the heat!

  3. Diego K. Guerrero Diego K. Guerrero

    AFP Chief Hermogenes Esperon and PNP Chief Avelino Razon are that type to fight until the last man standing. They know the real sentiments of their junior officers and men. Mag-balimbing sila kapag nai-pit.

  4. Hindi magre-resign talaga yang si Unano. Bilang mga amo niya, sisantehin natin!

    Gloria, if you won’t resign, then you’re fired!

  5. Diego K. Guerrero Diego K. Guerrero

    Opps mali. AFP Chief Hermogenes Esperon and PNP Chief Avelino Razon are NOT that type to fight until the last man standing. They know the real sentiments of their junior officers and men. Mag-balimbing sila kapag nai-pit.

  6. chi chi

    Reason why the Ass’s service will be extended again. Kay Asspweron lang at sa mga garapal na men in uniform nakakasiguro ang bitch.

    “..ito naman isa (Noli) ay naghihintay lang na mahulog ang pagka-presidente mula sa langit),”

    Ibagsak natin kay Noli Kabayad ang langit! Isabay kay Gloria na tsupihin!

    Omigawd, just saw Kabayad’s photo (online abs-cbn), it made me sick! Even his face is empty! Gwaaaaarkkkk!

  7. tikbalang tikbalang

    Matagal na nating pinag-uusapan yan sa blog ni ate Ellen hindi talaga magreresign si Gloriang Manananggal lahat ay gagawin niya para manatili sa pwesto. Kung hindi ba makapal ang mukha niya mandadaya ba siya noong 2004 at nasaan ba si Joc2 Binulate? Dapat dyan patayin na para hindi na pamarisan ng mga susunod na leader at ng magkaisa na ang mga Pilipino.

  8. Etnad Etnad

    Extended daw si Espi until 2010. Kasi mahina na daw ang tuhod ni efgi. Naku ha!!!!!!

  9. Elvira Sahara Elvira Sahara

    Totoo, hindi talaga si EVILBITCH mag-re-resign! EVIL, nga eh!
    Haven’t you forgotten her AMO, SATAN? How many times did he tempt Jesus? So, it is with Gloria! We should NEVER give up fighting with her. We should follow Jesus! Let’s not forget to PRAY…PRAY, we MUST because I believe the Lord ISN’T going to turn His back if it’s for our own good!

    Sige na…let us OFFER all our angers and heartaches on this woman, TO THE LORD, and am sure HE will GRANT US our WISH!
    and folks…

    Let us pray for Gloria’s CONVERSION!

  10. Elvira Sahara Elvira Sahara

    I really pray for Gloria’s change of heart! If she doesn’t, then, may the good Lord send us SOMEBODY, who can help us solve or save our country from the EVILS hands!!!

    AMEN…LORD…AMEN!!!

  11. mssmark416 mssmark416

    Mga kapinoy ko,

    Tutulan ang tukso sa inyong mga puso’t isipan…
    Huwag na kayong maghintay para magresign ang isang tulad ni Gloria.
    Aksyon na!Now na!AT HUWAG NA SI NOLI!

    If a man cannot make his mind in a day, he is a dead man the next day!

    You need a smart brain to make a stand in the middle of a status quo…

  12. Noli is a hopeless case. If he could only have another brain…it would be lonely!

  13. myrna myrna

    teka, ano ba itong challenge ni panelo (lawyer ni abalos), for a debate with lozada, to answer point-by-point yung allegations/accusations ni lozada?

    naku naman, umandar na naman ang pagka-tililing ni panelo. para bang hilo na nagdemand ng equal opportunity to be heard DAW si abalaos, dahil yung mga estudyante daw, napakinggan na si lozada.

    kung sino man ang kakasa sa gusto ni panelo na civic groups daw o student council, ay naku, sigurado akong lutong makaw na naman.

    mga style nila, bulok na talaga. sino pa ba maniniwala kay abalos? kung mismong mga taga comelec noon (at ngayon), di siya pinapaniwalaan, mga tao pa…na alam na ang kagaguhan niya?!!!

    pwede ba….tama na style niyo. bulok talaga. bumenta na yan……

  14. bitchevil bitchevil

    A lawyer challenging a non-lawyer to a debate? Abalos is also a lawyer but he’s unsure of beating Lozada in a debate. Lawyers may be good at manipulating and twisting laws; but a non-lawyer like Lozada could overcome this by just stating the truth.

  15. Kontra-Bobo Kontra-Bobo

    Sige, paimbita si Panelo at Abalos at Lozada sa mga student councils. Tingnan natin kung sino ang mapipikon sa heckling nga mga istudyante. Batok at libu-libong punong mineral water ang hahabol sa kanila palabas ng campus..

  16. cha-cha cha-cha

    Bakit kailangang kasama si Panelo? May yaya si Abalos, si Lozada, wala?

  17. atty36252 atty36252

    Debate pala ha. Tataliwas ako ng konti. Let’s have a debate with stats.

    The government keeps saying hindi daw overpriced, husto raw sa sukat, buong Pilipinas daw ang sakop ngawa, ngawa, ngawa. Let’s put it to the test. I hope hindi pa huli, dahil patapos na ang sem sa Pinas.

    Bakit hindi gawing project ito, o term paper or make-up sa maraming absence (tulad ko) ng professors to their students, in Mechanical Engineering or E.C.E. Mag-gawa ng feasibility study for a broadband network sa Pilipinas, including costing, hardware needed, etc. Tingnan natin kung magkano talaga. Harness the youth to prove these lying, sniveling thieves wrong.

    Sabi nga ng mga Romans, fraus latet in generalibus – fraud and deceit lie hid in general expressions. Let’s get the particulars from the youth.

    Madali naman marahil gawin yan, dahil may internet na, with google. Noong panahon ko, hay, sasakay ka ng jeep, to physically go to one library, tapos kung wala, punta sa ibang escuela, or the National Library. Tapos, pagdating ng libro sa iyo, punit pa ang hinahanap mo.

  18. Jake Las Pinas Jake Las Pinas

    Kay kayong mga “Los Muchachos” Sundalos, umaklas na kayo. Ganyan lang pala ang tingin sa inyo ng pekeng Presidente o ang mga nakapaligid sa kanya. Ituloy ang laban ni Bonifacio! Hanga ako dito kay Gen. Farolan. Noon panahon ni Marcos, pilit na pinirma ang pangalan nya sa isang manifesto para kay Marcos. Hindi daw sya pumirma. Para sa akin sya ang unang opisyales na lumaban kay Marcos. Itong si Gen Esperon parang si Gen Ver. Di naiisip.

  19. What a stupid suggestion! Never heard in any civilized society the lawyers getting into a brawl even a debate outside of the court with a mere witness to a crime committed by his client. Chi, that lawyer in fact should be disqualified to represent Abalos!

    But then what rule of law and code of ethics tha have not been defiled already by these criminals with lawyers in fact obligated to defend their clients but they themselves are exempted from interpreting the law in the way they believe they can in order to save their clients whom they should in fact teach to abide by the law? Talaga namang hopeless case.

    These crooks are already preparing for war. Siguro naman napapanahon para mag-isip ang taumbayan na maki-guerra na rin. A tooth for a tooth, an eye for an eye na ang labanan, ganoon ba? E di ibigay sa kanila ang gusto nila!

  20. Lozada need not be afraid. What he can do is ask the best of the best lawyers of the IBP now in the movement to represent him, too, even gratis.

    Tignan natin ang yabang noong Panelo. Just because the creep’s patrons in Malacanang have millions to pay this creep of a lawyer, anong magagawa niya sa katotohanan that Lozada is and has been spilling eversince he was moved by the Lord above to do so. Walang dapat na ikatakot si Lozada lalo na kung may matigas na pananalig siya sa Diyos!

    What Lozada does now truly should remind us of this counsel from the Lord, Hereby perceive we the love of God, because he laid down his life for us: and we ought to lay down our lives for the brethren. But whoso hath this world’s good, and seeth his brother have need, and shutteth up his bowels of compassion from him, how dwelleth the love of God in him? My little children, let us not love in word, neither in tongue; but in deed and in truth. And hereby we know that we are of the truth, and shall assure our hearts before him. (1 John 3:16-19)

  21. Totoo ang sinabi mo, Ellen. Marami kaming kakilalang mga pulis ang galit na kay Gloria, nakikiramdam palang. Worse comes to worse daw, baka sumama na rin sila lalo na siguro iyong mga may mga anak, asawa at kamag-anak na kasama sa mga rally. Kaya hayo na mga kabayan, Sama Na, Kilos Na!

  22. Hopefully, iyong away ni Saycon, Leah, et al ay Erap does not affect the feeling of everyone who has joined all the rallies from the day Lozada spilled his beans! Hindi naman dahil kay Erap o sa BnW kaya tayo lumalaban at nagmamartsa kahti sa cyberspace kundi para sa Pilipinas at ikakaunlad ng bayan at ng mga pilipino! Iyan ang dapat na ipasok sa puso ng bawat isang makabayan!!!

    Sama Na, Kilos Na, Tanggalin Na!

  23. I bet you, si Andres Boniffacio at ang mga kasama niyang katipunero pihado tinakot din ng mga pari at mestiso nang itinatayo nila ang KKK na hindi nila kayang talunin ang mga kastila dahil matagal nang namamahala sa mga pilipino. Buti na lang hindi siya nakinig!

  24. TurningPoint TurningPoint

    Si Abalos haharap ng debate kay Lozada?

    Pitpitin man ninyo ang yagbols ni Mike Arroyo, hindi haharap si Abalos kay Lozada sa debate. Eh kung sa harap nga TV hindi na umubra. Lalo na kung ang debate ay gagawin sa Plaza Miranda o kahit sa alin mang school.

  25. DKG: Mag-balimbing sila kapag nai-pit.

    *****
    Correct ka diyan. Read between the lines ng sinasabi ni Esperon, et al. “Kung ano daw ang gusto ng bayan!” Walastik ha! Right now, ang bayan nila ay si Gloria Dorobo dahil hawak pa niya ang susi ng kaban, pero pag natanggal iyan finally, biglang kambio ang mga ungas na iyan.

  26. Sabi si Gloria dugong aso. Bakit kaya tinawag na dugong aso ang mga taydor a katulad ng ninuno ng ungas na iyan samantalang ang mga aso ay kilalang tapat (faithful) sa kanilang mga tapapag-alaga? Ganoon ba ang aso sa Pilipinas? Traydor?

  27. JdP: Itong si Gen Esperon parang si Gen Ver. Di naiisip.
    *****

    Have you heard of the saying, “Blood is thicker than water?” Si Ver faithful kay Marcos kasi sa totoo lang magkamag-anak sila, pero itong si Esperon hindi naman kamag-anak ni Gloria Dorobo para mag-stick siya sa kaniya, pero sabi nga, “Birds of the same feather flock together!” Parehong kampon ng kadiliman! Hindi iyan mag-iisip!

  28. uncvlized uncvlized

    Almost all generals now are for SALE kasi kaya ganun nalang nangyayari sa ating bansa.
    But I think na baka magkagulo din kasi mga Junior officers kasi di nabibigyan ng pansin at mga retired officers and mga TAUHAN ng mga AFP/PNP.

  29. uncvlized uncvlized

    Lets pray may mangyaring maganda sa SC regarding the issue of the eo464 or executive priviledges. Sana maNERIvious na at matakot na sa ITAAS. Prayer parin ang dapat ngayon for the truth to come out.

  30. Malaya: Reacting to the survey, Press Secretary Ignacio Bunye quoted the statement of the League of Cities of the Philippines that “Metro Manila is not the Philippines” and that they have different sentiments in the province.

    *****

    Iyan ang sinasabi ni Bunye but the pictures of the sporadic and nationwide protests prove otherwise. Nagtatapang-tapangan na lang ang mga duwag, you bet!

    Scan the Internet and you get to pages where the pictures are published. Visit http://www.arkibongbayan.org

    Huwag Matakot Sa Mga Kurakot! Sama Na! Kilos Na! Patalsikin Na!

  31. mssmark416 mssmark416

    Gusto pala nang debate ha??? Papuntahin nýo nga dito yang mga yan at sa akin sila makipagdebate!!!
    Mga hangal na yan!!!

    Yung simpleng pagharap lang sa hearing sa Senado takot na silang humarap,.. Sa debate pa kaya???Ngitngit ng pitong Dimonyo sa lupa…Pagpapalakas loob na lang ang meron sila sa totoo lang.

    Yang si Mr. CD1 CD2 na yan isa pa yan!

  32. Mrivera Mrivera

    Diego K. Guerrero Says: “AFP Chief Hermogenes Esperon and PNP Chief Avelino Razon are that type to fight until the last man standing.”

    diego, kailan nangyari ito sa kabuuan ng pagseserbisyo ng dalawang aso? mali ang pagkakaguhit mo nito, kaibigan dahil kahit kailan ay walang sinuungang labanan ang dalawang ‘yan lalo na si es-PWE-ron.

    ‘yang si rasyon kung meron man ay parang sa sine lang. palabas bida pero nagtatago sa likod ng kanyang mga tauhan.

  33. Mrivera Mrivera

    mssmark416,

    kaya nga kahit si gloria ay hindi makaharap sa mga imbitasyon sa kanya dahil magkakabuholbuhol ang dila kapag isinalang sa cross examination ng senado, sa iyo pa. eh, sa tema mo na lang kaibigan, kakalambrehin na sa nerbiyos at baka maihi’t matae sa salawal ang mga ‘yan.

  34. ipaglaban_mo ipaglaban_mo

    Ano? Gusto naghahamon makipag-debate? For what? Bakit, malapit na ba ang election? Napakababaw naman na suggestion nun?
    I guess mas mababa naman suggestion ko; hahamunin ko naman si Abalos sa suntukan? Kahit isama niya na rin abogado niya para partida. 🙂

  35. ipaglaban_mo ipaglaban_mo

    Anyway, gloria will never resign. she’s stubborn, def, control-freak, hard-headed, heartless, a lady-jerk, etc. There’s so many words to describe this evil bitch.

  36. jerz jerz

    Di magreresign si Gloria. Patunayan nyo muna na maysala sya.

  37. jerz jerz

    Galit na si ipaglaban mo.

  38. happy gilmore happy gilmore

    e di palusubin mo si ipaglaban mo sa malakanyan…..magandang mapanood sa tv yan, lalo na pag pinaulanan yan ng bala ng psg….baka titigan lang yan ng mga siga doon e maihi na yan.

  39. ipaglaban_mo ipaglaban_mo

    Kapag puno na ang salop… 🙂

  40. ipaglaban_mo ipaglaban_mo

    Hi luli, musta ka na?

  41. jerz jerz

    oo nga, ang tatapang nila… dito lang sa blog. hehehe.

  42. sandinista sandinista

    Here we go again… hay…

  43. kapatid kapatid

    Gloria_The Evil Biyatch, will never step down, as she has to keep herself and family safe from the Filipino people who would most likely demand their incarceration! It is my belief, and opinion that we, the Filipino People, should make it quite expensive for this corrupt officials who have misled us and who have siphoned off our monies. We must demand that their assets be held in escrow. Assets, like, banks,businesses,surety,Jose Pidal account(whatever is left of it) among others. Then conduct an impartial and thorough audit of their transactions _ both governemnt and private to uncover the paper trail. I have friends from a very reputable international auditing firm who have suggested, that even if they used cronies in their transactions, the paper trail would eventually lead to the principals. When we have found the extent of their greediness, we pass judgment, and lock them up without the possibility of Parole or Executive clemency! We must do it right this time to give warning to the future leaders of this country, that the Philippines is not their private business or company, but that the Philippines is the property of the entire Filipino People! The whole encilada!
    Have a look at GOCC’s and other big companies sequestered by the government from previous eras, and you would find that they are almost bankrupt! This has been going on for years, because the government appointed heads are not after the welfare of the institutions they are suppose to protect, but they are there to protect the interest of their benefactors! Retired military personnel are given prime positions, even Esperon have decalred that he is ready to work as a government appointed CEO! This practice have left so many bright minds who have labored and invested time and effort to these institutions, only to find out later in life that they have nowhere to go but be pencil pushers for the powers that be who were appointed and serves at the pleasure of the president. They are what we can call “mendicants”. They would need to kiss-ass to these political appointees! Have the books of this corporations shown to the public and you’ll see and be able to follow the downward spiral of this corporations.
    I would repeat, that we should make it very expensive for the powers that be, that exploiting and usurpation of your authority would lead to your incarceration and and be marked forever with the Scarlet Letter!
    To the future staff of the government, be warned! Corruption will no longer be tolerated by the Filipinos! We should ensure that they live for a long time_albeit, life of deprivation and hell, in order for them to experience the suffering that they have caused to the citizenry!
    Gloria and company _especially the family… its time to go… babay gloria!

  44. norpil norpil

    it is really time to kick her out. some kind souls still wonder where can she go, but it should not be the problem for the pinoys to dwell on. then others wonder who will take over and will the guy be prepared? for me the harder one kick her out of office the better the successor will learn that it is not allowed to misuse the highest office of the land.

  45. Mrivera Mrivera

    “Di magreresign si Gloria. Patunayan nyo muna na maysala sya.”

    ay, bulag na’y nagtatangatangahan pa!

  46. atty36252 atty36252

    Ang tagal ng oral argument diyan kay Neri. Mukhang delayed para mag-retire si Sandoval-Gutierrez.

    Sayang, magaling pa naman siyang magsulat, kahit non-Constitutional issue (criminal or civil). Yan ang maganda sa career jurist, na galing sa RTC then Court of Appeals – hasa. Ganyan din si Austria Martinez at Ruben Reyes (no relation to the bagman).

    I-compare ang mag sulat nila sa trying-hard-to-be-profound na si Panganiban (baduy), or pa-epek like Leo Quisumbing, or the worst, Corona (mabuti pa yung tokayo mong beer masarap).

    Pangit din magsulat yung non-jurist ni Cory, si Azcuna. Damn what a non-writer.

  47. Kaya iyan ang mali ng promotion procedure sa Pilipinas. Nakakawalang ganang maging masipag at mag-aral na mabuti ng trabaho kasi kahit walang qualification kahit na sinabing may college diploma (na baka binayaran lang naman) na pro-promote basta may connections. Performance-wise, low quality ang service. Puro short cut kasi.

    Dito sa amin, Atty., they get promoted by taking in-training courses, take new civil exams for the position being applied for, plus record of performance, kaya iyong judges ng aming SC, hindi mga appointees. Umakyat ng tama, tapos pag eleksyon, pini-present ang kanilang mga pangalan for confirmation or more properly called “vote of trust and confidence, Kung walang mark ang pangalan, retained ang position, kung may mark, kahit isa lang mark, disqualified! Hindi kasi puedeng magkaroon ng kahit isang dungis (mark). Simpleng procedure. Kaya walang palakasan!

  48. Mrivera Mrivera

    promotional requirements sa administrasyon ng mga garapal-arroyo:

    1. tiyo position (kapalit ng T. O. position) – kung gaano kalakas at kaimpluwensiya ang padrino

    2. put performance (kapalit ng mahusay na performance)- kung gaano kalaki at kalimit magbigay ng padulas

    3. sipsipisiyensi (kapalit ng efficiency) – kung paanong maging parang bubuyog na bulong nang bulong sa boss na may kasamang paninira sa kasamahan

    4. ang pinakamahalaga sa lahat, kailangang maging isang pusakal na magnanakaw, sinungaling, tikom ang bibig at sarado mata, may pasak ang dalawang tenga sa mga kawalanghiyaang ginagawa ng mga nakakataas sa kanya.

  49. Inquirer says, “A sudden heavy downpour aborted the “unity walk” of President Gloria Macapagal-Arroyo and 77 city mayors who trooped to Malacañang Monday to pledge their support for her in the face of the latest corruption scandal that has re-ignited calls for her to step down.”

    Reminds me of that movie, “Evan Almighty”! Oftentimes, God speaks to us through forces of nature! Gloria Dorobo should better take heed of the warning from Up High!

    ” And in the morning, It will be foul weather to day: for the sky is red and lowring, O ye hypocrites, ye can discern the face of the sky; but can ye not discern the signs of the times?”(Matt. 16:3)

  50. eddfajardo eddfajardo

    Mga Katoto:
    Bilib ako sa ating kasama rito si Atty36252, okay ako sa suggestion niya sa mga estudyante na mag presenta ng term paper or project feasibility study about broadband network covering the entire Philippines giving emphasis to costs, equipment, etc. I also share with him his observations about some SC justices regarding their “correspondence” capabilities. These are things we can’t read in the news. Dito lang sa village ni Ellen.

  51. jerz jerz

    mrivera, di po ako bulag. hihintayin ko na lang po ang paglabas ng mga ebidensya laban sa mga inaakusahan dito, bago ako humusga.

  52. rose rose

    jerz: keep praying and wait for whatever justice the Death of Justice..and wait for the evidences..puede naman gawin ng mga may kapangarihan..
    just a thought! ano kaya sa araw ni St.Jude noon ang mga tao magsimba..non violent walk to the church via Mendiola at Aviles..non violent..are the military going to block them?..block their walk to go to Church..non violent ala Gandhi..walang sigawan..St. Jude is the patron of Hopeless cases and Gloria’s resignation is a hopeless case..

  53. bitchevil bitchevil

    I like this portion of Ernie Maceda’s recent column:

    Coincidence. GMA visited Calamba Monday. What was publicized by her visit? A typhoid outbreak broke out in Calamba, dooming 244 residents. And nine youth leaders were arrested for shouting “Patalsikin si Gloria!” in front of the city hall.

    So it’s now a crime to shout “Gloria Resign” or Patalsikin si Gloria. Then PNP should now arrest Archbishop Oscar Cruz, Bishop Ted Bacani and all the nuns and priests also shouting the same.

    PSG Commander Brig. Gen. Romeo Prestoza said “GMA did not hear what the hecklers shouted because they were too far away and there were many people around.” If that is so, why the need to arrest them? Using that standard, if rallyists shout Gloria resign in Mendiola, will the PSG now arrest them?

    The students who attended the Ayala rally should now test this act of dictatorship. Go to every venue where GMA is and shout Gloria resign! Let’s fill up the Camp Crame and Malacañang stockades with protesters.

  54. chi chi

    MeGirl SoVery, the Maguindanaoan senator admitted to distributing P450,000 each to all mayors in Bohol province at the height of calls for the pResident Evilbitch’ resignation.

    Tangnang Zubiri! Palibhasa ay product ang putragis na ito ng ng Gloria-Abalos cheating machine. Putulan yan ng bayag, hindi naman niya ginagamit!

  55. rose rose

    akala ko nanalo si Koko Pimentel..bakit nang diyan pa si Me Gal so Very..

  56. Mrivera Mrivera

    kaya nga, jerz. manahimik ka na lang muna at saka ka na umentra kapag nariyan na ang mga ebidensiya. ‘yun ay kung hindi gagamitin ni gloria ang kapangyarihan ng salaping hindi kanya upang BAYARAN (dating gawi) ang sinumang magsasagawa ng inquiry dahil alam naman na ng buong sambayanan kung paano kumilos ang huwad na sinungaling na ‘yan.

    hindi ko nga lamang maintindihan kung bakit sobrang sampalataya at paniniwala ng mga katulad mo na WALANG MAAARING IPALIT kay gloria na para bang NAPAKAGALING niyang pinuno samantalang mula’t sapul ay pawang panlilinlang at kasinungalingan ang lumalabas sa kanyang bunganga. idagdag pa rito ang pagiging isa niyang BENGGADORA at hindi gustong lumaban nang parehas. isama na natin ang kanyang pag-aatubili at pagtanggi na harapin ang lahat ng mga kinasasangkutan niya. mula sa paggamit ng pondo ng bayan sa kanyang kandidatura sa pamumudmod o pagbili sa mga lokal na (suwapang na mga) opisyal, pandaraya noong eleksiyon, mga transaksiyon o proyektong pinondohan ng utang, ‘yung mga kadudadudang bank accounts nila sa abroad at maluhong paglalagalag nilang mag-anak partikular na ang kanyang asawang ubod ng siba’t wala ring kahihiyan.

    saan patutungo ang pilipinas kung patuloy NINYONG kikilingan ang ganitong uri ng namumunong hindi tunay na hinalal ng taong bayan? isang pinunong ayaw ng accountability sa kanyang responsibilidad bilang ipinagpipilitang pangulo daw siya?

    mantakin ninyo ‘yung bilyong dolyar na utang na ating babayaran samantalang hindi naman natin pinakinabangan?

    susmaryang garapon!

  57. gusa77 gusa77

    JERZ,I can’t blame you,if you still believe on a “VIRTUAL”, w/c created by gifted personalities.Your believing on VIRTUAL justices,are undeniable,from the day one of administration surfaces on this republic,have your heard any CASES,against them, been resolved or resolution been handed down.Long process of virtual justice,would result a mass aggitation of the the citizenries,questionable occupancies,undeniable corruption practices of more 90% of the gov’t official from the lowest to the highest position.This is only places on earth, the “SCALE”balance of justices,tipping on the side of gold & powers,instead for the progress of the “Republic”.I do hope you’ll not be a victim of your false belief.

  58. happy gilmore happy gilmore

    tama! ibalik (hik) ssssshhhhi sherrrap! (hik)

  59. Mrivera Mrivera

    happy gilomore,

    sssshhhhiggheee. litsunin natin ‘yung alaga mong baboy phara mhe maphuluthan tahyo. hik!

  60. Ito pa ang isang nakakainis. Sabi ni Jesli huwag daw sasama ang mga students sa mga rallies! Ang sabihin niya natakot si Gloria Dorobo sa dami nila!

    Read the news on this at
    newsinfo.inquirer.net/breakingnews/nation/view/20080305-122965/Insulate-students-from-politics—-education-chief

    ‘Insulate’ students from politics — education chief

  61. Dapat kilabutan na si Gloria. Nagpunta lang siya doon sa Calamba para sa pakulo niya, natipos na ang mga tao doon. Golly, lahat ng puntahan ng ungas lately, sinasalanta ng baha, sakit, etc. If this is not one of those writings on the wall, what is?

    From Inquirer:
    Typhoid downs more than 1,200 in Calamba, says Duque

    Agence France-Presse
    First Posted 15:43:00 03/05/2008

    CALAMBA, Philippines — The Philippine government rushed medical aid to a city south of Manila on Wednesday where an outbreak of typhoid has seen more than 1,200 people admitted to hospital, officials said.

    “This is an outbreak and every outbreak is alarming,” Health Secretary Francisco Duque told reporters.

    He said the government had established a coordinating centre in Calamba — 60 kilometers (37 miles) south of Manila — and was sending medical teams and aid to help local workers who were struggling to cope with the outbreak.

  62. Mrivera Mrivera

    Insulate’ students from politics — education chief

    okey, but no more political figure appointees in the cabinet. no more retired generals in any department and make every government transaction TRANSPARENT!

    NO IF’s. NO BUT’s.

    let every centavo in all departments be accounted. and ask all government officials and employees work and do what is stated in the code of public service.

    obey the order of the people first before expecting orders to be followed by the people.

    sino ba ang mas may kapangyarihan at dapat sundin, ang taong bayang nagpapasuweldo sa inyo o kayong pinasusuweldo ng taong bayan?

Comments are closed, but trackbacks and pingbacks are open.