Akala talaga ni Gloria Arroyo, tanga tayo.
Inamin niya noong Sabado sa kanyang interview sa DZRH na alam raw niyang may iregularidad ang $349 million NBN/ZTE deal na kanyang sinaksihan ang pirmahan sa Boao, China noong April 21, 2007 ngunit itinuloy raw niya dahil foreign government ang kasama sa deal.
Ngunit sabi niya, kinansela naman nya ang kontrata kalaunan.
Akala ni Arroyo, papatawarin siya ang sambayanang Pilipino dahil inamin niyang may irgularidad naman talaga ang kontrata na ilang buwan ring sinasabi ng mga opisyal niya na maayos at malinis. Akala niya katulad ni Rodolfo Noel “Jun” Lozada na lalong hinangaan siya ng sinabi niya na marami siyang nagawa na nakakawala ng respeto sa sarili ngunit gusto na niya ngayon bumawi at –isalbahin ang kanyang kaluluwa.
Ngunit, sorry na lang. Hindi na oobra ang drama ni Arroyo. Walang pinag-iba yan sa kanyang naunang “I’m sorry” noong lumabas ang “Hello Garci” tapes mukhang tagilid siya noon.
Pagkatapos siyang mag “I’m sorry”, ginamit niya ang pera ng taumbayan para bilhin ang mga congressman pata hindi siya ma-impeach.
Hindi talaga katanggap-tanggap ang palusot ni Arroyo. Krimen ang ginawa niya. Bilang pangulo, obligasyon niyang ipatupad ang batas. Alam pa lang niya na may iregularidad at hindi nakakabuti ang kontrata sa sambayanang Pilipino, bakit pa niya ipinatuloy? Di hindi siya tumupad sa kanyang sinumpaan bilang Pangulo (kahit nandaya).
Ang tunay na rason talaga kaya niya ipinagtuloy ay dahil sa kinukulit nila ang ZTE na dagdagan ang downpayment ng kanilang commission dahil gagamitin nila sa eleksyon ng Mayo 2007.Kasi sa panahon na yun, $21 milyon (P1 billion) na ang kanilang nakuha.
Ang balita naming pagkatapos ng pirmahan, nagbigay ang ZTE ng $30 million (P1.5 billion). Ang balita namin, $41 million (P2 billion) ang nai-advance ng ZTE sa $200 million na hinihinging komisyon ng grupo nina Abalos at Mike Arroyo.
Ang hindi sinabi ni Arroyo ay kaya niya kinansela ang NBN/ZTE deal dahil binulgar na ni Joey de Venecia ang bilyon-bilyon na patong at sangkot si Comelec Chairman Benjamin Abalos at ang kanyang asawang si Mike. At pinagutos ng Supreme Court na ihinto ang deal. Singungaling talaga.
Sabi niya ang imbestigasyon ng NBN/ZTE deal na isinasagawa ng opisian ni Justice Secretary Raul Gonzalez at ng Ombudsman na pinamumunuan ng kaklase ni Mike Arroyo, ay walang sasantuhin. Paano siya na sangkot rito?
Ito pa ang talagang napalaking kasinungalingan. Sabi niya:”Ang aking pamilya ay hindi nagne-negosyo sa pamahalaan. Hindi katanggap-tanggap kung hindi ganoon at alam nila iyan.”
Katawa-tawa talaga itong si Arroyo.
Saan ka naman nakakita ng mga umaamin ng krimen pero hindi nakukulong? Onli in da pilippins! Pinabayaan kasing mga appointee nila ang nakaupo sa pulis, militar at higit sa lahat sa Kagawaran ng Katarungan! Dios mahabagin!
Gusto ko nang idasal, “Lord tamaan ninyo na po sila ng kidlat!”
Ngayon pa Madam GMA, grabe ang pagsisinungaling mo sa sambayanang Pilipino? Paano yan eh AYAW ng nang taong-Bayan sa isang sinungaling na leader at evil na panggulo ayon sa mga sumisigaw ng katarungan sa kalye.
Wala nang naniniwala sa inyong rehime at sobra na ang ipekto sa buhay ng mga mamamayang Pinoy ang kawalang respeto nýo sa ating Bansa.
Hangga’t may panahon pa eh magisip-isip na kayo sapagka’t ang galit ng tao eh mahirap yang pigilan.
Kita nýo folks sa hinaba-haba mang daw ng prusisyon eh sa simbahan din ang tuloy!
Ganito nila ginagago ang sambayanang Pilipino? Kung anu-anong palusot since ng sumabog ang kurapsyon na ito at heto patuloy pa ring nagmamatigas sa kasinungalingan.
Paano yan mga Kababayang Pinoy, saan tayo patutungo? Mabubuhay na lang ba tayo sa kasinungalingan ito at magtetengang lipya na lamang?
They keep covering their behind but they forgot to cover their mouth also, kaya ibat ibang kwentong barbero ang nadidinig.
The Lies, the Deceit….I’m just about to puke!
Matagal na akong gustong mag-comment dito Ellen, pero ngayong inamin ni Arroyo na alam n’ya palang may mga irregularities ang NBN deal, nag-witness pa din s’ya nang signing nito, haaaay naku, ang sarap tirisin. Sobra na talaga, NAKAKASUKA!
From a GK (Genuine Kapampangan) to a WK (Wannabe Kapampangan), I want to tell her that “she’s a real disgrace to us all Genuine Kapampangans”.
Gaya-gaya ang bitch. Kinopya si Lozada sa pagsasabi ng totoo pero palpak pa rin at walang naniwala. Paano ay kasinungalingan rin ang kanyang ‘confession’.
Hoy bitch! Wala ng tangang pinoy ngayon, maliban sa mga nagtatanga-tangahan!
Nagpalabas ng sampung milyong reward ang kampo ni Bitsi-Bitsi kung sino man ang makapatay kay Lozada, ang mga tao sa halip na patayin ang probinsyanong instik kapalit ng sampung milyon,hinugot nila ang kanilang pitaka at nagbigay ng pera kay Lozada.
Ano ang gagawin ng mga cabinet members niya na sangkot sa skandalo ng NBN/ZTE? Matapos na idepensa nila hanggang langit ang “kalinisan” (daw) ng proyektong ito ay sila ang ginagawang sinungaling ngayon ng kanilang pResident Bitch.
Sabagay ay wala akong inaasahan isa man sa kanila na mag-aalsa boses sa evil bitch kasi ay kinapon na sila lahat ng impaktang puta bilang sakripisyo sa pagtatagumpay ng kasamaan sa EK!
Grabe na itong si Evil Bitch! Sa sobrang panic mode di na ata alam ang gagawin, ayan napaamin tuloy ng di oras. Sino naman maniniwala na ang mga miyembro ng Pidal family ay hindi kumikita sa gobyerno? Nang banggitin ni Evil Bitch sa harap ng mga supporters, eh pati sila mahina ang palakpak para bang mismong mga tauhan niya di naniniwala!
Sa lahat ng malalaking kontrata at proyekto mula ng maupo si Evil Bitch noong 2001, kasali ang miyembro ng kanyang pamilya. Kung hindi man sila direkta, kinakailangan dumaan ka muna sa kanila! Alam nating lahat na si Big Mike ang tiga aprub ng malalaking kontrata, si Mikey naman lahat ng smuggling operations hawak niya!
Sa dami ng kinita ng Pidal family, they needed to get the services of fund managers abroad dahil talagang umaapaw na ang salapi nila! Dahil medyo maganda ang takbo ng ekonomiya ng Asian region, malamang na ang kanilang salapi ay naipasok na muli ng Pinas sa pamamagitan ng investments ng kanilang fund managers.
From IMPSA, Diosdado Macapagal Highway (world’s most expensive highway per kilometer), fertilizer scam of Jocjoc, PCSO scam, North and South Rail projects, all smuggling and importation operations, etc… hanggang sa ZTE-NBN scandal, lahat ng ito ay involved ang Pidal family. Sapagka’t bilyon-bilyon ito, siguradong bilyon-bilyon na rin ang kickback nila.
Talagang ginawa ng family business ng mga Arroyo ang ating pamahalaan!
Tapos sasabihin pa ni Donya Evil Bitch na di daw kumikita ang pamilya niya sa gobyerno? May maniwala pa kaya sa kanya???
The bitch’ cabinet pukes will continue to serve her evilness. They’ve been trained to: see no truth, hear no truth, speak no truth in hell!
Papano na ngayon iyan,nagpatinga na pala ang mga singkit ng $30 milyones kay Bitsi-Bitsi at kay Balong kung hindi nila mababayaran,malamang gawin silang domistik hilper sa Hong Kong.Si Luli na lang palagay ko ang ibayad ni Pandak sa Tsina at gawing experimento ng mad scientist with a funny haircut.
Hindi raw nagnenegosyo sa pamahalaan ang pamilya ng impaktang puta!
Kasi, ang pamahalaan ay ginawa na nilang opisyal na negosyo! Yun bang ‘illegitimate’ ay ginawa na ni Gloria at Mike na lehitimo dahil wala namang tahasang pumipiyok hanggang dumating si Lozada!
Welcome to the family kgg. GKsaBaryo, nauunawaan ka namin bilang isang Pinoy sa kabila na kababayan mo si tita GLO, ang labang ito eh para sa kinabukasan ng ating mga anak NOT to single out kung sino at saan ang subject dito sa labang ito.
I’m very happy sa stand mo about sa KATOTOHANAN, at yan ang dapat umiral sa isang Pinoy ang manindigan sa tunay na buhay at di dapat sasang-ayon kung mali ang ginagawa ng isang kababayan.
Ang pakikibakang ito eh para sa pagbabago ng ating lipunan at lalo na ang pang pulitikal na kamalayan ng bawat Pinoy. Being as a Kapampangan try your best to appeal to your fellow folks to withdraw their support sa Pidalismo regime na ito.
Remember Ka Luis Taruk and Among Ed?
$41M, holy shit…hindi ko ma-calculate sa peso! Advance pa ‘yan ha!
Dagdag ng dagdag, walang bawas this time around!
Kriminal na impaktang puta si Gloria!
Kung sabagay, it usually take three strikes before a player can be declared out. Isa pa sigurong “Mea culpa” ni Dorobo talagang out na siya, at baka di lang sa Malacanang kundi sa balat ng lupa tuloy-tuloy sa impiyerno.
Nakakaasiwa iyong pagsisimba ng ungas kasama iyong mga kurakot na bayaran niya. Iyan ang tinatawag na hypocrite kasi sa totoo lang, ang dapat na tanong sa taong iyan ay kung papaano niyang nagagawang lumabag ng utos ng Diyos at tao at pakitang banal pa rin. Ang tapang talaga ng apog!
GKsaBaryo,
Glad you’re here, Welcome!
Hindi ka nag-iisa na genuine Kapampangan, marami ako na friends diyan.
Remember kgg. Cocoy, sa China ang kaso sa isang corrupt eh firing squad at people’s court ang maghuhusga. Nakakita ka na ba kung papaano sila maggawad ng hustisya sa isang kriminal doon? Babarilin na lang sa harap ng maraming tao, yan ang malaking problema ng mga taga-ZTE na chinese.
Sa Pinas naman eh gagamitin nila ang AFP/PNP para makaligtas sa galit ng taong-Bayan, so para ano pa ang mabuhay sa ating Bayan kung ganito ang takbo ng hustisya.
Buti pa eh magmigrate na lang sa ibang bansa at kahit na nadidiscrimate ang Pinoy eh okay naman ang buhay unlike sa ating bansa, mismo ang iyong kapwa-pinoy ang mangwawalahaniya.
The sign of the cross is to drive away evil spirit. What happens if the evil being (Gloria) attends mass and the officiating priest makes the sign of the cross?
# cocoy Says:
February 26th, 2008 at 12:52 am
Nagpalabas ng sampung milyong reward ang kampo ni Bitsi-Bitsi kung sino man ang makapatay kay Lozada, ang mga tao sa halip na patayin ang probinsyanong instik kapalit ng sampung milyon,hinugot nila ang kanilang pitaka at nagbigay ng pera kay Lozada.
***
Ha!Ha!Ha!
Ano yan ganyan, Cocoy? Na knockout ng kapinuyan si bitsi-bitsi?!
God work really in mysterous ways. I just read na merong rally yong pro-darrobo. pero nahinto dahil umulan bigla, pati na yong panahon ayaw sumang ayon sa kinila. Teka baka mga walang permit ang mga yan? sabi nila no permit no rally. Balita ko madaming pinaabot doon sa nagrally para lang sumama. DEJA VU!
bitchevil,
Welcome here also.
Baka pabaligtad yung sign of the cross nilang lahat na umatend ng misa.
Kaya nga, Balweg, bakit pinapayagan ang propaganda ni WK Evil Bitch na sabihin hindi pa united ang mga pilipino? Iyan na iyong mga kapampangang panig na sa katotohanan.
Siguro kailangan na ring sipain ng mga genuine kapampangan ang angkan ni Gloria Makapalgal na siyang dahilan kung bakit nagkaroon ng panutya sa lahi nilang dugong-aso daw. Iyon ay dahil na rin kay Lazaro Macapagal at doon sa mga taga-Macabebeng ginagamit ng mga nang-aalipin sa mga pilipino noon na mga dayuhan laban sa kapwa nila mga pilipino.
Totoo namang hindi nagne-negosyo ang pamilya ni gloria sa pamahalaan. Pagnanakaw ang ginawa at patuloy na ginagawa. Ang pagnanakaw ng bilyones sa pamamagitan ng commission na gamit ang ibang tao. Kung walang problema ang ZTE-NBN dahil kinansela ang kontrata, bakit nag-resign si abalos? Ang malaking dahilan, mayroon nang CASH ADVANCE, yan ang totoo.
Napag-usapan na rito sa blog noong kasagsagan ang kampanya sa halalan 2007 na bumabaha ang pera ng itim-unity at yon ay galing sa CASH ADVANCE. Kaya lumipat ang ASO, si Joker at Honasan, may pangakong sangdamakmak na datung. Pero hindi nailusot ng itim-unity ang karamihan sa kandidato nila sa senado. Sapagkat naniniwala ang mga botante na hindi na dapat pagtiwalaan si gloria at kanyang mga alipores. At ang klaro, alam ni gloria na tiwali ang ZTE-NBN, alam niya ang CASH ADVANCE sapagkat yon ang ginamit nila noong eleksiyon. Wala sa isip niya, mayroong isang Jun Lozada na sisipot upang manindigan sa katotohanan.
The power of BAWANG kgg. Bitchevil, ang pangtapat sa mga iyan, ewan ko lang kundi mangisay sila!
The best din ito sa mga may highblood? Folks, baka palagi kayong present sa rally eh remember na magdala ng GARLIC yong tablet o fresh para pang alalay sa stress at evil power na inyong makakapatintero diyan.
Sabi ni Mikey MOUSE Arroyo:”Ang aking pamilya ay hindi nagne-negosyo sa pamahalaan. Hindi katanggap-tanggap kung hindi ganoon at alam nila iyan.”
hindi nga nagne-negosyo pero nine-negosyo ang pamahalaan kasama na ang mamamayan.
Hay salamat kgg. Grizzy dininig din ni LORD ang ating prayers na magising na sa katotohanan ang mga kapatid nating Kapampangan.
Medyo dismayado ako sa last visit ni GMA sa Pampanga a few weeks ago di ba at nakita nýo naman ang ipinakita nilang suporta sa kanilang kababayan.
But now eh isa-isa na silang nagigising sa realidad ng buhay, sapagka’t isa rin silang Pinoy not outsider kaya dapat lang makipagkaisa sila sa labang ito.
Ang kabutihan ng nakararami ang dapat nating isipin at bigyan ng katwiran, ibaon na natin isipan kung may natitirapang regionalistic feeling sa ating mga sarili at manindigan tayo na isang lahi at isang bansa.
Sabi mo kgg. Enteng Butete, kaya Spin-A-Win!
Public announcements by the Palace regarding NBN shall be viewed as a cover-up. If its true, The Chinese Government should had made investigations and pronouncements regarding the loan they supposed to release to the Philippines if its disadvantageous.
The I AM SORRY speech will not work anymore.
balweg Says: Sabi mo kgg. Enteng Butete, kaya Spin-A-Win!
****************************
hindi ba Ferrari o Bayong? LOL.
Magaling palang gumiling si Evilbitch panoorin nyo ito. http://www.youtube.com/watch?v=VXzDm5GcCs8
Why does Senator Alan Cayetano refuse to allow this new witness to appear in the Senate hearing? How would the Senate and the people know if he is not allowed to testify?
Madriaga not in Senate’s list of witnesses, says Cayetano
Senator Alan Peter Cayetano, chairman of the Senate Blue Ribbon Committee, said Dante Madriaga, who claimed to have information on the controversial national broadband project, is not testifying before the Senate on Tuesday.
Cayetano said his committee will be very strict in entertaining new witnesses in its investigation into the controversial $329.48-million government deal with China’s ZTE Corp.
The lawmaker told GMANews.TV that Madriaga, an electrical engineer who claimed to be the “head designer” of the controversial NBN project, is not included in the Senate’s list of witnesses.
“I have a strict guideline on witnesses. Dapat first-hand ang information. He should be endorsed by a senator and he or she should be telling the truth,” Cayetano said.
In order to know if the new witness is telling the truth or not, the Senate must listen to what he has to say. That’s my take on this guy’s willingness to testify. Any witness who knows about the deal could appear even if he’s not in the roster of those invited. Sudden witnesses are important because Malacanang doesn’t have enough time to stop them unlike witnesses they long know who are to appear. Is Senator Alan Cayetano blocking this new witness?
Alam pala ni gaga na may dayaan na dun sa contract e tinuloy pa niya, kala ko ba dapat ang isang presidente e my sound judgment. Sabagay gawain niya kasi mandaya e, gaya noong 2004 presidential election. Is he monopolizing cheating.//././….
Kumita na ang pa-sorry drama. Ano kaya ang bagong scrpit nila Gloria at Neri? Inamin niyang may irregularidad samantala sina DOTC Sec. Mendoza at Asec. Lorenzo Formoso ay ‘abovetheboard’ daw ang NBN-ZTE deal. Ano ba talaga Kuya Ben?
Ano ang diperensya ang politiko at magnanakaw? Sagot: Ang politiko ay tatakbo muna bago magnakaw. Samantala ang magnanakaw ay magnakaw muna bago tatakbo at kapag nahuli kulong. Subalit si Gloria at kanyang mga alipores ay nagnakaw sa kaban ng bayan pero hindi nakukulong katulad nila Joc-Joc Bolante at Nani Perez. Ang DOJ at Ombudsman ay kunsindor at nagbulag-bulagan kapag kakampi ni Gloriang Tiyanak. Sawang-sawa ang taumbayan sa mga walang tigil panakip-butas at Moro-Moro justice. Wala tayong maasahang hustisya habang nasa Malacanang pa si Gloria.
Diego,
Huwag ka mag alala, baka malapit na ang wakas. Kelangan lang siguro ay ang patuloy na pagsigaw sa katarungan, at ang pagtutol sa kawalanghiyaan.
Wala nang lusot si President Evil Gloria. Nagkabuhol-buhol na lalo ang nilulubid nilang mga kasinungalingan. Magka-kaiba na sila nang statements ng kanyang mga Cabinet officials. Hahaha! Katatawa-tawa na ang kanyang administrasyon. Dapata yung mga may dignidad pang mga Cabinet members at opisyales ay iwanan na ang palubog na barko. Masyado nang lunod sa kasalanan ang nagtitimon! RESIGN ALL!!!!!!
tikbalang, ang galing naman palang gumiling talaga ni evil bitch hahahha.
i did enjoy watching it! thank you sa pampagana sa umaga para lalong marami pang maalat na pagbatikos kay gloria.
i am going to forward that site, hope you don’t mind! 🙂
Isang magandang araw po muna ang pagbati ko sa inyong lahat mga kabagis. Sa mga kababayan nating Pampangueno, Maayap a aldo! Sa mga Zambaleno,Maabig a buklas!At sa mga kababayan nating waray, Maayong adlaw! At sa mga Samarino, Maupaw nga adlaw! At sa mga kababayan nating Ilocano, Naimbag nga aldaw!!! At sa mga kababayan nating Caviteno at Chabakano, Buenas Dias!,Kay Bitsi- Bitsi at mga tungaw niyang alipores,Malas Dias!
Habang nangangarap ang masa, at patuloy na umaasa sa pagkaahong idudulot ng kanilang minamahal na tagapagligtas, abala naman ang kanilang bidang si Bitsi-Bitsi at ang sidekick niyang si Balong sa higit pang pagpapayaman. Kaya naman kahit sa barya-baryang isusugal ng masa sa pagtaya ng Lotto na kung palarin ay magiging milyonaryo at may kotse pa, nakakulimbat ng kanilang Ate Glo ang milyun-milyong dolyares pati na ang piso. Sa udyok ng mga Tuso sa Tongresso nag ala Lozano si Pulido na napapabalitang ang de kampanilya ay naging tuliling sa kanyang ulo, Tapos na sana ang buto-buto pero may sobre pala na naglalaman ng limang daang libo piso.
Dahil sa kayabangan ng hunghang na pangulo nadulas ang dila sa mga kontarta na niluluto sa Tsina na may anomalya, Mabilis ang kanyang salita matulin pa sa kanyang maiiksing kamay at paa dahil lubhang bilib sa sarili na patawarin siya tulad na una niyang “I AM Sorry!” .
Kayabangang wala sa lugar ito ang matinding pagkakamali ng ekonomistang bumangkrap ng bansa at tila nahaluan na ng toyo ang utak at kung magsalita ay parang siguradong-sigurado siya sa kanilang sinasabi. Sa kanyang palsong pangungusap tuloy akong nagtataka kung kasabay ba ito ng isang senadora sa pagtalon ng eroplano.O dili kaya’y naoverdose sa midisina na ipinapainom sa residenti ng mental ward!
Enteng,
“hindi nga nagne-negosyo pero nine-negosyo ang pamahalaan kasama na ang mamamayan.”
Tumbok mo talaga ang ibig sabihin no’ng Evil’s son!
Kaya’t TAMA NA…ENOUGH NA!!!
Tuloy ang ating PANALANGIN….tuloy ang AKSYON!!! Konti na lang at magsidatingan na sila! Tingnan lang natin kung makapag-Unity Walk pa ang mga WALANG DANGAL na LIDERS NG mga AFP at PNP! Isama na rin natin ang mga hungry VULTURES NG CONGRESS—$$$$$$$$$!!!
ARIA na mga Kababayan…ITULOY ANG NASIMULAN!!!
2
Winanted pala sa Hong Kong si Pidal kaya agad siyang bumalik sa Pinas,Lahat na ng sulok sa mundo ay wanted na siya.Sa St.Luke lang siya pweding mag TNT. Kawawang Baboy.Hehehe!
Tikbalang,
Ang galing sumayaw ng female Dancer …tiyak very proud si Willie nito sa kanyang Sayaw Darling! Kaya lang, bagsak naman ang sales ng album niya! May bibili pa ba sa Modelo gayong kahit pagsayaw…CHEATING PA?
Cute ang nguso ni Neri…type kong tapyasin!!!
Sa pangalan pa lang ni Gloria eh makikita mo nang sinungaling talaga. Kung mabait at mabuting tao, bagay ang pangalang GLORIA. Pero kung kabaligtaran, pag salbahe, sinungaling, kampon ng demonyo as in evil, eh bagay na tawag…GO LIAR!!!!!!
Evil says “i am sorry….” Apology NOT ACCEPTED Madame Evil!You have usurped your authority and have lost your credibilty!
GET OUT or we’ll kick you OUT of Malacanang!
CHECK-IN AT THE NEAREST PENINTENTIARY, BRING ALONG YOUR FAMILY. BY THE WAY, DON’T FORGET TO THROW AWAY THE KEY!
Evil said EDSA 3 would make us laughing stock of the world! I’ve got news for you Evil Biyatch!!!
You have already made us the laughing stock by signing those Government to Government Corrupt-ridden projects!!!
The least you could do is get out na, and allow us, Filipinos to stand up and rebuild our morale that you and your family have shaterred!!!
Hope you don’t me sharing this, an excerpt from our nephew, Voltz’ blog : …. he says… (especially for the youths of today).
“Please allow me to share with you my Dad and my Uncle’s thoughts…
Sabi nga ni Uncle Jun, kung ikaw ba, nakita mo ang bahay mong ninanakawan, hahayaan mo na lang ba at sasabihing “ok lang yan, dalawang taon na lang naman akong nanakawan nyan eh.” Sagutin mo. Tapos isipin mo kung ano ang gagawin mo. Kung naisip mong meron kang gustong gawin, halika, sumama ka. Marami tayong gustong kumilos para dito.
Yesterday, Uncle Jun and I had a long discussion about stuff.. I told him some producers were thinking of making a movie out of his life with Wally Bayola as the lead actor. He laughed it off, saying his life is not that interesting. And c’mon. (JUN is NOT interested. by Kapatid)
I was telling him about shirts being donated to us, with these people asking us to sell these shirts that the proceeds may go to his cause. We have some shirts now, but there are more to be made, more people offering to make shirts. Uncle Jun said he wants the theme for the events now as “Act to reject evil now!”..
He says given a chance to make a shirt, he wants the front part to read:
“I am Filipino… Ibalik ang Mabuting Filipino!” And the back part to read: “Act to REJECT EVIL now!”…
Why that quote in front? He says because nowadays, it seems that the norm for the Filipinos is to not love our country. When someone says “I love this country” one will ask “why? What’s to love?” when he says, in fact, that one does not need to justify his love for the country.
Nagiging negative ang tingin ng mga Pilipino sa sarili nilang bansa. Baguhin natin ito, itaguyod muli ang buti ng mga Filipino. Simulan natin sa mga sarili natin. Everything will fall into place, we just have to start.
Everyone’s asking him how all these are going to end, he says we just have to start somewhere. And “change” always begins in ourselves. I refer you to the prayer that inspired him:
http://voltz1129.multiply.com/journal/item/49.
It may have been originally for La Salle, but I hope it would inspire you too.
One of the mediamen bribed by this “rich government” interviewed my uncle over the radio. It was a live interview, so here’s what happened:
Reporter keeps on asking about Uncle Jun’s supposed corruption that he has committed himself during his days in the government office and some other stuff to strengthen the administration’s arguments… At the end of the interview,
Uncle Jun: Ah, (insert reproter name) puede ba bumati?
Reporter: Sige po.
Uncle Jun: Nagpapasalamat po ulit ako sa media dahil nga po kung wala sila nung araw na dumating ako eh malamang patay na ko. Sana po eh hindi kayo magpadala sa pera, para hindi po kayo mabahiran ng korupsyon. Hindi po ba eh korupsyon din ang pagtanggap ng pera mula sa gobyerno? Eh nananawagan lang naman po ako na sana eh ipagpatuloy nyo lang ang pagbabalita ng makatotohanang balita ng walang halong pulitika o korupsyon.
Reporter: ah. uhm. (clears throat. twice)
Uncle Jun: Pde pa ba ko bumati?
Reporter: Ah, eh, sige po.
Uncle Jun: Nananawagan po ulit ako sa media..(click)(phone line dies)
Di kinaya ni reporter. Inatake kaya ng konsensya? hehe…”
End of excerp from Voltz.
Thanks all for your time!
btw, tickets for the MAGKASANGGA SA KATOTOHANAN Game would be sold starting Wednesday, 27th February 2008. Hope to see you there! ALL PROCEEDS would go to the Sanctuary Fund.
Salamat sa lahat ng mga hindi nag pa uto at nagpagamit sa mga ipokrito at ipokritang politiko katulad ni Cory.kahapon sa mga rallies.
Sa susunod, galingan nyo ang pang uuto sa mga tao para magkaroon ng “momentum” at hindi sila uuuwi. Kung maniniwala nga sila sa inyo.
Lahat mga “corrupt” at ang papalit kay GMA, mas “evil” pa sa kanya.
nabasa ba ninyo yung mga “glitches” sa celebration ng edsa nina de castro at fvr? yung confetti na nasa plastic bag pa, yung flag na stuck, yung accompanying music na tumigil. hindi kaya sila kinikilabutan na niyan….mga signs na talaga. hehehhe
justification ni bayani fernando, mga glitches lang daw. owwws??? 🙂
Buddy, ang tunay ng nanguuto ay si Gloria. Kinansel daw niya ang ZTE-NBN deal dahil sa alam niyang anomalya, ay napakalaking kasinungalingan. Napanuod ko ang speech niya kahapon, napaka-plastic ang dating niya at ang kanyang pananalita.
martina,
Bayaan mo na yang si baduy62. Nagpapansin lang iyan dito sa Ellenville. Nakakaawa nga siya eh kasi napapaniwala pa siya ni GO-LIAR Arroyo! Siguro mababa ang IQ kaya bilib pa siya kay GO- LIAR! Huwag mo nang lang pansinin, kasi sayang ang espasyo para sa matalinong pagkuro-kuro. Tuloy ang sigaw…GO-LIAR GLORIA ARROYO GO TO HELL!!!!!
Ibang pangalan na naman ha!
Umpisa na. Ang sabi ng mga tiga-DOTC hindi daw maanomalya yung NBN. Sabi naman ni EvilBith, maanomalya. Sino ang nagsasabi ng totoo sa kanila?
Enrile says to Arroyo, DO NOT RESIGN at all cost! SAbi pa nya, kung magre-resign dwa si EvilBitch ngayon, she will suffer like Marcos and Erap.
Tignan lang natin kung kaya niyang magbingibingihan sa sigaw ng mamamayan! Araw araw, gabi-gabi mag HONK tayo ng ating mga busina at lagyan pa natin ng loud speaker na nakatutok sa Malacanang! Tignan lang natin kung hindi maririndi ang tenga niya. Siguro pati na yung Tongresso na animo mga asong ulol na ipinagtatanggol yung kanilang Evil Bitch! Pera na naman ika nila! Malaking pera na naman ang bilihan ng impeachment!
Can someone come up with a better constitutional way than to course her impeachment through the Tongress? Alam na naman natin ang kahihinatnan niyan eh! Someone like Pulido will sleep in the TONGRESS so on the first second of filing, they will file a bogus impeachment complaint (siempre yung Lacking in form and substance) para AYOS na naman ang impeachment! FOR HEAVENS SAKE, Puwede bang may mag-suicide BOMBER na lang? Spare the nation all the miseries! I will even donate money for this cause if need be to make sure that the family of the suicide bomber will be spared a lifetime of hardship borne by this EVIL BITCH who had already stolen all our money!
PSB,
So do I. Mag-iipon pa ako para I can donate ng mas malaki.
Kinontra ng isang cabinet member ang pahayag ng Pidababitz na nalaman lang niyang may anomalya ang ZTE deal at the night she signed it. With this development, sila-sla mismo ngayon ang magbubukingan. Pero having an expert in lying and confusing the public, I bet may lalabas na namang statement from the lady B na kakaiba sa nauna niyang sinabi. Aasahan din natin na ire-reinterpret ng mga sangkot dito ang pahayag ng pangulo na isa lamang tsimis, kaya never the less she signed it. Nagmamalinis ang pangulo ngayon, if ever tama ang sinabi ni Ping Lacson, just to save her skin, ipagkakanulo na ni Lady B ang kanyang mga kasama. He he, kapag nagkakasalungatan na sa pagsisinungaling, lalabas at lalabas din ang katutuhanan. Dahil lang ba sa pagpoprotekta ng interest ng mga negosyanteng Sanglay (Chinese nationals involved in the ZTE deal), sign na lang ng sign just to make them happy. Paano naman ang interest ng ating bayan? Sa milyon-milyon na kickback ninyo, hindi lang nakasimangot ang mga tao, nagngingitngit pa sa galit. Kayo rin baka tamaan kayo ng… sa inyong pagsisinungaling at kasakiman!
The details of the release of the funds are part of the information that Dante Madriaga, the telecommunication expert that the Abalos group hired, will share in the Senate hearing.
I don’t know about the schedule of his appearance. I was told it would be today but Sen. Cayetano says “No”. I hope it’s just administrative.
Sana naman Ellen ay paninindigan niya ang lahat na kanyang sasabihin sa Senado kahit ano pa ang mangyari. Sana ay mag-ala-Jun Lozada siya. Best wishes and may God bless you Dante Madriaga para sa pagsasabi mo nang katutohanan any time na tawagin ka ng Senado upang tumistigo.
Chi: At long last..nagsalita na dis grace Bishop Socrates Villages..ang sabi a priest who does not seek for truth and justice is a coward..nahirapan talaga siya mag salita..ang sabi naman ng excellency Rosales antayin na lang daw ang resulta ng emergency meeting nila..seguro may inaantay niya ang kanyang pamangkin..Medy…How much is the doggie….
I’ve posted our statement of unity versus the Evil Bitch’s continued bitching re the Philippine patrimonies in Japan in my blog at pinay-revolution.blogspot.com/
To stop this bitching and kabutzing, we’ll ask everybody to sign a petition to stop these covetous activities of the Pidals and their cahoots and a recommendation for a national referendum to once and for all kick out these crooks.
unbelievable this itsi bitsi tini wini..ma ka pal gal..
You be the first one to sign the petition and we shall follow.
Isang magandang araw sa iyo Ma’m Ellen, at sa lahat ng masugid mong bisita sa kuwarto mong ito. Sa palagay ko ay alam naman ni gloria na hindi tayo mga tanga. Ang kanyang ipinapakita ay sadya lamang patunay na wala siyang pakialam ano man ang isipin at gustuhin ng mga Pilipino, dahil sabi nga niya “siya lamang ang presidente”. Oo nga naman, siya lamang ang tanging presidente ng Pilipinas na naging presidente dahil sa pang-aagaw ng kapangyarihan, siya lamang ang tanging presidente na nangdaya sa halalan na nahuli (dahil lahat naman ay sinasabing nandaya, pero hindi naman sila nahuli), at siya lang ang tanging presidente na ubod ng sinungaling at pabago-bago sa kanyang mga sinasabi, at mistulang palengkera sa pagpapatutsada sa mga kritiko nya. Matapos natin siyang mapanuod kahapon nuong nasa Cavite siya kasama ang kuwatro kantos at balimbing na si ayong walang-licsi, hindi ko mapigilan na mapahalakhak dahil ang nakita kong gloria na nagsasabing siya ang presidente ng bansang Pilipinas ay kahambing lamang ni Aling Atang na tindera ng biya sa Pasig Market, na kapag nasasabihan ng mga kakumpetensya niya na bilasa ang kanyang tindang biya ay wala nang tigil sa maghapong pagtatalak at pagpapatutsada sa lahat ng kasamagan niya sa palengke. Ang tindera ng biya na ito sa Pasig ay hindi man lamang nakatapos ng ikalawang grado sa elementarya, kumpara kay gloria na sinasabing valedictorian pa sa high school sa paaralng eksklusibo na kanyang pinasukan. Makikita natin na hindi si gloria at ang kaniyang pamilya ang totoong me hawak sa kapangyarihan, sila ay mga manyikang de-sinulid na kinokontrol lamang ng mga tunay na mapagsamantalang matatandang huklubang ganid na dating mga heneral at kasalukuyang heneral na sina ermita, esperon, at mga kasindikato ng mga ito. Hangga’t binibigay ni gloria lahat ng pagsasamantala, abuso, at kapritso ng mga tinamaan ng lintek na ito, siya pa rin ang presidente, sa sarili niyang imahenasyon.
magandang umaga sa lahat…confirm na po ang pagtestigo ni Dante Madriaga sa senado ngayong umaga kung ang pagbabasehan ay ang interview niya kay Arnold Clavio kaninang umaga sa Unang Hirit at siya ay nagsabi na mas marami at mas matindi ang kanyang isisiwalat. Sana’y abangan natin ito at bigyan din natin ng proteksiyon ang mamang ito gaya ng pagbigay natin ng proteksiyon kay Jun Lozada kung kinakailangan…tulong-tulong, Isulong ang katotohanan!
http://www.gmanews.tv/video/18617/ZTE-NBN-project-Interview-with-Engr-Dante-Madriaga
Rose,
Aha! Nagsalita na si Soc…’a priest who does not seek for truth and justice is a coward.’
Ganun pala e dapat magsalita na s’ya ng truth tungkol sa pagkuha at pagtatago niya kay Doble! Pati nga siya ay nagtago sa Bataan, ngayon lang siya lumabas! Nakahalata na konti na lang ang nagsisimba kung s’ya ang nagmimisa.
Inaayos pa ni Medy-prensya ang bulsa ng ibang obispo. Sa totoo lang ay nakakahiya talaga si Gaudy Rosales, ang resident bishop ng Palasyo ng evilbitch.
Our brothers and sisters from the province of Pampangga, though not all of them have shown their blindness, deafness, and obvious biased on the evilness and vileness of their cabalen gloria. Even here on the small island that we are based, most of our kababayans from Pampangga land are adamant defender of the black dwarf in Malacanang. The people handling gloria are willing to fit their so-called supporters against the tide of anti-gloria mob, so I think this would be a bloody one if we are not careful in our eagerness to kick the devilish dwarf from her snatched throne.
Spartan,
Galing ng kumpara mo kay Aling Atang, hindi natapos ng grade 2, tindera ng biya sa Pasig Market, at kay Gloria na valedictorian ay PhD pa (daw)!
Ellen,
I guess Cayetano (maybe Lacson, too) are just being careful about Madriaga this time. If my memory serves me right, Madriaga first appeared in the Blue Ribbon at the time whistle-blower Pacifico Marcelo III exposed the earliest scams of this regime. Marcelo’s Philippine Telecoms Clearing House congressional franchise had just been vetoed by the Resident Evil and Jose Pidal Orig was asking for shares in exchange for the veto’s recall – as revealed by the late Bing Rodrigo.
When Madriaga was to testify in the Blue Ribbon to support Marcelo’s accusations, he and his lawyer, Atty. Manalo, made a 180 degree somersault with 2 and a half twists and instead nailed Marcelo, Madriaga’s partner. This, to me was the first time Malacañang “rescued” Senate witnesses.
The Senators must be careful to ensure whatever headway they achieved with Lozada will not be wasted by a shady witness with a history of changing testimonies.
I hope I’m wrong that Madriaga could be a monkey-wrench from the Palace tool chest whose only purpose is to muddle the issues already solidly established thus far.
It is not new as a matter of fact, but the greedy dorobos are apparently now desperate to make up for the “nasiphayong” NBN/ZTE racket, and they are now eyeing the patrimonies in Japan. Ang kulit talaga. To understand what this new racket that is actually old, please visit http://www.journal.com.ph/index.php?issue=2008-02-25&sec=4&aid=50609
Please join us in our campaign against this racket that not even Marcos touched during his reign even when there were people then trying to dispose of them.
chi…because that’s exactly how she looked and sounded like during her tirades in Cavite yesterday…she really stooped down to the level so low her only difference with the tackless fish vendor from Pasig were her tons of stolen money and stolen political power. Dress up gloria like those common fish vendors and I guess Aling Atang would be much prettier than her, though the old lady of Pasig needs some dentures first. D-)
Ha!ha!ha!
Pinatawa mo ako ng husto, Spartan.
please do NOT believe, not even for a second, that ZTE broadband deal was scrapped for good, as claimed by the Usurper’s son Mickey Arroyo (who looks like a foaming horse mouth when defending the indefensible).
what the SC issued earlier is a mere TRO—temporary restraining order. as the first word suggests, ‘temporary’ can be lifted anytime to favor ZTE and its local corps of bandits, headed by FG, Abaloslos, et. al.
high-profile ACCRA Law is the legal representative of ZTE Corp before the Court, but i still have to hear a declaration on Sena-tong Ed Angara’s part who, for possible conflict of interest, should inhibit himself from any of the Senate’s ongoing investigation.
vigilance as an act, can sometimes be tiring given the avalanche of scandals coming out in the open but its the only option left us.
we must not waver.
Well chi…it’s good to know that we all could still have a bit of laugh ones in awhile, because believe me, this thing about the evil dwarf is far from over. She’s like the tuko sa madrecacao in her hold to power. The devil bitch and her pack of greedy black wolves are willing to test the resolve of the Filipino people. That pro-bitch rally in Liwasan was a dry run on how they would counter the evolving critical mass of anti-gloria regime with the use of our own deprived and naived poor kababayans. The way I see it, these mongrels ermita and esperon are willing to see blood be spilled among the masses.
Zen2: vigilance as an act, can sometimes be tiring given the avalanche of scandals coming out in the open but its the only option left us.
we must not waver.
*****
Sinabi mo pa. Pagod na rin kami sa kababantay ng mga patriomionies in Japan. If not for my group matagal nang wala ang mga patrimonies na iyan. But lahing hapon naman kasi ang marami sa mga kasama ko, kaya kami matiyaga! You know, the perseverance of calamity-trained people here. Walang urungan. It is not in the blood really. It is a matter of training and getting used to something noble and worthwhile.
Perseverance is genius in disguise.
“because that’s exactly how she looked and sounded like during her tirades in Cavite yesterday…she really stooped down to the level so low her only difference with the tackless fish vendor from Pasig were her tons of stolen money and stolen political power. Dress up gloria like those common fish vendors and I guess Aling Atang would be much prettier than her, though the old lady of Pasig needs some dentures first. D-)” – wow!! like this…
Papagamit lang tayo? Wag nyo hayaan..na gamitin ulit tayo ng ibang naghahangad sa pwesto. Gamitin natin ang ating pagmamasid…tingnan ang mga nakaraang pangyayari para malaman ang totoo. Sila sila pa rin…tayo pa rin ang ginagamit pero sila pa rin ang nasa pwesto. Ngayon siguro mas maganda sila naman ang gamitin natin..hayaan natin sila maglabasan ng kabulukan….wag hayaan mahinto ang imbistagasyon dahil sa utos nilang people power at pagreresign…aftern nyan..sila pa rin ang nasa pwesto….imulat ang mga mata at wag na sana tayo papagamit sa kanila.
wala namang pulitiko ang HINDI nagnakaw sa bayan.
kahit sa simbahan may corruption.
tama si marcos noon sa pagtatatag ng Bagong Lipunan, natisod nga lang ni Imeldific…tsk tsk tsk.
Social change ang kailangan
and that begins with changing ourselves at hindi turo ng turo sa kung sinu sino bilang sanhi ng problema natin.
Ibig sabihin kgg. Expat-pinoy eh dedma na lang tayo sa mga nangyayari sa ating bayan? Matanong nga kita ng masinsinan, happy ka ba sa mga nangyayari sa ating Bansa at kaya mo bang lunukin ang kawalang hustisya na nangyayari sa mga kurapsyon na pinaggagagawa ng mga kurap na public officials and their cohorts?
Well, kung ito ang panananaw mo sa buhay eh go ahead and enjoy your life but tuloy ang pakikibaka ng mga nagmamahal sa ating bayan to plush out those hard headed corrupt leaders sa ating gobyerno. Wala silang karapatang magstay dito dahil wala silang guts to lead our people at tisod sila sa pag-unlad ng bayan patina ang pagkakaisa ng taong-Bayan.
Kgg. Happy Gilmore,
Good governance ang binibigyan diin natin, sino ba ang nakapwesto sa gov’t? At ano ang kanilang rapport or achievement to govern the nation?
Kung nagpapakatotoo lamang sila eh dapat wala ng marami pang usapan, but look bro morethan 8-years na tayo under this regime pero happy ka ba sa mga nangyayari?
Halos lahat ng sektor sa ating lipunan eh maliligalig na dulot ng kawalang transparency ng rehimeng ito, kaliwa’t kanan ang kontrobersya?
Kung di nila kaya ang pagpapatakbo ng gobyerno eh dapat lisanin na nila ito sapagka’t wala silang pakinabang sa totoo lang!
Buryong na ang taong-Bayan, ok alam naman natin na matiisin ang Pinoy pero may hangganan ito at feed up na ang lahat except those fence-setters at silent majority na walang paki sa pangpulitikang pananaw sa buhay. Nagsisisunod lang sa agos ng buhay!
Buti nga mababaw ang kaligayahan ng mga Pinoy at nagkakasya na lang sa people power, eh alam mo ba sa ibang bansa giyera patani?
Gusto nýo ba na magkaroon ng civil war sa ating bansa, kundi mareresolba sa people power ang mga problema sa ating bansa?
ewan ko lang kung merong kokontra dito:
ako’y naniniwalang TRANSPARENT at WALANG ITINATAGO si gloria at ang buong pamilya arroyo sa ilang taon nilang pamamalagi sa malakanyang. ACCOUNTABLE sila sa lahat ng desisyon at mga programa para sa bayan.
maliwanag naman:
LANTARAN ang kurakutan.
KABIKABILA ang nakawan at kung ano anong katiwalian.
MANANAGOT SILA sa sandaling maningil ang taong bayan.
kasama na dito ang mga bayarang hindi gustong maalis sa poder ang PINAKASINUNGALING at PINAKAWALANG KAHIHIYANG HUWAD na PRESIDENTE sa kasaysayan ng pulitika sa buong sanlibutan na ang pinakamasaklap sa Pilipinas pa namamayagpag!
This is really Absurd. I believe GMA is really telling a lie
about the ZTE project. Imagine Sabi ni GMA on the night she
was about to sign the contract she knew it was annomalous.
HEllo they only cancelled the ZTE deal When the Sanate Was
investigating it. GMA we were not born yesterday.
GMA Resign na talaga! Mahiya ka na sa Sambayanang Pilipino!
Eto ang pinaka-malaking problema ng mga nakuha nang advance Kumisyon sa ZTE/NBN. Paano nila ibabalik ang na-advance nilang kumisyon sa ZTE corp., o maaaring ibinabalik na nila unti -unti …
e di maghabla sa tamang forum at hindi sa senado.
tama ang ginawa ni jovito salonga, mag file ng complaint sa ombudsman.
look at the long term effects – and not the short term gains.
ang mahirap sa mga aklas ng aklas, knee jerk reaction at hindi nag iisip.
tama muli si salonga – the president may be immune from suit- but she is not immune from investigation from the ombudsman.sabi pa ni salonga – by the time matapos ang imbestigasyon hindi na presidente si gloria and therefore she can be sued already.