Noong Oktubre 2006, pagkatapos lumabas si Romy Neri, dating director-general ng NEDA (National Economic Development Authority) kung saan ibinulgar niya ang offer sa kanya ni dating Comelec Chairman Benjamin Abalos ng P200 milyon para lang aprubahan ang ma-anomalyang NBN/ZTE deal ngunit pinrotektahan niya si Gloria Arroyo, sumulat si Rodolfo Noel “Jun” Lozada ng kanyang saloobin tungkol sa isyu.
Alam na natin kung sino si Jun Lozada. Matalik na kaibigan ni Neri na kinuha niyang consultant sa mga proyekto sa NEDA. Si Lozada ay presidente ng Philippine Forest Corporation ngunit nag-resign siya noong isang linggo nang magdesisyon siya na magsabi ng totoo tungkol sa nalalaman niya sa kurakutan sa $349 milyon na kontrata ng NBN/ZTE.
Doon sa kanyang isinulat na binigay niya kay Enteng Romano ng Black and White Movement, binigay niya ang kanyang analysis kung ano ang dapat pang sabihin ni Neri at bakit ayaw niyang sabihin.
Sabi niya takot si Neri na kung magsabi siya ng totoo, dawit talaga si Gloria Arroyo. Nang sabihin daw kasi ni Neri kay Gloria Arroyo tungkol sa P200 milyon na suhol sa kanya ni Comelec Chairman Benjamin Abalos, ang sabi lang ni Arroyo huwag niyang isipin yun ngunit kailangan trabahuin niya ang pag-aprub ng proyekto.
Nang sabihin niya na magpipyesta ang media dahil sa sobrang garapal ng deal, sabi ni Arroyo, “Pakulo lang ni Joey yan at ng kanyang tatay.”
Nang sabihin niya na baka hindi masama sa official development assistance ng China dahil napakalaki, sinabi ni Aroryo na alisin ang Angat dam water project at ang housing para sa mga pulis at sundalo.
Nang sabihin niya na baka hindi maisama sa agenda sa ng meeting sa Boao, China dahil sa makalawa na, tumaas ang boses ni Arroyo at inurder niyang kailangan maaprubahan ng NEDA dahil aalis siya para sa meeting na yun kahit nasa hospital ang kanyang asawa.
Yun ang sinabi ng press release ng Malacañang na “like a thief in the night” na umalis si Arroyo ng hatinggabi at bumalik rin ng gabi galing China dala-dala raw ang bilyunes na kontrata.
Doon sa sinulat ni Lozada, sinabi niya na takot si Neri na ang kanyang ibibu-bulgar kay Arroyo ay hahantong sa impeachment at kikita na ulit ang mga congressman. Suinabi niya na noong budget secretary siya, siya ang namigay ng payola sa mga congressman. Nag-alala siya na pagbigyan lahat ni Budget Secretary Rolando Andaya ang pagkagahaman ng mga congressman.
Alam niyang marami sa mga opisyal ng military ang sangkot sa dayaan noong 2004 eleksyon kaya lalong maghihigpit lang ang kawawa naman ang mga matitinong opisyal.
Marami pang sinabi si Neri na kanyang kinatatakutan kaya minabuti niyang manahimik.
Hindi ako bilib. Sa akin lang, kung talagang nag-aalala ka sa bayan, magsabi na kang totoo. Bahala na ang Panginoon. Hindi ka maaring mag-asta na ikaw ang Panginoon. Hindi tama na ikaw ang magdesisyon para sa taumbayan.
Tama ang sinabi ni Lozada. Nagdesisyon si Neri kung saan siya kakampi. Sa mga sinungaling at magnanakaw. Ganun na rin siya.
Sana ma-realize na ni Jun, na HINDI niya totoong kaibigan si Neri. Eto at pinagtatakpan niya ang kung anumang sikreto nito sa personal niyang buhay, ay hinahayaan pa din siya nito na sumulong mag-isa against the Pidals and their lying cohorts. Tuwing may insinuation ang mga nagtatanong tungkol sa pagkatao ni Neri, ay inililihis ni Jun ang tanong bilang tunay na kaibigan. Sorry Jun, DI mo siya kaibigan. But who knows, there’s still a good man, way way way deep down Romy Neri, he is just too afraid of his own skeletons right now, and what the public’s perception of him would be.
Hoy..Neri ! ipagpalagay na natin na kaya ka nanahimik ay para narin hindi ma-impeach si Glueria dahil pag nagkataon ay kikita na naman ang mga gahaman na tongressman para patayin ang impeachement…Ang tanong ko sa yo? Sa tingin mo ba sa ginawa mong pananahimik ay hindi na magnanakaw si Glueria at ang Baboy niyang asawa ?
Gng. Neri, Magsalita ka na..kung may natitira ka pang awa sa amin at sa mga anak natin..TAMA NA SOBRA na !
grabe naman ‘tong si secretary neri, masahol pa sa binging sawa eh.
di ko ma-imagine kung pano nya nagagawang matulog ng mahimbing sa gabi. di ba sha ginigising ng kunsensya nya?
SEXYTARY NERI! SPEAK UP NA!
Maybe, just maybe Neri finally got his “pare may 200 ka dito” and that would be enough to make anyone mouth Krazyglued forever, especially if his Madame threw in a counterpart…
Para kay Gloria Arroyo masprioridad ang kanilang kickbacks kaysa Angat dam water project at ang housing para sa mga pulis at sundalo. Huwag nating asahan pa si Romy Neri ay bumaligtad para sa bayan. Kunsintidor sa kurakutan at walang siyang bayag para idawit si Gloria. Magsama sila sa impierno.
Nang sabihin niya na baka hindi masama sa official development assistance ng China dahil napakalaki, sinabi ni Aroryo na alisin ang Angat dam water project at ang housing para sa mga pulis at sundalo.
Nerisa!Hindi na pipiyok ang mga sundalo dahil si Esperon lang naman ang nag-iisang sundalo sa buhay ko kahit medyo na nakakahalata si fatsu at hindi nagrereklamo dahil mayroon din siyang bikito ang hindi niya alam ay mayroon din akong pangbiernes na midito.Hindi na importanti ang Angat dam dahil ang mga tao ay pumipila naman sa pusu.Ako ata ang presidenti at may 200 ka dito.
Jun Lozada is a true and loyal friend. Neri is not. Neri thinks himself more than anything or anyone else. Kaya hindi karapat-dapat na maging kaibingan ni Lozada si Neri. But who knows…baka isang araw magbago din ang isip at puso ni Neri.
Where is Nene Pimentel? He was absent in both hearings? His presence in the Senate was very important. Siya ang simbolo at pinaka-beterano sa opposition. He could have neutralized the Enrile-Joker duet who tried to sabotage the Senate hearing. Joker as well as Enrile’s behavior in the Senate was somewhat tolerated by other younger senators out of respect or fear. Kung nandoon si Pimentel, hindi naka-porma ang dalawang matandang aso ng Malacanang.
I was very impressed with some senators’ performances who I didn’t expect to do that well. Kiko Pangilinan did a very good job. He looked like a changed man…parang tutoong opposition na. Aiming for Vice President in 2010? Alan Cayetano and Escudero did good too. Amazingly, Manny Villar gave a strong reaction different from his usual calm bahavior.
Halatang galit na galit sa administration. Aiming for President in 2010? Roxas and the others excluding Enrile’s gang also did good.
Nag-aalala si Neri na baka gumastos na naman ang government kung sinabi niya ang tutoo? Ang babaw na dahilan iyan. O baka naman may alam ang Malacanang sa mga sikreto niya including his personal life? May mga video na kuha na mag-iiskandalo sa kanyang pribadong buhay? Neri must go to jail together with Abalos and company. Talagang alanganin ang pag-iisip at puso…
Dapat ay tanggalin ng Supreme Court ang pagbabawal na pag-attend ni Romy Neri sa Senate hearing. Pinayagan na ni Guriang Korap ang kanyang criminal gang after a week of rehearsal, e di dapat ay wala na iyang pagbabawal kay Neri.
Kung magagawan lang ng paraan na ikulong ng kahit na isang araw iyang si Neri ay baka pumiyak ng totoo. Kaya lang, bago mangyari ‘yan ay tiyak na gugustuhin pa niya na tumakas sa Pinas. Ganyan karuwag si Neri. Mas gugustuhin pa niya na “maging bilanggo ng kasinungalingan” at paluin sa pwet para sa sariling interes. Iniisip ko na baka nasa kamay ng EK si Tomahawk!
No surprise when you look at Neri, cold and spineless!
I think I know where Neri is coming from. Gloria has created an atmosphere of corruption in all branches of government that it became a norm in dealing with practically every kind business.
Neri is faced with a dilemma that is completely out of touch with reality. It is a nightmare he cannot awake from! A corrupt bureaucracy, a corrupt legislative, a corrupt judiciary, all emanating from a corrupt executive!
Neri doesn’t even think of the truth or what is right anymore. He has lost any sense of that. He seems to be under a spell, an evil spell, commanding him, his senses numb to any sense of truth. His psychic is thinking in terms of the difficulties in payoffs, the paperwork involved in that. The unsavory task to dealing with greed face to face all over again.
I really pity this guy, Neri. We must not condemn but pray for him.
In other words Isagani, it’s Mafia like of operation. GMA’s Mafia has a hold of everyone who works under her. Once you’re in, you cannot get out. If you get out and go against any of the members, you’ll be in trouble.
Nobody respect the senate anymore. The most it can do is to jail for few days on contempt charges. This is where Neri’s choice becomes easy, jail for few days by Senate or his life on betrayal of Government commission.
Neri’s choice is very obvious.
Everyone has a choice. His choice is what makes him!
The senate is impotent as an institution. It rather go with friendly witness like Lozada rather than go directly with unfriendly witness like Abalos who was the direct facilitator of the commission.
The senate was outmanuevered by Abalos himself when he resigned as Comelec chief before senate can get to him.
Madali magsabi ng sugod mga kapatid, pero mahirap kung ikaw ang nasa unahan, lalo na kung yung demonyo e kilala mo. Of course, the final decision is ours. That nis what defines our character. At the same token, let us not rush to judgement. Let us give this guy a chance.
For all we know, he would have a revelation urging him to come out, do the right thing whatever that may be.
Jun Lozada is GMA’s humbling experience. A small man that can bring down her empire of corruption!
All the brouhaha on Lozada will boil down to another senate drama, Senate vs Arroyo. A lot of fireworks, nothing to break the stalemate since the President controls the house which the only one who can initiate an impeachment.
Check mate. Next!
Dodong,
I fully agree with you on that one.
But who knows? Something good might come out fruitfully on the Lozada expose, the Senate being an instrument of his revelations.
Surely, it can’t cajole a co-equal division of Congress, or make it by its own volition, to impeach Gloria. But this inquiry may lend to a “collateral damage” that brings her down just the same, in other ways.
Maybe it will help build up the pressure for Gloria’s resignation. Maybe it will finally persuade moral leaders like CBCP to exert actionable pressure along that line, without bloodshed.
Who knows? Gloria may finally do a Suharto after all these pressures threatening to blow the lid of her cooker, which is now overheating.
Isagani: “I really pity this guy, Neri. We must not condemn but pray for him.”
I do!
A Cebuano friend also gave this advice: “Maayo pa motug-an na lang ka ug tinuod Mr. Neri, basin ma libre pa imong kalag kang Luci.” (Mr Neri, are you listening?)
The burden is now on the Supreme Court. In their oral arguments as to whether Neri can testify in the senate or not, we will know if we really have an independent Supreme Court. When Neri filed his case with the Supreme Court, he used the EO 464 as an excuse. But why were all DOROBO’s dogs present in the senate afterall? All of those who were in the hearing could have used the EO 464 to excuse themselves. Mabuti naman at pumunta silang lahat so the people could see their LIES!
If the Supreme Court rules that Neri should appear in the Senate, Neri should comply. This event will be the finale in the DOROBO’S ZTE scandal. At this point, the people will be ready do OUST the DOROBOS!
Pimentel may be reserving his piece for Neri when he will be on the hot seat!
Although the senate may not have the power to impeach the DOROBO, they do have the power to uncover the truth. Since the DOROBO took over, we never uncovered any of her wrong doings. Puro aborted because her mafia gang did everything they could do to pay off all the witnesses, threaten their life and their families’ lives and even possibly vanish them from the earth for good! Thanked GOD, Lozada made it to the finish line!
With this ZTE scandal, Lozado’s protected by the Divine Providence! We would not have uncovered the truth yet again if Lozada was not guided by GOD! This is definitely coming from our CREATOR! Something men could not have unraveled!
Let us pray for Neri. Sana matauhan na sya sa bangungot na kanyang ginagawa laban sa bayan.
Lozada indeed is a decent man..when asked about Neri’s personal life, he begs off from the question..What Lozada is experiencing now is “the modern crucifixion of Christ.”
Christ is the truth and the way..pinahihirapan si Lozada ng mga alipores ni GMA na lumabas ang katotohan..isn’t it said that the path to God is narrow and straight? Kung tumataba ka nga sa kasinungalingan at sa pagnanakaw mahirap nga makadaan patungo sa Dios. mas madali ang daan patungo kay Satanas- wide at hindi mahirap dumaan..
..ang sabi ng anak na si Mickey kawaan daw natin ang tatay niya at huwag litsonin..may sakit and he worries about him..what a son!
Isang kapansin-pansin ang hindi masyadong pagtatanong ni Jinggoy. Utos ba iyan ni Erap o wala lang siyang maitanong? On the side of the administration, it has two best salesmen in the persons of Lito Atienza and Mike Defensor. Parehong magaling mambola.
Aling Neri MAAWA na kayo sa taong bayan or sa Bansa natin. Siguro nga ay nakuha na ninyo ang P200 M galing kay Abalos at nawala na ang katapatan ninyo. Buti pa si Lozada ay nag salita kasi hindi nino binalutahan yata kaya nag ingay eh. Ika nga walang lihim na hindi nabibisto at la labas pa rin ang baho. 🙁
*****
Ganyan din ang naging damdamin ko sa sinulat ni Lozada via Enteng. Nasabi kong alam na natin ang dapat sanang ibinulgar ni Neri kay Lozada subalit hindi niya magawa not even because he is really afraid for the sake of Gloria Dorobo but because he is of himself (1) losing whatever fame and fortune he is amassing work for and with his fellow robbers and thieves, and (2)losing his life because he knows very well that those extrajudicial killings of critics and enemies of the dorobo couple are true, perpetrated by the dorobo couples’ paid mercenaries in the military and police, and not unfounded hearsays that the paid lackeys in the government especially those in the Philippine Congress, Senate, and her appointees in what the people now see as the Department of Injustice, Pidal National Police (PNP) and the Armed Forces of the Pidals (AFP).
Sabi nga ng marami, Ellen, bakla si Neri kaya kung sa tapang wala kang aasahan sa taong iyan dahil bakla siya in dthe pure sense of the word, walang yagbols! Kasi sa totoo lang maraming bakla akong kakilala na matapang. Isa nga sa best friend ko tsinoy na pure Chinese pero born in the Philippines na bakla, at kasa-kasama ko sa mga advocacy ko. Iyong katulong nga namin ng maliit ako bakla rin pero dating sundalo na beterano ng Bataan Death March. Naalala ko nga siya nang mapanood ko iyong pelikulang pinoy na “Aishite imasu.”
Hindi ako naaawa kay Neri. Naaawa ako kay Jun Lozada dahil nakatagpo siya ng kaibigang ulupong gaya ni Neri. Mahirap magsumpa pero Dios na ang bahala sa binabaing ito. As for the dorobo couple, dapat nang dakpin ang mga iyan. Bistado na sila. Puede ba iyong mga matitinong pulis, et al, kumilos na?
…but because he is concerned only of himself afraid of…..
HG: Who knows? Gloria may finally do a Suharto after all these pressures threatening to blow the lid of her cooker, which is now overheating.
******
Mahirap mangyari iyan, HG, dahil makapal nga ang apog ng magnanakaw na ito. Pinawili kasi ng mga taumbayan gaya ng pagwili sa kaniya ng mga magulang niya na pinalaki siyang hibang na tinatawat siyang prinsesa!
Kuwento nga ng isang kakilala namin na noong bata pa daw iyang naglupasay sa isang otel sa New York nang magpunta ang mga magulang doon on a state visit yata dahil ayaw makasama iyong mga kapatid sa ama at nagngangangawa. Wala daw nagawa ang mga magulang kundi ilipat ang mga anak sa ama dahil hindi daw titigil gawa nang spoiled na spoiled sa magulang lalo na doon sa ina niya.
Daladala ang ugali hanggang ngayon at akala niya kaniya na lahat basta nahawakan niya.
good morning!
has anyone read the column of Lito Banayo in today’s Malaya? Ang galing…..
hindi ako marunong mag link so punta na lang kayo dun 🙂
Wala nang sisihan. Sabi nga ni Chi, personal choice na ni Neri ang gagawin niya. Ganoon din ang mga pilipino. Nasa kanila na ang desisyon. Huwag nang patayin ang isyu na ito. Suportahan ng mga pilipino ang ginagawa ni Lozada na isinusulong na ang buhay para sa kapakanan ng bayan na pinagsisisihan niyang napasama siya sa mga magnanakaw at ngayon ay sapilitang inilalagay sa alanganin. Sabi nga niya, “Bakit ako nalagay sa ganitong problema?” or something to that effect.
Tuwang-tuwa ako kay Lozada habang pinakikinggan ko ang pagsagot niya at pagtanggi sa mga pagsisinungaling ni Atienza, na walang binatbat kay Mayor Lacson, at iyog mga inutusan ni Gloria Dorobo na magsinungaling. Ipinagdarasal ko na tulungan pa siya ng Diyos na mas lalong maging matapang at matatag.
Pinahangan ni Lozada ang maraming pilipino, at marami sa palagay ko ang nabigyan ng pag-asa sa ipinakita niyang katatagan at higit sa lahat pananampalataya sa Panginoon na alam kong ipag-aadya siya sa anumang kasamaan dahil marami siyang magagawa para sa mga kababayan niya.
Sabi nga sa Bible, “But God hath chosen the foolish things of the world to confound the wise; and God hath chosen the weak things of the world to confound the things which are mighty;” (1 Cor 1:27)
One thing sure is Lozada has rocked the dorobos’ boat. Umpisa na iyan kaya huwag nang tantanan. Ituloy na ang paggiba ng empire ni Gloria Dorobo.
Sana surutin na ang mga budhi ng mga tuta ni Dorobo kasi baka may natitira pa namang kahit na konting decency and propriety sa kanila. Kung wala, pihadong mananagot sila sa Panginoon sa mga kawalanghiyaang ginagawa nila.
I pray that they may still be able to heed this counsel from heaven, “The way of peace they know not; and there is no judgment in their goings: they have made them crooked paths: whosoever goeth therein shall not know peace.”
I bet you iyan ang nangyayari ngayon lalo na kay Neri, hopefully.
Ito ang magiging sitwasyon kung hindi pa kikilos ang mga taumbayan at iyong mga kinatawan nila sa Senado at Kongreso ng Pilipinas, “The way of peace they know not; and there is no judgment in their goings: they have made them crooked paths: whosoever goeth therein shall not know peace. Therefore is judgment far from us, neither doth justice overtake us: we wait for light, but behold obscurity; for brightness, but we walk in darkness. • • •We roar all like bears, and mourn sore like doves: we look for judgment, but there is none; for salvation, but it is far off from us.” (Isa. 59:8-9, 11)
Sabi nga, “Nasa tao ang gawa, nasa Diyos ang awa!” Sana gumaya na ang lahat ng mga pilipino kay Lozada.
Myrna, thanks…I just read Lito Banayo’s column. It was exactly what I said in my prior blog. God has finally answered our prayers for Divine Intervention! May all the sins of the DOROBOS be uncovered from hereon!
Myrna:
Cut and paste mo ang website. But for you, o ito na ang link
http://www.malaya.com.ph/feb12/edbanayo.htm
Tamang tama sa Ash Wednesday ng mga katoliko. Sorry, hindi ko alam kung kailan kasi hindi ako katoliko at saka hindi namin binibigyan ang pagkamatay ni Hesukristo kundi ang kaniyang pagkabuhay at sakripisyo para tayo mabuhay. Sabi ko nga, sana pagpunta ni Lozada sa Senado ulit, magdala siya o iyong mga madre ng malaking litrato ni Jesus Christ at baka matakot iyong mga kristyano daw na mga sinungaling na magsinungaling pa.
Magandang dalhin iyong litrato ni Jesus Christ na ginagamit ng mga kursilista sa hearing sa Senado para hindi na makapagsinungaling sina Atienza, et al.
O kung gusto ninyo naman, ipapadala ko ang isang litrato ni Jesus Christ na iginuhit ng isang member namin na pag tinignan mo sumusurot sa dibdib mo. Siguro ipapadala ko na lang kay Senator Pimentel na nasa Mexico ngayon at uma-attend ng isang conference para magamit niya sa pagtatanong niya sa mga sinungaling. 😛
Yuko,
Tatablan ba n’yan ang Pidal criminal gang?! From the looks of it e wala silang dinidiyos maliban sa mag-asawang Pidal!
Kaya nga sabi ko sa isang post ko, Chi, pag di tinablan alam na nating peke iong pagdarasal ni Gloria Dorobo. Kasi ang pambola, banal siya. On the other hand, baka may natitira pa naman kahit konting takot sa Diyos. Who knows? Kung wala, then, bahala na ang Panginoon.
Sino mataas, si PGMA o si Neri?
Intindihin na lang muna natin si Neri… baka nga may hawak na kamag-anak nya ang Malacanang… at least si Lozada had to foresight of putting his immediate family sa safe house ng La Salle… before going to the Senate…
Mahirap talaga ang situation kapag may malapit sa yo ang hawak nang kalaban na maaari nilang saktan… kahit na ba si “Tom” iyun… ( hindi mahalaga ang sexual preference ni Neri sa usapin na ito… )
I just think na Neri, as of this time, is not free to tell his story… baka walang pinagkaiba yan kay Udong Mahusay…
alam nya na delikado sya and yung pamilya nya sa mga malalaking taong may kinalaman sa mga anomalya sa gobyerno… maaring wala syang tiwala sa kakayahan nang kabilang kampo na proteksyonan sya at pamilya nya… knowing the extent of power nang mga taong babanggain nya kung sakali…
d0d0ng: sino ang impotent? ang senate? ano ang palagay mo kay Neri? Confuse na nga siya sa sarili niya kung ano siya..takot pa siya at hindi makatayo sa harap ng mga tao..hindi ba imptence yon?..”powerless; ineffective; lacking physical strength” as defined in the dictionary..mayroon pang isang meaning but you know what that is..
grizzy: tama. iharap sa kanila ang crucifix, picture of Jesus, ang 10 commandments at ihilite “ang 8th.”thou shalt not bear false witness”..para matauhan..pero Christiano ba si Joker Arroyo?
Noon, sabi da, dalawa lang ang paroroonan ng mga uragon. Kung lalaki, siya ay maging pare.
Valdemar: yon nga seguro ang problema ni Neri..he can’t make a decision kung magpari siya o magmadre..
Rose: pero Christiano ba si Joker Arroyo?
*****
Mas magandang tanungin, Rose, kung nasapian na ng demonyo si Joker Arroyo. Kailangan siguro diligan sila ng holy water! Nangkupo, nakakatayo ng balahibo!
A reminder for Mr. Neri and all who think their silence could save them:
“When the Nazis came for the communists,
I remained silent;
I was not a communist.
When they locked up the social democrats,
I remained silent;
I was not a social democrat.
When they came for the trade unionists,
I did not speak out;
I was not a trade unionist.
When they came for me,
there was no one left to speak out.”
by: Reverend Martin Niemoeller
(1892-1984) German Lutheran pastor, was arrested by the Gestapo and sent to Dachau in 1938. He was freed by the allied forces in 1945.
May hearing yata sa Friday kaya iyong mga kasama natin na puedeng magpunta sa Senate, pakidala ang malaking picture ni Jesus Christ.
I-request sa mga madre na magdala sila ng mga pictures ni Jesus Christ. Believe you me, ang dami kong napaamin sa pulis ng mga kasalanan nila sa pagpapakita ng litrato ni Jesus Christ na itapat diretso sa kanila. No effect iyong imahe ni Maria ng Manaoag, though, kahit na iyong lumiliwanag sa dilim. Mas effective iyong litrato ni Jesus Christ. Tutal mga naturing kristyano naman ang lahat ng involved, di ba?
Obserbasyon at opinyon ng isang maralita;
1.Pagkakamaling nasimulang buksan ni Mr. Neri ang pandora’s box kaya lang ay mabilis siyang napipilan ng Malakanang.Bakit?
2.Biktima siya ng situation na kailangang mamili siya kung sino ang papanigan..Madadamay ang buo niyang sambahayan at kinabukasan..mas matimbang ang kinabukasan at sambahayan..Ang bayan ay makakapamuhay ano man ang mangyari..que seira seira!!
3.Noong nag-advice siya kay Mr. Lozada na I-moderate ang Greed ni Mr.Abalos at ng kung sinoman siyang matabang isda na taga Malakanyang.. ay may kaunti pa siyang konsensiya at kaunting pino o professionalismo dahil GARAPAL ngang masyado ang hinihingi nila.. mahirap doktorin ang Bill of Quantity, ang pagpapatong ng mark ups, overheads, profits, etc… lalo na pag obvious na ang presyo ng bayabas ay 1000 Piso bawat isa.. Bubukol nga naman.. Hindi naman lahat ng Pilipino ay nasusuhulan at natatapalan..
4.Iyong natitira niyang konsensiya ay natabunan ng pagmamahal sa sarili, sa pamilya o ng sarili niyang survival.. Hindi pa niya kayang harapin ang sarili pag napunta siya sa ganitong situation kaya play safe muna siya.. Kaya lang baka lalo siyang madiin.. Karma…
5.Wala ng maiisip na tatakbuhan si Mr. Neri pag bumaliktad siya ngayon.. Kaya naisip niyang pangatawanan na lang na makiayon sa tugtug ng panahon..( Pagkaganid at pagkagahaman) baka sakali nga namang makalusot uli sila sa pagkakataong ito at least baka makabahagi pa sa common na patong as in commissions.. as usual di ba..CENTENNIAL,FORT BONIFACIO,COMELEC MODERNIZATION,GARCI,BOLANTE,MACAPAGAL HIGHWAY,SOUTH&NORTH RAIL, at ibat-iba pang scandal na sa umpisa lang mainit sa huli ay lumalamig din.. Magagaling sila!!
6.Ang hindi naiisip ni Mr. Neri ay ang implikasyon nito sa kaniyang sarili..paano ka mabubuhay ng daladala mo sa dibdib yang pagtatago ng katotohanan..mabigat yan.. hirap makatulog niyan..baka ang mga anak mo o sinoman sa mga mahal mo sa buhay ang gantihan ng nasa itaas.. Kung naniniwala kang mayroon.. kung hindi ay tinitiyak namin sa iyo, mayroon!! sabi ko nga lagi baka maagnas ng buhay.. Walang magagawa ang pera pag buhay mo na ang babawiin ng taga itaas.. ibat-iba lang ang timing at paraan.. pero mas masarap na harapin ang pagbawi nito ng malinis ang iyong puso.. at isa pa.. mahal ka ng iniwan mo at nanatili ang paggalang sa iyong pangalan.. hindi iyong patay ka na ay minumura ka pa..
ISIP ISIP Mr. NEri.. Ipinagdadasal ka na ng marami…
Neri,
Be man enough to fight for what you believe is right. Bumalik ka sana sa pagiging Blue Eagle mo, hindi yung isa kang Yellow Chicken.
Broadbandido,
You are talking to a hand! Joke only :).
I’m praying that Neri returns to his old self, though I suspect that his old self has gotten off the cage and what he’s showing now is a manifestation of such.
kung hindi nyo mapakanta si Neri
so what? hwag pilitin ang ayaw!
kung sadyang napakaraming insidente ng pagnanakaw sa gubyerno,
go out, get evidence, and file your case with the courts.
kung target nyo ang presidente, get signatures from 2/3 of the members of congress to support your impeachment complaint.
kung di kaya ang any of the above….
griping is always free.
Hindi sa ayaw kumanta si Neri…wala lang siyang bayag tulad mo. The Senate has the duty and obligation to get the truth from him. That’s why the Senate is mandated and given the power to summon any witness and if the witness refuses, warrant of arrest could be issues. Iyan ang batas.
Dear Ms. Ellen,
Hi! Please do review the posts in this blog, you will notice that one rabid poster here is continuing to use foul language in his (or her) tirades. He / she might give the wrong impression that the rest of us here are uneducated or of low moral character – where in fact site should serve as a forum of sharing of ideas (okay – even jokes sometimes) and not for throwing of profanities.
thanks and b.rgds
Bumibigay ka na ba? Gawin mo nang unhappy_gilmore ang pangalan mo. if there’s anyone whose posts should be reviewed, it’s yours. No one ever questioned another blogger’s educational and social background here. Ikaw itong pati isang magtataho ay ininsulto mo. Foul language and profanities? Magaling at sanay ang mga amo mo. May balita ngang (Lozada denied of course) na dinuraan siya sa mukha ni Abalos o ni Big Boy Mike. Hindi lang magaling sa pagmura ang mga kasama mo sa Malacanang, nananakot at nananakit pa.
BB: May balita ngang (Lozada denied of course) na dinuraan siya sa mukha ni Abalos o ni Big Boy Mike. Hindi lang magaling sa pagmura ang mga kasama mo sa Malacanang, nananakot at nananakit pa.
*****
No wonder napapaiyak si Lozada. Hindi makaganti ng mano a mano kaya masakit ang dibdib. Dinadaan na lang sa iyak. Maski ako mapapaiyak sa galit sa totoo lang.
Mr. Happy Gilmore,
Kahit po walang pinag-aralan ang iba sa atin dito tulad ko ay malinis naman po ang aming konsensiya at pamumuhay..
Hindi po namin ninanakaw ang pagkain na isusubo na lang sa bibig ng mga anak namin ay pinag-iinteresan pa ng mga nag-aral na ginagamit ang pinag-aralan sa pagnanakaw…
Low moral character??? totoo na nakakakababa ng moral ang ginagawa sa atin ng mga sinasabi ninyong nakapag-aral..
Pakiiwasan na lang po ng ilan ang mag-tungayaw para hindi masaktan ang tinatamaan..
Salamat po sa May-ari ng Internet cafe’ na ito na nagpapagamit ng libre sa akin habang walang bumibili ng tinda kong taho..
PUPUNTA PO AKO SA BIYERNES.. Dala ko rin ang paninda kong taho…
Chi,
Anong ibig sabihin mo ng hand? Hindi ba bunganga ang ginagamit? 😛
Ang lakas naman ng loob ni Appy G., parang gusto pa atang ipa-moderate ang mga sinasabi natin dito.
Gawa kasi kayo ng amo mo ng sarili nyong blog at kayo-kayo ang magpurian at magbuhatan ng bangko.
Mataas seguro ang grades ni Happy Gilmore sa good manners & right conduct noong araw at gusto gusto pang i-imposed sa iba?