Brig. Gen. Danilo Lim and Sen. Antonio Trillanes IV issued the following handwritten joint statement:
We praise the courage and patriotism displayed by Engr Jun Lozada on his exposé of yet another series of condemnable acts by the GMA administration.
We only hope that his damning revelations would be enough to finally convince the Filipino people to stand up and assert their sovereign power to choose a government that would truly protect their rights and fight for their interests.
As somebody once said: The limits of a tyrant are defined by the patience of those whom he (she) oppresses.”
OMG, ang tagal kong na-miss si Sen. AT4 and Gen. Lim!
The good seeds you planted are now germinating and soon will be ready for a good harvest.
Mabuhay ang aking mga bayani!
Finally, a statement. I’ve been waiting for this.
Atleast, alam nating buhay pa sila. Si Faeldon ang dapat na ilabas nila if he has not escaped as rumored! Diyan isa pang magaling si Gloria Dorobo. Magkalat ng tsismis to cover her tracks.
I hope that the religious people will finally make a stand. Join the rally this friday at patugtugin ang HELLO GARCI. Inumpisahan na ng mga madre at nila Cardinal Vidal, Archbishop Cruz, Yñiguez at iba pa ang panawagan na oras na para kumilos. This is not just a political exercise but a MORAL duty of every Filipino to seek a REAL GOOD, MORALLY UPRIGHT GOVERNMENT. GLORIA-NOLI RESIGN!!!
I was waiting for what these two gentlemen has to say, too! Kahit marami ang kumutya sa “The Peninsula Siege” (as it was dubbed), naniniwala ako sa integridad ng dalawang matatapang na ‘to.
In the end, Sen. AT4 and Gen. Lim, the root of your cause has now been unfolded and embraced by most of the Filipino people. Your march had not been in futile, it was an eye-opener. Mabuhay kayo!!
Chi naman, ating mga bayani ha! Smile naman.
Kumbinsido na po ang lahat ng Pinoy except sa mga Kapangpangan na diehard supporter ni GMA na nag-aantay sa isang salu-salo anumang oras ito ilulunsad.
At wala nang dahilan ang mga pinagpipitaganan nating Militar at Kapulisan na mangunguna sa piesta ng Malayang Pilipinas.
Nagbigay na nang suporta ang ating honorable AT4/Gen. Lim and co., at nauna nang nagpahayag ng suporta ang Makati Business Club, Cardinal Vidal, Pres. Cory Aquino, Mayor Binay, Civil society, OFWs, Migrant Pinoys at magsusunuran na ang marami pang sektor.
balweg,
I’m speaking for myself kasi meron ditong pasaway. 🙂
Folks, you will see the brightest day in our Philippine history ang muling pagkakaisa ng Sambayanang Pilipino with the cooperation and help of ALL loving OFWs and Migrant Pinoys sa buong mundo.
Hangad natin lahat na ito na ang muling pagkakabuklod-buklod ng lahat ng mga Pinoy na naging biktima ng mapanikil na rehime sinc 2001.
Halos lahat ng sektor sa ating lipunan eh nawasak at winasak ng Pidalismo regime pati na ang neutral na sektor ng mga OFWs & Migrant Pinoys.
Nawa, ang lahat ng mga bad experiences nang bawat isang Pinoy eh maging bukas na alaala na lamang at magsimula uli tayong balangkasin ang bagong Pilipinas.
Isa para sa Lahat at Lahat para sa Isa!
Syiempre naman Chi gusto lang kitang pasayahin!
This administration is quick to declare anything against them as “hearsay” thats the trouble with being used to so many “destabilize me”, “bomb me”, “coup me”, etc. gimmicks. And these people are very good at lying through their teeth, lying with a straight face, and insulting our intelligence everytime they do.
We cannot afford to be neutral anymore, who knows the next victims will be people close to us.
Chi,
May nabibili pa bang balikbayan boxes d’yan sa lugar mo?Lahat ng tinawagan ko kasi dito sa lugar ko ay nawalan daw sila ng stock dahil inorder lahat ng malacanang,kaya iyung eroplano papuntang Pinas ay puro balikbayan boxes ang dala na walang laman na spam,dove at shampoo.Kaya kahit na ilang milyong piraso ng balikbayan boxes ay nagkasya sa eroplano at hindi na magdadaan sa custom at immigration at busy si Atutubo ngayon sa airport.
I-check ko, Cocoy. hahahaah!
Pero pag nag-exit ang mga miembro ng Pidal mafia ay tiyak na diyan sa iyong estado ang tuloy dahil merong silang itinatagong mga bahay diyan, unless tinanggap na sila ng bobong hari ng Espanya o kaya ay ng naghihingalong Pidel Kastro.
Cocoy ang lakas ng radar mo, ibig sabihin si GMA and cohorts eh sila naman ang mag OFW, good sa wakas ng matikman nila ang hirap sa abroad, ang hirap palang managinip ng gising!
Buhay reyna ang mga iyang pagpuga going to uncle Sam, kasi nga milyones ang PISO nila. Walang gutom at high class migrante.
The Filipinos have reached a crossroad. It is either you are for Gloria & Corruption or not. One cannot be undecided-being undecided simply means one is apathetic.
Pareng Balweg;
Broadband iyan kay hanggang tsina ay napipik-up.Hehehe!
Sen Trillanes, Gen Lim et al expressed their public support to Engr Lozada. How about the others like CBCP etc?
I hope the silent others are now conspiring to finish off this seemingly unending govt abuse and tyrany.
Gloria Arroyo has no moral authority to lead our divided nation. Political scandal, scams and anomalous transactions under her bogus regime is no longer acceptable.
Kapag puno na ang salop ay dapat na itong kalusin.
Kgg. DKG,
Ang puno’t dulo ng lahat ng kaguluhan sa Pinas eh nagsimula yan noong 2001, kaya yong word na “AKALA” maraming napapahamak at napapariwara.
Dapat kasing umiral eh ang tunay na pagrespeto sa kapwa-tao maging sinuman siya o anuman ang katayuan sa buhay. Ang crab mentality at fried chicken eh kailangan lunukin para di makaperwisyo ng kapwa.
Sir Zardux,
Wala tayong aasahan sa mga Obispo (not all) natin, playing safe ang mga iyan sapagka’t sila ang isa sa mga nag-upo kay GMA.
Obvious naman na makiisa ang mga iyan dahil pagmumultuhan sila ni Cardina Sin, takot lang ng mga iyan sa ghost! Nawa sana eh mamulat na ang Sandatahan Lakas at Kapulisan para tulungan ang Masang Pilipino against this regime sapagka’t mayroon din silang pamilya at mga anak na apektado sa hirap ng buhay ngayon dahil sa grabeng korapsyon at bata-bata system.
Noon 2001 Kudeta ay maraming natanso ni Gloria. Akala ng taumbayan umpisa na ang pagbabago. Hindi pala maslalong lumala ang kurakutan at pambastos ng ating Saligan Batas.
Miyembro ata yan Kgg. DKG ng Budol-budol gang, bebentahan ka ng ginto kuno pero tanso lang pala!
Korek ka, mas worst ang year 2001 – 2008 compare sa panahon ni FEM, marami ang yumaman at nakilala sa panahon ng kanyang termino kumpara ngayon na halos lahat ng sektor sa ating lipunan eh winasak.
Ang daming personalidad ang sinira at nadungisan ang pagkatao at moralidad.
Noong panahon ni Macoy ang mga kontra lang ang kaaway nila, pero ngayon lahat apektado pati na ang mga OFWs at Migranteng Pinoy.
Wala akong masabi kundi mababasa ng taong-Bayan sa pahayagan at cybermedia o telebisyon ang lahat ng problema na dala ng rehimeng ito.
I have been wondering what happened to them..isn’t it that by the end of Feb.? if their case is not decided they will be free?..And where on earth is Esperon? Wala sa scenario ngayon, at wala tayong naririnig sa kanya..seguro nanginginig sa takot at hindi makalabas..kasama kaya siya sa pag exit ni GMA, just like Ver with Marcos?..si Marcos and Ver are blood related..Esperon’s term was extended but kung sa pagalis ni GMA at si Noli ang papalit will it still be that siya and Chief of Staff?
We can not expect a stand from CBCP at lalo na kay Cardinal Rosales..Ang sasabihin nila they are not in politics..kanyang kanyang dahilan!
Cocoy: be ready at darating na ang mga bagong kapit bahay mo. their properties are in Ca. hindi ba? at baka pa kasama si Neri graduate pala ng UCLA..mag bukas ka ng branch ng resto ni Tongue..and be ready with the specialty ..grilled liver ala Gloria..Sa opening ng resto lilipad ako dian kahit hindi full moon..
COMING SOON: A new Philippines..liliwanag na sa atin..
Ms. Rose, expected ito ng Masang Pilipino and especially ng mga OFWs and Migrant Pinoy who prayed moment by moment para sa BAGONG PILIPINAS!
Mabuhay ang Pilipino at Mabuhay tayong lahat na nagmamahal sa Inang Bayang Pilipinas!
Wag na nating Ms. Rose, na abalahin ang mga kgg. nating Obispo sa labang ito, buti pa magready na sila to accomodate ang lahat ng mga Katolikong corrupt sa rehimeng ito para muling maevangelize at tanggapin ang katotohanan sa kanilang mga buhay.
Magbubusy ang mga iyan sapagka’t ang dami nila na dapat mamanyanita para magsisi ng kanilang mga kasalanan.
rose;
Mura lang naman ang itlog dito,babatuhin ko sila ng itlog pag maingay sila.Ayaw ni Santarina at Villaragoza na maging kapit bahay ang mga iyan dahil magkakaroon sila ng kalaban sa pulitika at marami silang perang pambili ng boto.Kung sa San Diego naman ay mga kastilaloy spiking ang mga TNT doon na nangabilang bakod, No comprendi sila at sasabihin sa kanila ni conchita-hoy quiero que sepas que contigo,he descubierto el verdadero significado del dorobo- na ang ibig sabihin sa Ilocano ay mga sadot sila at mga magnanakaw.Tamang-tama maraming mga matatanda doon na nangangailangan ng PT(Punas Tae)sa Beverly hills at palos verdes pwedi na sila.
Mabuti naman at nakapaglabas na rin nang statements sina Gen Lim at si Sen. Trillanes, ang nanalong Senator na ayaw paupuin ni GMA …
Ang yabang na rin kagabi ni Noli de Castro… kung sa ayaw at sa gusto natin, sya pa rin daw ang constitutional successor ni GMA kapag napababa daw natin si GMA…
Ok lang sana yan kung talagang malinis ang 2004 elections… kaso hindi! Senate President ba ang next in line?
Wag nang pabobola na bago patalsikin si GMA dapat “may matino itong kapalit, kung wala, let’s keep the status quo ” … kaya nga may heirarchy sa gov’t para sa mga situation na ganito… let’s go down the line until makatapat ng matinong mamumuno sa bansa… yung maghahandle ng caretaker gov’t and then call for a snap election…
Coincidentally, sa Friday rin ilalabas nang Supreme Court yung decision nila na pwede nang i-ere ang Hello Garci tapes in public…
Pwede bang paligiran ang Malacanang nang malalaking speakers then play the tapes over and over again… baka sakaling masiraan nang bait ang mga involved, he-he-he….
Bumabagsak na ang langit ni Guriang Korap! Huwag tantanan!
Let’s not worry for who or what will become of our Pinas when the Pidal koraps are gone. We will survive and we will find the right leader!
Dakdakan pa ang mga walanghiyang magnanakaw, mandaraya at sinungaling!
Danny and Sonny, it looks like we are finally seeing the light at the end of the tunnel! Your sacrifices, along with the other incarcerated 28 officers will not be in vain afterall!
But there are yet so much to do. It looks like the DOROBOS are looking to discredit Lozada. They are now possibly “planting” evidences in his lockers!
It is too early to tell what this rotten administration is going to do next to keep itself in power! They will try to withhold the truth by keeping Valeroso who was the fall guy in the abduction. Maybe Neri’s testimony will put the last nail on the DOROBO’s coffin! The battle is still tough ahead but at least we have a ray of hope!
Hang in there comrades, a NEW DAY WILL SOON BEGIN!
It would be fun if all the demonstrators will play this “HELLO GARCI” tape all day long on Friday!!!!
Sige, makipagmartsa na rin tayo rito kahit sa Spirit man lang. Panay ang dasal ng mga relgious groups sa amin sa Mindanao! Isa sa mga leader doon ay ang Sis ko!
Let’s keep on praying sa KATOTOHANAN!!!
sana naman tablan na ang militar (especially yung mga nasa lower part ng totem pole) na umalma na. wala ba silang utak at hindi nila makita ang tama at mali?
Myrna, unfortunately ganyan ang culture ng mga sundalo. Because of the so- called “chain of command” kahit na kriminal ang nakatataas sa sundalo, “yes sir” pa rin siya. Yung mga opisyal na nakakulong ngayon ang mga nangahas na mag-question na bakit nila susundin ang “illegitimate” president na naging president lang dahil sa pandaraya ng mga heneral na katulad ni asspweron? Ayon tuloy nakakulong sila and they are fighting for their life and freedom right now. They too need our prayers!
With the ZTE/NBN deal, the scrapping of some projects for the soldiers to make the deal work for the DOROBOS’ advantage may fuel some unrest anew.
Ako, kahit kailan I never lost faith in the integrity of Sonny. Napakilala na niya ang kaniyang kagitingan a lot of times—kahit na iyong pag-urong nila temporarily ng kanilang laban sa Manila Pen dahil sa concern niya sa mga civilian na sumama sa kanila na pihado ko iyong iba naman doon ay hindi nila sympathizers kundi nakikiusyoso lang. Pero blessing in disguise, na-experience nila ngayon ang tindi ng pagkawalanghiya at pagkaganid ni Gloria Dorobo kaya na-inflame sila, hopefully tuloy-tuloy na!
Blessing in disguise na na-tira ang mga journalists, kaya diyan mo makikita kung gaano kabobo si Gloria Dorobo. Nagyabang pa na kayang magbayad ng mamahaling publicity agent para gumanda ang papel niya imbes na ligawan iyong mga libreng peryodista na puedeng mag-build up sa kaniya.
Kung sabagay, kung libre nga naman wala silang kickback ng asawa niyang ganid din. Demonyo talaga! x:-(
E kundi ba naman mga bobo, gustung kasuhang mga journalists mga sikat!
Sobra kasing mang-insulto ng kapwa niya pilipino ang ungas. Akala niya komo mga pilipino ang mga katulad ni Ellen at Dana, kaya niya. Iyong Gunggonzales nga, di alam na info cartel pala connected si Dana dahil ang mga bobo nilista ang organization niya na Gigi Press na akala nila siguro katulad ng publication ni Larry Flint. Kamote talaga!
Ilabas na nila si Faeldon, puede ba?
Yuko, baka magkasama na si Fealdon at Valerosa sa iisang kulungan ngayon, parehong nakabartolina.
OK lang nakabartolina. At least, buhay pa! Papaano na kung 6 feet underground na! Dios mahabagin! Huwag naman sana!
cocoy: hindi seguro sasama si Goria sa kanyang asawa na Toh Toh-ngo sa SF..may vacante ba sa Alcatraz? at si Neri naman kung sasama ay tutuloy sa Sausalito..mukhang marami kang handa na pangbato sa Halloween in Feb.. hindi ba ang Edsa 1 ay nangyari ng Pebrero?
kgg Grizzy
Trillanes withdrew from the Manila Penn because the military was going to KILL him unless he surrendered.
he used media to forestall the military but as you will notice – they were also ready, soldiers occupied key “high ground ” positions in the hotel.
Trillanes did not win the election by the margin that he claimes (11M). 8M votes was secured through an opposition senator’s collaboration with the comelec. if his claim were true – how come walang sumaklolo sa kanya in his moment of greatest need?
frustrated lang si Trillanes kasi di na release pork barrel nya – and having nothing else to loose – tried a blunderous move – he pre empted a massive rally that intended to put SOMEONE ELSE in power. He will have none of it. in his mind, onle HE is THE CHOSEN ONE. Kaya hayun – he and Danny Lim went on another hotel spree.
he he, sana kunin din nila VICTORIA COURT, para at least alam natin kung kelan sila susuko – in exactly 3 hours he he he
Rose,
Alcatraz is now a tourist spot. May vacancy sa San Quentin, pero hindi na kailangan doon, ipa-A to A na lang ang mga hayup. Buti na lang mata-tax-an na sila sa kinikita ng real estate nila sa SFO. Balita ko nagkaroon lang property sa SFO iyan nang maging deputy ni Cory Aquino. Isang hapon nagsabi sa akin na humihingi daw talaga ng kickback for services rendered daw! Iyong mga desperate na makabukas ng business sa Pilipinas, nagbabayad. Wala kasing magagawa. Kaya who says this creep is clean?
Iyong Atienza reminds me of Antonio Villegas. When we left the Philippines, sikat iyong pag-akyat-akyat ni Joe Guevarra sa mga puno to check on the successor of Mayor Lacson kasi biglang yaman. Lahat ng palengke sa Manila, nagbabayad ng tong doon sa mga dummy ng mayor kasi.
Come to think of it. Kaya siguro itong si Gloria Dorobo madalas magpunta doon sa Divisoria especially nooong time ni Atienza. Siguro hati sila sa mga tong doon! I wonder…. 😛
Naubusan na ang scriptwriter ng Malacañang. Chacha na lang ang huling baraha. Federalism para sulsulan ang mga probinsiyanong inuuto nila na dapat silang humiwalay sa Maynila para maiwas sila sa gulo. Suhol kaliwa’t kanan ang gagawin para sabihing iyan ang bunga ng “kaunlaran” sa pamumuno ni Pandak.
Tapatan nila si Lozada. Yan ang dapat gawin nila. Isang linggo na ang tutorial ni Valeroso para sa kanyang script. Kung tutoo ang sasabihin ng ungas:
KAILANGAN PA BANG I-MEMORIZE YAN?
FLASH! FLASH!
Spy camera nakita sa loob ng hall kung saan ginaganap ang hearing nila Querubin, Lim, et al sa Camp Aguinaldo. Nakatutok ang camera sa lugar kung saan nakaupo ang mga defense lawyers.
Abangan!
Dapat ipatawag ng Senate si Ronaldo Puno…. and make sure na nandyan rin si Mirriam Santiago to ask questions…
That will be an interesting scenario… tingnan natin kung makapagtimpi si Mirriam… just the mere sight of Puno might trigger bad memories for her of the 1992 election when she almost became president of the Philippines… but Puno was very instrumental in depriving her of that … kaya nga nagkanervous breakdown and Mirriam was never the same again…
Piping Dilat:
In that case, useless din kasi baka hindi lang naalisan ng tornilyo, baka nagkaroon pa ng amnesia si Brenda para maalala niya ang ginawa ni Puno sa kaniya. Kung sabagay, evil begats evil. Parehong evil ang mga iyan, baka may mangyaring maganda like magpahiyaan sila! Pag sinabihan ni Dorobo na huwag na silang um-attend ng hearing, ibig sabihin nagba-blog sila dito. Alam ko si Binggot sumisilip-silip dito. Nakikiamuyong. Baka na naman may magbulgar ng tungkol sa tsismis tungkol sa kanila ni Dorobo. Pero bakit si Mrs. hindi nagre-react? Dahil ba masagana siya sa pera! Labas tuloy ni Binggot, parang lalaking prostitute!!!
…evil begets evil….
Grizzy,
The idea is to let Mirriam “snap”… he-he-he… Puno attending the senate hearing even without being asked to answer questions, but within Mirriam’s line of sight…
Much better if FVR also attends and sit besides Puno… har-har-har… then somebody should ask Mirriam , ” Can you tell us briefly once more, what happened in 1992? Why you lost the presidency by a small margin? ” … that ought to do it… Malacanang will no longer be able to control Mirriam at that point… Masaya yang situation na yan…
natural lang na purihin nila Lim at Trillanes si Lozada, dahil yung ginawa niya ay tutoong patriotic. very much unlike their big stupidity called the Manila Pen circus
Aba, at nakapasok pala ang flash report ko tungkol sa spy cam. Hirap talaga mag-internet kahapon.
Jugg,
I hate to say it but any further indecision will only add more to my commissions on the memorial plots sold. I dont give rebates to those unaligned to my prayers.
Cocoy,
Sorry, ha, patay na naman ang sabi ko. Trabaho ko kaci. Its very much adopted to a country with so many problems. I dont need to pray anymore to be successful.
Nais ko lang mag-react sa sinabi nitong si air force chief Lt. Gen. Pedrito Cadungog (sa biglang tingin parang tunog Caduggong-an Ilocano term for kulangot),na former rebel daw,na saan ay pinagbantaan niya ang bawat sundalo na huwag makisawsaw sa isyu at huwag sumali sa kudeta.Ang sabi niya ayon sa balita, “if you will not kill me, I will kill you.” Sa talamak na corruption at pagpapahirap sa bayan, karapatan ng bawat Filipino ang manindigan sa mapayapa at (hindi naman sana hahantong doon)marahas na paraan. Ang taong nagigipit kahit sa patalim ay kumakapit. Kaunting lamig lang “apo heneral,” ang lahat na nangyayari sa daigdig ay kaloob ng Dakilang Lumikha. Sana manindigan tayo para sa katutohanan, ang pananakot ay hindi kapakipakinabang, magusap-usap para sa kapakanan ng bayan.
yun ang bintang ni sergio apostol kay trillanes, the pork barrel issue. ridiculous talaga pag tuta ng palasyo! basta may maibintang lang. tsk tsk.
Ginigipit na naman ang magiting na Col. Querubin and family.
http://www.gmanews.tv/story/80602/Esperon-confirms-planned-eviction-vs-Querubin-family
Iyan ang hayup, broadbandido. Mga walang utang na loob! Walang binanat sa Japan sa totoo lang kaya dito matitino ang mga pulis at sundalo. Ang dami kasi nilang benefits.
Kaya bilib pa rin ako sa mga nakakulong na mga sundalo katulad ni Col. Querubin. Hindi naaalis ang pagmamahal sa bansa nila kahit na anong pagpapahirap ang gawin sa kanila. In fact, lalo pa sigurong naglalagablab. Daig pa siguro ang damdamin nila noong mga ikinulong ng mga kaaway noong guerra sa pagdurusang dinaranas nila sa ilalim ng pamahalaan ng isang kriminal.
What can I say? Kundi, “Mabuti na lang iyong mga hapon, kapag ayaw na ng mga tao, bumababa, at iyong mga nakakasuhan, para hindi na makaperhuwisyo pa sa iba, nagpapakamatay na lang kundi man sila magkasakit at tuluyang mamatay.” Golly, sa Pilipinas, patigasan at pakapalan ng mga mukha! Ngeeeeek! Mapapamura ka tuloy kundi man maisusumpa mo ang mga salbahe at walanghiya!
Masama man sabi nila sa religion nating kristyano ang suicide, naa-appreciate ko na ngayon iyong mga malalakas ang loob na tapusin ang buhay nila kung nakakaperhuwisyo sila. Mas parang naiintindihan pa nila ang itinuro ng Panginoon nang nasa lupa pa siya tungkol doon sa tinatawag na sin offering: “And if thy right hand offend thee, cut it off, and cast it from thee: for it is profitable for thee that one of thy members should perish, and not that thy whole body should be cast into hell.” (Matt. 5: 30)