Ano kaya ang pakiramdam ng mga sundalo at pulis nang tinatanong ni Sen. Panfilo Lacson si Rodolfo Noel “Jun” Lozada tungkol sa parte ng $1.1bilyon (P59,400,000,000) na perang nawawala na maaaring napunta sa ma-anomalyang NBN.ZTE na kontrata?
Ang parte kasi ng P59,400,000,000 na yun ay dapat para sa housing project ng mga sundalo at pulis.
Lumabas itong impormasyon sa pagtatanong kay Lozada na humarap sa Senado noong Biyernes pagkatapos siyang kinidnap ng mga pulis nong Martes ng hapon nang dumating siya galing Hongkong, kung saan siya pinapunta noong isang linggo para makaiwas sa pagharap sa Senado na nag-iimbestiga sa anomalya ng $329 milyon (P18 bilyon) na kontrata ng pamahalaaang Arroyo sa ZTE ng China para magpatayo raw ng National Broadband Network dito sa Pilipinas.
Sabi ni Lacson, may impormasyon siya, na suportado naman ng mga press relase ng Malacañang, na ang pinirmahan ni Arroyo na kontrata sa Boao, China noong Abril 21, 2004 ay umabot sa $1.1 bilyon. Bilyon yan ha, hindi milyon. Siyam ang zero nyan.
Maala-ala nating na nakaratay noon sa St. Luke’s hospital ang kanyang asawang si Mike ngunit umalis si Gloria Arroyo papuntang Boao para magwitness sa pirmahan ng mga kontrata para sa iba’t-ibang proyekto.
Nakakatawa pa nga kasi sa press release ng Malacañang sa okasyon na yun, sinabi na si Arroyo ay “like a thief in the night” o parang magnanakaw sa gabi. Tama nga, magnanakaw nga. Big time.
Sabi na Lacson na ang pagka-alam niya sa pagplano, kasama sa $1.1 bilyon na yun, ang proyekto sa pag-ayos ng Angat Dam kung saan nanggagaling ang tubig na ginagamit sa Luzon kasama na ang Metro Manila. Kasama rin daw doon sa loan package ang housing project para sa mga sundalo at pulis.
Ngunit nang naghahanap ang mga magagaling na tauhan ni Arroyo ng mapagkunan ng pera para ma-finance ang NBN/ZTE project, na umabot sa $329 milyon, nawala ang dalawang project na yun. Nagkaroon daw kasi ng re-alignment ng pondo para sa iba’t ibang proyekto.
Sabi ni Lozada: “Alam kong natanggal ang pera sa housing project ng mga pulis at sundalo.” Ngunit ayaw niyang sabihin direkta kung yun nga talaga ang ginamit para sa NBN/ZTE na project. Basta lang nawala sa listahan ang para sa mga sundalo at pulis at sa Angat dam.
Tinanong ni Sen. Jamby Madrigal si Lozada, na kinuhang consultant ng National Economic Development Authority o NEDA, kung sino ba ang nag-aapruba ng re-alignment ng projects na ginagastusan ng utang mula sa ibang bansa, ang sagot ni Lozada, “Ang presidente.”
Siyempre deny to death naman at Malacañang at ang military. Sabi ni Saludo, kaya raw nawala sa listahan ang housing para sa pulis at sundalo, hindi dahil sa NBN/ZTE kung di masyadong mataas ang interest rate ng China.
Sabi naman ni AFP Spokesman Col. Bartolome Bacarro, nanggagaling raw sa national budget ang pera para sa pabahay ng mga sundalo.
Sinabi ni Lozada na $129 lang talaga ang kontrata para sa NBN. Ngunit kaya umabot sa $329 dahil sa mga komisyon ng kung sino-sinong malapit sa mga Arroyo katulad ni dating Comelec Chairman Benjamin Abalos na umabot sa $200 milyon.
Isipin nyo na lang kung ilang bahay yun para sa mga sundalo at pulis.
“Sabi ni Saludo, kaya raw nawala sa listahan ang housing para sa pulis at sundalo, hindi dahil sa NBN/ZTE kung di masyadong mataas ang interest rate ng China.
Sabi naman ni AFP Spokesman Col. Bartolome Bacarro, nanggagaling raw sa national budget ang pera para sa pabahay ng mga sundalo.”
Magulo yata, ang ngakngak ng grupo ni Mendoza at Neri, napakaganda nga raw ng rate ng China na 3% mas mababa pa raw sa rate ng America ngayong ilang puntos na ang ibinagsak ng US interest rate, tapos may 5-year moratorium pa. Kabaliktaran naman pala ng sinasabi ngayon ni Saludo!
Nanggagaling pala sa budget gaya ng sabi ni Bacarro, bakit wala sa listahan ng budget ni Teodoro para sa AFP at Puno para sa PNP?
Parang yung pondo ng AFP Modernization ni Angelo Reyes nung ibenta ang Fort Bonifacio: “You may not see it, but it’s there”. Nawala yung P4-Bilyong pondo na parang multo. Daig si David Copperfield.
Hindi lang pulis at sundalo ang ginagago nila. Pati kaming sibilyan pilit ninyong ginagawang tanga!
Palitan na nga yang scriptwriter, puro sablay at kontra ang sinasabi ng mga ulol!
Re: “Ang parte kasi ng P59,400,000,000 na yun ay dapat para sa housing project ng mga sundalo at pulis.”
If this can be proven, it will show the world that the Pidal family of thieves will stop at nothing to maintain their hold on the Philippines.
Kanya kanyang script kasi itong mga alipores ni GMA kung kaya huling huli ang mga pagsisinungaling.
Katulad nitong si Deputy Spokesman Golez sa pagsasabing dapat kasuhan ng Ombudsman si Lozada dahil sa pagsasabing “a kickback of $60 million as compared to $130 million is alright with him in relation to what he alleged was demanded by former Comelec chairman Benjamin Abalos in the NBN-ZTE project.
Kasama raw pala si Lozada sa mga “anomalous people and the government does not tolerate corruption”. Meknek nitong si Golez. Dito lang, klarong inamin ni Golez na mga anomalous people nga ang mga taong may pakana ng NBN fiasco na alam natin kung sino-sino. Pero bakit kay Lozada lang naka-focus ang banat at gusto siyang pakasuhan sa Ombudsman? Naisulat ko na isang thread na ultimong paper clip sa dating opisina ni Lozada, hahanapin ngayon at ihahabla siya sa pagkawala. At ito’y dahil sa katakawan nila sa $130 milyones na komisyon which Neri would asked Lozada to moderate their greed. In Tagalog, huwag namang masyadong masiba o swapang!
Aba Gloria napupuno ka ng disgrasya
Sundalong at pulis na nagtatanggol sa iyo
dinugasan mo pa.
Mike Dorobo – malapit ng mawala ang mga aso
na nagtatanggol sa iyo sa ninakaw mong palasyo
Pati sundalo at pulis ay ninanakawan ni Gloria! Bah, kumawala na kayong lahat sa inyong commander-in-thief! Ginagago na ay ninanakawan pa kayo ng shelter at dignidad!
Amazingly, takot namang mag-alsa ng mga sundalo at pulis. Ang galing kasi ng sistemang pinapairal matakot silang magutom sa pamamagitan ng hindi pagbibigay ng mga dapat na mga benepisyo at pribelihiyo nila dagdag pa ang mga kabuktuttan na nakikita nila ngayon gaya ng basta dinadampot na lang, kinukulong at kahit na walang makitang ebidensiya, dini-discharge dishonorably na walang benefits.
Tignan na lang ang nangyari doon sa walang nagawa kundi pumasok na guwardia ng kung sino tapos sila pa rin ang pinagbintangan sa kasong wala naman silang pakialam. Worse ay iyong mga kinainggitan ni Esperon at inakala niyang mga probable na kakompetensiya niya sa position niya ngayon, dahil sila may mga medalya, pinakulong niya o siniguro niyang makulong para walang sagabal.
Obvious naman sa totoo lang. Pero iyong ibang nakulong sa totoo lang ay hindi nakatiis sa mga nakita nila lalo na iyong may tunay na pagmamahal sa bayan. Kaso pati iyong nakakulong hanggang sa loob ginamitan ng kung ano para ang mga ungas magturuan at magtrayduran sa isa’t isa.
Kung ako si Senator Trillanes, et al, pihado mawawalan talaga ako ng morale, pero I doubt kung magiging katulad ako nina Maestrocampo, et al na pumayag magamit tapos ganoon din pala ang gagawin sa kanila—idisplay silang mga duwag at traydor—kundi magmamatigas din ako na itong mga hayop na nagbababoy ng AFP ay matutong kumilala ng mga karapatan ko bilang mamamayan ng Pilipinas maliban pa sa pagiging magiting na sundalo na handang mamamatay para sa bayang sinilangan ko, pero hindi para sa isang kriminal na hindi madakip sa ngayon kasi nakalokong ilagay ang mga tuta niya at ng asawa niya sa pulis, prosecutor’s office, ombudsman, korte, etc. na mga ahensiyang may karapatang ipakulong sila sa mga kasalanan nila sa bayan.
Iyan lang naman iyon sa totoo lang. Simpleng intindihan kaya lang ang batas na ipinapairal ngayon ay iyong mga utos lamang ng isang kriminal gaya noong sinasabing EO464 ng ungas. Bakit pinapayagan iyan ng mga bar association sa Pilipinas, etc. Unbelievable talaga!
Kung sabagay, ano naman ang malay ng mga katulad ni Gloria Dorobo sa tunay na pagmamahal ng bansa at pagturo ng tamang pagpapahalaga sa sarili. E dugong aso ang ungas. Lahi ng mga traydor ang ungas. Di ba lolo nga niya iyong batikang traydor sa kasaysayan ng Pilipinas?
Hindi ang mga sundalo at mga pulis ang mag-alsa sa nawalang pabahay nila dahil kontrolado sila ng mga commander nila, chain of command na naman ang pagbabasihan kaya dead on arrival na naman.
Mas mastindi kung ang mga kumander na nila ang mag-alsa at magprotesta at tiyak hindi sila pagpapaluin ng mga riot police at bumberuhin ng tubig.Ito ang basihan d’yan,halimbawa papaluin ni SPO1 ang misis ko ay ako na mismo ang bibira kay SPO1 kaya walang masasaktan dahil magkakaroon ng conflict of interest.Hindi rin sasalang sa kangaroo court martial ang kumander ni tenyenti at sarhento dahil sibilyan sila.
Kaya nasa mga kumander na ng mga sundalo iyan.Kung gusto nilang tumira sa slums ay manahimik na sila.Mag-alsa na sila kung gusto nilang tumira sa hindi tumutulong bubungan at kung suertihin pa sila ay marble o kaya’y hardwood ang sahig hindi iyung tapal-tapal ng yero ang ding-ding na parang sardinas at patutulugin maaga ang mga anak para makapaglobing-lobing.Kung may pabahay sila ay kahit tanghaling tapat,maglock ng kuarto ay ayos na ang buto-buto at pagkatapos magluto ng masarap si kumander to boost the stamina ni kapitan for second round bago ipadala sa Basilan.
To the cannon fodders, the soldiers and policemen, by now you must have already realized that man does not live by housing alone. If you are weak and slow by standards of your bosses, be relieved that at least, the government has earmarked a plot of earth for you at the libingan for free. Thats not a commission, its a legacy for your undying support.
Valdemar: the government has earmarked a plot of earth for you at the libingan for free. Thats not a commission, its a legacy for your undying support.
******
Sigurado ka ba diyan? Di ba isa pa iyan sa mga issue na nabatikos si Dorobo noon dahil gusto niyang ibenta ang ilan na lang sa natitirang lupain para sa kanilang nitso sa Libingan na mga Bayani?
Golly, palakasan pa yata ang pagpapalibing doon di tulad sa Tate na kung may record of service naman sa US military puedeng ilibing sa kahit na saang merong national cemetery for the veterans gaya ng tiyo ko at ama ko. Iyong tiyo ko nalibing sa Golden Gate National Cemetery sa Colma, CA.
Well maintained, at talagang makikita ang sentimiento ng marunong magpasalamat na bayan. Di tulad ng sa Pilipinas, pati pambahay ng mga sundalo at pulis, ninanakaw! Pati nga iyong OWWA funds ng mga OFW ninakaw sa totoo lang, pero hindi makahirit ang mga OFW. Saklap! 🙁
Ellen: Tinanong ni Sen. Jamby Madrigal si Lozada, na kinuhang consultant ng National Economic Development Authority o NEDA, kung sino ba ang nag-aapruba ng re-alignment ng projects na ginagastusan ng utang mula sa ibang bansa, ang sagot ni Lozada, “Ang presidente.”
*****
Point naiintindihan ba talaga ni Dorobo ang ginagawa niya. Baka pirma lang ng pirma ang ungas pero hindi naiintindihan ang ginagawa niya lalo na ang consequences ng ginagawa niya basta ang importante baka kurakot siya at iyong asawa niya.
Dios mahabagin, hanggang kailan po dapat magdusa ang mga pilipino?
Ilibing na lang siguro sila ng patayo para anim ang kasya sa isang hukay.Alam n’yo delikado din iyan lalo na kapag mamahalin ang kabaong,sa gabi pagkatapos ng libing binubuksan ng sepulterero ang nitso para kunin ang kabaong at ibalik uli sa punirarya,papalitan lang ng lining ay mabenta na naman uli.May kuwentong ganyan doon sa probinsya namin kaya iyung sepultero ay nakuba sa daming kuwentas na ginto.
Well, well, well! Kita ta nýo mga Tsong na Kasundaluhan pati ang para sa inyong hybol eh pinitik pa ng mga gahaman sa Malacanang.
Sige ayaw kayo kasing magsitigil sa kasusuporta sa rehimeng ito kaya sorry na lang, hybol na eh naging bato pa? Oh ano ngayon na onse kayo ng bosing nýong si commander, dapat buong sandatahang lakas eh sumugod na sa Malacanang para bawiin ang kwarta na para sa inyong hybol.
Sana eh lesson ito sa inyong lahat na ginagago lang tayo ng mga naka-upo sa gobyerno at sila ang nagpapasasa sa pera ng bayan.
Ginagamit lang ang inyong pwersa para sa kanilang kapakinabangan, oh ano kailan kayo magsisikilos?
Oh magsikilos na kayo AFP/PNP hangga’t summer season pa kasi pagdating ng rainy season eh mangababasa na naman ang inyong pamilya sa patak ng ulan na lumalagos sa bubong ng inyong mga hybol.
Nagtitiis kayo eh dapat pala mayroong nakalaang pondo para hybol na ibibigay sa inyong lahat ngayon naging bato pa.
Padir Balweg:
Kaya pala iyung kuwento ni Sulbatz na tinarget na asin ang karamihang iniulam nila at may kuwento pang kotex pantapal sa sugat,noong una ay napapatawa ako sa kanya,pero ngayon ay naniniwala na ako ng 90%.Magiging 100% na akong sasaludo sa kanya kung ikuwento niya kung papano siya maglobing-lobing sa kanyang kumander kung wala silang pabahay.
Totoo ba iyung balita na kakasuhan nila ang kumander ni Col.Querubin? Mga tungaw,talaga silang lahat at ano naman ang ikakaso nila sa kanya dahil ba sa kinatok niya ng bato ang gate,natural bato ang pangkatok sa gate na bakal.Tutunog ba kung mga daliri niya tapos malayo ang gate sa kampo.Kung naglagay sana sila ng doorbell siguro pindutin na lang ni Mrs.Querubin ang button.
Cocoy: .Alam n’yo delikado din iyan lalo na kapag mamahalin ang kabaong,sa gabi pagkatapos ng libing binubuksan ng sepulterero ang nitso para kunin ang kabaong at ibalik uli sa punirarya,papalitan lang ng lining ay mabenta na naman uli.
*****
Huwag kang magbiro, Cocoy. Nangyari iyan sa kapatid ko. Kinuwento ko sa nanay, hagulhol siya ay isinumpa tuloy ang ma kababayan niya.
Na-late kasi ako ng dating sa libing dahil mali pala ang relos ko at saka napaaga iyong tapos ng dasal sa simbahan nila ang libing ng kapatid na umuwi sa Pilipinas dahil doon daw niya gustong mamatay. Golly, nakita kong isinasara na ang puntod pero ang ataul nasa ibaba!
Sabi ko sa mga sepulterero, “Mama, nakalimutan ninyo ang patay.” Pero sinagot ako na nasa loob na iyong bangkay tapos sabay hingi ng awa, “Ma’m amin na lang po ang ataul kasi puedeng ibenta. Pamasko na lang po.” Sa totoo lang pumayag hindi dahil sa awa kundi sa takot kasi baka pa kami gawan ng masama ng kasama ko. Sinabi ko na lang lagyan ng sapin ang bangkay dahil malamig iyong semento ng nitso.
Buti na lang merong blanket sa kotse ng pinsan ko. Pumayag naman ang mga salbahe, binuksan ulit ang nitso at nilagyan namin ng sapin. Tinakot ko sila ng konti na malakas ang kaluluwa ng kuya ko at baka magalit siyang binastos ang libing niya. Hindi ko sinabing pilantropo ang kapatid na kahit iyong suot niya ipinamimigay kung kani-kanino lalo na nang Pilipinas at padala naman ng padala naman ng damit ang nanay ko.
Buti na lang di nila pinag-interesan iyong suot niyang Americana na gawa sa Saville Row sa London. Kundi baka nahubuan ang kuya ko.
Ganoon na sila ngayon kaya kung sinu-sino na lang ang ibinoboto nila kahit demonyong katulad nina Nograles, Zubiri, et al. Hindi ko in-include si Gloria Dorobo dahil hindi naman talaga iyan binoto.
Ellen,
Tama si Lozada.
NEDA is a collegial body of sorts and as a body, it recommends for the approval or disapproval of a project but the final approving authority is Malacanang. (Have dealt with NEDA in the past and boy, dealing with them is an uphill climb…)
That’s why it’s impossible for Gloria not to have known that there was a question of price discrepancy because the reports would have gone to her office unless Neri swiped the offending data which I doubt — I’m pretty sure given the personality of this shithead, much too duwag, he would have covered his tracks by including ALL the reports, i.e., including conflicting price discrepancies, in his recommendation. Knowing Gloria’s predilection for micro-managing, there’s no way that she can pretend to be innocent.
In other words, the buck stops in Malacanang — as sure as the sun rises, Gloria is guilty of corruption. End of story!
Idedemanda ng Ombudsman si Lozada for a project that he may have approved pero sino ang nag-utos. Gaga pala iyang appointee ni Gloria Dorobo. Baka magboomerang ang gagawin niya? Ngayon pang desidido si Lozada na ipagtanggol ang karapatan niyang aminin ang katotohanan? Baka lahing dugong aso din ang isang iyan a.
E di mag-file ng libel suit si Abaloslos. Bistado na siya, nagpapalusot pa rin. Kasuhan ang ungas na iyan ng election fraud, kurakot sa Comelec, etc. Maraming magtetistigo sa totoo lang. Tinatakot nga lang lalo na kung meron ding mga skeletons in the closet.
Sabi nga, “This is the beginning of the end.” Hopefully, ito na nga.
Yuko;
Totoo talaga iyang kuwento ko dahil ang mga tao sa amin mismo ang nagsasabi sa nakawan ng kabaong.Iyung sepulterero ay pinipol power nila at napatalsik.Ito pa ang isang raket doon kung ang pamilya na may ipinalibing at ibinaon lang sa hukay ay ipinagbibili uli iyong ibabaw at lalagyan ng nitso ng medyo may kaya.Ang halaga ng puwesto sa isang nitso ay P150,000 pesos pero ang sepulterero na ang gagawa ng nitso,mga 100 hollow blocks lang siguro iyun at palitada ay another P50,000 ganyan ang bayaran ng libing sa probinsya namin at pag-aari ng simbahan iyung sementeryo tapos may kontrata pang babayaran,dependi kung 5,10,20 years at kapag hindi na narenew ng pamilya ay ipagbibili nila sa iba.Kaya nga sabi ko sa iyo patayo na ang libing doon kung medyo kapos ang pamilya.Hindi biro iyan at talagang ganyan na ang nangyayari.Nakakaawa ang pamilya ng namatayan sa amin,kung minsan ay ayaw pang bendisyunan ni Padir hanggat hindi nakabayad sa simbahan.Ganyan ang kuwento nila sa akin.
Ito pang isa, balita ko rin ay nagbigay ang gobyerno ng pera sa munisipyo para sa public cemetery pero P75,000 din ang sinisingil bawat nitso.Kaya kung medyo kapos sa public cemetery pero limang taon lang doon at huhukayin na nila at ipagbili na naman sa iba.Ganyan ang raket ng namatayan sa atin kaya ibinabalsamo ng isang buwan para may kikitain sa tong ng tong-its at maparami ang abuloy.
Mas mura kung creamate na lang.
Bakit napunta tayo sa usapang patay? inumpisahan kasi ni Valdemar.Kaya nakakatakot din ang mamatay baka akala mo,pabigat sa naulila na gagastusin.Buti na lang dito at may memorial plan sa forest lawn,pero ganon din ang suma.Siguro sa bakuran na lang magpalibing at siguradong nandodon ka habang panahon.
Hindi na nila matatakot si Lozada. May last will and testament na siya, apparently, at handa na siyang humarap sa Panginoon na malinis ang konsensiya niya sa ginawa niyang pagtatapat. E si Abalos, Fatso, et al, nakakasiguro bang silang makakapunta sila sa langit? Ang dami nilang pinahihirapang mga pilipino sa kaswapangan nila sa totoo lang.
Ngayon pang alam ni Lozada na mahal siya ng mga kapatid niya at kaya nila siyang pangalagaan. Maraming nagdadasal para sa kaligtasan niya. Hindi siya dapat matakot sa totoo lang. Ngayon pa. Iyong mga duwag ngayon ang putak ng putak!
Sabi nga sa Bible, “Have not I commanded thee? Be strong and of a good courage; be not afraid, neither be thou dismayed: for the Lord thy God is with thee whithersoever thou goest.” (Josh. 1:9)
Cocoy,
Iyong kinuwento ko hindi lang hearsay. Ako mismo ang witness. Buti pa nga ako hindi ko pa sinumpa ang mga pilipino. Mother ko ayaw nang umuwi sa Pilipinas at isinumpa na ang mga kababayan niya. Dismayado siya sa naging ugaling hayop ng marami dahil daw sa hirap. Hindi iyan naiintindihan ng mother ko.
Malaki kasi ang paniniwala niya na kung tapat ang isang tao na sumunod sa Utos ng Diyos, pakikinggan siya ng Diyos at hindi pababayaan na magutom o maging miserable ang buhay. Kahit daw noong guerra, hindi sila dumanas ng ganoong kahirapan kasi mabait ang Diyos at hindi sila pinabayaan dahil sumusunod sila sa kaniya.
90 years old na sa birthday niya ang mother ko. Sabi ko sa kaniya pai-interview ko siya sa ABS-CBN at ikukuwento niya kung bakit siya napakasal sa father ko. You bet, hinawakan lang siya sa kamay—pinindot-pindot, parang nawalan na raw siya ng dangal kaya kahit hindi niya gusto ang father ko, napakasal siya. Sabi ko sa kaniya, ngayon nga nabuntis na hindi pa rin nagpapakasal gaya noong isang artistang buntis na narinig kong in-interview sa DZBB kahapon. Nandiri siya!
Ganoon sila noon, ganito na ang mga tao ngayon—kapalmuks ba?
Our soldiers make sure that the civilians can sleep well at night while they stand guard to protect us. And now they find out that Gloria has compromised them by using their housing funds for her & her family’s interests ! I can only imagine what the soldiers are thinking..is she really worth protecting ???!!?
Not one person from the God-Save-The-Pidals department can help the Pidals from collapsing. Their Tsunami is in the horizon.
To the Pidals: Good riddance !
Chabeli:
They should separate the police from the soldiers. The police are the ones that should be concerned about keeping peace and order and insure the safety of the citizens of the land. The soldiers should limit their activities to protecting the country from outside aggression.
Kahit sa Tate, pulis pa ring ang in-charge sa pangangalaga ng safety ng mga Americano. Hindi nakikialam ang mga sundalo except during national calamities at ginagamit nila iyong tinatawag nilang national guards.
Sa Japan, totally walang pakialam ang military sa peace and order namin. Kahit iyong pagsupil ng mga terrorists daw, hawak iyan ng pulis na under a Police Commission na pinapalakad ng mga taumbayan not the Ministry of Defense. Ang police agency namin likewise is an independent entity that works hand in hand with the Ministry of Justice, but not totally under it.
What is good about this is it works well in keeping Japan as one of the safest country in the world despite the crimes that happen here likewise. At least, dito 95% naso-solve ang krimen.
Bawal mambabae ang mga pulis dito. Natatanggal sa trabaho!
Nakakapagod na ang mga nangyayari sa ating bansa. Kitang-kita na, na pinatatakbo ng mafia at sindikato ang ating pamahalaan. Sunod-sunod na ang eskandalo pero bakit parang walang pagkilos ang bayan.
Kahit na ano pang eskandalo ang sumambulat kung walang pagkakaisa ang mamamayan at ang sandatahang lakas, walang mangyayari sa ating pinagsisigawan. Sa mga nakaraang pagkilos, (EDSA 1 and 2) ang Militar at Pulisya ang naging mitsa ng pagbagsak ni Marcos at Estrada. Ang nakakalungkot isipin, SARADO ANG UTAK NG KASALUKUYANG HANAY NG MGA SUNDALO AT PULISYA. Kitang-kita na ang pang-aapi sa bayan, maging sa kanilang hanay ay dama din nila ang pang-gagamit, di pa rin sila kumikilos upang ituwid ang baluktot na pamamahala ng mga ganid na sindikato.
Mga kababayan, himukin natin ang ating sandatahang lakas na pamunuan at supilin na ang masamang gawi ng iilang ganid na politiko at pamilya. Parang awa nyo na, MGA KAWAL, di kakayanin ni Jun Lozada o ng mga militante at ng mamamayang Pilipino ang pagkilos kung walang suporta mula sa inyo. Ang pagkawala ng pabahay para sa hanay ninyo ay sapat na sana upang kayo ay mamulat sa kasalukuyang kasamaan ng sindikato sa pamahalaan.
Parang awa nyo na, kumilos na po kayo mga kawal.
Kilos na po bayan, Mabuhay ang Pilipinas.
Grizzy,
You mention that “95% naso-solve ang krimen” by the Japanese police. Dapat naman talaga even here, kaso the corruption is just mind boggling-that is the root of the problem talaga, hindi lang sa police & military force, but in major institutions of the government. Kaya, enough is enough na talaga.
no one has answered my first question about Lozada’s abduction…
i was listening to Orly and Fernan yday afternoon and they were discussing the alleged kidnapping of Lozada –
according o Lozada he was kidnapped by armed men
he boarded a toyota altis(?) with his two captors up front and he was ALONE in the back seat.
sa history ng kidnapping – no one EVER leaves the victim ALONE in the back seat.
tapos sabi pa ni Lozada na traffic sila – kung saan saan – s SLEX, sa LIBIS. if he indeed was fearful for his life (and at this time celebrity status na cya) – he couldve simply opened the door, ran out and shouted / attracted attention to himself.
then sabi pa ni Lozada they ATE at OUTBACK, sosyal na mga kidnappers ito – pinapakain pa ng mamahalin yung victim….
given the above – its really strange to call it a kidnapping….
what do you guys think?
why is this important? because everybody here accepts Lozada’s statements as gospel truth.
where is the proof?
where is the solid evidence?
why do such inconsistencies as the one i pointed out above exist?
what is the reason for Lozada’s “surfacing”? Joey De Venecia’s reasons for surfacing was clear – NATALO SIYA SA BIDDING. so what’s Lozada’s excuse? and why only now?
Uroknon,
Who sane Filipino does not want this country to be great ? As it is, our OFWs are the ones helping the country economically. Those who are in the Philippines should do their share & make our OFWs proud to be Filipinos. Mr Lozada sacrificed big time for the country, its time we emulate his call & take a stand to denounce what is ugly !
It is basic. For a country to be great, its people MUST be pro-active, only then will the power be with the people & our policians will be what they should really be – public servants ! Politicians should be put in their place once & for all !
Sinabi mo pa, Chabeli. Ang shocking pa iyong nagsumbong pa madalas ang nakakasuhan sa Pilipinas, at iyong isinumbong na kriminal nagiging kaibigan pa iyong judge kaya alam mong something must be really wrong somewhere!!! Madalas iyong walang kasalanan ang nakukulong!
Over here, iyong mga may kasalanan talagang napaparusahan. Bago pa isampa ang kaso sa korte kasi, established na ang krimen, kaya iyong trial ay para alamin lang kung may pag-asang ma-reform o wala ang accused. Kung wala, bitay!
Dito pag dalawang mabigat na kasalanan ang ginawa pihado bitay o life sentence gaya ng murder with robbery. So far, wala pa namang nahahatulan ng bitay dito na pilipino. Life sentence, marami. After 15 years, ni-re-review ang kaso nila for possible parole.
Hey Happy Gilmore…
Do you think there is such thing as ‘evidence’ with the way things are happening now?.. Where a person is forcibly told to sign an affidavit, an ante-dated travel docs, etc?.. are these what you are referring to as “solid evidence”?..
C’mon man, get real…
RE: Where is the proof?
This is ONLY a simple logic Kgg. Happy Gilmore, if whoever wanted to analyze this scenario of Hon. Lozada’s abduction?
First, Gen. Atutubo was interviewed and he talked a lot of things about this matter. The PNP thru Gen. Razon and other concerned gov’t officials also takling to much about the abduction.
Now, my simple arithmitic eh ganito yon, who gave the permission to SPO4 Valeroso na siya ang sumundo kay Hon. Lozada?
Inamin ni Gen. Razon na si SPO4 eh retired Pulis patola at ang malinaw dito eh konektado siya sa DENR? Ang linaw di ba, si Atienza ang bosing ng DENR so maliwanag pa sa sikat ng araw kung sino ang utak ng pag abduct kay Hon. Lozada.
At bakit somewhere sa Laguna ito dinala, ibig sabihin parang Dacer style ang pagexecute sa pobre. Tuloy ang suspetsa ngayon eh ang tumira kay Dacer walang iba kundi ang rehimeng ito.
Kung di pa nag-ingay ang media tapos na ang lahi ni Hon. Lozada? Kita mo, ang simpleng explaination lamang ito. Wait and see sa tunay na pangyayari bukas that’s Monday sa ANC may hearing ang Senado about this matter, ok!
Happy Gilmore,
Kindly take not of the following
“tapos sabi pa ni Lozada na traffic sila – kung saan saan – s SLEX, sa LIBIS. if he indeed was fearful for his life (and at this time celebrity status na cya) – he couldve simply opened the door, ran out and shouted / attracted attention to himself.”
Answer: Have you heard of the rear child-lock mechanism installed in cars today. It is a mechanism that is design to protect children seated at the back of the car. You cannot open the rear doors unless the driver unlocks it.
__________________________
“then sabi pa ni Lozada they ATE at OUTBACK, sosyal na mga kidnappers ito – pinapakain pa ng mamahalin yung victim….”
Answer: They can afford it $130 million ang perang involved.
__________________________
“given the above – its really strange to call it a kidnapping….”
Answer: Art. 267 of the Revised Penal Code says: “Kidnapping and serious illegal detention. – Any private individual who shall kidnap or detain another, or in any other manner deprive him of his liberty, shall suffer the penalty of reclusion perpetua to death:
…4. If the person kidnapped or detained shall be a minor, except when the accused is any of the parents, female or a public officer.
ace,
mahirap gisingin ang nagtutulug-tulugan… sayang ang pagod mo…
magsasaka:
Mike Dorobo – malapit ng mawala ang mga aso
na nagtatanggol sa iyo sa ninakaw mong palasyo.
*******************************************************
Baka nga kagatin pa sya pabalik.
piping dilat,
Salamat sa malasakit mo, at least ikaw dilat at hindi nagtutulug-tulugan…
sa history ng kidnapping – no one EVER leaves the victim ALONE in the back seat.
*******************************************************
Base sa findings ko about kidnapping. They never use one car alone, its always two or more. Just in case you got car trouble or change vehicle para di mahuli. Kung iisa lang pano kung masira? or mawalan ng gasolina maglalakad silang tatlo. Imagine mo sa airport palang alam na nila kung saan nag-aabang ang mga aaresto kay Lozada. I know for sure na hindi iisa lang ang sasakyan na dala nila. Baka nga kasama pa si Atienza sa mga kumuha kay Lozada kaya madaling nakapasok si retired SPO4 Valeroso.
One reason na napapakingan nila Lozada ang mga senadong naghihintay is merong nakaopen ang cellphone or radios na nasa tabi nila.
just the same – why take the risk of Jun Lozada jumping out of the vehicle and creating a commotion?
mind you – i do not base my questions on movies alone. i have friends in the security services at Iraq – its an SOP for “prisoners” never to be left alone at the back of the vehicle for the following reasons :
a) the prisoner can easily open the door and jump out.
b) the prisoner can assault the driver / front passenger from behind, using an improvised weapon (yes, a ballpen is a weapon – it can be stuck into the neck or the ear of the front passengers)
C) the prisoner can disrupt the driver and cause the vehicle to crash – enabling him to escape.
D) the prisoner is not allowed to have any form of active communication on him as the signal can be traced. although Lozada was warned about texting, the agents never did confiscate his cel. why?
that is why it is essential to secure the prisoner in the back by having additional agents to his left and to his right to make sure the prisoner doesnt make a move.
to i pose my question again honorable bloggers:
if the intention was to kill Lozada –
why did they not bother to agents to his left and to his right in the back seat?
(mind you – seasoned police / military agents ang kumuha kay Lozada. those kind of people intent on killing him would not make this kind of oversight.)
why was he left alone in the back seat?
why entail the risk of his jumping out of the vehicle and create a commotion?
why was he allowed to keep his cel open?
according to Mr. Spock – “if you eliminate all that is impossible, whatever is left, however improbable, must be the truth”
Duh! Gilmore, sinabi na nga ni Jun Lozada that these kidnappers knew wht he was texting about at nababasa nila yun. They do not need to confiscate his cell. Actually they wanted him to have his cell para alam ng mga kidnappers kung sino at kung ano ang tinetext niya.
If you were in the car and the car is speeding in different dirrections would you jump out of the car? I doubt it Gilmore. Besides in operations like these, convoy ang mga sasakyan. Mayroon sa harap, likod at sa tabi pa!
The bottom line is his movements were restricted and he was made to sign pertinent documents absolving the Pidals. So who do you think had him abducted?
You are thinking like the little Mike Defensor. Maybe you are him. Sige lang defend the DOROBOS. Their time is coming to an end soon anyway!
Gilmore;
Ang mga tirador kapag alam nilang matapang ka at lumalaban hindi ka nila tututukan ng baril o kaya’y balisong sa lalamunan kasi baka maagaw sa kanila at sila ang matodas.Ang baril ay nakatutok sa sintido komon sa pinangalingan ng iyung mga anak kaya hindi ka na gagawa ng hakbang dahil mapahamak ang iyung pamilya.Sige nga kung napatay nila ang misis dahil sa kagaguhan,palagay mo kaya ay kakausapin pa siya ng kanyang kumander.Outside the kulambo na siya.Ang pinakaimportanting tao sa buhay ng tao una ang pinangalingan ng anak,pangalawa ang mga anak,pangatlo ang mga magulang at kapatid at higit sa lahat ang mga kontra-bida ay ang mga byenan,hipag at bayaw.
Re: C) the prisoner can disrupt the driver and cause the vehicle to crash – enabling him to escape.
What? You are watching too much Hollywood movies. Your suggestion is suicide. Lozada may not wearing seat belt or the car has no seat belts at all. Lozada wants to live and reveal ZTE scam at Senate.
Grizzy,
You’re right. Even the expansion plan area of the libingan is already expropriated by the exudos of PMAyers led by General Reyes, et al now called the AFOVAI. The other part, the PN area was already cleared out of subordinate ranks of non-Pmayers now being sold by the govt for a hefty commission, of course.
Sorry to hear of your brother’s interment. We have a stateside class memorial park near your place and none of those hooligan tales could occur. Di naman advertisement ito. See you in your next demise.
Happy Gilmore,
Malinis ang trabaho ng gobiyerno. They are careful not to soil their linen. They gave the impression to Lozada that he was in good hands upon getting out of the tube. Naturally he was given the VIP accord and seated at the backseat alone, “bodyguards” usually stay at the front. That way its easier to ren in their ward. But the contingency included to shoot him though once he smell something is fishy and jump out of the car. So while awaiting decision from topside, they went around town buying for time. When Lozada started calling for help as they monitored him, the decision was made for him to sign papers. All this he confirmed that he is now becoming a disposable. The good in him started to set in.
Kumusta po sa inyong lahat I have been watching and reading all the comments here since late last year and I also watch the philippine news.It is alarming to hear all thats happening sa aking Lupang Sinilangan…I salute MsEllen for her courage to speak and show what this fake administration of Gloria Arroyo is doing to the Filipino people…I may be thousands of miles away but my heart and soul is screaming I am a Filipino and proud of it…It saddens me that this is happening…it saddens me that alot of my co-filipinos are hardened enough not to care about what is happening…. Salamat po
tungkol naman po sa mga tanong ni happy gilmore…kaya hindi umubra yung pagdukot kay Jun Lozada eh dahil nga umalma agad ang mga kamag-anak niya at ang media.At kaya naman nagpa ikot-ikot muna sila eh hindi pa alam kung paano lulutuin ang pagkawala ni Lozada…they were still waiting for word on what to do with Mr. Lozada…
nasaan na kaya si Lintang Bedol – nayari na kaya siya ng hindi na nakapagsasalita.
Natanong din ang tungkol sa pabahay sa hearing kanina. Nagkandabuhol-buhol ang paliwanag ng mga tuta ni Dorobo. Halatang hindi alam ang isasagot.
Sa ginawa nina Razon lalong mawawalan ng tiwala at galang ang mga taumbayan sa mga sundalo at pulis. Bakit hindi pa matauhan ang mga mokong na iyan?
Kawawang bansa!
o sige nga – sino ang balak iupo kung tatanggalin through extra judicial means ang present admin?
si satur?
si teddy casino?
si NOLI?
si Villar?
si erap?
si lumbao?
si jinggoy?
si arsobispo ng maynila?
si running priest?
si captain barbell?
sino? yan ang hirap sa atin, we are trapped in thinking only for the present – and makes no plan for the future.
makakabuti ba sa atin ang extra judicial na pagpapalit ng administrasyon? what are the long term effects?