Skip to content

Truth will set us free

Ang nangyari kay Rodolfo “Jun” Noel Lozada, presidente ng Philippine Forest Corporation, na kinidnap ng mga tauhan ni Gloria Arroyo noong Martes nang siya ay dumating galing London ay dapat maging leksyon sa marami pang may alam tungkol sa mga krimen na sangkot ang pamilyang Arroyo.

Habang tinatago nyo ang inyong alam, may motibo silang takutin, pahirapan at saktan kayo at ang inyong mga mahal sa buhay. Hindi kayo magiging safe kung makipag-tulungan kayo sa kanila.

Ang inyong kaligtasan ay isawalat ang katotohan. Alalahanin nyo ang kasabihan: “Truth will set us free.”

Isipin nyo, kapag nailabas nyo na ang katotohanan, mababawasan na ang rason nila bakit pa kayo iipitin. Alam na ng madla. Kung gusto naman nila kayong paghigantian, madali silang maituro na may kagagawan dahil naibulgar na katotohanan.

Inamin kahapon ni PNP Chief Avelino Razon na hawak daw nila si Lozada na kanilang kinuha sa airport ng dumating siya galling London noong Martes.

At bakit nila dinampot si Lozada? Anong kasalanan niya? Sabi ng isang reporter, baka nag-iisip pa lang sila ng kasalanan na maari nilang maakusa kay Lozada para ma-justify ang kanilang pag-kidnap sa kanya.

Alam naman natin kung bakit nila kinidnap si Lozada. Ito ay para hindi ma-aresto ng mga Senate sergeant-at-arms na naghihintay kasama si Sen. Benigno Aquino III doon sa airport. May warrant ang Senado kay Lozada dahil sa hindi pagsipot niya noong isang linggo sa Senado sa imbestigasyon ng NBN/ZTE.

Matalik na kaibigan ni Romy Neri, dating director-general ng National Economic Development Authority (NEDA) na siyang nag-aprub ng NBN/ZTE deal na lomobo ang presyo mula $129 milyon sa $329 milyon dahil sa mga komisyon ng mga malalapit kay Gloria Arroyo. Kasama sa transaksyon si Mike Arroyo na dinuro-doro pa si Joey de Venecia, anak ni dating House Speaker Jose de Venecia, nang ito ay hindi pumayag sa garapal na deal.

Maraming alam si Lozada kaya ayaw ng Malacañang humarap siya a Senado. Kaya siya biglang pinapunta ni Environment Secretary Lito Atienza sa London noong Miyerkoles, para maka-iwas. Hindi naman siya habambuhay doon sa London at nandito ang pamilya kaya siya umuwi. Kinidnap naman siya sa airport.

Parang Ninoy Aquino ang operasyon. Kinuha siya mismo sa eroplano nina Angel Atutubo, assistant general manager for Security and Emergency Services (AGM-SES) ng Ninoy Aquino International Airportof the NAIA at SPO4 Roger Valerozo.

Tarantang-taranta ang kanyang pamilya at nakikiusap ang kanyang asawa at kapatid na ibalik na nila si Lozada. Buong gabing hawak ng mga pulis si Lozada. Huwag tayong magtaka kung may magic na affidavit na yan na pinirmahan kapag nilabas na siya.

Mahilig mag-akusa itong mga PNP ng obstruction of justice. Sa pagkidnap nila kay Lozada para hindi makaharap sa Senado na nag-iimbistiga ng kurakutan sa NBN/ZTE deal, sino ngayon ang balakid sa hustisya?

Published inNBN/ZTEWeb Links

55 Comments

  1. Brownberry Brownberry

    Simply explained and stated, if you’re a witness to a large scale scandal/corruption as large as ZTE, either you immediately speak up or live abroad permanently. Kung gusto mo pang manatili sa Pilipinas, magsalita ka agad dahil hindi ka titigilin ng mga kriminal tulad ng Pidal Mafia. The more and longer you delay telling the truth, you’re prolonging only your agony. Kung si Lozada nagsalita agad, nalaman na ng buong bayan ang katarantaduhan ng Malacanang. One should not be indecisive. Kailangan pa bang pumunta sa Hongkong o London para mag-isip kung ano ang tama? Ang tama ay ang sabihin ang katotohanan. Less than that, you’re not a man! It was reported that there were some senators who went to Hongkong to fetch him and accompany him to the Philippines.
    He refused their assistance. Ayan…dinukot pagkabalik. And if Neri is a true friend as they both claim to have a good long relationship, Neri must now come to his friend’s rescue. O baka naman Neri was part of those responsible for his abduction. Alam ni Neri iyan. Alam ni Neri kung nasaan at napaano na si Lozada. Kung ang partner niyang si TOM kaya ang dinukot, ano ang gagawin ni Neri?

  2. FLASH:
    Jun Lozada, in a press conference just ended at La Salle Greenhills, says he was made to sign a “Security Request Form” and an affidavit. He confirmed most of JDV3’s and Neri’s revelations.

  3. FLASH:
    Bro. Nuistro(?) asks media to help them convince the PNP guarding the gates of La Salle to allow people to enter the school compound. They are apparently preventing people who want to support Lozada from massing in La Salle.

  4. Whew! This is surreal.

    The Arroyos are behaving just like the Bonano mafia gang family of NY!

  5. UPDATE:
    Lozada has agreed to go with the staff of the Senate Sergeant-at-Arms who are now in Greenhills. Bro. Luistro asked media to join them in a convoy to bring Lozada to the Senate.

  6. chi chi

    My take is that Lozada prepared another ‘will and testament’ with a gun poked on his face. His most current ‘dictated’ testament centers on Abalos, utos ni Gloria at Mike!

    Gloria and Mike has no more use of Abalos, sipain na rin ‘yan gaya ng ginawa nila kay JdV.

    Kill each other already, lahat kayo ay mga sinungaling at duwag!

    ***

    Now you know why Romy Neri wets her panties all the time. Tutuluyan siya ni Mike Pidal! At least, Jun Lozada has many siblings and a wife, who from the looks of it, are ready to fight for the life of Lozada. Romy has none, except for a brother and Tom! Yes, Tom do exists!

    ***

    On and off lang muna ako, kung mahaba-haba ang recess!

  7. chi chi

    Yes, Tom does exist (nagmamadali…) Over and out.

  8. UPDATE:
    Lozada ended his speech in tears, he looked relieved afterwards.

    He also said he was threatened to be killed by Abalos. “Hayop kayo, ipapapatay ko kayo. May CD ako ng mga phone conversations ninyo nila Joey”, as he quoted Abalos saying.

    He also confirmed meeting with Abalos and FG in Makati Shangri-La where Abalos told Arroyo, “OK na, OK na kami nina Joey.”

    Lozada also said Abalos decided to go it by his lonesome and scrapped the idea of partnering with JDV3 and at the time, the project was BOT at $262M. The agreement signed by GMA in China was G2G loan at $329M.

  9. Diego K. Guerrero Diego K. Guerrero

    Utak sindikato at salbahe itong dating Comelec chief Benjamin Abalos Sr. Ang gusto niya $130 M kickbacks at may death threat pa kay Lozada kung hindi mapagbiyan. Si PNP chief General Razon ay kasabwat sa cover-up at lantarang obstruction of justice.

  10. He also mentioned something like because of Abalos insistence of his $130M commission, it might go the way of an Atong Ang-Chavit Singson fallout. He also said they were steadfast over the BOT scheme against a gov’t loan because it was ordered by GMA to Neri.

  11. So true, Manong DKG. Razon, Atutubo, and their superiors are obstructing justice.

  12. Tongue, thanks for the blow by blow.

    Just read this in Malaya: Neri’s declaration

    “”I am enjoying my freedom. Put yourself in my feet, would you enjoy all of these? I was a fugitive who is going to be arrested but what happened is a triumph of the rule of law,” said Neri at his office in Pasig city.”

    Hayop na Neri iyan — wala ng bayag, wala pang dignidad.

    Yeah, enjoy your triumph you twerp — what a worm!

  13. As I said in my blog, Joe De Venecia has pulled out his finger that plugged the hole in the dike. Will the dam come crumbling down?

  14. Diego K. Guerrero Diego K. Guerrero

    Tingnan natin kung isabit niya si Miguel Arroyo. Palagay ko fall guy si Abalos.

  15. Neri says “its unfair’ but if I were a judge in chambers and Neri issued such a comment to me including that “others” who he refused to name should be arrested also it would leave me no alternative to think that he had no balls (figuratively speaking of course) and shows his true character that is of a person who cannot be trusted to be in a government position – what a smug bastard he is

  16. Aside from that meeting in Shangri-La, he didn’t mention Big Mike in any other meeting. I guess Lozada’s participation was just limited to the technical details as he was personal consultant to Neri.

    Abalos probably is Mike’s “consuholtant” or “consulsoltant”.

  17. parasabayan parasabayan

    Tongue I was on the phone throughout the Lozada’s appearance in La Salle. I am so relieved that he is okay. As I had earlier said, magpapapirma lang ang mga DOROBO ng mga papel and they would let him go. If he were Neri, wala na tayong aasahan pang mangyari but he is a true Filipino who loves his family and his country and he has to come out and tell the truth to us. My sister said umiiyak daw siya when he was reading his own recollection of the events written in his own handwriting.
    Kung lulusot pa si DOROBO ngayon, I would say that the Philippines should really just vanish from the earth because we will just be a country who can not navigate our future. We had witnessed corruption, killings and abduction everyday from this mafia gang in Malacanang but we simply looked the other way.
    DOROBO underestimated the capacity of the de Venicias. Toungue you are right, volumes of gushing water will definitely crumble the dam! Siguro naman yung mga nanonood lang ay gigising na. Whoever has info on the anomalies of this DOROBO will have to step up to the plate.
    The question now though is “Will this simply stop at Abalos withoput going up further”? If the DOROBOS could let go of JDV who had done enormous favors for them, Abalos only cheated for them in the elections, a very miniscule task compared to what the tengang daga had done for them. The DOROBOS can always say they had no knowledge of what Abalos was doing unless of course Abalos sings. Afterall he is no longer in the government.
    SEE, WE ARE JUST STARTING TO ENJOY THE FIREWORKS! There will be more to come.
    Nakakatulog pa kaya ang mga DOROBOS?

  18. Lozada has just been turned over to Senator Cayetano who was joined by Senator Estrada.

    Yesterday Alan Cayetano said, “Kaya naman pala nada-downgrade ang NAIA ng FAA e. Imagine, pwede palang dukutin kahit sinong tao, lalo na VIP pa.” Not the exact words. But you get the drift.

  19. PSB,
    I am optimistic that this patriotic duty performed by Lozada will inspire more Lozadas, even Neris and other similar people, to take the cudgels for their countrymen, sacrifice their personal comforts, and get the moral revolution jumpstarted by that outrageous event the other night rolling, for the conversion of this dysfunctional society into one that knows right from wrong and sees to it that justice, truth, and equality reigns in the land.

    Let it be known to all that no one is above the law and when someone attempts to transgress that boundary, he shall be held accountable for it and that such accountability is unfailing and certain to come.

  20. Anna,
    Lozada’s lawyer pala is co-blogger Edwin Lacierda. I’m a fan of his blog. We now know where to get insider details.

  21. jojovelas2005 jojovelas2005

    I am very disappointed kay Gen. Razon..sabi niya nasa PNP pero di niya raw alam kung saan. He is the head of the PNP
    pero ibig sabihin ang subordinate niya di man lang sinabi sa kanya..sa bagay Razon is not the commander-in-chief it could be that the order came from the highest position.

  22. vonjovi2 vonjovi2

    Iba na ang meaning ng Phil. National Police natin ngayon.

    Ang P N P sa ngayon ay Pulis ni PIDAl or Pulis ni Pandak.

    Sa nakikita ko ay binastos ng husto ang hustisya natin at lalo na ang Senado. Garapalan na ang kanilang ginagawa. Ang kakapal ng mukha at pinapakita na talagang nagkalagayan at dinaya nila ang kontrata. Tutal daw ay taong bayan ang mag babalikat ng mga kinurakot nila eh.

  23. cocoy cocoy

    Hehehehe! Nabuldigat na sila ni Lozada.Madugo na ito dahil hinugot na ni JDV ang tampax at tuluyan ng reglahin sa sakit ng ulo ang pandak in putting themselves “above the law” and “cronyism”and not only that the Pidalism cronies are all gold medals in the Olympic of suppressing the truth and they clearly hold the record and the record will find it very difficult to pardon their bold and blatant hypocrisy. Finally it doesn’t always work out to their shoulder knots and lingering Hitler-Thetans, Always the truth will set us free.

  24. Elvira Sahara Elvira Sahara

    Ayaw ko lang pangunahan, pero, the way things are unfolding, dapat maghanda-danda na rin ang Sambayanan ng babaunin…mahabang prusisyon ang mangyayari pagnagkataon. Di bale..kung ang katumbas ay ang kalayaan natin sa mga balasubas na Buwayang Pamilya!

    “Maraming salamat, Panginoon, at sana patuloy po ninyong tulungan ang mga tumutulong sa aming APING Sambayanan!”

  25. luzviminda luzviminda

    vonjovi2,

    Obvious na naman noon pa na gangster style ang pagpapatakbo ng mga Arroyo-Pidal sa Pilipinas. Mafia ng Pinas. Si Mike Arroyo ang the ‘Godfather’. Si Gloria ang mascot. ‘Playing god’ kumbaga. Ang PNP yan ang mga tunay na mga kriminal. Di na pwedeng tawaging tagapagtanggol ng mga naapi, kundi sila mismo ang nang-aapi. PNP CRIME Syndicate na sila. kaya naman, Peligro Na Pilipinas(PNP)!

  26. atty36252 atty36252

    $ 130 Million daw ang overprice ni Abalos. Multiplied by 40, that is 5.2 Billion pesos. If he lives to be 90, that is 20 years times 365, or 7,300 days.

    This means Abalos will have to spend 712,328.77 pesos a day before that money gets used up – that is, if it does not earn interest.

    How do you say swapang to the nth power?

  27. luzviminda luzviminda

    Kailangang tulungan ng taong bayan ang mga katulad ni Lozada na handang magsabi ng totoo at itaya ang sarili. Dito dapat pumasok ang mga alagad ng simbahan na nagmamahal sa katotohanan at hindi mga nasusuhulan. Sama-sama na nga mga oposisyon. Mabigat ang kinakaharap ni Lozada ngayon. Maaring siya ang mitsa na ating hinihintay.

  28. luzviminda luzviminda

    atty36252,

    Sinisunog na ang kaluluwa ni Abalos sa impyerno! Kasam ng mga Arroyo-Pidal and the gangsters!!

  29. J. Cruz J. Cruz

    Forget about the fate of the abominable Abalos! Who cares?

    Think of his wife, his non-political kids and grandchildren growing up….

    They will ALL be haunted by his long shadow of SHAME….

    Or is it no shame.. no fear.. Move on…..?

  30. uroknon uroknon

    Kailan kaya matatauhan si Neri?

    Sayang naman kung after Mr. Lozada’s drama, wala pa rin tayong gagawin upang palayasin ang salot sa Malacanang. Hayyyy, kakapagod ng umasa kung walang patutunguhan.

    I’ll pray for your safety Mr. Lozada. God Bless you and the Filipino People. Mabuhay!

  31. MrG MrG

    Sino ang tinutokoy n’yong Tom na kasa-kasama ni Neri? Si Tomas Alcantara ba yan? If so, then that explains why Neri has lost his balls and can’t proceed to implicate Ricky Razon – as he wanted to do in his Senate testimony. Nawala na ang galit ni Neri sa mga ‘booty-capitalists’ noong makita nya na marami pala sa kanila ay kastilaloy. Hay naku, manay!!!

  32. MrG MrG

    But, on the other hand, JDV was Neri’s ticket to the cabinet. Will Neri also prove to be another ingrate?

  33. It looks like it, Mr G. He looks very contented about dodging the Senate, while Lozada is unsettled by his volunteering. Contrasting characters, diba? Mukhang hindi lang si JDV ang ilalaglag ni Neri, pati si Lozada na nasabit lang dahil sa kagaguhan niya. Pero he can still change (fingers crossed) naman.

    My advice to you guys, kung may manghuhula sa inyong magkakaanak kayong kapareho ni Neri, ipa-abort nyo kaagad!

  34. xanadu xanadu

    Hindi ko madalumat ang kaswapangang naghari kay Abalos sa paghahangad ng 5 bilyon pesoses. Hindi naman sinasabing kapus sa kasaganaan at kapangyarihan dahil sa matagal niyang paghawak ng mga katungkulan sa pamahalaan. Ano kayang uri ng kasamaan ang kumulob sa kanya o nahawa siya sa ganid at kaswapangan din ng kanyang kinikilalang Reyna at numero unong kapural sa kaswapangan na naging simbolo ng kasalukuyang panunungkulan?

  35. Jesus said to those Jews who had believed Him, “If you continue in My word, then you are truly disciples of Mine; and you will know the truth, and the truth will make you free.”(John 8:31-32)

    Point is when will Filipinos learn? Nagkaroon na ng katakot-takot na EDSA, ganoon pa rin. Worse is when Marcos, who was toppled by the first EDSA, now looks more like an angel and a saviour compared to his successors, especially Gloria Dorobo, who has become the most corrupt president of the Philippines. And Filipinos can have the guts to laugh about it? Yuck talaga!

  36. Any statement naman ngayon that Lozada gave to the kidnapping policemen should be considered null and void since it will definitely be good for the dorobo couple. Bulgar na bulgar na bakit wala pang magawa? Hindi naman sumusunod sa protocol si Gloria Dorobo bakit pa-protocol protocol pa when it comes to forcing Neri, et al to admit culpability for their crimes. Please, tama na, sobra na!

    Hindi na dapat pang tigilan ito. Tuloy-tuloy na para naman mabalik kahit na konti ang galang ng mga pilipino sa mga senador na binoto nila, at kung puede, pakibalik na iyong dating Manila’s Finest kahit iyong lang para hindi makayabang iyong mga pinaupo ni Gloria Dorobo sa military na pulis-pulisan pa.

    Sana si Mr. Lazaro, matauhan na rin na his duty is to his country and people not to Gloria Dorobo and her husband, who should be sent to jail pronto!

  37. Ooops, not Lazaro, Lozada pala!

  38. With this fiasco, the best thing that Razon can do is resign. Sa amin nga iyan, hindi iyan titigilan ng media hanggang sa magpakamatay siya. It’s a good way as a matter of fact to get rid of the scums of the world. Sayang walang ganyang kultura sa Pilipinas kaya iyong mga inutil na gaya ni Fatso Pidal matapang na tapakan ang mga pilipino sa ulo!

    Razon, et al, RESIGN! Sipain na, NOW na!

  39. Wala daw kasalanan si Gloria Dorobo, sabi niya. I bet you, nagsisigawan na naman ang dalawang bistado na like when the late Bing Rodrigo admitted hearing the two arguing on the carelessness of the Fatso that his earlier activities were exposed or about to be exposed. Kaya mabilis pa sa alas kuwatrong humanap ng panakip butas like Erap then.

    Ngayon si Neri at Abalos ang panakip butas, and even Razon for making him look an idiot doing what he did to Lazaro. Point is bakit naman pumapayag ang mga gagong ito to be used as pawns for the bigtime criminals like Gloria Dorobo and hubby, Mike Pidal, et al? Sobra na iyan. Puede ba, sipain na?! Pare-parehong ikulong iyan si Neri at Abalos. Iyong mga witnesses like Lazaro and Madriaga, et al, should by all means be given protection to encourage them to tell the truth. Magagawa iyan ng mga taumbayan kung gusto nila.

    Sayang, hindi sila member ng simbahan namin. Kundi pagdarasalan sila and maybe given refuge somewhere they will be safe like what happened to a member of our church who was shielded when he exposed the anomalies at the department he was connected during the Martial Rule. Inilipad siya sa Tate, and given asylum.

    Problema sa mga katoliko ngayon, mukhang hindi na nagbibigay ng sanctuary lalo na doon sa mga simbahang alaga ni Gloria Dorobo at binubusog sa nakaw sa kaban.

    Meanwhile, tuloy ang dasal. Mukhang tumatalab ang dasal natin ha, Rose?

  40. rose rose

    grizzy: as you said…tuloy ang dasal, let us not stop praying for Lozada and his family and for the 28 detained officers and their families..I read that the 28 officers were forcibly taken..to the trial? they were herded like animals daw according to the article..God governs his people with justice and the truth will set us free..malapit na malaglag ang mundo ni goria..somebody had asked above..nakakatulog ba kaya? God hears our prayers and He will not abandon us..Thank you Lord!

  41. hawaiianguy hawaiianguy

    Patay si Abalos, lalo madidiin ang pobre sa sandaling nagsalita si Lozada.

    At si Neri? Kala niya lusot na siya o ang bossing niya. Lantang kulangot ka din balang araw, tulad ni Joe d V.

  42. cocoy cocoy

    Pareng HG;
    Palagay ko kaya malakas ang loob ni Neri dahil siya ang beauty consultant ni Gloria.

  43. broadbandido broadbandido

    Grabe na talag sa kagarapalan ang mga hinayupak. Bakit di pa mangamatay ang mga magnanakaw na yan, kasama na pati lahat ng kamag-anak nilang nakikinabanang sa posisyon.

  44. Reflection of the sentiments of the general public is what I think of the posts by bloggers as a whole. But look what the kapalmuks claim. Mahal daw siya ng mga pilipino kaya di daw siya natatakot kay JdV! E sa mga pilipino kaya? Hindi din siya takot?

    Anyway, the die has been cast. Malapit na si Dorobo and company. Konting hasa pa ang mga pilipino. Mukhang di pa sapat kasi ang mga nararanasan nilang hirap at pasakit ngayon. Kailangan pa kasing matutoto sila ng husto.

  45. broadbandido broadbandido

    Malapit na malapit na, konting ayuda na lang at tuluyan ng tataob ang unano sa palasyo sa tabi ng mabahong ilog.

  46. happy gilmore happy gilmore

    makulit talaga itong si Cayetano. he’s the one who doesnt have the balls to go into court with his tons of evidence that will surely unseat GMA, put FG in bars forever along with Abalos et al….alam kasi ni Cayetano sa court of public opinion lang siya malakas and that most if not all the evidence he has wont even pass the rules of evidence in court…..

    wanna know what’ll come out of this?

    WALA

    pagod na ang taong magpagamit sa mga powers that be. ginamit ang masa sa edsa 1, edsa 2, edsa 3. may nangyari ba? nawala ba ang magnanakaw? hindeeee. napalitan lang ng pangalan….

    ang tao di na dapat umasa sa gubyerno para sa pagbabago.

    we only need to look to ourselves for change. ang pagbabago ay sa atin magmumula – sa ating simpleng pag sunod sa mga batas abot ng ating makakaya.

  47. Brownberry Brownberry

    Nabuwisit ang taga-media nang puntahan si Abalos sa Wac Wac to get his side of Neri’s revelation. Nang may tumawag sa kanya sa cell phone niya, galit niyang sinabi na huwag siyang istorbohin at naglalaro siya ng golf. Nagtiyaga ang mga reporters at sa huli ay nakita na din si Apalos. Galit at mataas ang boses pa rin. Ayaw magsalita at sumagot. Pinaalis pa ang mga reporters sa Wac Wac. Yes, he’s the President of Wac Wac Golf but he doesn’t own it. Kung ako ang nandoon, isusubo ko sa bunganga niya ang lahat ng golf balls tapos ihahampas ko sa mukha niya gamit ang golf driver.

  48. happy gilmore happy gilmore

    to quote BROWNBERRY

    “Kung ako ang nandoon, isusubo ko sa bunganga niya ang lahat ng golf balls tapos ihahampas ko sa mukha niya gamit ang golf driver.”

    talaga Brownberry? kaya mong gawin yun? every 4am andun si Abalos sa wac wac….alam mo namang makarating dun di ba?

    tingnan nga natin if your bite is worse than your bark….

    gawin mo bro, hwag sa blogging lang matapang….

    pag nagawa mo yan kay Abalos, saludo ako sa iyo, i will never post in this blog again.

  49. cocoy cocoy

    Happy gilmore and Brownberry;
    Huwag kayong parehong hot mga pare ko,masarap pa ang inuman ng beer sa Wack Wack clubhouse.Ganito na lang ang pareho ninyong gawin,sumakay kayo ng golf cart at sundan ninyo si Abalos sa green at sa tuwing berdie putt niya ay sabay kayong magsisigaw ng may 200 ka para mabogey.

  50. happy gilmore happy gilmore

    ei cocoy,

    nice suggestion. however – i have no interest in hounding , stuffing golf balls and hitting abalos with a driver. mahal ko pa ang buhay ko ano.

  51. Brownberry Brownberry

    appy_gilmore, hindi lang golf balls ang isusubo ko sa bibig ni Abalos, pati na dalawa mong mabahong itlog kung meroon ka man.
    Kung ano ang sinabi at paghamon ko dito, kaya kong gawin lalo na sa iyo. This is not a threat. But if you have the balls and pride yourself as a brave soldier, tell me where and when you want us to meet. I’m challenging you? Kung may bayag ka, magkita tayo!

  52. happy gilmore happy gilmore

    fortunately – may utak din ako in addition to my balls, and logic suggests that enlightening you would be a waste. hence i will ignore your posts from hereon.

    i hope may mapulot ka mang aral sa mga posts ko kahit papaano.

    none are so blind as those who refuse to see.

  53. Brownberry Brownberry

    It’s easy to ignore…ignoring the challenge is all what shit like you know. Kung ganoon, bakit puro dada ka pa dito? Wala kang iba sa mga kasama mo sa Palasyo na puro ngak-ngak at ayaw naman humarap! May mga supot palang sundalong tulad mo! Kunin mo ang baril mo at barilin ang dalawa mang maliit na bayag.

  54. happy gilmore happy gilmore

    Dear Ellen

    I believe in freedom of expression – but in this case – foul language does need to be censored – else it might tarnish your site as a forum for healthy discussions on present issues.

    i apologize for patronizing some derogatory posts – rest assured that i will not stoop to their level again.

Comments are closed, but trackbacks and pingbacks are open.