Skip to content

Akala nila tanga ang taumbayan

Extended na and serbisyo ni AFP Chief Hermogenes Esperon hanggang May 9 daw.

Sa report ng Philippine Star at ABS-CBN, sabi ni Esperon na gusto raw ni Gloria Arroyo isang taon ang kanyang extension ngunit mas maigsi ang gusto niya para naman raw hindi maantala ang promotion ng ibang opisyal.

Ganun pala, e. Hindi pala kapit- tuko itong si Esperon.. Tingnan nyo, alalang-alala siya sa promosyon ng ibang opisyal kahit na siya lamang ang maaring maglipol ng mga komunista. Wala ng iba. Kung hindi siya i-extend, masisira ang takbo ng “Bantay-Laya”, ang programa laban sa mga New People’s Army.

Sinabi sa report na kailangan raw i–extend si Esperon para ra hindi masira ang “momentum” ng Bantay Laya. Ibig sabihin noon masisira kapag si Lt. Gen. Alexander Yano ang chief of staff sa susunod na buwan kapag nag-retire na si Esperon.

Ang hindi sinasabi na nasa-isip ng lahat ay umubra ang gimik niyang kokorokoko. Di ba pinalutang niya noong isang buwean na may kudeta raw na mangyayari sa Jan. 22 kahit alam naman nilang wala talaga. Walang nanagyari kasi nga wala naman talaga.

Ngayon pinapalabas nila magaling ang kanilang intelligence. Nahuli nila ang limang Scout rangers na may tatlong kalawanging baril. Nahinto raw nila ang kudeta.

Kahit hindi binili ng taumbayan,binili nman ni Gloria Arroyo. Kaya iyan, extended nga si Esperon.

Ngunit hindi dapat sumama ang loob ni Yano dahil siya naman daw ang susunod na chief of staff. Sa Mayo raw. Kung walang panibagong kudeta at kung naubos na ang lahat na NPA.

* * *

Denepensahan ni Executive Secretary Eduardo Ermita ang napakaraming presidential assistant at adviser ni Gloria Arroyo (52!) na ibinulgar ni Civil Service Commission Chairman Karina David sa kanyang talumpati sa Makati Business Club noong isang linggo.

Sabi kasi ni David, marami sa mga adviser ni Arroyo ay hindi kwalipikado at hindi naman talaga kailangan. Example: mayroong presidential assistant on education. Mayroon naman secretary of education and maraming undersecretary at assistant secretary ng education. Maraming ngang departamento na kahit dalawa lang ang nakalagay sa batas na posisyon ng undersecretary, nag-aapoint si Arroyo ng sobra-sobra.

Sabi ni Ermita, marami raw sa mga presidential adviser na yun ay walang sweldo.

Hindi naman siguro tanga itong si Ermita na ang isang negosyante ay magsasayang ng oras ang isang negosyante sa isang posisyon na wala siyang mahihita. Magkano ba ang sweldo ng isang presidential adviser? Hindi naman yun susobra sa P30,000 isang buwan.

Ang isang negosyante, kunyari sa mining o pagmimina, bakit naman siya hindi mag-adviser ng libre. Anmg kapalit naman noon ay mga deals na bilyon-bilyon ang kikitain.

Akala nila tanga ang taumbayan. Akala nila.

Published inGeneralMilitaryWeb Links

87 Comments

  1. Brownberry Brownberry

    Matagal nang ginagawang tanga ang mga taong bayan simula nang ilegal na pumasok sa Malacanang si GMA. But unfortunately, bakit patuloy pang pinapayagan ng mga tao na gawin silang mga tanga? As they say, silence means to concur. Tahimik karamihan ang mga grupong nagpatalsik kay Erap. Do we hear from Cory’s group and now Susan’s FPJ group? Do we hear from CBCP? Do we hear from El Shaddai and INC? Do we hear from Bro. Villanueva’s JIL? Do we hear from the Hyatt 10 group? Mga tanga ba silang lahat? Tanga ba ang maraming mga Pilipino? Kayo na mga giliw kong kasama dito ang makakasagot sa tanong ko…

  2. jojovelas2005 jojovelas2005

    Siguro she has to extend dahil wala pang vacancy sa cabinet.
    She is making sure that Esperon will get a worthy position in the government…baka DILG? If she was able to appoint
    Reyes in DILG why not Esperon or secretary of defense. She needs to position Esperon kung saan Esperon can still control part of the armed forces…o kaya baka ilagay na din yan sa DOTC another experience sa intelligence network (like Berroya) kasi ngayon under Gloria I think to be secretary or under secretary kailangan may alam ka sa intelligence network at hindi ka kailangan maging isang Engineer and most of all, you must be a former military or policeman.

  3. Brownberry Brownberry

    Anong control ni Esperon at mga Generals ang AFP? All of them are just FVR’s dummies. Si FVR ang may control sa kanila kaya si FVR ang may control sa AFP. So, si FVR ang may control din ng Malacanang. Question: Who controls FVR? Maybe no one…or for those political and military observers who are keenly following foreign countries with vast interest in the Philippines, they could say Uncle Sam is the one in control of FVR.

  4. balweg balweg

    Ka BB,….till Labor rallies with combine EDSA TRES celebrations ang pagka-extend kay Gen. Esperon, bakit po? Kasi eh ma mimiss niya ang nationwide affairs na ito kung citizen Esperoniski na siya di ba.

    So, Madam GMA only curious about May Day events, kaya sa paki-usap ni citizen Tabako eh magamit pa yong expertise nýa to make batutaan sa mga magrarally that day.

    My ONLY prayers NAWA sa May Day celebration eh mag-attend sana ang buong AFP dalhin na nila yong APC, Attack helicopters (yon sanang 6 high tech attack helicopter eh pakibilisan ang order nito para present din), warships ng Navy para enjoy.

    Ano akala ng mga taga-Showbiz sila lang ang may kayang magparade sa Luneta? Ang Masang Pinoy kahit na walang pera kaya din kasi ang tropang AFP at PNP ba naman ang kasama sa pagparada sa Luneta.

    Nakapapanabik ang yugtong ito! Wait and see. A new Philippines will come and our idealist/nationalist Soldiers will be our new Hereos!!!!

  5. Brownberry Brownberry

    Oo nga pala ano, iyong May Day event. But by then, Esperon’s extended term would have expired. If we count three inches este three months from now, his term ends in April. So, si Gen. Yano na ang papalit sa kanya sa May. Who is this Yano? Anyone who has his background info?

  6. SULBATZ SULBATZ

    Ito si Esperon ungas talaga. Kung ginamit nya ba naman yung panahon nya nung 2004 sa pagsugpo ng insurgency, imbes na sa pandaraya, eh medyo bawas na ng konti ang problema ngayon.Ang problema lang kasi, duwag yan si Esperon. Di naman talaga napasabak sa gyera yan. Kung napunta man sya sa Mindanao eh tumikim lang yan at nasa malamig na lugar. Pati nga Gold Cross nya eh may daya rin. Ate Ellen, kung may pagkakataon ka, pakitanong lang po kung saan at kung papano nakuha ang medalyang Gold Cross ni Esperon.

  7. balweg balweg

    If 3mos. ang extension ni General, so Jan. 26 up to April 26, 2008 di ba!

    From Apr.26 to May 1, bali 3days lang ang pagitan nito, so ofcourse kung sa piesta pa eh mayroong libinaryo kaya exactly Mayo UNO, the MOST surprising May DAY sa kasaysayan ng Pinas dahil ika nga double celebration ng mga Mangagawang at Masang Pinoy na inapi ng EDSA II regime.

  8. balweg balweg

    Tama ba ang computation ko Ka BB, 3 days before sa bispiras ng EDSA TRESS that’s April 30 the next day Mayo UNO! ang number 3 eh GOD’s HOLY Symbol yan (The TRINITARIAN mistery!).

  9. Brownberry Brownberry

    Ang pangit naman ng tawag mo sa akin na Ka BB…parang Kabibe.
    Why not Ka BC na lang para tonong Kabise?

    If Sexperon’s term ends on April 30, then it coincides with the Mayo Uno event the following day. It’s not only symbolic; but I think his extension was planned and calculated by Malacanang. Before May and during Esperon’s term, something big might happen initiated by Malacanang. Some kind of emergency rule such as Martial Law. Sa ngayon naglalaro pa si GMA. Did you hear that she asked her supporters in the Congress to back off from ousting JDV? Is it a compromise with JDV-FVR group or a trap for something bigger to come? Every day we live is uncertainty. Simula noong 2001, puro uncertainty na lang. People are not only suffering financially and physically, but also mentally.

  10. balweg balweg

    Sige palitan natin ng Ka BnB, maganda ba ang tunog? Hoy, kung maitatanong ano ba ibig sabihin ng BnB, ang [B]i[n]i[B]ining Pinay!

    Maria Clara ang dating di ba!

    Magaling ka ba sa patintero? Eh di makipagpatintero na lang tayo sa mga taga-EK para lalo silang mag-enjoy, tutal lubos-lubusin na nila ang kaligayan kasi nga malapit na ang 2010.

    Pasasaan ba at may hangganan din ang lahat, ang KARMA at mga KALULUWA na humihingi ng hustisya ang siyang huhusga sa kanilang lahat.

    Remember, di nila dadalhin sa langit ang anomang bagay na kinurap nila sa taong-Bayan.

  11. Brownberry Brownberry

    BNB? Puwede na rin. Kung ang PNP ay Philippine National Police, ang BNB naman ay Bading Na Babae. Huwag na kaya. BNG na lang para macho. Di ba ang BNG ay Bahala Na Gang?

  12. chi chi

    Pinasasabik ni Gloria Esperon si Yano para itaas ang 2 kamay sabay ng 2 paa sa panunumpa na luluhod siya at tutuparin lahat ng ipamamanang kasalanan ni Asspweron sa kanya! Iyan ay titiyakin ni Gloria sa loob ng 3 buwang extension ng kanyang Ass! Higit pa sa aso ang training na gagawin nila kay Yano!

  13. Brownberry Brownberry

    Noong bata si Yano siguro may yaya siya no? Ay naku, nahahawa na ako kay Ka Balweg. Anyone who knows Yano? Ano ba ang background niya? So far, I have not heard of many negative things about this guy. Unfortunately, I’m sure isa na naman bata iyan nina Esperon, FVR at GMA. Over at the Comelec, there’s a report that it was the former Chairman Abalos who endorsed Melo. Naku po…parang hindi na din umalis itong si Abalos kung ganoon!

  14. chi chi

    Tama yun, bilyun-bilyon ang kapalit ng mga walang kwentang presidential advisers. Nagkakamutan sila ni Gloria!

  15. Brownberry Brownberry

    Sa dami ng alalay ni GMA sa Malacanang, puwedeng itulad ito sa Emperador ng Tsina noon na ang daming mga katulong sa Palasyo. May taga subo ng pagkain, may taga paypay, may taga masahe, may umaawit, may sumasayaw…

  16. balweg balweg

    Syiempre naman BnB ikaw na ang maging reyna ng EK! Sosyal ang dating, feeling dugong bughaw.

    Ano naman ang tawag mo sa mga MAKAPILI, dugong ______! At ano naman ang say mo sa 10,900US$ per nite sa Burj-al-Arab na planong magstay doon after Davos trip?

  17. Diego K. Guerrero Diego K. Guerrero

    Ay naku! $10,900.00 per nite sa Burj-al-Arab ang hotel ni Gloriang Tiyanak habang ang ordinaryong OFW $400.00 per month.
    Okay lang kung pera ni Jose Pidal ang winaldas e’ pero sa pera ng taumbayan galing. Iba pa ang para sa mga sangkatutak na alipores. Nakaka-high blood talaga. Baboy!

  18. balweg balweg

    Ka BnB sumakit ang mata ko trying to search kung taga-saan itong si Gen. Yano! Hay naku, sa wakas i found it sa, http://www.zoominfo.com/Search/PersonDetail.aspx?PersonID=173532873

    General Yano is a true native of Zamboanga del Norte, having been born and raised in Sindangan. Alex or Boy, as he is fondly called by friends, is the eldest of 5 children.

  19. rose rose

    DKG: $10,900.00 per night? Magkano na ba ang rate of exchange ngayon. Kaya ba bumaba para kunwari hindi masiadong magastos sa pesos..and she still has the nerve and some OFWs also have the nerve to have a meeting? why not a protest? Figures do not lie but LIARS can figure..matik matik lang…

  20. Valdemar Valdemar

    So far, its the NPAs on the warpath, always on the attack and offensive while our soldiers never knew what hit them while asleep. There is no qualified defense the military has, only political will to survive. There can be no telling if the NPAs rank ever showed attrition, no one knows where they are and who they are. They are the iceberg underwater. The tip of the iceberg seen by intelligent guess is only suspicions and nothing more. This tip provides the sole basis of the Esperon extension, so they claim.

  21. Valdemar Valdemar

    The real nemesis why Esperon is extended is the people. His quality is his shining track record and competence in the oppression of the ghost of any seeming opposition.

  22. parasabayan parasabayan

    The DOROBO filters the news disseminated internationally. A lot of the OFWs who do not have access to the internet( or even if they do, they will be so tired from work to read all the real news about the DOROBO and her EK) and can only read local papers available in Filipino establishments in foreign countries. Almost all the news about the DOROBO and her EK are all dressed up. The truth incredibly masked! I know so because I always made it a point to pick up a Filipino paper in any city or locality whenever I travelled.

  23. Delikado ang ginagawa ni Gloria Dorobo na puro mga walang delikadesang sundalong kanin ang ginagawa niyang pinuno ng mga departamento sa gobyerno ng Pilipinas. Kaya ano ang pamimintas ang ginagawa niya laban sa Burma na wala namang pinag-iba sa Pilipinas. Komo ba pinardon niya si Erap na iba naman kay Aung San Suu Kyi kahit babae ang bayaning ito ng kilusan para sa kalayaan sa Burma. Kunyari pa siya. Sukang-suka ng ang marami, ayaw pang bumaba.

    Matapang din ang apog ng mga pumapayag na magsilbi sa ilalim ng ungas dahil kung matinong tao sa palagay ko mangingilabot na madikit ang pangalan sa isang batikang kriminal gaya ni Gloria Dorobo. May araw din iyan. Hindi pa lang ngayon siguro dahil hindi pa nadadala ng husto ang mga pilipino. Kailangan pa talagang dumanas sila ng katakot-takot ng pagsubok para matoto. Saklap!

  24. PSB:

    Kaya siguro gusto nilang ipitin si Dana Batnag, para hindi siya sumulat ng talagang katotohanan tungkol kay Gloria Dorobo. Imagine kung isulat niya ang lahat at ipakalat ng Jiji Press, tignan lang natin kung may magawa iyong binayaran ng milyong dolyar para sa publicity kay Glooria Dorobo. Golly, tignan mo naman ang attempt na pabanguhinm si ungas! Wala pa nga ang mga figures kung talagang may ibinuga o wala economically noong isang taon, ang dami ng palabas.

    Bakit hindi nila tanungin kung magkano ang ninakaw ng mga Pidal noong isang taon para malaman kung may kinita nga o hindi. Simple lang naman kung tutuusin ang pagbulgar kay Dorobo. Kaya lang baka mabulgar din ang mga namana ng mga ungas sa Senado o Kongreso na nanggaling sa kaban kaya tahimik na lang sila.

    Nakikiramay ako para sa mga pilipino!

  25. Brownberry Brownberry

    Puwede ba Balweg, sabi ko nang huwag mo akong tawagin na BnB. Hindi ako Bading na Bading.

  26. Dito sa amin, matinik talaga ang mga pulis kasi hindi mga sundalo. At saka iyong mga hukom namin sa hukuman, walang political appointee kundi mga qualified public servants, pati na iyong mga hukom ng aming Supreme Court na ipanapadaan sa eleksyon ang confirmation ng kanilang pag-akyat sa Supreme Court. Dito kasi ang batas sinusunod to the letter. Walang exception to the rule. Kung meron man, base sa customary laws o tinatawag na unwritten laws na base sa kostumbre ng bansa, at saka case by case. Sa Pilipinas kasi pinapayagan pati kriminal na gumawa ng sarili niyang batas na hindi para maayos ang gusot kundi para panakot doon sa maglalakas ng loob na patalsikin siya. Abaw, hindi nga matatapos ang kabuktutan ng animal!

    Pero hanggang himutok na lang ba ang mga taumbayan at naghihintay na lang makaalis ng Pilipinas na hindi tinatapos ang mga kawalanghiyaan? Susmaryosep naman!

  27. BB: Sa dami ng alalay ni GMA sa Malacanang, puwedeng itulad ito sa Emperador ng Tsina noon na ang daming mga katulong sa Palasyo. May taga subo ng pagkain, may taga paypay, may taga masahe, may umaawit, may sumasayaw…

    *****

    Nakalimutan mo iyong tagapunas ng puwit! At least, iyong emperador, talagang royal blood. E si Gloria Dorobo, hindi naman. Apo pa nga ng isang dugong aso sa totoo lang. Remember Lazaro Macapagal?

  28. Brownberry Brownberry

    May alam ang pulis na hindi kaya gawin ng sundalo. The police is more of civilian in nature while a soldier’s reaction is to shoot and fight. That’s why there’s the so called “police instinct” na hindi nakikita sa mga sundalo. Ang sundalo may “killer instinct”. There was a time in the past when the police was under the control of the local government, the mayor. With the integration of police and military, the police has become militarized. Most of the commanders are PMA graduates who should be in the battlefield. These PMAers look down upon the PNPA graduates. Yet, those graduates of Police Academy are supposed to be the ones leading the police force.
    Kaya napapansin niyo mayayabang ang mga taga-PMA. Hindi sila magkasundo ng mga taga-PNPA.

  29. Etnad Etnad

    Sisiguruhin ni Esperon na bago siya magretiro ay maaayos na niya yang sila Gen. Miranda & Co. at Trillanes & Co. Puwedeng:
    – Sesentensiyahan niya muna sila. Kung talagang kalaban niya ang mga ito.
    – O di kaya puwedeng ang lahat na nangyari ay palabas lang ng mga Military. Puwedeng gumawa sila ng Moro-Moro. At bibigyan niya sila ng pabuya. Minsan kasi dehins kapani-paniwala ang mga nangyayari. Kuwalta lahat ang dahilan.

  30. tagairaya tagairaya

    Ka Balweg, Esperon is due to retire February 9 so you count the extension from that. So hanggang May 9 pa sya. Nandoon pa sya sa May 1. I will bet that by March palutangin na naman nya ang rumor na may binabalak na May 1 coup d’etat.

  31. Noong araw, BB, you either go to UP or PMA kung may utak ka. Dahil sa hindi naman lahat gustong maging sundalo, hindi naman lahat gustong pumunta ng PMA. Iyong gustong maging sikat na pulis, kumukuha ng kurso sa kolehiyo and then go on training sa Police Academy provided by the Manila’s Finest or NBI for example. Malinaw ang distinction maliban na lang doon sa probinsya ng iyong mga pulis ng bayan nagiging private bodyguards ng mga kurakot.

    Walang binatbat ang mga parochial schools maliban na lang siguro sa UST at saka siguro Ateneo dahil kay Jose Rizal who went to those universities. Taragis ngayon, mga meaty positions okupado ng mga Ateneans (majority) at iyong mga basura ng PMA. Yuck!

  32. BTW, Obama won in SC. I am not keen about a black president of the USA, but I like Obama. This guy has a lot many ideas on how to run a USA worthy to lead the world to freedom and real democracy sans that air of supremacy. I hope he will win the democratic nomination.

    As for the Republican, of course, I would prefer a fellow LDS to win the race. Then, we see what God has really planned for him. Hopefully, he will not forget that more than ever, if he becomes a US president, he will lead the US with his heart set to do what is right and in accordance with the Will and Commandments of God.

  33. Brownberry Brownberry

    Grizzy as you know, Obama is not pure black. He’s gray…he, he. Yes, he’s half white half black. Many die-hard blacks say he’s not black enough. That’s why he doesn’t get the solid black votes. But if and when he’s chosen as the Democrat candidate, most blacks would vote for him against any Republican candidate. The blacks have always been pro-Democrat. However, would Obama be the US President? The mainstream will make sure he doesn’t. And if he’s lucky enough to be elected as President, would he be allowed to finish his term? I personally believe America is not yet ready for a black President. That’s what worries me and many others.

  34. balweg balweg

    Yaps Ka Brownberry, buti pa i’m calling you again in your komplete a.k.a. para malakas ang dating!

    Well, dapat edemolis na rin yang PMA (Pahirap sa Mamamayan ang mga Adelintado). Stepping stone lang nila ang PMA para magsiyaman? Sino bang Heneral ang mahirap sa buhay? Buti ang mga Bayani nating sina Gens. Gregorio H. Del Pilar et. al., heroes na may “K” pa bilang isang ulirang Pinoy.

    Ang mga Generals ng AFP puro kabulastugan ang pinaggagagawa at kahihiyan sa Bayan. Walang magandang rapport at sila-sila eh nag-oonsehan. Walang loyalty sa chain of command NOT to EK and Esperoniski!

    Ang tunay na mga sundalo natin eh yong nagbubuwis ng buhay para sa bayan at di yong kurap para lang yumaman.

  35. balweg balweg

    Ka Grizzy korek ka, sikat pag IN ka sa UP o kaya PMA noon yon pero ngayon halos karamihan na nanggaling dito eh nagiging PASAWAY!

    Look, halos lahat ng mga insurektos at SSP eh galing ng UP at PMA, bakit ka mo….ganito yon, karamihan sa taga-EK eh UP & PMA graduates. Tingnan mo lalong naghihirap ang Pinas kasi mga switik at corrupt.

    Puro panggugulang kasi ang natutuhan sa schools na mga iyan, so dapat isarana ang mga iyan kasi training ground pa ng insurektos at pasaway.

  36. parasabayan parasabayan

    Balweg, not all PMAers are corrupted. General Miranda’s wife has her own little business to augment the income of the general as it barely provides for the family and he does not have palace like some of the corrupt generals. General Lim does not even have a house he can call his own or if he does, it is not a palace.

    PMA had produced a lot of decent men but lately the new breed of senior officers allowed themselves to be prostrituted by politicians. I hope that the next layer of officers after asspweron and his breed will redeem the name of PMA for future generations. Some of the few good men from the PMA are in Tanay and there are some in active duty who still have their dignity in place. Those who are “silent” may not be in Tanay but their sentiments are with those who are incarcerated and there are a lot of them, believe me! More in numbers than those who are with asspweron!

  37. Laski Laski

    Diego K. Guerrero Says: Ay naku! $10,900.00 per nite sa Burj-al-Arab ang hotel ni Gloriang Tiyanak habang ang ordinaryong OFW $400.00 per month.

    – – – – –
    Relaks ka lang DKG. Si Mike Pidal nga ay $20,000 overnite sa penthouse ng MGM sa Las Vegas noong fight night ni Pacman. What do you expect … ease come easy go, wala namang magawa and pilipino!

  38. BB: Grizzy as you know, Obama is not pure black. He’s gray…he, he. Yes, he’s half white half black.
    ******

    Mahina ang dugong puti niyan, BB. Iyong nanay niya marami ring lahi. Pero ang tatay niya purong Kenyan. Kaya mas malakas ang dugong itim niya. Maganda sa kaniya, may background siya sa Indonesia. Doon siya lumaki kaya mas malawak ang pag-iisip niya kesa doon sa mga tubong at sibol sa America. I wish him luck! May God be with him!

  39. Ganoon na ba ngahon ang reputation ng UP? Nakakalungkot naman nababoy! May batas in fact for its maintenance, etc. para hindi masira ang goals at objectives ng UP.

    Iyong president ng UP in fact was a mini-President of the Philippines. Hindi puedeng diktahan ng pangulo ng Pilipinas lalo na iyong panggulo lang. Meron reputation noon ang mga UPians na mga anti-establishment kaya walang sipsip. Pumasok man sila sa gobyerno noon on their own merits, walang palakasan! Bakit nabago iyan?

    Buti na lang pala nagkaroon ako ng credentials from other prestigious universities overseas. Hindi na pala puedeng ipagmalaki ang UP.

    Anong take mo, Tongue and Atty.

  40. rose rose

    BNG: US is not ready for a black president? But are they ready to have a woman President? Kung sabagay kung si Hillary ang mananalo si Bill will run the show…But why should only the whites have the fun?
    …kagagaling ko lang sa isang off broadway show..Ariel Dorfman’s “Widows” and the story is no different than what is going on the Phil..politics, greed, military abuses, military fights to gain promotion..while the women 36 widows in the village waiting for their missing husbands, sons, brothers..missing men held by military abuses..a new captain came along to introduce “democracy” so the village could move on..the women still waiting .. by the river..then one dead body was fished in the river, and then another, and each time the women would wait and look if it was their missing man..until all of them claimed the bodies to be her missing man and that caused all the confusion in their investigation..just like what is happening ngayon sa atin..a Filipina, Ching Valdez starred in the show..she was good..malungkot ang historia and I said to my friend (a
    friend of goria) akala mo sa atin ano? Hindi nakaimik..scene is a Latin America Village…

  41. parasabayan parasabayan

    I love Broadway plays ,Rose! I hope the fate of our Tanay Boys will not be as tragic as the play you watched! The anguish of the wives of the missing military husbands must be unbearable! At least, the only consolation our Tanay Officers’ wives have is that their men are still alive and can be visited once in a while. I heard though that the exhorbitant price of gasoline and the long drive to Tanay, make it virtually impossible to visit them regularly. For those who do not have their own vehicle, they have to transfer four to six times and by the time they reach the camp gate they have to walk all the way to detention center. Imagine the hardships and sacrifices of these wives particularly if there are children with them! All for DOROBO! Pathetic state of our men in uniform and their families!

  42. Rose,

    I know Ching Valdez. I met her in Japan long time ago. I get emails from her from time to time. I know she’s making good in Broadway. Hindi mayabang kasi tunay.

    Next time you see her performance, get to her dressing room and introduce yourself to her if you are not introduced to her yet. Sabihin mo sa kaniya, you know Yuko from Tokyo. Mabait siya and very friendly. Walang toyo sa ulo!

  43. Forgot to say, Rose, that Ching is a crusader herself. Dinadaan sa drama, and I think that is the reason why she can give a good interpretation of the message of the play she is performing. Paki-kumusta na lang sa kaniya.

  44. All Catholic dominated countries have the same problems as the Philippines especially those occupied by Spain. Sa Mexico nga akala mo nasa Pilipinas ka when you go to the villages. Pati town plaza kamukha. Ang dami din mukhang pilipino.

  45. Spy Spy

    Talks inside AFP:

    Esperon is ”recommending” Yano to succeed him. This is a scheme to make it sure that Yano will ‘behave’. But the real plan is that the incumbent PAF chief will succeed esperon and in Jan 2009, AFP J2 Calderon (gma’s relative) will be gma’s last csafp before she goes away, if she really intends to make an exit in 2010.

    Pinapaasa lang si Yano.

  46. chi chi

    I think so, too, Spy.

    Dapat mag-isip itong si Yano at hindi yango lang ng yango!

  47. Brownberry Brownberry

    Grizzy, I agree with your assessment of Obama. However, even his parents and ancestors are from Kenya, he was born and grew up in the US. Therefore, he could be just like any typical Black in America. At may pag-selfish iyan dahil may ugaling kenya-kenya (he, he). Pero tulad ng lagi kong sinasabi, ang mga itim may pagka-extreme ang ugali. Kung salbahe talagang salbahe. At kung mabait ay talagang mabait at disente. Walang “moderate” ang mga itim. Since Obama belongs to the better breed of blacks, we can say he’s okay. Again, the question is will America allow him to sit as President; and even if he gets elected, will he stay long in office? The mainstream might do something to him. Kahit na Vice-President baka hindi siya payagang umupo. The Vice is the second highest office and the mainstream won’t gamble on that. Pasensiya na kung palagi kong inuungkat itong theory…diretsa ko nang sasabihin ang “assassination theory”. Sa dami nang natepok na US Presidents noon, bakit hindi posibleng mangyari kay Obama…

  48. Greetings for Dawang, China, blogging from the 5th floor of Huatai Hotel!

    Susmaryosep! Nawala lang ako ng isang araw marami na kaagad ang balita. So extended si Esperon,hmmmm…I wonder how we’ll do with Yano replacing him?

  49. Brownberry Brownberry

    Jug, ano ang ginagawa mo diyan sa China? And where is Dawang?
    Share naman sa amin ng kaunting kuwento…

  50. chi chi

    Just saw Rambo. Loved it coz I was imagining/substituting the faces of all the corrupt and sanggano Pinas public/military officials (simula kay Gloria at kasama si Mike Pidal) with those of the enemy/bad guys’ while Rambo was on a rampage taking them out one by one or as a group!

    Paborito ko ngayon ang action films, nakakaganti ako sa mga mapang-aping pagmumukha sa EK!

  51. Brownberry Brownberry

    Are you referring to the new Rambo movie? I can’t believe that Stalleon is now over 60 years old. Dapat sa Malacanang Palace pumunta si Rambo.

  52. john_grisham john_grisham

    tama ka ate ellen, hindi tanga ang taungbayan….nagtitiis lang dahil pagdating ng 2010, gaganti tayo…. hello, jug, chi and bb

  53. Brownberry Brownberry

    Bakit pa sa 2010 ang ganti? Nakakasiguro ka bang may election sa 2010? Kung ganti lang, bakit hindi ngayon? Sorry for my question…but it’s getting too long to remove this GMA. Habang tumatagal lalong sumasama. We need Rambo to remove her!

  54. bb,

    Meron kaming bagong paper mill na iinaugurate bukas dito sa Huatai, Dawang, northeastern part of China. Special guests government officials baka kasama ang premier.

    Ellen, I sent you pictures.

  55. Brownberry Brownberry

    After that recent meeting between the Bishops and Malacanang officials, here comes the result. How many envelopes were distributed was not disclosed…

    Bishops unlikely to call for ouster

    A SENIOR prelate yesterday expressed belief the Catholic Bishops Conference of the Philippines would not call for President Arroyo’s resignation at the conclusion of their 96th biannual plenary assembly.

    “If they are aiming for that (call for resignation), I don’t think that will happen. Whether they will issue a statement or not and what statement, I really don’t know. (But) when you say a morally bankrupt administration what will you say next? Stay?” said Lingayen-Dagupan Archbishop Oscar Cruz, former CBCP president.

  56. Jug, got it. Thank you, thank you. Forwarded it to authors. I’ll post picture here later. We will have a formal launch of the book on Thursday. I will write about it later.

    “Pulutan-from the soldiers’ kitchen” is now in China!

    Courtesy of Jug.

  57. Brownberry Brownberry

    We would appreciate that if you share with the bloggers the pics being sent by Jug. Para naman hindi lumabas na kayo-kayo na lang ang nagpapalitan ng mga magagandang bagay…he, he. If there’s nothing confidential about the pics and since Jug mentioned it here, the bloggers would appreciate a little sharing. Pero kakain muna ako bago niyo i-post dahil baka mawalan ako ng apetite…he, he. Thanks.

  58. balweg balweg

    Obvious naman Ka Brownberry na palayasin sa EK si GMA, eh sila ang isa sa mga nag-upo dito. Well, i’m not convince sa mga Obispo natin dahil sila-sila eh kontra-pabor. Tuloy ang Iglesia Katolike ay disunited, at sobra ang kalayan kaya heto ang dami ng mga pasaway.

    Di ba ang salita ng Lord eh magkabila ang talim, so bakit ang daming pasaway sa mga brethren natin. Wala kasing power from heaven ang teaching ng marami nating Kaparian, dapat sila ang maging good and holy example, ang kaso ang daming insurektos within the church. Gusto lahat magtayo ng kanya-kanya pagkakakilanlan to show that they are the chosen one, have power and authority to lead the people.

  59. Brownberry Brownberry

    Biro ko lang kina Ellen at Jug nang sinabi ko na sila-sila lang ang nagpapalitan ng magagandang bagay tulad ng litrato. Baka masamain nila. Si Jug kasi nang-iinggit pa. Biro niyo babanggitin pa dito na ipapadala niya kay Ellen ang mga pics niya sa China. Dito pa sinabi kaya ako nainggit. Sana sulat na lang niya si Ellen in private. Buti na lang Ellen is willing to share the pics here because she knows we are as much interested.

    Ka Balweg, ako sa tutoo lang ay hanga din kay Bishop Cruz lalo na sa kanyang ipinaglalabang jueteng. But do you know that he was also among those who worked in the ouster of Erap? At ano na ang nangyari sa ingay niya sa jueteng? Napunta din sa wala. It’s been a long time since he gave the people some information and accounting of the jueteng operation in his areas. Ang tagal na wala pa tayong narinig sa kanya kung patuloy pa ba ang jueteng sa kanyang lugar na sinasakupan. O baka naman siya man ay tumanggap ng biyaya.
    Kaya medyo malambot na ang mga statement ngayon tungkol kay GMA. Huwag naman sana Bishop Cruz at kung magkaganoon, baka ipako ka namin sa Cruz.

  60. balweg balweg

    Masakit iyon Ka Bronwberry, ibalato mo naman sa akin na mapitik ng kaunti ang mga Honorable Bishops natin….di ba winika ni Lord na wag nating ipangangalakal ang Kanyang mga salita, why? coz’ ipinagkaloob Niya ito ng libre eh dapat libre din ibahagi sa mga tatawagin Niya to share His blessings and Love, di ba!

    Ano ang kalakaran sa ating lipunan? Si Cardinal Sin nga eh nakinabang yan sa panahon ni Apo Macoy after all…ano ang nangyari? Tapos ang lahi ni Apo Macoy at pati si Pangulong Erap.

    Di ba ang tunay na followers ni Lord eh like HIM! It says, “Be Holy for I am Holy.” We are like Christ Jesus!
    Ano ang pinaggagagawa nila sa tahanan ng Panginoon? Unity o Division! Parang Deal o No Deal, may-isa pa IN or OUT. Yaks!

  61. balweg balweg

    Kita mo Ka Brownberry, natisod ko tuloy itong si father Gregorio Aglipay…alam mo kung nabubuhay lang ang kinauukulan eh magjojoin yan sa Ellenville.

    Balit-tanaw muna, from 1900 to 1902, Catholic priest Gregorio Labayan Aglipay took up arms against American soldiers in Batac, Ilocos Norte. Aglipay founded the Liwanag branch of the Katipunan in Victoria, Tarlac, attended the Malolos Congress and became the ecclesiastical governor of Nueva Segovia (Ilocos) in 1899.

    Kita mo di lang pala sina Fathers Balweg or Frank Navarro ang nagbuwis ng buhay para sa pagbabago ng bulok na sistema ng ating lipunan.

    At ang masakit lang eh kumalas sa Simbahan si Father Aglipay at pinangunahan ang kanyang mga diboto.

  62. happy gilmore happy gilmore

    misguided analysis nanaman- as far as the report is concerned, there is no substance as to the real reasons behind the extension of Esperon’s term. panay kuro kuro na makukuha ng kahit sinuman sa kahit saang barberya. im amazed that these publications are paying for these type of “kuwentong barbero”, or “kuwentong kutsero”. kahit siguro kabayo e di maniniwala sa kalokohang ito. where is the hard proof? where is the evidence? is this reporting? haaaay.

  63. Brownberry Brownberry

    Ka Balweg, the late Cardinal Sin is resting (or repenting) in grave; and some people might not like the idea of us dwelling on his past mistakes and criticizing him. Pero kung minsan kasi hindi natin maalis na banggitin siya at i-connect sa mga suliranin natin ngayon. Kung si Marcos patuloy pa rin binabanatan, si Hitler at marami pang ibang puno ng mga bansa ang patuloy pa rin pinupuna, si Cardinal Sin pa kaya? Pasensiya na sa mga kapatid nating saradong Katoliko pero hindi natin makalimutan ang laking kasalanan ng ginawa ni Sin sa taong bayan. Nabanggit mong nakinabang din siya kay Marcos. Sinabi mo pa. Busog na busog iyan kay Imelda. Kumukulo ang dugo ko kung isipin na si Sin ang pumilit kina Cory at Davide na pumunta sa Edsa para ilagay si GMA. In fairness to GMA, I was told that GMA was first hesitant. It was through the pressure from Sin and of course FVR that she agreed. Tutoo iyan. At hindi siya nagsisi dahil ang sarap pala kung nasa kapangyarihan. Where is Sin now? I personally don’t think he’s in heaven unless he repented before he dies. At the most, siguro nasa pulgatory lang siya ngayon.

  64. Brownberry Brownberry

    Happy Gilmore, watch your mouth my friend. Discussion board ito kaya siyempre karamihan kuro-kuro. Pero hindi lang basta kuro-kuro…may laman ang sinasabi ng mga karamihan dito. Don’t belittle the intelligence of the bloggers here. Kung alam mo lang na maraming napupulot ang mga iba sa pagbasa lang nga mga posts dito. I’m not even surprised if some of the decisions like the softening of Malacanang and PNP’s position against the media was partly due to the reaction they read in this blog. Kung hindi ka happy sa mga kuro-kuro namin at binansagan mo pang kuwentong kutsero, sige sabihin mo kung ano ang iyo? Why was Esperon’s term extended? Aber…anong say mo? Happy ka na?

  65. Brownberry Brownberry

    Balweg, nagsimula ang Aglipayan Church dahil tutol sila na ang mga abuloy sa Pilipinas sa Vatican-Roma ibinibigay. Parang patong o lagay sa Vatican. Imagine, there’s even corruption when it comes to spiritual and religious needs of the people. At ang napakasakit pa…milion dolyares ang ginastos at patuloy na ginagastos ng Vatican sa pag-settle ng mga sex cases ng mga Pari abroad. Without offense sa mga kapatid nating Katoliko, ang Vatican or the Church is run like Mafia. May weekly, monthly and yearly remittances of collection of money. Mafia protects their own and so is the church. Ang mga Pari kapag may iskandalo, either hindi pinapansin, inililipat sa ibang lugar o itinatago.

  66. Brownberry Brownberry

    Siyanga pala Ka Balweg, marami daw na Pinay OFWs ang Aglipayan…mga A(u)glyPinay.

  67. balweg balweg

    Kaya pala Brownberry! Ikaw ha pang showbiz ang dating.

    Ngayon ko lang napagtanto na ang iniisip ng mga taga-EK eh low IQ ang Masang Pinoy, kasi hanggang kwentong barbero o kutsero lang ang alam natin.

    Sila kasi mga rich kahit ano matake nila, kita mo 10,900US$ per nite sa Burg-al-Arab doon lang magtsikahan.

  68. Brownberry Brownberry

    Hindi nila alam na ang mga comedians at may sense of humor ang may mataas na IQ. Mas mahirap magpatawa kesa magpaiyak. Tayo naman dito…kung minsan nagpapatawa lang kahit corny. Mahirap na puro serious na lang. Look at me, sinasakyan ko ang mga corny jokes mo. Pero halata kong tayong dalawa lang ang nagbobolahan dito…

  69. rose rose

    grizzy: While waiting for the doors of the theater to let the people in, Ching passed by and Angie who invited me and who know Ching well, introduced me. After the play we waited a while to congratulate her but since I am from JC and the theater was in 59E 59th St. NYC medio gabi na..thus umuwi na kami. She really is a good actress..I understand she is with Ma-Yi..Ma-Yi presented “The Romance of Magno Rubio” and it got good reviews. The Executive Director of Mayi is Jorge Ortoll and there are a number of young Asian artists in the group…

  70. rose rose

    grizzy: “The Widows” is about the women in a Latin America village whose men (husbands, sons, etc) were all taken by the military and their fate was not known..they were missing..and the women the oldest of whom is Sofia Fuentes, who lost a father, a husband and a son (played by Ching) refused to budge. Thus the military assigned a new captain..but the women refused to move away from their village..waiting for their men to come home. But the military could not, and will not explain to them what happened..so finally when a body was found in the river all the women claimed it to be that of their loved one and demanded that it be given to them for a decent burial it became chaotic..walang magawa si capitan..and the women made their voices loud and clear to tell their story…it is a kind of story that you make your own ending…either pinapatay ng kapitan ang entire village of women..or nagkaroon ng compassion ang capitan and he relented to the women..Ching portrayed Sofia Fuentes so excellently..

  71. rose rose

    and for me this is exactly what is happening in the Phil..politics, greed and corruption in the military…hanggang ngayon…ano ang nangyari kay Burgos? A nephew of my friend (from Caloocan) was kidnapped three months ago and until now hindi nila alam ang nangyari? hindi naman siya activista; businessman but why kidnap? hindi naman daw humingi ng ransom..grabe..

  72. rose rose

    BNG: marami sa Panay particularly Iloilo and Antique joined the cause of Aglipay..in Sibalom and San Remigio many in my family were Aglipayans..as a matter of fact sa isang lote ng tatay ng mother ko takatayo ang Aglipayan church..and of course we are now the heirs…ang sabi ko I will not claim that…it is my grandfather’s land, it is his church that stands there so let it be..respect is repect in any language..

  73. rose rose

    nabasa ko kanina that the bishops will not call for the resignation of GMA…and it is quite understandable..ang basa ko the catholic church is resigned that for as long as the envelopes are given to them..happy days reign..what money can do indeed…it seems that it can buy souls as well..bahala na sila these bishops are responsible and accoutable for their actions..in matters of faith I obey but in other matters…may conscience will tell me and the Holy Spirit will guide me..

  74. Putang INA ng mga nakaupo sa GOBYERNO, magaling silang manolekta nga TAX, lahat may TAX tapos di nila sinusunod ang sinasabi ni GLORIA ARROYO at RAUL GONZALEZ na RULE of LAW. Bakit kailangang i-extend si ESPERON? Bakit ? di ba magagawa o mahihigitan pa ng papalit sa kanya ang accoplishment niya? Kung Meron nga? Ang Pandaraya sa Eleksyon, Ang pag-dukot sa mga inosente at TAX Payer na mamamayan.
    Ang Solusyon diyan huwag mag-bayad ng TAX ng wala silang MANAKAW, puro PERA at Puro MAG-NANAKAW naman lahat yang sa MALACANANG pati CABINET members. ANG KSAKAPAL ng MUKHA at Walang mga Konsiensya. Di dapat Military COUP ang gawin…..Civilian COUP. Bagsakan sila ng BOMBA, ATOMIC BOMB kasama ang mga TONGRESSMAN sa KONGRESSO para maubos na ang mga walanghiya at mag-sitino tulad ng ginawa ng kano sa hapon kaya ngayon ay matino ang bansang hapon. Yan ang dapat gawin sa MALACANANG at KONGRESSO, kasama si TABAKO na HUSTLER at MAG-NANAKAW…..

  75. Correction, BB, Obama had his elementary school education in Indonesia as clarified in his home page.

    Senator Obama was raised in a secular household in Indonesia by his stepfather and mother. Obama’s stepfather worked for a U.S. oil company, and sent his stepson to two years of Catholic school, as well as two years of public school. As Obama described it, “Without the money to go to the international school that most expatriate children attended, I went to local Indonesian schools and ran the streets with the children of farmers, servants, tailors, and clerks.”

    His expat experience in Indonesia surely is a plus to his credentials.

    For more on Obama, here’s the link-
    obama.senate.gov/press/070123-debunked_insigh/index.php

  76. Brownberry Brownberry

    Mas updated ka pala kay Obama, grizzy. If he was educated in Indonesia, he might be more sympathetic to Asians like us. The trend shows Obama is winning the Democrat election. Kung siya man, okay na din sa akin. We look forward to a Obama-Osama fight in Afghanistan. Seriously, I wonder what Obama’s solution is to the Mid-East crisis including the Al Qaeda.

  77. Frankly, BB, I saw Obama in Oakland when I was there last summer. Nakiusyoso ako. Magaling magsalita, at saka mukhang mabait. Mapagkumbaba ang dating di gaya ni Gloria Dorobo na puro hangin ang ulo kundi pa natin kilala ang pinaggalingan! Ayoko din si Hillary Clinton kasi sobra ang pagka-ambisyosa halata namang vested interest din. Walang binatbat kay Maggie Thatcher of UK na chemist by profession and a fellow Oxford U Society member.

    Babae ako pero ayoko ng babaing head of state lalo na kung may asawang burot gaya ni Fatso Pidal. OK lang kung katulad siguro ni Queen Elizabeth I who never married. Walang tarantadong magdidikta!

  78. Sinabi mo pa, Rose. Kung talagang nasa sa Diyos ang puso ng mga bishop na katoliko sa Pilipinas, I doubt kung tatanggapin nila ang abuloy ng kampon ni Satanas no matter what. Golly, tinatanggap iyong suhol kahit na alam na pera ng bayan iyon at mas magandang gamitin para sa mga nangangailangang mangmang sa Pilipinas na pinapanatiling walang alam para hindi sila kalabanin! Saklap! Dapat naghahanapbuhay na lang ang mga iyan at hindi umaasa sa abuloy ng mga kurakot.

  79. kevrhimar kevrhimar

    “Tanga ba ang maraming mga Pilipino? Kayo na mga giliw kong kasama dito ang makakasagot sa tanong ko…”

    Ka BC ayaw ko sagotin tanong mo.. magtatanong na lang uli ako.. bakit andyan pa rin sa malaKanyang si pandak?

  80. rose rose

    grizzy: thanks for the update on Obama..maraming nagsasabi na ayaw nila kay Obama dahil he is black! ang sagot ko diyan “why should only the white guys have the fun?” Color does not make a good president! Si Bush..puti hindi ba? Obama seems to be a decent guy..yong mga maiingay gaya nila Rev. Sharpton, Jesse Jackson..they have been quiet lately.
    Sayang nga at Colin Powell did not consider the idea..and to the fact that he is Muslim..bakit ang mga Christiano lang ba ang mabubuting tao? And then ang sabi..he has no experience in foreign policy,,the fact that he lived and studied in Indonesia in his early years, he certainly have a better understanding of how it is to live in other countries…experience is the best teacher..ang sabi nga..he probably has a better understanding of the problems of the Muslims, being that he is a Muslim..and the fact that he also studied in a Christian school (catholic in fact, a Jesuit school perhaps) he would have a better understanding of the problems of the two religions..and thus would have a better dialogue with them..than Bush, Clinton combined.US is the great land of opportunities.this could be an opportunity for a better US..Incidentally, I am not a democrat..but I do vote independently and keep an open mind…

  81. Valdemar Valdemar

    I do have that same feeling, David. Been toying with those alternatives and those are great, enough to kill Gloryath. Where do we find a good shot? I see not even one from the opposition yet or their supporters.

  82. Rose,

    Ang hirap kasi sa karamihang mga kristyano nakalimutan na offshoot din ang Islam ng religion ni Abraham. Buti nga sila kinikilala nila si Hesukristo na propeta. Ang mga kristyano mo akala mo kung sinong binabastos iyong propeta nilang si Mohammed na kung babasahin mo naman ang banal na sulat ay may mas sapat na paggalang sa utos at mga salita ng Panginoon. Naging violent na lang yata sila dahil sa pang-aaping inabot nila doon sa mga superstitious na mga ipokritong Kristyano daw.

    Marami akong kaibigang Moslem. Mababait naman. Mas nakakapag-usap pa nga ako ng tungkol sa religion na hindi nakikipag-away kesa doon sa mga mayayabang na sarado ang isip na mga katoliko. Masayang talakayan sa totoo lang lalo na kapag napipilitan akong magsaliksik ng Biblia, etc. sa pagtatanggol ng pananampalataya ko sa ating Tagapagligtas. Marami akong natututunan.

  83. Brownberry Brownberry

    Saan ba iyong Oakland? “Tanga ba ang maraming…” Sorry medyo matindi ang statement ko na parang sinasabi kong mga tanga tayo. Kasi ba naman wala na akong narinig maliban sa pasensiya at kung ano pang dahilan samantalang bawa’t oras at araw na nasa kapangyarihan ang mga iyan lalong nagdurusa ang mga Pinoy. I’m deeply disappointed to see that the groups that first made a lot of noise are now as meek as lamb. Nasaan ang Civil Society, Hyatt 10, Cory’g group, CBCP, JIL? As of now, the groups that continue to make their presence felt are the militant groups. Ang mga militante naman kahit sinong pangulo maiingay iyan. What they’re fighting for is not actually change or better life for the Filipinos but their own ideology. Kaya para sa akin, walang impact iyan mga militante.

  84. chi chi

    David, sana nga, ubos na ang aking patience.

    BB, I have to agree with you “Ang mga militante naman kahit sinong pangulo maiingay iyan.” Hindi lang sila nag-iingay kung ang isyu ay sina Trillanes, Gen. Lim and other Men of Honors!

  85. Brownberry Brownberry

    Chi, I’m with the militants in their advocacy for change. But, we don’t change just for the sake of changing something such as ideology. Kahit na mahusay na lider at pangulo sa kanila, ayaw din kasi ang gusto nila kung ano ang ipinaglalaban nila. Remember it was the militant groups that also ousted Erap. And after Erap’s pardon, ang mga militante ang isa sa mga naunang nagreklamo. Kahit na isang Santo ang ilagay para Pangulo, pababagsakin din ng mga militante at kaliwa. Sa sinabi mong tahimik lang sila kina Trillanes…well, nakikisakay lang kasi ang militant groups. These leftists hate the soldiers. And I should say the soldiers don’t trust the leftists too. Tactical alliance lang iyan para pabagsakin si GMA na sang-ayon naman tayo. Kahit anong grupo ay welcome basta mawala lang itong babae!

  86. Mrivera Mrivera

    dapat, bago inekstend ang termino ni esPWEron ay na audit at nai-clear muna ang lahat ng pondo ng AFP. kung saan ito ginamit at magkano pa ang natitira para sa mga dapat paglaanan.

Comments are closed, but trackbacks and pingbacks are open.