Skip to content

Ilabas ang video tape

Mukha talagang kasinungalingan ang sinasabi ng Philippine National Police na may video tape sila na pruweba raw na tinulungan ng isang babaeng reporter si Capt. Nicanor Faeldon tumakas,

Mukhang namimingwit lang ang mga pulis at ang nakakalungkot nito ang ibang miyembro ng media ay kumagat at sa gusto lang magka-scoop kahit mali, tinutulungan ang mga pulis na ikakalat sa madla ang kasinungalingan.

Dapat ang media, hamunin si Justice Secretary Raul Gonzalez at si PNP Chief Avelino Razon na ilabas ang viedo tape na yun, kung meron talaga. Kung wala naman, pwede ba tigilin na itong pagsasabog nila ng lagim.

Sinabi sa akin ng isang source ko sa military na ang tape na hawak ng PNP ay walang pinapakita na may reporter na tumulong kay Faeldon tumakas. Naniniwala ako dito kasi mismo si Col. Nicanor Bartolome, spokesman ng PNP, nagsabi na ang kanilang hawak na video taqpe ay nagpapakita kay “Faeldon kausap ang isang lady reporter at mukhang may inaabot.”

Yun lang tapos namiyesta na sila sa pag-akusa ng media na tumulong raw sa pagtakas ni Faeldon. Ano ang masama para sa isang reporter na kausapin ang isang sundalo na kasama walkout sa hearing ng Makati Regional Trial Court na nangyari noong Nov. 29.

“Mukhang may inaabot”. Hindi pala sila sigurado kung ano ang inaabot, bakit sinasabi nilang media ID ang binigay. Anong malay mo kung calling card ang ibinigay. Ang media talagang namimigay ng calling card para kapag may balita, gusto sila ang unang tatawagan.

Sinabi ni Razon na saka na lang daw nila ilabas ang video tape kapag nahuli na si Faeldon. Si Gonzalez naman , tinatawagan ang reporter na lumabas na at magpaliwanag.

Ano ba ito? Tinulungan ba talaga ng reporter si Faeldon makatakas? Walang pruweba na pinapakita ang PNP ngunit kung saan-saan na napunta ang kwento, kung sino-sino na ang idinawit.

Unan, kami dalawa ni Ces Drilon ang ipinalutang. Nang sinemplang naming sila, umatras at sianbing hindi raw kami. Nang nagsalita ako sa DZMM noong Biyernes, sabi ni Razon, “bakit siya ngak-ngak hindi naman siya pinangalanan.”

‘Yan nga ang mahirap kasi panay pailalim at patalikod ang laro. Ang opisyal nilang pahayag ay babaeng reporter lang. Ngunit “no attribution” o huwag sabihin na sinabi nila, magbibigay sila ng clue. Porke’t latter “T” at Visayan accent. Singungaling sila.

Ito ay paninira sa media. Gusto nila sirain and media dahil ito ang balakid sa kanilang pagyurak ng batas bilang suporta nila kay Gloria Arroyo na ngayon ay desperada sa kanyang patuloy na pagkapit sa kanyang inagaw at ninakaw na kapangyarihan.

Published inMediaNov. 29 incidentWeb Links

27 Comments

  1. As one who has worked for the more competent and credible Japanese police, Ellen, I cannot help feeling contempt and scorn for these idiots playing pulis-pulisan in the Philippines. Hindi pa nga amateurish. Puro kalokohan lang!

  2. As I have stated in another loop, I have seen a lot of the video clips taken of the Manila Pen standoff that I translated into Japanese for the news breaks on TV here. I remember the attempt of one GMA7 reporter to interview General Lim. Sa dami ng nagsasalita at sa ingay ng mga nandoon, halos hindi nga marinig ang tanong ng interviewer.

    Now, with all the kapalpakan, dapat sinisibak iyan mga incompetent na tuta ni Dorobo na mukhang sinasadyang mga incompetent ang mga appointees niya para nga namang lumabas na siya lang talaga ang magaling, pero sabi nga, kung magaling siya, wala nang mahusay! Stupid!

  3. Yuko, clarification on the so-called GMA-7 interview of Trillanes and Lim

    GMA-7 had no reporter in Rizal room at the Peninsula at the last few hours of the seige becasue they decided to pull out. Realizing that they were being scooped by ABS-CBN because Ces Drilon decided to stay, they called up Charmaine Deogracias of NHK TV to interview Sen. Trillanes and Gen. Lim by phone and beam it to them live . Trillanes and Lim declined saying their statement said on ABS-CBN was the last on that event.

  4. The interviewer I saw Ellen was the one sitting beside you on the bus after the arrest of the journalists like you. I remembered her name as one of those reporters on DZBB some years back and I thought she must be connected still with GMA7.

    She was actually trying to get a statement from Gen. Lim before they were whisked off. Ang gulo-gulo and I could not actually get what she was saying that I had to keep on rewinding the clip and increase the volume of my earphones because I needed to translate everything said there and then.

  5. I did not actually see you there in that hotel corridor where the said interviewer tried to get a statement from Lim and Trillanes. I saw you in later video clips, though.

  6. Oh, that’s a different situation. The reporter is Sandra Aguinaldo. She is still with GMA-7.

  7. You bet, these creeps are fishing for information even from this blog, I guess. Akala siguro may pipiyak dito.

    Funny how they now pinpoint a special correspondent of a Japanese agency. I hope it is not because of something I posted here yesterday where I said that even if the rumor that Faeldon did have a journalist girlfriend was true, I doubt the girlfriend would dare reveal herself.

    Baka mapahiya sila. Jiji Press for the information of the idiots in the PNP/AFP is no monkey agency. It is well estabished and big. Malaking company iyan at hindi pipitsugin.

  8. Iyong press conference where Gen. Lim read his statement, malinaw, and that was before those soldiers rammed the hotel with a military tank, at nagpagulong-gulong na akala mo mga Rambo. Hindi ko nga malaman kung matatawa ako o maiiyak when I watched those video clips. Pati nga iyong mga kasama kong mga hapon, napapakamot ng ulo lalo na nang malaman halos lahat ng nasa loob na kasama nina Trillanes mga taga-media.

    Kaaaaapaaal talaga!

  9. Valdemar Valdemar

    The video speaks a thousand words but in the hands of the police and Raul, its all lies.

  10. Valdemar Valdemar

    Like Bush’s nearly thousand lies.

  11. balweg balweg

    May phobia na ang sambayanang Pinoy sa ka kenkoyan ng rehimeng ito, heto na naman po ang another story “Ilabas ang Video tape”!

    Hirit muna ko, pwedeng pang showbiz ito…”ILABAS ang VIDEO TAPE the Movie!

    Wala na bang katapusan ang palpak nilang mga gimmick? Si Bunye nga eh lumabas na tanga noong hello Garci tape, ngayon naman itong si Gen. Razon at Mr. Gonzales eh garapal na mga tangengok.

    Kung sinu-sino ang pinagdidiskitahan at binibitin pa ang Masa sa gusto nilang mangyari, parang gustong magmakaawa sa taong-bayan upang makakuha ng simpatya na mali ang ginawa ng mga taga-media sa PEN standoff na ito.

    Ano sila sinuswerte, bokya na ang kanilang laus na gimmick. Pwede pa si Tarzan na lang ang kanilang kayang lokohin, ang siste eh high tech na pa ang pobre kasi may broadband na yong hibol nýa at naka touch cell phone na.

  12. FYI I hope and pray that there will be more and more people to fight this evil regime.

    —–Original Message—–
    Sent: Thursday, January 24, 2008 12:45 AM
    Subject: Photos/Text: Teachers picket Arroyo visit to public schoool, issue resign call

    Members of the Alliance of Concerned Teachers (ACT)staged a picket last January 13 at the Quezon City Science High School where Mrs. Arroyo held a consultation meeting with DepEd officials, school administrators and personnel.

    Please visit:

    http://www.arkibongbayan.org

    Arikbong Bayan Web Team

  13. Brownberry Brownberry

    Ano kaya kung ang sabihin ng mga ulol na iyang taga-PNP: “Ilalabas namin ang tape kung ilalabas niyo din si Faeldon”. Any one who wants to respond to that? Anyway, walang halong biro…wala silang mailalabas dahil wala. Kung meroon man, peke at gawa-gawa lang. Siguro nagsho-shooting pa sila ng mga eksena at ang kanilang Director si Lupita Cashiwara. Watch for the premier night na lang…

  14. Brownberry Brownberry

    Ka Balweg, ano kaya nagkamali sila ng labas…imbes na ang Manila Pen tape, magkamali sila iyong tunay na Garci tape ang inilabas. Ikaw paktay bata…Waka nga!

  15. balweg balweg

    Ka BB: Magdilang anghel ka sana! Napanood ko sa TV patrol today about this video tape issue? Napahagikgik ako ng tawa, akalain mo ba naman eh ang ipinakita ng RPN9 eh yong kuha sa loob ng PEN, yaks!

    Sinabi nang mayroong pakawala ng enchanted kingdom sa hanay ng mga taga-media, kita mo pumiyok na ang RPN9. Ipinagmamagaling tuloy ngayon na si Dana ang nagpaeskapo kay Kapitang Faeldon.

    Bakit di nila tanungin si Barias, ang duda ko eh yan ang nagpatakas kay Kapitan? Tutal magaling silang sa tsismis eh dapat tayo rin eh kumabig naman, sila lang… di fair di ba!

  16. balweg balweg

    RE: FYI I hope and pray that there will be more and more people to fight this evil regime.

    Ka Grizzy, medyo mabigat ang laban kasi nga eh karamihan ng mga Bishops natin eh sumusuporta pa sa enchanted kingdom. Majority ng Bishops from Mindanao and Visayas eh pro-GMA, kita mo iilan lang ang kritikal kay GMA.

    Ang Prince of the RCC eh dedma lang sa mga kasalanan ni GMA and cohorts. Paano na yan, dumirekta na lang tayo kay Lord at isumbong natin ang lahat ng kanilang mga pagpapahirap sa taong-Bayan.

  17. Brownberry Brownberry

    Prince of RCC? Ang kaya lang nila uminom ng RC Cola. Kung iyong pinuno sa Vatican na ang Papa sinusuway, sino pa kaya tayo lang na tao lamang? This time, they received not white envelopes but red envelopes. Chinese New Year and Valentine’s Day are coming…both in big color RED.

  18. Brownberry Brownberry

    Tutal ang mainit na usapan ngayon ilabas ang tape at ebidensiya, ang hamon natin sa Malacanang eh ilabas na nila si Bedol, Garci, Jocjoc at marami pang ibang magnanakaw.

  19. balweg balweg

    Ka BB okey ang hamon mo, it’s a deal!

    Para patas ang laban eh ikulong muna lahat ang mga identified corrupt politicos and gov’t officials, isama na rin ang mga PNP/AFP hello garci boyz. Dapat unahin si Jose Pidal!

    For sure, kusang susuko si Kapitang Faeldon…maginoo yan at may prinsipyo sa buhay! Bakit kamo, eh kasalanan ba ang magwithdraw ng support sa kurap na enchanted kingdom.

    Pag-ayaw dapat igalang natin ang karapatan ng bawat isang kinauukulan.

  20. balweg balweg

    Ka BB: napanood mo na ba ang preview ng Video Tape the Movie!

  21. Brownberry Brownberry

    Balweg, hindi ko pa napanood iyang “Movie”. Ang napanood ko lang “The Film”.

  22. ipaglaban_mo ipaglaban_mo

    Okay si Kapitan Faeldon talaga, super bait yan. Kahit nakakulong yan noon, very involve pa rin yan sa pagpromote ng mga civil programs para makatulong sa mga needy. Hindi tulad ng mga kampon ng kadiliman ni Gloria na sariling bulsa lang ang iniisip, walang pakialam sa masang Pilipino.

  23. Kasinungalingan talaga, Ellen. Buti na lang kumambiyo na. Yung mga gagong reporter na nagpadala, pati yung mga naniwala sa kanila, mukha ngayong tanga. Kulang kasi sa isip, dakdak ng dakdak.

    Pinainan ng letter “T” at Visayan accent, obvious na ikaw ang target diba, meron pa bang iba? Pero ang siste ayaw nilang sa kanila manggaling, pag-aawayin lang kayo ng colleagues mo. Hindi naman kayo makabuwelta ng demanda dahil hindi nga nila pnangalanan.

    Hindi ko alam kung kulot nga si Dana Batnag o kung may Visayan accent siya, pero nasaan ang letter “T”? Kasinungalingan lang talaga!

  24. atty36252 atty36252

    Letter “T” din yung nag-insinuate – tanga na, tiklo pa.

    Kulot din – kulot ang logic, paikot-ikot.

  25. BB: “Ilalabas namin ang tape kung ilalabas niyo din si Faeldon”. Any one who wants to respond to that?

    *****

    Bakit ka pa nagtatanong e alam mo namang walang blogger dito na alam kung saan si Faeldon. For some reason, I have this fear that they are hiding Faeldon after torturing him. Baka kasama na siya nina Jonas Burgos et al. Heaven forbid!

  26. TT:

    Baka akala makakalulsot sila kasi iyong nagkakastila ang pronunciation ng pangalan ni Dana ay “Tana” dahil maikli daw ang dila. Kaso mo baka gawin ngayong “Tabnag ang apelyido ni Dana para maging believable sila. Kung hindi iyan nakakaloko, ano iyan?

  27. Brownberry Brownberry

    Grizzy, literal naman ang basa mo sa post ko. Alam ko naman walang may alam kung nasaan si Faeldon. Medyo kaunting pahaging na biro lang iyon na tirada ko sa PNP at Gunggongzales. Na baka hamunin nila tayo na “Ilalabas ang tape kung ilalabas si Faeldon”. I just wanted to point out that they have no tape to show and present. I’m not blessed with a good writing skill like you and the rest; so kung minsan nami-misinterpret and mga sulat ko. But I’m learning…

Comments are closed, but trackbacks and pingbacks are open.