Update on coup plot, click here for Victor Reyes’ story
As I’m writing this column, it was announced by the Department of Justice that former Scout Ranger Sgt. Orlando Valencia has been ordered released after their initial investigation showed “no probable cause” for charges filed against him by the PNP Criminal Intelligence and Detection Group.
Valencia, together with three other former Scout Rangers Corporals Ramon Perania, Walter Francisco, and Redantel Mara-nan and a civilian driver Kim Agas were arrested Tuesday afternoon by elements of ISAFP (Intelligence Service of the Armed Forces of the Philippines) for allegedly plotting a coup.
An active Scout Ranger, Sgt. Jaime Dumagpi, has also been reportedly arrested in connection with the coup plot that Esperon and other officials of Arroyo have been selling to the public.
The reason for DOJ’s dismissal of charges against Valencia is good comedy stuff. The ISAFP presented only three firearms (one AK-47 and two M16s). Since the charge was “illegal possession of firearms”, how can five people possess three firearms?
At last Wednesday’s start of the preliminary investigation, Trixie Angeles, lawyer of the six, pointed out there is no such thing as “constructive possession of illegal firearms.”. A person has to personally possess an illegal firearm to be guilty of illegal possession of one.
Since there were only three firearms, why were five persons being accused? The CIDG said two persons were holding one firearm.
The CIDG story has spawned jokes among reporters. One joke is that the reason there were only three firearms (and rusty ones at that, as pointed out by Atty. Angeles) was those were the only ones the ISAFP found in their office when they were ordered to arrest the former Scout Rangers.
The DOJ is correct in disbelieving the ISAFP and CIDG’s story that two former soldiers, both members of an elite unit, were holding one firearm. It’s laughable. Ano yan, pinagtuwangan?
In the DOJ’s order to drop charges against the two, both names were Valencia’s. Ay naku! They need a better scriptwriter.
***
Seven years ago, at around this time, anti-Estrada forces coming mostly from the middle class, were holding rallies at the Edsa Shrine calling for the ouster of Estrada.
Gloria Arroyo, who was then vice president had just arrived from Rome from where she had sent her letter of resignation from the Estrada cabinet (she was social welfare and development secretary) after much prodding from her advisers led by her lawyers and political advisers led by now Supreme Court Justice Antonio Carpio and former Defense Secretary Avelino Cruz.
Two days earlier, Jan. 16, the prosecution panel in the impeachment trial of Estrada walked out when they didn’t get the vote to open the second envelope that contained the record of Jose Velarde’s bank account.
While members of “civil society” were calling on people to come to Edsa Shrine, Arroyo was nearby at the Linden Suites on San Miguel Avenue, directing the ouster of the duly elected president. It was a culmination of an ouster plot that had started more than a year earlier.
They needed the warm bodies at the Edsa Shrine while Arroyo, together with former Fidel Ramos, worked on then AFP chief of staff Angelo Reyes to defect. Eventually, on Jan. 20, they got Reyes and as the cliché goes, the rest is history.
Today, third week of January, instead of celebrating “people power” that enabled her to grab the presidency, Arroyo and her minions are warning of arrests and another coup plot.
The law of karma is catching up with her.
The beauty of Arroyo’s karma is that it is being used against her by her very own people for their own selfish ends. AFP chief of staff Hermogenes Esperon needs coup rumors badly to justify the much-desired extension of his services. And it looks like it’s working for him.
Lest no one forget, Gloria and her husband were the first violators of the Constitution, the people who crapped on the people’s right to bring the impeachment trial of Erap to a legal conclusion.
Allow me to give Esperon the extesion he seeks. I’l gladly give him an extension cord to hang himself with.
Mukha naman talagang planted lang ang mga baril na nakuha sa mga ex-soldiers eh. Nakakatawa, pwede palang mag-coup na 3 armas lang. “The CIDG said two persons were holding one firearm.” Hahaha! Nakakatawa talaga ang script nila, pang- Bubble Gang episode!
Tanong: Operational ba iyong planted na baril? Talagang gustong isabit sa coup script ang grupong maka-kaliwa. Baka ibig nilang sabihin ang AK-47 assault rifle ay galing kay Ka Roger ng CPP-NPA. Ha!ha!ha!ha! Bulok ang style ninyo.
This government is so fond of shooting themselves in the foot, don’t they?
One’s got to invent them if they didn’t exist…
Yes, this government has credibility issue. Most of the time Gloria’s loyal attack dogs have conflicting statements. They have no coordination at all. Kaya buking agad.
Tiyak na milyon na naman ang ginastos ng ISAFP sa pagkaka-arresto ng 5 scout Rangers…May kumita na naman…ang galing !
I resolved to refrain commenting here and settled myself reading ellen’s updates and reading comments.
On EDSA II — I agree with gloria that “it was the most powerful answer of the weak to the corruption of the powerful.” Indeed, she understood the core message of the event but right there and then, she is forever haunted by its message. Like Marcos, she managed to buy the highest ranking brass of the military to safeguard her volatile presidency.
On the script: The top brass who received the “gift” of the president badly need justifications of the ghostly coup plot. How could you trace the footprints of an imagined ghost?
Palpak, palpak, palpak si Asspweron!
Tatlong baril, 5 tao ang magku-coup, wala pang lider!
Bow ka na Asspweron, palakpakan!
Alis d’yan, Gloria, sabay ka na kay Ass!
Pinapayagan ng isang PhD ang kahihiyang ito, sadyang walang magawa sa mga kumukontrol sa kanya! What shame!!!
“The beauty of Arroyo’s karma is that it is being used against her by her very own people for their own selfish ends.”
Her own people are her real boss! She entertwined her karma with theirs via her original sin. Beauty talaga, Ellen.
AdB,
Just curious, have you changed your blog?
Hindi kaya canyon ang dala ng dalawa? Lantaka pa ang dawag doon sa baril na ginamit noong bata ba si Sabel?
HG,
Nope, haven’t changed blog… still ManilaBayWatch.
In short bobo! Mahirap iyang mga bobong nagdudunung-dunungan. Delikado iyan! Like the idiota squatting at the palace by the murky river. She thinks she’s a queen but in fact, ang dating mas royalty pa iyong tindera sa bangketa. And the nerve to rub shoulders with the royalties of Europe! Nagmukha tuloy bakya din iyong dalawang matandang reynang si Sophia at Elizabeth. Yuck! 😛
Please tune in to DZMM at 7:45. I’ll be interviewed by Gerry Baja re faeldon’s escape. Imagine, PNP is leaking clues like letter T and Visayan of the lady reporter who allegedly helped faeldon escape.
Truth is I got stomach pain laughing to my heart’s desire at this antics of the crooks who look more and more stupid as a matter of fact each day they even try to make themselves look glorified making announcements of their make-believe destabilization plots.
You bet, a lot many public funds have been wasted on these ati-atihan (in deference to HG about the use of “moro-moro” 😉 ) antics of Gloria Dorobo and her minions, for they do have to pay those dummies overtime for planting those evidences on those innocent active and former soldiers, whose love of country I am told is still intact despite the ordeals, trials and tribulations that they are being subjected to by the “halimaws”!
Besides, katakot-takot na suhol ang pihadong binayad ni Dorobo to get the “loyalty” of these idiots, Assperon, Gunggonzales, et al, pati na iyong binabayarang journalists daw.
…these antics….Sori, plural nga pala! 😛
Ellen,
Cannot access the station now. May bayad na kasi. Will just wait for someone to post it on Youtube. ABS-CBN should have this kind of media program free of charge for all to watch and hear as a public service. Sobra naman ang swapang! 🙁
Fetus nakuha sa CR ng Palasyo
Nina Rudy Andal at Gemma Amargo-Garcia
Friday, January 18, 2008
Isang fetus na nakalagay sa plastic bag ang natagpuan sa loob ng women’s comfort room sa loob ng New Executive Building sa Malacañang kahapon ng umaga.
Tinatayang nasa 6 na linggo na ang fetus na nakasilid sa isang kulay blue na plastic bag at inilagay sa inidoro sa ladies’ comfort room sa ground floor ng New Executive Building sa Malacañang.
—-Kaninong fetus iyon? Hindi kaya mula kay GMA? Remember
GMA frequented St. Luke’s Hospital lately.
Oops sorry…hindi na puwede palang manganak itong si GMA dahil matagal nang menopause.
Ellen Says:
January 18th, 2008 at 7:47 am
Please tune in to DZMM at 7:45. I’ll be interviewed by Gerry Baja re faeldon’s escape. Imagine, PNP is leaking clues like letter T and Visayan of the lady reporter who allegedly helped faeldon escape.
Huh? seems PNP is addicted to “storytelling a lie”…Maybe they should asked themselves..Why would someone help CAPT. FAELDON? And now spreading the clue? In order for them to justify their LIES?
Too bad I missed it. The above notice came a bit too late. If the clue is that of a Visayan lady reporter, huwag naman sana na kayo po Ellen ang pagbintangan…
Ate Ellen, Ikaw pa ang pagbibintangan, eh di ba isa ka dun sa mga gustong posasan ng mga pulis at dinala sa Crame for ‘processing’? Ingat ka Ate Ellen, ‘creeping Martial Law’ na.
This is what I told Gerry Baja:
Itong patuloy at pinatinding atake sa media marahil ay pre-emptive move ng PNP sa balak namin na magsampa ng class suit sa susunod na linggo laban sa kanila sa ginawa nila sa amin noong Nov. 29.
Yung tungkol kay Faeldon, tumakas ba talaga si Faeldon? Ang pagka-alam ko hanggang ngayon hindi pa sigurado ang abogada ni Faeldon kung tumakas talaga ang kanyang kliyente. At kung tumakas man, may tumulong ba talagang reporter?
Kung may ebidensya ang PNP, bakit hindi nila ilabas at hulihin ang reporter na yan. Kaysa naman kung ano-nong clue ang pinu-float. Ano yan, rumor mongering? Nananakot?
Ito lahat tingnan natin sa mas malaking perspective. Gusto ng pamahalaan na sirain ang media dahil media na lang nag ilan sa natirang institusyon na hindi naku-control ni Arroyo. Na nag bibigay ng check and balance sa pamhalaan. Gusto nila sirain ang media, gusto nila sirain ang credibility ng media. Yun talaga ang gusto nila.
Sinabi ko rin na gusto lang nila bumawi dahil biro mo naman noong Nov. 29, dalawang bus na reporters ang kanilang inaresto, detained at pinusasan, tapos ang dapat nila hulihin, nakatakas. Ano tawag mo doon? Tapos media ang babalikan nila.
Sa tanong kung ako ang tumulong kay Faeldon, sorry ha, “Hindi.”
Ellen,
These turds are hell bent on shooting themselves in the foot aren’t they? What will they invent next? That Faeldon is hiding in Antique perhaps?
When one is an idiot with an IQ of 25, there’s nothing one can do about it — better just laugh at them.
So what if you were the one who helped Faeldon? Subukan nilang galawin ka at ako ang isa sa mga mangunguna na lulusob.
The problem with Malacanang and its AFP/PNP goons is that when they are accused of wrongdoings, they immediately demand proofs and evidences from the accusers who are the people. Pero kung sila naman ang nag-aakusa tulad ngayon sa lady reporter kuno, ayaw sabihin kung sino. Walang masabi dahil talagang wala. They cannot even prove if Faeldon indeed is in hiding, taken to safe house by the military (ISAFP) or even already dead. As long as they don’t produce his body, we cannot believe these liars in Malacanang.
True, Anna.
But I’m really disappointed with Gen. Razon. Why is he allowing himself to be used this way? I know him to be a decent officer.
Ellen,
The question that comes to my mind is , why you of all people? Marami namang mga taga media dun, marami pang lalaki? How could Faeldon use your ID, wala bang picture ang mga ‘to?
Hi Ellen,
Sent another email. Please forward to anyone interested so we can also exchange addresses in the process.
I’m also surprised with Gen. Razon’s behavior. I also know him to be a decent man. I know how hard it is to follow illegal orders. But then, I guess that’s how it is in the military. Kung hindi kaya at masikmura ang ipinagagawa, dapat mag-quit.
What Juggernaut? Si Ellen na ba ang tinutukoy? Is it true that Faeldon used Ellen’s ID? Mabigat na ito. I’ll take a break and watch on the side. Hindi ko matanggap na si Ellen ang tinutukoy nila…Ellen, ingat lang. If you need our help, let me know. I promise you I can help in my own way. Subukan lang nila!
Ellen,
We had this discussion about Sonny Razon in a much earlier blog thread — you said that Sonny Razon impressed you as one good fellow. I said Sonny might be a ‘charming’ fellow, more than the next cop but that he is as dishonest, intellectually and morally as the next copper.
The guy grew in the wings of Malacanang where politicians, presidents, lovers and the like exchanged favours, etc., I’m of the opinion that a leopard doesn’t change spots.
bb,
Yep. Just confirmed with one of my PNP buddies this morning. Natatawa nga ako, I told him its ludicrous, I met lady T and told him she’s not the type to do clandestine work, ako pa siguro pwede (as I was popular for sneaking into the mess hall at night to steal food in the old days and in the tac-o’s office at 3AM to use their phones and call my girlfriend long distance, minsan nga overseas call pa).
Jug, sent you text. I’m rushing to an appointment.
You are right, Anna.
Ellen, the story that Capt. Nick was assisted by a reporter is also a ploy to remove support from Capt. Faeldon and all other disenters. They are using him as the reason for the media crackdown to justify the arrests and the media advisory. Then they will tell media, kasalanan ni Faeldon kaya kayo pinapahirapan.
Tignan nga natin kung may tumulong talaga. Baka naman ang ebidensya nila ay katulad ng sa limang sundalo. Planting rice.
BB:
Matagal nang menopause si Gloria Dorobo. Pag nanganak pa iyan, demonyo na pihado!
Ingat ma’am Ellen. Naghahanap na naman ng pagbibintangan mga engot na yon. We all know here na hindi ka nag-assist kay Kapitan “kidlat” Faeldon.
Maybe tama ka nga klingon, it’s blame it to the media time pag wala silang mahanap na fall-guys.
Hoy mga ISAPF, CIDG at kung ano pang intelligence group diyan, kung binabasa niyo ito, gamitin niyo naman mga intelligence resources niyo sa paghahanap ng mga drug-lords,huweteng-lords, at mga crime-lords kaysa puro nalang sa expert planting of evidence and witness manufacturing niyo!
What is this ID? Si Faeldon daw nagpanggap na babaing journalist? Ginawa pang bakla iyong talagang lalaki! Susmaryosep!
Puede ba kung mag-iimbento din lang sina Dorobo, please pagbutihin naman nang hindi iyong lumalabas silang puro gunggong!
BB:
Grabe iyan bintang nila kung totoo man. Imagine, si Faeldon magpapanggap na babae? Ano sila masaya? Komo mga bakla sila, pati iyong talagang lalaki, ginawang binabae na rin. Nakakaloko talaga!
Wow, nagbago ng taktika/gimik ang PNP naman ngayon? ibang klaseng “character-assassination” ang ginagawa kay Kapitan Faeldon. Sinisira ang tunay na pagkalalaki ni Faeldon para sumanib siya sa mga pederasyon nila parang kay bingo hudasan… haaay titah, welcome to the club… 🙂
I resolved to refrain from replying here, and settled myself reading the updates of ellen and your comments. But I’m really disgusted by the recent drama of the military.
The Edsa Dos is forthcoming. In 1993, Gloria aptly described Edsa Dos as “the most powerful answer of the weak to the corruption of the powerful.” Since then, she’s forever haunted by this historic event and bought the top brass officers of the military to safeguard his volatile presidency.
The recent script of coup plot is the continuing ploy of these generals to justify their importance by crafting the ghostly coup plots. They will paralyze the media, not because they allowed themselves to be used in the systemic propaganda of the Magdalo, but because they persistently ask the whereabout of these ghostly coup plots.
You know what, the powers that be are too confused or too idiotic, they might even pick anyone up on suspicion without thinking twice about it. They are no longer embarassed by obviously stupid mistakes in public.
Nice shot there Ellen in the Inquirer. DOROBO’s gang really have to pin someone down for their blunders. If they were really thorough, why did some of the Magdalo soldiers escape? Belat, naisahan din kayo, ano!
Plan A (the 5 enlisted men starting a coup) failed, now plan B is in place. Si Joma naman ngayon ang puntirya nila DOROBO. There are faxes kuno being circulated for peoples’ signature but the fax copies were fussy. DUH! Baka galing lang yan sa DOROBO’s fax machine(kay tiyanak o asspweron o Gunggongzalez o Puno-ang root ng lahat ng kabalbalan o kaya si tabako and his gang). These hoodlums are relentless! We do not know who are pulling the strings on the stage. Tabako still wants to be in power too and he has all his men(Puno, Aspweron, JDV etc…) fielded in Dorobo’s kingdom. So, we really do not know who are rocking Dorobo’s boat. She is obviously not in control! Kanya kanya silang “coup”. I wonder who will win the power grab!!!!!!!
I’m showing “Dekada 70” and “Ama Namin” to Filipinos in Japan. It’s one way of educating them on the social, political, etc. problems of the Philippines now. much worse than the problems during the Martial Rule during the time of Marcos.
I recommend it to all to see and imagine the kind of torture, etc. that these idiots, who must have been the same bunch of idiots who made Marcos a hateful president, have done to these present and former soldiers they are accusing of destabilizagtion just because they cannot bear to pledge allegiance and loyalty to a creepy criminal. Buti na lang nagkaroon ng Gloria Dorobo to make Marcos look better!!! 😛
Masaya ito! On the 22nd of Jan she will be leaving for Switzerland. Noli will be in command, kaya? The best decision the tiyanak ever made was to pick a Vice President who will not have the balls to staged a coup against her! She certainly got one! Had she chosen someone like her (audacious, scheming, wily, ruthless and has a killer and criminal instinct), she would not have lasted in power as she did. So now, those with undying ambitions like her, to hang on to power, are doing what needs to be done to oust her! These ambitious people were the same entities who installed her in the first place. Maganda ang laban ngayon because the tiyanak does not know who her enemies are. Ang sarap manood!!!!!
“Arroyo: RP ‘stronger, more stable’ despite ‘shenanigans’,” says a Philippine Inquirer banner. Wow! E siya, ano siya? Hindi lang shenanigan, hardened criminal pa! Sarap magmura!
RE: Please tune in to DZMM at 7:45. I’ll be interviewed by Gerry Baja re faeldon’s escape. Imagine, PNP is leaking that clues like letter T and Visayan of the lady reporter who allegedly helped faeldon escape.
Ellen’s interview
http://www.abs-cbnnews.com/topofthehour.aspx?StoryId=105986
Ellen: andam kaw gid..
Heh,heh,heh…nagsalita na naman si asspweron! The coup rumors daw ay cause for concern. Recycled na yan ASS! Baka ang mga coup plotters kuno ay mga tauhan mo rin. Staged na naman ito. For a liar, a cheat like you, nothing you say is believable. Mabuti nga kung mag-coup! Masaya para mawala na kayo sa ninakaw ninyong pwesto!
Galing rin ba si Razon sa Phil. Military Academy? Sa mga generals ng military ngayon mayroon pa bang isa na decent? Noong araw may Grimm’s Fairy Tales…Ngayon ata ang military
ay mayroong version na Grim (as in kalagim lagim) Fairy Tales of the Enchanted Kingdom.
..the news of a fetus found in the Ladies Room sa palasyo is truly a work of the devil..kalagim lagim na pangyayari..ang lakas ng demonyo sa palasyo…
Rose, kaya nga “possessed” silang lahat sa enchanted kingdom. Puro demonyo na yata ang nakatira sa Malacanang.
Next thing we will hear is that the fetus will be blamed on the press people, the ladies, of course.
Umpisa na ang fireworks ni DOROBO and gang . A bomb just exploded near the Subic Bay Seaport killing at least two. Expect more to come. Wasn’t that Marcos’ style before he declared the Martial Law? Sabi nga ni Aimee Marcos, copycat daw ng tatay niya itong si DOROBO. Ni wala siyang originality. Halatang halata na trying hard siya to be a dictator. She makes Marcos a hero given all her corruption, lying, cheating and she even surpassed the murderous regime of Marcos. What Marcos did over a decade, the DOROBO has outdone him in less than a decade. What a record!
AdeBrux,
Tama ka! Si GMA ang no. 1 violator ng ating Constitution? Di ba si Pang. Erap eh iginalang ang batas at napasakop sa Impeachment trials, pero ano ang nangyari? May nilutong coup détat na pala sila ni Tabako and co. at props lang ang EDSA II kasi nga para di obvious sa world affairs para nga naman legitimate ang pagsipa kay Pang. Erap.
Kaya heto wala silang katahimikan sa enchanted kingdom morethan 7-years na at mayroon pang 2years kung aabutin pa sila?
Parasabayan,
Dapat maging mapag-matyag ang taong-bayan coz’ si Tabako eh magaling sa pyswar tactics yan kasi remnant ni Macoy yan at reformed kuno ang matanda kaya posibleng ulitin nila ang mga scenario ng 1972 para magdeclare ng rule of law ni Goonzales.
Pagnagkataon eh parang balat sa tinalupan uli ang pag-aalsa balutan ng Masang Pilipino. Di na uso ang mamundok ngayon, kasi high tech na ang labanan?
RE: Sa mga generals ng military ngayon mayroon pa bang isa na decent?
Rose,
Si Gen. Lim, Gen. Miranda & co, na lang ang tunay na idealist at nationalist soldiers natin na galing PMA.
WALA NA!
RE: Sa tanong kung ako ang tumulong kay Faeldon, sorry ha, “Hindi.”
Maám Ellen,
Di po papayag ang buong tropa ng Ellenville kapag pati kayo eh harasin ni Baryabas.
Sobra kasi sa pansin ang enchanted kingdom na yan kaya tuloy pati media eh pagbuntunan ng sisi sa pagpuga ni Capt. Faeldon.
Eh bakit di nila isisi sa mga OFWs para giyera patani na. Inis-talo kasi yang si Esperoni at Baryabas dahil napaglalangan sila ng ibang Magdalo at nakapuga sa kabila ng isang katutak na pulis patola ang nakapaligid sa PEN.
Eh di nila alam ang nagpapuga kay Capt. Faeldon eh mga kabaro ni niya na sumalakay sa PEN, YAKS mga bopol talaga!
Maám ipaglalaban ka namin sa oras na pati kayo eh gipitin ng mga pasaway na general problems na yan.
Payat ang Saigon compared with Manila. I didnt see much soldiers in Saigon or police. Only barbed wires. There were no explosions, only motorcycle riding girls. Military ten wheelers filled with M-16s guarded by a lady in each threw me one. I gave her Tanduay rum. She asked if I wanted a helicopter.
Valdemar,
Nice point! Sa Manila eh naglipana ang mga goons ni Baryabas at ISAF ni Esperoni? Todo bantay sila sa mga idealist and nationalist soldiers natin baka maisahan na naman sila.
Ito namang mga pulis patola natin eh wala namang guts yan kasi nga sa halip na protektahan ang taong-bayan eh ang enchated kingdom ang todo bayan.
Panahon pa ni Macoy eh wala ng tiwala ang taong-bayan sa militar (except Marines and scout rangers) at pulis-patola.
Paki isplika nga, who are the killers of 800+ victims ng extrajudicial killings, eh baka sa NPA uli ibintang ito o kaya sa mga OFWs?
Vandemar: todo bantay not todo bayan ha? correction lang kasi tao po lamang!
It’s a must see iyong “Dekada 70.” Walang pinag-iba sa sitwasyon ngayon, I think, except for the fact that back then talaga namang maraming namundok.
Hindi ko naranasan iyong mga karanasan ng sempai kong si Satur Ocampo, et al kasi over here in Japan, libre naman kaming mag-rally kahit na naabutan ko iyong violent rallies dito ng mga estudyanteng kasama sa Zengakuren na binatikos iyong US-Japan military treaty at Vietnam War noong 60’s and 70’s. Snakedancing dito na-witness ko. Grabe! Na-miss ko lang ang mga pagha-harikiri ng mga talaga namang committed na mga estudyante. Katwiran nila hindi puedeng masayang ang kahit na anong sakripisyo, which is true in a lot many sense.
Walang nagawa ang mga kano at namayani ang boses ng taumbayan dito. Natamilmil ang mga unggoy sa totoo. Malungkot nga lang ang dami kong nakaaway na mga pilipinong nagtatrabaho sa US military bases dito na taeng-tae sa mga kano. Hindi nila nababatid na hindi sila mga alipin kundi on equal footing sila dapat sa mga amerikanong mas matataas pa ang pinag-aralan nila.
At least, noon, wala pang mga doktor na handang maging glorified katulong (caregiver daw sabi ni Boba!)! Sabi nga, “Hangga’t may nagpapaalipin, may mang-aalipin.”
Just my yen.
To Ellen: Ingat! Mukhang ikaw ang tinatarget ng mga halimaw! Pero sabi nga ng mga bloggers here na mahal na mahal ka, pagnagkataon, maghahalo ang balat sa tinalupan! Heaven forbid!
I’m also not for violence, pero kung iyon lang ang paraan, bakit hindi? Ngitngit na ngitngit ako when I watched “Dekada 70.” Kaya balak ko ipalabas iyon sa mga pilipino to remind them of the what happens when people are indifferent and complacent—they lose their freedom. I am looking for a venue right now. Libre palabas. Babawi na lang ako sa pagtinda ng meryenda. Siyempre naman magdi-distribute kami ng mga polyetos to inform them of the real situation in the Philippines now with a criminal at the helm of the government.
I understand it earned Vilma Santos and Piolo Pascual best actress and best supporting actor award. That movie is a must see.
Isa pa itong si Teodoro. Hindi daw maguumpisa ang DOROBO ng mga coup rumors and plots at mga problema daw yun. Sino naman daw ang may gusto ng problema. Di ba ngat si DOROBO ang nagumpisa ng lahat ng problemang ito. Una, nag-coup siya(tunay na coup yun 2001), tapos nandaya siya sa 2004 elections at ginamit pa niya ang AFP para mandaya. Hindi pa huminto ang kanyang kasakiman. Ipinuwesto pa niya ang mga nandaya para sa kanya(Asspweron, Ebdane atbp). Tuloy tuloy pa ang pangungurakot niya. She does not even hide it anymore. Lantaran kung magnakaw at magbayad ng mga tuta niya. Ngayon Teodoro, paminsan minsan ka na nga lang magsalita( dahil balita ko ay figure head ka lang at walang pwedeng gawing desisyon)palpak pa ang sasabihin mo. You better just shut up!
PSB: … haaay titah, welcome to the club… 🙂
*********
Tuwa ako dito. Bwahahahaha! Sobrang character assassination iyan! Lalaking tunay ginagawang binabae! Heaven forbid!
I pray na talagang nakatakas si Faeldon at hindi nila makikita kasi baka gawing guinea pig sa balak yata nilang iniksyonan ng hormone ang mga naka-detain para maging binabae. Pero ang hindi nila alam na kahit na bakla, pag napilitan tumatapang din gaya noong bakla sa pelikulang “Aishite Imasu.” Medyo corny ang pelikulang iyon pero ipinapakita doon na hindi rin puedeng insultuhin ang mga bakla.
It reminds me of our domestic helper when I was a kid. Bakla na nakadamit babae. May pinapakita siya sa amin ng mga kapatid ko nang sundalo siya at nakasama sa Bataan Death March. Nasaan na kaya siya. Patay na siguro.
Hi Yuko! Namahinga muna ako from the blog but I read all your postings. Now, I am back.
Pang blop lang ng Arroyo gov’t ang mga issues na naglalabasang ito in order them to confuss ang Masang Pinoy and then tuloy ang kanilang ligaya.
Pag-maglalakwatsa si GMA sa ibayong-dagat eh palaging may nagpaplano daw ng coup? Nilolo ko talaga tayo ng enchanted kingdom na ito.
Ginagawang katawa-tawa ang Masang Pinoy, at payag ba kayo na inuuto lang tayo ng gobyernong ito. Sobra na, tama na!
Kailangang magkaisa ang lahat ng sektor ng lipunan upang tapusin na ang labang ito, kung ayaw ng militar na tulungan ang Masang Pinoy eh dapat kumilos na ang sambayanang Pinoy.
Maraming paraan upang ilunsad ang labang ito.
Just read na nag go-goodbye na daw si asspweron by visiting all the AFP units in preparation for his retirement. Siyanga? Di ba si DOROBO ay nag-goodbye na rin sa presidency kuno, sa harap pa ng rebulto ni Jose Rizal? Only to turn around and ran for the presidency and she made sure that she won by cheating big? Di ba si asspweron ay paiyak-iyak pa noon? Pang FAMAS Awards talaga itong si asspweron! Tapos sunod sunod na ang kasakiman ng tiyanak. Ipinuwesto niya lahat ng nangdaya para sa kanya (asspweron, ebdane atbp). Nangurakot kaliwa at kanan without even hiding it anymore pati na rin ang lahat ng alipores niya. Lantaran ding nanunuhol sa mga tongressmen at senatongs. Kaya ngayon ang senado at ang congress ay parang mga contented cows. Wala ng contra kay DOROBO! Ano ng nangyari sa mga “Hello Garci”, ZTE, Brown bag atbp? Hay naku, PHD sa deception ang mga alipores ni DOROBO. Ang kawawa ay ang mga maliliit na tao at ang mga OFW’s dahil halos lahat ng kinikita nila ay para sa mga kapamilya na walang hanapbuhay(I know a lot of college graduates in my immediate family who can not even find any job). With the devalued dollar and the more than doubled prices of all consumer items in the Philippines, palaging short ang mga padala.
Ako dito ang magagawa ko, turuan ang mga pilipino na lumaban para sa kanilang mga karapatan without breaking the law or being being framed up para mapilitanglumabag ng batas. Iyan ang sakit ng Philippine government sa nakikita ko. Mahilig mamintang lang.
When I interpret for the police and observe the more competent Japanese police do their job—lintek ang team work and efficiency—hangang-hanga ako. I learned a lot about proper investigating of cases and analyzing evidences to get proper and right conclusions vital for the solution of a case. Taka talaga ako sa pagka-istupido ng mga imbestigador sa Pilipinas na dinadaan lang sa police brutality, etc. na mga kabulastugan ang paglutas daw nila ng krimen. Nakikialam pa kasi iyong mga sundalong pulpol at hindi na lang mag-train ng mga pulis na walang kinalaman sa mga digmaan at itama ang mga trabaho ng mga ulol.
Kasi naman sa totoo lang, may kunyaring ipinapadala para i-train sa Japan as part of some program in connection with ASEAN, etc. organization and initiative, pero nasaan iyong gunggong na pinoy? Kundi naggu-good time ang ungas, naghahanap ng pagpapa-parttime-an di tulad noong mga serious na Singaporean halimbawa na talagang pinag-aaralan mabuti ang magandang sistema ng pagpupulis dito gaya noong tinatawag na “Koban (police box) system” tulad ng ginawa sa Singapore. Corrupt kasi.
Sa totoo lang nakakakulo ng dugo. Tapos pag-uwi ng mga ungas Pilipinas, ang yayabang! Wala namang laman ang kokote! Mahilig lang kasing magkabisote. Akala kasi ng mga unggoy, komo marunong daw sila ng ingles, matatalino na sila! Yuck!
Tawa na naman ako, PSB, doon sa sinabi mong “Noli in command.”
No bilib ako sa taong iyan. “Yes, Ma’m” lang naman iyan. Kung sasabihin sigurong, ikaw ang papalit kay Dorobo sigurado pag natanggal iyan, baka mapilitan pero mukhang walang pag-asa dahil wala namang ibubuga talaga. Nangungurakot lang. Wala pa rin yatang delikadeza sa totoo lang.
Halina kayo, mag EDSA na tayo!!!
Jug posed a very interesting question: Of all the reporters and journalists, why did they pick on Ellen? Why not Ces Drilon, Pinky Webb and even the rest like Herman Tiu Laurel? If they have a video clip that they claim could serve as evidence, then they must show it to the public. Again, why Ellen? Is she now the most popular and bravest journalist? Were they so afraid of her? Granting without admitting that it’s Ellen, so what? If it was wrong to help another get out of the hotel, then they should also charge Ces Drilon and the media who accompanied Trillanes’ group from the Makati Court to Manila Pen. O baka naman kasi sina Ces Drilon taga ABS-CBN at si Ellen sa Malaya lang…
FYI: PTE junked Loren Legarda’s election protest against Noli de Castro. After spending so much money and waiting many years, Legarda lost. It must be very painful to her. Now that the case has come to a close, legally speaking of course…would Loren agree to be Noli’s running mate in 2010? Possible…if Malacanang reimburses all the expenses incurred by Loren in her protest against Noli. But knowing Loren to be a woman with very high esteem, call it arrogance if you want, hindi papayag iyan. On the contrary, I think that would convince her to stick it out with the opposition. The decision is timely because if Loren runs in 2010, she will lose her right to protest the election and make this protest moot and academic. Iyan din ang nangyari noon kay Miriam Santiago when she filed election protest against FVR.
Nawalang bisa ang kanyang protesta nang tumakbo uli sa Senado si Miriam.
Kejotee,
Napag-tanto mo na ba na kailangang mag-EDSA na tayong muli?
Probably mas IN ito sa taong-Bayan, kasi yong Oakwood at PEN ng mga magigiting nating sundalo eh nilangaw, walang suporta ang taong-bayan.
Kung ang lahat ng OFWs eh maglunsad ng isang EDSA bali version IV na ito, baka sakali kasi eh magjoin hand ang US$, Pounds, Dinars, Riyals, Franc, at iba pa eh epektibo ito. Di ba pera-pera lang ang labanan ngayon.
Ano sa palagay mo?
Ang problema Ka Balweg. off limit na ang Edsa Shrine sa mga tao. Edsa would be meaningless and not be effective if there’s no Edsa Shrine, iyon ginamit ng mga tao sa pagbagsak kay Marcos pati na si Erap. Then, the Catholic Church (courtesy of then Cardinal Sin) claimed Edsa Shrine to be solely for the Catholic Church use; sa private daw iyon at hindi public. I remember one time when people attempted to gather at Edsa Shrine but was met by a battalion of heavily armed soldiers. Of course that happened during the time of GMA. As long as GMA is still in power, no group could come close to Edsa Shrine.
Parang “Minority Report” talaga itong mga gunggong sa DOJ at AFP. The latest announcement that is being given by installment is that the coup is well-financed. Wow, ha? Sino? Why don’t they ask Gloria Dorobo herself who must have enough money to be going on another gallivanting spree in Europe and the Middle East.
Kaya sinong niloloko ng mga gagong ito? Gusto lang nilang magdeklara ng “Martial Law.” Bistado na sila, hindi pa tumahimik na lang para hindi sila nagmumukhang mga mokong!
BB:
Forget about EDSA. Mas maganda sa Makati. Or better, doon sa Luneta. Truth is I have never been to that EDSA Shrine. Baka buwisit pa nga iyan e. Tignan mo naman ang nangyari sa bansa since 1986. Lalong napalpak!
Kawawang Pilipinas!
Brownberry,
Ang masakit nito eh naging private na ang EDSA shrine, ang ibig sabihin nito ang mga taga-Simbahan eh dedma na sa pagpapahirap sa atin ni GMA?
Obvious nga naman na sipain nila si GMA eh sila ang nagbasbas dito para maagaw ang Malacanang. So in layman’s word, dedma na lang sila sa panaghaw ng taong-Bayan.
Halos lahat nga ng mga Obispo sa Mindanao eh nakasuporta kay GMA against sa tunay nating ilang Obispo na tumutuligsa sa Arroyo regime.
Ang hirap sa mga taga-Simbahan eh walang united stand against corrupt politicians and illegitimate leaders sa ating bansa.
Bakit po nangyayari ito kasi nga eh nakikinabang ang karamihan sa kanila dahil tumatanggap sila ng abuloy sa mga iyan.
Kung ang enchanted kingdom eh dapat kalusin na, eh gayundin ang Simbahan kasi nga di ba makikita natin yang mga corrupt na iyan na nagsisimba regularly. Paano mangyayari ang ganoon eh dapat matakot sila sa Panginoon.
Grizzy,
May katwiran ka! Ang EDSA ang simbulo ng pagkakawatak-watak ng sambayanang Pinoy. Walang magandang idinulot sa lipunan at ito ang naglalarawan ng pagkagahaman ng marami nating pulitiko.
Imagine, halos lahat nga ng mga retired military ngayon eh pumasok na rin sa pamumulitika at hayon nag-eenjoy sa enchanted kingdom.
Si GMA eh prop regime lang ito at ang tunay na nagpapatakbo sa ating bansa eh si Tabako junta. Busisiin mo kung sinu-sino ang mga nakapwesto sa halos lahat ng sangay ng gobyerno, di ba mga retired Generals.
2 General (Dapat and Pianza) problems na ang sinibak sa pwesto at si Dimagiba eh General din ba?
Pero Grizzy at Balweg, dalawa kong iginagalang at mahal na kababayan, ang Edsa Shrine bagama’t naging simbulo ng mga taong nagpabagsak sa dalawang tunay na hinalal ng bayan ay isang simbulo din ng masa sa kanilang layunin na pagbabago. A People Power, Revolt or whatever you call it would not be complete without Edsa Shrine. Dapat lang ibalik sa mga tao ang Edsa Shrine na sila ang tunay na may-ari at hindi ang Simbahang Katoliko na patuloy na kinakasangkapan ng mga demonyong tulad ni GMA. Ibalik ang Edsa Shrine sa tao at baka maibabalik natin ang tunay na demokrasya!
May I add that the church specifically the Catholic Church has long been in cahoot with the abusive state and government for centuries as proven by history. Hindi lang sa Pilipinas maging sa ibang mga bansa na sinakop ng mga Kastila at pilit na ma-convert ang mga natives sa Catholism. Kaya nga galit na galit si Dr. Jose Rizal sa Simbahan. Don’t you notice that in every city hall and municipal building, there is a Parish Church nearby? Why? What does it tell you?
Hay salamat Browberry: I agree with you na ang EDSA ang naging daan to open the pandoras boxes kasi I, II and III ito.
Kung sasariwain natin ito ang EDSA I eh simbulo ng pagkagahaman ng Marcos regime. Ang EDSA II naman eh sumisimbolo uli sa pagkagahaman sa kapangyarihan ng mga trapo at balimbing na pulitiko. Ang EDSA III eh naglalarawan sa kawalang pag-asa ng Masang Pilipino sa tunay na paghanap ng katotohanan at pagpapahalaga sa bayan.
Ang buod ng EDSA stories eh ang kawalang pagmamahal ng marami nating kababayang Pinoy sa ating bansang Pilipinas at ang tanging hangad lamang eh guminhawa sa buhay o kaya magsiyaman pero sa kabang-yaman ng bansa nila dudugasin ito.
Ate Ellen, Bakit, magkamukha ba kayo ni Faeldon? Hahaha! Di ba mas mahaba ang buhok mo kesa kay Faeldon? Nakakatawa talaga yang pinalulutang nilang istorya. Bakit ID pa ng babae ang kanyang gagamitin kesa ID ng lalake? At pangalan pa lang di na mapapalusot yung ID mo. Bilok yang script nila!
Ayan nagkamali pa sa pagsulat ng BULOK! BULOK ang script ng PNP at AFP.
Luzviminda, baka ang susunod na sasabihin ng mga gagong PNP na iyan ay nag-disguise na si Faeldon si Ellen. Can you imagine Ellen wearing a man’s military uniform? Aba, cute naman tignan.
ate ellen,hwag kang patatakot sa mga yan.hinahanapan ka talaga nila ng butas.i’m sure,hindi pa ipinapanganak ang pwedeng manakot sa iyo.mga palpak ang utak ng mga alipores ni pandak kaya nagkaka-leche-leche ang mahal kong Pilipinas.para silang mga bulate na hindi alam kung saang lupalop na susuling at anong script ang pwedeng magpabango pa sa kanila sa taumbayan.wala na silang pag-asa.AKALA LANG NILA MERON,PERO WALA!WALA!
BB,
Tama ka. Granting na may ‘ginamit na ibang ID’ kung ID nga ah, baka naman pera yun para pangtaxi, lumalabas na mga BOBO sila at nalusutan. At tsaka bakit nalusutan pa sila eh 2 bus nga ng mga taga-media yung pilit nilang dinampot at gustong posasan? Kung nagpangggap na media eh dapat nakasama dun sa mga nahuli. Ay naku ano ba naman yang script na iyan!
Dahil sa kaparaningan nila sa role ng media at pagdampot sa kanila eh nakaligtaan nila na pwede ring nagpanggap na ‘bellboy’ si Faeldon kaya sila nalusutan! Hehehe!
The media right now is probably our last line of defense and we’re at the end of that line…
Sabi ni Assperon highly finance daw ang bagong kudeta. Bolero itong aso ni Gloria Arroyo. Kung totoong highly finance bakit dalawang kinalawang Vietnam vinatage M-16 rifle at isang antique na AK-47 nakuha sa plotter kuno. Mali yata ang script.
diego,
Imagine, staging a coup, 5 guys shooting it out with 3 rifles – ano manghiram na lang yung dalawa? “Bang, bang, bang! bok ako naman! bang, bang, ikaw naman pre! bang, bang! Ang tanong, may bala ba?
Granted na hindi sila nakakatama ng target (kasi hindi member ng combat shooting team ni Martir), pwede bang gagamitin na lang nilang pamukpok yung mga yun? Sabagay LOCKJAW ang bagsak ni Esperon pag tinamaan nun! Tetanus ba naman!
My kababayan, if the PNP has strong evidence on Ellen, let them file a case in court against her. Nandiyan naman si Atty. Harry Roque at marami pang maka-masang abogado na handang tumulong. If you ask me, it indeed it’s true that Ellen helped Faeldon escaped, it doesn’t affect a bit my respect and admiration for her. Magagawa ko din ang ginawa niya at baka masahol pa. Kung nandoon ako, baka inagaw ko na ang isang baril ng sundalo at binaril si Barias. Come to think of it…who would help Faeldon and his group if not people like Ellen? Kung talagang si Ellen at kasuhan siya, hindi iyan nakakahiya at maipagmamalaki pa natin. She just did what was right and according to her conscience. More than ever, Ellen needs our support and prayers.
Baka iyong dalawang plotters kuno alalay lang. Kung sakaling matumba ang isa, siya ang papalit. Coup-comedy script ni Assperon ay bulok.
Jug at DKG,
Malamang na ‘naghahanap’ pa ng mapaplantingan ng ebidensiya sina Esperongot & co. para masabing well-funded. Tinitingnan pa nila kung anu-anong armas at mga fabricated documents ang ipa-plant nila. Huwag kayong magulat kung in a few days eh ‘makadiskubre’ sila kuno ng mga armas at ibibintang sa mga ‘kukuruku-coup plotters’. Dyan naman sila magaling eh sa mga panloloko, kasinungalingan, fall guys, fake witnesses at planting of evidence!
More than ever, media is now being tested for its obligation and responsibility. If it’s Ellen whom they are accusing and charging for the offense, the media regardless of their business differences must now join hands in helping Ellen. Ellen is not just a journalist. She has now become a symbol of the people. Siya na ngayon ang simbolo ng hustisya at demokrasya. Baka siya pa nga ang maging hudyad para tuluyan nang mapatalsik itong demonya sa Malacanang.
And sino ba namang matinong sundalo na papayag kakalawangin baril niya, eh asawa niya yan? Palaging nililinis yan. Masyado silang hot, hindi man lang inisip ang mga detalye.
Ate Ellen,
Di ba bitbit mo yung ID mo nung kasama kang isinakay ng sapilitan dun sa bus nung Pen siege? Eh anong ID ang pinagsasabi nilang binigay mo kay Faeldon? Di kaya credit card para pambayad dun sa chit! Hehehe!
Sa totoo lang, hindi si Ellen talaga yun. Sa sobrang excited silang maglaro ng baril-barilan, hindi nila napansin na nawala na lang si Faeldon, parang ninja. Siyempre kailangan nilang maghanap ng mapagbintangan kasi magmumukha silang tanga, feel na feel pa naman nila, OA na nga.
Mainit kay Ate Ellen kasi talaga namang popular at effective ang Ellenville. Itong bolgsite na ito ang walang tigil na tumitira sa mga katarantaduhan ng administrasyong Arroyo. Na maski pasundot-sundot lang ay talagang namang naaapektuhan ang mga corrupt na mga iyan. Kaya sige lang mga kababayan, patuloy ang LABAN PARA SA BAYAN!!!!!
hahahahah!
“Imagine, staging a coup, 5 guys shooting it out with 3 rifles – ano manghiram na lang yung dalawa? “Bang, bang, bang! bok ako naman! bang, bang, ikaw naman pre! bang, bang! Ang tanong, may bala ba?”
May balita na naman, another 6 na naman daw ang nadampot na coup plotters. Hindi pa ina-announce kasi naghahanap pa sila ng mga baril para sa mga to.
Ang galing talaga ng mga to, gaya ng batasan bombing, sumabog na lahat lahat yung motorcycle, intact pa rin yung DEED OF SALE, as in buong buo pa? sino ba naman ang maglalagay ng bomba sa motor niya at may kasama pang deed of sale?
Ang masama lang, kasisimula pa lang magtrabaho ang mga yun, di ba nadismiss sila Dec 25?
Sino ba naman ang magdidismiss ng Dec 25? Hindi ba nila alam pasko yun?
Hindi ba uso ngayon ang War Game Sport? The arrested soldiers could have been going to a Sports Complex somewhere in Metro Manila for the games. Tapos dadamputin sila?
Di ba bitbit mo yung ID mo nung kasama kang isinakay ng sapilitan dun sa bus nung Pen siege? Eh anong ID ang pinagsasabi nilang binigay mo kay Faeldon?
Luzviminda,
Do you know that this prop issue by this corrupt Generals eh luma nang tugtugin?
Galing yan sa Recto University ang dami doong ID na pwedeng ipagawa orig pa ang dating. I’m pretty sure na doon nila binili yong ID na tinutukoy nila kung totoo man.
Ano sila sinuswerte? We are not born today!
bb,
Mga airsoft enthusiasts yun, yung fan club ni Martir. Tipong wow pare my car can go two wheels on one side pare, maneuver right, maneuver left, open fire, ouch pare, I got hit in the balls pare. Oops, I forgot, wala na pala akong balls pare!
Only in Gloria’s Enchanted Kingdom. Kung loob nangyari ang pagsabog baka ibintang fart bomb galing sa puzo negro. Sloopy job ang script writer ng Malacanang.
BB,
Yan ang epekto ng kawalang hustisya sa ating Bansa? Nasaan ang DOJ/Supreme Court to STOP this kind of dirty works of our military/police force. WALA, kasi nga kakutsaba din sila ng mga ito.
How about the human right advocate sa Pinas? Mukha atang namimitas ng bayabas, eh bakit binabayaan ang ganitong tiwaling gawain ng mga militar/kapulisan natin.
Yon ngang extrajudicial killings eh unresolve problems pa ito, so dapat ito ang inuuna ng DOJ at wag yong mga taga-media o kaya pobreng indibiduwal ang pinag-didiskitahan nilang hulihin.
Marami na nga silang kaaway sa lipunan eh ayaw magsitigil, ano gusto nila giyera patani. Malapit nang mapundi ang Masang Pilipino!
Takot ang instant Maggi Supreme Court and baliw ang nasa DOJ, what can we expect? Tapos marami pang naniniwala sa kanila, pang gulo daw and media? If media wasn’t there to inform the public, ano na kaya ang nagawa pa nila?
Balweg, they could produce Ellen’s duplicate or fake ID. They could do anything under the sun. Sabi nga nila…”What are we in power for?”
“What are we in powder form? – medrep”
Ang dami ko palang na-miss. Nag-R&R lang ako for a few days, ang dami na palang nangyari sa Pilipinas. hahaha
Pati pala kami dito sa Region 9 eh suspect ni Goonzales na gagawa ng destabilization. I will neither DENY nor CONFIRM that allegation. Hayaan mo silang ma-praning. At hayaan din nating ma-extend si Esperon dahil dyan. Tuloy ang ligaya!!!
I passed by Manila on my way back. Hot topic nga sa mga kampo ang extinction….i mean extension ni Esperon.
Martir’s group reaction (0.2%)—–YEHEYYYY
Others (99.8%) —–PAKENSYET
Still on Others (99.8%) —–Silently after PAKENSYET, ituloy sana (whisper, whisper, whisper)
DKG: antique ba ka mo ang rifle na nakita nila? Seguro dahil sa antique nga..akala nila kay Ellen galing..taga Antique kasi siya…bakit hindi subokan ni Razon na sa Antique “mag planting lies” ? Pagtatawanan lang siya at walang maniniwala…
Re: the fetus found in Malacanang…kailangan seguro i-exorcise ang palasyo at pati yong nakatira …nakapagtataka hindi ba surrounded ng mga Catholic churches ang Malacanang–St Jude; San Beda; San Miguel Cathedral; San Sebastian; not counting the surrounding catholic schools w/ chapels..inutil na nga and hindi maasahan ang mga..priests, nuns, etc. a Catholic country? a Catholic president? and ito ang nangyayari?
Today: 1/18/2008- 21 more days to go…
Edsa Shrine lang ba ang puedeng lugar? Sa kalye puede naman..just walk slowly..bawal ba ang maglakad sa mahal ng pamasahe..and walking is a good exercise…sa makati mas maganda maglakad…sa Ayala avenue where the Makati Businessmen have their offices..and from their ivory towers they will see…gawing Easter parade..palakad lakad ang mga tao and make it a Halloween in Feb. parade…sa New Orleans they have their Mardi Gras..before Ash Wednesday….Ash Wednesday is Feb. 6, so why not do it then…a Mardi Gras in Makati..just a thought…
Rose, ano naman ang connection kung surrounded by Catholic churches and Malacanang? In fact, mas marami pa ngang makikitang fetus sa likod ng convent ng mga madre. Try visiting the convents in the provinces and you will be surprised many unborn or even born babies being buried at the back of the convents. Hindi ito paninira…may katotohanan po iyan. Kung kanino ang mga babies…well, iyan ang hindi ko masagot.
I came to read about Gaius Julius Caesar Augustus Germanicus (better known as CALIGULA) while browsing thru the internet and I cannot help but observe the similarities with our modern-day CALIGLORIA.
The article describes the seamier side of CALIGULA’S reign as caracterized by cruelty, extravagance and sexual perversity, presenting him as an insane tyrant. Hmmmm…sounds familiar.
Furthermore, according to the two chroniclers during that time, Cassius Dio and Suetonios, a financial crisis emerged in the Roman empire because Caligula’s political payments for support, generosity and extravagance had exhausted the state’s treasury. Hmmmmmm….sounds familiar again.
I think that the script being played out by modern-day CALIGLORIA was written by CALIGULA several centuries ago.
Take this for example…writers describe the insane Emperor (CALIGLORIA) as self-absorbed (God wanted her to be President in a dream), angry (at the media and other critical sectors), killed on a whim (extra-judicial killings) and who indulged in too much spending (jetsetting style and junkets abroad in the guise of promoting RP) and sex (ask Linda Montayre). hehehehe
More on CALIGULA…..
Caligula’s actions as Emperor were described as being especially harsh to the Senate, the nobility and the equestrian order. According to Josephus, these actions led to several failed conspiracies against Caligula. Eventually, a successful murder was planned by officers within the Praetorian Guard led by Cassius Chaerea. The plot is described as having been planned by three men, but many in the Senate, army and equestrian order were said to have been informed of it and involved in it.
Is history repeating itself? I’m beginning to get spellbound by the unfolding drama. hehehehe
Should you be interested….http://en.wikipedia.org/wiki/Caligula
I have no doubt that Manila Mayor Fred Lim is a loyal opposition. But what I cannot understand is why he did not allow the farmers to demonstrate at Mendiola. Before and after his reelection as Manila Mayor, Lim promised to open Manila for all who want to express their grievances on political and economic issues. Bakit ngayon pinagbabawalan niya ang mga tao na mag-martsa sa Mendiola? When pressed to give reason, he said he’s just following the intelligence report that these rallyists are destabilizers. Naku po Diyos na mahabagin, ginagamit na ni Lim ngayon ang slogan ng Malacanang. I know the answer why he is not allowing any Mendiola rally. Kasi nang nabaril at napatay ang mga farmers noon na tinawag na “Mendiola Massacre” ay siya ang Hepe ng Manila Police sa pabahon ni Cory. I remember that very well….And that Mendiola massacre remains unresolved until this day…no investigation…no chargers against those trigger-happy cops under Gen. Fred Lim at that time.
Alam mo, Ellen, matagaql ka nang gustong diinin nina siRaulo at mga militar ni Gloria dahil iakw lang ang merong blog na tumitira sa kanila ng deretsahan. At buong mundo ay nakakabasa ng mga comments dito na totoo naman nakakaimpluwensya para mas marami ang dito ay sumulat. Basides, mga ordinaryong tao ang dito sa Ellenville ay nakikilahok kaya tunay na apektado ang mga gunggong na ‘yan!
Ang blog na ito ay para sa paghahanap ng katotohanan at katarungan at hindi para makipaglaro sa kanilang mga ambisyon at interes. Nasasagaan sila ng todo kaya ikaw ang ni-link sa pagtakas ni Caapt. Faeldon na bagaman at nais kong isipin na nakatakas nga ay ngayon ko lang aaminin na mas malamang na hawak nila at wala na!
Gunggong Gonzalez was saying that a security footage shows a lady reported creating destruction to help Capt. Faeldon to escape. Where is the footage? What does it prove e talaga namang magulo at ginulo nina Barias ang sitwasyon sa PEN.
Siguro nga ay may dahilan para matakot ang mga alipores ni Gloriang ito kay Ellen dahil isa siya sa magigiting na journalists na walang awat sa paghanap ng katotohanan at katarungan!
Mabuhay ka, Ellen. Suportado ka namin!
Sabi ni Razon ay identified sa footage and lady reporter escorting Faeldon out of the Manila Peninsula hotel.
Bakit ngayon lang kung matagal na nilang na-ID ang lady reporter? O baka tapos na silang mag-produce nang video na kumuha sila ng babae para mag-double sa character ni Ellen?!
Puro fiction talaga ang pulis at militar ni Gloria!
Chi:
Huwag kang maniwala kay Gunggonzales. I saw all the video clips transmitted from Manila for translation so the TV networks, where I do such job, could use them for the morning, noon and evening news breaks. Kung may ilalabas silang clip, iyong ginawa nila. Hindi naman kataka-taka kasi meron silang outfit to make those propaganda gimmicks.
At saka kung tatakas si Faeldon, bakit naman siya magpapalitrato pa. Hindi naman siya gago para ipabisto ang sarili niya. Para pang ibig ipalabas ni Gunggonzales na para silang Diyos na lahat nakikita. Ang totoo niyan baka pinapatay na nila si aeldon matapos nilang torturin o kunan ng pelikula gaya ng sinasabi niyang video clip. Nakakakulo ng dugo sa totoo lang.
Kagigising ko nga lang kasi pati sa panaginip ko napanaginip ko iyong nanggugulo sa blog ni Ellen at iba pa.
I commented even before Razon was apppointed PNP chief na wala akong tiwala sa tao na ‘yan! Lahat ng tao ni Gloria ay hindi dapat pagkatiwalaan!
He won’t go against the present fake dispensation. Like Asspweron, Gloria is his last hurrah!
rose Says:
Edsa Shrine lang ba ang puedeng lugar? Sa kalye puede naman..just walk slowly..bawal ba ang maglakad sa mahal ng pamasahe..and walking is a good exercise…sa
ROSE, kung maglakad din lang, kailangan me plan B … magdala ng extra pair of shoes.
Yuko,
I don’t believe any of what siRaulo and Razon are saying. Kaya sabi ko ay ipakita sa publiko ang footage na ‘yan!
I just opened my computer ’cause for several hours we had no power due to snow storm. Biglang kumulo ang dugo ko. What our Ellen is suspect daw for aiding Faeldon out of Pen, sabi ng mga gunggong? They are certified lunatics! Isinama nila si Ellen na i-process sa Crame (ba yun?), tapos pagbibintangan! Bullshit!
BB:
Hindi na teritorio ni Lim ang Mendiola. Hindi niya hawak ang military police. Iyong Manila Police din, konti na lang yata ang tunay na pulis, puro sundalo na.
Namimintas pa si Gloria Dorobo sa Burma, e wala namang pinag-iba na ang set-up ng SLORC sa gobyerno ni Dorobo. Ang dapat na sinisibak diyan ay iyong mga lawmakers na hindi tinignan nang makialam si FVR sa pagsasaayos ng civilian set-up na pulis ng military police.
Iyong PNP hindi dapat pinamumunuan ng sundalo dahil sabi nga noong kanong military police, iba daw ang trabaho ng sundalo sa talagang pulis. Ang trabaho daw ng sumdalo ay pumatay ng kaaway hindi panatiliin ang peace and order na trabaho ng mga pulis na iba sa pagpapanatili ng kapayapaan (independence) na trabaho naman ng sundalo.
Sa Japan, sa totoo lang, bawal pumatay ng kahit na kriminal ang mga pulis gaya ng ginagawa ng mga sundalong pulis (daw) sa Pilipinas. Kini-question iyan ng bar association at hustisya dito. Hangga’t maari ay iniiwasan ng pulis ang paggamit ng kanilang mga baril kaya ang daming naimbentong alternative weapons gaya ng mga stun gun para supilin ang mga kriminal lalo na iyong mga gangster dito.
Balita ko iyong ginagawang water interrogation, etc. na brutality na ginagawa ng mga kano sa Iraq, etc. ginagaya ng mga ungas. Iyan kasi ang pinag-aaralan nila sa mga kano. Dapat iyan ang mga bagay na tinitignan ng mga binoboto ng mga pilipino at gawan ng bagong batas para maayos. Hindi sila pinaupo para maghintay nalang ng ipaparte ni Dorobo.
Ano naman ang magagawa noong 3 baril daw e baka katulad iyon ng mga baril na mga guerrilla daw bago dumating si MacArthur na isang kasa, isang putok. Baka hindi pa nga iyong sinasabi nilang, “Ratatatatat” ang tunog ng baril, kundi, “Katsak, boom.” Kaya sinong niloloko ng mga ungas? Kung gusto nilang magpatawa, sumali sila sa moro-moro. Malapit na ang mga piesta sa mga probinsiya.
balweg and kejotee,
another edsa? sana nga, pero baka nahuli na ang tren (o hulihin ang mga nakasakay dun) papunta sa edsa.
sabagay, huli man daw at magaling, maihahabol pa rin.
Inis lang sila kay Ellen dahil maraming nagba-blog dito na mukhang may lakas. Iyong iba tahimik lang pero may nagagawa. Tignan mo nga si Kenney-ng buri mo, hindi na um-attend ng New Year’s toast ni Gloria Dorobo dahil sinabihan sigurong baka lalong wala na silang malokong mga pilipino na magagalit na din sa kanila. Nabasa ang mga pinagsusulat ng mga bloggers dito laban sa pag-aamuyong niya kay Dorobo. Yehey! Anong say ninyo?
Portions of Gerry Baja’s DOS POR DOS, DZMM interview of Ellen. http://www.abante.tonite.ph
“Si Ellen T. ay hindi lamang isang lady reporter kundi isang batikang kolumnista ng Malaya at Abante at maging sa ABS-CBNnews.com.
Pero sa halip na tumiklop at matakot sa mga banta ng PNP, lalong nag-umapoy sa init itong “ale” at hinamon pa si “mamang pulis” na maglabas ng ebidensya at magsampa ng kaukulang kaso.
___
“Gusto lang daw unahan ng mga pulis ang media dahil natunugan nila ang planong pagsasampa ng class suit ng mga taga-media na isinailalim sa “processing” sa Bicutan.
Pabuska pang nagtanong ang batikang kolumnista…“Ano ba naman sila? Dalawang bus ng mga reporter ang inaresto at pinosasan. Tapos ang dapat hulihin, nakatakas. Ano tawag mo doon?”
****
Way to go, Ellen! We’re behind you all the way!
Inquirer online has two stories on Ellen in connection with Capt. Faeldon and the journalists’ class suit against the police:
http://www.inquirer.net/specialfeatures/makatistandoff/view.php?db=1&article=20080119-113373
http://www.inquirer.net/specialfeatures/makatistandoff/view.php?db=1&article=20080118-113303
Ellen,
Pag ikaw ang hinuli nila, magwawala kami sa Tokyo. Tignan lang natin ang publicity na gagawin namin din dito. Walang magagawa ang publicity stunts na ginagawa ni Norberto Gonzales, et al. Hindi nga nakatagal ang publicity agency ni Fatso at Dorobo dito sa totoo lang.
Chi,
Alam ko naman na hindi ka sold-out sa mga bobo. Figure of speech lang nga.
baka naman yong sinasabi ni Razon na “videotape footage” ay yong ginamit nila sa pagtago sa mabahong excena in other words the tape that was used to cover the foot that stunk because of ezcema…at mamahong mabaho..
With today’s hi-tech computer, the video could be faked or altered. Kaya nga ano man ipakita nilang ebidensiya ay puwedeng ma-question anytime sa Korte.
Bb: right you are there! Yang ang nakakainis. Pag sila, di pwede ang videos/taped conversations kung walang prior court approval. Pag sila, pwede?
How many documentary evidences, tapes and videos have the people presented in their charges against GMA government and all these were denied and not accepted? The one that hurt the people most was the Garci tape. Obvious na nga iyon sasabihin pang hindi tunay. Pero itong sinasabi nilang video footage sa Manila Pen, gagamitin nilang ebidensiya laban sa lady reporter na ang tinutukoy si Ellen? Enough is enough. Gising na bayan!
Alam ko na. Ang video footage ni Raul Gonzalez *spliced* o doctored. Diyan sila magaling sa manufactued evidence at pekeng testigos. Remember 2-disc Bunye, the living evidence of fraud and manipulation.
They are trying to remove a very effective supporter of the brave men who continue to stand strong against the Evil Empire. Divide and conquer yan.
Buti na lang both Ellen and Capt. Faeldon are strong people who know when they are being toyed with.
Elementary, Dr. Watson, Ellen has long covered Trillanes and Lims’s people, in short, the Magdalo’s, even tasted their cookings. The SEALs major task is to recover captured elements. And all these were possibly passed on to Ellen’s proverbial prowess. She’s not only a James Bond. Who would be the likely candidate to be suspected of the great escape by Razon, et al from among the press people? I wouldnt point at Webb or Drilon.
Ellen,
Since it’s Edsa 2 season time, it would be good to re-publish here the the Nick Joaquin’s interview with Mike Arroyo on his role in the ouster of Estrada (published in the Philippine Graphic March 5, 2001).
In that interview, Mike Arroyo boasts of how he and his wife effectively hijacked the Philippines and held the Constitution hostage.
Otherwise, the article and the interview with Mike Arroyo verbatim cand be found in http://www.schumey.blogspot.com or in http://www.manilabaywatch.blogspot.com.
Thanks.
I believe every single Philippine blogger should post Arroyo’s narration during Edsa 2 season for ‘posterity.’
Thanks for the links Anna. Wow, the DOROBOS were really smooth operators. No wonder they know how to plug up holes. They are afraid the same coup they did to Erap will be done to them! They deserve not just a coup but something worse than that!!!
Ellen is the target of the military because she is one of the links to the incarcerated officers (Magdalos, Tanay Boys). She has consistently covered the trials and has narrated nothing but the truth about their conditions and treatment. The military would like to completely isolate the incarcerated officers. This is the only obvious reason why Ellen is being harrassed right now.
Ellen, you will not be alone in this fight for the right! There are so many of us who will be behind your genuine quest for the truth. Our fervent prayers are with you! The truth and good will prevail eventually.
Thanks, Anna. Will post it in my blogs likewise. Will ask Schumey to email me a copy so I can post it and make comments on it for future generations of Filipinos to know how these crooks their forebears have voted for tried to make fools of them.
I was never part of the EDSA 2 even when I did not support Erap’s presidential bid because of my religious belief that God does not bless a government dominated by fornicators. However, between Gloria Dorobo and Erap, I would opt for the latter because the truth was he was not robbing from the treasury as there was nothing much to rob then.
I know for a fact that Japan did not want to invite him officially to Japan because Japan did not want to lend him money. It was only when the US invited him to Washington DC that Japan finally set a Japan state visit for him that was actually set for November 2000. It did not materialize because of the impeachment fiasco that Erap stupidly allowed himself to be subjected to, and the rest was history.
Sad to note that Erap seems to have never learned his lesson. Hahanga na sana ako sa kaniya, pero nasira when he agreed to a pardon that actually does not absolve him from the crimes that the Dorobos charged him with. Clemency is nothing but some parole for a felon!
The dorobo should be removed before the US election or before the next president of the US is inaugurated for I bet you she and her minions will try to take make use of that inauguration to justify the raping of the Philippine nation by her, her husband and their minions. She actually tried to legitimize her power grab by timing her own inauguration with the first inauguration of Bush.
Buti na lang hindi kumagat ang foreign media noon. In fact, it was criticized by the media in the US, etc. calling the crowd there as “a mob of elitish Filipinos against a president who had overwhelmingly been elected by the poor, and the coup led by the Dorobos a mockery of democracy.
Gloria’s obsession to stay in power forever brings so much pain on us. Hell! Why was she imposed on us by few “intelligent” people?!!!!
Anna was right. Gloria and Mike Pidal are the first violators of the Consitution and every Pinoy shouldn’t forget that!
klingon Says:
January 19th, 2008 at 12:51 pm
They are trying to remove a very effective supporter of the brave men who continue to stand strong against the Evil Empire.
***
They are really now in panic!
Gloria and her boys have no knowledge of what Ellen T is made of!
They will make Ellen the center of protest! Magisip-isip sila kung meron pa silang natitirang utak!
We all know that “our” very own Ellen is ONE of the DEFENDERS of/for the TRUTH! That she remains steadfast on this Fight despite several “threats,” ONLY shows, this journalist AIN’T FIGHTIN’ FOR NOTHIN’!
We should all RALLY behind her!
TULOY PA RIN ANG LABAN!
Sikat na nga si Ellen, lalo pa nilang pinasisikat. If I have the money to produce a political talk show on TV, gagawin kong host si Ellen. Unang araw pa lang ng programa mataas agad ang rating. I’m thinking of the title like this ET (Etong Tunay).
By the way, does Ellen have a radio program or did she use to have one? I know this Herman Tiu Laurel has one radio program. The two can make a good team.
Blog starts countdown to end of Arroyo term
Are we there yet? For Filipinos counting the days, hours, minutes, down to the last second until President Macapagal-Arroyo finishes her term, this blog’s for you.
“Ang Tagal Naman (It’s taking too long),” was launched by Roby Alampay, a Bangkok-based Filipino journalist and press freedom advocate, last December 1.
The blog site (http://angtagalnaman.blogspot.com) features a clock ticking off the days, hours, minutes, and seconds left till 12 noon of June 30, 2010, the end of Arroyo’s term.
Ano ang basa niyo sa nangyaring special occasion the other night sa Malacanang na dinaluhan ng mga foreign diplomats at mga VIP pero wala ang mga personalities na ito: US Ambassador Kenney, JDV and FVR? Ang isa lang sa mga dumalo si Senate Pres. Manny Villar. Guest of honor in this annual event is GMA of course. Anong significance ang hindi pagdalo ng tatlong VIP na iyon? Amb. Kenney did not even sent a representative and according to the report, she was with two US Senators visiting Mindanao. Si JDV naman hindi pinapunta ang asawang si Gina which he usually did in the past. Si FVR…well, this guy is unpredictable. Magkadikit ang dalawa…FVR and JDV. But what’s interesting is the US Ambassador and FVR’s absence. Has FVR now received the signal from Uncle Sam to dump GMA?
Ellen:
Received a report that the cops are trying to flush out sympathetic media persons. There is no case at all. They are simply fishing. They will try to blame several reporters to discredit them while at the same time making sure that they will be scared enough never to try to help Capt. Faeldon.
This act also drives a wedge between the media and military dissenters. The cops will portray the men as “pahamak” to the journalists.
At the same time, the cops are expecting the media to start pointing fingers at each other. This way the cops will discover which reporters would have the potential to assist rebel soldiers.
Good point and info, klingon. Assuming without admitting that it was Ellen who assisted Faeldon, the PNP knows that it would not be possible without the help of other journalists and people. Si Ellen lang muna ang ginawang scapegoat. PNP is instilling fear on the media as if the media is afraid. Mga ulol…and media nga ang isa sa pinakamatapang profession.
Speaking of persecution of media, not even the most feared of his time Marcos ever treated the media the way this GMA does today. Kahit na si Erap maluwag sa media kaya nga madali siyang binagsak. Perhaps GMA has learned from the two former leaders’ tolerance of media that led to their downfall; so she now makes sure it doesn’t happen to her this time.
True, BB. But there is a way to counteract the PNP’s strategy by simply standing together and standing firm. No finger pointing, no turning on each other, and by continuing to support the likes of the Magdalo and Tanay groups, as well as the enlisted men who followed their honorable officers.
While Ms. Ellen T’s advocacy is laudable, equally, her personal safety should be our concerns as well.
Her last posting was made on Jan 18th @9:55 AM. Is she alright? Update, anybody?
J. Cruz, I’m okay. Have been very busy. That’s all.
Re Klingon’s:”Received a report that the cops are trying to flush out sympathetic media persons. There is no case at all. They are simply fishing.”
Thanks. I think so too. That’s why I dare the PNP to bring out that so called video tape.
GMA: &*%%$$### Razooonnn…Bakit nakatakas si Faeldon!!!
RAZON: Err…Ahhh…Ohhhh…Waaa Ma’am ehhh (sabay lingon kay Barias)…Bakit ba nakatakas?
BARIAS: Medyas sir…Dahil sa medyas sir.
RAZON: Media daw Ma’am. Dahil sa media.
BARIAS: No sir…no sir. Nagsuot ng medyas sa mukha!
RAZON: Errrr Ma’am…nagsuot daw ng ID ng media.
GMA: Ahhhh ganun!!! Sino sa media ang tumulong magpatakas!!!
BARIAS: Sirrr..Burlington ang brand name.
RAZON: Errr Ma’am…Turlington daw ang name.
BARIAS: No sir, no sir… B sir as in Burlington. Not T
RAZON: Ahhhh..errrr…Ma’am T daw not B.
GMA: Ahaaaa!!! Ang Tordesillas na namang yan!!!!
RAZON: Secret pa yan Ma’am. I will review the tapes pa!!
Bariasssss!!!! Produce the tapes!!!!
BARIAS: Patayyyyy! Bulilyaso na naman.
I also notice and am concerned about Ellen’s silence lately. I hope you’re okay, Ellen. By the way, I notice that popular TV personality Pia Hontiveros has added a name to her last name “Pagkalinawan”. If the name is that of her husband’s, why is it only now being included. Siguro maraming may balak na ligawan ang magandang si Pia. Pakiliwanagan lang po ninyo ito…
BB: magdilang angel ka sana na US will put GMA in the dumpster..sa garbage disposal na may grinder pa (incinerator) at itapon sa impierno…anong araw ba ang garbage collection sa bandang Aviles?
Chi: hindi ko maintindihan kung ano ang razon ni avelino na si Ellen ang napili niya..maling mali siya- hindi niya matakot si Ellen…ang sabihin pa nga seguro..”you think you can afraid me? far, far away..” malayo ang Antique at isa pa hindi nila alam kung saan ang Igcorbaza sa binukid kang San Remigio…
bb,
Pia’s husband is Arwin Sta. Ana Pagkalinawan, of class ’88. He’s a member of the PNP, Presidential Anti Crime Commission some time ago, maybe ISAFP now. He used to be my yearling squadmate.
Anna,
I sent you an email. Please share your thoughts.
Sulbatz, okay ang script mo a. Dapat ikaw ang kinukuha nila para naman hindi lang intelligent. Heavy pa with sense of humor.
Hello guys, what are you doing in front of the pc na naman on a perfectly good Saturday night?
Vacation over. Back to the blogs!
Wanted: A Better Scriptwriter…hmmm.
Puwede ba’ng mag-apply? Ia-attach ko yung sample script kong ito: http://www.ellentordesillas.com/?p=1036#comment-181866
Sulbatz: maganda yong script mo! sana mabasa nila…at lalong kukunot ang mukha ni goria..kung sabagay what difference would it make….kunot na nga pala.
BB: nabasa ko a few days ago, the Balikatan Exercises sa Mindanao a joint military endeavor with the US…pero one year lang daw at uuwi na ang mga US soldiers….will they be able to make a difference now in a year which they have not been able to do in many years….what happened to the “military” that were trained before…jabidah ata ang tawag…but maybe you were not born yet at the time..
jug: it is only 12:00 noon here. Bukas na ang resto ni Tongue..sana magluluto na ng “Grilled Liver ala Gloria”…may I leave the room muna…
Oh, I forgot, we have different time zones. I have to say goodnight also, take care everybody.
hi ellen, i sent you an email
But seriously, that threat or “clue” about Miss T is no joking matter. We already know what these beasts are capable of.
I will not be surprised if they say tomorrow some of her soldier-bloggers provided the rusty M16s and ommie-leaning colleagues, the AK. Maybe they’ll also say those affluent ones are funding the Magdalos.
It’s the year of the Rats!
Happy eating, Rose. Baka matutong yung sinaing mo. It’s almost lunchtime.
tongue,
What is really strange for me is the silence of our political leaders in the opposition? Why is it that only the media and elements of the military are taking up this fight?
Jug, ang suwerte naman ng asawa ni Pia Hontiveros. Malinaw ang mata ng comrade mong si Major (?) Pagkalinawan. Still my question is why is it only now that his last name was added to Pia’s name on TV? May dahilan ba? O baka naman nagseselos na itong PNP husband niya. BTW, crush ko si Pia kahit na may pagkataba ng kaunti…malaman naman. Lalong patay kung ngumiti siya…maganda. If she doesn’t smile, she looks like suplada. Mahiyain lang siguro. Anyway, Pia sounds like she’s sympathetic to the opposition…kahit noon pa. She knows lots of things within PNP and AFP.
Rose, tama ang nabasa mo. One year lang daw ang mga GIs sa Pilipinas. One year ang mga nandito pero ibang batch naman ang darating to take their place after one year. Tuloy-tuloy iyan. Hindi nila bibitawan ang Pilipinas at Mindanao. It’s no different when at one time Washington announced to the world that the many US soldiers in Iraq were returning home. Iyon pala tapos na ang duty nila…may pumalit na bagong batch na hindi naman nag-announce ang US.
For instance, 1,000 troops returned home but another new 1,000 or more went to Iraq. Rotation lang ang ginawa..sino ang niloloko nila? Iyan din ang ginagawa at gagawin sa RP.
Sulbatz: Ganda ng script mo. Believable kasi halata namang mga inutil ang nagsasabing si Ellen ang nagpatakas kay Faeldon. Ang daming witness doon, kasama na iyong mga infiltrators at planted ni Assperon, para gawin ni Ellen iyon. Kabado nga ako na baka tino-torture na nila si Faeldon gaya noong nasa pelikulang pinanood ko kahapon, iyong Dekada 70 na based sa tunay na buhay ng mga aktibista noong Martial Law.
Sana hindi naman!
Huwag na ninyong intindihin sina Cayetano, Escudero, et al. Ako nga, noong bago pa sila madeklara, nabisto ko na ang tunay nilang kulay. Muntik akong masuka kasi tinakbo namin sila dito sa Japan. Sising-sisi ako. Dapat talaga sinunod ko ang intuition ko kahit noong bago pa magbotohan lalo na nang makita ko ang litrato ni Escudero na kaabresiete si Dorobo. Nakakasuka! }:[
As I said earlier, it doesn’t matter if indeed it was Ellen who helped Faeldon. Eh ano? If I were her, I would have done the same. Let’s do away with legality and technicality. Sometimes, an act is viewed as wrong and illegal but the act is justified for the greater good. Hindi masama ang tumulong sa isang tao na ang ipinaglalaban ay katarungan at karapatan.
What about Garci, Bolante, Bedol and other Malacanang boys who were assisted by Malacanang in their hiding and escape? Ang tinulungan nila mga demonyo at masasamang tao. Bakit sila puwede at tayo hindi…hindi puwede si Ellen?
Kaso, BB, alam namin natin na humahanap lang sila ng lusot kung papaano ma-frame up si Ellen. Ang dapat natin tiyakin ay hindi nila tinatago si Faeldon at ginawang vegetable na sa bugbog!
Tulog muna ako. Sa Lunes na ulit. Gotta go to church today. Kailangang maging spiritually invigorated. Goodnight! Errrr, good morning na pala! Oyasumi nasai.
jug,
At this point the politicians are playing watch and wait. When Malacañang starts telegraphing its punches, like these talks of another coup, anyone who takes the bait and sticks his neck out is likely to get knocked out cold. Rewind to May 2003, Aug 2003, and Feb 2006.
The Arroyo critics, well, the usual suspects, know this very well by now, but I agree with one blogger here who says only Pimentel and Lacson are perfectly consistent, coup or none, real or imagined. It is unfair to count AT4 out, though, since his peculiar situation doesn’t allow for free access to media but we can be sure he’s of the same mold.
The rest? Nah, they jump in only when everybody else is doing it.
One more thing, may vacation hangover pa rin yung ibang opposition, malaki gastos nung Pasko, kumakayod muna sa kani-kaniyang negosyo. Kaya regarding Escudero and Cayetano, I don’t take it against them.
Meron lang talagang matatapang at meron ding kulang sa tapang.
“When things go wrong as they sometimes will, what will you do?” Tell a lie – esperon
Esperon: we have captured five armed coup plotters last night.
CIDG: we have captured five armed coup plotters in broad day light .
Esperon: We have in our custody the sixth man.
CIDG: Di naming alam yun. Lima lang dinala nyo dito sa opisina.
Adviser (whispering): Una nating hinuli yung sixth man sir.
Esperon: Sixth man nga e! Are we clear? Abogada este abogado ka pa naman diba?
Adviser: Yes sir! problema sir kasi nakalaya na yung dalawa.
Esperon: problema na ni Razon yun. Basta klaro tayo na yung lima ay coup plotters!
Adviser: sir, anong gagawin natin sa sixthman? Di natin nakasuhan. Suspect ba sya or witness?
Esperon: it works both ways. Teka, diba kayo dapat ang mag advise sa akin?
Adviser: sir, mas magaling po kasi kayo. You have a superb intelligence.
Esperon: Anong superb? Mahina nga etong taga-ISAFP e dapat limang baril ang pinakita.
Adviser: I mean sir, superb ang katalinuhan nyo.
Esperon: Ahh ok. Natural, di ako magsi CSAFP kung di ako magaling. You know your politics, Colonelette. Ipo-promote din kita.
Adviser: Thank you sir…(sobbing and wiping his tears of joy)
Esperon: Aha! CSAFP material ka rin pala! Pagretire ko, pahingi ng gas slip ha?!!
SULBATZ:
Ihanda mo yung nakabaon na Tanduay. Marami akong dalang kwento galing sa third floor.
Mang BALWEG:
RE: Sa mga generals ng military ngayon mayroon pa bang isa na decent?
Rose,
Si Gen. Lim, Gen. Miranda & co, na lang ang tunay na idealist at nationalist soldiers natin na galing PMA.
WALA NA!
—————————————
Isali mo raw si Jon Rat. Ayun nagtatampo tuloy.
Zardux,
Dumaan ka rin pala sa 3rd floor. Ang mga tao dun parang walang balak lumisan.
Yung Tanduay ko rito anytime pwede nating buksan pag nadaan ka. Pero yung pulutan natin yung dati pa rin….si gloria martir esperon. hehehe
TonGuE-tWisTeD Says: January 20th, 2008 at 12:18 am
Vacation over. Back to the blogs! Wanted: A Better Scriptwriter…hmmm.
Welcome back, I have heard that the script writers for Mr Bean are getting very worried about the competition from the AFP & PNP.
Kidding aside, I’m really very disappointed by our political leaders in the opposition. They, or at least one of them should have taken the cudgels re electoral fraud of GMA more aggressively (like in the Marcos days). The military for me is very limited in these matters as they can be gagged with EO464 and the articles of war (arrested, and maltreated even) the media can only do so much (but some of them are doing one hell of a job)- where are these leaders who promised so much? This battle is so lopsided really and nobody in the leadership pool seems to care enough to even the playing field.
What can OFWs, concerned bloggers, etc. do that can constitute any impact?
These are dark days indeed, the most we can do is help each other weather the storm, strengthen those who weaken and keep our eyes on the goal. I feel honored to be amongst people who are capable of caring for others, there’s not so many nowadays…
Jug,
You can say that again!
The time has come that all good men are shackled. And our only wish now is to find the right key. There are keys all right, some picklocks, many gridless, others toothless, but all helpless. But one thing very sure, it wont come from elsewhere. I got a rumour. Believe it or not, Esperon will save us from Glory. If other CofS turned around, why couldnt he. This would be the grandest splendor of heroism one can offer his detractors and unposthumously.
Valdemar, tanggalin mo sa utak mo na may silbi pa sa atin itong si asspweron. Ang taong walang sariling paninindigan na katulad niya ay hinding hindi mo maaasahang tutulong pa sa bandang huli. Ginamit pa niya ang mga Tanay Boys para makuha niya ang pwesto niya. What kind of a person or an animal is that? He ate his own men!
He cheated for the DOROBO and to cover up for it he whitewashed the Mayuga report and put the Tanay Boys in jail. Can we still trust this man?
Even in the last days of his term, nagpapakulo pa ng “coup” kuno by using five enlisted men (only one active) with only three rusty guns. Nakakagigil talaga.
I would probably trust the incoming Chief of Staff whoever he would be! Purge all the “Garci Generals” first to purify the AFP. Sobra ng lason si asspweron sa AFP. He needs to go. We need a new blood to lead the AFP. Ito ang mas malaking pagasa natin para sa bayan.
Valdemar does have a point there, BUT something was lost somewhere in translation.
I’ve also heard that Esperon is planning a coup. In fact, we’ve been saying that all along: Esperon will stage a fake coup to ensure he is extended.
wwnl,
Thanks, bro. I took a short vacation in the “Last Frontier” to recharge my batteries. Though swimming in the company of sharks at 45 ft may be stressful, the beauty of sealife does provide a respite from the predators we live with in the concrete jungles.
As for Esperon, etal, giving Mr. Bean’s scriptwriters a run for their money, well, I’m all for it. Brains not needed anyways.
After all, it’s a silent movie, isn’t it?
Huwag ninyong insultuhin si Mr. Bean. Hey, Oxford U grad iyan! I don’t find him funny, though. But then, siguro can’t afford na ring maging funny ang mga Britons dahil sa inflation.
DPhil grad sa Oxford nga, marami nandito sa Japan teaching English na lang dahil nahihirapang maghanap ng trabaho. Tapos may mga dating Japayuki dito trying hard to teach broken English, too, to Japanese! Nangkupo!
Tongue,
Where’s the last frontier? Palawan? Swimming at 45 feet deep? How I envy you!!!
Talk na lang ba na talk? Kailan tayo mag-EDSA? Kailangan magplanong mabuti. Si gloria planong plano niya ang power grab. Dapat gawin ding mabuting plan ang power return to da pipol. Ipaubaya na lang sa CBCP ang magdasal. Ihanda ang mga esmagol at rubber shoes para sa init ng kalsada
Anna,
Korek ka diyan. Parang survival camp yung trip namin. All we had in the boat was fishing gear, bottled water, a few canned food (baka walang mahuli, heheh), medicines (mosquito repellant is a must), no cellphones, no liquor, no gadgets (1 camera tough was sneaked by one lady), a few tents (we avoided the resorts). All the food have to be gathered, fished or hunted.
Matipid na, exciting pa because of the challenge of the possibility of not having anything to eat. But that was easy, lobsters and big fish nga pinagsawaan na e. Palawan pa. Maraming islands na pagpipilian to pitch your tents. We chose one between N. Palawan and Mindoro and another near El Nido. I suggest you try it sometimes. My friends are looking to turn it into a business thing. I’m sure, the diving or snorkeling alone would be worth every cent. Natakot lang kami nung tabihan kami ng boat with armed men in civilian clothes. Turned out, mga sundalo pala, bakit hindi naka uniform?
Anyways, we are planning another one in summer. Sarap!
Naka alis na ba si gory?
Tongue:What a life indeed! there are so many beautiful places in the Phil..sayang nga lang hindi affordable sa karamihan ang magbakasyon and enjoy nature’s beauty..at kung galing naman dito and can afford naman takot umuwi..lalo na ngayon may warning sa mga travellers..
Tongue,
Wow, wow, wow! “But that was easy, lobsters and big fish nga pinagsawaan na e.” My kind of holiday… Must call you one day for tips on where to go when we decide to do that. The children would love it!!!!
My 16 year old son who climbed Mt Kinabalu last August would go anytime….
Tongue,
Re “Natakot lang kami nung tabihan kami ng boat with armed men in civilian clothes. ” Baka hindi tunay na sundalo?
Anyway, if we go on that kind of holiday, I will have no option but to hire or “borrow” security for my peace of mind (for my kids).
Last time we went on a holiday like that in Pinas (1999), I was able to borrow security from SWAG — kids were real toddlers at the time — but don’t know if I can this time around.