Skip to content

May maitim bang balak?

Di ba dapat, kapag ang isang tao ay nanggaling sa isang bingit sa kamatayan na karanasan, parang nagbabagong buhay.

Kung dati ay mapang-api, nagiging mabait at matulungin sa kapwa tao. Kung mahilig manloko, hindi na ginagawa yun. Hindi na pagpayaman ang inaasikaso dahil alam niya na kahit anong oras maari kang mawala sa mundo kaya ang ginagawa mo ay ang mga bagay na nakakabuti sa kapwa tao at ayun mga turo ng Panginoon.

Ngunit, bakit ba hindi ito ang nangyari kay Justice Secretary Raul Gonzalez . Kung ano siya noon, parang ganun pa rin ngayon.

Noong Biyernes, nagpalabas siya nitong advisory sa media: “Please be reminded that your respective companies, networks or organizations may incur criminal liabilities under the law, if anyone of your field reporters, news gatherers, photographers, cameramen and other media practitioners will disobey lawful orders from duly authorized government officers and personnel during emergencies which may lead to collateral damage to properties and civilian casualties in case of authorized police or military operation.”

Alam natin na itong advisory ay may koneksyun sa nangyari noong Nov. 29 sa Manila Peninsula kung saan nagpahayag ni Sen. Antonio Trillanes IV and Brig. Gen. Danilo Lim ng kanilang oposisyon sa mga ma-eskandalong ginawa ni Gloria Arroyo at ng kanyang mga tauhan.

Medyo may katangahan itong advisory ni Gonzalez. Sinasabi niya sa mga miyembro ng media na may pananagutan raw silang kriminal kapag sila ay sumuway sa mga “lawful” order or utos na ayon sa batas.

Sino ba ang hindi nakaka-alam na kapag sumuway ka ng batas, ikaw ay may panagutan. Kahit siguro hindi ka miyembro ng media alam mo yun.Sa akin nga, itong advisory ni Gonzalez ang mali at ito pa ang labag sa batas.

Nakasaad sa Constitution ang kahalagahan ng media. Sa demokrasya importante ang media para ipahiwatig sa mamayan ang katotohanan na nakaka-apekto sa kanilang buhay.

Dahil dito, sinabi ng Constittution na walang batas or order na dapat ipalabas na magsisikil o magharang ng kalayaan sa pamamahayag. Itong order ni Gonzalez ay may layunin na magsisikil ng kalayaan sa pamamahayag. Biruin mo, hindi mo pa nagagawa, pinagbabawalan ka na.

Ito ang labag sa batas, Ito ang unlawful.

Ngayon na binabatikos siya kaliwa’t kanan, sabi ni Gonzalez, reminder lang daw ang sinasabi niyang “advisory.”

Sinasabi niyang obstruction of justice daw dahil nakakaharang daw ang media sa operasyon doon sa Manila Peninsula. Ano ba ang plano nilang gawin doon sa Manila Peninsula na hinarang namin? Bakit noong kinuha ba nila sina Trillanes, Lim at ang kanilang mga kasamahan, hinarang ba namin?

Ngayon kung may ibang balak silang gawin, di dapat ginawa nila. Hindi naman namin sila hharangin. Tingnan lang namin at ireport kung ano ang tunay na nangyari.

Yun ba ang ayaw nila? Ang malaman ng taumbayan ang katotohanan? Sino ngayon ang gustong manloko ng taumbayan? Sino ngayon ang lumalabag sa batas?

Sabi nga ng National Press Club, mukhang naglalatag ang administrasyong Arroyo ng regulasyon na maari nilang gamitin sa mga gagawin nila. Ibig ba sabihin noon may gagawin silang emergency situation sa susunod na mga linggo o buwan?

Published inWeb Links

51 Comments

  1. chi chi

    Raul Gonzalez thought that he has 9 lives, kaya kung ano siya noon ay masahol pa sa ngayon!

    Atras-abante ang pekeng pamunuan na ito ng Enchanted Kingdom, hindi pinag-iiisipan ang tama at mali. Kung ano ang praktis sa itaas ng kareynahan ay iyon din ang praktis ng mga damas at damos. Ito ang patunay ng kasabihang “what’s above, so below” in a negative way!

  2. Brownberry Brownberry

    Bakit ba kamo ganoon din si Raul ngayon after his kidney transplant? The answer is the kidney was not donated by his driver as reported. It was donated by the devil.

  3. balweg balweg

    Chi: Nabasa ko yang issue about Mr. Gonzales, alam mo natawa ako sa aking sarili eh habang binabasa ang balita.

    Nag-uulyanin na itong matanda kasi sign yan ng pabago-bagong desisyon? Aba eh dapat dispatsahin na yan kasi delikado ang Pinas at ang taong-Bayan.

    Hay naku utang na laob nga naman, diba isa yan sa inner circle ng GMA na sumipa ka Erap palabas ng Malacanang.

    So dapat kalampagin yan palabas ng DOJ?

  4. chi chi

    Ang balak ng mga ganid na ito sa kapangyarihan ay kung matatakot at mapapaatras nila ang media ay tutuluyan na nila ang maitim na balak. Afterall, mukhang ang media na lang ang hayagang kumukontra sa kanilang mga maling ginagawa.

    Ang mga lehislatura/ politiko ay busy na nakatuon sa 2010 at kanya-kanyasng interes; ang hukuman ay konti lang ang tunay na hukom na hindi nababayaran; ang militar ay butas-butas; at ang ehekutibo ay fully enchanted!

    Pananakot sa media, iyan ang assignment ngayon ng huklubang Raul!

  5. balweg balweg

    BB/Chi,

    Mukha atang na akimet na naman itong aking mensahe, walang lumabas? Kaninang umaga eh nakapag log-on pa ako pero ngayong gabi eh wala?

  6. xanadu xanadu

    It’s a foregone conclusion na sinapian na ng kademonyohan ang pagiisip nitong si Gone-zales. Sa halip na ilapit ang kalooban sa Maykapal dahil pagkakaroon ng karamdaman, sinukuban na ni satanas kung kaya wala na sa katinuan ang pagiisip. Ang akala siguro ay hindi na mawawala sa kapangyarihan ang kanilang munting demonyitang sinasamba.

    Ang kanilang patuloy na pagyurak sa media ang siyang magpapabagsak sa kanila. Maaaring hindi ngayon ngunit marami pa namang bukas.

  7. Brownberry Brownberry

    O baka naman namatay na iyon dating Raul at itong Raul na ito ay isang clone o impostor? This new Raul from DOJ was created by Malacanang to continue with the evil works. Remember Raul went to China for treatment. With today’s advance medicine, science and technology, they might have created another Raul and brought to the Philippines. Ang lakas pa ng gago. Lalong naging madaldal at salbahe.

  8. chi chi

    I recommend to RaulG Hukluban to take time out from EK and see the Bucket’s list at nang makagawa naman siya ng kahit na katiting na tama bago yumao.

  9. demayumo demayumo

    Chi/BB,

    I’m waiting pa sa aking mensahe (username:balweg), mukhang nagliwaliw sa enchanted kingdom, eh nandito ang issue na dapat pag-usapan.

    Alam nýo si Mr. Gonzales eh nagbabatang isip na at sign ata yang ng nag-uulyanin. Dapat eh sipain na yan palabas ng DOJ, marami ang ipapahamak at magiging katawa-tawa na naman ang Pinas nito eh.

  10. Brownberry Brownberry

    Ask any doctor or medical expert, anyone who undergoes transplant be it heart, kidney or anything doesn’t live long. The average life span for transplant patients is 10 years. Huwag naman sanang 10 years pa mabuhay itong demonyo sa mundo. Puwede na ang isang taon.

  11. chi chi

    Isang taon? BB, ang tagal niyan in terms of Pinas timeline!

    Raul should go, anywhere…basta go na s’ya!

    Nilalaro lang niya ang madlang pipol para tumagal si Gooria sa nakaw na pwesto at siempre ay damay sila!

  12. Brownberry Brownberry

    FYI…did you see the photo on Philippine Star with Noli de Castro hugging the giggling Loren Legarda. They met in one social occasion. I won’t be surprised if it’s Loren-Noli team in 2010.

  13. Brownberry Brownberry

    Chi, kung hindi isang taon…sige na nga…one month na lang. Give Raul the chance to pack his things in his office and transfer all the cases to his successor. Sana huwag na siya abutan ng buhay sa Chinese New Year…to save the Tsinoys from giving him tikoy and lucky money.

  14. rose rose

    God in all His mercy and love for each one of us..will always give us the time to repent and be sorry…pero in the case of this Death of Justice Secretary “loving God” does not seem to be in his agenda…kaya ganyan..pero hindi ba sa Catholic School din siya nag aral? Hindi ba SBC or is it UST? Another failure of a catholic school teaching? Malungkot!
    BB: ang sabi nila ang driver niya nagdonate ng kidney..pero yon ba talagang ipinalit..baka naman hindi nangyari at ang inlagay ay kidney ng halimaw hindi tao..sabi nila kidney ng driver pero with him who knows what the real story was..they are liars..and even till death he will lie still..

  15. Brownberry Brownberry

    I once called DOJ as Department of Jalosjos. Now Rose you call it Death of Justice…he, he. Okay iyan! Immediately after his kidney operation, his driver was shown on TV at sa tingin ko malusog at very healthy. There was no indication that he donated his kidney to his boss. Anyway, it was a kidney transplant…not brain. So, Raul still has the same brain. If he needs brain transplant, I would highly recommend Senator Miriam Santiago’s.

  16. Kayo talaga, BE KIND TO ANIMALS. Raul Gonzales will have his time before St. Peter, as soon as the last worm will affix its signature in his grave. Of course, I’ll understand kung ayaw magmadali yung mga bulate, kahit siguro sila masusuka pag kinain nila si sirRaul Gonzales.

  17. Brownberry Brownberry

    Ang unang kakainin ng mga bulate ang kidney ni Raul…sunod ang utak niya. Ang pinakahuli iyong ari niya kasi supot pa iyan.

  18. Ellen,

    Iyong sinasabi mong nakokonsensiya lalo na kung nasa bingit ng kamatayan ay iyong nasisilawan pa ng liwanag ni Kristo. Otherwise, possessed iyan ng demonyo.

    Imagine the number of expletives, etc., even hatred and other devilish emotions being encouraged by this SiRaulo with every word he utters. Kung hindi iyan kampon ni Satanas, what is?

  19. Brownberry Brownberry

    Kung minsan tuloy kaya walang tiwala ang mga tao sa mga abogado ay dahil magaling silang magpalusot at magpaikot. Take this Raul for example…after being criticized for his announcement threatening the media, now he says it’s just a reminder. Iyan ang isa sa mga abogago ni GMA na nagbibigay ng advice kay babae. That’s why we can see how expert GMA is in making palusot. Ay naku…kailan ba bobombahin ang Malacanang?

  20. Brownberry Brownberry

    And you know what…pagmasdan niyo ang hitsura at mukha ni Raul sa litrato lalo na sa TV…mukhang demonyo. Ang kulang na lang dalawang sungay kompleto na ang hugis Lucifer.

  21. You bet, mas mabigat ang mga responsibilidad ng mga iyan at pihadong hindi matatanggap sa kalangitan.

    But I say unto you, That every idle word that men shall speak, they shall give account thereof in the day of judgment. (Matt. 12: 36)

    BTW, walang passage sa Bible na nagsasabing si San Pedro ang maghuhusga sa mga tao para malaman kung saan sila dapat ilagay, sa langit o impiyerno. Ang keys na hawak ni Peter ay may kinalaman sa saserdotehan (Priesthood). Ingat tayo sa mga idle talks gaya ng ginagawa ni SiRaulo, Gloria Dorobo, et al.

  22. BB,

    Tama ka sa assessment mo sa mga abogado sa Pilipinas at pati na siguro sa Tate, puro liars (not lawyers). Ilan na ang na-meet kong abogado doon na tinuturuan pa ang mga kliyente nilang magsinungaling even when perjury is supposed to be a crime.

    Shock ako nang malaman kong may mga professional perjurers sa Pilipinas. Never heard sa Japan, for instance. Over here, lawyers always tell their clients “to just tell the truth and nothing but the truth” and they work from there. In fact iyan ang isang cultural gap na napansin ko between a Japanese lawyer and his Filipino client.

    Iyong pilipino magtatanong pa kung anong dapat niyang sabihin kahit na sa totoo lang siya lang ang nakakaalam ng ginawa niya. Kaya as an interpreter/translator/paralegal, ang payo ko palagi sa kanila ay magsabi sila ng totoo at bahala ang abogadong mag-apela para sa kanila sa korte para gumaan ang parusa nila.

    Dapat talaga tinuturuan ang mga kabataan na matutong umako ng mga responsibilidad nila, hindi iyong puro kabulastugan at yabang lang ipinapairal.

    Kawawang Pilipinas talaga! Natambakan na ng mga ungas! Iyong mga matitino kasi nagsialisan na!

  23. rose rose

    palitan ang “utak” ni siraulo ng utak ni brenda starr? Double jeopardy yon! siraulo na nga.. palitan mo pa ng umang umang..rolled up into one na ang dalawang anak ng Iloilo .. ay tuluyang ma hilo-hilo na ang mga tao.hindi lang sa Pampanga.

  24. rose rose

    grizzy: you reminded me of what I heard my father would say to his clients…”tell me the truth of what happened and I will study how we get out of it.” as a kid I used to hide under the table sa office so naririnig ko.

  25. rose rose

    nagsasabong ba si siraulo? Sa Feb. 2 fiesta sa Jaro, Iloilo at malakasan ang derby! This is picture I see..siraulo knocks at the door and St. Peter opens the door..”Oh it is you! go down and go to h… there is a bonfire waiting for you!

  26. Sinabi mo pa, Rose. Iyan naman ang dapat na gawin para malaman ang husay ng isang abogado, hindi iyong tuturuan pa ang mga clients nilang baligtarin ang mga pangyayari, which actually does not help reform a criminal.

    Dahil sa ayoko sa mga sinungaling, hindi ako puedeng maging defense lawyer. Kaya tiyaga na lang akong maging paralegal, and if ever I want to get into the legal business full-time, mas gusto kong maging taga-usig (prosecutor) rather than be a defense lawyer.

  27. Brownberry Brownberry

    Without offense to other lawyers many of which are honest, lawyers are called “licensed thieves”. Kung minsan ang isang simpleng kaso gagawing complicated para lumaki at kumita. Law profession used to be a very respected one. Today, they don’t have that good reputation. Look at our politicians…many are lawyers. They are in politics not to make laws but to destroy laws. Dahil mga abogado, nagagawa nilang isingit ang mga batas na pagkakaperahan na hindi alam ng tao. Take this Cong. Lagman for instance…he inserted “pork barrel” in the Bill.

  28. ace ace

    “Without offense to other lawyers many of which are honest, lawyers are called “licensed thieves””-BB

    ” A lawyer is a man who induces two other men to strip for a fight, and then runs away with their clothes”

    There is an exception to the abovementioned quote.

  29. Snoopy Snoopy

    sa survey sa Equalizer blog, he’s the most hated Cabinet official, sheesh!

  30. rose rose

    Maitim na balak!
    Maitim na puso !

  31. BB:

    Bugaw ang tawag namin diyan kay Lagman. Emissary iyan ni Gloria Dorobo y Bugaw sa pagsulong ng mga Japayuki kahit na sinabi na nga ng mga hapon na hindi puwede. Panay ang punta niya dito sa totoo lang. Balita ko bawat punta nila sa Philippine Embassy, humihingi pa doon ng mga pocket money nila para sa pag-gu-good time nila. Nakakarimarim!

  32. Brownberry Brownberry

    # rose Says:

    January 13th, 2008 at 9:51 am

    Maitim na balak!
    Maitim na puso !

    —–Rose, alam mo ba na maitim ang kili-kili at mga singit ni GMA?

  33. obet2 obet2

    sya ang mother of all devil,si r.gonzalez

  34. I still have one reason to respect the man: He is a lot older than me.

  35. atty36252 atty36252

    Kung minsan ang isang simpleng kaso gagawing complicated para lumaki at kumita.
    *************

    Son just passed the bar and starts working for his lawyer Dad. Dad takes a vacation. Son sees an old case folder that looks easy to win, so he files a motion to dismiss.

    Pagbalik ni itay, sabi ni anak, “Tay, yung kaso mong matagal nang pending, napa-dismiss ko na.” Itay says, “Bakit mo pina-dismiss anak? Yan ang pinang-tuition ko sa iyo. Paano na ang kapatid mo?

    Some law firms have “billing quotas.” Kailangang maka-bill ng marami ang aso-shit (associate pala) para umangat from junior ass to senior ass.

    Isang famous lawyer na nakalaban ko, by the page ang singil sa pleading. So kino-quote ang entire opposition namin (several pages) at bawat order ng judge (several pages) para humaba ang kanya, at lumaki ang bayad.

    Of course, there are people like Rene Saquisag and the late Haydee Yorac (siya pa ang nagbabayad ng pamasahe ng dukhang cliente).

  36. Brownberry Brownberry

    How many are like Saguisag and Yoraz these days? Sometimes, we can’t blame these lawyers who work for law firms especially if they are big. Law firms are there for business and profit. These firms have become a business; interested in profits and not interested in making judgments, not interested in providing access to poor people. Sorry Atty, I think lawyers are seen as greedy and unprincipled. In a big law firm, the average lawyer usually puts aside his principle, values, ethics and allow what his good paying client asks him to do. Kaya nakikita natin na ang mga dapat ikulong ay malaya pa…tulad nitong former Gov. Leviste na pumatay sa kanyang tauhan. Self defense daw…silang dalawa lang ang nasa room. Ganoon bang kalakas
    ang loob nitong biktima na hamunin ang kanyang amo at unang bumunot sa kanyang baril? Malabo iyan!

  37. Brownberry Brownberry

    Unlike in the past, being a lawyer these days does not give one the respect and reputation. Many don’t like and even hate lawyers. However, it’s still a profession one that has the potential of earning huge income. It gives the person (lawyer) a certain power, the power of knowing something that people don’t know.

  38. mlm18_corpuz mlm18_corpuz

    naniniwala na yata ako sa kasabihan na ang taong masama ay mahirap mamatay gaya ni gonzales

  39. Brownberry Brownberry

    I agree. Matagal mamatay ang masamang damo. Kaya lang natatamaan din ang mga mababait na taong buhay pa tulad nina Dolphy. Depende na din kung sino ang tao at sinong nagsasabi.
    May nagsasabing kaya namatay agad ng maaga dahil gusto ng Diyos para hindi na gumawa ng mga kasalanan sa kapwa. There are those who say the Lord takes back one’s life because He wants the person to be saved from further sins and sufferings on earth. Ewan ko ba…as I said, it depends. Pero etong si Raul Gunggungzalez, kaya buhay pa kasi si Lucifer iyan na nagkatawang tao.

  40. chi chi

    # Ka Enchong Says:

    January 13th, 2008 at 5:30 pm

    I still have one reason to respect the man: He is a lot older than me.
    ***

    I don’t! It’s because I believe that astrally, we are all of the same age (puro teen-agers, hahaha!), magkakaiba lang ang level of consciousness. Pinakamababang ang level ng mga taga EK!

  41. gusa77 gusa77

    Whoever donate or sold his body parts to the devil are worse than the devil itself.Is it worthed your devilish move extending life of a devil for few million bucks in return, the entire nation would suffer?I could aligned that person who donate his body parts,to the member of JUDAS TRIBES,are the lowest form of animal.

  42. balweg balweg

    Atty36252:

    Nice story! Naka relate ako about your point sa mga abugado natin, di naman lahat pero nakakarami sa kanila eh pera pera lang ang katapat ng kanilang dignidad, ang ibig ko bagang sabihin eh pag nasupalpalan mo ng pera ang OO eh Hindi at ang No eh Yes!

    Tutal napag-uusapan lang natin ito, matanong nga kita….agree ka ba marami talagang sinungaling sa ting abugado like Macoy, Davide, Pun, Jose Pidal, Santos, Macalintal, De Vera, at iba pa.

    Exempted ka rito ha at yong mga magigiting nating abugado ok! Saludo kami sa inyong katapatan sa kapwa-tao.

  43. balweg balweg

    Mlm18_corpuz/Brownberry: Nagkakataon lamang ang bawat pangyayari sa buhay ng isang tao, but still God is a God of forgiveness, bukas ang pintuan ng langit sa lahat ng tao na nag-nanais magbalik loob sa kangyang tahanan.

    Eh si Mr. Gonzales mayroon pa siyang pagkakataon magbalik-loob if he is willing to surrender his life sa Lord, if not so be it!

    Dapat nating tandaan na we are Christ ambassadors, so dapat gampanan nating ang kanyang plano sa ating mga buhay. Di ba sabi Niya “Be Holy for I am Holy! So dapat wag nating sayangin ang pagkakataon na ipinag-kaloob ni Lord sa atin.

    Gamitin natin sa kabutihan at paglilingkod sa ating mga kapwa ang ating kalakasan at biyaya na ipigkatiwala sa ating lahat sapagka’t di atin ito.

    Minsan tayong mabuhay sa mundong ito eh maging makahulugan at puno ng inspirasyon sa mga susunod na lahing Pinoy!

  44. chi chi

    Balweg,

    Napakabait mo. Me, I go with what I feel in the present. I act accordingly. Kaya wala akin iyang pagbabalik-loob ni siRaulo.

  45. rose rose

    Ang pamangkin ko ay gustong gusto mag abogado..natuwa ako dahil kasi siya ang susunod sa lolo niya na isang abogado and we are all proud of our Dad..pero sa ngayon medio nagaalangan na ako..sino ang kikita ng mas malaki na walang risk of malpractice insurance..ang abogado o ang pari? The next time I talk to him magpari na lang siya…at mas malaki pa seguro ang kikitain niya..wala siyang gastos..bayad lahat ng diocese ang bahay, kotse, etc..di maipon niya ang sweldo niya..matawagan na nga siya..

  46. ellen napakabait mo kay __th time bypass sec raul gonzales sa iyong column. kaya niya ginagawa ‘to ay upang i-appoint ni unelected president gloria “tiyanak” arroyo ulit sa sec of DOJ pagkatapos na bypass, na bypass, na bypass. eh siraulo ‘yan si gonzales. eh lalong si arroyo, gloria

  47. balweg balweg

    Nauunawaan kita Chi, ilabas mo yong nararamdaman mo kasi ito ang tunay na laban!

    It’s a part of our caramaderie, kaya iisa lang ang nota ng ating ipinaglalaban.

  48. balweg balweg

    Rose: Ooopppssss! Pag pinigilan mo ang iyong pamangkin eh wala na tayong magiging tapat na abogado niyan. Tuloy lang kasi nga kung yon ang gusto niyang profession at ng makatulong sa bayan at kapwa-tao.

    Mahirap nating ipagkatiwala ang kapalaran ng ating bansang Pilipinas sa mga taong tulad nina Goonzales, Jose Pidal, Santos, Macalintal at marami pang iba.

    Dapat sa ating hanay umusbong ang tunay na nationalismong kaisipan ng mga susunod na lahing Pinoy, at wag doon sa mga corrupt na trapong pulitiko at eletistang ganid sa yaman.

  49. balweg balweg

    Damag46: Kaya pala iba na ang ikinikilos ng matandang Goonzales na yan? Ilang beses nang na bypass eh kargado na yan ng anesthesia. Smile naman, kasi medyo seryoso talaga ang ating tsikahan eh……

    Ibig sabihin eh puro saling pusa lang ang kanilang panunungkulan kasi di naman ito approve ng Kongreso. Kaya nang-iinis ang mga ito?

  50. Diego K. Guerrero Diego K. Guerrero

    Kailangan i-bypass ang utak ni Raul Gonzalez. Barado at maraming kalawang. Siguradong ibasura ng CA ang kanyang appointment bilang DOJ chief. Hangang interim Secretary na lang hangang kamatayan.

Comments are closed, but trackbacks and pingbacks are open.