Ngayon tuliro na rin pati si Press Secretary Ignacio “I have two discs” Bunye kung paano umatras dahil pinuputakte sila ng batikos. Umubra na naman denial king. Inquirer update: Arroyo backpedals on anti-subversion law.
Ito talaga si Gloria Arroyo hindi na alam kung ano ang gagawin para ma-protektahan ang inagaw na kapangyarihan. Ngayon binubuhay ang matagal nang nailibing na anti-subversion law.
Ang anti-subversion law ay ginawa noong 1957 (Republic Act 1700) ng panahon ni Pangulong carlos P. Garcia at pinalitan ni Ferdinand Marcos ng Presidential Decree 7636 para panlaban nya sa Communist Party of the Philippines (CPP).
Sa batas na yun, ilegal ang CPP at kapag miyembro ka, ibig sabihin noon nilabag mo ang batas. Kulong ka. Noong panahon ni Fidel Ramos, inalis na niya ang anti-subversion law at legal na ang CPP. Ang bawal ay ang gumamit ng dahas para itumba ang lehitimong pamahalaan. (Emphasis sa “lehitimo”. Si Gloria Arroyo ay hindi lehitimo na presidente.)
Maganda ang sinabi ni Parañaque representative Roilo Golez na tutol sa pinakabagong plano ng Malacañang. Sabi ni Golez, na dating miyembro ng military, halos buong buhay ni dating pangulong Fidel Ramos, na naging chief ng Philippine Constabulary, ay nakatuon sa pagsugpo ng mga komunista. Ngunit ng naging presidente siya, ang unang ginawa niya ay alisin ang anti-subversion law.
At ang may malaking papel sa paggawa ng batas na pag-repeal ng anti-subversion law ay ang kanyang mapagkatiwalaang aide na si Eduardo Ermita na noon ay congressman na ngayon ay executive secretary ni Gloria Arroyo. Si Gloria Arroyo ay senador noon at bumuto sa pagtanggal ng anti-subversion law.
Ngayon gusto ni Arroyo buhayin ang matagal ng patay na batas. Tanong ni Golez: para saan? Sabi niya nabawasan ng malaki bilang ng mga NPA noong panahon ni Ramos na walang anti-subversion na ginamit.
Sabi ni Golez, “Parang umuulit ang kasaysayan. Ngunit ang ating direksyon ay paurong.”
Sabi pa niya, dapat maintidihan ng lahat na hindi mo maaring ipagbawal ang idolohiya o paniniwala sa isang ideya. Sa demokrasya, Malaya tayong mamili ng mga paniniwala na panindigan mo sa buhay. Hindi bawal yun. Ang bawal ay sapilitang pagpatupad sa pamamagitan ng armas ng isang ideya.
At nakakapagtaka pa na isipin ni Arroyo na ibalik ang anti-subversion law samantalang pinagyayabang niya at ng kanyang Armed Forces Chief na si Hermogenes Esperon na kaunti na lang ang mga New People’s Army, ang sandatahang hukbo ng CPP. Bago raw mag 2010, wala na raw NPA.
Di magaling. O bakit kailangan pa ibalik ang anti-subversion law?
Mukhang may kinalaman ito sa mas matinding panggigipit na kanilang gagawin sa mga ayaw sumunod sa kanila lalo na kapag sinabi na ni Arroyo na manatili siya sa Malacañang lampas ng 2010. Hindi niya tatawagin na martial law ngunit ganoon na rin yun.
Martial Law, anti-subversion law I believe its around the corner unless “the people” stop her.
Lets face it she’s laughing at us, either she’s crazy or we are for letting her drag this nation back 20 plus years.
Other countries around us are marching ahead whilst we are busy going back in time to the Marcus era, why, because if this administration loses control they all pass GO and straight to jail, thats why.
And mr arseperons extension you bet he’s happy because he couldn’t find employment anywhere else – would you employ him!
wwnl,
Wala na tagala sa katinuan ang gobyernong ito. Dapat ang unahin eh para sa ikauunlad ng Bayan, ng sa gayon eh mabawasan ang mga kumakalam na sikmura.
Eh hanggang sa ngayon nga eh di pa nababayaran ng gobyerno ang mga biktima ni Apong Marcos, gusto pa uli nilang madagdagan ang bilang ng human rights victims ni Apo.
Plus yong extrajudicial killings ng Arroyo regime, remember 800+ yon!
Ang duda ko eh si Tabako na naman ang may pakana niyan, ang muling buhayin ang multo ni Macoy upang ipanakot sa mga APING Pinoy.
Palagay ko eh itong si Tabako eh naguguilty sa ginawa niyang pag triydor ka Macoy, di ba top lieutenant at pinsan pa yan.
Mautak yang si Tabako, naghugas kamay lang yan noong EDSA I, dapat kasama yan na naexile sa Hawaii.
Pakatutukan ang issue na ito, baka malansi uli tayo ng mga tuta ni GMA.
BEWARE! Ang Pagbagalik ni Apo Macoy! Sama-sama uli na mag mamigrate sa TaTe di sa bundok ha ang Bagong Kipunero sa oras na buhayin ang Multo ni Macoy.
Tuliro ang rehimeng Arroyo. Hind malaman kung ano ang tama at mali. Urong -sulong o Yo-Yo policy. Ibig sabihin mahina ang pamahalang Arroyo at walang panindigan. Isa lang ang pakay: manatili sa nakaw na kapangyarihan. Bakit? Ayaw magisa o panagutan ang mga kasalan sa bayan kung wala na puesto. Maraming kasong naghihintay para kay Gloria Arroyo at kanyang alipores katulad ni Assperon.
DKG,
In other words, “Praning at Flip na ika mo ang Tita Glo and her minions.”
Yan ang epekto ng pagka-gahaman sa kapangyarihan, ang sarap nga namang sa Palasyo…. buhay reyna.
Laging trip to lakwatsa, nahawa na kay Tabako the MOST traveller head of state.
Dapat kung si GMA eh #1 corrupt, dapat si Tabako #1 konsintidor na Pinoy.
Sayang ang kanyang pinagkatandaan. Wake up Tabako! Withdraw your support to GMA ng matapos ang kalbaryong ito.
Konsintidor si Apo Eddie dahil ayaw maalungkat ang kanyang anomalya noon panahon niya. Akala ko spent force na si Tabako. Matagal ng kinapon ni Gloria.
It does not even qualify as martial law. Its Bully Law. They are hard pressed at looking for the right brew that can immunize them from the repercussion when they leave their posts or sooner if God will only permit. One is to coerce all citizens completely for the success of a chacha or any alternative just to save their hides later. There could be more victims now than those of the Marcos era who wont forget easily the unjustified trauma of this decade.
Napa-praning na si Toyang.Ang pagkakaalam ko sa R.A.1700 tungkol sa batas na ito ay binuo para i- outlaw ang kumusista sa Pilipinas ng pinalitan ni Garcia si Monching.Ginawa ang batas na ito para hulihin ang natitirang HUKBALAHAP na nagtatago pa sa bundok.Ang mga natitirang HUK ay hindi talaga sila mga kumunista,sila iyong tunay na girilya na nakipaglaban sa hapon kasama ng mga sundalo ni Mc Arthur.Ang nangyari kasi iyong mga makapili na TORA-TORA este TURO-TURO ang narecognized girilya dahil sila ang nasa bayan at sila ang naunang nagpalistang girilya kaya nagalit si Taruc.
Ngayon kung bubuhayin ni Toyang itong anti-subversion law na ginawa noong 1957 ng hindi pa ako ipinapanganak,kawawa naman itong mga beterano kuno dito sa America dahil paglanding lang ng eroplano sa Ninoy International Airport ay poposasan na sila ng mga airport police,kaya pala ayaw na ng umuwi ng Pinas itong mga kakuwentuhan ko sa kapihan,mga terrorista pala sila!Pero may lusot na sila dahil mga 70 anyos na sila, huhulihin man sila ang una sigurong tanong ng mga pulis ay hindi na siguro “Sino ang ABB sa inyo?” kundi sino ang 70 years old?
Sino naman kaya ang mga terrorista na naiwan sa Pinas ngayon? Ginawa na ni Ramos na legal ang pangkat ni Ka Roger.Kung ang mga Abu naman ay hindi sila mga terrorista dahil ang ipinaglalaban lang naman nila na bigyan sila ng katahimikang manalampataya kay Allah at igalang ang religion nila kahit bawal sa kanila ang baboy.
Ang analogy ko dito kay Toyang ay pinapagulo talaga niya ang Pilipinas para magkaroon siya ng rason para mag declare ng Martial Law para manatili siya sa puwesto dahil dalawa lamang ang puwedi niyang gawain Cha-Cha at Martial Law.Kaya dapat matuto na ang mga Pilipino na huwag siyang bigyan ng rason ng katulad kay Marcos kaya siya nag declare ng Martial Law dahil inambus daw si Enrile.
Ginawa na nga ni Ramos na legal ang CCP tapos huhulihin sila ngayon ni Gloria.Di ang ibig palang sabihin kung maging presidenti si Sabit ay pwedi pala niyang hulihin si Erap at ipakulong kahit pinardonan na siya ni Toyang.Ganoon ba,kagalang-galang na hukom?
Nakakataw itong si Gloria. Gustong buhayin ang Anti-Subversion Law samantalang ang mga kaliwa ay legal na ang representasyon sa camara.
Ang gusto niyang mangyari ay dakipin lahat ang kalaban at kritiko kahit walang basehan, napakadali nga naman niya iyang magawa kung buhay na muli ang anti-subversion law.
Ngayon pa lang ay dapat ng tumayo at magsisigaw ang mga politiko at grupong laban dito, huwag pabayaan na gaguhin tayo…sobra nang nagmumukhang duwag ang nakararaming pinoy dahil sa kahihintay sa kusang pagbaba ng babeng Pidal na hindi mangyayari kaylanman.
this people in the goverment no are all crazy, from GMA and all her evil minions!!from ermita,the two gonzales,puno, esperon and all others riding with her unpopolarity,GMA and all of them will soon be a history.they keep on blaming the leftist,the reds,the magdalo soldiers,bishop`s and priest,citizen`s of the philippines that go against them and even foreigners who denounced their evil doings agaisnt the humanity as enemy of the state or terrorist, destabilizer.the true enemy is them!!they are the one creating chaos thats why this country does not move on,the real enemy of the people is their wrongdoings their corruption just to stay in power illegally!! this people are so bad playing god as if they are the solution to all the problem we have now,but in truth they are all the one created this problem on us, from lying,stealing corruption and all the extra judicial killings of people who are only wants the truth!! in this time of darkness, we should be one in unity to oust them now or we be to late when we wake up that in the middle of the night we are again in the limbo of 70`s!!
balweg, your right and describe it better as it really is, if I try to write what I really think without using mellow tones I will be moderated for not respecting this blog space, and rightly so – BTW Mello! what happened to that plonker, we are surrounded by idiots.
“Ngayon binubuhay ang matagal nang nailibing na anti-subversion law.” Bringing up Anti-subversion by
whore Gloria’s dogs is nothing but another distraction to to turn the focus away from the Asia Pulse Survey that whore Gloria is the most corrupt illegal president of the Philippines, ever. Also, brown bags breakfast, ZTE-NBN, Northrail, illegal arrest of the media at the Manila Pen, and others crimes she has committed, et al. It’s just another of those whore Gloria’s smart maneuvering, warfare tactic if you will, again opposition are falling for it. Most obviously, whore Gloria doesn’t need the anti-subversion law to help prolong her stay in the whore house, since whore Gloria is already the law. And, I already conceded to the fact the whore Gloria is above the law. She own, at least the majority of the House of Congress, numerous Senators, Justice Dept. and her aces in the hole, the Generals. If you haven’t notice, whore Gloria has been executing her own laws since 2001 the way she has dictated them, rule of law matter not nor the constitution. Opposition need to get up mighty early to beat whore Gloria’s political arsenals. Opposition need to stay focus and not to be distracted of their mission to rid of whore Gloria. Hence, anti-subversion law is nothing but to confuse and amuse the other side or in simple term whore Gloria’s enemies. It’s simple as that. Give whore Gloria credit!
Once again, the only law now is whore Gloria’s laws, until the people said otherwise. So, we better get use to it.
In 2001, when whore Gloria took it upon herself to be above the law, inspite of her oath of affirmation, “I do solemly swear that I will faithfully and conscientiously fulfill my duties, blah, blah, blah…So help me god. Since then, I truly believe whore Gloria is an evil person, liar, cheat, thief and she’ll not stop at nothing with or without the anti-subversion law. If I may add, she didn’t need it before, and why now?
Anti subversion law? Mas gugustuhin ba niya na hindi mo makita ang iyong kalaban? At least kung harap harapan nating makausap ang makakaliwa may chance pa na maayos ang mga gusot na to. Strange, yung mga walang experience sa gyera naghahanap ng gyera, yung mga galing sa gyera naghahanap ng katahimikan.
She’s touting this law to pre-empt any dissenting voices, may basis na ang pagpoposas sa media. At least bumili man lang sila ng desenteng posas, masyadong masakit yung plastic cable ties…
Plastic cable ties are for pigs, and whore Gloria considered iyong manga kalaban niya ay mga baboy. What else could it be.
Opposition need to get up mighty early to beat whore Gloria’s political arsenals.Pareng Tony,Who’s opposition are you referring to? The Tongressman or the senators?
As I notice they are gaged with a million dollars ducktape. The consistency of the true opposition striving for defeating Toyang’s power are silenced by fatty pork. No question exists within their minds. They express no desire for the solutions to the problems, and are waiting for Christ to solve the problems, They are the comedians at which knowledgeable people are laughing. Majority of these paid legislature by Pidal especially the inordinately dumbed-downed ,are too ignorant to distinguish right and wrong, tumataya lang sila ng Sa Puti,Sa Pula. They are all impotent, because they let Toyang rule and the country is under the rule of Toyang’s chosen personalities, a lawful order is whatever Toyang states as an order. If these elected clowns contradict that order, perhaps because they cannot travel to Spain with her or they’ll receive an empty envelope is the only reason. They are all ignorant of how to use legislative powers. A country, that is, its system of governance, is doomed because we as an electorate tolerates the existence of these paid politicians who are so illiterate or otherwise ignorant that they cannot distinguish between a common good of the society effecting the rule of law and not the rule by law ng walang pera.Sabi nga ni Riko “Alaala ng tayo ay mag sheetheart pa,namamasyal sa Luneta ng walang pera”.
Pag binalik yong Anti Subversion law, pauurong nga talaga tayo. To me, law making is like rule making in sports. Noong nag impusi yong mga sports halos walang rules. Pero as time went on, some rules were made to make the game fair. Some rules were repealed or taken out dahil it was not making the game fairer.
Sa tingin ko, bringing back the Anti subversion law will not be good to the country as it will make it hard to present dissenting opinion against a regime that is not doing things right.
Cheating in elections is subverting the will of the people, that the real “Subversion”. So who’s the subsersive?
In De Venecia’s congress it is always the winner takes all and the winner really is the person who finishes with the loudest voice and palakpak. The first thing opposition should do would be to quit their own internally divisive agenda and to unify themselves as one. Efforts to conglomerate and unite various minority factions in society should be the first serious activity that they do.With too much internal strife and politics among the various opposition parties need to bridge the gap .Its time that they got to act together and worked as a team instead of horizontally oppressing each other.
Opposition cannot continue to put their strongest leader alone,it would be better for opposition to get their act together in co-opting good quality talents to formulate possible leader that can credibly stand against Toyang.Take action early on to make up for the anticipated difficulty in the future.If What happens is that even if they do not win, they will start to gain a measure. They need a leader who can speak well, converse well not necessarily like senadorang Sisa or worst than Apostol.Sabi nga ni Erap ng lumaya siya.”Naintindihan ba ninyo ang Inglish ko”. Instead of complaining about the current standards of Toyang’s governance, propose addition measures that may make the current means better. Even if these ideas are stolen and “co-opted” into the winning plan later on. It will be a triumph for attracting the sleeping masses to join. The masses are supposed to fix problems for the people. Quit whining about the issues and start fixing them.If people are tired of million and million dollars of Toyang’s corruption, then the opposition need to do a better job and charge at the same time! Opposition have to work much harder at building credibility as well para mas kapa-kapaniwala kesa kay Cayetano,Especially among an apathetic mass of people, Filipinos are highly educated in practical things; -Matik-Matik, Nursing,lawko and medicine kahit na nagdududa si Hatcher.Isama mo na rin ang mga jeepney drivers, holdapers, drug pushers, kidnappers at snatchers. If only one million warm bodies in the gate of malakanyang,mga kubrador lang ng jueting iyan.
Matud nila ako dili angay
Nga magmanggad sa imong gugma,
Matud nila ikaw dili malipay,
Kai wa akoy bahanding nga kanimo igasa.
Gugmang putli mao day pasalig
Maoy bahanding labaw sa bulawan
Matud nila kaanugan lamang
Sa imong gugma ug parayeg.
Dili maluba kining pagbati
Bisan sa unsa nga katarungan
Kay unsa pay bili ning kinabuhi
Kon sa gugma mo hinikawan
Ingna ko nga dili ka motuo
Sa mga pagtamay kong naangkon
Ingna no nga dili mo kawangon
Damgo ko’g pasalig sa gugma mo.
Anti subversion law? For what? I thought Gloria was prepared to give amnesty to the Reds so what is it for?
Also, the AFP has a well-functionning counter intelligence service that doubles up as counter subversion intel service so why the need for the law?
Or maybe it’s one of the intimidation tactics by Gloria in the wake of the Pen incident to cow the press and the civilian supporters of Trillanes and Lim — but she really didn’t have the intention of going through with the filing of the law.
What she wants is to “confuse the enemy.”
Gloria is due to be kicked out of Malacanang in less than 18 months — even then, I believe it would be a good thing to the best thing to do is to keep pushing her against the wall so she makes mistakes; let her up the ante — and then labo labo na… I do think it’s time the nation did some cleansing act.
Not easy? But nothing ideal comes easy in life…
Just look at the incarcerated officers and the jailed senator Trillanes. Nothing is easy for them but on they labour … it would be more and more difficult if the nation allows Gloria and her bozos to laugh their way to the bank.
Gloria is vindictive? Perhaps, the nation should adopt the same stance and be vindictive, otherwise, they’ll always lose.
Do you really think Gloria gives a rat’s ass whether people like her or not? Then they should return the “compliment” but big time… (The more I think about it, the more I believe Trillanes was right — make life difficult for her — she can’t be there forever, Trillanes has the luxury of youth.)
Not easy? Again, but nothing ideal comes easy in life…
DONATE HANDCUFFS TO THE PNP
Let us donate metal handcuffs to the PNP, wala silang pera pambili ng matinong posas, but give Ellen a key.
“Do you really think Gloria gives a rat’s ass whether people like her or not? Then they should return the “compliment” but big time… (The more I think about it, the more I believe Trillanes was right — make life difficult for her — she can’t be there forever, Trillanes has the luxury of youth.)
Not easy? Again, but nothing ideal comes easy in life…AdeBrux”
Until the discontent that exists in society expresses itself through some kind of organization and mobilization, Gloria and the palace gang will continue to get their way.
And many political observers will conclude that the mass of the population is too ignorant or too timid to stand up to Gloria’s merry and gallivanting ways .Tuloy ang Ligaya ni Gloria!
“DONATE HANDCUFFS TO THE PNP juggernaut”
Seroiusly speaking,I willing to donate a pair of gold-plated handcuffs engraved with this”FOR THE EXCLUSIVE USE ON THE PIDAL COUPLE ONLY.”
Jugg:how can I make this donation?(ps. no keys included)
Ang pangakong kalayaan ng bayan pasimula nuon pang 1907, sa akala ng mga tao ay pagtigil sa pagkaapi nila at pagbalik ng pagkalinga sa kanila na dating gawa ng mga pinuno ng mga baranggay at kabayanan. Ngunit ang kalayaan, sa mga pinuno, ay ang pagyaman o paglaki ng kayamanan nila, sa hindi-nagbagong palakad sa bayan. Sa madaling sabi, ang mga api ay patuloy na naapi. Pilipino nga lamang ang umapi sa kanila, hindi na mga Espanyol
Ipinangako ni Quezon at ni Osmena na pagbubutihin ang Pilipinas.ngunit naging salitang politico lamang nang hindi natupad ang hinayag na social justice program ni Quezon, pati na ang batas na 70 porsiyento ang bahagi ng mga magsasaka sa ani, hindi 50 – 50 na karaniwang gawa nuon sa Gitnaang Luzon. Nakasakit pa ang batas, ang 1933 Rice Share Tenancy Act, dahil nagpilit ang mga tagabukid na tuparin ang batas nuong 1939 at 1940. Sa halip, libu-libo sa kanila ang pinalayas ng mga haciendero at mga cacique.
Si Quezon at Osmena, salungat sa mga pangako nila, ay takot tulungan ang mga hampas-lupa sapagkat nais nilang manatiling pinuno ng bayan. Nuong unang halalan sa Pilipinas nuong 1907 para sa unang Philippine Assembly, ang mga pinayagang lamang bumuto ay ang mga may-ari ng lupa, hindi nakasali ang mga magsasaka at mga manggagawa, karamihan sa mga tao nuon sa Pilipinas. Sa mga sumunod na halalan, ganuon din ang nangyari dahil ginamit ng mga maylupa at mayaman ang kanilang kapangyarihan upang suhulan o pilitin ang mga tao na ihalal sila, gaya ng nangyayari sa mga halalan ngayon. Kaya magkaiba ang pangako nina Quezon at Osmena sa mga tao, kaiba ang pangako sa mga nasa Assembly at nasa pamahalaan. At ang mga pangako nila sa mga politico ang sinunod nila; kung hindi, tiyak na itinawalag sila ng mga iyon mula sa kanilang pamumuno sa pamahalaan.
Anna: says
“Do you really think Gloria gives a rat’s ass whether people like her or not? Then they should return the “compliment” but big time…”
Is One Million considered big time – she would wet her panties – smile.
Kambyo na naman daw si Blinky Tianak. Ilang araw lang ng sabihin niya sa publiko na personal niyang sinusuportahan ang revival ang anti-subversion law, heto si Bunyeta at hindi naman daw, personal daw itong initiative ni Tongressman Solis.
Matapos mabugbog ng sigaw ng publiko na against sa pagbuhay ng malaon ng patay na batas, ayan at umatras daw ang non-president glued to the stolen throne. Tuliro at sira-ulo ang yoyo president? No, sinasadya niya na guluhin ang isip at aksyon ng mga mamamayan!
Atras-abante, ngayon-saka na, Oo-hindi, habang ang mahihirap ay lalong nababaon sa kahirapan. Kusa niyang iniiba-iba ang isyu araw-araw para lang may pag-usapan ang pinoy hanggang sa makalusot ang tunay niyang balak na manatili beyond 2010.
‘Yan bang klaseng lider na yan ang hihintayin pa ng dalawa at kalahating taon, o habang ang bruha ay buhay?!
Cocoy,
“Sa madaling sabi, ang mga api ay patuloy na naapi. Pilipino nga lamang ang umapi sa kanila, hindi na mga Espanyol”
Agree. Kaya ang patuloy na nagpapahirap at nang-aapi sa atin ay si Gloria Arroyo, isa ring pinoy.
Kaya lang ay mas marami yata ngayon ang feel na magpa-api. Iyon namang mga tunay na hirap at api ay walang boses at sinasamantala ng mga hudas na politiko! ‘Yun namang ayaw magpa-api sa hirap ng buhay ay nasa overseas na halos lahat.
Kaya bilib ako at sumusuporta sa mga tulad ni Ellen na nananatili sa sariling bayan at patuloy na lumalaban ng walang takot para sa hustisya at katotohanan.
2008 -12 months
2009 – 12months
2010 – to Jun 30, 2010
Anna that is 30 months. How many more scandals can occur in 30 months? How much more money, will the fat slob swipe?
How much longer can our poor people endure?
Anna: The more I think about it, the more I believe Trillanes was right — make life difficult for her — she can’t be there forever, Trillanes has the luxury of youth.
Yup, hanggang sa muli….
Anti-subversion law? for what?
Ang gusto niyang mangyari ay dakipin lahat ang kalaban at kritiko kahit walang basehan (e.g. AT4,Bgen,Magdalo etc.)pag nabuhay ito. napakadali nga naman niya iyang magawa kung buhay na muli ang anti-subversion law.
Ngayon pa lang ay dapat ng tumayo at magsisigaw ang mga politiko at grupong laban dito, huwag pabayaan na gaguhin tayo…sobra nang nagmumukhang duwag ang nakararaming pinoy dahil sa kahihintay sa kusang pagbaba ng babeng Pidal na hindi mangyayari kaylanman.
I agree with you chi, ito talaga ang motibo ni gloria kaya nya nais ibalik ang batas na ito. Sana hindi mabusalan ng pera ang bibig ng ating mga congressman. Hindi lahat ng pagsuway ay kasalanan, kung ang susuwayin mo naman ay isang maling kautusan.NANANAWAGAN ANG TAONG BAYAN SA LAHAT NG CONGRESSMAN GAWIN PO NINYO KUNG ALIN PO ANG TAMA AT MAKABUBUTI SA LAHAT.WAG PO KAYONG MAGPA DIKTA SA ATING PANGULO KAHIT KAYO PO AY HAINAN NG BAYONG BAYONG NA PERA sa kongreso palang ay patayin na ninyo ang pag aapilang buhayin ang anti-subversion law. ALAM PO BA NINYO KUNG SAAN KAYO MAPUPUNTA KUNG PATULOY PO KAYO SA PAG KAKASALA? Your guess is as good as mine!hehehe
“Mukhang may kinalaman ito sa mas matinding panggigipit na kanilang gagawin sa mga ayaw sumunod sa kanila lalo na kapag sinabi na ni Arroyo na manatili siya sa Malacañang lampas ng 2010. Hindi niya tatawagin na martial law ngunit ganoon na rin yun”
napaka-paranoid namang view yan. kung sabagay, sabi nga ni Andy Grove, ‘only the paranoid survive’
‘only the paranoid survive’
yes. and that’s gloria and her cabals.
but not forever.
“yes. and that’s gloria and her cabals.
but not forever.”
thats the fighting spirit! rah! rah! rah! way to go! forever starts at 12:01 of June 30, 2010, as Mar Roxas or Manny Villar assumes the presidency
if anyone belonging to the blood sucking leeches of gloria happens to win and s(h)it as president come 1 july 2010, i know who shall i shoot first in the head!
“…i know who shall i shoot first in the head!”
start practising
careful man,
Some people here actually have military backgrounds.
juggy,
“careful man,
Some people here actually have military backgrounds”
i know. i hope di mga katulad ni Angie Reyes.
I love your gold-handcuffs idea equalizer. I’ll try to get a proto-type made and maybe spread around pictures of it. It’ll only be gold plated of course, because, judging from the Pidals; they’ll probably steal it if its golden handcuffs. 🙂
kinakalawang na nga yata ang kamay ko. pero kaya ko pang magpatumba ng tumatakbong baboy ramo.
katulad ni angie reyes?
kung katulad siya ni bgen danilo lim na matagal kong kasama sa 1st infantry division sa jolo, maaari pa.
eh, nagkataong malayo ang pagkatao nila sa isa’t isa, kaya hindi mangyayaring mag-ala angge reyes ako. doon na ako sa kilala kong marangal ang pagkatao. at si bgen danilo lim ‘yun!
* (ASIII),
today is the start of the holy pilgrimage here in makkah and madinah, saudi arabia.
eid mubarak!
you should be happy na di ka katulad ni angie reyes. kaya nga sabi ko ‘i hope di katulad ni angie reyes’
* (ASIII),
never will i be like angie reyes who has his balls left in the hands of his wife whenever he goes out and/or make any decision.
i will not surrender my principle to a greedy purpose. he is not supposed to last a second in any place he stands being a judas of modern times.
mula sa dahon dahon 149, 150, 151 at 152 ng aklat na
KASAYSAYAN NG PILIPINAS —
Ang Kasaysayan ng Pilipinas A History of the Philippines
nina
E.Ramos
Maria Salud Del Rosario
Isinalin sa Pilipino ni Arsenia Ibita
PAGPAPASINAYA SA BAGONG PAMAHALAAN
Noong umaga ng ika-15 ng Nobyembre,1935 pinasinayaan sa Maynila ang pamahalaan “Commonwealth.” Mga bukod tanging panauhin na taga-Amerika at mga Pilipinong buhat sa iba’t ibang uri ng kabuhayan ang sumaksi sa pasinayang ito. Pagkatapos basahin ang isang dasal ni Arsobispo Gabriel M. Reyes ng Sebu, nagtalumpati ang Kalihim ng Digmaan Dern na kumakatawan sa Pamahalaan ng Amerika. Pinapurihan niya ang pagsulong ng demokrasya sa ating bansa. Binasa ni Komisyonado Frank Murphy ang pagbati ng Pangulo ng Estados Unidos. Pinangasiwaan ni Hukom Ramon Avanceña ang panunumpa sa tungkulin ni Pangulong Manuel Quezon, Pangalawang Pangulo Sergio Osmeña Sr. at mga kasapi ng pambansang Kapulungan ng Pilipinas.
Ang Pangwakas na bilang ay ang pasinayang talumpati ni Pangulong Manuel Quezon. Ipinangako niya ang mga sumusunod:
pagtatatag ng mahusay at matipid na pamahalaan, paglikha ng katahimikan at kaayusan, paglikha ng malakas at mapagsariling katarungan, kaunlaran sa kabuhayan, panlipunan at katarungang panlipunan, mahusay at mapagsariling Serbisyo Sibil, ibayong pagpapabuti sa pagtuturo, kalusugan, pangangalaga at paggamit ng likas na kayamanan at iba pang mga gawain na magdudulot ng kabutihan sa bansa.
mula sa pahina 150-151
SAMAHAN NG PAMAHALAANG “COMMONWEALTH”
Ayon sa itinatadhana ng Saligang Batas, magkakaroon ng kagawaran ng pamahalaan: ang Batasan, Tagapagpaganap at Pangkatarungan.
…
Ang Pamahalaan ng Estados Unidos ang mamamahala ng ilang kapangyarihan ng batasan ng Pamahalaang “Commonwealth.” Iniulat sa Estados Unidos ang mga batas na pinagtibay sa Kongreso ng “Commonwealth” na may kinalaman sa pananalapi, pagbili at pag-angkat ng mga produkto, at sa pagpasok ng mga dayuhan sa ating bansa, upang pagpasiyahan ng Pangulo ng Estados Unidos.
Ang kapangyarihan ng tagapagpaganap ay nakaatang sa Pangulo ng bansa. Inihalal siya ng taong-bayan sa tungkulin sa loob ng anim na taon. Ang pangalawang pangulo na halal din ng taong bayan ang manunungkulan bilang Pangulo ng bansa kung sakaling mamatay ang Pangulo o di-kakayahang manungkulan.
…
Ang kapangyarihan ng katarungan ay nakaatang sa kataas-taasang Hukuman na binubuo ng Pangulong Mahistrado at sampung mahistrado. Sila ang nagsasabi kung ang batas ay naayon o hindi sa Saligang-batas.
Ang komisyonado ang kumakatawan ng Pamahalaang “Commonwealth” sa Estados Unidos. May karapatang makipagtalo sa Kongreso subali’t walang karapatang bumoto. Siya rin ang gumaganap sa mga gawaing iniutos sa kanya.
Katangi-tanging Nagawa ukol sa Politiko.
Noong ika-30 ng Abril 1937, nagkaroon ng plebisito ukol sa kung ang mga babae ay bibigyan ng karapatang bumoto o hindi. Nakasaad sa ating Saligang-Batas na ang mga babae ay maaari ring bumoto kung sa plebisitong idinaos ay may tatlong daang libong babae ang makaboboto sa nasabing plebesito.
… Mahigit apat na raang libong babae ang bumoto at sumasang-ayon na sila ay bigyang karapatan na bumoto, at ito at ginamit na karapatan sa pagboto noong December 14, 1937.
…Ang National Defense Act ay napagtibay.
Ang Commonwealth Act No.3 ng Pambansang Kapulungan ang nagpababa sa bilang ng mga mahistrado na dating sampu sa pito at lumikha ng Hukuman ng mga Paghahabol. Ang Hukumang Unang Dulugan, Hukumang Pambayan, Hukuman ng Taong-Bayan (People’s Court), “Court of Industrial Relation” at ang Komisyon sa Palingkuran Bayan ay itinatag din ng pagbabatas ng Pambansang Kapulungan.
Sa ilalim ng Pamahalaang “Commonwealth” ang Kagawaran ng Tagapagpaganap ay naging siyam. Ang mga kagawarang ito ay ang sumusunod:
(1) Kagawaran ng Panloob
(Department of Interior)
(2) Kagawaran ng Gawaing Bayan at Pahatiran
(Department of Public Works and Communication)
(3) Kagawaran ng Pananalapi
(Department of Finance)
(4) Kagawaran ng Pagsasaka at Pangangalakal
(Department of Agriculture and Commerce)
(5) Kagawaran ng Katarungan
(Department of Justice)
(6) Kagawaran ng Paggawa
(Department of Labor)
(7) Kagawaran ng Tanggulang Bansa
(Department of National Defense)
(8) Kagawaran ng Pagtuturo
(Department of Education)
(9) Kagawaran ng Kalusugan at Kagalingang-Bayan
(Department of Health and Public Welfare)
May tatlong mahahalagang pagbabago sa Saligang-Batas ang naisakatuparan noong 1940.
(1) Ang Kongreso ay hinati sa dalawang kapulungan — ang Senado o mataas na kapulungan at ang mababang kapulungan.
(2) Ang panunungkulan ng pangulong anim na taon na di maaaring ihalal ay bumaba sa apat na taon na maaaring ihalal muli.
(3) Paglikha sa Komisyon sa Halalan (Commission on Elections)
…Pagpapabuti sa Kabuhayan.(p.152)
Bilang paghahanda sa pagsasarili, ang pamahalaang Commonwealth ay nagsikap upang paunlarin ang kalagayan ng bansa. Nalikha dito ang “National Economic Council” o Pambansang Sangunian sa Kabuhayan na binubuo ng mga tanyag na ekonomista na pinamumunuan ni Manuel Roxas. Sinusuri at pinag-aaralan nito ang pangangalakal, industriya, buwis, at pananalapi at gumagawa ng karampatang tagubilin sa pangulo ng bansa. Dahil sa NEC, binago ang pamamaraan sa pagbabayad ng buwis at naitatag ang NARIC(National Rice and Corn Corp.) – ito ang nangangalaga sa halaga ng bigas at mais.
Naitatag din ang National Coconut Corporation o Nacoco at National Abaca and other Fibers Corporation (Nafco) at Agricultural and Industrial Bank.
Naging maunlad ang bansa sa larangan ng pagmimina. Panglima ang Pilipinas sa daigdig sa pagninima ng ginto.
Ang mga produktong yari sa atin ay pinagbuti upang ang tangkilikin ng taong-bayan.