Skip to content

Ano ang nangyayari sa batas?

Sa ilalim ng ating batas, ang Muntinlupa ay kulungan sa mga nahatulan na may kasalanan. Klaro yan: mga nahatulan.

Sina Sen. Antonio Trillanes, Brig. Gen. Danilo Lim at ang 34 pa ay kinakasuhan pa lamang. Hindi pa nahatulan.

Kaya lang mukha talagang hindi na umu-obra ang batas dito sa Pilipinas sa pamahalaan ng pekeng presidente.

Sabi ng isang blogger sa aking website, si Brownberry: “Kungdadalhin sina Trillanes sa Munti, baka sasali ang mga nakakulong doon sa magdalo. Di, magkakaroon si Trillanes ng batallion na gutom sa laban.

“Tutal wala nang kuwenta ang buhay ng mga bilanggo doon, mabuti na ang mamatay sa magandang ipinaglalaban kesa mabitay.”

* * *

Marami sa ating mga kababayan na kahit malayo sila, sumusubaybay sa nangyayari sa atin sa pamamagitan ng internet. Sabi ni Rey Dominguez na nasa Doha, Qatar:

“Sabi ni Arroyo ay maganda na raw ang takbo ng ating ekonomiya dahil sa pag angat ng piso.Subalit hindi po nararamdaman natin mga ordinaryong mamamayan ang sinasabi nila na itong pag angat ng ekonomiya.Marami pa rin ang walang trabaho, walang makain at walang tirahan.

“Sabi ni Arroyo ay maganda raw itong pag taas ng piso kontra dolyar at bumuti ang ating pang labas na utang sa ibat ibang bansa subalit kaming mga OFW ang kawawa at ang aming mga pamilya.Mabuti pa ang mga Exporter nabigyan nila ng fixed exchange rate sa takot na walang pumasok na investor sa ating bansa subalit kaming mga OFW na nasa 8 milyon ay walang halaga sa ating gobyerno sa bunganga lang kami ng mga trapo na masasabing ” Mga bagong bayani”.

“Sabi ni Arroyo ay mabuti raw itong pag taas ng piso kontra dolyar at bumaba ang utang natin.Subalit saan ba napupunta itong inutang natin sa WBank at sa ibat ibang bansa para sa mga proyekto kuno? Di ba sa bulsa ng mga Putang Inang Pulitiko? Yung proyektong sementadong daan pagkatapos ng ilang buwan ay makikita mo na ulit ang buhangin dahil kulang ang semento.

“Sabi ng mga alipores ni Arroyo, ilegal raw ang ginawa ni Sen. Trillanes at Gen. Lim, subalit ang ginawa nuong 1986 at nuong 2001 ay legal ba?

“Kayong mga nagsasabing mali ang ginawa nila Sen. Trillanes at Gen. Lim, tumingin kayo sa salamin….mabuti pa sila Sen. Trillanes at Gen. Lim may bayag. Kayong mga trapo wala! puro kayo ngawa! Puro kayo batas pero nasaan ang batas?
“Mga pulitiko sabihin nga ninyo sa aming mga Pilipino kung tama yung ginawa nuong 2001,2004 election, yung pag basura ng impeachment, sabihin nga ninyo sa amin na sa Pilipinas ay may umiiral na batas?

“Sa mga taga Opposisyon,.mga oportunista rin kayo wala kayong pinag iba sa mga taga administrasyon.Wait and see lang kayo sa nangyari sa Manila Peninsula at kung nagtagumpay sila Trillanes ay saka kayo lalabas sa inyong mga lungga.

“Sa inyo Sen. Trillanes at Gen. Lim at mga kasama.Iipagpatuloy po lamang ninyo ang inyong adhikain na magising ang puso at damdamin ng mga Pilipinong natutulog.”

Published inWeb Links

60 Comments

  1. Statement of Rep. Roilo Golez:

    The decision on where an unconvicted respondent like Se. Trillanes should be detained depnds on the standard procedure for cases of comparable nature and the need to protect the dignity of a member of Congress.

    Security cannot be the sole consideration especially considering that it would be more difficult to secure the persons of Sen. Trillanes and company in an overcrowded place like the National Bilibid prison than in an AFP of PNP high security detention center.

    A high profile detainee like Trillanes will be in daily danger in Bilibid. Any harm to him would be negative to the government. A closest example is Misuari who was not detained in Muntinlupa but in the same SAF camp in Laguna.

  2. chi chi

    Magdadalawang- isip ngayon ang Unano at Asspweron kung itutuloy ang balak nilang ilipat sa Munti ang grupo nina Sen. Trillanes at Gen. Lim dahil sa obserbasyon ni Brownberry na siya ring tingin ni Tongue. Nagmomonitor ng Ellenville ang mga iyan dahil dito sila nakakakuha ng mga matitinong ideas.

    Siguro ay hindi pa gumagana ang kanilang mga utak para maisip na risky move on their part ang plano re Munti transfer ng mga “rebelde”.

    ***

    Rey Dominguez,

    Yes, tuloy ang laban. Hindi matitinag ang ating suporta kina Sen. Trillanes at Gen. Lim at mga kasama sa patuloy nilang pagkilos upang makamit ang “adhikain na magising ang puso at damdamin ng mga Pilipinong natutulog.”

  3. Batas? Sabi nga ni Alan Paguia noong pang 2001, wala nang “Rule of Law.” Rule lang ng babuyan na ipinaiiral ni piglet Dorobo!

  4. alitaptap alitaptap

    Ano ang nangyayari sa batas
    Laruan in gooria pingaghahampas
    Sa mga ulirang mamamayan
    Tahimik kahit tiyan walang laman.

    Sobra kasi ang bait nitong Trillanes
    Reklamo lang siya kahit na inis na inis
    Sa palakad ng gooriang walang budhi
    Suholan ang mga pulis at military.

    Kawawang bayan kong pilipinas
    Tila sadyang wala ng lunas
    Sa pagyurak ng rule of law
    Lantaran at marahas, walang kuno kuno.

    Mga kabayan pasalamat kayo ke gooria
    Dahil inilantad na kayo ay parang baca
    Walang sikmura na mag-aklas o mag-alsa
    Tinitiis lamang ang dusa at dalita.

  5. balweg balweg

    Mabuhay ang Pilipinas!

    Napakasakit tanggapin ang isang KATOTOHAN na mismo yaong nagpapatupad ng Batas eh siyang violators at dapat ikulong diretso sa Iwahig.

    Ang babaw ng kanilang kaligayahan,at ang bilis namang makalimot nitong mga tusong taong-gobyerno at Pulitikong balingbing. Eh sila dapat ang kasuhayan ng treason at conspiracy sa ginagawa nila kay Pres. Erap at di sina Sen. Trillanes/Gen. Lim and co.

    Nagmamalinis pa sila at lolokohin pa nila ang Masang Pilipino. Kung tutuusin sila ang dapat kasuhan at ikulong sa Iwahig kasama ng mga Militar at Kapulisan na naghudas sa ating Bayan.

    Gusto nilang ituwid ang baluktot na katwiran kasi nga eh may basbas sila kay Cardinal Sin (sumalangit nawa ang kanyang kaluluwa). Pero sino ang kanilang iisahan? Tayong mamamayang Pilipino! We are not born today?

    OO, nasa puder kayo ng kapangyarihan sa ngayon pero maykatapusan din ito at may hangganan, yong KARMA eh naghahantay sa inyong lahat. Matakot kayo sa Diyos, mangagsisi kayo ng inyong mga kasalanan hanggang maypagkakataon pa, kasi nga pagdumating na ang hatol ng Lumikha eh kayo rin. ANG SINUNGALING at UHAW SA KAPANGYARIHAN, ang HELL maluwang at malawak yon.

    Nakukuha nýo pang maglubid ng kasinungalingan, look yourself ang dami nýong institutions at tao ng sinira. Ang kasaysayan ang huhusga sa inyong lahat sapagka’t ang ginawa nýo pagdusta sa ating Inang Bayan at pagpapahirap sa ating Mamamayan eh siyang multo na inyong katatakutan.

    Ang Ginoong Trillanes at Gen. Lim at lahat ng mga Makabayang Katipunero ay instrumento lamang upang tapusin at wakasan na ang ispirutu ng kadiliman na siyang nagpapahirap sa ating Bayan at ugat ng lahat ng katiwalian sa ating Pamahalaan.

    Mabuhay ang lahat ng Mamamayang Pilipino na ang iniisip lamang ay ang kapakanan ng Inang Bayan at pag-unlad ng buhay ng Masang Pinoy.

  6. hawaiianguy hawaiianguy

    Nice alitaptap! Kaya ayaw ko lumipat sa ibang blog dahil mas maganda dito kay Ellen. Iba-ibang klase, hindi lang balitaktakan ng opinyon.

    Balweg: Bakit ganito ang batas sa Pinas? Walang problema sa sistema, nasa pamunuan yan. Tama ka, tanggalin ang mga hudas at itapon sa Bilibid! (Huwag sa Iwahig, kasi madali makatakas dun. Doon, malaya silang maglagalag at magtrabaho, na walang posas.)

  7. balweg balweg

    Ang Munti kong Handog sa Makabagong Katipunero!

    Tibay ng Dibdib, ang inyong puhunan,
    Nagsilbing Inspirasyon sa lahat nating Kababayan.
    Buhay ang alay nitong aping Makabayan,
    Di inalinta, tirgas, tangke at bala sumagupa sa kanila.

    Wag aalihan ng takot, sa mga gahaman sa kapangyarihan,
    Inyong hakbang sa PEN, naging bukas na pintuan.
    Dito nasubok kung sinu-sino ang tapat sa Bayan,
    Hayon, laglagan at onsehan ating natunghayan.

    Kung si Gat. Jose Rizal firing squad hatol sa Kanya,
    Andres Bonifacio itinumba ni Aguinaldo.
    Mga Makapili turo dito turo doon,
    Pagbabalik ni Ninoy Aquino inutas ng mga Sundalong Pilipino.

    Hay naku, pobreng Erap kinuyog ng mga Eletista,
    Kasama ang buong pwersa nina Tita Gloria, Tabako, Civil Society, Cardinal Sin at marami pang iba.
    Di pwedeng estapwera yaong mga balingbing na TRAPO,
    Hayon enjoy sila sa Europa.

    Di pa nagkasya eh planong itapon sa Muntinglupa,
    Senador Trillanes/Gen. Lim at yaong senior citizens pa.
    Di ba may pardon pag-umabot sa idad na 70,
    Kaya dapat exempted sila.

    Batas kuno sa Pinas, eh pwede palang busalan.
    Ang baluktot na katwirah, promosyon ang katapat.
    Yaong tunay at lihitimong ipinaglalaban,
    Pag-inabutan ka ng kamalasan, Muntinglupa ang iyong lalagpakan.

    Ika nga ni Sec. Puno, 7 lives daw ang dalang swerte ni GMA,
    Parang pusa katibay yaong kanyang buhay.
    Korekek kasi nga 7-years na in the making kanyang pamumuno,
    Pinas #1 sa lahat ng kahihiyan.

  8. ipaglaban_mo ipaglaban_mo

    Kabayan Rey Dominguez, tama ka nga, puro “sweet-talk” lang sina Gloria na tinatawag kayong makabagong bayani. Wala naman ginagawa para makatulong sa pag ginhawa ninyo at sa mga pamilya niyo. You all have the same sentiments as I also talk to other pinoys in Qatar 6 months ago. I feel your pain. It sucks that most of our people with balls are either working overseas like you or being detained in jail(Trillanes/Lim,etc)… But we’ll just have to keep fighting the fight, ’til Gloria and her gang is kicked out!

  9. hawaiianguy hawaiianguy

    Wow, pinahanga mo ako Balweg sa iyong tula. Matindi!

  10. balweg balweg

    Good day po hawaiianguy!In layman’s word, ang Batas sa Pinas eh kumpleto naman, pagkaminsan nga nagkakadoble pa. Ang problema sa ating Bayan eh yong mga nagpapatupad nito, kasi nga ang GMA gov’t gagawin ang halat to stay in power.

    Masarap kasi ang nasa Malacanang, makipagjamming ka lang sa kanila for sure may 500T o 1M pesos naka bag pa iyon. Dapat kasi yong mga Kababayan natin ang binabasa eh iyong The Daily Tribune, Malaya at iba pa wag yong partisan na newspapers binobola lang tayo noon.

    Marami tayong magigiting na manunulat at isa na diyan si Maám Ellen, kaya dapat yon ang subaybayan ng taong-Bayan para mamulat sa up-to-date events sa Pinas.

    Niloloko na tayo ng gobyernong ito, kasi nga pinagtatakpan nila ang tunay na issues. Ang dami ng katiwaliang nabunyag pero ano ang resulta, kumontra ka sa kanila eh ipapataw sa iyo ang Batas ng kasinungalingan.

    Look, Sen. Trillanes/Gen. Lim and co. naglakas ng loob upang pamunuan ang inaakala nilang tama, pero ano ang naging resulta sila pa ang napaasama sa mata ng taong-Bayan.

    Eh ang Pinoy kasi, inaapakan na ang karapatan katawa pa. Ang siste nito, reklamo dito reklamo doon, ngakngak ng ngakngak na wala na silang makain at napakahirap daw ng buhay pero mabola lang nitong mga Trapong Pulitiko yong NO eh nagiging YES!

    Pasasaan naman tayo niyan kung ang taong-Bayan eh di magkakaisa, kumpleto tayo ng Batas at napakaganda pa kung ipatutupad ng tama at yong iiral eh Katotohanan lamang.

    Kaya lang, di na natuto ang nakararami nating Kababayan,
    pinaiikot lang tayo ng iilan sa ating lipunan. Dapat wag natin iaasa sa mga TRAPO at Balingbing na pulitiko ang ating kapalaran. Ginagamit lang tayo para sa kanilang personal na kapakinabangan.

    Only in the Philippines, sa halip na umunlad ang Pinas eh paurong ata, kulelat na tayo kasi ang Bangladesh nauungusan na tayo kasi ipinakulong na ang lahat ng corrupt doon.

  11. hawaiianguy hawaiianguy

    Balweg, “Only in the Philippines, sa halip na umunlad ang Pinas eh paurong ata, kulelat na tayo…” Agree ako sayo kaibigan!

    Kaya minsan, hindi garantiya kung saan galing o nag graduate ang ating mga leaders. Nagkaroon nga sila ng degree at karunungan, pero hindi naman natuto na magpakatao. Yung mga trapong iyan ay dapat na palitan ng makabago at makataong lider. Kaya lang ang hirap din kasi turuan ang mga botanteng pinoy. Marami ang pinagbibili ang boto sa mga corrupt,trapo at balimbing. Hindi na nadala. Kaya ito ang resulta, kulelat tayo at paurong pa mandin, dahil pansarili lang ang iniisip ng karamihan sa mga lider na yan.

  12. chi chi

    Ang galing ng mga makata sa Ellenville.

    Ang batas sa Pinas ay pinagbububutas ng luka-lukang Unano!

  13. balweg balweg

    Kabayan ipaglaban_mo! Nakikisimpatya ako about Ka Rey Dominguez opinion, kung nagkataon naging successful sina Sen. Trillanes/Gen. Lim and co. for sure ang unang maliligayahan eh ang mga OFWs, kasi nga bagsak ang dolyar eh ang Piso naman tuloy ang paglakas.

    Almost 100% of our OFWs are affected of this political instability in our country. Ang kaso most of our OFWs ang concern eh ang PISO, no unity among each other wala paki kung sino ang nakaupo sa Malacanang.

    Kung may isang boses lang ang OFWs pwedeng maghalal ng Presidente to lower positions, ang kaso hapi na to send money to their families backhome.

    Ang kapamilya naman sa Pinas, wala lang kasi nga sustentado sila di apektado ng gutom. Unlike our poor Kababayans, ayon sa istadistika eh napakarami ng nagugutom at di na makapag-aral.

    Well, ito ang ipinagmamalaki ng gobyernong GMA, maunlad daw ang Pinas at malakas ang PISO. Eh bakit kabikabila ang pangungutang sa ibang Bansa. Kundi pa nabokya ng World Bank eh hihirit pa.

    Subukan nating tanggalin ang E-Vat at wag magpadala ang OFWs eh baka bangkarote ang Pinas. Masyado kasing maluho ang gobyernong ito, gastos dito gastos doon, puro drawing lang at karamihan iskandalo pa ang kinabagsakan eh.

    Mag-aantay pa ba tayo ng 2010 o magtitiis na lamang dusa? Kung mayroon naman tayong inaakalang solusyon eh dapat magkaisa ang Taong-Bayan at tapusin ang paghihirap na ito.
    Remember, bago nakamit ng America ang tunay na demokrasya, around 200-years na dumanak ng dugo upang makamit ito.

    Dapat ba tayong umabot sa ganitong sitwasyon kung mayroon namang simple at maka-Dios na pamamaraan. Isa Para sa Lahat at Lahat Para sa ISA!

  14. balweg balweg

    God day again Hawaiianguy! Tama ka, di masusukat sa pinag-aralan ang kakayahang mamuno sa ating Bayan.

    Remember, si Hitler isa lamang siyang ordinaryong mensahero in his time pero naging powerful siya at kinatakutan ng mundo.

    Another famous personality, like Saladin and many more ordinary people who became famous and leaders of their owned country.

    Sa Pinas iba diskarte, pera pera lang ang katapat kasi nga eh mayroon na tayong lessons ang dami nito panahon pa ng Kastila, di ba ang bumaril kay Rizal eh sundalong Pinoy di naman Kastila eh.

    Si Bonifacio leader ng Katipunero, inonse naman ni Aguinaldo at nadamay pa ang kapatid nito, Pinoy pa rin. Noong panahon naman ng Hapon, di ba Pinoy pa rin yaong MAKAPILI. Di pa natatapos dito ang istorya, pag-uwi naman sa Pinas ni B. Aquino inupakan naman ng mga Military escort pagbaba sa eroplano.

    Ang siste nito, si Erap eh almost 2-years palang pinagplanuhang e kick-out sa Malacanang, di ba inamin ito ni GMA na some high ranking Military officers ang kakutsaba. Hayon binigyan lahat ng Malacanang ng pwesto.

    Wala ata itong katapusan, sina Senador Trillanes/Gen. Lim naman eh kalaboso after Oakwood mutiny, pero si Honasan nageenjoy naman sa Senado. Ang masakit nito for sure binitawan sa ere ng magwalked out at nanawagan sa PEN, pero walang suportang dumating kasi nga inunahan na sila ni Gen. Esperon, akalain mo tinirgas na, eh maykasunod pang tangke at tinakot pa ng putok ng bala.

    Sino naman ang di susurender nito eh iilan lang ang body guard ng magigiting nating Katipunero at hayon nawanted pa yong nakawig na sundalo.

  15. chi chi

    Balweg,

    Natutuwa akong basahin ang posts mo, nakakalibang. 🙂

  16. hawaiianguy hawaiianguy

    Balweg, OFW ka ba? Saan ka ngayon? Napuna ko na panay ang blog mo dito, tulad namin ni Chi, sa time na tulog pa ang mga kakabayan natin sa pinas. hehehehe!

  17. alitaptap alitaptap

    Ang ang nangyayari sa batas? Pakinggan ang taghoy sa awiting
    Oras na – Coritha
    http://www.youtube.com/watch?v=1nHv5jVe58Q

    May bulong, dinggin mo
    Ihip ng ating panahon
    May sigaw, dinggin mo
    At ubos na ang oras mo

    Oras na, magpasiya
    Kung saan ka pupunta
    Oras na, oras na
    Mag-iba ka ng landas

    Chorus:
    Tayo na sa liwanag
    Ang takot ay nasa isip lamang
    Tama na ang pag-aalinlangan
    Ang takot ay nasa isip lamang

    Kung daa’y di tiyak
    Ang ulo’y laging ligaw
    Damhin mo, damhin mo
    Ang landas ng puso mo …

    Chorus:
    Tayo na sa liwanag
    Ang takot ay nasa isip lamang
    Tama na ang pag-aalinlangan
    Ang takot ay nasa isip lamang

    Dinggin mo, damhin mo
    Ang landas ng puso mo
    Oras na, oras na
    Magbuo ka ng pasiya …

    Chorus:
    Tayo na sa liwanag
    Ang takot ay nasa isip lamang
    Tama na ang pag-aalinlangan
    Ang takot ay nasa isip lamang

    Takot ay nasa isip lamang …

  18. chi chi

    Sabi ni Balweg, panahon pa ng Kastila ay pinoy na ang nagkakanulo sa kapwa pinoy at wala yata itong katapusan.

    Iniisip ko, kung buhay si Ninoy sa mga panahong ito na mas grabe pa kesa noong panahon ni Marcos ang paglamutak at pagbutas sa Konstitusyon at batas ng unanong pretender to the throne, at ang mga traydor sa militar at kapulisan ay nagu-unahan na makasipsip sa babaeng Pidal, ano kaya ang kanyang gagawin?

  19. Brownberry Brownberry

    Who were also there at the Manila Pen? Former Vice President Guingona and the other Bishops. Why were not detained? Because of health and age? Ano ang pagkaiba nila sa mga sundalo…kina Trillanes? Dahil ba sina Guingona at mga matataas na Obispo ay VIP?

  20. cocoy cocoy

    How many revolution in our country have been perpetrated, but with what results? All proved futile ultimately. All revolutions meet with a dismal end because a revolution by it’s nature cannot succeed. The Soviet Revolution of 1917 meet the same fate as other revolutions because although one Czar was dethroned and killed, another install himself in his seat. Only the name changed, as Stalin was no difference than a Czar. Throughout his life-time he became instrumental for the deaths of many million people. The result in revolution only named changed, the same people remain oppress..

    We had an Edsa revolution and sent Marcos in exiled, and it was though after that we would breath in a temporary freedom under Cory’s rule, then Honasan made her crawled under the bed, she thanked uncle sam’s fighter jet, the knight couldn’t gambit the Queen. Yet, now, real freedom is still a distant dreams. When it would fructify is still a misery. Of course! The difference is there. Previously we have a Ver the henchman of the dictator, Now, we have Esperon taken his place.If revolution can change history,it demand an answer to the fact that when we had not tested so much freedom and even oppressed under the corrupt regime of Gloria.What is the reason at all? What went wrong? There was nothing wrong, it was only the matter of fact that in a successful revolution the leaders are always in reign. Without Cory, Gloria is not in power as simple as that.

    So,You want revolution just to replace the person with the same color with a different name,but,the same people to be oppress?

  21. chi chi

    Brownberry,

    For Bishop Labayen, Gloria doesn’t want to fight CBCP head on…talo s’ya.

    For Guingona, I guess you’re right VIP politician s’ya with a son as congressman (tama ba?). Besides, Guingona, a civil society personality, was on her side her when she stole the presidency from Erap. VP pa nga niya, di ba?

    Gloria et al are not as scared of the two mentioned “VIP’s” much as they feared the likes of Trillanes and Gen. Lim who they’ll keep imprisoned as long as the unano enjoys her stolen power.

  22. piping dilat piping dilat

    My impression, after the Manila Pen incident, is that the gov’t expected the people to be demoralized with the actions of Trillanes et al …. and drift towards the gov’t side, the “winning side”… everyone loves a winner, di ba?

    but, it does seem that the public was demoralized not by the actions of Trillanes but by what was not achieved by the actions of Trillanes… yung pag-support sa gov’t na inaasahan ng administration after the incident is merely the standard “lip service” given to them… wala sa puso, ika nga…

    NOt only that… i find it amusing that even Bishop Cruz of Lingayen, in his column, is now short of telling that GMA has to go by whatever means… means that walang ng aasahan sa rule of law sa ilalim ng GMA administration… parang sinasabi nya na sa susunod, planuhin nyong mabuti…

    The gov’t might have won the battle last Thursday, but who won the war?

    Hey Ronnie Puno, are you familiar with the Tet Offensive in 1968, the turning point of the Vietnam war?

  23. Valdemar Valdemar

    Parang itatapon sa dagat ang pagong sa munti. One has to be incarcerated to know its heaven there. The military cant really hold their kind in their own brigs. Anyone can just simply walk out to escape. They must be giving up. But in munti, we have a high end community there that even the keepers cant do anything to us. Thats the unmentioned code. Keep off us. The keepers even let us have every amenety. So whats the fuss. Its an honor for munti to have personalities to serve.

  24. rebelfiancee rebelfiancee

    Galing ng poem ni Balweg.. if only i could visit Sir Sonny, i’ll let him read your poem, but visitors are not allowed sa detention center nila. Four years ago, nothing had changed about Trillanes, he was the same man with dignity and principles. For those who doubts Sen. Trillanes cause, i pity them. Rex Robles said, he is a coup spoiler, an ally of GMA. Common sense! Would someone risk his life and everything he has for the sake of PANDAK? Maybe her alipores will, but not Trillanes. So now, they want to put the Senator and Gen. Lim,et al sa munti? Para iparamdam kina Sen. Trillanes na diyos sila na dapat sambahin? Para ipahiya? You cannot threaten a person who doesnt fear risking his life for his country.

  25. Valdemar Valdemar

    Where there is trouble, business flourish, undergound or otherwise. Business are always vying for a place right in the midst of revolution, civil unrest or war. All trying to compete for favorable ties with the opposing sides. Look at Vietnam then, Nicaragua, Afghanistan, Iraq. So there could never be an economic failure in the Philippines. While our OFWs wallow in their heroics away from home, foreigners are coming in exodus. Chinese, bombay, koreans. All trying to be assimilate with our laws and their loopholes courtesy of our lawmakers, justices and executives and their ommissions and deliberate commissions.

  26. Balweg: Tama ka, di masusukat sa pinag-aralan ang kakayahang mamuno sa ating Bayan.

    *****

    Walang iba doon sa paalala ng nanay ko kapag napapansin niyang nawawalan kami ng modo—May pinag-aralan nga, bastos naman! Sayang! Ganyan si piglet Dorobo! Kung sabagay, nadala lang naman yata ng posisyon ng ama noon kaya nang pumunta sa Tate, hindi umubra. Pero tignan mo ang pagsisinungaling. Kaklase daw niya si Clinton kahit hindi!

  27. florry florry

    Ano ang mangyayari sa batas?
    Madali yan, ano pa kundi ibabasura o kaya tapak-tapakan ni gloria at kaniyang mga alipores. Rule of law, wala na yan sa kanila, kaya sino ang makakapigil sa kanila kung ipatapon si Trillanes-Lim and company sa Munti. Of course ayaw natin na makulong sila (except for a few)sa Munti pero ang mga nagpapairal ng batas ay mga corrupted at mga robot na controlled by push button ni gloria so if gloria says so, the robots will do so. Her wish is their command. Alam nila na may maasahan silang gantimpala, tulad ni De Castro, na nagconvict kay erap, nakaluklok na siya ngayon sa kaniyang trono as associate (in)justice sa supreme court. Not bad as a reward for being injustice and acting as idiot, dumb and following her blindly.

  28. atty36252 atty36252

    Na-promote na pala si Teresita De Castro.

    Asus, sh_t justice.

  29. hawaiianguy hawaiianguy

    Atty: “Na-promote na pala si Teresita De Castro.” Payback time, alam mo na. UP grad din kaya ito?

    That’s the usual politics of self-fortification (by Gloria). Hayyyy! Don’t know how long will this orgy of prostituting the legal system will continue.

  30. piping dilat piping dilat

    Hawaiianguy,

    kaya nga sinasabi ko na hindi pwedeng tanggalin si GMA thru a normal and legal process… useless… by this time, dapat tanggapin na natin na this is a real struggle, it won’t be easy, and she is a genius in perpetuating herself… and there is this probability that it can be an ugly and bloody mess….

    we have to learn how she thinks and how she moves… before acting… we do have an advantage…. we are not visible… she is totally visible… for starters, let her worry a lot when the next blow will come from… she might purge her current inner circle in the process… at least mababawasan pa ang kalaban…

  31. hawaiianguy hawaiianguy

    PSB: “…she is a genius in perpetuating herself.” You’re damned right. What’s her PhD, or those brilliant minds around her for? Surely, not for ek-ekomics, but for that sole purpose. She has to, that’s the way to escape the wrath of the people. Watch out for 2010 and beyond. She may still be the pest that people want to get rid of.

  32. hawaiianguy hawaiianguy

    Oooops, sori. PD pala. Hirap kasi tandaan nitong mga handles ng bloggers dito.

  33. chi chi

    Rebelfiancee,

    “So now, they want to put the Senator and Gen. Lim,et al sa munti? Para iparamdam kina Sen. Trillanes na diyos sila na dapat sambahin? Para ipahiya? You cannot threaten a person who doesnt fear risking his life for his country.”

    Well said.

  34. chi chi

    # atty36252 Says:

    December 6th, 2007 at 11:13 am

    Na-promote na pala si Teresita De Castro.

    Asus, sh_t justice.
    ***

    Heheheh! Galing ng Asus, sh_it justice, nakuha ang full na kabayaran!

  35. chi chi

    HW,

    Re: Watch out for 2010 and beyond. She may still be the pest that people want to get rid of.

    Malamang na ang mga politikong naghihintay ng 2010 ang mag-coup laban sa unano, hahah!

  36. laoco laoco

    Hirap ng batas dyan sa pinas pag nagkudeta o nag withdraw ng support sa govt. pag di nanalo kulong ang mga nagwithdraw pero kung panalo gaya ng ginawa nila gloria “pandak’ arroyo ok lang. Tapos dahil sa di nagwagi ang pagaaklas nila Sen. Trillanes at Gen. Lim and co. kaya sila ikukulong sa muntinlupa. Walang hiya talaga si pandak arroyo at ang mga alipores nya dahil ba sa sila ang nasa poder kaya ginagawa nila yan sa mga kalaban nila. Alam nyo ba na lahat na mga kakilala ko dito sa US galit na galit sila kay pandak arroyo. Ano nga kaya ang nangyari sa mga kalaban ni pandak arroyo nung thurs. bakit di sila nag show up sa manila pen parang ugali na yata kasi ng mga pulitiko dyan sa pinas na kung di pa nila nakikita na dumadami ang tao na sumasama di pa pupunta ang mga tarantadong mga pulitiko dyan sa pinas especially the opposition. play safe din lagi yang mga tarantadong mga opposition. Kaya minsan si Gen. Lim lang talaga yata ang nagmamahal sa bayan kasi talagang sinakrepisyo na nya talaga ang career nya kung di sya nagwithdraw ng support kay pandak arroyo im sure 2 star general na yan ganon di si col. Ariel querubin general na siguro sya kung di nya ginawa yung feb. marine standoff. Pero saludo ako sa 2 magigiting na sundalo na sina Gen. Lim at Col. Querubin di nila inisip ang career nila at ang pamilya nila.Sana lahat ng sundalo ay may kagaya nila. Alam ko maraming mga sundalo ang sumusuporta sa kanila. Ang mga loyal lang naman na sundalo kay pandak arroyo ay yung mga sipsip na karamihan ay mga generals na gaya nila assperon,deputy chief of staff, army chief, navy chief,airforce chief,marine commandant, pnp chief,at yung tarantadong sinungaling na si Lt. Col. Bacarro.pasensya na di ko alam yung mga name nila.Yan ang mga sipsip talga kay gloria pandak arroyo. Sana sa susunod na may mag withdraw ng support sana lahat ng mga nagko comment dito pumunta sana para sumuporta at di lang comment ng comment dito para naman may mangyari rin sa minamahal nating bansang PILIPINAS.

  37. cg_pinas cg_pinas

    Ayaw konang maghangad na may “Rule of Law” ang Pilipinas habang na kaupo ang Peking Presidente, siya nga dinaya nya ang Presidential Election para manatili sa puwesto. Kaya hindi siya takot sa batas, gumawa sila ng sarili nilang batas dahil sila ang nasa itaas. Walang makapag paalis sa kanila kundi TAYO MGA TUNAY na PILIPINO nagmahal sa ating bayan.

    Kahit anong gawin nyo na isalang sila sa ating batas, tawanan lang kayo ng mga demonyong politiko. Kaya masmaganda iligpit ang mga hayop na POLITOKO para hindi na maulit at mag umpisa sa malinis na paraan. Patayin ang may kasalan sa ating batas kung hindi, walang mangyari sa PILIPINAS. Kaya marami sa amin umalis na lang ng pilipinas at makipag sa palaran dito sa ibang bansa para mabigyan ng magandang buhay ang aming pamilya. Dahil wala kaming maasahan sa GOVERNO ng ating bayan.

    Sana kung ako masusunod, BITAY ang eh hatul kay GLORIA dahil batas natin ay hindi ni respito at siya ang nagtaksil sa ating batas sa pamamagitan ng PANDARAYA sa Election.

    Maraming nagsabi give her a chance to govern the country. ANO ANG NAKITA NYO SA PAMAMAHALA NYA? WALA dahil simula palang niloko nya kayo, nilaroan lang nya tayo. Hindi na siya na takot kahit kanino kahit sa dios ay hindi na siya takot. Dahil hawak nila ang batas sa kanilang KAMAY.

    SANA MAY TUNAY NA BATAS…. at dapat IBITAY ang mangdaya sa ELECTION dahil dyan nagsimula ang KAHIRAPAN NG ATING BAYAN at mga PILIPINO.

    TULOY ANG LABAN!!!

    CGE

  38. ipaglaban_mo ipaglaban_mo

    Go balweg! Go balweg! Go balweg! 🙂 You’re the new pride of the north; if you are from the north? Ilocos or Cordillera region, perhaps?

  39. pangasar pangasar

    mang-aasar lang po! tabi tabi po!

    fake ang presidente? e di wala ngang batas, anong batas ang hinahanap mo ellen?

    teka, anong batas naman ba ang nagsasabi na ‘convicted’ lang ang pwede sa munti…tila may katangahan yata dun.

    again, nang aasar lang po.

    maikling tula lang po.

    ANG TALUNAN, BOW, ANG TALUNAN, KAHIT KAILAN AY TALUNAN. BOW!

    Tita ellen, palitan mo na kaya ang tawag sa ellenville, pwede TALUNANVILLE.

    nangaasar lang po hrrrrrrrrrrrrrrrrrrr

  40. pangasar pangasar

    eto pang-asar kay guingona:

    from alex magno’s article today (uyyy galit agad sila mabasa lang ang pangalan ni alex), anyway –

    He marched with Trillanes down Makati Avenue as the latter called on baffled pedestrians to join his revolution, like a street hawker trying to peddle some piece of junk. He sat beside Trillanes and Danny Lim as they called on the people to rise up and support their leadership. He remained with the duo as they barricaded themselves — mostly with media people — to resist police efforts to recover the hotel.

    Now Guingona wants us to believe he had no idea what was happening, that he was merely an innocent bystander caught up in the swirl of events. That is exactly his legal defense against charges of rebellion.

    Given his advanced age, that might be believable. But given his recent political stunts, that claim can only be swallowed with a mountain of salt.

    YUN, MAGKASING SINUNGALING SI GLORIA AT SI GUINGONA HAHAHAHAHA PAREHONG TALO HAHAHAHAHA

  41. balweg balweg

    Shalom mga Ka bloggers! Good day to all of you!

    Ang bagong news today, “Ang Pinas daw eh top 10 uli sa buong mundo”. Nagpapatunay lang na puro kahihiyan ang rehimeng GMA, akalain nýo tumanggap ng plaque of appreciation para sa Human Rights mula Espanya, inay ko po! Paano na yong judicial killings at top 1 ang record ng kanyang gobyerno about human rights abuses.

    Pera pera lang talaga ang labanan ngayon, kaya nga inilaglag sina Sen. Trillanes/Gen. Lim sayang talaga.

    I supported him during his candidacy, at still i believe in his fight for freedom and changes in our gov’t. He is a new promising leaders of our generation, at dapat yong mga TRAPO eh we need to kick them out from politics at mag join na lang sila sa showbiz tutal mayayaman na silang lahat.

    It’s time now to reflect our shortcomings at ituwid natin yong mali at baluktot na katwiran. We need to join hand side by side para di tayo apihin ng mga gahamang pulitiko.

    Matuto tayong tumanggap ng pagkatalo sapagka’t dito umuusbong ang bagong liwanag ng pag-asa. Wag natin iasa sa kanila ang kinabukasan ng ating mga anak, dapat kumilos tayo ayon sa ating kakayahan upang magtagumpay tayo sa labang ito.

    Ano ang magagawa ng pera kung nagkakaisa ang Sambayanang Pilipino. Dapat ang Masang Pinoy ang tanging pag-asa ng ating Bayan.

    Wag tayong padaya sa kanilang matatamis na pangako, na puro napapako. Pagkatapos kasi ng eleksyon eh di na tayo kilala ng mga iyan.

  42. balweg balweg

    Shalom Hawaiianguy!

    Good evening! Naitanong mo kung saan ako ngayon eh? Sinusubaybayan ko kasi ang writesup ni Maám Ellen sa Malaya at Abante. Inspired ako sa kanyang mga issues eh.

    Kaya heto i tried to join in her blog site. Well, tulad nýo nina Chi solo ko ang oras to join in our discussion sa blog ni Maám Ellen.

    Masyado kasi tayong apektado ng gov’t GMA, our concerns sa Pinas eh sobra talaga. Kaya kahit papaano sa pamamagitan ng Blog na ito eh maiparating natin sa ating mga Mahal na Kababayan ang pagmamahal natin sa ating Bayan.

  43. chi chi

    Balweg,

    Ibigay na ng European kings and queens ang lahat ng awards kay unano, wa ako paki. Afterall, si Gloria naman ang queen ng human rights abuses/killings at si Mike naman ang hari ng komisyon sa Pinas.

    Sino pa kayang hari at reyna ng Europa ang susunod sa kagaguhan ng hari at reyna ng Espeyn? Pare-pareho na silang reyna at hari ng kabalbalan!

  44. balweg balweg

    Chi,
    Maykasunod pa ata iyon, kasi nga punta pa sila UK pero daan muna sa London bridge eh yaks.

    Hay naku STAR na naman si Bansot eh, dahil sa news today pang 10 ang Pinas na naman sa kahihiyan. Posibleng maka-hirit uli pagdating ng UK kasi Pounds ang pera doon.

  45. balweg balweg

    Pangasar,

    Ok! It’s free of charge, basta ikaw. Kaya dapat bumusina ka kasi baka mayroong masagasan eh UMARAY!

  46. chi chi

    Balweg,

    Pounds kamo?! Ala e mutata ang mata ni Mike at Gloria niyan! Gaano kaya kalalim ang bulsa ng kanilang coats?

    ***

    Anna,

    Tingin-tingin ka sa paligid mo, bantayan ang mga kamay ng magnanakaws, baka walang matira sa korona ng Royalties diyan.

  47. balweg balweg

    Utang na loob yon, Atty36252, isa-isahin natin para maliwanag ito:-
    1) Kitam naman si Davide over-age na naging representante pa sa UN, ang dahilan siya ang nagpanumpa kay GMA para maging lihitimo ang pekeng Presidente.
    2) Chief Justice Puno – nasa Kataas-taasan Korte Suprema ng dahil sa constractive resignation ayon sa diary ni Erap.
    3) Gen. Esperon – Chief ng AFP, dahil sa GARCI tape.
    4) Former Pres. Tabako – tuloy ang ligaya sa pagbiyahe sa ibang bansa. No. #1 sa kabibiyahe eh.

    Hay naku ang dami nila kaya inis-talo talaga, parang suntok sa buwan kung magtatangka kang e kick-out yan sa Malacanang.
    Kita mo, tirgas, tangke at panakot na putok ng bala lang ang katapat sa PEN.

    Kaya nangatakot ang silent majority na dapat sumumporta kina Sen. Trillanes/Gen. Lim and co. Paano po naman, SWAT ang itinapat full battlegear pa, ang siste nito ang back-up nila Senador at General eh mabibilang mo lang sa daliri at hayon na wanted pa ang nagpangap na nakawig, tsismis pa eh bata day ni Mayor Binay.

    Pang showbiz di ba, ONLY in the PHILIPPINES! Ang masakit nito, nagsisisihan na po ang lahat ng mga Kinauukulan, kanya-kanya ng patutsada, eh binitawan naman nila sa ERE ang mga pobre.

    Charge to experience! NEXT time around. Dapat high tech na ang style ng laban, wag puro papogi points sa media.

  48. balweg balweg

    Chi,

    For sure,malaki ang palit ng Pounds, with “s” kasi dahil sangdamakmak ang dami nito.

    Antayin natin pag-uwi ng Pinas bida na naman sila, kwento dito pa press doon na malaki na namang investment ang nakuha nila sa trip na yon.

    Yon namang mga Hunyango na kasama ni GMA at Jose Pidal eh nag-enjoy kasi winter doon may snow eh.

  49. chi chi

    Balweg,

    Baka kamo pati snow ay isaksak sa bulsa nila, heheheh!

  50. luzviminda luzviminda

    Baka ang balak ng PNP ay IPATIRA o IPAPATAY si Trillanes sa mga bayarang assassin sa loob ng MUNTI prison. PIKON na pikon na kasi sila kay Trillanes, ang magiting at matapang na naninindigan na maalis ang sobrang corrupt na Gloria na patuloy na nagpapahirap sa bayang Pilipino!

  51. balweg balweg

    laoco,

    Kung sa mga taga-US based Pinoy, eh sagad ang galit nýo kay Tita GLO atleast may green card kayo di ba.

    Pero ang masakit sa mga OFWs, naonse at inilaglag sina Sen. Trillanes/Gen. Lim. Maraming BAKIT?????? ang naglalaro sa isipan ng nakararaming Pinoy. Di ba ayon sa estadistika 2 out of 3 ng mga Pinoy eh nais patalsikin si GMA. Pero ano ang nangyari?

    SIMPLE arithmitic lang mga Pre! Ayaw nilang maging Presidente si Hon. Trillanes, kasi nga ingit sila sa Charisma ng bagitong Senador.

    Natakot sa Junta? Kasi sa Thailand at Bangladesh kick-out lahat ang mga TRAPO at hayon naghihimas ng rehas sa kulungan.

    Dapat ang mga young idealist Military and Police force eh palitan lahat yang mga opisyales nila na tainted na sa intriga.

    Kapit-tuko kasi nandiyan ang pera, sino ba sa mga Heneral natin ang mahirap… kung iisa-isahin natin eh doon sa Ayala Alabang nakatira at exclusive subdivision pa ang iba.

    Magkano ba ang kanilang take-home pay every month? Ang mga Pulitiko natin halos nagsiyaman, ang big question nito eh saan naman nila kinuha ito from the beginning.

    Totoo na karamihan sa kanila eh nagsiyaman sa panahon ni Marcos, at alam nýo ba na lahat ng Senador ay millioness ang pero pati na karamihan sa Tongressman, except si Waykurat naka bisikleta lang pagpasok sa Kongreso.

  52. luzviminda luzviminda

    Patunay na malaki ang takot ng pekeng gobyerno ni Gloria kay Trillanes kaya gusto nilang sa Munti ikulong at palaging overkill ang mga operations. Patunay din na HINDI hawak ng CORRUPT GENERALS at Gloria ang buong KASUNDALUHAN kaya mga PNP ang laging ginagamit!!!! Maski hindi nagtagumpay itong huling kilos, ay halatang masyadong nang inaalon ang barko ni Gloria at malapit ng tumaob!!!!!

  53. balweg balweg

    Chi,
    Posible kasi mabigat ang pangangailangan ng mga iyan,
    yaks pati ba naman snow eh pagdidiskitahan pa.

  54. chi chi

    luzviminda Says:

    December 6th, 2007 at 11:49 pm

    Baka ang balak ng PNP ay IPATIRA o IPAPATAY si Trillanes sa mga bayarang assassin sa loob ng MUNTI prison.
    ***

    Luz,

    Naniniwala ako na safe si Trillanes kahit saan dalhin maliban kung ipapapatay ni Gloria at Ass.

    Di nga ba at kaya natyopi si Nerissa ay dahil sinabi ng isang heneral sa cabinet meeting nila na “isang preso’ lang ang katapat ni Romela? Madali nila iyang gawin.

    Tama ka, dahil tumataob na ang barko ni Gloria, pwede niyang ipatira ang batang Senador para magmukhang panalo na naman s’ya.

  55. balweg balweg

    Luzviminda,

    Ang tsismis eh pwedeng magkatoto! Pero ibang usapan na ito, pagnangyari ang maitim nilang plano, yan ang multo na kanilang katatakutan.

  56. balweg balweg

    SAAN TAYO PATUTUNGO BAYANG API!

    Lugmok sa dusa, ang Lupang sinisinta.
    Sakit ng kalingkingan, patuloy na nadarama.
    Naghuhumiyaw na puso, ibagsak si Ate GLO.
    Pero ang tibay nitong Katoto.

    Rebellion case, ikinasao sa mga Pobreng Katipunero.
    Ng dahil sa PEN, dagdag kaso ito.
    Tibay ng loob, naghahari sa puso ng mga Katoto.
    Sa iyo GMA ang NGAYON, subali’t amin ang bukas.

    Maraming Trillanes at Gen. Lim ang muling babangon.
    Upang ipagpatuloy, ang tunay na laban.
    Ibagsak at patalsikin ang utak ng korapsyon.
    Ng matigil na, Ang paghihirap ng Bayan.

    Itoý panawagan, sa lahat ng mga Kinauukulan.
    Magkapit-bisig tayo, upang masimulan ang laban.
    Pagbabago sa ating Lipunan,linisin lahat ang anay ng Pamahalaan.

    Wag matatakot sa dikta ng bala.
    Buhay ay ilaan para sa kinabukasan ng Kabataan.
    Ito ang hibik ng pusong API, pagbabago ngayon na.
    Ano pa ang inaantay ng mga Katoto.

    Ang mga balimbing na TRAPO, o Tongresman na pahirap sa Bayan.
    Hay naku wag na lang, pwede pa si Boy Abunda.
    Updated ka sa showbiz intriga.

  57. balweg balweg

    Rebelfiancee’

    Thanks! Ingit lang sila kina Sen. Trillanes/Gen. Lim and co., sayang nga dapat napasama sina Col. Querubin at Gen. Miranda.

    Subukan nilang ikulong sa MUNTI, pagnakataon ang mga prisoners doon eh maging kabig nila. Armas na lang ang kulang pwede nang ilaban.

    Let’s see and wait, buryong na kasi ang gobyerno, isang tambak kasi ang problema at intriga na kinasasangkutan nila.

    Ang tanging pag-asa na lamanng ni GMA eh si Tabako at De Venicia. Sa oras na kumalas ang mga ito for sure bitbit nila ang militar, kaya bye bye na Tita Glo.

  58. Valdemar Valdemar

    Our rule of law is lifted from the influence of big brother, the US. Look at what is happening around the world. Lets start with what rule the US used to crack Iraq. Its bullying law. Thats what is happening to us here.

  59. sen sonny trillanes, gen lim…….ipagpatuloy ninyo ang inyong adhikain para sa bayan. alam namin dito sa america lalo na dito sa california ay naniniwala na balang araw ay mapatalsik din ninyo si gloria “unelected president”. kami ay nasa panig ninyo sapagkat kayo ang puso at damdamin ng bayan. MABUHAY KA SEN TRILLANES, MABUHAY KA GEN LIM AT MGA KASAMAHAN NILA.

  60. Brownberry Brownberry

    Ang sagot ko sa “Anong nangyayari sa batas?”: Anong batas ang meroon sa Pilipinas sa ilalim ng pekeng pangulong ito? Wala. Kung meroon man, may para sa mayaman at malalakas, may para naman as mahirap at kalaban sa pulitika. Sen. Trillanes like Erap submitted themselves to the jurisdiction of the court. But what happened and what did they do to them? Could we blame them if they resorted to different means even if it might look illegal and wrong to some? Kung ako ang tatanungin niyo, mas masahol pa ang gagawin ko. Trillanes group should have held that arrogant Gen. Barias hostage. Hindi sana ipinagtaboy kundi kaladkarin sa loob at tutukan ng baril sa ulo. Then, it would have been a different scenario.

Comments are closed, but trackbacks and pingbacks are open.