Sana mapanood ng aking mga kababayan doon sa Antique ang nangyari kay Marilou Ranario at hindi na sila makukumahog papuntahin ang mga anak nilang babae sa Middle East para pumasok na domestic helper.
Si Marilou ay 33-taong gulang Pinay na nakakulong sa Kuwait dahil sa pagpatay ng kanyang amo. Nagawa ni marilou ang krimen dahil siya ay minamaltrato, hindi binabayaran ng kanyang suweldo at gusto pang ibenta siya ibang lalaki.
Si Marilou ay titser na taga Surigao del Norte at may dalawang anak. Katulad ng marami sa ating mga kababayan, kahirapan ang tumulak sa kanya mamasukan sa Kuwai noong 2003.
Nangyari ang krimen noong 2005 at nahatulan siya ng kamatayan ng mababang korte. Noong Martes, pinatibay ng Korte Suprema ng Kuwait ang hatol. Ang makasalba lamang kay Marilou ay ang Emir. Mag-aapela raw si Arroyo sa Emir. Dapat lang, ano. Ang pera ng mga OFW ang bumubuhay ng kanyang bulok na administrasyon.
Sa hirap talaga ng buhay ngayon dito sa atin (hindi ko talaga feel ang ganda ng ekonomiya na pinagyayabang ni Arroyo) , kapit sa patalim ang ating mga kababayan.
Ang pamangkin ng aming katiwala sa probinsya ay katatapos lang sa kursong education ngunit hindi nakapasa sa exam para maging titser. Ngayon naga-apply para magiging domestic helper sa Middle East.
Paano kasi naman itong mga eskwelahan doon sa probinsya, lalo pa ang mga state colleges, ang hina-hina talaga ng pagtuturo. Kawawa naman ang mga mahihirap na estudyante na nag-aaral para naman magkakaroon ng kurso. Hindi naman maganda ang pagtuturo at wala facilities ang eskwelahan. Hindi nakakakita ng computer ang mga estudyante. Kaya marami sa mga graduates walang natutunan. Pagkuha ng national exam, bagsak.
Marami rin sa nakakapasa ay hindi rin nagkakaroon ng trabaho dahil wala raw hiring dahil walang pera ang gobyerno. Samantalang lalong dumadami ang mga mag-aaral.
Sa aming mga kapitbahay sa probinsya, dalawa ang katatapos lang ng kursong education na walang trabaho. Pinapayuhan ko sila na magpursige sa propesyon nakanilang pinag-aralan at huwag pumunta sa ibang bansa para mag-domestic helper lalo na sa Middle East.
Sabi ko sa kanila, sayang naman ang inyong pinag-aralan para maging titser kung papasok lang pala kayong domestic helper. Kung yun lang naman ang gusto nyo di dapat hindi na kayo nagtiyaga ng apat na taon sa kolehiyo.
Ang hindi maganda kasi sa atin ngayon lalo na sa probinsya, parang status symbol ang may anak sa “abroad” at may dolyar na tinatanggap. Hindi nila masyado iniisip na delikado ang lagay ng mga babaeng domestic helper sa Middle East. O ang iba naman, hindi talaga nila naiisip kasi hindi naman nila alam kung ano ang Middle East.
Maraming kaso ang katulad kay Marilou Ranario. At madadagdagan pa yan habang tumitindi ang kahirapan sa bansa.
Ellen, Marilou’s case is a common occurence amongst our domestic helpers abroad. The only reason most of them do not report the incidents of abuse is because of fear that they will be sent home to the Philippines which has a worse scenario for the-seeing their family starve to detah or simply get old uneducated! So, most of them would simply live with the realities they are in. Marilou is just one of those who could no longer bear the pain and she may have just defended herself.
Ano ba naman ito, kung hindi nagpapakamatay dahil sa gutom at karalitaan (bata man o matanda) sa ating bansa, inaabuso, nakukulong at namamatay ang mga Pilipino sa ibang bansa! We read these always in the news and yet this tiyanak says we have “tremendous economic gains”!
Not too long ago I read that the drop out rate in school for the children of the OFWs are rising. Yes, it may be true that money flows to their families. Although this may be partly true because before the OFWs leave the country they would have spent $ 5000 for their fees not even including their fare. Before they recoup this amount, they would have to work for a year to pay off this debt. Most of them borrowed at very high interest rates( 5/6) or mortgaged their real estate properties at very high interest rates. Most of the employment contracts would last only for two years. Domestic helpers may not even have these contracts so they can be kicked out at anytime if the employers are not happy.
Our OFWs are fighting the harsh realities out of the country becuase they do not have any choice-ither atarve or get abused somewhere else by foreigners. There may be a few lucky ones but the number of abused OFWs are rising.
In the first world countries, when the citizens see us Fi Our reputation of having the best nurses also have given us the reputation of having the most number of exported domestic helpers. Even in the early and mid 80s when I used to go to Hongkong quite a few times a year, domestic helpers were in the parks on Sundays in huge numbers! Since then, we produced more of them. Majority of these “helpers” are educated, even college graduates but for lack of employment opportunities in our country, they have to go someplace.
Correction: have no choice-either to starve or get abused somewhere.
Per Ellen,
Marami rin sa nakakapasa ay hindi rin nagkakaroon ng trabaho dahil wala raw hiring dahil walang pera ang gobyerno. Samantalang lalong dumadami ang mga mag-aaral.
Sa akin ay…
Kung tutuusin ay may pera ang gobyerno natin kaso nga lang ay nakukurakot ng mag asawang arrovo kasama na ang mga galamay nila. Kung matino lang ang gobyerno natin ay marami sigurong mga professional na tao ang hindi magbabakasakali sa ibang bansa. Hindi rin natin masisisi sila dahil nga ang gobyerno natin ay MABAHO pa sa kanal ang kanilang pamamalakad. Ni wala ka ng sigurong maasahan kahit saan sangay ng gobyerno. Kurakot dito kurakot doon ang alam nila. nandiyan ang head ng EDUCATION (Neri) ay isa pang sinungaling at pinag tatakpan ang amo niya.
May hiring pero depende kung saan ka graduweyt. Ewan ko lang kung hanggang ngayon tinatanong kung saan ka graduweyt pag nag-apply ka ng trabaho. Ewan ko lang kung hanggang ngayon e bawal pumasok sa mall kung naka-tsinelas ka lang. Ewan ko lang kung may katabaan ka kung titigilan ka ng jeepning pampasahero. Ah ewan ko ….
Tungkol sa walang kwentang state universities, matagal nang nabinbin ang proposal na bawasan ito upang maiconcentrate ang resources sa talagang magagaling lang. Produkto kasi ang mga ito ng patronage politics kung saan ang mga sipsip na kongresman o gobernador ay nabibigyan ng pondo upang magtayo ng State U sa pangalan ng tatay o lolo nila. Pagkatapos ay wala nang pondo para sa maintenance at operation. Kinukurakot lang.
Kung aasahan si Gloria at ang kanyang mga alipores na walang inatupag kundi ang mga paper bags na puno ng kwarta, talagang walang mangyayari.
Sa halip na Education, Home Management Technology (mas glorified pakinggan kesa DH) skills na lang ang ituro, makakatipid pa ng tatlo’t kalahating taong gastusin sa bawat state scholar. Sa ganoon, ang mga graduates ay ituturing na “Home Managers” at hindi housemaids pagdating sa ibang bansa. Mas propesyunal ang dating, mas malaki ang sahod. Tuluyan nang ipagbawal ang Domestic Help export.
Hindi naman puwedeng ikumpara ang mga DH natin katulad ng mga Pakistani, Indyano, na murang tumanggap pero baboy sa bahay. Ang mga Pinay, tutor pa nga ng mga bata.
Malaking magagawa ng gobyerno para gamitin pabor sa mga Pilipino ang ating mahusay na pagkalinga sa mga among banyaga. Kailangang maprotektahan sila at mabigyan ng matibay na sandigan kung sakaling maabuso. Pero habang naririnig mo ang mga kwento gaya ng kay Mrivera, ito’y mananatiling pantasya lamang sa ilalim ng rehimeng gahaman.
Nasa atin na rin siguro ang problema, kumikilos lang tayo pag merong Flor Contemplacion o Marilou Ranario na nanganganib, iaasa pa natin sa inutil na gobyerno ni Gloria. Panahon na upang ang milyun-milyong mga OFWs ay magkaisa at ipakita sa buong mundo ang puwersa ng nagkakaisang samahan. Isang dolyar kada buwan kada OFW, sapat na upang magawan ng solusyon sa gaya ng problema ni Ranario.
Pag lumago ang pondong iyan, pwede nang “bumili” ng matinong pangulo ng Pilipinas!
Matagal nang na ang petition sa internet (http://www.petitiononline.com/marilou/petition.html)to free Marilou Ranario but sad to say, sa oras na sinusulat ko ito, 1512 pa lamang ang nakapirma. Mabuti pa noong magkampanya para sumbatan ang producers ng Desperate Housewives’ dahil sa kanilang racial slur on Fil-American medical professionals, ang bilis at ang dami na kaagad nakiisa hanggang nag-apologize ang ABC. Palibhasa at mga professionals at may mga kaya na sa buhay ang apektado, matindi ang kampanya nila ngunit karamihan naman sa pumirma sa petition ay mga OFWs. Isa na tayo.
Pero ngayon ay isang buhay ng ating kababayan ang nakataya. Isang pobreng OFW ang nalalapit na bitayin, isang ina ang kikitlan ng buhay na ang kasalanan ay maging mahirap kaya nangibang bansa upang suportahan ang pamilya. Nakakalungkot ngunit hindi masyadong dinadala ng media. Kulang sa suporta. Hindi na rin nakakapagtaka na tahimik si goria. Mabuti at muling inungkat ni Ellen ang kaso ni Marilou Ranario sa pitak na ito. Malamang ay may mga bloggers dito na nakapirma na sa petition ngunit kailangan pang antigin natin ang damdamin noong iba.
Si Marilou Renario ay titser at may dalawang anak.Kahirapan ang nagtulak sa kanya para maging OFW.—Tanong ko nasaan ang asawa ni Marilou at bakit hindi siya ang mag OFW at magbanat ng buto?–Kaya nga napapahamak ang mga kababayan natin dahil sa katangahan.Palagay ko naman bago umalis ng Pinas si Marilou ay nag seminar muna siya kung ano ang dapat at hindi dapat gawin,palagay ko naman ay naipaliwanag sa kanya ang kultura at batas na pupuntahan niya,at palagay ko naman ay ipinaliwanag din sa kanya kung saan kukuntak sa oras ng kagipitan.Ipagpalagay na natin na hindi siya sinusuwelduhan,bakit pa siya nagtatrabaho at hindi siya umalis,kung ang katwiran niya ay hindi siya makaalis dahil ikinukulong siya ng amo niya,Hindi na ba mapapagod ang amo niya sa kababantay sa kanya at hindi na matutulog?Kahit na nga batang musmos kung laging inaabuso ay gumagawa sila ng paraan para maglayas.
Kaya nga bago maglabas ng anak sa mundo ay isipin muna kung ano ang magiging buhay nila,hindi iyong sige ng sige at bahala na,dahil habang buhay pasanin iyan.Naghihirap ka na nga ay dadagdagan mo pa.Hindi ba katangahan iyan? Hanggat hindi matutong magkontrol ang tao ay hindi maaalis ang problema.
Cocoy,
Mahirap mag salita ng hindi natin alam kung ano ang punot dulot ng kanilang kahirapan at kung bakit siya ang umalis at mag hanap ng trabaho sa ibang bansa. Hindi natin alam kung ang asawa niya ay may natapos ba or isa lang mag sasaka. Ngayon ay makaka alis ka lang kung mayroon kang background sa pag aaral yata. Isa iyan sa mga hinahanap ng mga employer sa ibang bansa. Hindi naman KATANGAHAN siguro kaya siya nag kaganyan. May mga dahilan kaya bago tayo mag husga sa ibang tao ay alamin natin kung bakit nag kaganito sila. Madaling sabihin na bakit hindi niyang magawang makatakas sa amo niyang sadista. OO hindi nga siya nababantayn 24 hours a day pero malay mo baka naka posas naman siya. Kaya bago tayo mag husga ay alamin muna natin.
Ako ay hindi ko masisisi ang mga taong nag iibang bansa para makakain man lang ang pamilya nila ng masarap. Dito ba ay ano ang ginagawa ng Gobyerno natin. Bago natin sisisihin ang mga naging biktima ay dapat natin kalampagin ang sariling GOBYERNO natin. Sila ang may kasalanan ng lahat. Puro na lang nakaw ang alam nila.
Hindi katangahan ang nangyari sa kanya. Minalas lang siya at sadista ang nakuha niyang employer.
Sa atin ay dumadami ang mga nag tatapos na walang makuhang trabaho. Ano ang gagawin nila kundi mag bakasali sa ibang bansa diba.
Inu ulit ko na hindi katangahan ang nagawa ng mga nabiktima sa ibang bansa.
Ang isa pa dapat natin pagtunguhan ng pansin ay ang mga recruitment agencies na dapat alam nila or sinasala nila ang magiging employer ng kababayan natin. Dapat ay alam nila ang background ng pamilya or opisina na mapapasukan. Sabagay minsan ay may record na ang ibang employer na hindi maganda pero itong mga gahaman na agencies ay doon pa rin nila itutulak ang mga kababayan natin dahil sa pera na ibabayad sa kanila. Isa iyan na dapat matuwid at kung masusunod lang itong guide ay magiging maganda rin ang kinabukasan ng mga kababayan natin sa Middle East. Kahit papaano ay mababawasan ang mga Marilou.
Isa pang problema ay ang embahada natin na hindi 100% ang tulong sa kanila. Iyan ang madalas kong marinig sa OFW natin. Mga inutil rin. Kung hindi ma newspaper ay hindi kikilos.
COCOY,
Ang seminar ibig sabihin gumastos ka na sa documents mo, wala na atrasan. Totoong malinaw ang nakasaad alituntunin sa seminar pero iba ang situasyon kapag nasa job site ka na, hindi mo alam ang geographic nito, culture shock, pasigaw magsalita sila gayong normal lamang sa kanila yun, hiwalay sa pagkain at bedroom ang anak na babae at lalake, sa isang compound may 3 erected houses kung 3 wives ang lalake, 3-4meters ang taas ng perimeter fence digital lock ang gate, bihira ang condominium nakatira ang mayayaman dito, ang cellphone dapat nakaregister lahat ng usual contact mo, kukunin sa iyo ang passport at papalitan ng “iqama” (booklet type expat i.d.). malayo at malapad ang kalye at bihira ang taong naglalakad dito, maraming bastos mga kabataan pipinahan ka bigla ng kotse O yayain ka na parang pick-up girl ng may katandaan na, sa downtown area mismo lang maraming tao, swerte kung dito malapit ang bahay ng amo mo, di pwedeng sumakay sa public bus na panlalake ang babae, ganon din sa restaurant separado both sexes. Delikado ang taxi kapag ikawy mag-isa kahit isa kang lalake lalot maputi ang iyong balat kahit may bigote at sideburn ka pa dyan! Tandaan eto ang lugar ng salinlahi ng sodom & gomurrah.
TANONG: paano kung kinuha sa iyo ang iyong phonebook? ang saudi arabia ay impyerno!!! dapat skilled worker lamang ang ipadala dito ipagbawal ang DH dahil talagang subject for sexual abuse abutin mo! kung mabait ang among lalake, may mga bisitang pamangkin, pinsan na lalake, at kadalasan yun ang suspect, paano na? kung ang sahod ng DH ay SR1,000/month, ang taxi fare papuntang embassy ay SR100 imagine mo ba? mura ang gasolina sa saudi pero mahal ang pamasahe! Mahabang storya kung tipahin ko pa!
skilled workers may sariling buses hatid sundo pati during day off friday hatid papuntang downtown or hospital or embassy at may klarong contrata.
VONJOVI2,
inutil na kung inutil ang embahada natin, nagalit si kabayanriyadh@yahoo sa akin dahil sa sinabi ko kabulukan na gawain ng ilan mismo sa loob ng embahada. Pero kung walng DH dito eh di walang problema!!! binuksan kase ang pinto nito meron at meron nga papasok, ISARA NYO!!!! MGA HINAYUPAK KAYO!!! mabubuhay ka sa pilipinas kalokohan ang karukhaan balakid sa lipunan, andyan ang malawak na lupain gulay kamote sangkap na tunay pampalusog pampahaba ng buhay, wag ka tumira sa syudad doon ka sa 3rd class na lugar, walang browntout,water crisis,traffic,food cartel etc. mamatay ka ba? di ba’t lahat ng mga retirees yan ang pangarap na lugar? sumobra tayo sa edukasyon kailangan natin ng magsasaka sa dagat at lupa. May mga initiative na nito ang ilan sa mga NGO’s, LGU’s pero di sapat talaga sa ngayon, mabagal dahil sa kurakutan sa gobyerno!!!!
IPAGBAWAL ANG DH SA SAUDI ARABIA AT BUONG MIDDLE EAST!!!
Vonjovi;
Hindi ako tutol sa OFW kung ang trabaho ay journeyman o skilled worker at sa kumpanya magtratrabaho,halimbawa mga engineer,nurse,manager,supervisor,doctor at mataas ang sahod.Pero magpunta ka sa ibang bansa para magpaalila at magpaalipin dahil sa kahirapan,kinakawawa lang nila ang sarili nila.Ang mga sadistang arabo na iyan,kaya sila kumukuha ng alila nila dahil puro sila busy sa trabaho,baka pati siguro ang mga asawa nila ay nagtatrabaho,kaya pagod si misis kaya ang katulong ang pagdidiskartihan ni mister.Alisan mo ng mga alila ang mga iyan,palagay ko ang mga misis nila ay hindi na magtatrabaho at sila ang gagawa ng gawaing bahay,di madadagdagan ang mga OFW natin na skilled worker at hindi mga katulong.Malaki ang kikitain ng mga OFW dahil mataas ang pasuweldo sa kanila.
Halimbawa sa Kuwait ipagpalagay na natin na sampung libo ang DH.Alisin mo iyang sampung libong DH di sampung libong misis ang mag-stay sa bahay at hindi na sila magtatrabaho sa opisina,magkakaroon sila ng employement shortage,suma tutal they will hire another sampung libong skilled workers.Iyan ang punto ko,hindi DH ang iimport natin na naaabuso lang at ginagawang parausan ng mga Arabong sadista kundi mga professional workers.
Kahit na ano pa ang idahilan nilang naghihirap sila sa buhay kaya sila namamasukang DH, Ano ang ginagawa ng mga asawa nila?Magkaroon naman silang delikadisa lalong nilang niyuyurakan ang mga kababaihan natin.Isipin mo na lang Ikaw ba ay papayag kang maging alila ang iyong misis o ang iyong anak?
Hindi na dapat magpadala pa ng mga domestic helpers sa Middle East. Kung yun ngang mga lalaki e dumanas pa ng rape, yung mga babae pa kaya. Yung kaibigang lalaki ng kasama ko sa trabaho dumanas ng rape sa Saudi.
Minamaltrato na ibibigay sa lalaki?! Enjoy ang mga iyan sa ganyan. Dapat sa kanila ganyan din ang gawin pag pumunta dito sa Pinas. Pero mga Kristiyano tayo eh. Di uso sa atin iyan. Dapat lang na tigilan na lang pagpapadala ng mga DH sa Middle East.
Bakit kaya kung sino pa ang mahirap, anak pa ng anak….
PHOENIX (AP) – An illegal immigrant who gave up his long walk into the U.S. to help a boy whose mother was killed in a van crash in the desert said Wednesday that he never thought of leaving the child.
“I am a father of four children. For that, I stayed,” Manuel Jesus Cordova Soberanes said in Spanish from his home in the Mexican state of Sonora. “I never could have left him. Never.”
Authorities said Cordova may have saved the life of 9-year-old Christopher Buztheitner, whose mother was killed when their van ran off a cliff in a remote area north of the Mexican border on Thanksgiving Day.
A spokeswoman for the Mexican consulate in Nogales said the office is working to obtain a short-term visa for Cordova so he can come to Arizona and be recognized for his actions.
The 26-year-old bricklayer was two days into his walk and about 50 miles from Tucson when he saw the boy, who had walked away from the crash.
.
.
.
Cordova said he wanted to come to the United States to earn money to feed his four children, who live with their mother, and help support his girlfriend’s three children. “I have two families, many mouths to feed,” he said.
Cocoy,
Hindi ko sinabi na againt ka sa OFW ang sabi ko lang ay hindi natin dapat husgahan sila lalo na ang mga nabiktima. Hindi kasi sila Tanga rin. Pinili nila iyun dahil akala nila ay aahon sila sa kahirapan. Wala na kasi silang maasahan sa Gobyerno natin. Saka karamihan sa mga babaeng Arabo ay stay home rin lalo na iyun may kaya sa buhay at hindi rin sila maka hangal sa asawa nilang sadista kahit na alam nila may ginagawang katarantaduhan.
Ang problema lang ay mga naka upo sa gobyerno natin na wala alam gawin kundi mag nakaw lang at bulok ang law natin.
Sa probinsiya ay hindi lahat ay may lupa na masasaka doon. Kaya ang karamihan ay nag babakasali sa ibang lugar.
Sa naunang kong nasabi ay dapat ay matuwid ang mga mali. Unahin ang Gobyerno natin at ang mga recruitment agencies na iyan.
FLASH REPORT FLASH REPORT FLASH REPORT FLASH REPORT
Sen. Trillanes, General Lim in takeover of Makati RTC!
They are marching in Ayala Ave. with soldiers.
Soldiers with Magdalo armbands are marching, too!
Vonjovi;
Palagay ko ay kailangan ng itigil na gobyerno natin ang pagpapadala ng mga katulong sa ibang bansa,naaabuso lang sila sa kakarampot na sahod.Mga lalaki na lang ang ipapadala bilang house boy kung gusto ng mga arabo at arabiana.Iyong mga misis ay turuan na lang ng gobyerno natin ng dressmaking,tailoring,hair cutting and hair coloring at toy making.Sa nakikita ko ngayon ay wala ring naiipon ang mga naiwanang pamilya ng mga OFW natin dahil ibinibili nila ng mga damit sa Tiange na made in China,mga laruan na nire-recall dito sa merica na made in china.Kaya iyong padala ng OFW ay napupunta sa tsina ang iba at sa bulsa ng buwaya sa kustom.Turuan na lang silang gumawa ng tocino para hindi na sila bibili ng Ma-Ling.Marami silang pagkakakitaan kahit hindi na sila mag OFW.Iyon na lang mga professional at mga skilled worker ang ipapadala na magtratrabaho sa gobyerno ng arabo at sa kumpanya.
Sa lugar namin ay marami na kaming OFW galing sa iba’t-ibang probinsya.Iyong mga studyanti sa amin na nangarera sa Maynila mapababae man o lalaki ay nag-uwi silang lahat sa amin ng mga OFW nila,mabuti sana kung isa lang,ang nangyari ay buy one take all.Iyon ngang isang kaibigan ko ay ipinagmayabang niya sa akin na mayaman daw sa dabaw iyong naging manugang niya.Sabi ko naman sa kanya kung mayaman iyang manugang mo ay di sana siya ang nagdala sa anak mo sa dabaw.Nagalit sa akin kasi mestisuhin iyong manugang niya.Susmarya,Santisima! After 1 year iyong balae niya ang nag-evacuate sa lugar namin at nakikisaka sa mga lupa namin.Mayaman nga sabi ng utol ko.Kasi sa lugar namin iyong dating magsasaka noong araw iyong mga iba ay kapatas na iyong may napatapos na anak at lagi na silang nakasapatos.Iyong mga ibang anak na walang ginawa sa Maynila kundi makipag-date at manood ng sine sa halip na mangarera sa college sila ngayon ang nagmana ng witiwit ng araro.Ngayon sinong sisihin nila kung bakit mahirap sila?
This is interesting,tomorrow maybe Gloria is gone.”Let us all unite, let us not be afraid.”Ito ang oportunidad para magbago, ito ang huli. Samahan ninyo kami sa Makati, Ipakita natin sa buong mundo na tayo ay may dangal (This is our opportunity to change. This is our last chance. Join us in Makati City. Let’s show the world we still have honor)—Lim.VIVA LA RAZA!
Ellen,
My group and I actually joined the millions of OFWs around the world who marched to the Kuwait Embassy around the world to submit a petition to the Amir to commute the sentence of Marilou Ranalio to life sentence, but to no avail.
I sent you a statement from Migrante, which tried in vain to get a commutation of the verdict, but in vain. The group, however, is still hoping against hope for a miracle from now till January when her sentence will be carried out.
May this story of Marilou indeed be lesson to all those wanting to go to the Middle East to work as maids. It should in fact be stopped considering the number of women losing their purity and dignity as in the case of majority of Filipino women being deployed to Lebanon where the rate of rape is 7 to 8 being raped out of 10 Filipino domestic helpers.
Patalsikin na, now na!
Much has been said already about the women ofw’s in the middle east and i agree with most of what had been said here. The one thing i cannot agree is to blame the offer themselves though they can have made a mistake. The blame must be on our govt who inspite of knowing the problems and inspite of shouting that ofw’s are modern day heroes still do nothing about their predicaments.Often, the embassies which is an arm of the govt becomes an arm of their host country.