Mabuti naman at bumalik si Joey de Venecia mula sa biyahe niya sa Amerika mga dalawang linggo na ang nakaraan at sabi niya patuloy siyang naninindigan sa kanyang mga pahayag.
Akala kasi ng marami umurong na siya dahil sa death threat na kanyang natanggap. Ayon sa impormasyon na binigay sa kanya ni Gen. (ret) Jimmy de los Santos, ang balak raw na pagligpit sa kanya ang nanggagaling sa tauhan ni Secretary Leandro Mendoza, secretary ng transportation and communication na sangkot rin sa NBN/ZTE.Sinabi doon sa impormasyon na nakuha ni De los Santos mga preso ang gagamitin.
Kahit itinanggi ni de los Santos na sa kanya galing ang impormasyon, siguro naman hindi maalis kay Joey at sa kanyang pamilya na mag-alala. Ngunit mabuti naman na nandito na siya ulit sa Pilipinas at patuloy siyang tutulong sa gustong maghanap ng katotohanan sa mga deal na pabigat sa mamamayang Pilipino.
Sinabi rin niya na kung ang kanyang pagbulgar ng anomalya sa NBN/ZTE na sangkot si Gloria Arroyo at ang kanyang asawang si Mike ay hahantong sa pagtanggal sa kanyang tatay bilang speaker, handa siyang tanggapin yun.
Ngunit handa ba ang kanyang tatay na si House Speaker Jose de Venecia?
Ngayon, inungkat ni Sen. Juan Ponce Enrile ang Northrail project na si JDV ang tumulak. Ma-anomalya din itong proyekto na kasama rin ang pamahalaang Tsina.
Sa totoo lang, ginaya lang ni dating Comelec Chairman Benjamin Abalos ang strategy na ginamit sa Northrail. Yung kontrata ay executive agreement dahil government firm raw ang Chinese company. Kaya walang bidding. Kaya ang presyo ang napapag-usapan.
Sumobra lang ang patong dito sa NBN/ZTE kasi marami rin sa mga galamay ni Arroyo ang nakabalita ng pinagkikitaaan. Kaya lahat gusto kumolekta.
Ang problema ni JDV ngayon ay hindi rin siya malinis. Kaya nga pinagtatawanan ang kanyang moral revolution. Tapos si Gloria Arroyo pa ang sinabi niyang manguna. Ito talaga si JDV, hindi na natototo magsabi ng totoo. Dapat gumaya siya sa anak niya.
Tahimik ngayon at mukhang umubra ang pagtapal ni Arroyo ng pera sa mga kongresista at sa mga gubernador. Nakakalungkot na marami sa atin ay hindi na -shocked sa mga kurakutan. Katulad nalang ng bigayan ng bayong-bayong na pera sa Malacañang at ang mga kasinungalingan ng mga tauhan ni Arroyo para lamang mapagtakpan siya.
Nasanay na tayo sa mga katiwalian at parang tanggap na natin na natural lang yun. Hindi natin naku-konekta ang kurakutan nina Arroyo sa kahirapan natin ngayon. Manhid na tayo. Nakakalungkot.
Ellen,
Totoo, namandhid na tayo. Ako, namanhid na, hindi ko na matandaang lahat ang mga anomalya, pandaraya, ang mga pagsisinungaling at ang mga paninikil ng rehimeng goria. Malimit, nagbabasa na lang ako sa magagaling nating bisita dito sa blog at kanilang mahusay na komento. Sana’y magkabunga ang kanilang mga sinasabi. Sana.
Mabuti pa si Marianette Amper. Tahimik na. Nakaalpas na siya sa kahirapan at pagdurusa. Samantala, marami sa atin. patuloy pa rin sa araw araw nating pamumuhay sa gitna ng paghihirap at kurakutan. Gagamitin nila ang pagkamatay ni Amper sa muling pangungurakut. Maglalabas ng bilyong pisong pera para tulong sa mahihirap. Magaling talaga si goria. Para sa kanya, si Amper, ang kahulugan, ang pera.
Ellen,
Palagay ko ay hindi naman MANHID ang taong bayan. Ang hinihintay lang ay may mag umpisa na kilalang tao. Iyan ang kina ugalian na natin. Kung mag sama sama ang lahat ng oposisyon mapa Senador , Congress, Mayor at iba pa at mag rally ay tiyak ko na madaling makikita ng tao ang ating Pinapaglaban. Kung sasamahan lalo nina Susan Roces, Cory na manawagan mag rally ay tiyak kong maraming sasama at baka matuloy pa sa EDSA part 3 or 4 . Hindi makakakilos ang ordinaryong mamayan natin kung walang mag uumpisa sa mga politiko at critics ng arrovo gov’t. Pinag tataka ko lang ay bakit tahimik sina Susan at Cory ngayon. Sila na ang na api noon at hindi ko sila nakikitang nag sasalita laban sa Arrovo. MANHID na rin ba sila ?????
Ang totoong problema ay walang malakas na opposition leader ngayon. Erap may have been but inspite of his pronouncements that he is still an opposition, nawalan na ng isang kamay dahil tinanggap niya ang “pardon” galing kay
tiyanak. Malay natin kung ano ang napagkasuduan ng dalawang ito (tiyanak at Erap)? The opposition can talk all it wants but the bottom line is, where is the real rallying point? Pinagpipilitan nila ang impeachment when they know fully well that there are more paid tongressmen affiliated with the tiyanak. Nabayaran na silang lahat. They do not even want to work anymore at gusto na lang nilang gastusin ang natanggap nilang suhol para makapagshopping sa Hongkong. Hindi na nila pinarating sa plenary and impeachment. It makes me wonder if the impeachment procedure is the way to go to remove this illegal president. Bakit hindi na lang siya kasuhan sa Supreme Court ulit ng illegal niyang pagprepresidente? Maybe this time the supreme court justices will look at the case differently. Sana huwag nang antayin na maipwesto pa ang dalawang Sandigan bayan justices na humusga kay Erap ng “guilty” kapalit ng mga pwesto nila sa Supreme Court. By then, lalo lang lalakas ang tiyanak na ito at hawak na niya lahat ng sangay ng gobierno.
Manhid na nga ba talaga tayong lahat? Iisang taong na kasingliit lang ng “kuto” and sumisiil sa atin at wala tayong magawa? There must be a way, The opposition should come up with a strong leader and just one and only reason to oust this illegal president.
It would be interesting to see how the ousting of JDV will change the whole picture of the trio (tabako, tengang daga and the tiyanak). But maybe I am wrong. Di lalo nang lumakas si tiyanak dahil mas masisiba ang mga susunod na gutom na tongressmen. At least si JDV, busog na busog na yan( I would think but maybe I am wrong). Sa tagal na ba naman ng termino niya, ilang kontrata na ang dinaanan niya.
Totoong nakakamanhid nga yata pag paulit-ulit. Kahit sa Amerika, bagong nauuso na ang “uncircumcision” kung saan ibinabalik ang foreskin ng mga dati ng tuli. Desensitized na raw kasi.
Kahapon nakinig ako sa radyo habang bumabiyahe, may live coverage yung meeting ng House Justice Committee kung saan niyayari ang impeachment ni Pandak. Haaay. Kahit anong ngitngit ko dahil halatang malinaw na bababuyin lang naman yung kasong hindi naman talaga Pulido buntunghininga na lang ang reaksiyon ko.
Yung Addendum, naharang na naman pero nung narinig ko si Adel, cool lang siya, sabi pa niya, pinagdidiinan nung apat na nagsalita para sa pagreject ng addendum niya na bago raw iyong complaint at iba sa na-file ni Pulido kaya tama raw na ibasura ni Chairman Defensor kahit hindi man lang natalakay ng komite.
Kaya ang tanong ni Adel, paano nila nalamang bago iyon samantalang ni hindi man lang nabasa sa komite? Tama ‘no?
Sabi pa ni Cong. Teddy Casiño, Sham daw yung impeachment complaint ni Pulido. Kaya nagfile sila ng panibagong complaint kahapon. Nung mainterview yung isang tuta ni Pandak, sabi walang kahihinatnan yung bagong impeachment ng mga Leftist congressmen dahil ayon daw sa batas, at ayon sa katarantaduhang ginawa ng korte ni Davide, isa lang ang pinapayagang impeachment sa loob ng isang taon.
Magulo, diba? Pinayagan nila (may lagayan pa) yung sham tapos pwede lang daw isa?
Ano ba talaga, Sham o Isa?
Sa karamihan ng mga nagawang MORTAL SINS ng pekeng pangulo hindi ko na alam kung ano pang sasabihin. Lahat yata ng pag-condemn sa kanya, nabasa ko na, kaya Amen na lang ako ng Amen!
Basta ang naririnig ko sa atin diyan, kailangan lang talaga ng mga tao ng isang CREDIBLE na Opposition person na mamuno at lumaban against this misadministration ngayon and presto, the people will be rallying with him! Sino kaya ang taong ito? Say n’yo?
Manhid na nga ang mga tao, dahil wala ng matakbuhan, dahil lahat yata may kasalanan at or mga nabili na nina pandak. Isa pa palagay ko confused na masyado ang mga tao. Biro mo ang mga nag-aaway pareparehong may kasalanan, parehong may dumi, ganid sa pera ng bayan. Pare pareho lang sila, na binibilog ang taong bayan. Nakakasawa na talaga. Pati mga dating die hard bloggers dito, nagsawa na kaya?
Ang pag ka alam kong MANHID ay ang mga naka upong magnanakaw sa gobyerno natin lalo na ang kanilang Reyna.
Sila ang mas MANHID kesa sa taong bayan. Wala na silang paki alam kung ano pa ang sasabihin tungkol sa kanila basta lang makapag nakaw at maka loko. Sila ang MANHID dahil kahit anong rally at tawag ng ibang kritoko sa kanila ay bale wala sa kanila at kahit na pinag mumura mo na ay bale wala sa kanila. Sabihin mo ang kanilang ginagawa ay mali ikaw pa ang kanilang pagsasabihan. Sila ang MANHID para sa akin. Tayo mga ordinaryong tao ay walang magawa dahil walang namumuno para mag aklas. Kaya sino ang MANHID sila bang mga naka upong magnanakaw or tayo???.
MANHID ang mga naka upong magnanakaw sa Gobyerno natin.
Katatapos lang ng isang anomalyang nakawan at hindi man lang pa abutin ng isang taon bago mag nakaw ulit. Nandiyan na naman sila para gumawa ng pagkakakitaan or magnanakaw ulit. Patong patong ang anomalya ng mag asawang arrovo kasam na ang kanilang galamay at bale wala na sa kanila kung ano pa ang sasabihin ng tao sa kanila. Isa pa natin dapat sisihin ay ang senado na hindi nila matapos tapos ang pag iimbistiga at puro lang satsat. Kasi ni isang kaso ay wala silang natapos at napa kulong yata. Sila na lang ang pag asa natin (Sa Senado) wala rin silang magawa.
I am having a mix-feelings about this JDV’s junior, But I don’t believe that this hot-headed American educated person is being paid cash for his willingness to reveal mob identity in the corrupt institution, because he was living a high life on Daddy’s dollar during his college days and not on student loan, and striving hungry student who flipped burgers to pay for late fees on a borrowed books in the college library.
Is it really so difficult to be nice to people, To me; this is like a huge billboards along Edsa, selling a products like those who operate successful enterprises know the value of hiring tactful models and who’s the best advertisement for the company. If you own a business and are unaware of the effect you probably have poor management experience and your enterprise probably won’t last long.
There’s an excellent reason why major corporations spend millions on a public relations division; they recognize the immense value of the company image. The same goes for the political arena. What senatong, tongressman or may-ron, would want someone on staff with a personality that makes enemies, on the contrary, you will find some of the most amiable, helpful and accommodating people working for elected officials. Those warm smiling faces with outstretched hands and affectionate hugs are reflections of the public servants they represent,minus the rubbing alcohol. The congenial vibes created by those aides can translate into votes at the next election.
No news of scandal or corruption however big shocks the people anymore. They are all feed-up with everyday news of rampant corruptions of government officials led by Gloria. Totoo manhid na ang mga tao sa pagnanakaw ni Gloria at ni Mike at ang kanilang mga alipores. Kahit na galit na galit na sila, alam nila na wala silang magagawa.
What is shocking instead is their insatiable appetite and greed. Wala na ba silang pagkasawa at wala na bang katapusan ang kanilang pangungurakot? Sa tingin ay hindi pa sila tapos kundi lalong silang nasasarapan at nage-enjoy dahil palaki ng palaki ang kanilang mga transactions at kung mas malaki ang mga transactions lalong malaki ang mga kickbacks. Binubusog nilang mabuti ang kanilang mga bulsa at bank accounts na nakatago sa ibang bansa para sa kanilang retirement. Ang hindi maiwasang isipin ay kung hindi sila nakokonsiyensiya na ang gagastusin nila sa kanilang pagpapasarap sa buhay kasama na ang mga anak at mga apo ay galing sa nakaw at pera ng taong bayan. Anong klaseng mga hayop ang mga taong ito na kahit na mamatay sa hirap ang mga ninanakawan ay bale-wala sa kanila, Ang mga utang ng mga taong ito sa pamumuno ni Gloria ay hindi kailanman mababayaran sa mga taong bayan at kung mayroon mang Judge sa itaas na magbibigay ng justice Siya na lang siguro ang maniningil sa kanila.
Correct na correct ka diyan Florry!
Yung Judge na iyon, Eternal Judge yun infinite Justice pa!
Lahat sisingilin at lahat magbabayad.
Nabasa ko sa Tribune yung Article ni Bishop Orcar Cruz.
Monsiñor, sa po nababasa niyo ito. Tanong ko lang (para sa lahat na rin ng mga pari) kailan po ang huling pagkakataon na nagturo kayo tungkol sa 4 last things? Yung Death, Judgement and then Heaven or Hell? Ginagawa niyo pa po ba yung ipinaguutos sa inyo? Maaring hindi niyo masagip ang tao, pero kung tuturuan niyo ang tao para mailigtas niya ang sarili nakatulong kayo sa kanila. Yun ang trabaho niyo diba? Kailan po ang huling pagkakataon na itinuro niyo sa mga tao iyan? Ang turuan kami na matakot sa Diyos at katakutan ang impiyerno? Yung turuan kami kung paano maiiwasan ang mahulog sa impiyerno? Kung naturuan yung bata, di yan magpapakamatay. Sana bago nalagutan ng hininga yung bata nakagawa siya ng “perfect act of contrition.” Kung may magmamalasakit na manalangin para sa kanya at makaalis siya sa kasalukuyang kalagayan niya ngayon, tiyak may tutulong sa atin dito sa lupa.
Sa mga pinuno ng ating Bansa, kailan ang huling pagkakataon na inisip ninyo na mayroong Death, Judgement, Heaven or Hell? O wala na kayong paki-alam? Masama yung manguha o magpayaman na magdudulot ng paghihirap ng marami nating mga kababayan. Naisip niyo pa ba iyan? O ang laman na lang ng isip niyo ay kung pano niyo maipagdiriwang ang darating na pasko? Inisip niyo ba kung bakit may pasko?
Sa pekeng pangulo, may isip ka pa ba?
Heh,heh,heh…ang impeachment complaint daw ay approved “in form only”. In other words baka kulang yung 200,000 at 500,000 na suhol ni tiyanak. Humihingi pa ng “dagdag”. Pasko nga naman at maraming inaanak ang mg tongressmen. Baka kapag nagkamali pa at hindi magbigay ang tiyanak ng karagdagang “tong” sa mga tongressmen baka matuloy pa ang impeachment ni tiyanak kahit na walang “form” ang impeachment complaint.
Hindi ko alam kung gusto maging manhid dahil hindi ko mapigilang magisip sa kinabukasan ng aking kapamilya. Marami pa sa kanila ang maliliit pa at walang kamuang muang na nabenta na pala ang bansa sa China o sa ibang mga daluyan o binili na mismo ni tiyanak and kinabukasan nila. Gusto kong maging manhid para hindi ako atakihin sa puso but deep in my heart I care a lot for our people. I will make noise as much as I can until this “surot” will stop sucking all our blood!
“Democracy, more than any other political system, depends on a modicum of honesty.”Norman Mailer
1)”I have decided not to run for president during the election of 2004,” Arroyo said in Baguio City where she was speaking at a ceremony to mark Rizal Day in honor of Jose Rizal, a national hero whose death led to the creation of the Philippines Republic in 1898.
2)“I was anxious to protect my votes and during that time had conversations with many people, including a Comelec official. My intent was not to influence the outcome of the election, and it did not. As I mentioned, the election had already been decided and the votes counted. And as you remember, the outcome had been predicted by every major public opinion poll, and adjudged free, fair and decisive by international election observers, and our own Namfrel.”GMA
Naniniwala akong hindi manhid ang karamihan ng mga tao na sawingpalad ay mga mahihirap. Ang mga dahilan:
1 – Walang pera para pambili ng matino at masustansyiang pagkain, pambili ng dyario, pambili ng radyo o TV (lahat ng gamit nilang elecktrical, alahas, relol ay nakasangla yung iba ay nilalako na halos ang kanilang misis o anak na babae), pambili ng mga gamot o bitamina, pambili ng damit, walang kuryente, atbp…lahat ng ito ay nagbubunga ng kamangmangan na ang dulot ay ibayong kahirapan, kapighatian at trahedya gaya ng nangyari kay Mariannet Amper.
2 – Walang tiwala sa halos lahat mga opisyal at opisina ng gobyerno (magmula sa kanilang pinakamataas na lider ng kurakutan- si glue makapal dorobo hanggang sa barangay tagay), pari at simbahan, husgado, pulis at militar. Nakakadagdag ito ng malaki sa nararamdamang kawalang pagasa sa buhay at maging sa sarili. Halos wala na silang malapitan na matino.
3 – Ang mga gustong nag-ingay at umangal na mga matino ay wala ding magawa dahil sila man ay walang tiwala sa sistema ng gobyerno at hustisya. Ang iba sa kanila ay dinudukot,
nawawala, kinukulong o kaya ay sinasalvage. Maraming matino ay nangingibang bansa na lamang upang mabuhay ang kanilang pamilya. Ang ibang matalino ay nagpagamit na rin at sumapi na rin sa kampon ng mga kurakot at nagtutulong-tulong silang nakawan ang yaman ng Pilipinas na lalong nagsasadlak sa kahirapan ng mga Pilipino.
4 – Kawalan ng kaalaman o kamangmangan. Dahil nga kahirapan ay wala silang pinagaralan kaya walang masabi, hindi makabili ng diyaryo o kaya ay mag-internet kaya walang alam masyado sa kasalukuyang mga nangyayari. Ang mga major newspapers ay kakampi pa ng kurakot na pangulo na walang isinusulat kundi mga kasingaligan kaya ang mga tao ay lalong nalilito. Kaawa-awa sila. Hindi sila manhid kundi matatawag nating “silenced majority”.
hKofw;
Welcome Paisano!
Under Pidal socialism, no one can’t predict what the government is going to do, when or what it’s going to steal from them. No one can’t predict when Bayani Fernando will shut off the water valves to patch the potholes, and if the water is going to be on or off. No one can’t predict if the MMDA’s kotong traffic blow the whistle and extract a bribe to the motorist. But, if no one don’t spend money, It kills the economy, patients at PGH will die on suffocation for lacking of oxygen tanks..It’s a Russian Roulet. No one knows who’s next to eulogize in obituaries. It’s sad, but this is exactly the way it operate. The longer a corrupt dictator remains in power, the more corruption filters to every level of society. Even local offices for non-profit organizations fall prey to the same behavior, because corruption is taken for granted, becoming almost a way of life. To prosper in small business, start producing brown manila envelope, barrow 5/6 capital investment from a guy riding on a motorcycle with a turban.
Am back. Nagbakasyon ng kaunti. Pagbalik ko, papasok na sana agad ako rito. Pero nagitla ako ng kamatayan ni Dulce Saguisag, na naging dahilan din ng pagkaka-ICU ni Rene.
Tapos pa, naka-basa ako ng tanong, sa isa ring blog: “What next?”
Namanhid ako r’on, magkukunwari na sanang may jet lag pa. Hanggang next year, iyun pa rin ang gagamiting dahilan. Jet lag forever, meaning, manhid, forever.
Pero nabasa kita, Ellen. Ang tungkol sa walk-out. Ang tungkol kay Pooten. Para as akin kasi, may mga taong may dahilan kung bakit iyon ang pangalan. Si Dulce Saguisag, kasi sweet symbol siya, at si Pooten, well, nagalit ako uli. Na-poot. Wala na akong jet lag.
Salamat, Ellen, sa iyo, at sa lahat na patuloy na gumigising sa kamalayan ng lahat.
cocoy:
sa ilalim ng pamamahala ni BF, ang mga aso ay ipaparehistro at pababakunahan.
ultimo ang mga maliliit na mga tindahan sa loob ng kasuluksulukan na eskinita ay bubuwisan.
syanga nga, tama ang buwisan. ngunit nasaan na ang serbisyong pampubliko?
Nelbar;
Kakandidato daw ng presidente si Bayani Fernando kaya compulsory ang pag paparestro sa aso, fingerprinting and picture ID required.Pero may libreng dog food iyong mga guide dog.The master and the dog equals 2 votes.
Of Course! Don’t expect that your 30 pesos tax ay walang cut.Ganito ang suma niyan, dies Pesos para gasolina,dies pesos para mama, con singko pesos para mia,dios mio amigo singko pesos para kaha,reklamo ka pa.Hehehehe!
ay secan da mosyon to vonjovi2 na hindi manhid ang mga tao,ang mga nakaupo sa gobyerno ang syang tunay na manhid,ang kakapal ng mukha nila…di sawa sa rally ang taong bayan kundi takot ang umiibabaw,masakit mapalo ng batuta at mabasa ng tubig kanal na ginamit ng bombero…
tunay at ganyan nga ang nangyayari sa kaban ng bayan natin.
patuloy na niyayari!
Hindi lang manhid ang nakararami,kung sususugan natin ang paniniwala ni Aung San Suu Kyi,takot at corrupt pa ang nakararami.
“It is not power that corrupts but fear. Fear of losing power corrupts those who wield it and fear of the scourge of power corrupts those who are subject to it.” – Aung San Suu Kyi(Burmese Freedom Fighter)
brad;
Akala ko ….nagsecandamosyon ka pala kay Vonjovi.Hehehe! oks na oks.
Namanhid na tayo ang tema.
Ikaw ba naman ang saksakan ng saksakan ng novacaine to supressed the pain at bubunutin ng bubunutin ang ngipin ay magkakaroon ka ng speech problem.Mabuti sana kung nagbibigay ng libreng pustiso ang gobyerno.Pero iyong mga alipores ay oral surgery at dental implant pa,para matalas ang mga pangil nila pangkagat sa atin.Kaya karamihan ay totally bungi at ayaw ng ngumiti at magsalita.Wala na silang panlaban ng A tooth for a tooth not even an eye for an eye,hangang sa tingin na lang sa mga mercedez at bmw ni general na nakahilera sa mansion garage,wax in,wax out ni korporal.
sir yococ;
in fairness to BF magaling sya at may political will kahit d ako taga marikina…sariling opinyon ko lang yan..di kaya magandang combination sina lacson,BF,lim at trillanes? mga kamay na bakal.
Life is unfair, no matter how we look at it, It is a deep misery to live in abject poverty, naked in respect, hope and representation. Even own’s family sometimes they disown their brother and sister no matter how close is the love and caring while nurturing, growing and maturing due to the influence of the in-laws.
Most often the eldest children is the one that’s most loved by the parents, they got the advantage in going to good school, parents are so elated to see the first child graduated in high school and entering college. The parents are so proud to tell their friends that their child will someday become a doctor or a lawyer, full of hope and aspiration. After so many years the child soon going to wear the graduation ring, take some review courses and preparing for a Bar exam.
April comes the father is eager to find the results, finally it arrive–News headline–Tablante Purontong–Top the bar exam. The father exclaimed, Hey! That’s my son! and I will buy the whole news you have in the stand. That few days of excitement repelled by sadness, the new lawyer, telling his father that his girlfriend is pregnant and he need to marry her. The only words the father ask the son is, how about your other brother and sister? I am old and I could not support them anymore. The son promised that he’ll help. After one semester the son told his dad that he could not help anymore having a newly-born baby that need milk and diapers, the dreams of his bother and sister shattered. The father is aging and don’t have enough strength to till a one hectare inherited farmland. So, the son who want to become an engineer need to continue the family tradition of plowing the riceland, because his brother lawyer has now a different lifestyle and completely abandoning them through the influenced of his wife.
No one helps you but, only yourself. If you could not count to your family, how much more to the government.
“Malacañang must be concerned when our people, amid the spectacle of brazen stealing, shameless lying and unprecedented hubris by any leader of this country, become numb enough to force another ouster”Senator Lacson
cocoy said: “no one can’t predict what the government is going to do, when or what it’s going to steal from them.”
A glance at my new blog will show the 21 large scams that have been collated as a record and still growing.
Eventually their day will come.
I have to agree with vonjovi2 that the leaders are the manhid and not the populace. Manhid means wala ng pakiramdam whereas some even commit suicide because of what they feel. A lot of people I know who were previously for gma are now against her whereas I have not heard of people who once hated her and now love her.
we will never learn:
1)How about the stealing of the elections(hello garci)?this is the biggest and most despicable scam!
2)ZTE-NBN?
3)Cyber Ed?
Hello? Minsan masakit isipin, na tayong mga Pilipino, dedma lang hangga’t hindi tayo direktang naaapektuhan. Kumbaga, sabi nga, kapag hindi pa mismong paa nila ang natatapakan, hindi aaray.
Masyado tayong asa sa mga personalidad para kumilos. Sa totoo lang kung sino ang mga sikat na namumuno, sya ang me kakaibang agenda. Kaya tama ka, karamihan sa atin namanhid na.Kasi nga naman pare-pareho lang naman sila, alang pinagkaiba.
Kaya di natin masisisi ang ilang kababayan na ibenta na lang boto nila, kasi bukod sa ekstrang kita tuwing eleksyon, ganun din naman ang suma total; kukurakutin din lang nila ang kaban ng bayan.
Pero ang mga katulad mo Ellen, at katulad ko rin (naks) kahit na namamanhid na, walang karapatang mamahinga. Obligasyon natin na ipangalandakan ang katotohanan upang mawala na ang epekto ng trapo-induced na anastesya sa utak ng ating mga kababayan.
Ellen, apologies — off topic… allow me please to put up a notice for those who have been asking about my blog.
It’s not been defaced. I’ve slightly modified the blog title but forgot to put up a notice in the old one before changing (title is now in one word MANILABAYWATCH without the hyphen), link below will lead to new lay out:
Manila Bay Watch: “In a country badly governed, wealth is something to be ashamed of”
Thanks very much Ellen.
What does “dedma lang” mean? Thanks.
Right on Norpil: “A lot of people I know who were previously for gma are now against her whereas I have not heard of people who once hated her and now love her.”
“What does “dedma lang” mean? Thanks.”-AdeBrux
This might not be the exact translation, “ignore”.
Thanks loads GPS. There are so many new words in Pilipino I’m not familiar with and learning about them in blogs.
Thanks again.
WHEN I WAS HUNGRY…
“Come, you who are blessed by my Father. Inherit the kingdom prepared for you from the foundation of the world.
For I was hungry and you gave me food,
I was thirsty and you gave me drink,
a stranger and you welcomed me,
naked and you clothed me,
ill and you cared for me,
in prison and you visited me.’
Then the righteous 16 will answer him and say, ‘Lord, when did we see you hungry and feed you, or thirsty and give you drink? When did we see you a stranger and welcome you, or naked and clothe you? When did we see you ill or in prison, and visit you?’
And the king will say to them in reply, ‘Amen, I say to you, whatever you did for one of these least brothers of mine, you did for me.’ “
AdeBrux,
You’re welcome.
Off topic: May sumabog sa Batasang Pambansa a few minutes ago. A breakdown of Peace and Order under Gloria’s Administration.
Luz,
Re: “May sumabog sa Batasang Pambansa a few minutes ago.”
Ano ang sumabog? Bomba or methane gaz as in Glorietta2?
Rep. Joel Villlanueva told dzBB that he was at the south lobby when he heard a “very loud explosion” that came from the north lobby of the House of Representatives. He said he saw at least four hurt, who were brought to the clinic inside the building. – GMANews.TV
Anna,
Malamang daw na bomba talaga dahil amoy pulbura daw. Galit na siguro ang nagplant ng bomba sa sobrang gahaman ng mga Tongressman. Sana ang naapektuhan ay yung mga sukol ng sama. Sa susunod sa Malakanyang naman.
Anna tulad din ng sa Glorietta 2 blast na sabi ng mga unang witnessesay amoy pulbura.
Nothing to be alarmed of. Lets wait for the police investigation. They will say its only the septic tank that exploded. How I wish there are more c4 there and our prayers are answered today.
Is this the counterpart of the 1972 Enrile hoax to justify something nasty?
LVM, palagay ko tama ang hinala mo. Galit na talaga kung sino man ang nag-lagay ng bomba. Tangna naman kasi wala ng ginawa yang mga Tongressman na yan kundi pagtakpan ang Glorya na yan kahit ginagago na niya ang mga taong bayan. Magnakaw ang mag-asawa at ang mga tuta niya ay harap-harapan .. tapos oks pa din. Pinaliligpit ng kung sino man na akala nilang lumalaban sa kanila … oks pa din. Nandaya na hindi lang minsan kundi madami na … tapos oks pa din. Yan ba ang ipinagtatanggol ng mga tangnang yan?????
GLORYA LAW NA!!!!!!!!
“Sana ang naapektuhan ay yung mga sukol ng sama. Sa susunod sa Malakanyang naman.”
This comment is irresponsible. Any form of terrorism should not be tolerated regardless of the target.
Korek ka diyan Durenz. Pero bakit sila (Glorya & Co.) kung magligpit ng tao ganon na lang? Pero sila kung magnakaw ganon na lang? Bakit sila kung mandaya ganon na lang? Korek din ba sila??????
“LVM, palagay ko tama ang hinala mo. Galit na talaga kung sino man ang nag-lagay ng bomba. Tangna naman kasi wala ng ginawa yang mga Tongressman na yan kundi pagtakpan ang Glorya na yan kahit ginagago na niya ang mga taong bayan.”
Instead of comdemning the perpetrator of the blast eh sinisisi pa natin yung mga biktima, the “Tongressman”. Tsk Tsk Tsk. Poor victims, parang kulang nalang sabihin ni Etnad na “buti nga sa kanila”..what a shame!
“Bakit sila kung mandaya ganon na lang? Korek din ba sila??????”
Hindi
Hindi ko naman nilalahat … alam niyo na kung sino sino sila. Korek ka ulit Durenz pero manhid na rin ako sa mga kagaguhang ginagawa ng mga ilang Kongresista. Bakit sila hindi ba manhid???
MARCOS and His Cheap Copycat
1) Slogan:
Marcos: “This nation can be great again. This I have said over and over. It is my articles of faith, and Divine Providence has willed that you and I can now translate this faith into deeds.”
Gloria :“Now I will lead our country towards the strong Republic … In the end , we are one nation under God , one people , with one aspiration : a country as good as it can get!
2)Vision:
Marcos:had a vision of a “New Society”—similar to the “New Order” that was imposed in Indonesia under dictator Suharto. He used the martial law years to implement this vision.
Gloria : had a vision “ Strong Republic” and craft a new Constitution that is neither leftist nor rightist to ensure the realization of a fully modern and developed Philippines in the 21st century.
3) Presidential Proclamations 1081/1017:
Marcos:
*Presidential Proclamation No. 1081 :it placed the entire country under martial law .
*Letter of Instruction No. 1 – Marcos ordered the Secretary of National Defense to take over and control of newspapers, magazines, radio & TV facilities.
Gloria:
Presidential Proclamation 1017:This Proclamation gave Gloria the power:to issue warrantless arrests to take over private institutions that run public utilities.
Gloria declared a National State of Emergency on February 24, 2006.
4)What will be the trigger point for MARTIAL LAW Declaration?
Marcos: Johnny Enrile,per his own admission , staged managed his car ambush hoax .
Gloria: What’s in her mind ?(batasan bombing?)
Etnad kung manhid sila, there is absolutely no reason for you to jump on board and join the bandwagon. Maging iba ka at patunayan mo na marunong ka ng diplomasya. Iyan ang kailangan ng bayan ngayun, hindi isang mandirigma na hindi nagiisip.
Agree! Kung kayang dalhin ng budhi nitong mga gahamang ito ang dugong pinadanak nila sa ngalan ng pangangamkam, hindi ko gugustuhing maging kagaya nila.
I hate this government for sponsoring terrorism in any form. I would not want to be just like the ones I hate.
Durenz, kung dusto ng administrasyon ng dahilan para mai-proklama ng opisyal ang matagal na nilang gusto naMartila Law, ( dahil we are now in an officially declared martial law) eh mabuti na sa malakanyang nila gawin ang ‘bomb me’ nila. Galit na rin ako kaya kung di mo gusto ang pahayag ko pasensiya ka na! Out of desperation na, ibuhos ko na lang ang galit kay Gloria, kesa naman magbigti ako tulad ni Mariannette!
Correction:
Durenz, kung gusto ng administrasyon ng dahilan para mai-proklama ng opisyal ang matagal na nilang gusto na Martial Law, ( dahil we are now in an UNofficially declared martial law)
Mgalit na kayo kung magalit but I do not think that this should be blamed to the government again. Grabe ah, wala na tayong makitang ibang kaaway kundi ang gobyerno. Tudo bantay tayo sa harap, di natin alam binabanatan na tayo sa likod. Sige mag exaggerate kapa Equalizer…baka mapaniwala mo ako.
DUREN:what did i exaggerate?
Gloria: What’s in her mind ?(batasan bombing?)
I do not think that this should be blamed to the government again.Duren
who dou think can penetrate the tight Batasan pambansa security?
Sinuman ang gumawa nito, sa pamahalaan pa rin ang bagsak ng huling sisi- dahil pinayagan nilang mangyari ito.
I wouldn’t be too quick to say this is the handiwork of Aling Gloria’s government. Neither, will I be too quick to say I do not think that this should be blamed to the government again.
Let’s keep our minds open to all possibilities.
Anong problema mo Durenz? Akala mo ba ang mga sinasabi natin dito ay pagaaksayahan ng panahon ng mga tangnang yan. Manhid na sila. Langong-lango na sila sa kapangyarihan.
Meanwhile, here’s the rule of law in Pinas:
Panlilio, 8 more charged with bribery over Palace handouts
By Jocelyn Uy
Inquirer
Last updated 08:07pm (Mla time) 11/13/2007
MANILA, Philippines — They spilled the beans and now they are being haled to the Office of the Ombudsman to face criminal complaints.
The Philippine Trial Lawyers Association (PTLA) charged nine government officials who admitted receiving “cash gifts” in Malacañang after separate meetings with President Macapagal-Arroyo on October 11 with direct bribery and violating both the code of conduct and ethical standards for public officials and the anti-graft law.
Question: Briber goes scot free?
The Equalizer- “who dou think can penetrate the tight Batasan pambansa security?
Lahat tayo may kakayahang pumatay pero hindi tayo lahat pumapatay. Lahat tayo may kakayahang mag isip pero hindi lahat tayo nagiisip. Just a simple analogy to remind you that being just capable does not convict you of a crime.
This is it, guys. The attack on the Congress of the Philippines can be considered an attack against the whole country. Check the events in the last 5 days, Comelec murders, Cavite bomb blast, recovery of a large cache of dynamites, walkout in Tanay, walkout in Congress, Erap being pushed against the wall – a virtual social bomb – and those happening tomorrow (impending murder of the sham impeachment, testimony of Fr. Panlilio), then this bombing – the PERFECT SCENARIO for emergency rule/martial law!
I smell something here and whatever it is, it’s much, much worse than shit.
http://news.bbc.co.uk/2/hi/asia-pacific/7092600.stm
tongue twisted:she is against the wall.musharaff part 2?
Dalawa na raw ang casualty ng batasan bombing. i’ve seen some posting in another forum that rep. akbar of basilan just passed away.
Correct! Just being capable does not mean one did it. It takes motivation to do what one is capable of doing. The big question, though, is who among the players possess enough motivation to do such dastardly act?
“rep. akbar of basilan just passed away.” — tayabasin
Oh my goodness me! May God be with those who died in this barbaric act.
“who among the players possess enough motivation to do such dastardly act?”
It could be the government, the Opposiotion, The left leaning Group Akbayan et al, and it could be the terrorist group Abu syyaf. Hell, it could be anyone!
With due respect, The Equalizer, Gloria cannot compare to Musharraf. Sorry, she’s a (low, putrid) class all on her own.
“Basilan Rep. Wahab Akbar passed away following the blast that took place at the Batasan Pambansa Complex Tuesday night in Quezon City.
Negros Oriental Rep. Henry Teves, meanwhile, is in critical condition after sustaining severe blast injuries and burns following the explosion.ABSCBN”
May GOD save our country!
Initial reports: Gabriela Congresswoman Ilagan’s driver killed; 8 others, including 3 congressmen hurt. Ilagan and Basilan Cong. Wahab Akbar among the hurt.
Asintado ang gumawa, pag tinignan mo ang mga biktima mag-iisip ka kung sino kaya ang gumawa? Ang kaliwa o ang Abu Sayyaf?
“rep. akbar of basilan just passed away.” — tayabasin
Is this true? Sana naman ay hindi.
The news reached Yahoo top page news and CNN.com. Grabe, sira na naman ang imahe at reputasyon ng Pilipinas. Sino naman kaya ang may motibo nito?
Bago lumayo ang mga usapan, ang ibig sabihin ng ‘namanhid’ ay nasanay na. Ang topic ni Ellen, ‘Namanhid na tayo’, nasanay na sa kalakarang goria. Pero hindi ibig sabihin nito ay manhid na tayo, wala nang paki, dedma, ignoring everything, sara na ang isipan at damdamin. Malayong mangyari yon sa kamalayang Pilipino.
Ayan at may bomba nang pinasabog sa Bastusang Pambansa kung saan maraming personalidad ang katulong ni goria upang patuloy na bastusin ang dangal ng mga Pilipino. Ang gumawa noon ay tiyak na hindi manhid.
It’s already confirmed that Rep. Akbar is among the casualties of the batasan bombing
[img]http://img219.imageshack.us/img219/6329/congress2fa1.jpg[/img]
*image courtesy of NSCC of TPC
Tongue,
If it were up to Esperon, I reckon he’d blame the Abu Sayyaf straight away just as he said the Glorietta blast was an act of terrorists, i.e., his brand of terrorists, eg. NPA and/or Abu Sayyaff.
Very convenient to have these rebels around.
Don’t know if it’s Gloria’s henchmen or her dogs in the PNP or the military and don’t even know if it’s anti-Gloria elements, i.e., members of civil society or non members but as astronauts in NASA would say, “NASA we’ve got a problem…!”
Anyway, bottom line is Pinas is living in uncertain times and undivisiveness, Abu Sayyaff or NPA bombs notwithstanding. Gloria would have been out of the loop had she done what she promised a few Decembers ago when she recognized that she was the one singular cause of divisiveness in the country and so promised not to stand for elections in 2004.
Clear as daylight — something has got to give. Either one’s word is his/her bond or he/she must be held accountable for her contribution to the nation’s mess.
I go with Manuel Buencamino, let’s get rid of Gloria and one problem gone.
tumahimik na tayo. inutusan na daw ni gma ang pulisya na mag imbistiga at inalerto na ang buong syudad.ang hindi ko maintindihan ay kung bakit kailangang utusan ang pulisya na gawin ang trabaho nila… hindi ko alam na may reputasyon at imahe pa ang pinas sa labas ng pinas na kailangang ipagmapuri.
Yes Anna, and didn’t Wahab Akbar say, “I am Basilan”.
Teka, Ellen, what was it that Esperon said in the last thread, some kind of warning, was it?
*************
I don’t know if it’s Akbar who’s dead, other networks say it was Ilagan’s driver. ABS-CBN says it’s Akbar!
Here: http://www.abs-cbnnews.com/storypage.aspx?StoryId=99046
Gloria is supposed to be ‘paying hommage’ to a real queen, Her Majesty Queen Elizabeth II in some 10 days (??)… wonder if she’ll postpone this — something that’s not done or will she be hell bent on sowing the seeds of Pinas’ battered image too in Buckingham Palace?
Partial:
I’m with tongue-twisted, it smells fishy. If what happens next is the economic fallout of the fuel price increase, or any semblance of political and economic instability due to “terrorist” elements, add “infiltration of the military by destabilizers” its a perfect recipe for emergency powers.
Of course, all of these will be bogus or by design.
Tongue, I think he said something akin to “Watch out boys, I’ll “take care of” the lot of you.”?
If this real-life movie will continue to play out, events will lead to the realization of a “Clear and Present Danger” unless some group will take responsibility and say they are doing this to show their disapproval for the Arroyo administration. Come to think of it, is the security of the Batasang Pambansa that lax, who could have access to this area, capability to get this close? Hmmmmmm….
Basilan Rep. Wahab Akbar passed away following the blast that took place at the Batasan Pambansa Complex Tuesday night in Quezon City. ABS-CBN news
I express my sympathy to the family of Rep. Wahab Akbar and other casualties in the blast.
Cris Puno, Basilan’s provincial information officer, said that the explosion was meant to kill Akbar, – report said.
Boy oh boy!
My fears started with this : http://www.ellentordesillas.com/?p=1831#comment-414785
I call this the prelude.
Then this:
http://www.ellentordesillas.com/?p=1830#comment-416120
This, scenario-creation and build-up.
And finally, Keisho and AdbBrux quoted Esperon singing a Christmas carol. “You better watch out…”
Glad I posted it here (www.ellentordesillas.com/?p=1842#comment-417134) this morning to get out of the stock market immediately. Ellen wanted me to clarify it. Anna seconded me. Nelbar doubted it.
Tonight, a blast and surely, tomorrow’s boards are gonna be one big sea of red. In Ayala and Ortigas. The beating over the weekend would look peanuts.
I read the signs early on and each one says the same word: Danger.
The secrets of the 2004 and 2007 elections, as far as Basilan is concerned are safe.
Akbar may now rest in pieces.
Tongue,
What is so dangerous about the 2004 and 2007 elections as far as Basilan is concerned that some ‘terrorist’ had to be commandeered to end the life of Akbar?
Tongue;
I’m waiting kung may bagong kang bili ng tinapa at makikikain sana ako doon sa bahay mo.
Last bago ako matulog ganito ang ipinost ko;No one knows who’s next to eulogize in obituaries.—-
Pagbukas ko ng Ellenville,binomba na pala nila si Akbar.Ayyy! ang buhay nga naman parang Jai-alai!
Abalos resigned, Bedol is missing, Macarambon is appointed, Dalaig is assassinated, another one in Bacoor is dead, one in Lanao is kidnapped.
Tell me these are not connected. Else, expect Garci’s funeral to be forthcoming, too.
Isn’t Basilan part of the “swing votes” secret weapon of the administration or something?
“Isn’t Basilan part of the “swing votes” secret weapon of the administration or something?” — Juggernaut
Aha!
Akbar is suspected, too, to be behind the July 10 beheadings of the Marines in Tipo-tipo.
Recall the reasons why the Marines were there and later “fed to the enemies” in Basilan.
Nagpraktis kaya ng “My Way” sa videoke si Akbar?
Nasaan ba si Gokusen?
“Akbar is suspected, too, to be behind the July 10 beheadings of the Marines in Tipo-tipo.” — Tongue
Holy shit! Ok, so that’s a possible motive by you know who.
I’ve been calling Gokusen, can’t be contacted.
Ellen,
Baka nasa Mindanao.
If Garci becomes the next victim, Gloria can start crooning — “opposition did it their way”???!
From “Hello Garci”:
Ngayon, a-trese pa lang, kumilos na sila. Baka maunahan kasi sila ni Wahab.
Holy frigging shit, Tongue!
“Garcillano: Oo, pero dapat malaman ni Wahab na si Wahab, kasi ang more damage will be against that Wahab Akbar, not the President.”
That’s a lead…
Is there a possible relation between Akbar’s death and the Comelec’s Alioden Dalaig?
Mali pa Ingles ko. What I meant was:
Is there a possible connection between the deaths of Akbar and the Comelec’s Alioden Dalaig?
There is a common element though, the “Mindanao connection”
Meron kayang may gustong patahimikin na ang mga may nalalaman sa election cheating?
The Equalizer – on Marcos and Gloria (the copycat). I’m always tempted to make the same analysis as you do. The parallels that you have drawn between the two in your blog are most likely not coincidental.
Someone’s hand is probably hidden in all these near-perfect correlates between the duo (the erstwhile dictator and the wannabe). From a learning theory perspective, I surmise that bad deeds can be mastered like a new technology. Contrary to Imee’s claim that Gloria is a poor copycat of her father, this lady would-be dictator has almost perfected the art from the Marcos mistakes.
Tongue: “Garcillano: Eh ang problema niyang si Wahab, gumalaw si Wahab nung huli na.”
I now think there’s a likely connection between Akbar’s death and Hello Garci. But more recent events have probably overtaken it, such as the death of the marines (and the beheading of 10 of them) in Basilan.
That sounds like a movie (“The Departed”) about double-crossing.
Unti-unti ng lumilinaw at nagkakatoo ang mga sinasabi ni Senador Trillanes. We can expect more bombings, which could only be the handiworks of Mr Gonzales of the Light-a-Fire
Movement and the ever sipsip Esperon. Sooner than later we will wake up one day when we can no longer switch TV stations and radios and newspapers like the Daily Tribune, Malaya are out of the newstands. I fear that the likes of Ellen, who is only airing what is right will suddenly disappear. Gloria is far more worst than Marcos and other dicators. Sabi nga sa isang pelikula, I think its Sister Stella L. “Kung hindi tayo kikilos, sinong kikilos at kung hindi ngayon, kelan?” Wag nating pabayaang magtagumpay ang ganid na kasalukuyang administrasyon, na gawing manhid tayo sa kanilang mga kabuktutang ginagawa. Gising mga kababayan, panahon na para putulin ang mga walang pakundangang pagyurak sa ating pagkatao ni GMA at ng mga walang kabubusugang taong nakapaligid sa kanya.
parasabayan,
ayan ka na naman di maalis sa kokote mo na paghinalaan na may deal between pres.ERAP at gloria kaya yong mga haka haka niyo puro palpak kaya tuloy mga opposition nahawa sa mga haka haka niyo yong sinabi mong wala ng lakas si erap palagay mo lang yon karapatan mong maghayag pero sinisiguro ko sa inyo na kung sino man ang iindorso niya yon pa rin ang mananalo
inindorso niya si fpj noong 2004 election sa aking palagay nanalo siya kaya lamang dinaya siya survey ang nagpapatunay hindi mga dada o tsismis
The Equalizer Says:
November 13th, 2007 at 11:12 am
Equalizer, you may include this in your archives. This is a portion of the letter, made thru Joey Rufino eight days after the speech in #1, which was named Annex “C” of the documents Michaelangelo Zuce submitted to the Senate. The beginning of the letter was about the 3 meetings Garci held with 3 different groups of Comelec officials detailing the chances of Lakas candidates in the forthcoming elections. It likewise aimed to impress how Garci’s cheating machinery is well-ensconced in all regions in Mindanao.
Same meetings were held by Garci-like operatives in Luzon and Visayas which makes the Rizal Day announcement as a “planned” lie.
(Note: comments in brackets mine)
Duren,
Here is another ghostip. Who can penetrate the ultra highly protected batasan complex? Nobody. The explosive, a c5 this time was administratively brought into the compound by our rough riders themselves. Naturally, they wont be suspects. Elementary, my dear Watson. BTW, who are those rough riders? they are highly trained and using cal 45s.
I note that you have prayed for the victims. Thanks if you also prayed for them at the mall blast. The mother of my grandchild was a victim there, minor injuries only.
May the victims of the Congress bombing rest in peace. I am praying that justice could be served to these victims. Pero mas pray ko na sana yung buong justice committee na lang ng Congress ang nalagas habang niluluto ang pagpatay sa inutil na Pulido impeachment charges. Sayang!
Teka, pati yata ako e nagiging manhid na rin. Alam kong wala sa hulog ang trip ko. Pero sigurado ako, hindi ako nag-iisa sa trip na to. Baka nga yung iba mas gusto pa na sana buong Congress na ang pasabugin!
Valdemar,
Sorry to hear that the mother of your grandchild sustained injuries in the mall blast.
Sana bukas may bombing uli…at Malacanang na ang pulbusin para mawipe out na ang mga hinayupak na naging dahilan kung bakit tayo nagiging manhid! Tuwa ko lang…hehehe…manhid na talaga…
jab-straight,
Gives me an idea! The next time they blockade the gates of Malcañang with Ricky Razon’s containers, We’ll ask Bayan Muna rallyists to each carry a brown bag a la-Panlilio full of their own shit. They slip these inside the containers. If it releases methane and explodes, masaya. If it doesn’t, we disprove the police’s gas theory of Glorietta.
They can’t charge anyone for carrying tae, can they?
WWNL:
cocoy said: “no one can’t predict what the government is going to do, when or what it’s going to steal from them.”
Ipinoste ko ito kagabi bago nila pinasabog si Akbar,may asim pa pala itong bolang crystal ko.Hehehe!
A glance at my new blog will show the 21 large scams that have been collated as a record and still growing.
Eventually their day will come.
I enter on your blog uninvited and WOW! very informative and magnifico! I Shall Return!– Mang Arturo.