Pumasok na sa pang-araw-araw na pananalita ng Pinoy ang salitang “toxic” na ang ibig sabihin ay nakakasama sa kalusugan ng isang tao.
Kapag inis ka sa isang tao o sa particular na isyu, ang sasabihin mo ay, “Huwag na natin pag-usapan yan. Toxic.” Ganyan ang usapang JPEPA (Japan-Philippines Economic Partnership Agreement) na tinatalakay ng Senado para ratipikahan, kung akala nila makakabuti sa bayan o ibasura kung akala naman nila ay toxic.
Maraming isyu ang nasa JPEPA. May mga ibibigay tayo sa Japan kapalit ng kanilang ibibigay na pabor sa atin. Ang ilan sa mga pabor na dinadawit ng Japan sa atin ay makapasok raw ang marami nating produkto sa Japan na tax free. Kapag tax free kasi, mura kaya makakapag-compete sa ibang produkto doon.