Ngayong araw ng mga kaluluwa, maganda gunitain ang mga magagandang leksyon na atin natutunan sa ating mga yumaong mahal sa buhay.
Mahalaga ang mga alaala lalo na sa ngayong panahon na nagkakahiwa-hiwalay tayo sa ating mga pamilya at hindi na natin magagawa ang ating mga kinaugalian na pumunta sa puntod tuwing All Souls Day at All Saints Day.
Ang aking nanay at tiyo ay sa probinsiya nakalibing kaya ipagdasal ko na lamang sila. Ang aking ina ay namayapa noong 2003 habang ako ay inihahanda para sa operasyon sa aking ovarian cancer. Sa payo ng aking doctor, hinintay ng aking mga kapatid ang ilang araw, hanggang lumakas-lakas ako ng kaunti bago nila sinasabi sa akin ang pagpanaw ng aking ina.
Hindi ako pinayagan magbiyahe para sa libing kaya mga anim na buwan pa bago ako nakabisita sa puntod ng aking ina.
Ang aking tiyo Medes naman ay pumanaw nitong Hunyo lamang. Kapatid siya ng aking ina at nag-iisa siya sa buhay. Kaya malapit siya sa akin at siya ang tumatao doon sa aming bahay sa probinsiya.
Ang hirap talaga sa ating mga lifestyle ngayon na magkakalayo dahil sa oras ng emergency, hindi basta-basta makauwi. Noong gabi ng ikalima ng Hunyo, tumawag sa akin ang aming kapitbahay na dinala nila sa hospital ang aking tiyo. Hindi ako makauwi ora mismo dahil wala ng flight ng eroplano papuntang Iloilo sa ganoong oras. Naghanda na lang akong umuwi kinabukasan.
Pagkalipas ng mga 30 minutes, tumawag ulit ang aking kapitbahay at sinabing hindi na umabot sa ospital ang aking tiyo. Kinuha ko ang first flight papuntang Iloilo at bago magtanghalian, nasa amin na ako sa Antique.
Doon ko nakita na buhay na buhay ang bayanihan spirit sa probinsya. Dahil nag-iisa nga ako, lahat na aking kapitbahay ay tumulong. Sinamahan nila ako pumunta sa punerarya at sa simbahan. Ang isa dumating na may malapad na putting tela para background sa dingding. Ang isa nag-aasikaso humingi ng mga bulaklak para gagawing wreath.
Hindi na ako kailangan humingi pa ng tulong. Alam nila ang papel nila. May mga dumating para magluto. May dala-dala silang sariling mga malalaking lutuan, kutsilyo, at sangkalan.
Ang isa naman, siya ang nag-aasikaso ng prusisyon papuntang libingan. Inaayos ang linya ng mga kabataan. Ang isa kapitbahay naming nagluto ng isang ulam, nakita ko na naka-uniporme ng barangay tanod at siyang nag-aayos ng traffic. Luma ang mga mamahaling events organizer.
Doon ko rin nakita na marami ang nagmamahal sa aking tiyo. Simpleng tao lamang ang aking tiyo Medes ngunit sa kanyang pamamaraan, nakatulong siya sa ibang tao. Kinukwento ng aking mga kapitbahay na kung kukulangin sila ng panggatong, binibigyan sila ng aking tiyo. Kung walang magbabantay ng kanilang anak dahil pupunta sila sa bukid, kung libre lang siya, nagbubulontaryo ang aking tiyo.
‘Yan ang aking magandang ala-ala sa aking mga yumaong mahal sa buhay.
Your article here is very timely, Ellen, as we all ready for the All Saints’ Day. Kung hindi mo pa ikinuwento dito, hindi ko alam na dumaan ka at ng pamilya mo sa ganyang pagsubok. Kaya pala napakatapang mo at matatag sa iyong paninindigan. I was emotionally affected reading the above article. There’s more to life and material things. It’s the “Bayanihan” spirit and genuine love for one another.
Tayo lang yatang bansa ang may All Saints/Souls Day commemoration. Ito ay dahil sa ating very close family ties at pagmamahal sa mga miyembro ng ating pamilya lalo na dun sa mga namayapa na. Malungkot nga lamang, ang ibang tao ay minsan ay nalilihis na sa tamang paraan ang selebrasyong ito at nagiging picnic na lamang. Hindi masamang magkaroon ng salu-salo sa puntod ang mga kapamilya at kaibigan ngunit dapat nating unahin ang pagdarasal at pag-alala sa ating pinagdaanan nuong sila ay nabubuhay pa at ipakitang hindi natin sila nalilimutan.
Yong tradisyon na pagkikita-kita ng mga magkaka-eskuwela, kamag-anak, at kaibigan sa lugar namin tuwing Undas ay nawala dahil yong pampublikong sementeryo sa aming bayan ay binili ng isang negosyante at tinayuan ng mall. Noon ay nakakatigil kami ng maghapon at magdamag sa puntod dahil malapit lang sementeryo sa barrio. Kinuwarta ng mga dupang na namamahala yong sementeryo na hindi man lang binigyan ng tulong yong mga kamag-anak para mailipat yong kanilang mga mahal sa buhay, kaya kung sino lang yong may pera ang nakapaglipat ng kanilang mga kamag-anak na nakalibing doon at yong iba ay nabuldoser na, aywan kung saan napadpad. Maraming masayang alaala ang sementeryong yon sa amin, pero mahirap kalaban ang mayaman, sana maraming multo ang lumabas sa mall na yon.
Time went by fast indeed..2003 was four years ago, and it had been that long since, the last time I saw Nay Isang.,remembered her smiles and how she run her hands through my face and I wondered then if she really knew me and remembered me..and I have no doubt she did. Antique is still the place for me..many may be poor in material things
but certainly rich in many ways..lalo na sa barrio.
Luz: I found it sad that here in the US children are more concern about Halloween. I explained at my CCD that Halloween is not a Christian holiday..but children’s mind is only on what costume they will wear for the night and trick or treating. The older folks go to the cemetery and mass is said..in catholic cemeteries. In Antique, we do have what we call “kalag kalag” and don’t be angry kung nawala ang mga bunga ng kabugaw mo (suha) at kinuha noong mga kalag na nagcarol the night before..we have our own version of trick or treating..
jdeleon: grabe naman yong negosyanteng na sinasabi mo. Sana multohin siya ng mga ginulo niyang hukay. Ever heard of what happened or happening in the Festival Arts? yong lugar na maraming namatay? Ang kwento ay while the building was under construction (Imelda’s time) gumuho and instead of removing the bodies binuhusan nalang nang cemento..kaya maraming nakakarinig ng mga iyak..a friend of mine told me that once she attended a performance at the theatre and the lights just went out for a quite a while and then came on..ala “phantom of the opera.”
..Ellen, I certainly will remember to pray for her and
Tio Medes and all the deceased members of the family..
Ellen: she died in November, 2003 right? It was in mid January 2003 then when I saw her. That was when I went home for our HS reunion.
Kay gandang basahin ang “BAYANIHAN”. Ganyan sa probinsya lalo na kapag ang bahay mo ay ililipat sa ibang lugar ang kalalakihan sila ang nag bubuhat ng bahay. Habang ang mga kababaihan naman ay nag hahanda ng pagkain at iyong iba ay nag bibigay ng inuming tubig. Ganyan din kapag merong kasalan sa isang barrio, tulong tulong ang mga magkakapitbahay, nandyan yung magpapahiram ng mga plato at kung ano ano pa.
May “BAYANIHAN” din sa Malakanyang ibang klaseng bayanihan. Bahala na kayong mag isip, nakakasama lang ng loob.
Naway muling maibalik ang tunay na “BAYANIHAN” sa bayang Pilipinas.
Rose,
Yung tradisyon ng ‘Pangangaluluwa’ yata yang sinasabi mo na nuon ay pinapraktis sa probinsiya. Yun yung katumbas ng ‘Haloween’. Yun yung ‘kinakaluluwa’ yung mga alagang manok, biik o bunga ng mga tanim. Pero ngayon ay hindi na yata masyado ginagawa dahil sa hirap ng buhay at nagagalit na ang mga nawawalan. At iyon naman sinsabi mong kwento na mga namatay na construction workers, malamang sa Film Center yun at hindi Folk(Festival) Arts Theather. Ang kwento actually ay nung nagbubuhos ng semento para gawing malaking poste ang gumuho sa mga workers at iyon ang tumabon sa kanila at dahil mabilisan nga ang construction, ay quick-drying cement ang ginamit. Kaya nahirapan silang hukayin pa at duon na nalibing. Di ko rin alam kung totoo yang kwentong yan. Pero dati ay nakapanood na rin ako dyan sa Film Center tuwing may film festival bago isinara ng tuluyan.
yes, the pangangaluwa is practiced very much in these islands where I live pero walang makukuhang biik o manok sa amin 🙂 kung hindi kami magbigay…
The sense of “bayanihan” is prevalent in our province as well or that I observe. And it is very moving to hear of your account, Ellen. The true beauty of One-ness is something like these. When I was in elementary, our religion teacher told us that it is more precious to give of our time and energy to help our fellowmen and not necessarily money. Actually, money also helps but it can also be a panakip butas for a cold attitude especially when one has too much of it so it can be easily done.
Dia de Los Muertos, is Todos Los Santos. This religious beliefs are still deeply felt in Pinas mostly in all cemeteries where there are said to be dire consequences for not observing the necessary rites. In most beliefs; failure to conform is sickness or even death.The making of the offering is more than an obligation, it is a vital part of maintaining good relations with the dead. It’s a festival of welcome which the living prepare and celebrate for the souls of the dead.
Graves are cleaned, painted and dressed with flowers and offerings In my town we bring a lot of food and in the cemetery, the refreshment must be coke or pepsi, not a can of pine-apple juice mixed with a lot of water.The observation of this feast is a deeply rooted and complex event that continues to be of great significance for many people. Masaya sa sementerio.At night there is a caroling song and I still remember–Natutulog ka Mang Kulas,Ang pundilyo mo ay butas-butas,while singing that song tinitirador na sa ulo ang manok na nakadapo sa sanga ng manga at pinipitas na nila ang lukban”suha”Marami rin ang pakinabang ng tirang kandila,ginagawang floor-wax.The priest work over-time blessing the tomb with pissed water,200 per nitso with an extra bonus of pansit, lechon and coke.Amen!
Luz: that’s right “pangangaluwa”. Though takot kami noon when they come to carol it was fun..Antique has a lot of folklore, myths and legends. And another practice we had was we used to go to Lola Mane’s house (the sister of my grandfather) and we used to pray with her the whole day. And we would have “baibai” what the Tagalogs call espasol.. newly cooked at ang bango bango ng pinipig.. simply lang ang buhay..and still is. Doon sa lugar nila Ellen..walang alarm clock ang gigising sa iyo sa umaga (and really early) ay ang tukturuok ng mga manok. And even in San Jose, the capital, wala kaming mga taxi..kadilakad ka or tricycle. City folks missed a lot don’t you think so?
Luz: tama ka that was the film center. Many of my friends who had attended events there told me of sounds of moanings..Betty Bantug, who was in the committee in the construction of that building was my contemporary sa PICPA and her own story was tragic. I was already here when it happened but friends told me that they were in a rush to finish the construction for the Cannes Film Festivals..
Cocoy: hindi ba ang Nov. 1 is All Saints Day while Nov. 2 is All Souls Day? You are right Catholics do have good relationship with the deceased..”communion of saints” is part of our Apostles Creed. Malaki ang income ng simbahan sa araw na ito..
tibaklang: the carrying of the whole house on the shoulders of the men was really amazing..bayanihan..tulong tulong. pero wala na segurong kanyan kasi malalaki na ang mga bahay…but the spirit of bayanihan is still there in many ways lalo na sa probinsiya..but you know what I observed..bayanihan is primarily done by ordinary people “ang mga masa”. I don’t think the billionaires and millionaires of Forbes Park, Alabang don’t know what it means.
I was born at a place long before it was turned into a cemetary next door to the big catholic one. But to visit my late father there is half a day’s torture sitting on a bus or driving a car.
I planned to be cremated, half the ash at the libingan and half where I was born. Keep a few pinch to travel along should the family finally decides to go to the US. Hope to win the barangay election next time, (yesterday I just lost)
so I will prepare a plot here in metro manila.
I just wrote this just to show there is a lot of things really to prepare or plan for the demise of everyone. So when we visit the graves tomorrow or the next day, we will see how much more sacrifices missed for them.
Walang Akong Pakialam Kay JONAS!
Noong kinuha nila ang mga Komunista
Wala akong pakialam,di’ naman ako Komunista, eh
Noong kinuha nila ang mga student activists
Wala din akong pakialam,di’ naman student activist ang anak ko,eh
Noong kinuha nila si Jonas Burgos
Wala rin akong pakialam,di ko naman kamaganak si Jonas!
Noong binomba daw nila ang Ayala Mall,
Wala rin akong pakialam,wala sa pamilya ko ang nasugatan naman,eh
Isang araw,noong kinuha nila ako
Wala akong masabe,kasi Ako rin ay may sala!
Dahil hindi ako nakialam at di ako nasabi
“Lahat at may karapatan na maging Malaya!”
Equalizer, I visited your site. Ganda! Full of passion.
For Jonas and others…
Los “desparecidos”
Did we notice?
Did we care?.
Reports of torture,
Reports of graves
in the mountains,
Bodies dumped at sea
Did we notice?
That happened
in those places,
those other places
where people didn’t speak English,
ate strange spicy foods,
had dictators
or Communists .
They didn’t count.
We didn’t count them
Not us. The terror has come home.
Will it make us better or worse?
Maganda talaga ang konsepto ng Bayanihan. Isang kawang gawa (Act of Charity). Nawawala na ang ganyan ngayon lalo na sa maunlad na lugar. Charity nga wala na eh.
Ang panalangin para sa mga yumao ay di lang dapat sa araw ng mga kaluluwa bagkus dapat ay araw-araw sa ating buhay. Kahit maikling panalangin para sa kanila ay may tulong na dulot at kaginhawaan sa kanilang kalagayan. Ang pinakamagandang Bayanihan na magagawa natin para sa kanila. Di nila kailangan ang pagkain dahil ang kaluluwa ay wala ng katawan na nagugutom pero sila ay espiritu na lang na kailangan ang tulong ng mga buhay. Nakakalungkot isipin na sa mga sementeryo puro kasiyahan na lang makikita. Nagtipontipon sa sementeryo para kumain may kasamang dasal, yung iba kain lang, merong iba panalangin lang pero di inisip na ang sinapit ng mga yumao ay sasapitin din nila.
Bukas, araw ng mga banal na nasa langit na, dapat sigurong humingi ng tulong sa kanila upang pakinggan ang ating panalangin. “The prayer of a just man availeth much.” Magandang hilingin natin sa kanila na tulungan tayo sa ating mga panalangin. Sa makalawa ay itinakda ng simbahan para sa mga yumao. Magandang ipanalangin natin sila para sa kanilang kalayaan mula sa kasalukuyan nilang kalagayan. “It is therefor a holy and wholesome thought to pray for the dead that they may be loosed from their sins.” (2 Machabees c12v46) Christ spoke of a place where no man comes out until he paid the last farthing (Matt. v25,26)
Bayanihan para sa mga buhay, Bayanihan din para sa mga yumao.
Text:
Tinatamad ka ba dalawin ang iyong loved ones sa sementeryo?
Text Dalaw On at i-send sa 2366.
Sila mismo ang dadalaw sa yo.
If you have difficulty getting up in the morning kahit na may alarm clock pray to the souls in purgatory and they will surely wake you up..proven yan..
In memoriam
We ask that you take time from your holiday schedule to stop, reflect, and pray for those brave men and women who have fought and died during the dark days of the conjugal dictatorship.We hope thay have not died in vain.
We owe so much to these brave souls (and all those who put their lives on the line during the martial law years. ).
Ninoy Aquino (Senator)
Lean Alejandro (UP Student Leader)
Ed Jopson (Ateneo Student Leader)
Jose W.Diokno (Senator)
Lorenzo M. Tanada (Senator)
Chino Roces (Manila Times Publisher)
Jose Mari Velez (Broadcaster)
Kaninang bago mag 8:30pm, dumaan muna ako sa sementeryo upang magtirik ng kandila. Marami na rin mga tao ang nagsisidagsaan. Iba dito ay magpapaumaga na o duon na magpapalipas ng gabi.Karamihan ay mga kabataan.
Pero sa nakita ko ay parang duon na siguro magwi-weekend o hanggang a-dos pa?
Mayroon akong nakasalubong at ang sabi sa akin ay kubol kubol…
Ang unang pagkakadinig ko ay salitang ‘tubol’ sa bisaya. Alam na siguro ito ng mga bisaya bloggers dito sa ellenville.
(Ang tubol ay tinatawag na ‘baby balawis’ sa inidoro na hindi binuhusan, pasintabi na sa inyo)
Magbalik tayo duon sa kubol na inooffer ng mga kabataan na nakasalubong ko sa sementeryo.
Ito yung sila ang magtatayo ng mga tents o bahay-bahayan na masisilungan.
Ang tawag dito ng Nanay ko ay payag.
Nakita ko rin na meron nang nagluluto,nag-iihaw habang ang isa naman ay sige ang paypay sa baga.
Takaw pansin sa akin itong may nagbobomba ng kalan para sa pagpapakulo ng kanyang paninda na mani.(sigurado ako na bagong hugas ito)
Nandun din ang magbabalot at nagtitinda ng Penoy.
May mga palamig din. Kung nuon ay sago at gulaman, ngayon ay soda in can. May ilan din na nagtitinda ng soda sa cup.
Malakas ang negosyo.
Syempre, hindi mawawala sa eksena ang mga naglalaro ng baraha.
Hindi pa rin nawawala ang mga pa-cute effect o pormahan ng mga kalalakihan sa mga bebot.
Kung nuon uso ang pagdadala ng mga radio casette, ngayon ang mga kabataan ay may mga earphone na at nakikinig ng mp3’s.
Kadalasan ang pagpapalipas ng oras ay makikita mo sa pagkutkot ng butong pakwan o kalabasa. Pero ngayon teks messaging na sa mga teksmeyt.
Bihira na ako makakita ng mga nagdadasal sa harap ng puntod o lapida. Bihira ka na makakita ng may hawak ng rosaryo o nag-aalay ng dasal.
Naalala ko tuloy ng umuwi kami ng Nanay at kapatid ko noong 2nd week ng May sa probinsya namin.
Hanga kami ng kapatid ko sa naituro ng lola namin sa mga anak nito.
Nagawa ng mga tiyahin ko na maisalin sa mga apo nito ang tradisyon na magdasal o mag-alay ng panalangin sa harap ng puntod ng kanilang lolo’t lola.
Mas masarap palang pakinggan ang dasal sa lokal na diyalekto.
Happy All Saints Day
Happy All Souls Day
The Equalizer:
Isama na rin natin sina Reyster Langit, Dan Campilan at iba pang sumakabilang buhay na.
Sila’y magsisilbing inspirasyon sa mga gustong tumulong upang maghatid ng pagbabalita at impormasyon.
Pahintulutan sana ninyo akong ibahagi sa inyo ang isang maikling tulang isinulat ko bilang paggunita sa araw na ito:
Sa Libingan
May alok ang araw, may sumbat ang gabi
Bawal tumanggap, bawal tumanggi
Ang makadadalo’y talagang pinili.
Ang mangaghahatid, t’yak magsisihikbi.
Ang karimlan dito’y simbigat ng luksa
Ang liwanag naman, sing ingay ng luha.
Langit ang hihirang sa mangagbabahay
Lupa ang katalik ng bawat himaymay.
Ang kaluluwa ko sa oras magtampo
Sa pintig ng puso, sa laman ko’t buto
Ang alok, ang sumbat, dilim at liwanag
Sa libingang ito’y aking mayayakap.