Ito ang sinabi ni dating Pangulong Fidel Ramos sa kanyang pag-analisa kung bakit binigyan ni Gloria Arroyo ng pardon si dating Pangulong Estrada.
Sinabi ni Ramos na napakahina na ni Arroyo kaya gagawin niya ang kung ano lang para lang siya hindi matumba.
Yan din ang sinabi ni Sen. Richard Gordon. Sabi niya, “Pinili niya (GMA) ang mag-survive rather than be right, rather than be just. It’s not even a question of mercy. It’s a question of survival sa kanya. It is a transactional leadership at its purest form.”
Lahat transaction. Tulungan mo ako manatili sa pwesto, bigay ko ang gusto mo.
Maraming haka-haka kung ano ang deal nina Gloria at Erap. Nandiyan ang hindi na tutulong si Estrada sa mg magpu-protesta laban sa kanya. Susuportahan daw ni Estrada ang kandidatong i-endorso ni Arroyo sa 2010 sa pagka-presidente. Ang kandidato na yan ay mangangako na hindi aakusahan si Arroyo kapag wala na siya sa Malacanang. Mayroon din nagsasabi na nangako si Estrada na papayag sa charter change.
Hindi natin alam kung ano talaga ang totoo dahil sa rehimen ni Arroyo, itinatago ang katotohanan.
Ngunit lalakas na ba si Arroyo dahil nasa kanya na si Estrada? Sigurado na ba siya na walang tutumba sa kanya bago 2010? Yun nga kung bababa nga siya sa 2010.
Oo nga natabunan ng pardon at paglaya ni Estrada ang sinabi ni Joey de Venecia na $70 milyon (dolyares yan) ang ipinangako ni dating Comelec Chairman Benjamin Abalos para kay Mike Arroyo. At ang sinabi rin ni Joey de Venecia na sinabi ni Arroyo mismo kay dating NEDA director Romy Neri na “Bakit hindi mo tinanggap?” yung P200 milyon na inaalok ni Abalos.
Natabunan nga ngunit nawala ba ang ngitngit ng taumbayan sa garapalan na kurakutan nina Arroyo at ng kanyang mga alagad?
Sa akin, maaring manatili so Arroyo sa Malacanang ngunit manatili siyang mahinang lider. Hindi siya suportado ng masang Pilipino. Walang naniniwala sa kanyang mga sinasabi.Parang kunting tulak na lang tumba na. At delikado yan.
Siguradong sa ganilong sitwasyon na tagilid na si Arroyo, nag-iisip na rin siguro ang kanyang mga tauhan kung ano ang mangyayari sa kanila kapag matumba si Arroyo. Sigurado uusigin rin sila ng kanilang pinagpahirapan.
Ang nakakabahala ay kung makita nilang masyadong nang tagilid si Arroyo at gagawa sila ng paraan na manatili sa kapangyarihan. Dati may mga sinasabing plano na parang “Save the Queen” operation. Gagawa sila ng sariling coup. Parang military junta nga kasama si Arroyo.
Ang tumutukod lamang sa kanya ngayon at ang heneral na inaalagaan niya katulad ni AFP Chief of Staff Hermogenes Esperon. Ang problema lang, marami ring walang respeto kay Esperon sa mga nakakabatang mga opisyal at mga sundalo.
Sabi ni Pepe Miranda ng Pulse Asia, sa military raw, sampung porsiyento ang masasabing mga tipong aalsa laban sa pamahalaan. Sampung porsiyento rin ang maa-asahan ni Arroyo na loyal sa kanyang. Kung may mangyayaring kaguluhan, ang 80 porsiyento ay tititingin sa langit at maghihintay ng senyales kung saan kakampi.
Kahit hindi ako sang-ayon sa mga posisyon ni Ramos sa maraming bagay ngayon, alam ko bilang dating presidente, marami pa rin siyang alam tungkol sa nangyayari sa pamahalaan. Para niya sabihin na “bilang na ang araw ni Gloria Arroyo,” mukhang may alam siya.
Bakit, malakas pa ba ang influensya ni FVR sa miltar at pulisya? Wala siyang masyadong influensya sa Lakas Party. Matagal na siyang nakapon dahil sa suholan. Uncle Sam nasaan ka?
Ka Diego,
Busy rin si Uncle Sam sa survival issue, heheh!
DKG, that FVR’s reading. That doesn’t necessarily mean that it’s him that’s going to move. Reading the situation is different from influencing the situation or making initiatives.
Kung yung kakampi mismo ni Arroyo ay nagsasabing bilang na ang araw niya, ano pa kaya ang kalaban niya?
Kung umasta si tabako akala niya siya ang pinaka magaling na presidente, eh sa tutoo lang ang dami ring anomalya at corruption nuong presidente pa siya. At may question din ang kanyang pagkapanalo nuon. Pareho lang sila ni kokey na sinungaling, mandaraya at magnanakaw. Ang pagkaiba lang nilang dalawa eh mas magalinis siya magtrabaho (read: magnakaw at mag kickback) at magaling magtago ng mga kayamanan na kinulimbat niya sa kaban ng bayan.
Palagay ko si Little President Eduardo Ermita at kanyang kaalyado sa Cabinte ang puedeng magpatumba kay Gloria. Alam niya ang GMA skeleton closet. Si General Ermita ay naging bata ni FVR.
Tama kayo lahat tungkol kay Ramos. Siya lahat ang may pakana sa kaguluhan sa ating Bansa. Akala mo siya ang pinakamagaling. Siya ang nagbigay sa atin ng isa pang demonyo sa katauhan ni Glorya. Kasi ang alam niya si Erap at FPJ ay hindi karapat dapat maging Pangulo ng ating Bansa. Kung kanser si Glorya “metastasis” na lang siya ni Ramos. Siya ang ugat ng kaguluhan sa ating Bansa sampu ng mga General niya.
Isa ring oportunista si FVR. Sira rin reputation nyan sa masa. Kung iniisip niya na siya ilalagay natin sa pwesto pagkatalsik kay gloria, wag na uy! Ano siya hilo?
Rebellion from the Barracks
Rigoberto Tiglao, KUDETA, PCIJ, 1990
“Clearly, the rebellion from the barracks has driven a wedge between the military and the State. It is quite possible that military rebels may seize power in the next few years. Whether or not they succeed, they will continue to threaten whatever government is in office.
Two other important observations can be drawn from this study.
First, a powerful catalyst seeking a nationalist ideology is operating within a strategic social organization — the military. This could have a greenhouse effect that will speed up the blossoming of a formidable nationalist movement with mass support.
Second, although smaller than the communist movement in terms of mass following, the rebellion from the barracks has so far scared the Philippine elite the most. But despite the threat posed by the military rebellion, the elite has refused to allow structural changes that will defuse the threat. This impasse is likely to continue — with possibly tragic consequences.”
Tama na ang pagsandal ng mga pilipino kung kani-kanino. Kung ibabagsak nila si Gloria Kulimbat, ibagsak na nila na hindi kailangan pang hintayin ang go-signal ni Ramos o kung sinong oportunista diyan. Kahit iyong mga kano na mas malaki ngayon ang problema, hindi na dapat pang inaasahan para patalsikin ang isang kriminal mula sa kinauupuan niya.
Hindi rin ako komporme na ginagawang dahilan ang pardon noong isa pang wala palang yagbols para isulong ang pagpapaalis sa Donya ng mga kawalanghiyaan. Tama na, babalik pa ang mga iyan kung sakali. Dapat sa mga iyan, kinukulong!
Ayusin na ang dapat ayusin. Taragis naman, kalahating siglo na ang nakalipas, hindi pa rin natoto ang mga pinoy. Iyon nang iyon pa rin ang iniluluklok, ang mga ganid, hidhid at sakim na nagpapahirap sa kanila noong panahon pa ng kopong-kopong. Patalsikin na, now na!
Si FVR ang puno’t dulo ng kahirapan ng bansa natin. Kung hindi niya dinaya si Miriam noon hindi na sana na mental ito at baka nabago ang istoria ng pilipinas. Siya ang nag umpisa ng dagdag bawas sa election, si gloria ay isang estudiante niya lang.Kaso lang hindi sinuportahan ni cardinal Sin si miriam maski nasa tamang lugar ito at alam naman natin siya ang tunay na nanalo. Kaya mahirap din magtiwala sa tao kahit na siya ay isang cardinal. Minsan sariling interest lang ang inuuna nila at hindi sa pangkalahatan gaya ni Kristo.
Hahahahahahahah! “Kung hindi niya dinaya si Miriam noon hindi na sana na mental ito at baka nabago ang istoria ng pilipinas.”
Kung si FVR ang dahilan dapat sa kanya ay “Fatayin sa Vitay si Ramos”. Siya nga ang dahilan kaya nag kawatak watak uli ang Pilipinas.
Isang maso de gulat sa ulo ni Chavit Singson ang paglaya ni Erap. Ibig sabihin laos na siya o outside the kulambo. Tapos na ang kanyang honeymoon sa rehimeng Arroyo. Siguro ang mga kaso niya sa Ombudsman ay malapit ng husgahan. Malaking papel nila FVR at Chavit sa pagka-patalsik kay Erap noon 2001 kedeta. Pero ngayon parehong outside the kulambo ni Gloria. Tama ang sabi ni Erap: weather-weather lang.
Miriam? Diyos ko po! Isa pa iyan! Dapat ipagdasal na lang na maging tunay na maka-Diyos ang mga pilipino para hindi sila naliligaw at botohin na lang nila ang talagang tunay na maka-Diyos at maka-tao.
As I have written in another loop, does God only choose good government leaders that will be a relative blessing to the nation involved? Not necessarily.
There was an old judge and prophet in Israel named Samuel. The elders (senior representatives) of the people told him, “We want a king just like all the other nations.” This made Samuel sad. But God said, “Heed the voice of the people . . .for they have not rejected you, but they have rejected Me, that I should not reign over them” (1 Samuel 8:4-7).
So God gave them Saul as king. He could have served well, but instead became a paranoid egotist. God will do the same for any nation today. He will give a people the leader they so selfishly desire—and therefore so profoundly deserve!
There you have it, guys! It’s your choice, sabi nga! Kung may corrupt na mga opisyales sa Pilipinas, kasalanan din iyan ng mga bumoto sa kanila. Bakit nila pinapayagang madaya sila?
Patalsikin na, now na!
Teka, teka, bakit ninyo ipinapataw ng husto kay FVR ang nangyari sa EDSA 2? Sa totoo lang sumabit lang iyan noon, at nag-provide ng props. Siya kasi ang malakas sa mga kano noon being a member of the Carlyle Group. Para namang hindi kayo nagbabasa ng dyaryo o magazine na iyong mismong Fatso ang nagmalaking siya ang mastermind ng EDSA 2 nang magpa-interview siya soon after the installation of his wife as Acting President!!! Magaling lang magpalusot ang ungas. Pag maganda para sa kaniya, siya ang pasimuno pero pag mapapahamak siya, sasabihin wala siyang kasalanang ginagawa! Demonyo talaga!
Pero ang alam ko talaga, nothing evil comes from God. He may allow an evil leader to be on top, but that is because it is what the people want and deserve to have.
Omni 1:25: “And it came to pass that I began to be old; and, having no seed, and knowing king Benjamin to be a just man before the Lord, wherefore, I shall deliver up these plates unto him, exhorting all men to come unto God, the Holy One of Israel, and believe in prophesying, and in revelations, and in the ministering of angels, and in the gift of speaking with tongues, and in the gift of interpreting languages, and in all things which are good; for there is nothing which is good save it comes from the Lord; and that which is evil cometh from the devil.
Sa totoo lang, mas malaki ang papel ni Sin. Iyong mama pang iyan ang dapat managot sa nangyaring mga kawalanghiyaan sa Pilipinas sa totoo lang. Patawarin nawa siya ng Diyos sa mga ginawa niyang kasamaan!!!
Kawawang Pilipinas!
Tama. Dalawang pangulo ang kanyang tinumba at nakinabang sa Pagcor money galing kay Meldy.
Wow heavy, Nagsalita si FVR at may nakinig, ang tanong dito ay “Bakit”, ano ang para sa kanya? Sino bang gago ang sumuporta kay Gloria noong Edsa 2, hindi ba kasama siya sa mga nakangiti at sumuporta. At itong si Gordon di ba siya ay isa sa mga die-hard. that means only one thing, alam na nila na either lulubog na ang mighty Taytyanak or they were no longer invited to board.
Itong si Tabako, baka nalimutan mo na lahat ng ginawa mong katarantaduhan sino ang nagdusa, Si Erap at ang bayan, di ba ng unang umupo si Erap walang laman ang kaha? Diba sinabi ni Erap noon na bangkarote, sino ba ang nagissue ng sang damukal na sovereign guarantee, di ba ikaw na hanggan ngayon ay binabayaran at pinagdudusahan ng karaniwang Pilipino. Si Erap ayaw nyang magissue di ba? Kaya ng matapos siyang sipain wala pang isang buwan nag issue na agad. Di ba dito sumabit si Nani.
Hoy, “Dick” Gordon noong nasa Subic ka pa believe ako sa yo pero nawala na yan kasi you are nothing but a second rate opportunist.
Baka double jeopardy kapag kasuhan ng panibagong plunder. Papayag ba ang I.N.K.?
Depende Diego. Depende kung may ink pa ang INK. Baka tuyo na ang ink. Kung tutoo man may kinalaman ang INK sa paglaya ni Erap, bibisita kaya siya sa templo ng INK para magpasalamat kay Manalo?
How many more days Mr. Ramos? I pray that she will be out before Nov. 22, 2007. I pray that when I come back Nov. 15, a week before Nov. 22, napatalsik na siya and many will really be celebrating..Thanksgiving Day..Nov. 22, 2007. That is what I pray for and will pray for Nov 1-15 and that is no threat but a promise..I will for that for the entire duration of the pilgrimage..I look forward to a great Thanksgiving Day for many..Thank you Lord.
Kung lahat tayo ay magdadasal sa panibagong Philippines..maging madali ang pag-alis ni Gloria..so we can all sing..Gloria in excelsis Deo!
Kung baga sa sine si Tabako ay laos na. Noong una siya ay
naging superstar dahil ang producer noon ay si Uncle Sam.
ang kanyang side kick noon ay si Sen E. para tumbahin
ang regimen Macoy. So far naghahanap pa si King Eagle
kung sino ang puede pumalit sa kanyang dating role. Kaya takot silang palabasin si Sen T dahil baka itong i promote
para mag re-make ng “Circa ’86”.
Para sa akin, nagpapatawa lamang si FVR sa pagsasabi na goria’s days are numbered. Gusto lang pagusapan ang kanyang statement sa paraang inuuto ang publiko. Talaga namang may hangganan ang termino ni goria, sa 2010. Klaro ang numero, 2010. At kung hindi naman mapatalsik ng maaga, every day is numbered, see? Makabubuti kung sasamahan na niya ang grupong gustong umupak kay goria. Sama ako sa kanya ng lima.
And speaking of number, jueteng or number game ang nagpatalsik noon kay Erap, huwag nating kalimutan na involve din goria at pamilya sa jueteng at isa yan na pagpapatalsik sa kanya. Hayan at umuusok na ang ilong ni sabit dahil inalisan na siya ng sabitan. Abangan ang mga susunod pang kaganapan!
Sana “magdilang-anghel ka, Fvr! Kung talagang bilang na ang mga araw ni Unano, shall we start counting from 100, 99, 98, 97,96…and lower…………!?!
Pero…I’ve got a feeling, there would be tremendous “excitements” in store for us in the days to come!
Kaya, we should keep on praying these would be for the good of the country!
Please, Lord…dalian mo na!
At bakit nagsasalita ngayon si Eddie e samantalang kung hindi siya pumunta sa EK at sinuportahan si Gloria matapos na ilaglag ito ng Hyatt 12 (11 minus Nerissa?) ay di sana ay matagal ng tapos ang bruha?
Ngayon, kung siya ang gagawa ng paraan para ora mismo ay kumaripas ng takbo away from Pinas ang mga Pidal, makakabawi siya ng konti sa kanyang mga pagkukulang sa bayan at pinoy.
Pero kung puro analysis ang kanyang gagawin ay mabuting nasa mag-abroad na lang siya.
Si small Dick, pumuporma lang ‘yan for 2010. Tingnan niyong mabuti mga trapol na mapagsamantala sa sitwasyon ay baka mahuli kayo sa pansitan!
Nakakalimutan ninyo na isa sa mga dahilan kaya lalo tayong gumugulo ay dahil rin sa mga coresswo/man na nakipag secret meeting noong kay Gloria para paalisin si Erap. Eto ang mga aktibistang congressman na sina Beltran, Ocmapo, Hostiver? etc. Kasama sila sa pag plano para paalisin si Erap. Isa sila sa mga dapat sisihin kung bakit ganito ang bansa natin. Matapos nila tulungan si Gloria ano ang ganti sa kanila.
Kay Erap ay kung sino man ang malalagay sa katayuhan niya ay siguro ganoon rin ang gagawin dahil wala na siyang makitang liwanag na ang korte ay titignan base sa ebidensiya hindi base sa utos ng reyna nila. Lahat nga naka upo ay sa korte kahit anong posisyon ay bayaran na rin at nagbabayag ng utang sa nag talaga sa kanila. Kahit papaano ay pinapakita ni Erap na handa siya lumabas sa kaso at hindi siya tumakas para lang maka iwas. Ang star witness ng state ay isang magnanakaw at mamatay tao (sabit singsong) ni hindi niya mapatunayan ang sinabi niya.
MAs tutuusin ay maganda ang buhay natin noon kay MArcos kesa ngayon dahil kahit papaano ay maunlad tayo. Kung nag nanakawa si Marcos noon ay may para sa kanya pero hindi niya nakakalimutan ang bansa natin. Ika nga ay kumuha ako pero eto ay para sa inyo naman.
Masahol at talamak na ang gobyerno natin kahit sa kapitan baranggay ay nakawan rin at dayaan.
Chi,
Ang “analysis” (thanks to FVR, naks ha?) ko naman tungkol kay Dick na yan ay di malayo sa ‘yo! Di ba may “hidden” ambisyon din ‘yan na mag-kandidato for President kuno sa 2010! Pula-Puti din ‘yan!
Si Tabako? Lamunin na lang niya ang “Upos” ng Tabako niya! Isa siya sa mga BUWISIT sa buhay ng mga kawawang Pinoy! Pwe!
bilang na ang araw ni gma sabi ni ramos. wow nagsalita na naan si tabako. eh hanggang salita lang naman siya at wala naman ginagawa o nagawa sa ating bansa. ah teka meron nga pala sya nagawa;nagawa nyang dagdagan ang utang ng pilipinas dahil pati sya nangulimbat din sa kaban ng bayan
haji i agree with you, kaya nagngangakngak ngayon si tabako dahil nawawala na sya sa sirkulasyon at di pwedeng si erap at si unano lang ang laman ng mga dyaryo radyo at telebisyon. sana mr ramoshwag ka nang magsalita dahil lalo mo lang inuuto ang mga pilipino. hindi kami bobo na gaya ng pag-aakala mo
ka diego, hwag mo na hanapin si uncle sam dahil ala na syang interes na pinoprotektahan sa pilipinas at iba na ngayon ang prioridad nya. wala taong dapat na ibang asahan kundi tayo na rin na mga pilipino. ang problema lang wala pang tumatayong tunay na mamumuno sa atin dahil karamihan sa mga politician natin ay me hidden agenda at ang sarili lang nila ang kanilang iniisip
Elvie,
Kung hindi lang sagad naghihingalo na si Gloria, iyang si small Dick ay umaasang maging bet ng bruha sa 2010. Kay daling kumambyo, hahahah!
Iyang si Tabako ay pasandal-sandal lang yan kung nasaan ang hangin dahil sa kanyang ‘grandmother of all scams’! Pero mantakin mong talunin pa ni Gloria sa kakorapan!
Sabagay, sama-sama sila together nuon pa…si Sin, Cory and Fidel created a monster that’s uncontrollable! Wala silang magawa ngayon na ang direktang apektado ay ang kapinuyan. Nilapastangan kasi ang Pinas Konstitusyon e, mga bwisit sa buhay natin ang mga lider na ito.
Kaya nag-iingay ngayon si Tabako ay para magkarun ng boses sa magiging lider na papalit kay Gloria. Sasampay ika nga!
Imagine, kung halungkatin ng magiging bagong lider ang kanyang Amari at iba pang kurakot galore, e di sa tanda niyang iyan ay laking problema at kahihiyan. Idemanda din sana ng plunder ang matandang ito. Pare-pareho silang makulong.
“…sampung porsiyento ang masasabing mga tipong aalsa laban sa pamahalaan. Sampung porsiyento rin ang maa-asahan ni Arroyo na loyal sa kanyang.” 80% ang kikilos lang kung saan ng hangin. Talo pa rin si Gloria!
Marahil ay i-extend niya ng service ni Asspweron. Pwede ba yun, mga military experts? Paki sagot nga.
# chi Says:
October 28th, 2007 at 5:19 am
Si small Dick, pumuporma lang ‘yan for 2010. Tingnan niyong mabuti mga trapol na mapagsamantala sa sitwasyon ay baka mahuli kayo sa pansitan!
Nagiingay lang itong si tabako kasi nakalabas na si Erap. May kasosyo na si tabako sa attention ni tiyanak! Imagine if the tiyanak will really be supported by Erap? Di tuloy ang ligaya ng bruha! Tiyanak is wily, conniving, scheming and has the audacity to use anything and everything to make sure she stays in power! She saw the opportunity to wiggle her way out of the ZTE, bribery of the local officials and the recent Glorietta incident in Erap’s pardon, diffusion tactic! She has very good timing, ika nga. Tabako always wanted the cha cha train to reach its destination. Ginagamit niya si tengang daga (JDV) to make sure that the cha cha pushes through. It is good for his personal business. Puwede na niyang i-unload ang kanyang mga nakulimbat in the international market para lalo pa siyang yayaman. Through JDV, baka gusto pa niya ulit bumalik as the Prime Minister kung susuwertihin pa. But it is more on the material angle that the tabako is pushing for the cha cha. But tiyanak refused to lose her power. Aba nga naman, marami pang puwedeng makulimbat! Sa tulong ng kanyang suwapang na asawang baboy, at ng mga cronies niya, the opportunity to fatten themselves is as vast as the ocean!
I wonder if there’s a crack in the relationship between JDV and FVR now. JDV is now not keen on pushing Cha-Cha. FVR is still hot on it. That’s one way for him to return to power as Prime Minister Ramos. Ewan…sa panahon ngayon hindi na natin alam kung sino ang magkakampi o magkaaway.
Kawawang Pilipinas, at kawawang mga pilipino kasi niloloko kasi hindi alam kung saan kakapit. May kumakapit sa patalim, OK pa rin!
You bet, Rose, dasal ang kailangan ng mga pilipino. Sabi nga sa mga tao ng Sodom and Gomorrah noong unang panahon, kahit sampu lang na may pananampalataya sa Diyos ng mataimtim, didinggin niya at hindi wawasakin ang dalawang lugar na iyon, pero wala kaya winasak. Sa Pilipinas, ilan pa kaya ang talagang naniniwala sa Diyos at hindi doon sa kanilang mga iniidolo?
Walang tulak kabigin sa totoo lang. Lahat naging sakim, ganid, at palalo! Tignan mo na lang ang mga nagdudunung-dunungan, bugok naman!
Ingat kayo ng binabatikos. Very cunning lang iyan si FVR, pero ang talagang culprit diyan iyon matabang mama at iyong kapartner niya sa pangungulimbat. Nakikiamuyong lang iyan si FVR. Laos na iyan sa totoo lang. Otherwise, napakilos na sana ang mga sundalong inaapi na hindi pa kumilos at gusto mga taumbayan ang magsalba sa kanila!
Dasal ko lang, sana totoo nga na mapabagsak ng mga pilipino ang mga ungas na itong pinaupo nilang akala nila ay tunay. At least, I know iyong mga liders ng mga organizations na nagta-try na ibuklod ang mga pilipino ay mga mabubuti at matitinong mga pilipino na tunay na may pagmamahal sa bansa nila.
Kawawang Pilipinas!
Ngayon mo nakikita ang mga tunay na bayani—ala Mandela. You bet, si Trillanes, et al ang tinutukoy ko!!!
Hopefully, hindi si Trillanes katulad ni Erap na pati edad kinakatwiran na siyang dahilan kung bakit sumuko sa demonyo! E bakit si Guingona, mas matanda sa kaniya, hindi tumitinag?
Nakita ang mali, pati na sarili niyang kamalian, at ngayon trying hard na ituwid ang mali. Para sa akin iyan ang tunay na dapat na patawarin hindi iyong nagkukunyari lang!!!
Just as I have written, gaya ng example sa Bible, nagkaroon ng mga kulimbat na liders ang mga pilipino kasi ginusto nila. Ang masama kasi hindi naman sila natuturuan ng matino ng mga pari at madre na na-corrupt din ng mga malalaking abuloy na galing pa sa mga sugal. Dapat ang mga iyan ay hinihinto.
Sabi nga kailangan ang complete overhaul pati na ang pag-iisip ng mga pilipino na nababoy mula nang umupo in fact ang ama noong babaing kulimbat. Mas mahirap ang mga pilipino pagkatapos ng WWII, pero hanggang sa umalis kami ng Pilipinas, medyo mataas pa ang standard of morality ng mga pilipino.
Nasira dahil sa ehemplo ng mga garapal sa gobyerno and worse, sa simbahang sinasambahan ng mga pilipino. Sa isang banda, OK din kasi sa totoo lang maraming mga pilipino ang humanap ng katotohanan dahil sa dilim na namayani sa simbahan nila dati. Ang masama lang ay napapadpad sila sa ibang bansa para maligtas ang kanilang mga kaluluwa.
Ang saklap! And the least they can do is blog in this kind of forum para makatulong sa paglilinis ng Pilipinas! So far, so good naman sa totoo lang!
Sa ngayon ang dasal ko, makalaya na si Trillanes! Sana magkaroon ng mga matatapang na hukom to fight for him to be able to serve his term as a people mandated Senator! Pagpalain nawa si Trillanes ng Panginoon!
May panawagan sa mga OFWs na inilagay ko sa next loop ng Ellenville. Pakibasa na lang. If you are sending remittances to the Philippines, please heed their call—Remmittance holiday on Nov. 1 and 2, araw ng mga patay!!!
Please cooperate if you are a concerned OFW. Salamat! Hindi ito activity ng mga commie, FYI.
Rose, my blog is only two years old today.
This blog is not dependent on any political personality. This is dedicated to truth and justice. That’s a lifetime cause.
Ystakei:
I just wanted to know, why you hate Erap so much and why cant you just simply accept the fact that he buried his own hatred. Why dont we just simply honor his decision, if his decision is wrong let the history judge him.
It seems to me that you hate him because just like what you said before he is a fornicator, philanderer and womanizer. He never denied it for his life was an open book. By him doing that it only proves that he has balls, because he never denied any of his kids, he treats them all equally. Do I subscribe to his lifestyle? No, whatever accountability he may have, tis between Lord and him.
You keep on mentioning bible verses and lines, let me ask you this, isn’t it the two greatest kings ever David and Solomon are both fornicators and murderers? David to the point the he ordered the killing of Batsheba’s husband? What about Solomon, how many wives and concubines? in the hundreds.
I am not saying fornication is acceptable, but in my faith once you accept the Lord as your personal saviour you sins, I mean all sins are forgiven. You then become as white as a dove. All sins are forgiven. What about if, Erap during those days inside the detention finds the faith in his heart. Who are you or anyone to question that?
Sabi nga ni Professor Pechanco: Patahimikin niyo na lang iyong tao sa kanyang tahanan kapiling ang mga mahal niya sa buhay.
One more thing, did you vote the last election or any elections? Wala na kaming narinig sa iyo kung hindi magaling ang Japan ang japan. Di ko na narinig sa iyo ang maganda sa Pilipinas. For heavens sake, bangitin mo naman na may maganda pa rin sa Pinas para naman mabuhayan ng loob ang mga kababayan natin.
Ang mahirap dyan kay Tabako e puro din salita, walang action. Sigurista din yan si Tabako, di naman hero of edsa yan kundi si Sen. Enrile. Kala nya may mangyayari mga sinasabi nya, Tabako gumalaw ka nga.
Totie, cool ka lang. Sa mga sinulat mo baka paghinalaan kang ikaw si Pechanco. You’re correct. Some people have the habit of injecting religion in this blog; and when they are confronted with the same topic that leads to discussion, napipikon. Also, it’s easy now to say that they are not for any political personality but only for truth and justice. But before Erap’s pardon, they used Erap against GMA. It’s only now after Erap’s pardon that they say they’re not for any political personality. Similar position being shared by some in the Civil Society, Black & White Movement, party-list and militant groups. Tribune Editor call such people as “Hypocrites”. Ngayon, hindi ako magtataka na pati mga kaibigan niya sa media ay kaaway na si Ninez ngayon.
Happy Birthday 2nd year sa blog!
I always read Ninez’s column in the Daily Tribune. She is one of the really staunch critic of unano and her evil minions.
FVR is one big fish who got away. May PEA-Amari, Expo overpricing, sovereign guarantees sa mga enegery suppliers, Fort Bonifacio sale (nasaan na yung billions, nandiyan lang yan, sabi ni tabako), etc.
Tribune appears to be the only remaining true newspaper, rain or shine the deliver the news fair and square. Not only Ninez, try to read “Analysis” by Lichauco so that you get the real picture.
Enrile is the last person I will trust in situation like this, same thing with FVR. What was I saying right after the Erap’s pardon, Gloria for some other reason woke up in here deep slumber. Do we think she can do all of these if not because of the supports of Ermita, FVR, Cory, JDV and most of all the Hostess-sya.
FVR is the current pimp. Ermita is the dangerous one, what is the official title “Little President” Let us all be realistic, there will be no Gloria without the direct input of those “Hypocrites” that were trying to get rid of the Frankenstein they created.
Did not we learn as a nation. The problem is not the President alone. Again I repeat, when Marcos was there, people were saying si Marcos ang problema, nawala si Marcos pumalit si Cory ano ang nangyari. Ano ang sinabi ni Cory sa mga Kano, na pag hindi siya naupo ang mga tao ay kakampi sa communist pero ano ang ginawa nya, pinawalan ang mga communista. Ng matapos ang Cory, si FVR, gaano karami ang inutang at sovereign guarantees did he issued? Substantial enough to make the succeeding administrations forced to borrow more so they can repay the interest. Ng si ERap ang naupo, dahil hindi magaling mag English, babaero, dropped-out at kung ano ano pa, binanatan ng Elitista at mga marunong mag english. Sino ba ang talagang supporter ng pag alis ng base militar, di ba yang Babaero.
Trace the problem from its source and you can see it so clearly. The embedded graft and corruption in the psyche, mula sa pagkabata tinuruan na tayo ng uri ng bribery. We were taught to pray to saints instead of the main source. Nagdadasal tayo sa mga santo na kamuka din nating mga tao instead doon sa gumawa sa tao.
Translate it to how our government is run. Di ba lahat halos ng bagay kailangan ng fixer or ng tagalakad. Uutang sa SSS or GSIS kailangan ng fixer para mapabilis, kukuha ng license para mabilis may fixer. Kasalanan din ng marami nating kababayan, gusto mabilis at walang hirap.
Again simple mathematics, dont give me the bullshit of public service, from Enrile, Joker, Mar, Honasan whether Opposition or Administration. How the hell in the world can anyone justify the spending of millions in exchange for a meager income not even close to a CEO level salary. How are these people going to recoup their investment or the supporters investment? Di ba sa kaban din ng bayan.
Totie:
That was why David did not get the blessings that he was supposed to get. If you read Psalms, you will know his lamentations. At least, he is repenting whereever he is now.
As for forgiving Erap, I don’t think it is me who should forgive. Besides, why forgive a person who has not even asked for forgiveness nor repent for his sins. Sabi nga, nasa gawa ang pagsisisi. Iyan ang tinatawag na hypocrite as a matter of fact. When one repents, he should show it by his works. Golly, sasama pa yata sa demonyo! Sinong hindi maiinis sa taong iyan.
Hundreds died and were injured fighting for him in 2001, baka nakalimutan niya for him to think only of his own welfare. Sabi nga ni Mandela, incarcerated men don’t make deals with crooks. Now, look, gusto pa yatang ipalabas na banal iyong aling kulimbat by pretending to pardon Erap! If that is not hypocrisy, and being part of this evil collaboration condoning this crazy pardon, what is?
BTW, I am not part of the civil society that removed Erap from his position. Frankly, I thought he brought it upon himself. So, please huwag na niyang isama pa ang mga pilipino sa mga katarantaduhan nila. Nakakasulasok lang!!!
Now, as for the contention that this pardon was justified because the Philippines has such crazy justice system, I don’t think so. Hindi pa naman tapos ang appeal niya for Erap’s supporters to say that. He should have given the justice system to work kasi baka may matino pa namang natitira doon sa mga nakaupo na baka makaramdam nang baboy na baboy na sila. Sabi nga nila sa Pampanga, “Subukan pa mo para mabalu!”
I can’t understand the logic that since the justice system cannot be depended upon, OK na iyong pardon ng demonya, who is the root cause of all these evils, and has no right in fact to grant pardons if we go by the reasoning that she has not been duly elected by the people and therefore has no right to sit there as president.
Golly, papaanong mako-correct iyan if you guys continue to condone these illegal activities and acts of these crooks. Please maawa naman kayo sa mga kababayan ninyo na sa lito, hindi na malaman ang gagawin, kaya nagpapauto na lang. Pathetic!
Patatalsikin ninyo ba o hindi?
BTW, Totie, what’s your problem with the Bible? Kung Moslem ka, I can try quoting likewise from the Koran. Magkahawig naman as a matter of fact. Kung naalibadbaran ka sa salita ng Diyos, that’s a bad sign. Magdasal ka. I’ll pray for you, too, if you like.
Give me your name, and I will submit it to our temple for a special prayer. Huwag pekeng pangalan kasi hindi iyan tatanggapin sa langit!
Pechanco: Sanga pa rin tayo, palibhasa mga matatanda na tayo. Marami ditong mga batang mainit masyado ang ulo.
Mag beer muna tayo or kaya Quatro kantos.
I remember dito sa States early this year when Hugo Chavez bad mouthed Bush in New York, guess who came to his defence, his staunch critic, a Democrat, Charles Rangel. He said that no foreigner can bad mouth his president ang mga Amerikano lang ang pwedeng umalipusta kay Bush. Same token dyan sa atin no matter how stinky Gloria is, if you did not vote kasalan mo rin kung bakit siya nakaupo. Do I like Gloria, hell no. Lahat ba ng ginawa nya ay paltos, hindi naman siguro lahat, kahit paano baka merong ding nagawa yang ungas na yan. Alam ba ni Gloria ang lahat ng nangyayari sa paligid niya, pati ng mga kahayupan ng watot nya. I highly doubt. Cordon sanitaire ni Ermita.
Walang choice si Gloria dahil inupo siya sa pamamagitan ng hindi demokratikong pamamaraan. For her to survive kailangan nyang mag rely sa the best an only way applicable sa Pinas. Bribery, Graft and Corruption. Kailangan mabawi ang puhunan niya at ng mga nagupo sa kanya. Ganyan lang ka simple.
Yung mga mahistrado ang dapat na upakan sila ang mga tarantado, sila ang puno at dulo
Apparently, what a lot many non-reader of the Holy Scriptures do not know is that there are laws likewise in heaven that man cannot ignore or take for granted for God is indeed a God of heavenly order. Learning to abide by the laws even of men in fact is training needed to get to heaven as a matter of fact.
In short, hindi puede ang mga babaero o lalakero sa langit!!!
…He should have given the justice system a chanceto work kasi baka may matino pa namang natitira doon sa mga nakaupo na baka makaramdam nang baboy na baboy na sila. Sabi nga nila sa Pampanga, “Subukan pa mo para mabalu!”
Ystakei: Ha ha ha ha, the perceived problem here is not your constant Bible quotations per se but rather your lack of forgiveness and understanding to someone that undergoes a transformation. Who are you to judge him, paano kung na born again na siya.
By the way thanks for the prayer offering, I appreciate that, I will also pray for you so that you may find forgiveness and love in your heart. We pray directly to our Lord Jesus Christ, walang fixer, mas effective kasi personal, diretso at saka siguradong makaka-abot. God Bless You.
I agree with Totie. Kung hindi nag-marunong itong si Davide with his “constructive resignation”, di sana naka-upo ang unano. Isa pa, bilang judge sa impeachment ni Erap, Davide should have been impartial, pero kitang-kita namang hindi.
The third, when Davide was being impeached, the supreme Court decided to protect their own and came up with their interpretation of the filing of the impeachment complaint as the basis para di na makapag-file ulit ng impeachment within the year of the filing.
Kitang-kita na the supreme court let us down by not adhering to the rule of law.
wala na, how could a lower court over turn the high courts decision. How. Be realistic. Kaya nga sabi ko, palitan lahat ang mga Hostess-sya, then and only then, he may have a fighting chance. But under the current make-up, forget it.
Ystakei: Tingan mo so David at si Solomon. The important thing is to amend with the Lord and confess and he is a just and great God. Bakit nakita mo na ba ang langgit at nasabi mo na walang babaero at lalakero doon. Basta nagsisi na at nagbagong buhay, okay ka na tanggap ka. Hindi marunong magtanim ang Panginoon.
Ystakei: Wow, sino ang may sabi sa iyo na di na received ni David ang blessing? Magbasa ka pa, mukang may namiss kang pages.
Ikaw ang magbasa, Totie. In fact, si David ay hindi naka-benefit ng first resurrection when Christ was resurrected. I suggest that you read Psalm more carefully. Read Psalm 101 prayerfully if you may, for God hates fornicators as stated in the Bible lots and lots of times! You don’t have to believe me. Magbasa ka na lang at magdasal!
Totie and Yuko, cease fire muna kayo!
One of the things na di natin dapat pagtalunan ay ang relihiyon.
We’re losing focus on our main objective, i.e, to oust the unano from her enchanted kingdom by the stinking river.
Read Samuel, and other Scriptures, too, Totie.
BTW, I should have said that David lost his blessings when he committed fornication with Bathsheba and killed her husband. That’s double sin against the Commandments of God as a matter of fact.
For your reference: 2 Samuel 12:8-12:
Guys,
Mabait si Ellen at pinapayagan tayo na mag-discuss ng wala sa topic. Please end this, BB is right wala na tayo sa topic. Peace.
Ellen: Sorry, I meant it.
Sorry Guys, nadala lang ako ng constant bickering nitong si Ystakei, Okay lang ako.
Check this out: Coming from old files even their own, Pechay said this:
On the question of the performance of the Arroyo administration, Pichay pointed out that it was “under the watch of Ramos when the troubles of the ailing Philippine power sector mushroomed tremendously after his officials approved the contract for over 40 independent power producers (IPPs) who made a killing by selling all their expensive power to the Napocor grid even if this was not needed.”
He said the original plan of the Aquino administration was to get only five IPPs to make up for the 800 MW lost with the mothballing of the Bataan Nuclear Power Plant. He said the Ramos administration, however, approved scores more of IPP contracts which resulted in the virtual bankruptcy of Napocor resulting in the subsequent bailout by the national government and the transfer of its account amounting billions of dollars in Napocor debt.
“All in all, I find it highly ironic that former President Ramos is asking the President to shape up. It seems to me that former President Estrada noted in his first State of the Nation Address that he had inherited a bankrupt government. Perhaps FVR should go over the records before he leans too hard on the performance of this administration.”
Totie,
Mas gusto ko ngayon ang sitwasyon na sila-sila ang nagbabangayan. In washing their dirty linens before us, they are doing a strip act…no sweat from us.
What bickering, Totie, are you talking about. Komo hindi ako sumang-ayon sa iyo? Sorry, but I am entitled to my own opinion. Bakit akala mo ikaw lang ang may katwiran? Wow!
Oopppss! Referee dito….
Rose n’ Totie,
I’ll definitely get in touch when I come near your place.
Sorry but o.t. lang po…
Just visited Erap’s website www erap.ph and read his speech after his release. Titled: Pahayag ng Pangulong Joseph E. Estrada Sa Sambayanang Pilipino ukol Sa Pag-tanggap ng Unconditional Pardon.
I find it funny since nowhere in the speech that mentioned GMA’s name. Not even the “palakpakan natin si Pangulo….”. Hmmmm??? Or naduduling ako at di ko nabasa???
Yuko naman, pwede ba tigilan na yan.Learn to choose your battles.
a warning from the sideline to gloria-glorietta 2 “tiyanak”. not from a distance magigising ka na naitumba ka na ni sec. eduardo ermita. sa pagdating ng araw na iyon tatanggapin namin because he is the lesser evil.
ngunit kong puwede, si cj of the SC PUNO kasi hindi matawaran ang linis ng kanyang pagkatao.
or in short, Itumba na si Gloria, the unelected president. walanghiyang gloria na iyan kami na nananahimik dito sa sf, ca. usa ay kantiyaw dito kantiyaw doon ang nariririnig namin sa aming co-workers dahil sa kanyang “transaction government for survival”, bribery, graft and corruption. at marami pang iba. kaya dapat “Ibagsak si Gloria”
Chi: That will be great, I would love that. Ellen has my email, just give me a howler. We can talk about whatever is good in our country. Mabuhay ang Pilipinas, ang magandang Pilipinas.
Ellen,
I am not battling. Nangangatwiran, yes!
Ellen,
Happy 2nd Blog anniversary… many happy returns of the day!
Ellen: I almost forgot, Happy happy anniversary.
Talaga din naman, at height of Eraps ouster:
“Our heroes did not offer up their lives only to have us surrender to the forces of greed and corruption,” Ms Arroyo said.
Totie & Chi: when shall we three meet? NYC would be a good place. Would me happy to meet you two. Just let me know..Chi may itatanong lang ako sa iyo na matagal ko nang gusto maitanong. Kasi nagtataka lang ako kung paano mo nalaman. And Totie: were you there sa fund raising ni Loida for Hillary?
Totie: Sinabi niya ito? “our heroes did not offer..” sino ang hero niya, si Pacquiao? Mama Mia! Tama ka “maganda ang Filipinas..maganda ang asawa mo, hindi ba?
hay salamat. naka logged in din.
bilang nga ang araw ni gloria, kaso, ginagamit yata calculator ng intsik (abacus) para medyo tumaga-tagal ng kaunti.
happy 2nd blog anniversary saiyo ellen, at pati na sa lahat ng bloggers dito.
Rose n’ Totie,
Will get your email addresses from Ellen when I have the schedule already.
Chi: I will be away Nov. 1-15 but after that free as a bird lalo na sa gabi at full moon. Look forward to meeting you two..
Chi and Rose, just let me know
Rose: I did not attend the fund raising for Hillary I am so busy lately.
Chi: Okay to, at least hindi na mangagawit ang daliri natin sa pag type
Rose and Chi: Poetic Justice
http://news.bbc.co.uk/2/hi/asia-pacific/1138011.stm
oh yeah, happy 2nd blog anniversary. thanks ellen. we appreciate it.
Tama..mag strip act sila..labasan ng baho? Sino kaya ang pinakamabaho? don’t understate the “putot” may kasabihan tayo na “small but terrible”.
Sa current crop of politicians, walang mapipiling matino, puro patapon. Sa aking palagay, there is one who can run the Philippine government with efficiency and morally. He is not a politician, but a CEO of a big company. Di ko nga lang alam kung papayag siyang ma-involved sa dirty politics ng gobyerno.
He is Manny V. Pangilinan of PLDT. What do you think, guys and gals.
By the way, have you read Alejandro Lichauco’s Ananlysis in today’s edition of The Daily Tribune?
In it, he is proposing that the unano give back the presidency to Erap as a graceful exit plan.
Reading it makes me think why this scenario is not as weird as it may sound.
Manny Victorious Pak-ayaw?
I share your opinion, broadbandido. I do read Lichauco’s column but that one you mentioned was weird to me too. On what basis, legal or otherwise, would GMA give back the presidency to Erap? The only way Erap could get it back is if he runs again for president which he has the right now after getting back his civil and political rights. Kahit na nakasaad sa pardon letter na hindi na siya tatakbo, one’s constitutional rights as a citizen prevails over any other agreement. O kaya’s puwede siyang ma-reinstate kung mapatunayan na inagaw ni GMA ang trono ni Erap. At the very least, Erap could get back GMA’s first two or three years of stolen term. Pero itong huling argument malabo na kasi humingi ng pardon si Erap which means he has recognized her legitimacy. These days, I’m rather careful in reading what columnists write. Hindi lang medyo weird…ang iba lumalabas ang tunay na kulay. Kung noon puro pabor kay Erap basta mabanatan lang si GMA. Ngayon laya na si Erap pati si Erap binabanatan. You guys know who these journalists are.