Skip to content

Ipahayag ang galit

(Itong aking column sa Abante ay para bukas (Huwebes, Oct. 18 ngunit pinost ko na ngayon para malaman ng marami at baka may gustong sumama sa car rally.)

Ngayong araw, magkakaroon ng car rally sa Makati para ipahayag ang galit ng sambayanan sa nangyayari ngayon na kurakutan, kasinungalingan at corruption sa pamahalaan.

Magkikita-kita sa UCC Café sa Fort Bonifacio ng 1:45 p.m. at magsimula ang caravan ng 2:45 p.m. Hindi ko alam ang ruta ngunit siguradong dadaan sa Ayala Avenue sa Makati. Ang nag-oorganisa nito ang “Concerned Citizens Group”, mga mamamayang nagmamalasakit sa nangyayari ngayon sa bayan.

Walang nagpupupondong mga malaking negosyo o pulitiko sa raling ito. Kanya-kanya. Dahil car rally, masasabi natin na ito ay aktibidad ng may kaya dahil siyempre kung may kotse ka ibig sabihin noon hindi ka hikahos.

Hindi ito ang kauna-unahang car rally. Nitong mga nakaraang buwan, mga tatlong car rally na ang aking nasalian. Wala akong kotse kaya nakiki-sakay lang ako sa ibang may kotse.

Sinabi sa text na masig-gawa rin ng placard o streamers na ikakabit sa mga sasakyan. Sa dami ng isyu laban kay Gloria Arroyo, kulang ang harap, likuran at tagiliran ng sasakyan.

Ito ang mga isyu na maaring isigaw ng mga streamers: ang karumal-dumal na NBN/ZTE deal; ang hindi namamatay-matay na Hello Garci; Lagayan sa Malacañg; Pambansang Bastusan ng Impeachment;

Trillanes, paglingkurin; Hustisya para sa mga Magigiting sundalo na nakakulong sa Tanay; Men in Uniform, tulungan ang mamayang Pilipino; Hustisya para kay Jonas Burgos at iba pang biktima ng extra-judicial killings.

Yung mga walang sasakyan, maari kayong mag-abang sa Ayala Avenue at pumalakpak pagdaan ng motorcade. Malaking bagay ang maipahayag natin ang ating galit sa pambabastos na ginawa ni Gloria sa ating bansa. Ipakita natin na punong-puno na tayo sa dayaan at kasinungalingan. Gusto natin ang marangal na pamamalakad ng pamahalaan dahil ang tunay na kaunlaran ay marangal.

Magi-isang linggo na mula nang nabulgar ang lagayan sa Malacañang noong Huwebes na naka-konek sa pagpupumilit ng Malacañang maisulong ang pekeng impeachment complaint na sila ang may pasimuno para masiguradong hindi na masampahan pa ng maayos na impeachment complaint si Arroyo sa loob ng isang taon.

Ngunit hanggang ngayon walang sinasabi ni Gloria Arroyo doon. Ang kanyang mga tauhan katulad ni Press Secretary Ignacio Bunye ay pinipilit pa rin ang linya na walang bigayan. Malas lang nila na ang nagbulgar ng bigayan ng P500,000 ay ang paring gubernado ng Pampanga na si Fr. Ed Panlilio. May nagkumpirma pa ng expose ni Panlilio – si Gov. Jonjon Mendoza. Sa mga kongresista naman, kinumpirma rin ni Cebu Rep. Antonio Cuenco na nakakatanggap siya ng P200,000.

Noong nabulgar ang “ Hello Garci”, matagal-tagal ring hindi nagsalita si Arroyo. Ang biruan nga ay “Baka mabosesan”.

Ngayon naman, wala pa sigurong maisip na panibagong kasinungalingan pantapal sa patong-patong nilang kasinungalingan.

Published inWeb Links

62 Comments

  1. Cebu Rep. Antonio Cuenco na nakakatanggap siya ng P200,000.

    Kilala ko ang ugali nito… di sana aamin yan kung buong P500,000 ang natanggap.

    Kunting kalampag na lang at babagsak din ang Ivory Tower ng Ambisyosang Putot!

    Mabuhay ang lahat na sasama sa Carmavan bukas!!!

  2. “ It’s not adventurism to stand up and be counted for the side of the truth. It is serious duty for those who are not blinded by other considerations especially self aggrandizement.” – Tanay Prisoners of War

  3. Have already left a message on my sister’s phone so she and my Mom could join rally. Hope they make it.

  4. Denials from Malacanang:

    Joc Joc Bolante
    Mayuga Report truth
    ZTE-NBN looting of treasury
    Extra-judicial killings
    Bribery of congressmen and governors
    etc etc etc… endless list

  5. Thanks, Anna. I hope to be there tomorrow (I’m having asthma attack). I’ll be riding with a friend from Ayala Alabang. I wish I can meet them. Please give them my number.

  6. Ellen,

    Sisterly advice: don’t force yourself too much! Second The Equalizer’s motion: Take care…

    Thanks, will give my sis your number.

  7. Equalizer, the song from Les Miserables is so meaningful in the current situation.

    Just a few weeks ago, Gloria Arroyo watched that play in New York. I doubt very much if she understood the message of the play, particularly that song.

  8. In whatever language,the song “Do you hear the people sing”
    captures the sentiments of very angry people!

    A la volonté du peuple

    A la volonté du peuple
    Et à la santé du progrès
    Remplis ton coeur d’un vin rebelle
    Et à demain ami fidèle
    Nous voulons faire la lumière
    Malgré le masque de la nuit
    Pour illuminer notre terre
    Et changer la vie

    Il faut gagner à la guerre
    Notre sillon à labourer
    Déblayer la misère
    Pour les blonds épis de la paix
    Qui danseront de joie
    Au grand vent de la liberté

    A la volonté du peuple
    Et à la santé du progrès
    Remplis ton coeur d’un vin rebelle
    Et à demain ami fidèle
    Nous voulons faire la lumière
    Malgré le masque de la nuit
    Pour illuminer notre terre
    Et changer la vie

    A la volonté du peuple
    Je fais don de ma volonté
    S’il faut mourir pour elle
    Moi je veux être le premier
    Le premier nom gravé
    Au marbre du monument d’espoir

    A la volonté du peuple
    Et à la santé du progrès
    Remplis ton coeur d’un vin rebelle
    Et à demain ami fidèle
    Nous voulons faire la lumière
    Malgré le masque de la nuit
    Pour illuminer notre terre
    Et changer la vie

  9. ELLEN:serendipity! heard she was fidgeting when this song was sang!lol

  10. whenever you want to hear it;just press my name;it’s there!

  11. TRIVIALIZING HUNGER:How callous can she be!

    “THE recent Social Weather Stations survey showing a record-high 19-percent hunger incidence among Filipinos has elicited yet another callous response from Gloria Macapagal-Arroyo, who said that she too had experienced going hungry once.

    “Even I have missed one meal in the last three months,” quipped Arroyo in an obvious dig at the question used by the SWS to solicit responses from survey respondents about going hungry or missing a meal in the last three months.

    The polling firm’s use of the phrase “nakaranas ng gutom at walang makain” (experienced hunger and did not have anything to eat) in its survey question specifically refers to hunger that is involuntarily suffered by households.PCIJ”

  12. BOB BOB

    Hope and praying all joining Car rally tom. will be safe.
    MABUHAY Kayong lahat.!

  13. pechanco pechanco

    Allow me to quote what Bishop Bacani said. Bacani is the spiritual adviser of El Shaddai; so most likely his position is shared by Bro. Mike Velarde.

    Instead of just lamenting about a moral bankruptcy in the government, Catholic bishops should be encouraging more outrage from their flocks over the alleged “bribery in the Palace.”

    Manila bishop Teodoro Bacani Jr. said late Wednesday that bishops should speak out lest they lose the following of their flocks to a culture of bribery.

    “We ought to be strong in our statements as what St. Gregory the Great said: When a shepherd refuses to speak he would lose his sheep,” Bacani, spiritual leader of the charismatic group El Shaddai, said in an interview on Church-run Radio Veritas.

  14. Elvira Sahara Elvira Sahara

    Too bad you’re far away but my prayers will be with you! Take care and be vigilant…you…All!!!

  15. myrna myrna

    ellen, suggestion para sa mag rally, magpatugtog ng tape ng inilagay ni equalizer! it will really make an impact.

  16. hawaiianguy hawaiianguy

    “Kilala ko ang ugali nito (Cuenco)… di sana aamin yan kung buong P500,000 ang natanggap.” Kaya nga sinabi niya “gamay ra man” (it’s a small amount).

    Even among hoodlums, a sense of “fairness” does exist.

  17. TurningPoint TurningPoint

    Malayo man o malapit, ipadama natin ang ating galit sa kasalukuyang administrasyon at sa unanong nakaupo bilang pekeng prisedinti. Galit tayo, galit!!! Galit sa umaalingasaw na baho na dala ng pandaraya, pagsisinungaling at pagwawaldas ng salapi ng bayan ni glorya macagarapal.

    Mga kabayan at kabarangay, puntahan ninyo ang inyong mga tongresista, goberdatung at meyor. Ipakita ninyong galit din kayo. Galit na galit. Hanapin ninyo ang perang galing sa malakanyang. May tinanggap sila. Dedma lang yong iba dahil ibinulsa na. Huwag ninyong tantanan.

  18. Sana makahabol ako bukas. May lagare ako sa hapon, pero sa Ayala rin. Dapat ipaalam sa mga employees ng mga offices sa Ayala Ave ang oras ng pagdaan doon para makapaghanda ng confetti and mga taga-roon. Use the power of text. I hope to see confetti raining once again on this historic street. Jojo Binay won’t mind sending people there to clean it up afterwards. This was how the downfall of Marcos began.

    Maybe we can distribute confetti marked with “200” and “500” or cut photocopies of 200 and 500 peso bills and mark them also with “Gloria Resign!”

  19. rose rose

    Was it not Pres. Kennedy who said: “don’t get angry get even”..ito na ang ating pagkakataon..let us not stop in our quest to bring her down..
    re: the song from “Les Miserable” nakatulog siya when the song was sung in the play..ang maririnig mo kasing usapan nila ang tanong nila sa isa isa..”nakatulog ba kayo?: They planed in at 4:00 am at Kennedy on a chartered plane..it was a matinee show that they went…ang simula ay 2:00 pm…Why not play the song..oras oras sa mga radio station, TV programs, etc.Hindi siya bingi..sa kakaulit ng pagpapatugtog mabibingi nga siya tuluyan..

  20. Ellen, off-topic. Excuse me lang. Is it true, Aldrin Baldonado and Engelbert Gay have been released? Just got the text last night. Sana, totoo!

  21. chi chi

    Sige,

    Isigaw ang galit kay Gloria! Sama ako sa dasal na kumaripas ng takbo si Gloria palabas ng Pinas ngayon na!

  22. Diego K. Guerrero Diego K. Guerrero

    Kalampagin! Magdala ng kaldero, palayok at lata. Noise barrage tayo! Masuerte si Gloria kung malusotan niya ang payola krisis.

  23. shivaRN shivaRN

    ate Ellen,
    hope to see you there, I really want to meet you personally. After Ayala ave. what’s next? Kung sino man po ang mabait na may car, pwede makisakay? 🙂

  24. Tongue, the charges of coup against Engelbert Gay and Aldrin Baldonado have been dropped but they will not be released because they are facing another charge (I forgot what) in connection with alleged plan to bomb Batasan.

    Gay has sucumbed to government pressure and has made an affidavit implicating other officers.

    Lt. Baldonado, together with Lt. Sonny Sarmiento, has remained firm. He, Sarmiento and Capt. Dante Langkit are confined at the ISAFP compound in Fort Bonifacio.

    For many months, each of the three was in solitary confinement. I understand, hindi na sila naka-bartolina but the detention quarters are still bad.

  25. luzviminda luzviminda

    Ate Ellen,

    Palakas ka para may pwersa ka sa rally. Ingat!

  26. Last night, my friends and I were texting each other trying to come up with dramatic slogans for the posters for the car rally today:

    Some that were suggested: GMA legacy: Hello Garci, ZTE. Resign!

    GMA, may 200 ka dito, Resign!

    But everybody like this one which is a spoof of “deal or no deal”

    Hello, Banker?

    May 200 ka dito!

    Or

    Hello, Banker

    May 500,000 ka dito!

  27. luzviminda luzviminda

    Mas maganda kung may mga props na paper bag na may pera-perahan na 200,000 at 500,000 yung ibang magra-rally. Pero isisgaw nila ang GLORIA ALIS DYAN!!!!

  28. luzviminda luzviminda

    Isa pa Ate Ellen,… TAXES PAID = BRIBE MONEY?

  29. luzviminda luzviminda

    Sana sumama rin yung ibang sasakyan tulad ng mga pampasaherong dyip, para represented din yung pangkaraniwang mamamayan.

  30. Luzviminda,

    Puede naman silang maglagay ng banner sa mga jeepney nila sa totoo lang. Siguro naman iyong mga pulis ng Manila’s Finest, hindi naman hawak ni GLORC sa leeg.

  31. Golberg Golberg

    Ate Elle meron pa,
    Yung combat pay na P150, nasan na? P200 na ba yun?
    Si Jocjoc nasan na? Merong mahigit P200 yun!
    Si Medy Poblador? May 200 ba?

  32. “If not us, who? If not now, when?”

  33. Diego K. Guerrero Diego K. Guerrero

    Payola Queen Gloria Alis Diyan!

  34. nelbar nelbar

    Ellen:

    Ito ba yung Oplan Trident na isinulat noon ni Soliven?

    Para sa pagbubukas ng Bastusan Pambansa noong July 2006?

  35. Tara na, Bayan!

    Umpisahan na ang pagpabagsak sa Berdugong Rehimeng Arroyo!

  36. broadbandido broadbandido

    Text all your friends/relative to be there para mas malakas ang dating. Ito na sana ang simula ng pagbagsak ng tiyanak sa palasyo. Parang dejavu nuong panahon ni Marcos na sa Makati rin nagsimula ang mga malalaking rallies.

  37. Tilamsik Tilamsik

    “Ipahayag ang Galit” napakagandang pag kilos. Naway maulit muli ang pagsama-sama ng mayaman at ng masa gaya nung pabagsakin ang diktadurang US-Marcos. Muli nauulit ang kasaysayan, pabagsakin ang kalaban ang US-Aroyo dictatorship.

    Ihandog ang pagkilos sa mga nabuwal na mga tunay na anak ng Bayan: Edjop, Maklingdulag, Bob Delapaz, Lorena Barros, Ninoy, (Jonas, Karen ..sanay buhay pa kayo)at sa mga libolibong kadre na nagbuwis ng buhay para sa paglaya.

    Gising na Bayan! Mag organisa! Mag martsa!

  38. sana gumawa ng streamers sa lahat ng anomalya at denials at ikabit sa bawat sasakyan – mayuga report/zte-nbn/extra judicial/bribery ng 200k at 500k/macapidal hi-way/pidal account/hello garci/joc joc bolante etc..etc.(gamay ra jud kaya nag ingat…ibala sa kanyon sI putot) INGAT KA ATE ELLEN..

  39. gamay ra jud kaya nag ingay..ibala sa kanyon si putot.

  40. Mrivera Mrivera

    ipahayag ang galit?

    gloria, @#@#$#%%^&**()^&*(^%$##@#@!!!!

    grrrrrrrrrrrrrrrrrrrrrrrr!!!!!!

  41. Mrivera Mrivera

    hawaiianguy Says: “…..Kaya nga sinabi niya “gamay ra man” (it’s a small amount). Even among hoodlums, a sense of “fairness” does exist.”

    hg,

    agrabyado lang si kwenkoy sa 200m kaya nag-ingay. kung 500m din ang natanggap niya, TIKOM sigurado ang kanyang bibig.

  42. pechanco pechanco

    Ang pamagat ng thread na ito ay “Ipahayag ang Galit”. Kung tayo ay ipinahahayag natin ang ating galit. But what about these dirty politicians? Those who received the brown bags?
    They can come up with their own thread titled “Ibayag ang Ganid”.

  43. leonapigon leonapigon

    ayan mag bitiw na raw si Ermita sa poder, nag paalam na daw kay FVR. ang rason, magpahinga, mag biyahe nalang daw sa ibang bansa.sana umabot ka sa impiyerno sa kakabiyahe mo. umpisahan niyo ng gastusin ang ninakaw ninyong pera sa kaban Ermita. lalayas ka nalang sa pilipinas para hindi ka maimbistigahan at makasama sa kulungan ng mga amo mo.

  44. pechanco pechanco

    If Ermita is indeed retiring, it has the blessing of FVR. They may be in the planning stage to oust GMA. FVR has betrayed his master not once, twice but thrice. Kung sarili niyang pinsan (Marcos) natraydor niya at ganoon din ginawa kay Erap, what would stop him from doing the same to GMA? Remember it’s not only Ermita who’s in GMA’s government. Many FVR boys like Mendoza and Lastimosa are very active in the government.

  45. chi chi

    Pechanco,

    Same trend of thought here, pati nga si JdV ay kunwari pumapalag. Kaya lalong natatakot si Neri kasi ay Ramos boy iyan, sapilitan siyang mawawalan siya ng trabaho. hahah!

  46. pechanco pechanco

    Yes, Chi. Kung minsan naiisip kong kunwari lang ang awayan nila. That trick worked in the past and they might being doing the same trick now. That’s to flash out kung sino ang tunay na kakampi nila o hindi.

  47. Ellen Says:
    Tongue, the charges of coup against Engelbert Gay and Aldrin Baldonado have been dropped but they will not be released because they are facing another charge (I forgot what) in connection with alleged plan to bomb Batasan.”

    “Gay has sucumbed to government pressure and has made an affidavit implicating other officers.”

    Good and bad news. I’m comforted though that the 3 have not given in. Especially Aldrin.

    Dang! Do they think they can sell that crap about bombing Batasan? We know it was a stupid tall tale that they found maps of Batasan and some other obviously planted evidences in that safehouse which they “found” two days after the raid. (Was it)Bumindang’s story and that scene pointing to evidences in front of the cameras TWO DAYS LATER is totally brainless. Imagine, gov’t intel leaving the safehouse of high profile rebels untouched for two days?

    Unbelievable!

  48. RESIGN GLORIA!!!!!!!!!!!!!!!!!bilang na ang araw mo.

  49. RESIGN GLORIA ARROYO!!!!!!!!!!!!!marami kami dito sa san francisco, california sa iyong pagdating upang batuhin ka ng bulok na kamatis.

  50. RESIGN GLORIA ARROYO!!!!!!!!!!!! maski saan man ka lalapag dito sa america sigurohin ko na nandoon ako upang sampu ng aking mga kaibigan upang magpasalamat “in your face” na sa wakas tumalbog ka rin. at kong sa pagdaan ng panahon makasalubong kita sa daan isasalpak ko sa iyong mukha ang binili kong mask for the coming halloween ni FRANKENSTEIN.

  51. GLORIA ARROYO RESIGN!!!!!!!!!!you unellected president

  52. nelbar nelbar

    kung magpapakabesaya ako?

    sasabihin ko….

    poydi na! poydi na!

    Poe edi… Poe edi…

    Hindi ako pwedeng umupo… huwag mo nang BUHAIN ang bangkay.at isapa, MATABA AKO

    nasaan na ang mga KABATAAN?

  53. GLORIA ARROYO RESIGN!!!!!!!!!! you bullshit

  54. ellen please watch you back kasi may duda ako na reresbak ang malacanang sa iyo

  55. petite petite

    Moral Recovery Express? Sa panahon ni GMA, sayang na sayang ang pagkakataon sa wastong paggamit ng salitang Moral Recovery, sapagkat minsan nang ginamit ni FVR ang MORAL RECOVERY, kaya lang hindi ‘Express’ kundi ‘Program’. Nag-isyu ng isang Presidential Proclamation si FVR, at tinawag niya itong “MORAL RECOVERY PROGRAM”… period, period, period! walang katapusang moral recovery, hanggang ngayon, ito parin ang panawagan, at ang naging resulta’y nagsulsulputang diumano’y maanomalyang IPP-PPA Scam, PEA-AMARI Scam, CODE-NGO Scam, IMPSA DEAL, ZTE DEAL, at ang kulturang suhulan sa Malacañang, at marami pang iba… na mapasa-ngayon ay nananatiling nakabaon sa limot ng kasaysayan.

    Ka ELLEN, maraming salamat sa espayong nakalaan, at nawa’y makapabigay ako ng maliit na pampulitkang pananaw at analisis hinggil sa panawagan na GMA RESIGN na isinusulong ng ilang lider oposisyon, at maging sa mga taong naghahangad sa agarang pagkilos ng mga militar sa yugto ng KUDETA? Subalit nais kong ilahad muna nang pahapyaw ang aking “background” upang higit na maunawaan ng mga mas nakakahigit sa akin na mga “Pilipinong Intektuwal”. Ako po’y isang ordinayong OFW (na kasalukuyang nagtatrabaho rito sa Saudi Arabia), nakapagtapos ng kursong teknikal sa isang pampublikong unibersidad sa Maynila, mula sa mahirap na pamilya, at naglingkod bilang Bgy, Kagawad sa Maynila. At higit sa lahat, bilang isang Katoliko, na ako’y masaya, matatag, at responsable sa pagiging Katoliko na may pagmamahal sa ating bayan. Ipagpatawad po, sa mga “bloggers”, kailangan kong ipagtanggol ang pananampalatayang Katoliko, at ang Simbahang Katoliko. Kung ang ilang personalidad na pinuno/ paring Katoliko ay nasasangkot sa korapsyon o sa mga suhulan ay hindi po nangangahulugan na ang lahat ng kaparian at ang Simbahan Katoliko ay nasasangkot, maari ninyong husgahan ang CBCP, subalit dapat kong ipagtanggol ang PANANAMPALATAYANG KATOLIKO.

    Sino sa atin ang nakaranas na ng pagkagutom? Ikaw naranasan mo bang wlang pambili ng pagkain? ni sinkong duling sa iyong palad ay hindi dumadapo, upang makabili man lang ng nooddes para isabaw sa kakarampot na kanin? At sino sa inyo ang nakaranas ng pagluha sa tindi ng kahirapan?

    KUDETA!!! Sagot sa malawakang korapsyon… GMA Resign… panawagan ng mga ilang lider oposisyon!!! Kung matuloy man ang kudeta, malamang bibilang pa ng ilang araw o ilang linggo bago magkaroon ng “peoples’ uprising”, kung magkakaroon pa, subalit malamang, patungo ito sa “digmaang bayan” o “civil war”. Ang KUDETA ay maaring magmula sa Pro-GMA military o sa panig ng mga Anti-GMA military, pero tignan rin natin ang pagpasok ng grupo ng FVR, maari rin mag-Anti-GMA… Samakatuwid, labo-labo na iyan!!! Iyong mga sundalong papa-gitna ay maiipit… ibig sabihin, huwag na tayong umaasa pa sa isang mapayapang pag-aalsa, ang esensiya ng PEOPLE POWER ay natapos na, at ang pinakagrabeng senaryong maaring mangyari ay magpapatayan muna ang mga kapwa-pilipinong sundalo. Tanggapin natin ang katotohanan, nasa “Kasundaluhan” parin ang maaring makapag-kontrol sa ating lipunan sa yugto ng kasalukuyang “magulo at di-matatag na kalagayang politika”.

    Gunitain natin ang penomina ng “EDSA POWER”, lehitimo ang esinsiya ng EDSA 1, at lahat ng bahaging bahagdan ng lipunan ay lumahok, at subalit maliban sa grupo ng CPP-NPA-NDF ay lumahok sa mga ilang huling araw ng pagbagsak ni Marcos. EDSA 2, sa ngayon ang halos lahat ng kaalyado ni GMA nang ipanumpa siya ni DAVIDE ay tumiwalag na, maliban kay JDV-FVR, at ang grupo ni NOGRALES. Sa EDSA 2, ang lahat ng political spectrum ay lumahok, naroon ang Bayan, Sanlakas, Akbayan, mga middle class, civic society, at iba pa… Sa EDSA 3… mga national political personalites, at ang grupong PMAP, at mga kasapi ng prominenteng religios sector… Sa tatlong EDSA POWER, ang una’t ikalawa ay naging mapayapa dahil may military component, iyong EDSA 3 ay walang military component at pawang mga masa o mahihirap na Pilipino ang nagpamalas ng kanilang galit!!! Nang dahil sa isip nila’y … sila ay dinaya sa pagpapatalsik kay ERAP na kanilang inihalal bilang Pangulo. Tanging ang EDSA 3 lamang ang naging marahas, at nalagpasan nito ang damdamin ng “1st Quarter Storm” (sori po, mga katoto), dahil ang hangarin ng masa ay lusubin ang Malacanang upang mabawi ang kapangyarihan na sa paniniwala niya ay nayurakan ang kanilang dignidad at karapatan.…ito’y umaabot sa bilang na 60 ~ 80 libong katao, na mula sa masa, na handang magsakripisyo ng kanilang buhay, at itama ninyo ako, kung ako’y nagkakamali, halos lahat ng mga masang pilipinong lumusob sa Malacañang ay dating kasapi sa prenteng organisasyon ng kaliwang grupo.

    Paghamon:
    Huwag na tayong umasa pa sa EDSA 4, at wala nang halimuyak ang EDSA POWER! Marahil, sawang-sawang na ang MASANG PILIPINO… sila’y nagkaroon ng “trauma” sa nakaraang EDSA 3, malamang sila’y hindi na makikilahok sa anumang ‘peoples’ uprising’. Tignan natin, ang kaganapan ng PAGHAHATOL kay ERAP, nagpapatunay na lamang ang Masang Pilipino ay napapagod na rin. Kaya, nga ang sabi ni Ka Jake Macasaet, ang 85 milyong Pilipino ay naduduwag sa ngayon kay GMA, dahil pinapabayaan na lang natin na maganap at patuloy na maganap ang mga diumanong korapsyon. At tama lamang na magmasid at mag-aral ang mga Masang Pilipino, natuto na sila, nang dahil sa EDSA 3, habang sila’y lumalaban para sa kanilang karapatan nang lusubin nila ang Malacañang, sila’y umani pa ng mga panglalait… kesyo mga bayaran, mangmang, adik, magnanakaw, at patay-gutom… Ngayon, sa tingin ninyo ba? Lalahok pa sila? Hindi na malamang, dahil sa isip nila, wala namang mangyayari… at kung kayang nilang tiisin si GMA, at dahil matagal na silang nagugutom, at nagtitiis sa gutom, kaya’t kung magkaroon man ng “civil war”, balewala sa kanila, kasi nga “sanay na sa hirap at gutom”. Ngayon, ang mga civic society at mga middle class na lamang ang may pagkakataon, kung hindi pa kayo nakakaranas ng gutom… huwag na ninyong pangarapin na magkaroon ng “KUDETA” o kaya’y manawagan ng GMA Resign!!! At kung manatili man si GMA hanggan 2010, okey lang sa inyo, dahil hindi naman kayo nakakaranas ng gutom… Ito’y usapin ng paghamon sa “RESPONSIBILIDAD” bilang isang MAMAMAYANG PILIPINO, tiyakin natin sa ating sarili, kung handa ba tayong maglaan ng sakripisyo sa ating bayan… kung nakahanda ka… alin sa dalawang pinakamahalaga sa iyong buhay at dignidad ang maari mong isakripisyo para sa iyong kapwa-Pilipino, sa bayan, at sa Diyos? Huwag na nating sukatin ang tulad nina Trillanes, Danilo Lim, Miranda, Querubin, Father ED, Ka Roger (At mga di kilalang lider ng NPA), ang mga di kilalang lider ng Pilipinong Muslim na mula sa MILF at MNLF, sa grupo ng RPA-PPA, at sa mga responsableng natitirang lider ng bansa, at higit sa lahat sa libo-libong OFW.

    Paglalagum at Panalangin:

    Ang MORAL RECOVERY EXPRESS ay hindi isang panghilod!!! Na sa loob ng 100 araw ay kaagad na malilinis ang nakakapit na libag ng korapsyon sa lipunan at sa pamahalaan. Marahil, hindi lamang ako ang nangangarap sa isang demokratikong lipunang mapayapa, maunlad at malaya. Ang higit nating kailangan sa kasalukuyan ay isang tunay at ganap na pagbabago. Huwag na tayong mag-aksaya ng panahon, mula sa panukalang National Recovery Program, na ini-akda ni Honassan, ay maaring makapagsimula muli ang Sambayanang Pilipino, sa pagkakaisa ng lahat ng mga armadong grupo’t rebolusyonaryong mula sa AFP, NPA, MILF, MNLF, RPA-ABB, YOUng, MAGDALO, at iba pang grupong rebeldeng military… Kung paano ito mai-sasakatuparan, mula sa MORAL RECOVERY EXPRESS ay mangyari na maging behikulo ito ng mga kasundaluhan na may tangan na PAG-IBIG SA DIYOS at sa BAYAN. Sa anong kaparaan, uulitin ko po, tanging ang mga kasundaluhan parin ang may kapangyarihan na magbigay ng liwanag at apoy ng pag-asa, dahil sila ang may hawak sa pinakamalaking kapangyarihang arsenal, datapuwa’t ito ay maghahatag ng pinakamataas na sakripisyo. Balikan natin ang kasaysayan, ang kudeta ay pintuan lamang para sa pagbabago, subalit kapag ang liwanag ay nariyan na at naagaw na kapangyarihan, ano ang susunod na pangmatagalang plano’t pananaw sa kinabukasan ng Sambayanan? At ang naging resulta sa ating kasalukuyang kalagayang pampulitikal at ekonomiya, sa nakaraang EDSA 1 at EDSA 2 ay isang DAMBUHALANG BANGUNGOT. Tignan natin ang panukala ng YOU noong sila’y aktibo pa, sila’y nagsusulong ng “COUP CUM REVOLUTION”, di ako alam ang detalye nito, dahil nabasa ko lang sa pahayagan. Marahil, ang Moral Recovery Express ay maaring paigtingin pa tulad ng MORAL RECOVERY REVOLUTION!!! Dahil ang kudeta ay hindi natatapos lamang sa isang yugto ng “power grabbing”, ito’y panimula pa lamang… kaya mga katoto, ingat po tayo sa pag-uudyok sa ating mga kasundaluhan? Sa aking pananaw, ang MORAL RECOVERY REVOLUTION ay hindi ko maaring angkinin; ikaw, ako, sila, tayong lahat ang nag-mamay-ari nito, dahil para sa KALIGTASAN NG BAYAN ay walang monopolya ng kawastuhan. At ang MORAL RECOVERY REVOLUTION ay hindi lamang nakatuon sa moral balyus, bagkus ito’y nakapokus higit sa paralismo ng kaligtasang material at ispirituwal, na kung saan, ang kaligtasang ispiritwal ay nahahati sa dalawang salik, sa ispiritwal na pagiging Pilipino at sa Ispiritwal na may PAG-IBIG sa DIYOS.

    Kaya’t tayo manawagan kay Padre ED… na paigtinging niya ang paghahasik ng KATOTOHANAN, at para sa kasapian at sa kasundaluhan ng Sandatahang Lakas ng Pilipinas… kayo’y mag-kaisa para sa KATOTOHANAN, at ISULONG ANG MORAL RECOVERY REVOLUTION, kabalikat ang iba’t ibang rebolusyonaryo’t armadong grupo. At higit sa lahat, panahon na upang lumaya sa ilalim ng panghihimasok ng United State, (dahil hinahayaan na lamang natin ito sa matagal na panahon)… kaya’t huwag na nating hayaan na maghimasok pa ang US, at huwag tayong magpapa-dikta… … TAMA NA… SAWATAIN NA ANG KONTROL NG DAYUHAN, AT NG MGA IILANG GANID NA PILPINO, NA SIYANG UGAT NG KAHIRAPAN.

    Panawagan sa lahat ng kaparian, pastor at sa lahat ng mga lider ng simbahan, at sa sambayanan; na patuloy po tayong manalangin para sa tunay at ganap na pagbabago, na si GMA at sampu ng kanyang mga opisyales, at maging ng lahat ng lider sa bansa na sila’y pagkalooban ng MAPAGPALANG KARUNUNGAN ng BANAL NA ISPIRITO SANTO. Maawa kayo sa mga anak natin?, sa mga libo-libong bata na nakakaranas ng gutom at kahirapan. ‘Oh DAKILANG LUMIKHA, KAAWAAN MO ANG BAYANG PILIPINAS at patuloy mo itong PAGPALAIN, sa ngalan ni KRISTO HESUS.

  56. pechanco pechanco

    Petite, Ellen has repeatedly reminded you to shorten your message…hindi daw kilometric. You’re like another one who keeps capitalizing. Hindi ba kayo nakakaintindi ng pakiusap?
    Use mileametric not kilometric.

  57. Mrivera Mrivera

    haaaayyyy!!

    nahehelo ako sa pagbasha nhang sholat ni petet!

  58. pechanco pechanco

    Grabe ang sulat ni Petet ano? Mas mahaba pa sa nobela. Non stop. No pause. Ganyan siguro kadaldal sa personal. Tulad ni Dick Gordon.

  59. cocoy cocoy

    Petite;
    Hindi lang one way ticket ang binili mo kundi round trip.

Comments are closed, but trackbacks and pingbacks are open.