Noong panahon ni Marcos, may isang Amerikanong manunulat na nagsabi na ang Pilipinas ay bayan ng ng mag-asawang diktador at 50 milyon na mga duwag.
Naiba ang mga yun ng mapatalsik si Marcos sa isang “People Power” na akala naman natin ang magbabago ng palakad dito. Akala natin mawawala ang panghuhuthut sa kaban ng bayan at ang pagmamalabis ng military.
Dalawang dekada ang nakalipas, parang walang pinagbago. Lalo nga nagiging garapal ang nasa kapangyarihan. At iyon ay nangyayari dahil hinahayaan ng taumbayan.
Oo, may iilan na lumalaban at namamaos na sa kakasigaw ngunit ang karamihan ay parang mga zombie na lang na namumuhay. Kain, trabaho, tulog. Parang nilagyan ng gamot na pampatulog ni Gloria Arroyo ang bansang Pilipino.
Ngayon naka-focus ang balita sa bigayan ng pera sa Malacañang noong isang linggo. Una 190 na mga kongresista ang napabalitang binigyan ng cash at inilabas na ang kanilang pork barrel funds. Yung cash daw ay P200,000 sa iba at P500,000 sa iba. Umamin na ang iilan, kasama na doon si Cebu congressman Antonio Cuenco.
Ito ay nangyari sa umaga. Pagkatapos noon nagmadali ang mga kongresista na isulong ang pekeng impeachment complaint na isinumite ni Atty. Ruel Pulido na siyang magbibigay ng protelsyun na hindi na masampahan ng totoong impeachment complaint si Gloria Arroyo sa loob ng isang taon.
Hindi lang pala mga kongresista ang nakakuha. Pati pala ng gubernador na pinulong ni Arroyo sa Malacañang, kasama na doon ang paring gubernador ng i Pampanga na si Amang Panlilio na nakatangap ng P500,000 na nakalagay sa brown na supot.
Siyempre nanggagalaiti ang marami sa atin sa inis sa sobrang garapal ng Gloria Arroyo at ng kanyang mga kampon. Sila naman sa Malacañang, walang paki-alam. Sila ay busog at nasa kapangyarihan.
Tuwang-tuwa pa siguro sila dahil mukhang nakalimutan na ng taumbayan ang kongrobersiya sa National Broadband/ZTE kung saan lumalapit na ang krimen ng suhulan sa pinto ni Gloria Arroyo. Nasabit na ang kanyang aswang si Mike Arroyo. Napilitan mag-resign si Comelec Chairman Benjamin Abalos.
Ang ugat ng girian sa House of Representatives na kasama na doon ang pekeng impeachment complaint at ang posibleng pagpatalsik kay Speaker Jose de Venecia ay ang NBN/ZTE deal na ibinunyag ng kanyang anak na si Joey de Venecia.
Naudlot ang imbestigasyon ng Senado dahil ang karamihan ng mga senador ay nagbabakasyon. Nagkaroon tuloy ng pagkakataon ang Malacañang na makapag-maniobra. Ngayon parang nawala na sa isip ng taumbayan ang NBN-ZTE deal na ang tining ng marami ay pambayad ni Arroyo kay Abalos sa pandaraya na kanayng nagawa noong 2004 eleksyon. Na-iproklama siyang presidente kahit hindi siya nanalo noong 2004.
Sa Oct. 24, sa sunod na linggo, ang sunod na hearing ng NBN/ZTE deal. Sana naman matumbok nila ng husto ang pinagkatagong papel ni Arroyo sa ma-anomalyang proyekto.
Sana hindi maging bulag, pipi at zombie ang taumbayan.
Maaaring minana natin sa atin mga ninuno ang mga ganitong masama at mabuting gawain. Corruption has been in existence since time immemorial. Kahit na sina Adam and Eve, natukso din at corrupt. It has somehow become a way of life for the Filipinos. But in fairness to Filipinos, corruption has no limit. It’s not just limited to our country. I think all other countries have this problem. To larger and more advanced nations, corruption is measured big time. Even a country corrupts another country. Hindi ba diyan magaling si Uncle Sam?
How do we solve corruption then? To ask this is like asking how we can fly. Medyo mahirap mawala iyan. The only thing we could do is to lessen it. We need a strong God fearing leader who has the political will and sincere heart. This leader must set an example. Who is this leader and where can we find him? The answer lies on what happens in the future, the future generations. But, it has to start now. That means kailangan alisin itong Impakta sa Palasyo bago pa man pag-usapan ang paglutas ng corruption.
Ugat ng bigayan: Flashback tayo sa January 2001 kudeta at 2004 Hello Garci political scam. Kailangan niyang mag-mudmod ng pera para hindi mapatalsik sa puwesto. Palagay ko hindi lang ang mga kakampi sa pulitka kundi pati mga loyalistang heneral ang nabayaran. Matagal na sanang napatalsik si Gloria Arroyo kung walang suporta galing sa militar at pulisya o Armed Forces of Pidal (AFP).
Re: Who is this leader and where can we find him?
Senator Antonio Trillanes III detained at Fort Bonifacio.
Ipag-patuloy ang laban ni Ka Andres!
May umamin pang isa, si Gob. Jonjon Mendoza ng Bulacan. Bukod ito sa dalawang gobernador na ayaw magpabanggit sa media kung sino sila pero malapit nang mahulaan dahil kanya-kanyang bigay ng clue ang mga reporter. Sabi sa Inquirer, parehong gobernador sa Region 4. Sabi naman sa GMA7, isang babae at lalakeng gobenador na maganda’t pogi. Pasasaan ba’t aamin na rin iyan pag natumbok na.
Si Mendoza, na kahapong umaga lang ay ayaw pang magkomento sa pasaring ng media na siya raw ang maaring tinutukoy ni Among Ed Panlilio, ay nagsabing hangga’t hindi niya naririnig kay Gob. Panlilio mismo na siya ang tinutukoy hindi siya magsasalita. Kaya naman ng magpatawag ng presscon si Panlilio kahapon at pangalanan si Mendoza bilang nag-abot sa kanya ng pera, wala nang kawala at napilitan na rin siyang umamin. Maganda rin talagang merong isang paring nakaupo, ano?
Nagpasa na ng resolusyon si Lacson sa Senado na alamin ang dahilan ng pamimigay ng limpak na kwarta, dahil na rin sa tigas ng pagtanggi ng mga maka-administrasyon, biglang may umamin, sa oposisyon pa nanggaling. Kaya naman ang Malakanyang, taranta at hindi malaman kung ano ang isasagot. Biglang iwas-pusoy ang mga ulol. Tanggi ni Ermita, wala siya nung nagyari iyon. Sabi naman ni Budget Secretary Andaya, hindi nila kapangyarihang mamigay ng cash. Pwede lang daw nilang aprubahan ang pagkuha ng pondo ng mga nasabing opisyal galing sa IRA. Pero hindi na rin siya nagsabing walang namigay ng kwarta.
Walanghiya talaga, pinamudmod na ang pera natin, ni hindi man lang matukoy talaga kung sino, ano, at para saan/kanino ang dahilan. At ang napili pang lalagyan e brown paper bag. Sa mga restawran, iyan ang lalagyan ng ipinabalot na tirang pagkain kaya kung tawagin ay “doggie bag”.
Bagay na bagay para sa mga tuta! Tira-tirang kaning-baboy na pinagsawaan ng mga bundat na buwaya sa Palasyo!
Tama si DGK, dahil illegimate president si glorya, pera ang pang tapal para hindi pumiyok ang may gustong kumontra sa kanya. At malaking pera milyones sapagkat kung kokonti lang, baka hindi uubra.
Sa miembro ng gabinete, secretary (sec, may 200 ka rito), undersecretary, sangkatutak na assistant secretary, down the line, etc. Sa panig ng lehislatura, senador, congressman (200K kay Cuenco), mga alipores at sa local government, gobernador (500K kay Gob. Panlilio), mayor, vice mayor, konsehal at maging mga barangay captain at sangguniang kabataan ay sinusuhulabn na rin. Hesus santisima, pati mga justices, judges, prosecutors, lahat lahat na sa judiciary. At sa AFP, maliit lang ang sahod kahit mga henerales, sinong hindi masisilaw kung paparadahan ka ng milyones. Kaya ang katulad ni esperon, kapit tuko kay glorya. Nawalan nang lahat ng konsensiya ang mga ito dahilan sa pera. At ang ugat, si glorya para hindi maalis sa pwestong inagaw sa pamamagitan ng cheating, cheating, lying, lying, at lahat na kaaliwaswasan sa mundong ibabaw.
TongueT,
Samantalang hindi magkamayaw sa pamimigay ng hindi nila pera sapagkat pera ng taumbayan, ang mga kasundaluhan, ayon at hanggang ngayon ay delayed ang combat pay.
Ayon sa journal.com.ph:
“Amid reports of lawmakers and local government executives receiving alleged payola in the hundreds of thousands of pesos from Malacañang, Armed Forces chief Gen. Hermogenes Esperon Jr. yesterday broke the sad news that lack of funds prevents the military from giving all soldiers in the field a P150 additional daily combat pay”.
esperon, pagagalitan ka ni glorya niyang pagbubulgar mo! Dapat ang perang nakukurakot mo ang ipang-abono. At sa mga sundalo, huwag na ninyong patagalin ang ginagawang pangbubusabos sa inyo. Parang sinasadyang gutumin ang pamilya ninyo. Matatanggap ba ninyo yan? Matitiis ba ninyo na makitang umiiyak ang inyong pamilya dahil wala kayong panggastos sa pagkain samanatalang ayun, ang mga walanghiya, milyones ang pinamimigay sa mga busog na at ngayon ay binubundat pa!
Hanggang kailan ang mga Pilipino na magtitiis. Mga Kabayan ko eto na si Pader Emong ipinapakita na niya mismo yong mismong perang ibinigay sa kanya ano pa ba ang hinihintay natin.
Ngayon nagtuturuan na sila kung saan galing ang pera. Ewan ko kung makaka-iwas pa ang Pekeng Gobyerno na ito. Lahat ng mga kabinete niya ay wala ng uma-amin. Sabi ni Puno galing daw kay deVenecia …. heheheehe fall guy. Kawawang Pilipinas.
Bagong balita …. ‘Mga oposisyon nasa gate ng Malakanyang at humihingi din ng PAMASKO’ waaaaaaaaaaaa!!!!!!
Okay na sana ang pag-amin ni Fr. Ed pero bakit pa niya sasabihin na hindi bribe iyon? How did he know it was not a bribe? Did he say that to save his own ass? Dahil kung sabihin niyang alam niya na bribe iyon di kasabwat siya sa kasalanan at corruption? Wise din itong si Fr. Ed? I mentioned in other thread and I’m reiterating here that Fr, Ed being a priest so well educated must have known that it was dirty money given by Malacanang. Cash money inside a bag without any other thing? Had I known about it, I would have waited for his car to get out of the Palace and rob it from him. Dapat inabangan ang lahat na congressmen at governors na umalis noong araw na iyon mula sa Malacanang dahil dala-dala nila ang mga pera. Without their bodyguards, it would have been nice to take those money away from them.
Igang pechanco, physical evidence yan. Di ba noong unang may umamin na may suhol daw na 2M para supurtahan yong impeachment. Pero walang naniniwala at sabi pa na sana kinuha niya yong suhol para may ebidensiya. Ngayon eto na ang ebidensiya tapos iba na naman ang sasabihin natin. Ano ba talaga kuya??????
Iyon nga eh…ginagawa tayong mga tanga ang mga tanay na iyan!
I’m sick and tired of all the shit. Laban na!
Hanggang kailan tayo magpapaloko sa mga “Lawbreaker” na yan na pinapangunahan ng Pekeng Glorya na yan.
News Flash: ….”Mga Cardinals, Bishops, Pari, Doctors, Baryo KApteyn nasa gate na din daw ng Malakanyang humuhingi ng PAMASKO”.
PA-ALALA ….. “Mga madlang Pipol … bawal kayong lumagpas sa Mendiola.”
PA-ALALA 2: “Napapaligiran ng Malakanyang ng mga GENERAL”
Iwas pusoy ang mga Malacanang bright boys hindi malaman kung saan galing ang dirty money. Ano pa di galing sa impierno at padala ni Satanas. Palusot pa kayo mga ulupong.
This repeat of history (payola under Marcos, now payola under GMA) – for power – makes me smile.
The insatiable pigs distribute money to the licking dogs. What an abomination!
Pinoy, how long will you keep silent?
tumitindig balahibo ko sa garapal at kawalang hiyaang ito. di na magtatagal ang pagtutuos, at matatapos na din ang kademonoyohan ng walang hiyang babaeng yan. umaalma na pati yung namamangka sa dalawang ilog, sila’y nagkakaroon na ng hinaing laban sa malademonyong administrasyong ito. oras na para planuhin ang pagtutuos, at wala nang maaaring makapagpigil sa atin. ginagago na nila ang bayan, harap harapan.
in the words on ping lacson – what do you do if the government is the criminal syndicate? talaga lang.this government is the criminal syndicate with gloria having a criminal mind. malapit na malapit na. bantay ka gloria, esperon, at lahat ng gahaman sa inyo. malapit na kayo.
in the words OF ping lacson
napapaluha ang lahat ng mga tumindig laban sa katiwalian. truly, they have been rectified. this diabolical woman has got to go. now, God’s time is nearing. Gloria, your going down! akala ng lahat isang pagkakamali ang lumaban sayo. hindi pala. tamang tama at dapat lang na labanan ka. every life that has been lost fighting your corrupt and evil ways is being vindicated everyday by God’s exposition of ur crooked insanities. your nymphomania for power has eaten you alive. good bye gma!
ateneo-blogger: may I ask a question? Sino ba ang presidente ng ateneo noong nagaaral si Mike Arroyo? Fr. de la Costa? I am sure you were taught the 10 commandments..it seems that Ateneo failed in their teachings..I wonder what the alumni of Ateneo has to say now? It takes only one rotten apple..si Erap drop out ng Ateneo..si Arroyo, si Bunye, ay pumasa..May mga nagsasabi na ang ginagawa ni GMA at mga alipores niya ay laban sa ating constitution..Fr. Bernas is it so? What are we (the people) do now? Justice Azcuna…is there still hope for justice?..
Here are the things to ponder regarding the cash money: If those were public funds, they must be in the form of checks and indicate the purpose or purposes of the funds. If they are private funds, who gave them? The government has two main sources of legitimate funds: Pagcor and Intelligence Funds. Kahit anong klaseng pondo, pribado man o public ay dapat may accountability. Hindi iyon basta cash na lang ibibigay na walang voucher o ano man pirma. Kaya hindi ba malinaw na lagay iyon? And the fact that the money was distributed inside Malacanang makes it highly suspicious. Ano man angulo tignan, walang lusot ang Malacanang. Suspicious din ang timing…tinaon sa impeachment. Ang hirap kasi nitong Arroyo eh akala puro mga bobo at tanga tayo.
When transactions are legal it got to be properly documented and channeled, if we are to abide by what is really legal in government. Ang di ko lang maintindihan kay Fr. Ed, he was told kuno that the moeny in brown bag was for projects and yet he accepted it without even verifying out of delikadeza if there was any dcouments to prove that it was really for a specific government project. Niloloko tayo ng presidenteng ito, kung ang perang ipinamigay nya e pera ng bayan, how could she prove later that the money went to legit government projects without the benefit of acknowlegement receipts from those who accepted it.
Ang padulas, suhol o kickback ay under cash economy. Ang tawag pa diyan, ‘under the table’. Ang bigayan ng under the table ay mabilisan, walang tanong tanong, dahil understood na iyon. Magtatalo na lang later kung kulang ang natanggap. Nuong araw ‘10%’ and SOP, ngayon dahil nagset na ng standard sina Pidals sa 200+% na dagdag (sa AB ZTE deal) ay wala na sigurong tutatanggap ng 10%lamang. Ang bidding kahit saang gobyerno ay kunyari kunyari na lamang, plastado na kung kangino ang contract, built in na sa cost ang para sa ‘under the table’. Pagpapartihan ng lahat ng kailangang pipirma sa documents na kailangan hanggang mabayaran ng kahera. Ang amount ng bigayan ay parang technology, mabilis ang pagtaas ng standard, parang nagstart sa megabyte, naging gigabyte, eh ngayon terabyte na,.
Grabe na talaga ang pambababoy ni Ate Glue. Wala ng sinisino, ke kakampi o kalaban, mayroon kayo dito basta tumahimik na lang kayo. Bakit kaya di pa kunin ni Taning yang mga hinayupak na mga magnanakaw.
Isang eksena yan na “Ipagpagawa mo ng waiting shed at basketbolahan ang iyong mga nasasakupan, at iyo na ang sukli”
Opo Ma’am, syempre hindi ko makakalimutan na kayo ang nagpagawa nito.
Lagyan ko pa ba ng billboard na “GMA CARES”?
“Huwag na, bumili ka na lang ng mga T-Shirt sa kakilala ko at patatakan mo ng PATRABAHO NI GMA, at ipamigay mo.”
They should prohibit those T-shirts made with taxpayers’ money.
Kawawang bansa! Wala na ba talagang pag-asa?
I hope next time they have a people’s power revolution, they would make sure to drop the Pidal couple from the rooftop of Malacanang not to the murky river kasi baka mabuhay pa, but direct to the cemented walk there para basag ang bungo!
I remember a Japanese actress who could no longer bear her depression jumping to her death from atop the building of her office. Diving ang ginawa, putok ang bungo, labas lahat ang utak, durog-durog! Kaya mas gusto ng mga bombero iyong nagbibigti na lang para mas malinis!!!
Morbid? I don’t think so! It’s common over here lalo na iyong mga kurakot na may natitira pa namang hiya kahit papaano! I doubt kung meron pa iyong mga kurakot sa Pilipinas niyan—hiya, delikadesa, dangal at dignidad!
Kawawang Pilipinas!
Nakakatakot parang nakarating na sa antas ng “pagkamanhid” ang damdamin ng Bayan. Parang wala lang ang mga lantad na kabulukan, parang wala lang ang pagkamatay ng mga intelectual na estudyante, peryodista at lider manggagawa. Patuloy ang pagdanak ng dugo ng mga militante.
Bayan palalimin ang pampulitikang kamalayan, itaas ang antas ng kaisipan laban sa berdugong rehimeng Aroyo na may ayuda ng impeyalistang dayong Amerikano. Bayan mag-aral, matuto, makibaka.
Gising na Bayan ko, alalahanin ang mga bayaning nabuwal noon at ngayon. Nabuwal para sa ating kalayaan, justisya at tunay na demokrasya! Gising na Bayan ko, gising!
Ang ugat talaga ng gulo ngayon ay ang kanyang pandaraya noong 2004 elections.
Kulang pa pala. Ang ugat pala ay ang kanyang pang-aagaw ng kapangyarihan noong January 2001.
Sabi nga ni Susan Roces, “you stole the presidency not once but twice.”
These 190 Congressmen who received this 200K to 500K are “DEVIL’S ADVOCATE”. Shame on you. They are not worthy to be called Honorable but HORRORABLE as they are extrovert of Philippine Satan’s (introvert) Glue-r-Yuck Arroy-ko. These kind of leaders that we have should not be voted and stayed in the position again but rather be punished by our extremists. Where are you guys? You are our only hope to erradicate these people.
It’s a shame that even here in Saudi Arabia other nationals knew how corrupt our government is .Tsik! Tsik! Glue-r-yuck is really an immoral booster, a real insensitive leader to us-Juan Del Cruz. Kung gaano sya kallit at kung gaano umusli ang bibig ng tao na ito, ganun katindi sya gumawa ng kasalanan. Ika nga Small but terrible!
In due time, Karma will come to her and her family as well as to these horrorable leaders. Let’ Satan save them for they are really an evil.
TT:
Talking of miracles, they happen only to people with true faith in God, not people who pretend to have faith, pray to God (kuno) but still follow their own, not the Will of God. Filipinos know what’s wrong, but they won’t follow the Commandments of God to the letter. Nangangatwiran pa that God will understand. Parang katulad noong pareng alam naman niyang nakaw ang ibinigay na pera sa kaniya.
He should go through the legal way of getting fundings for his projects. It is not right for him to say that if Malacanang says it is for the barangay election, he will not use the money given him. Holy Cow! Parang sinabi niya sa mga kurakot sa Malacanang na iyon ang sabihin para hindi na niya isauli yong 500 grand na ibinigay sa kaniya! Tao nga siya!!!
Anyway, please do not allow the criminal to get her ChaCha. Heavens, si Nograles daw ang papalit doon kay Tenga! Mas sipsip at garapal ang ungas na iyan. Tingin ko diyan mas demonyo kesa kay Pangalatok! Giyera patani na puede ba? Iyan ang isa sa mga bugaw ni GLORC as a matter of fact. Puro kabulastugan at kagaguhan ang lumalabas sa bibig ng ungas na iyan. Kung bakit naman pinababayaan ng mga kababayan niya na maboto ang ungas!
Nowadays, accessing Ellen’s blog towards midnight my time is an impossibility.
Why don’t those guys keeping watch to block Ellen’s blog from would be commenters just do something useful for a change? Why don’t they, for example, clean up the Pasig River instead of being the perfect nuissance that they are?
may corruption lamang kung may nanunuhol at may nagpapasuhol. hindi rin katakataka na may pare na ngayon ay gobernador na tumanggap ng suhol. ordinary naman iyan sa mga makasalanang mayaman na magbigay ng suhol para makaakyat sa langit.
Nakakasuka na talaga ang mga nangyayari dyan sa ating bayan.ako’y nag tataka,dahil parang manhid na ang damdamin ng ating mga kababayan.Lantaran na ang kabulukan ng gobyernong arroyo pero parang bulag,pipi at bingi pa rin ang bayan ko…
Gising na bayan ko sa iyong pagka gupiling.gising mga lahing alipin.sa daigdig ating baguhin ang mga kabulukan ng systemang ito ng ating gobyerno…
Hanggang kailan tayo mag papaloko at mananahimik?
Andyan si Trillanes ,kung hindi mag babago ng pananaw…,ay isang mapag kakatiwalaan at may ipag mamalaking katapangan at prinsipyo. katulad nya ang kailangan ng ating bayan na nalulublob n a sa katiwalian…
Sana nga ay patunayan ng Pilipino na hindi tayo mga duwag. Whether be it peaceful or confrontational, its time we save our country from moral bankruptcy.
Maiba lang ako ng topic, etong si Cayetano na bagong/luma sa politika, maaga pa lang alam na natin na DOBLE-CARA siya. Sayang lang ang boto ng mga taong naniwala sa kanya noong huling eleksiyon. Pinuputang-ina na oks lang sa kanya. Yan ang tatak ng tusong politiko. Kaya mga kababayan binigyan natin siya ng anim na taon, sana hanggang diyan na lang siya. AMEN!!!!!!
Nakakapagod na ang ganitong kalakaran. Ngayon natin kailangan ang Magdalo at sila Gen. Miranda. Hindi tayo dapat maging manhid sa kawalanghiyaan ng mga nas poder.
At sana po wag tayong padadala dito kay Villar. Pag siya ang lumabas sa Pagkapangulo sa 2010, palagay ko libreng-libre ang mga Arroyo sa mga kasalanang pinag-gagawa nila. Magkaka-sama ang mga iyan. Piliin po natin kung sino ang karapat-dapat na maging isang Pangulo.
Talagang ginagago na tayo ng mga squatter sa Malakanyang. Kaysa hindi daw galing sa departamento nila yong pera, hindi daw nila ugali yong namumudmud ng pera, kaysa hindi daw niya alam at wala siya nong nagbigayan, kaysa humuhingi naman daw yong mga iba para sa nasasakupan nila at marami pang iba. Di po ba sabi nong mga nakatanggap, ibinigay daw na kung sinong Pontio-Pilato sa Malakanyang. Ang liwanag na sinabi “SA MALAKANYANG”. Alanganin namang ako ang nagbigay … MGA GAGO TALAGA KAYO!!!!!!
Ang dapat maging pangulo sa 2010 ay isang pangulo na handang magparusa sa mga Arroyo. Yes, we should doubt Villar. This guy can play all kinds of games. Sa tutoo lang, parang ka-ugali na niya si JDV. Mas guwapo at pino lang si Villar. The president I’m thinking of who can do the job to punish the Arroyos is Ping Lacson. Sino pa ba? May alam ba kayo?
Yes, PING LACSON IS MY NEXT PREIDENT!!!!!! (after Erap)
Ang pekeng Administrasyon ngayon ay parang masamang panaginip lamang at sana’y pag-gising ko si PING na ang ating Pangulo.
agree ako na si ping ang dapat maging susunod na pangulo by hook or by crook.
Let’s admit that Ping Lacson is not perfect. He has his dark days at MISG under then Col. Abadilla during the time of Marcos and of course that controversial Kuratong Baleleng case. Pero kung kailangan natin ang isang lider na consistent sa kanyang ipinaglalaban lalo na sa pagtugis sa mga Arroyo, wala nang iba maliban si Lacson. He has the heart and determination to run after these crooks. Kung eligible lang sana si Trillanes sa 2010, puwedeng Bise ni Ping siya. But, Trillanes does not meet the required age to run for higher office. Ping and Trillanes, tingnan natin ang tigas ng mga tanay na iyan sa Malacanang.
If there’s one elected senator that we regret today, it’s this Alan Cayetano. Kahit na si Chiz Escudero nagtataka at nagtatanong kung bakit ginawang secret and committee hearing kay Joey De Venecia. Duda din si Jamby Madrigal sa kinikilos ni Alan ngayon. It appears that Alan and Villar have been bought by Malacanang. Sila na ngayon ang trouble shooter ng Malacanang sa Senado.
I cant wait how Malacanang will explain the gift-giving. Pano kaya sila makakalusot dito? Private sector donation? Why inside the palace? Siguro ibabalik ang bintang kay Gov. ED Sasabihin nila na isa siya sa mga destabilizers. Nayayamot ako kay Gov. Tinanggap yun pera na nasa shopping bag. Hindi matanggap na nasuhulan siya. Buti nalang hindi inilagay sa bayong.
Yes Panyerong Pechanco, Villar and Cayetano ay miyembro ng Glorya Inc. Etong mga klaseng tao ang dapat iwasan ng ating mga kababayan. Sana eto na ang huling yugto ng pagka-politiko nila.
I had difficulty accessing this blog, too for almost 20 hours. Ang tindi! And the nerve of the crooks to brag that the Philippines is a democracy! Pwe!
AdB: kaya mahirap mag login dito kasi marami ang bumabasa.
… In another thread I called on the Catholic Church particularly Cardinal Rosales, Bishop Lagdameo, Bishop Villegas, etc. and asked what they are doing..their silence is so loud nakakabingi tunay. ABS-CBN carried a statement today from Bishop Lagdameo..calling all those who received the money bags to follow Gov. Panlilio and come forward and return the “gift”.according to him the Phil. is suffering not only in “economic bankruptcy but also “moral bankruptcy of our leaders” and he called this “gift” a form of bribery from a dubious source. Pero Bishop hanggang dito lang ba ang panawagan mo? Can you ask for an “audience” to meet with these “moral bankruptcy leaders”? Total related naman daw sila ni St. Teresa of Avila, whose feast day we celebrated yesterday. Let us move on Bishop Lagdameo..lead us on..we need you as our leader..be the Shepherd a good Shepherd like Jesus..hindi ba ang sabi ni Jesus kay Peter…”Feed my Lamb”. I am from the Western Visayas..and I look up to you as the Archbishop of Jaro…dati ang Antique ay sakop ng Arch. of Jaro..kaya..do lead us on..Raku gid nga salamat sa imo…
Ate Ellen,
Sa wakas naaccess ko rin ang Ellenville, ate Ellen I think merong gumagawa ng way para hindi maacces itong blog, is it possible? Coz since this morning till afternoon laging page cannot be found, ok naman ang internet connection ko, I’ve checked everything kanina pero ok naman ang internet ko, sa ibang website walang naging problema dito lang and sa uniffors blog site.
Anyway, Ping Lacson will be the best president! I Have been voting for him eversine, sya lang ang pwedeng ipangtapat kay Gloria!!!!
Naghihilahod na ang mamamayang Pilipino sa sobrang hirap ng buhay, at eto ang pekeng administrasyon ni Gloria ay nagwawaldas at nagpapamudmod lang ng pera galing sa kaban ng bayan. Tadtad na ng Evat ang mga bilihin para lang magkapera ang gobyerno. Iilan lang pala ang nakikinabang at hindi ang taong bayan. Ni wala ngang supply ng libreng gamot ang mga health center. Malimit pa nga ay walang health center, mga eskwelahan na walang sapat na libro, minsan nga ay walang matinong eskwelahan. Sabi ni Lito Atienza at iba pang kaalyado ni Gloria ay ‘normal’ lang daw sa malakanyang ang magpamudmod ng pera. Pera ng bayan winawaldas ng walang habas ng pamahalaan ni Gloria. IBAGSAK NA ANG PARUSA! SOBRA NA! TAMA NA!
Rose,
Karamihan sa mga pari at bishops ay nakikinabang din sa mga ‘cash gift’ ni Gloria, kaya suntok sa buwan kung mangunguna sila sa pagbabalik ng moral sa ating gobyerno. Malamang na kung isoli man ni Gov Panlilio ay pihadong walang tatanggap dahil mabubuko kung sino ang nagbigay at matanong pa kung saan galing talaga ang pera. Kaya magandang magkabulgaran na!
Tama si Luzviminda, Rose. Even if CBCP headed by Lagdameo just issued a strong statement about the “bribe”, the church is also tainted with corruption. What about the white envelopes received by the bishops in Malacanang last time? There goes the hypocrisy again. Ilang araw na ang issue sa cash gifts (bribe) ngayon lang nagsalita ang CBCP. CBCP has no credibility. It has no moral authority to even engage in discussing the issue since many of their own are as corrupt. Hindi ba Rosales, Villegas? Anong say niyo?
Lito Banayo is greeting all of us advanced “Maligayang Pash-ko”. Pash sounds like cash. Maaga ang Cashko sa kanila.
The Marine Commandant made a very alarming remark warning about the possible civil war. Many soldiers are more than ever upset after the recent bribery in Malacanang. Hindi sila mabigyan ng bago at mahusay na sapatos dahil daw walang pondo ang gobyernor; tapos ganyang kalaking halaga ang regalo sa mga pulitiko. The warning coming from the current commander could be a signal to the troops to take action now. The Marines would lead it.
From Tribune:
All officers and men of the AFP + Including Masters-sergeants all of whom were led by Esperon, Were at the Dinner meeting called by Gloria. To announced that she is increasing the allowance by P150 a day the sodiers combat pay.
Combat pay na at P150 lang buhay ang tinataya ng mga sundalo natin (Puwera ang mga may ranggo na nakatago lang sa kampo)Etong pintawag niya “BRIBE MEETING” ay isang araw lang ay Kalahating Milyon na at under the table pa. Iyung ibang regular na suweldo ay hindi pa natatangap ng sundalo. Pero ang magigiting kotongress at Gov. ay isang meeting lang ay half millions na ang makukuha nila at karamihana ay sa bulsa nila mapupunta. Buti na lang ay pari si Gov. Panlilo nanaig pa rin ang kanyang pag ka banal (hanggang kailan kaya) kundi ay baka sa bulsa rin niya mapunta ang pera. Biro mo walang resibo or valid papers kung saan galing ang pera na binigay para pang BRIBE sa kanila.
Ang kawawa dito lalo ay ang mga sundalo at tayong taong bayan na naghihirap makakita ng pera tapos ang mga naka upo ay instant millioner agad kapag dikit ka sa mag asawang magnanakaw.
Nag hihingay si Gen. Dolorfino dahil hindi yata siya nabigyan ng parte at na kay ASSPERON lang.
KAWAWANG SUNDALO natin talaga P150 lang ang halaga ng buhay nila araw araw.
Diyos ko po kailang ninyo kami tutulungan.
Wala na kaming pag asa sa mga alalay ninyong CArdinal ng Pilipinas.
nagsalita si Among Ed tungkol sa “lagayan” ng malacanang ngunit ang nakapagtataka ay ang sobrang katahimikan ni BISHOP VILLEGAS LALO NA SI CARDINAL GAUDENCIO ROSALES.
I’m very sure that this incident in MALACANANG BRIBERY is all that can trigger a REAL COUP DETAT if i’m not mistaken by my spelling please correct me? Its a real evidence of corruption already in the PALACE where too many men have lost their life just to save this beloved country of ours and now the time has come for this occupiers here to just lambast it and make it like a COCKPIT ARENA where they give their bets just to keep their postions SHAME ON YOU, YOUR TOO MUCH ALREADY ALL OF YOU IN YOUR FAMILY, your days are numbered and this must be STOPPED AS SOON AS POSSIBLE NOW COME ON MY COUNTRY MEN AND LETS SHOW TO THE WORLD OUR HATRED TO THIS FAMILY AND TO THEIR CRONIES. LETS START IT NOW, PLEASE ON THE OPPOSITION SIDE, DO SOMETHING THIS IS THE TIME WE ARE WAITING FOR, WE NEED TO DO SOMETHING NOW BEFORE THEY WIIL TAKE EVERYTHING FROM OUR BELOVED MOTHERLAND.
magkano naman kaya ang tinatanggap nina CARDINAL GAUDENCIO ROSALES at BISHOP VILLEGAS buwan-buwan para sa kanilang pagbubulag-bulagan at nakabibinging katahimikan lalo na sa mga katiwalian ng malacanang lalo na sa “Bribery Scandal” and suyhol na ibinigay kay Among Ed ay para na rin na suhol sa Santo PAPA. thanks to medy the relative of the cardinal……………MABUHAY KA AMONG ED!
P150 increase allowance per day sa combat pay nila. Eh pag bumili ka ng lutong ulam ay ubos agad iyang P150 mo eh. Biro mo sa GOV. + kotongress ay almost million na ang bigay at sa sundalo ay P150 lang. Ang layo ng agwat yata ah. Kawawa ang mga sundalo natin ang buhay nila para kay Gloria ay P150 lang. hindi kasi kayo tumutulong (sundalo mababa ang ranggo) sa pagnananakaw at pang loloko niya sa taong bayan eh. Kaya iyan lang ang katapat ninyo (iyan ang nasa isip siguro ni Gloria). Isa pang nangloloko sa inyo ay ang pinaka chief ninyo na isang dakilang magnanakaw rin si Germsneral Assperon.
Kawawang sundalo P150 lang ang halaga ng buhay ninyo.
AEFPM or “AMONG ED FOR PRESIDENT MOVEMENT”
# damag46 Says:
October 16th, 2007 at 11:47 pm
nagsalita si Among Ed tungkol sa “lagayan” ng malacanang ngunit ang nakapagtataka ay ang sobrang katahimikan ni BISHOP VILLEGAS LALO NA SI CARDINAL GAUDENCIO ROSALES.
—-If Cardinal Sin were alive today, would he also speak up? I doubt. Isa din siya sa mga tumanggap ng mga biyaya simula pa sa panahon ni Marcos kay Imelda. FYI, Soc Villegas is Sin’s protege. Soc was Sin’s closest adviser. At baka kahit noon pa, si Villegas ang tumatanggap para kay Sin. I’m sorry for mentioning someone who’s already dead. But, we cannot avoid mentioning those who were and continue to be part of history. Kung si Marcos ngayon pinag-uusapan pa at tinitira ng kanyang mga kaaway, why not Cardinal Sin who was also a mortal like us?
Balik ako kay Doble-Carang Cayetano, ayaw niyang lumabas ng katotohanan doon sa ZTE deal at kahit sa German Bank Acct. kasi pag napatunayan na totoo pala lahat ng paratang sa mga ARROYO, magagalit ng tao. Magkakaroon ng kudeta at siyempre hindi si Companyero niyang si Villar ang uupo. Kaya pinapa-abot na lang nila sa 2010 para may laban si Villar. Kaya mga Kababayan pakiusap lang na eto na sana ang huling kabanata nila sa Politika, yang Villar/Cayetano tandem.
Nakikita ko si PING ang dapat mamuno sa atin.
The corrupt Arroyo government has special funds for bribes but no money for soldier’s combat pay increase. AFP chief Mr. Esperon blames the Congress for not allocating funds. Gloria’s words won’t worth a cent. She fooled the soldiers ZTEXXtimes.
Pechanco,
Dapat MALIGAYANG CASH-KO!
Sobra na ang pangwawaldas ng pera ng bayan! Sa isang bigayan lang milyon-milyong na! At hindi lang minsan yan mangyari dahil sabi nga ni Lito Atienza, Ermita at iba pang taga-Malakanyang ay ‘normal’ lang daw ang pamumudmod ng pera. Asan ang accountability sa bawat pisong ibinabayad ng naghihilahod na taong bayan! Iilan lang ang nakikinabang wala namang sapat na serbisyo sa bayan. Kailangan pang mangutang ng gobyerno para sa mga proyekto na pagbabayaran din ng maging ating ka-apu-apohan! IBAGSAK NA ANG BALASUBAS NA GOBYERNO NI GLORIA! SOBRA NA! TAMA NA!
Dapat buwagin ang Malacanang Cash N’Carry Department at patalsikin si Gloriang Putot. Akala ko Noli De Cash-ro.
Imbes na tumahimik, nagdada pa itong si Atienza na halatang ipinagtatanggol lang niya ang amo niya. Why not ask him about those street lamps imported from China? Lito, milion iyon kinita mo sa commission.
so sa wakas nakahalata na rin kayo na pakawala ng malacanang ang tandem na Villar-Cayetano kasi gusto nilang paabutin si Glora “Tiyanak” Arroyo hanggang 2010 ng sa gayon tandem din sila for president and vice president.
at sa wakas nakahalata na rin si sen chiz escudero kaya abangan ang susunod na hakbang ni malinis na senador escudero
Share ko lang ito sa inyo from Anthony Taberna, Abante-Tonite
***
Sa lamesa ng dating American President Harry Truman, nakapatong ang isang karatula na nakasulat ang linyang “the buck stops here.”
Pero iba ang ating nakita sa hilera ng mga kongresista at gobernador na nangagkasahod ang kamay para sa biyaya ng tanggapan ng Pangulo — ” you get big bucks here”!
Yung ‘Breakfast Meeting’ naging ‘BRIBEFAST MEETING’!
Kultura na ng mga Penoy ang may PABALOT pa sa mga kainan/handaan.
Buffet man o kanya kanyang dukwang.
Pero yung PA-BAL-OT sa Malakanyang, iba talaga ito!
Yung balanse daw sa overtime na paninilbihan.
Sasabihin, “…naka-dalawang termino na ako, OT pa rin ba?”
Oh heto na ang balanse!
I prefer, Atoy Ko for President!
atoy ko! akoy ko! atoy ko!
Kung familiar kayo sa PBA, hindi #6(harvest time) ang sinisigaw! kundi….
BUWAYA! BUWAYA! BUWAYA!
tunay na kawawa ang mga nagdarahop nating kababayan. habang sila ay nakikipag-agawan sa mga aso sa pagbubungkal sa basurahan upang may maipalaman sa tiyan, sina gloria arroyo at kanyang mga ganid na kaalyado ay MILYON AT DAANG LIBO ang salaping pinagpapartihan.
mga sukab at gahaman!
Si Cayetano, nag-mana ata sa ama talaga. Di ba’t malaki din ang naganansya ng matandang Cayetano sa BW Resources scam, milyones din, pero di nakasuhan tulad ni Erap.
From Jhoana Pacaonces :
Ano kaya ang pwede naming gawin para makatulong sa ating bansang Pilipinas na palubog ng palubog sa pamahalaang Arroyo?
Pati sa pag aaral ng anak ko nahirapan na kami. Kami ay mahirap lang at lalo pang naghihirap sa buhay. gusto kong ipagpatuloy sa college ang anak ko pero hindi kaya ng bulsa dahil sa mahal lahat ng bilihin, pasahe,tuition at mga projects. Ang pagtitinda ko ng mga gulay ay hindi sapat para matustusan ang pang araw araw na pamumuhay dito sa probinsiya. Ito nalang sana ang pinagtu-unan ng pansin ng ating pangulo para makatulong sa mahirap na gaya namin at para sa kinabukasan ng lahat.
Congressman Cuenco wants to reveal the truth but is prevented by his loyalty to his party mates, friends and GMA. Sa kanyang mga binitiwang statement ngayon, pahaging niyang sinasabi na tutoo ang nangyari at nagsisinungaling ang mga kasama niya sa pag-deny na tumanggap sila. Cuenco, magpakalalaki ka. Minsan lang lumalabas ang pagka-bayani ng isang tao. If you tell the truth, this act might erase whatever sins you have committed in the past. You owe to the Filipino people the truth. Kung nagbabasa dito sa blog ang mga nakakakilala kay Cuenco, iparating sana itong panawagan ko. Cuenco, don’t be a coward like the others. Matapang ang mga Bisaya di ba?
sa lahat ng bisaya, itong si kwenkoy ang MATAPANG ANG HIYA!
broadbandits:
makikita ba ang mga logs natin sa broadband mo?
o eksenang loglog barya lang ang nangyari noong nakaraang huwebes?
pabalot, regalo, padulas, o pakimkim?
panghimagas?
kung nag-inuman pa noong umaga na yun, banlaw?
GMA, Kampi, readies Nograles for Speakership
10/16/2007
President Arroyo’s marching orders to oust Speaker Jose de Venecia have been heeded in earnest by her allies, and Mrs. Arroyo and her spouse’s pick to replace De Venecia Jr., a source, who is a member of the President’s Kabalikat ng Malayang Pilipino (Kampi) told the Tribune yesterday, is Davao City Rep. Prospero Nograles of Lakas.
The source said a meeting over the weekend in Malacañang was called by Mrs. Arroyo, with the top brass of Kampi, along with some Lakas congressmen known to be loyal to the presidential couple present, discussed the ouster of De Venecia, who has had a falling out with the Arroyo couple.
http://www.tribune.net.ph/20071016/headlines/20071016hed1.html
kumikilos (din)na naman ang maruming kamay ng baboy.
ano kaya ang gagawing hakbang ni mang huse? mananahimik na lamang habang sinisipa sa puwit?
maganda ito. sila sila, siguradong labo labo!
pechanco Says:
October 16th, 2007 at 3:41 am
Okay na sana ang pag-amin ni Fr. Ed pero bakit pa niya sasabihin na hindi bribe iyon? How did he know it was not a bribe? Did he say that to save his own ass? Dahil kung sabihin niyang alam niya na bribe iyon di kasabwat siya sa kasalanan at corruption? Wise din itong si Fr. Ed? I mentioned in other thread and I’m reiterating here that Fr, Ed being a priest so well educated must have known that it was dirty money given by Malacanang. Cash money inside a bag without any other thing? Had I known about it, I would have waited for his car to get out of the Palace and rob it from him. Dapat inabangan ang lahat na congressmen at governors na umalis noong araw na iyon mula sa Malacanang dahil dala-dala nila ang mga pera. Without their bodyguards, it would have been nice to take those money away from them.
***************************
A short take :
Kalalabas pa lang ni Congressman Cuenco galing Malacanang. Abot-tenga ang ngiti kasi may maaga silang Christmas “gift”: P500,000 na nakasilid sa isang brown envelope.
Kalalabas pa lang nya ng gate ng bigla siyang dikitan ng isang lalaki at sinabing : “Holdap ito. Wag kang papalag. Akin na ang pera mo.” Nangangatog man sa takot, nagawa pa rin ni Congressman na tanungin ang holdaper. “ang lakas ng loob mong holdapin ako ah. Hindi mo ba ako nakikilala? Isa akong congressman ng Pilipinas!”.
Bahagyang nabigla ang holdaper. “Ah ganun ba? O sige, holdap ito. akin na ang pera ko!”
Wala naman alam iyang si Cuenco kundi Cuento. He’s called Cong. Cuento. Hear what he said…he would first consult his family before telling the truth. Ibig ba niyang sabihin ang buong pamilya niya corrupt? Kung sa bagay, pamilya din niya ang nakikinabang sa pera.