Skip to content

Hanggang kailan tatagal si JDV?

Umamin na si Rep. Antonio Cuenco na nabigyan siya ng P200,000 (Ano yan, Tony may P200 ka dito?) noong Huwebes sa Malacañang ngunit itong si Press Secretary Ignacio Bunye ay nasa-alapaap pa rin. Tsismis raw.

Ito naman si House Majority Arthur Defensor, “standard” o pangkaraniwan raw yung bigayan kapag may nagawa silang nagustuhan ni Madam.

Kaya pala kung anong pangungurakot ang ginagawa ni Gloria Arroyo. Kailangan niyang bususgin itong mga buwaya niyang alagad. Kung sabagay siya ang Inang buwaya.

At ano naman ang maganda nilang ginawa na nagkaroon sila ng maagang pamasko? Walang duda na yun ay may kinalaman sa pagpumilit na makarating sa Justice committee ang pekeng impeachment complaint na isinampa ni Atty. Roel Pulido.

Garapalan na ang ginawa nilang pagtulak ng impeachment complaint noong Huwebes hangang sa nakarating sa Justice committee. Sa ganun wala nang ibang impeachment complaint na maaring masampa laban kay Gloria Arroyo sa loob ng isang taon.

Garapalan talaga. Sila na mismo na mga tauhan ni Arroyo ang nagtutulak ng impeachment complaint. Paano wala silang mabayarang oposisyon na sumali sa kanilang moro-moro.

Paano, sa lahat ba namang kongresista na lalapitan, si Rep. Crispin Beltran pa. Akala siguro nitong si Francis Ver na porke’t mahirap si Ka Bel ay masisilaw sa P2 milyon. Hindi uso kasi ang prinsipyo sa Malacañang kaya akala nitong pamangkin ni Ver lahat na tao pareho nila ang pag-iisip.

Kung hindi lang bastusan ng bayan, parang komedya ang nangyari noong Huwebes sa Batasan. Ang mga kaalyado ni Arroyo, nagtutulak ng impeachment complaint samantalang ang mga tag-oposisyon naman ang humaharang. Parang nabligtad ang mundo.

Nagpapatunay lang talaga na “Impeach me” o pakana ng Malacañang ang isinampa ni Pulido at inindorso ni Rep. Edgar San Luis.

Nakaabot sa Justice committee ang pekeng impeachment complaint dahil nag-inhibit o sadyang ipina-ubaya ni House Speaker Jose de Venecia kay Del Mar ang dapat katungkulan.. Delikadesa raw, sabi ni JDV kasi sangkot raw ang kanyang anak na si Joey de Venecia sa isyu ng NBN-ZTE na siyang nakalagay sa complaint.

Sa tingin ho, hindi delikadesa ang rason kung bakit ipinaubaya ni JDV kay Del Mar ang pagtulak ng impeachment complaint. Tagilid ang kanyang posisyon bilang speaker. Nabili ni Arroyo ang 189 na kongresista. Kaya pwedeng siyang tanggalin na speaker.

Mas hahanga sana ako kay De Venecia kung nanindigan siya na hindi itulak ang pekeng impeachment complaint at ibinulgar ang suhulan sa Malacañang. Matanggal man siya bilang Speaker, lumaban naman siya para sa katotohanan.

Ngayon Speaker pa siya. Hanggang kailan?

Published inWeb Links

59 Comments

  1. pechanco pechanco

    Hanggang kailan? Hanggang sa dulo ng walang hanggan. JDV’s survival is GMA’s survival. Maraming alam na baho si JDV kay Gloria ang vice versa. It’s like a scene wherein two people are holding each other in a tall building about to fall. If one falls, the other goes with him. Garapal na talaga. Pati nga ang paring si Gov. Panlilio umamin na tumanggap din siya. Ang razon niya tulad ng ibang pari at obispo: Para daw sa mga mamamayan na kinasasakupan niya. Patawarin siya ni Taning. Anong dahilan iyan? Ginaya pa niya ang yumaong si Cardinal Sin na nagsabing tatanggapin niya ang pera kahit galing sa demonyo basta ibigay sa mahihirap. Eh ang mga demonyo nasa Malacanang. Then, Gov. Panlilio received the money in Malacanang. Ano ba iyan? Now, these Malacanang crooks are arguing that giving and receiving money is a standard. Naging standard na ngayon ang lagay. They might as well amend the law and delete the “bribery” as a crime. Alisin na ang kasalanang “suhol” para gawing legal na. Saying “standard” is saying it’s “legal”. Tanay nilang lahat!

  2. Chabeli Chabeli

    According to a report in Inquirer.net, “Saying he can’t lie, Fr. Ed admits taking P500,000”. Here’s an excerpt of that story:

    MANILA, Philippines — Not only administration congressmen but also at least one local government executive were given money after attending separate meetings with President Macapagal-Arroyo in Malacañang on Thursday.

    Pampanga Gov. Eddie Panlilio, a Catholic priest, on Saturday said a Palace staff member dressed in a barong tagalog handed him a brown paper gift bag containing P500,000 as he was walking toward his car.

    Panlilio said the bag, which had a handle, was stuffed with crisp P1,000 bills in five bundles, each amounting to P100,000.

    He said the man told him he could use the money to help in the barangay elections, and that he accepted it after being told that he could also use it for “barangay projects.”

    Panlilio agreed to confirm that money had changed hands after the meeting “because as a priest and a public officer, I should not lie.”

    Here’s the link to that story:
    newsinfo.inquirer.net/inquirerheadlines/nation/view_article.php?article_id=94297

  3. Chabeli Chabeli

    Pechanco, nakakasuka na nga !

  4. pechanco pechanco

    Hindi lang ako nagsuka, nahimatay pa. Ang iba siguro sumusukang nagtatae sa mga nangyayari. Kung ang mga tulad na banal na taong si Fr. Ed nahulog sa tukso, what more other mortals? If I were him, he should have kept quiet and not admit it now. Marami na namang Katoliko ang lalayas sa simbahan. One cannot use “helping people” as an excuse to receive bribe. Buti pa tawagin na lang siya Fr. Robin Hood.

  5. TurningPoint TurningPoint

    Sa aking hinala, hindi na magtatagal si jdv bilang speaker of bastusang pambansa. Sa sinabi ni glorya, I go down, you go down, sa mga tongresista, pwede na nating sabihin na One Man Down and that is jdv. Kahit nakangiti si glorya sa kanilang paghaharap ni jdv, nakatago rito ang ngiting aso dahil hindi niya makakalimutan na dugo at laman ni JDV si Joey III na sumupalpal at nagbulgar ng tungkol kay fg mike sa Senado. Ngiting aso, dugong aso, magkasamang palagi yan, huwang namang ikasasama ng loob ng ibang Kapampangan, pero naiiba talaga itong si glorya. Pagtalikod ni jdv, tiyak may instructions na si glorya, unti-untiin na ang pagtumba kay jdv. Kung hindi man mapadali ang pagtanggal sa kanila sa pwesto, sa 2010, pare-pareho na silang wala sa poder, kanya-kanya na ng pamamandong kung paano iiwasan ang galit ng bayan.

    Malapit na si jdv. Ilang tulog na lang sa aking opinyon.

    At kung wais si jdv, unahan na niya si glorya. Gumawa na siya ng paraan sa natitira niyang pwersa sa bastusang pambansa. Sabihin niya kay glorya, I will go down..but not without you!

  6. pechanco pechanco

    JDV should now call himself as Judas De Venecia and help us oust this Gloria. Kung magawa niya iyan, baka patawarin siya ng bayan at magiging isang bayani. JDV, mag-Judas ka na!

  7. TurningPoint TurningPoint

    Kapoposte ko lang sa itaas na hindi na magtatagal si jdv, this is what I read in the Daily Inquirer:

    President safe but not Speaker, says Bagatsing.

  8. Sinabi ko na nga sa inyo na iyan ang ginagawa ng mga ungas, garapalan na nga. Normal daw! Where I come from this kind of graft and corruption is not normal and once exposed will see the involved hanging himself by some curtail rail or jumping from tall buildings.

    Kawawang bansa! Hindi maipagmalaki!

  9. Diego K. Guerrero Diego K. Guerrero

    Palagay ko ‘squid diversionary tactitcs’ itong impeach me at pag-patalsik kay Jose De Venecia. Natabunan na ang isyong ZTE scam at iba pa. Parang mukhang bida si Gloriang Putot sa power struggle sa Batasan Prostituta. Akalain mo 198 tongressmen ang nasa kanyang panig. Gina-gago nila ang taumbayan.

    Bakit tinangap ni Among Panlillo ang pera galing kay Gloria? Alam niyang ito ay isang suhol. Kung ito’y tulong para sa barangay dapat galing sa opisina ng DILG o Pagcor. Bakit cash? Bakit walang resibo? Ibig sabihin walang accounting. Maliwanag na ito’y isang suhol. Huli na ang lahat Padre Among Panlillo, nilamon ka na ng systemang bulok. Masbilib ako kay Ka Bel dahil ayaw niyang pasuholan.

  10. Huwag ninyo nang pakialaman iyong pari. Hindi na pari iyan, politiko na! Kung ako sa kaniya, itatapal ko sa mukha ng nagbigay ng pera ang suhol na ibinigay nila. Maraming paraan kung papaano magiging self-sufficient ang probinsiya niya sa totoo lang. No bilib ako! On the way na siya na maging corrupt after all!!!

  11. Ka Bel, may prinsipyo? You bet, meron! Hindi garapal ang mamang iyan. Mahiyain pa. Hindi basta sungab ng sungab kahit na hainan ng grasya!

  12. Diego K. Guerrero Diego K. Guerrero

    Pampamnga’s quarrying is a big business. Gov. Among Panlillo has collected about P1 million per month buhangin taxes. He has enough funds for barangay projects. Hell, 500,000 pesos from Gloria is a deep shit.

  13. Diego K. Guerrero Diego K. Guerrero

    Lumalabo yata ang aking mga mata dahil sa typo errors. Di bale basta ayos ang mensahe. Bakit pumayag ang mga GMA tongressman pasuholan? Partehan sila sila.

  14. TurningPoint TurningPoint

    Tama si Yestakei, pulitiko na si Amang Panlilio bilang gobernador. Kung anuman ang gawin niya sa perang ibinigay sa kanya ni glorya, bahala siya. Sapagkat ibinulgar niya ito sa halip na ilihim, ang sagutin niya sa kanyang nasasakupan ay ihayag kung paano niya ito ginastos. At nakakatiyak tayo, sa bawat kilos niya, naka-abang ang kanyang mga tinalo katulad ng the wife of the jueteng lord and the son of the quarry lord.

    Dito, kitang kita natin na walang habas ang pamimigay ng salapi ng bayan. At walang resibo or voucher na kanilang dapat pirmihan upang masundan para sa kaukulang accounting or auditing. At dahil walang resibo, malaking kupit naman ng may hawak ng perang ipinamudmud. Kung sino ito, hindi na kailangang i-memorize. Kahit maglalako ng taho, alam kung sino.

    Samakatuwid, kung nakakapag bigay sa isang katulad ni Gob. Panlilio na hindi kapanalig ni glorya, maliwanag pa sa sikat ng araw na talamak talaga ang bayaran, kabi-kabila, just to survive the illegal presidency she’s holding on. Another legacy of glorya makagarapal.

  15. macshock macshock

    i’m still wondering why no one is raising the anti-graft and corrupt practices when all these elective officials have admitted to violating it. they should ALL be squeezed until they reveal how manifestly widespread the practice is and who is corrupting them.

    REPUBLIC ACT NO. 3019

    ANTI-GRAFT AND CORRUPT PRACTICES ACT

    xxx
    (b) “Public officer” includes elective and appointive officials and employees, permanent
    or temporary, whether in the classified or unclassified or exempt service receiving
    compensation, even nominal, from the government as defined in the preceding
    subparagraph.

    (c) “Receiving any gift” includes the act of accepting directly or indirectly a gift from a
    person other than a member of the public officer’s immediate family, in behalf of himself or of any member of his family or relative within the fourth civil degree, either by consanguinity or affinity, even on the occasion of a family celebration or national festivity like Christmas, if the value of the gift is under the circumstances manifestly excessive.

    xxx
    SEC. 3. Corrupt practices of public officers. — In addition to acts or omissions of public
    officers already penalized by existing law, the following shall constitute corrupt practices of any public officer and are hereby declared to be unlawful:

    (b) Directly or indirectly requesting or receiving any gift, present, share, percentage, or
    benefit, for himself or for any other person, in connection with any contract or transaction between the Government and any other part, wherein the public officer in his official capacity has to intervene under the law.
    (c) Directly or indirectly requesting or receiving any gift, present or other pecuniary or
    material benefit, for himself or for another, from any person for whom the public officer, in any manner or capacity, has secured or obtained, or will secure or obtain, any Government permit or license, in consideration for the help given or to be given, without prejudice to Section thirteen of this Act.

    Ngayon, kung totoo naman ito: “Ito naman si House Majority Arthur Defensor, “standard” o pangkaraniwan raw yung bigayan kapag may nagawa silang nagustuhan ni Madam.” ibig sabihin na ang tagal na nilang binabastos ang batas na ito at walang naghahabol sa kanila. kung sino man maghahabol, kelangan lang i-connect nila yung pagbibigay ng pera bilang gift para mapa-approve, directly or indirectly, ang mga project ng malacanang. tulad ng zte. cyber ed. o kung ano ano pa.

    if not these, kahit simple bribery lang pwede na silang habulin kasi ang pag-bigay ng pera, sabi ni defensor ay para sa mga ginawa ng official na nagugugstuhan ni Madam.

    of course, i could be wrong. pero nakakabanas lang talaga na lantaran na ang pagbababoy ng systema, e wala pa din tayong lahat magawa.

  16. conqueror46 conqueror46

    kapit tuko na si de venecia sa puwesto nya, hanggang sa pagpapalit ng gobyerno, sayang din naman kasi yung mga pakinabang na tatanggihan nya , kaya ipinasiya na niya na kunin ang lahat ng mapapakinabangan bago man lang niya lisanin ang bulok na administrasyon. Nakatitiyak kasi siya na kahit barangay captain ay hinding hindi siya bibigyan ng pagkakataon ng papalit na gobyerno na makapanungkulan dahil napakadumi ng pinanggalingan niyang rehimen. Tira ng tira jdv may ilang panahon ka pang natitira para makaipon ng puhunan pag-alis mo ng pinas.

  17. vic vic

    granting that the money given to Governor Panlilio is not a bribe, but how do the government account for the country’s expenditures if they just give out the money this way? And granting further that Gov. Panlilio disbursed the bribe money for projects in his province, this is another case of Selectivity, since the tax money is for the benefits of all, not just for who malacanang try to bribe..

    Now if anybody can just walk around giving them in thousands or in millions, then it follows that everyone can just help themselves with the country’s Treasury. More Chinese money please….

  18. conqueror46 conqueror46

    entonses, aminado si defensor na talagang nagbibigay ng grasya ang palasyo, kapag may nagagawa daw na maganda para sa palasyo, pansinin ninyo para sa palasyo, hindi para sa bayan, pagkatapos ang ipinamumudmod niyang salapi, ay salapi ng bayan, napakakapal naman ng mukha nitong si defensor na ito, nakakaya niyang ipalamon sa kanyang pamilya ang salapi ng bayan, napaka diretsa ng sagot niya ” standard procedure” na raw ito ng palasyo, entonses, matagal na panahon ng nilalamon ng pamilya niya ang pawis at dugo ng sambayanang pilipino, hindi lamang siya, lahat ng kasama niya sa palasyo, at ito namang si glueria ang lakas ng loob na mamudmod ng salapi ng bayan palibhasa ay hindi naman niya pinagpaguran…. que barbaridad, sus maryosep…. delubio universal,,,,,,

  19. Diego K. Guerrero Diego K. Guerrero

    Ombudsman Malditas Gutierrez is still hibernating. Joc-Joc Bolante’s fertilizer scam and Nani Perez’ bribery case are gathering cobwebs at her office. She should initiate an investigation on alleged bribery. Malditas Gutierrez is part of Jose Pidal’s mafia. Gloria Arroyo has corrupted the Dept. of Justice, the Presidential Anti-Graft Commission, the Office of the Ombudsman and other government institutions. Hawak niya ang gobierno dahil sa suholan.

  20. conqueror46 conqueror46

    at ang ipinansusuhol ni glueria ay salapi ng bayan, dugo at pawis ng sambayanang pilipino. Wala na talagang pag-asa ang ating bayan na makabangon, mas malupit pa sa tatlong bagyong nagdaan ang gobyerno ni glueria, mas masahol pa sa nasunugan, pag nasunugan ka, may makikita kang abo, e dito sa gobyerno ni glueria, kahit agiw wala ka ng makita dahil nilimas ng lahat ni glueria at ng kanyang mga kampon..bwahahahahaaahhhhhha

  21. Diego K. Guerrero Diego K. Guerrero

    Ground zero kamo. Mahirapan makabangon ang ating Inang Bayan dahil sa malupit na kurakutan ni Gloring Putot. Balik tayo sa Stone Age.

  22. conqueror46 conqueror46

    samakatwid nagoyo ni panlilio ang kanyang mga kababayan, akala nila, como pare si panlilio, e hindi ito mahuhulog sa kasalanan, ngayon magliwanag sana ang mga kaisipan nyo na naghalal dyan sa gobernador nyo, kahit pa gastusin ni panlilio ang salaping ibinigay sa kanya ni glueria sa pagpapaunlad ng kanyang probinsiya, ganon pa rin ang suma nito, suhol ito, suhol at ang suhol na ito ay galing sa masama, mabuti pa palang naiboto nila si huweteng lord, at least alam nila na ang perang gagastusin ni huweteng lord sa pagpapaunlad ng kanyang bayan ay galing sa huweteng, malinaw yon, pero mas matindi ito ngayon, salaping gagamitin sa pagpapaunlad ng bayan , galing naman sa suhol, ganon din ang suma, saan kukuha si glueria ng ipansusuhol sa mga kaalyado niya, e di sa huweteng din,,, weteng na buhay to, ho hum,,,,,,

  23. martina martina

    JDV is a Prime Minister that never was. Matindi ang ambisyon niya na iyan. Dahil daw sa may isa pa siyang term to go as Congressman, he feels he could stay ahead when Glue is out by 2010. He shouldn’t be sure of that, bec Glue has to protect her ass. Next in her agenda is to prolong her stay in power and she can buy it. She is fully loaded with green bucks, she can be in a buying spree anytime.

  24. Isaac H Isaac H

    Baka ang pagbibigay ng pera ay isang paraan para malaman ng tao na hindi lang si GMA ang kurap and also the other government officials. Yung galit ng tao sa kanya mahahati sa iba. Palagay ko magandang gawin i-expose itung anomalia sa UN and other countries, bahala na sila magpa-investiga thru their own people and embassies in Manila. Kung asahan ang tao sa Pinas parang takot or tinatamad na makialam.

  25. Etnad Etnad

    Nasaan na ang isyung ZTE, Abalos, Back Off? Kung itinuloy tuloy sana yong hearing ng ZTE hindi sana napunta sa ganito. Ngayon ang isyu na ay si JDV. At may complaints na rin yong mag-amang deVenecia. Nasaan na yong gusto nating malaman na pangungurakot ng mga Arroyo?
    Bilib na ako talaga kay Babyface Cayetano wa-es talaga. Mana talaga sa tatay niya. Ngayon ang mga nagtuturuan na ay yong mga Congresista. Nakakatawa naman no pati tayo ginuguyo nila. Kung sana mag-stick na lang tayo sa ugat ng problemang ito e di mas maganda sanang palitan ng himutok. Oh buhay Pinoy ganito na lang ba tayo. Uto-uto, gago, tanga, bobo sa mukha ng mga politiko. Palagay ko panahon na para gumising tayo. Pinapa-ikot lang nila ang utak natin. Para silang mga langgam na umiikot sa kaban ng Bayan.

  26. chas_q chas_q

    wg namn nating husgahan kaagad si Fr. Ed. Hayaan nating mas malinawan ang lahat bago natin sya ihelera sa mga tiwali.

  27. atty36252 atty36252

    Agree ako kay chas_q.

    I remember what Cardinal Sin once said, nang bumibili ng boto si Macoy. Tanggapin ang pera, iboto ang kursunada. So Father Panlilio, as he said, received the money for his constituents, and reported it to his staff and the media.

    The point is, there is now, someone, who is willing to testify that money was distributed. Sinabi lang ni Father that he did not receive it in contemplation of any decision making or action in his province, so that he is cleared of receiving a bribe; he was not influenced to do anything.

    But the giver has to account for the money, because the Constitution says:

    “Section 29. (1) No money shall be paid out of the Treasury except in pursuance of an appropriation made by law.”

    Of course, they will counter that it is part of “discretionary funds”. But even discretionary funds are related to a governmental activity. Intelligence funds, for instance, are discretionary, but must be related to intelligence activities – gathering of info related to the Commies, MNLF, etc.

    Of course, Commie si Ka Crispin, so maaaring ang alok sa kanya ay ilulusot na “intelligence”. After all, dati nang pilipit ang rason ng Hobbit. Sino kaya ang Gandalf na nag-magic ng budget to get the money to distribute?

    Get a few more like Father Panlilio, and there will be another basis for impeachment, on the ground of culpable violation of the Constitution.

    Of course, she has been inoculated. Wait for my next post. The vaccine is ineffective. To borrow an American expression, the inoculation was successful, but the patient will die (a political death).

  28. martina martina

    Atty, even if the law says that, who or what can deter Glue to spend the discretionary fund that way she does it? Who will see to it that her spending it is in accordance with the law? Even if she is found violating the law, to whom she shall be reported? This is already covered by the lame impeachment this year. She has become unstoppable, powerful monster.

  29. martina martina

    Etnad, tama ka diyan. Ginogoyo lamang nilang lahat ang mga tao. Si Cayetano ay bata pa naging senador na dahil sa goyo. Ginoyo kaya niya tayo sa Pidal’s german bank account? Limang buwan ng senator, wala pa tayong narinig sa kanya diyan, eh di malamang nanalo nga sa goyo. Umasa tayo marami pang panggogoyo ang gagawin niyan. Fake oppositionist!! Pero, maghihintay pa rin ako, baka sakali mali ako.

  30. Etnad Etnad

    Huwag ka ng umasa pa kay Cayetano Martina. Poker face at bilog ang mukha niyan. Kasama sila sa Glorya Inc. Sama na din diyan yong gino-groom nilang si Villar para 2010 eleksiyon. Pangilinan, Escudero ay mga elitista ang mga yan at kasama sila sa grupo.
    Pag yang si Villar ang papalit kay Glorya …. nandito pa din tayo sa Ellenville after 2010. Yong pakikipagbati niya kay Erap ay kunyari lang. Pero after na siya ay mananalo … tuloy tuloy ng makalaboso si Erap at ligtas ang mga Arroyo.

  31. Etnad Etnad

    Ang ginawa nila kay Erap ay plinano nila talaga. Since alam nilang mananalo si Erap kahit sinong Elitista ang ilaban nila ay hindi mananalo. Hinayaan nila manalo si Erap pero plinano na nila kung papano patatalsikin si Erap. Di ba ang nagpatalsik kay Marcos ay hanggang ngayon naghahasik pa ng lagim. Nangyari nga ang plano nila. Tapos eto naman si FPJ ganoon din ang ginawa nila. Kaya sa 2010 ay ganyan din ang gagawin nila. Si Villar ang bata nila. Kaya kung sino man ang lalaban na alam nila ngayon pa lang ay sinisira na nila. Ganyan katindi ang mga yan.

  32. Etnad Etnad

    Palagay ko ang makaka-ahon sa atin sa mga elitistang grupo na yan ay si Ping Lacson. Kaya dapat tulungan natin siya. Palagay ko after 2010 wala na tayo dito sa Ellenville. Doon naman tayo kay Ducky Paredes.

  33. rose rose

    Call it what you may- but it is still bribery and stolen from the country’s treasury. Ang message ni GMA- I stole your money and gave it back to you through your congressmen and governors..kaya malaki ang utang na loob ninyo sa akin- pasalamat kayo sa akin and make me your president for life..masaya kayo? But let me just share a story of the archbishop of El Salvador..whose claims to fame was being “the voice for the poor and suffering in El Salvador.Condemned military violence and abuses of political power that oppressed the poor. and his quote of a lifetime..” The church would betray its own love for God and its fidelity to the Gospel if it stopped being a defender of the rights of the poor, a humanizer of every legitimate struggle to achieve a more just society one that prepares the way for the reign of God in history.” His name? Oscar Romero, who died a martyr, assasinated while celebrating mass.. Ito ang lesson namin kaninang umaga sa CCD. Magagawa rin kaya ito ni Cardinal Rosales? Cardinal Vidal? Bishop Villegas? and many other religious leaders?..to die for the poor? Baka ang gagawin ay gaya ni Ex Fr. Panlilio..yes I will help the poor..I will accept the money the corrupt leader gives me..so I can feed you..Mabuti na lang umalis ka sa pagka pari..ayaw mo ng jueteng kasi masama pero tatanggap ka ng pera na galing din sa masama.. Praise the Lord! napawasan ang pari sa catholic church..kung ganyan lang naman. My 11 year old students listened to the story..sana may isang pari na makabasa nito reminding him what it takes to be a servant and follower of Jesus Christ.. and would say Amen!

  34. zen2 zen2

    macshock,

    thanks for reminding us of RA 3019, aka the anti-graft and corrupt practices act.

    lawmakers are known to be but lawbreakers, no?

    the practice has become so widespread that apologists and mainstream opposition now have the gall,to downplay distribution of hot-money by calling it ” standard “, when all civilized nations, rich and poor alike the world over consider such practices not only as a criminal act but gross and anti-social.

    what a better proof that the Philippine-political institutions is all but rotten to the core, and made worst by the Squatter-Usurper herself.

    and what a better argument to prepare seriously instead for a democratic revolution.

  35. chi chi

    Kung hindi lalaban ng parehas si JDV, bukas makalawa lang ay hindi na s’ya house speaker.

    Takutan lang naman yan. Sa dami ba naman ng alam niyang katarantaduhan ni Gloria ay duwag pa s’ya. Baka naman palagi silang hati ni Gloria sa pakinabang kaya wala din siyang laban.

    Sige JDV, magpaalipin ka na lang kay Gloria. Sinimulan na ng anak mo, hindi mo pa itinuloy. Magdusa ka!

  36. Who cares kung matanggal si JdV sa posisyon niya? Pare-pareho lang naman sila noong ambisyosong Garcia—tuta ni GLORC! Ang dapat pagkaabalahan ng isip ng mga pilipino ay kung papaano nila mapapatino iyong mga binoto nilang kurakot na tongressmen!

  37. Tell you what Atty, sa Pilipinas, commie o hindi puedeng makurap. Ang dami kong kilalang commie daw kuno pero nang maboto, kurakot na rin. But not Ka Bel. Prinsipyo ang pinanglalaban ng mama. I guess he is more a Socialist than a Communist. They are two different things, you know.

  38. pechanco pechanco

    Pulitiko na nga si Panlilio pero nagbitiw o inalis ba siya ng pagka-pari? As far as I know, he’s a still a priest on leave.
    There’s no report or evidence to show that he’s been expelled or at least suspended. Kahit na ba sabihin na hindi na siya Pari, tama ba na tumanggap siya ng suhol? If his being not a priest is the excuse for receiving the bribe, then he could also commit other wrongdoings.

  39. blackdiamond blackdiamond

    Ang kakapal talaga ng mga alipores ni GMA, may habit sila na tinutuwid ang baluktot. Ung 200 day na bigay e para sa barangay election, na para sa distrito, na para sa projects. Mga ulol sino pinagloloko nyo, ginagawa nyong tanga ang taumbayan, kala nyo lang yun. Ang kakapal din nyo ano, mga manhid. Mag libot nga kayo sa distrito nyo at tingnan nyo kung may respeto pa ang taumbayan sa inyo. Kundi ba naman kayo mandaraya, kurakot, sinungaling at kapal muks. Habang kumakapal bulsa nyo, kumakapal din mukha nyo. Kung anong kapal ng mukha nyo yun din naman nipis ng utak nyo.

  40. Shaman of Malilipot Shaman of Malilipot

    If it’s true that Among Ed is now able to collect P1 million a day in quarry fees, there should be no reason for him to accept a mere P500,000 bribe from Malacanang. He should have enough money to fund projects for his constituents. By accepting the money, he was, in effect, tolerating GMA’s practice of bribing public officials, notwithstanding his intention to spend the money for barangay projects. He knew very well that GMA’s intention behind the gift-giving was impure. Whichever way you look at it, the money came from an act of bribery – and therefore a poisoned fruit.

  41. pechanco pechanco

    Shaman, you still don’t understand. The P1M a day quarry fee is for his constituents while the P500,000 given to him in Malacanang is for him only. Get it?

  42. Shaman of Malilipot Shaman of Malilipot

    Oh, pechanco, I understand completely. Precisely because Among Ed already collects P1 million in quarry fees that he can use for the people’s benefit, he shouldn’t have accepted the P500,000 bribe on the rationalization that he would spend it for his constituents. He knew very well that the reason behind it was to corrupt, and that GMA is the biggest bribe-giver of them all. He should have rejected the bribe outright. Get my point?

  43. pechanco pechanco

    Fr. Ed represents what most of the priests we have today. Hypocrites! Inconsistent and contradiction…all the evil sins covered up by their sheep’s clothing. Centuries and decades ago, who would question and complain against priests? They represented and continue to represent Christ on earth. Today, people are smarter. Especially for those who now read the Bible, they now realize the many false teachings and traditions being practiced in the church. Why did I touch even the church teachings? Because they often use God’s words and invoking God’s name to cover up their wrong doings. Receiving dirty money and give it to the poor…what a nice, sweet excuse.

  44. nelbar nelbar

    pechanco:

    papaano ba binibili ang korona?
    Sa Europe sa pamamagitan ng dugo!
    Kay Catherine? Sa pamamagitan ng kabayo?

    Si Gloria Arroyo? Si bwisit palos ba?

    Payat naman ng 500T.

    TT galit ba sya? 😛

  45. myrna myrna

    nelbar, anong klaseng korona? may korona para sa hari at reyna, pero may korona rin para sa patay! 🙂

  46. nelbar nelbar

    PAMAMALIIT

    Papa… mama… liit oh

    Noong nakaraang araw ay nasa isang dyaryo ang pamamaliit ni FVR sa kakayahan ng oposisyon na wala raw papalit kay GMA kundi sya lamang.

    Owsss, …kaya pa ba ni Manoy, ika ni oragon Eddie G. ng showbisayaan.

    Pwede namang magpatawag si FVR ng snap election, invoke nya ang 1973 constitution. Tingnan natin kung may maniniwala sa kanya?

    Ang mangga kapag nahinog nawawala ang asim.

    Dahan lang pag-ihip sa lusong, baka mapuwing.

  47. Frankly, I couldn’t care less if JdV went down today.

  48. pechanco pechanco

    But as you can see, JDV is trying to hang in there on top or wants to be higher.

  49. nelbar nelbar

    The Constitution of 1935 and the National Assembly

    Ang konstitusyon ng 1935 ay natapos na mabalangkas noong February 08,1935.

    Inaprubahan ng mga delegado ng Convention noong 19February.

    March 18,1935: Limang araw matapos na isinumite sa opisina ni FDR, ito ay inaprubahan naman niyang March 23,1935.

    Ang nasabing Saligang Batas ay inaprubhan sa isang ratipikasyon (1,213,046 YES / NO 44,963) ng sambayanang Pilipino noong ika-14 ng Mayo 1935.

    Sa pagkakaratipikang ito, ito ang nagbigay ng basehan sa pagpapatibay ng Commonwealth Government at pagsulong ng bagong lehislatura.

    source: Philippine Legislature 100 Years p.143
    2nd paragraph

  50. broadbandido broadbandido

    JDV is as big as Glorc when it comes to corruption. Remember his behest loans during Macos’ time. Billion pesos din yun, kaya nga sa Forbes Parks nakatira yang hayup na yan. Kahit na mamatay pa lahat ng anak niya at kapamilya, basta nasa position of power siya ay bale-wala sa kanya yan. Ganyan kaswapang sa power at pwesto ang mamang ya. He is the owrst kind of politician.

  51. pechanco pechanco

    broadbandido, if you believe in “Karma”, that’s what happening to JDV. Hindi ba namatay sa sunog ang bunsong anak niya noon?
    Ngayon naman, masusunog ang kaluluwa ni JDV sa impiyerno.

  52. Mrivera Mrivera

    hindi na dapat magtagal si jose tae nga ng daga. sa tongreso o sa ibabaw ng mundo.

  53. broadbandido broadbandido

    Yun na nga, pechanco. Namatayan na ng anak, di pa rin nagbago. Ibinenta pa ang isang anak na kapangalan pa mandin niya. Wala talagang kasing-samang ama ng hayup. Pati nanay niyan ibubugaw basta manatili lang sa pwesto.

  54. Be the SPEAKER for the PEOPLE.

    “If you know the enemy and know yourself, you need not fear the result of a hundred battles. If you know yourself but not the enemy, for every victory gained you will also suffer a defeat. If you know neither the enemy nor yourself, you will succumb in every battle.”- Sun Tzu

    Speaker De Venecia:This must be your defining moment to transform from the archetypal traditional politician to a Filipino statesman.

    You can do no less than than your brave son.Speak the truth,accept the consequences .

    Be with the PEOPLE now.

    Be the SPEAKER for the PEOPLE.

    SPEAKER DE VENECIA:Kung hindi ngayon, kailan pa po?

  55. nelbar nelbar

    Ang larong langit lupa impyerno

    Sabi ko sa aSAWA ko, hahalikan kita ng lipis2lips kapag maraming taong nakatingin(ala Al Gore/Adrian Brody MTV)

    Mamaya na lang kita hahalikan sa pisngi kapag nandun na tayo sa kwarto.

    Kapag nasa kwarto na tayo saka tayo maglaro ng langit lufa impyirno!

Comments are closed, but trackbacks and pingbacks are open.