Skip to content

Tama ang ginagawa ng Senado

Sa pag-resign ni Comelec Chairman Benjamin Abalos, ibig ba sabihin doon libre na siya kasama ng lahat na sangkot sa manomalyang NBN ZTE deal lalo na si Gloria Arroyo at si Mike Arroyo, sa krimen ng plunder o malakihang pangungurakot ?

Hindi ako tumatalon sa tuwa sa pag-resign ni Abalos kasi pag-iwas yun sa kanyang kasalanan. Hindi naman siya umamin ng kasalanan kahit na buking na buking na siya.

Kung may ikinatuwa man ako, ang kanyang pagbibitiw ay nagpapakita ng mabigat na impact o dating ng televised na congressional investigation.

Galit si Abalos sa Senado dahil masyado raw siyang minaltrato. Akala raw niya magiging makatarungan ang mga senador.

Nagkamali raw siya sa pagharap sa Senado. “I was sorely mistaken. I was not treated fairly. My declarations were limited to only those that my most interrogators wanted to hear.”

Ano ang nire-reklamo niya? Binigyan siya ng pagkakaton na sagutin ang paratang ni dating NEDA Chair Romulo Neri na inalok niya (Abalos) siya ng P200 million. Ano ang sagot niya, “Hindi ko maintindihan. Siya mismo hindi nila alam kung ano ang P200.” Hindi naman siya nabigay ng patunay na imposibleng mangyari ang inikuwento ni Neri.

Sa sarili niyang salaysay, lumabas nga na nagbu-broker siya para sa ZTE. Hindi niya masagot ang tanong kung bakit ang chairman ng Comelec ay sumasawsaw sa isang telecommunications deal.

Kung hindi dahil sa imbestigasyon ng Senado, ito ba ay lalabas? Kung mga kongresista lang na hawak ni Gloria Arroyo, mailalabas ba ang garapalan na kurakutan?

Hindi na raw matutuloy ang impeachment dahil wala na nga si Abalos. Ngunit alam naman natin na hindi lang naman si Abalos ang sangkot dito. Kahit ayaw sabinin ni Neri ang katotohanan, alam na ng nuong bayan na sangkot si Gloria Arroyo ang ang kayang asawang si Mike na siyang tumulak nitong ZTE na pagbabayaran ng mamamayang Pilipino ng P16 bilyon kahit na hindi kailangan.

Kahit papaano, kahit nagmamatigas ang mga makakapal sa Malacañang gamit ang limpak-limpak nilang kinurakot, may epekto naman ang pakikibaka laban sa katotohanan.

Ipagpatuloy pa!

Published inWeb Links

37 Comments

  1. pechanco pechanco

    What we should watch out is Abalos’ sudden great escape. After resigning, his next step is to get out of the heat; get out of the country. Planong-plano na iyan. Primary witnesses and players of huge scams such as the ZTE usually hide abroad courtesy of Malacanang.

    Ellen, Senator Mar Roxas in his column in Abante mentioned your name and has kind words about you. Okay si Mar ngayon pero hindi pa rin ako 100% sure kay Mr. Palengke. I could smell politics in his breath nowadays…onward to 2010. Siyempre, malambing sa iyo at sa lahat ng journalists.

  2. mami_noodles mami_noodles

    Walang karapatan si Abalos na magi-inarte ng ganyan dahil mas hindi makatarungan ang ginawa niyang mga kalokohan!

    Tigilan na niya ang ganyan at ikanta na lang niya ang lahat ng kalokohang nalalaman niya!

  3. Elvira Sahara Elvira Sahara

    Yes, Abalos should SING out everything no matter how difficult it is for him to voice the HIGHEST notes. Spill out everything, boy! Let’s go for the Truth!
    Tama ka Ellen, ipagpatuloy ang imbestigasyon! Look, Abalos is still blaiming the Senators, but thanks to these people for without them Abalos couldn’t have thought of resigning! Too hot to cover-up ba?
    We shall and will find out the whole TRUTH! The big fishes are still swimming -freestyle–in a nearby ocean!
    Fight Senators fight! We’re behind you! And you, too, Ellen!

  4. pechanco pechanco

    Resigning is much better than being impeached. If the impeachment complaint against Abalos materializes, maraming baho ang lalabas sa Kongreso. That’s the reason why Abalos decided to quit; not because of family or other shit. Maraming tao ang madadamay kung natuloy ang impeachment. Erap’s impeachment would not have gone through had he resigned. But he believed he was innocent and decided to go with the impeachment proceeding until that walk out that led to his ouster. Ang isa nag-resign na may kasalanan at ang isa naman ay na-impeach na walang kasalanan…if there was any offense committed at all, it was bribery not plunder.

  5. There was nothing noble in Abalos’s resignation. It was survival for him and Arroyo. It’s part of their continuing operation to hide the truth from the public.

  6. pechanco pechanco

    Yes, the key word is “survival”. Nag-usap na ang mga tulisan na iyan. Kunwari pa itong GMA na nagulat daw siya sa pag-resign ni Abalos. They keep on treating all of us as tanga.

  7. Etnad Etnad

    Sana naman sabihin na ni Abalos lahat na kagaguhan ng Glorya Inc. Total naman Mr. Abalos kakaunti na ang taon na natitira pa sa buhay mo. Papano na lang ang pamilya mo at ang mga Apo at ang mga magiging Apo niyo pa, ano ang mukha na ihaharap nila sa mga tao, na sila ay may Lolong magnanakaw. Sana ituwid mo ang nabaluktot na na pangalan mo alang alang man lang sa mga anak niyo at sa mga Apo niyo. Hayaan niyo na ang mga Arroyo na yan, kasi sila lahat ay magnanakaw at mandaraya kasama na ang mga kampon nila. Hinahangaan kita nong ikaw ay Mayor pa ng Mandaluyong.

  8. Etnad Etnad

    Hangang hanga ako sa iyo Igang pechanco, Nasundot mo yong gusto ko sanang sabihin. Na tayo ay ginagawa nilang tangengot. ^%&^%&%^&%^..nila ulit. Pweeeee!!!! Nakakasuka yang Glorya Inc. Sana tamaan na sila ng Kidlat … heheeheh tawa ko lang.

  9. Diego K. Guerrero Diego K. Guerrero

    Bakit? May bayag ba si Abalos para isabit sina Jose Pidal at Gloria Arroyo? Kumita silang lahat sa ZTE kickbacks.

  10. pechanco pechanco

    Etnad, let me translate again what you just wrote above:
    “P… Mo Abalos. Noon ka pa dapat nag-resign. Umiwas ka lang sa impeachment dahil kung natuloy iyan buking ang amo mo. Anong akala mo sa amin, tanga?”

  11. Etnad Etnad

    Nakana mo ulit Igan. Yehey …. ooops bakit sabi mo “dahil kung natuloy” ….. tuloy yan Igan ….. At kung hindi nga matuloy isa lang ang suspetsa ko ….. KUWALTA …. hehee tawa ulit ako.

  12. cocoy cocoy

    The case of Abalos does not stop there even though he resigned. File a case against him. Hit him first. Bust him. Confront him with evidence and get him to admit to breaking the law. Then get him to roll over on his bosses. Keep building cases with bigger and bigger names, all the time keeping the ultimate in mind.

    When enough evidence and testimony is gathered,. Just take the prosecution worthy evidence to his boss. Make Abalos to confess to his crimes. His crime to Filipino people should leave him the alternative of going to jail for a long, long time, with all ill gotten assets attached. Filipinos must deal him with the horrible criminal offenses this perpetrators have committed.

  13. pechanco pechanco

    Etnad, I meant sa natuloy iyong impeachment. Now that he has resigned, di na tuloy ang impeachment at sa Ombudsman ang bagsak ng kaso niya. Get me? Sorry medyo napahaba ang translation ko sa sinulat mo. “Short Hand” kasi ang ginamit mo at na-translate ko ang buo.

  14. Etnad Etnad

    Kita mo Igan, sabi nila naoperahan daw sa puso yong asawa .. palagay nagpa-tuli lang Igan. Kasi nandoon daw sa Europe kasama ang mga Amigong mga bilyonaryo sa atin at naglalaro ng Golf. Di ba dapat kahit papano kada buwan ay may Check-up yan. Pati mga Doctor sa atin palagay ko nagka-kuwalta din. Ano ba yan …. hindi lang pala mga cabinet members ang kumikita pati na rin mga pari, doktor ay nalagyan. Igan nasa Pinas ka ba? Paki-tignan nga sa bumbunan ni Glorya baka may nakatatak na 666.

  15. pechanco pechanco

    Hindi nagpatuli si Mike noon. Nagpa lip-suction (liposuction) sa mga magagandang nurse sa St. Luke’s. The nurses used their lips in sucking his fat out of his belly. Tawag diyan lipsuction similar to liposuction sa babae.

  16. shivaRN shivaRN

    eeeewrs kung ako ang nurse nya i will inject him potassium chloride hahaha yun ang bagay sa kanya. at dahil sa sobrang taba nya siguro kasya na ang 500 cc na KCL. LORD forgive but kayo na po ang bahala sa kanila…..

  17. Elvira Sahara Elvira Sahara

    Ilusyanado si Abalos. He thought he’ll get people’s sympathy if he resigns. The devils advocates, indeed, if he’s still going to refuse telling the Truth! He’ll just be proving to one and all…mukhang pera silang lahat….I hope his daughter or apo wasn’t playing an actress when she said: his father has done the resignation out of love for his family! If everything is only to save his president…go to hell Abalos! Confirm your reservations there like your Devil Boss!!!

  18. chi chi

    Elvira,

    Re: He thought he’ll get people’s sympathy if he resigns.

    Pwede pa, if he’s going all the way to tell the public the truth about “Hello Garci”. I will give ‘half’ sympathy. The other half when he makes bulgar dun sa ZTE!

  19. Meanwhile, amidst all these corruption charges, Social Weather Station (SWS) says hunger has risen to a record high of 21.5% or about 3.8 million Filipino families experienced involuntary hunger in the past three months.

  20. So much dilapidation of natural resources to benefit a few (to make the rich richer), mismanagement of resources that automatically deprive so many of their right to live decently; so much looting when a portion of that loot is enough to start up legitimate commerce to benefit the hungry. So much corruption that one can only anticipate an implosion to stop the country from completely destroying the country and its people.

    And really, there’s just so much apathy among those who have more in life.

  21. Tama ang ginagawa ng Senado? Hindi lang tama, Ellen, dapat lang. And why should the Filipinos be grateful to the extend of feeling so indebted to a lot of these misfits when they are being paid exactly for what they should do but more often than not, don’t. Puro yabang lang. Pwe talaga!

    Over in Japan, when you go to the Diet and ask for a permission to meet a parliamentarian, papasukin ka after some checking of credentials. Mahirap na kasi baka nga naman tulisan na puedeng may masamang pakay sa parliamentarian. Otherwise, OK na papasukin at hinaharap naman ng public servant. Sa Pilipinas, I saw a group of farmers wanting to have an audience with some sympathetic senators kung meron man, hindi sila nilabas ng kahit na sino at pinagtabuyan pang parang mga basura noong guwardiya.

    My reaction then? I felt lucky that I was from Japan. Naawa ako sa kanila dahil hindi nila nararanasan ang kagandahang asal na ibinibigay sa amin kahit papaano ng mga politiko namin. Even bureaucrats cannot be above the taxpayers!

  22. … be grateful to the EXTENT of feeling so indebted to a lot of these misfits…

  23. Chi,

    Hindi puede iyang sinasabi ni Abalos na resignation lang. Dapat diyan arestuhin at pasigawin kung ano talaga ang deal niya sa mga Pidals.

    Meanwhile, ang take ko sa palabas ni Abalos is that his resignation will not be accepted kunyari ni unano sabay papuri, kening buri mo maglawlaw keka, etc. etc. Sinong niloloko nila?

  24. myrna myrna

    dapat talaga ipagpatuloy pa ang imbestigasyon sa senado.

    meron bang pwedeng maglakas-loob busalan ang bibig ni joker arroyo? kung si fg parating na, bakit hindi tawagin para tanungin. mag-invoke din kaya ng right to privacy niya?

    paano niya pasinungalingan ang sinabi ni joey dv tungkol sa back-off? aber nga, tingnan natin.

  25. chi chi

    Yuko,

    With the 3 bugok na itlog cabinet members seen with him only few hours after his resignation, Abalos act became just another moro-moro for me.

    Ano pang pag-uusapan nila kundi ang order ni Gloria na ibigay lahat ang kailangan ni Abalos at ng hindi mag-sing-along ng “Hello Garci” at ABZTEFG!

  26. parasabayan parasabayan

    We are fighting a mafia system. The senate will have an uphill battle with these hoodlums! Besides, tiyanak has all the looted money to buy her way out of her troubles. It is hay day again in Congress. The holidays are just around the corner, everyone needs more money! I hope that there will be more senators who will stand up to be counted this time. No more Joker or Hudasan! Let the Brenda do her walk out again and again. Who cares about this crazy woman? Senile Enrile will be out soon. It is time for reckoning for these senatongs. If they mean business, they should probe more and follow the trail to the real villains. Abalaos is just a tip of the iceberg! Senate should put a hold order for Abalaos and his immediate family so they will not flee. It is so easy to just leave the country and enjoy their loot in another land. The senate should be vigilant in pursuing the truth on who the real culprits. Resignation is just a escape for Abalaos. He has to spill the beans and come clean! Only then will his sins to the country be absolved, the worst of which was making the tiyanak win in the rigged elections of 2001 and making Zubiri win in 2007. The NBN deal is just all about money but putting an oppressive president on her throne is the worst! God has His way of resolving issues. This is now the answer to all our prayers for our country. Let us pray some more for the liberation of our country from the tiyanak’s dungeons!

  27. Chi:

    Dito sa Japan, when they make such announcement of resignation lalo na kung ang scandal involves the person making the announcement, sinusundan ng suicide kasi hindi sapat ang proclamation of resignation. Didikdikin ng didikdikin ng mga tao sa media, etc. May mga kasama pang mga demonstration iyan mismo doon sa harap ng bahay ng mga scandal-involved officials. Hindi iyan pinalalampas!

    Something fishy dito sa ginagawa nitong si Abaloslos na lalong pumangit ang tingin ko since the time I first saw his face in newspapers na pasabit-sabit kung sino ang malakas sa gobyerno—walang stand for good—kasi walang statement from Malacanang na tinanggap ni unano ang resignation. Most probably tanggapin man ililipat lang yan sa iba para hindi sumigaw. Hindi ba ganyan ang nangyayari doon kay Angelo Reyes na inutil din?

  28. Mrivera Mrivera

    psb,

    not just an ordinary mafia system but a highly organized syndicate run by a husband and wife tandem plus of course their equally greedy children aided by timawas and garapal all over.

  29. paquito paquito

    Kabisado na ng masa ang mga pakulo na ginagawa ng mga kampon ng demonyo sa malakanyang:
    1. pagre-resign ni Abalos
    2. pagda-dahilan ni Abalos
    3. pagtatanggol ng mga anak ng demonyo
    4. pagma-manyobra ni joker
    5. pagma-madyik ni Andaya
    6. pag-depensang personal ni luli kay JDVIII
    7. pag-deny ni FG
    8. pagtatanggol ng matandang abogagong Santos ni FG na alam na alam naman nya ang tunay–e kasi sinupalpalan ng santambak na nakaw na pera ng bayan e
    Ilan na bang beses nag-deny si FG, Abalos, at Gloria? Marami nang beses! Kaya alam nyo na cguro ang dapat gawin mga kababayan—patalsikin ang mga demonyong yan

  30. chi chi

    Chinese Persident Hu Jintao “canceled” ZTE, according to news reports.

    Naibalik na ni Gloria ang advance o niluhuran niya si Jintao?!

  31. chi chi

    Mandaluyong mayor asks media, public to go easy on his father. (Tribune news)

    ***

    What right has mayor Abalos to ask the public this when his ex-COMOLEK chief father makes life uneasy for us until now?

    Manigas kayong mag-ama!

  32. chi chi

    Strange reaction

    FRONTLINE
    Ninez Cacho-Olivares

    10/03/2007

    Strange reaction, that — coming from Gloria, when DILG chief Ronnie Puno informed her of the resignation of poll chairman Benjamin Abalos Sr.

    She was said to have been surprised, but her remark, as quoted, was: “What time did he (Abalos) resign?”

    That certainly neither expresses surprises, nor for that matter, normalcy. Why was the time frame seemingly so important to Gloria, for her to ask such question? Did it matter if Abalos resigned at say, 9 a.m. instead of, say, 12 noon?

    If Gloria was truly surprised, the normal reaction would have been, at the very least, “why?” or at least she would express shock, if she was so surprised and didn’t expect Abalos’ resignation. Why should the time Abalos resigned be an important matter to her? Read on…www.tribune.net

  33. chi chi

    Huli sa bibig! Sabi na at moro-moro lang iyang lintek na resignation ni Abalos e!

  34. Chi,

    It’s really time for Filipinos not to show kindness and mercy on the wrongdoers. You bet! Why should Filipinos be kind to Abalos. Naawa ba sila doon sa pinapatay nila for example sa Mindanao for the sake of those crooks in the TUta lineup.

    Up until now, Filipinos should remember that Dimasingsing’s assassin has not been found out and made legally responsible for his/their crime and who paid hi/them to do so. And what happened to the other two who was reported missing?

    Manigas ang mga Abaloslos! Kaya din lang naging mayor iyong anak ni Abaloslos baka niloto din nila ang boto doon!

  35. Tuloy ang batikos!

  36. Now the senatongs are going on vacation. Wow! Ang mga batugan! Paporma lang! Pwe!

  37. Ang sarap burahin ang ngiting aso ni kunehong GLORC but not now siguro. Konting lakas pa ang kailangan ng mga pilipino. New recruits daw sa AFP. Matagal nang balita iyan as a matter of fact. I first heard of it in April going on May from someone at the Philippine Embassy. Kaya nga pinapapatay na nila iyong mga damdam nilang nasusuya na doon sa mga loyalty check ni unano. Siyempre nga naman, bakit sila pinipilit na maging loyal sa kaniya at hindi sa mga taumbayan. Hayun balak na silang idispatsa. Kung hindi pa nakakaramdam iyong mga nagtitiyaga pa sa ilalim ni Esperon at GLORC, sorry na lang! They deserve what they get. Meanwhile, tuloy ang ligaya ng pagbatikos sa mga animal!

Comments are closed, but trackbacks and pingbacks are open.