Skip to content

Walang anomalya raw

(This column was written before the Senate hearing today where Romulo Neri revealed in open session that Abalos offered offered him P200 million and he told Gloria about it. Arroyo didn’t do anything about it.)

Hindi na talaga siguro alam ni Gloria Arroyo ang kanyang gagawin para lang matigil ang balita tungkol sa ma-anomalyang proyekto na ZTE National Broadband Network.

Ipinalabas noong Martes ng Malacañang ang resulta raw ng kanilang imvbestigasyon sa ZTE NBN at ang resulta, tararantaran……. Walang anomalya, walang suhulan.

Siyempre naman. Ang nagpaimbestiga ay ang utak ng anomalya, ipagkanuilo ba naman ang sarili, ang asawas, ang naglagay sa kanya na president kahit hindi siya binoto ng taumbayan, at ang kanyang mga galamay? Siyempre protektahan niya yan.

Wala raw ebidensya ang mga report tungkol sa suhulan. Siyempre naman ang ebidensya ay sa kamay nila dahil sila-sila lang naman ang sangkot.

Naikuwento ni Romy Neri, dating director ng National Economic Development Authority, na sinabi niya kay Arroyo na sinusuhulan siya ni Comelec Chairman Benjamin Abalos ng P200 milyon. Nang malaman ni Arroyo na hindi tinanggap ni Neri ang P200 milyon, sinabi niya na aprubahan na lang ang kontrata sa ZTE.

Klaro namang broker dito si Abalos. Bakit hindi siya nagtaka na pumapasok ang isang Comelec opisyal sa isang telecommunications na kontrata na wala namang kinalaman sa Comelec? Tapos sabihin ni Arroyo, walang pruweba ng anomalya.

Siya lang at ang kanyang pagka-upo ay klarong pruweba ng anomalya. Kaya lang hindi naman niya naloloko ang taumbayan. Lumavbas sa pinakahuling survey ng SWS na lalong bumagsak sa minus 11 ang kanyang approval rating. Ibig sabihin noon, mas dumami ang hindi aprub sa kanya kansa yung aprub.

Kaya talagang hilong tuliro na sila sa Malacañang.Tingnan na lang ang nangayri ulit kay Press Secretary Ignacio Bunye. Inulit na naman niya ang kanyang “I have two discs” performance noong Lunes nang sinubukang bitbitin ni Arroyo si Neri sa New York para hindi na makaharap sa Senado.

Una, sinabi niya wala raw sa listahan si Neri sa mga opisyal na samasa kay Arroyo sa kanyang biyhae papuntang Amerika. Hindi pa nagkalahating oras, sinabi niya, “Ay, kasama pala.” Ipinalagay raw ni Foreign Secretary Alberto Rmulo ang pangalan kasi kasama raw sa briefing ng Millenium challenge. Mga ilang minuto ang nakalipas, sinabi niyang hindi na naman raw kasama si Neri. Nagorder raw kasi ang kanyang amo na mag-attend raw ng hearing sa Senado.

Kinabukasan, pinagpipilitan niyang noong isang linggo pa raw nasa listahan na si Neri ng mga kasama ni Arroyo sa New York si Neri. Bakit hindi alam ni Neri?

Talaga naman.Kaya nga ang mga taumbayan sa inis, sa halip na umiyak ay tumatawa na lang. Ito na naman ang karagdagang jokes:

Ano ang nagpasikat kay Erap? Wristband

Ano ang nagpayaman kay Abalos? Broadband

Ano ang nag-pabagsak kay GMA?Husband!

Published inWeb Links

60 Comments

  1. TonGuE-tWisTeD TonGuE-tWisTeD

    Tangnang sinungaling! Tinanong isa-isa ni Pia Cayetano kung sinu-sino sa kanila ang natanong sa kunyaring “discreet investigation” kuno ni Pandak. Wala ni isang um-oo kina Neri, Abalos, Mendoza, pati sila Bondoc, Suplico at Joey!

    Tangna nyo talaga! Mga ayup! Malaglag sana hairplane nyo! Tinawagan ko na yung bunso namin sa Manhattan, sabi ko pag nakita niya sa UN si Pandak, isang malutong na mura lang, Pamasko na niya sa akin!

  2. men0k men0k

    Ang Bayan Ko…

    Ang bayan kong Pilipinas
    Lupain ng ginto’t bulaklak
    Pag-ibig ang sa kanyang palad
    Nag-alay ng ganda’t dilag.
    At sa kanyang yumi at ganda
    Dayuhan ay nahalina
    Bayan ko, binihag ka
    Nasadlak sa dusa.

    Ibon mang may layang lumipad
    Kulungin mo at umiiyak
    Bayan pa kayang sakdal dilag
    Ang di magnasang makaalpas!
    Pilipinas kong minumutya
    Pugad ng luha ko’t dalita
    Aking adhika,
    Makita kang sakdal laya!

    lest you forget…

  3. TurningPoint TurningPoint

    My only comment sa walang anomalya: NO COMMENT @#$%^&&*

  4. chi chi

    “Discreet” ZTE investigation, si Gloria at Ermita lang ang present. Taragis!

  5. TurningPoint TurningPoint

    Heckling from the Professional Heckler:

    President Arroyo said an internal and discreet investigation conducted by Malacañang on the alleged bribery in connection with the controversial national broadband network project found no irregularities.

    In short, bribery is just a “regular” thing under this government.

  6. Diego K. Guerrero Diego K. Guerrero

    Anong walang anomalya? Ang mukha ni Abalos anomalya na pati si Neri. Gina-gago nila ang kanilang sarili.

  7. BOB BOB

    TT, andito sa teritoryo ko sa east coast ang pamilyang magnanakaw..so far nakasalubong ko kanina 10:30 am ay ang isang anak niya na si Datu kasama yung kanyang esposa (na napagkamalan kong katulong niya) at 6 na PSG….gusto ko na nga sanang bigyan nang isang malutong na batok dahil naglalakad sila nang asawa niya hawak kamay parang nasa Luneta.

  8. BOB BOB

    Naikuwento ni Romy Neri, dating director ng National Economic Development Authority, na sinabi niya kay Arroyo na sinusuhulan siya ni Comelec Chairman Benjamin Abalos ng P200 milyon….
    kinausap siguro ni GMA si Abalos na idag-dag na sa kanyang komisyon yung 200 M na di tinanggap ni Neri..hay naku mga ganid talaga……

  9. TurningPoint TurningPoint

    Bob, nandyan ba kamo ang pamilya butangera?

    May natanggap akong email at ganito ang nilalaman. Baka dyan mangyari.

    Assassination Threat vs. GMA

    National Security Adviser Norberto Gonzales bares another plot to assassinate President Arroyo, the third or fourth threat in three months. More and more Filipinos want to become a hero.

  10. BOB BOB

    TP, Anong assasination plot ang pinagsasasabi nila, pinaglalakad nga sila nang Secret Service from UN to Hotel…assasination plot…baka batuhin ko sila nang tae makita nila.

  11. hawaiianguy hawaiianguy

    Walang anomalya? Sa mukha na lang nila nakikita na. Akala nila patuloy nilang maloloko ang taong bayan. Bistado na kayo lahat, mula kay Abalos, FG, Mendoza, Favila at higit sa lahat sa kapural nilang si Gloria. Sobra na itong insulto sa taong bayan!

  12. BOB BOB

    ..kakahiya nga iyang si GMA pag-nagsasalita sa UN…isang eroplano ang dala niyang taga palak-pak, bukod tangi lang na siya ang may dalang taga palak-pak…parang famas awards..o Sona, nakatung-tong pa yan sa 3 case nang softdrinks para lang umabot sa micropone sa UN podium…ha !ha! ha!

  13. martina martina

    Walang anomalya? That’s rubbish! Gloria is a serial liar. Discreet investigation? Discreet, dahil tinanong lamang niya sarili niya, ni hindi siya nagtanong kay konsyensya, ahoy wala pala siya noon.

    Ano kaya ang magiging katapusan nitong ABZTE? Hindi kaya para itong isang kape. Masarap habang mainit, pero pag malamig na, puwede ng itapon o pabayaan? Mga dalawang araw pa at malamig na itong kape na ito. Nasabi ko ito dahil iyong Joc-joc issue, ganito din nuon.

  14. atty36252 atty36252

    Good point martina. Kahit kamatayan ni Ninoy lumamig. Ang hindi lang lumamig ay ang pandaraya kay Cory.

    Ang pandaraya kay FPJ lumamig din.

    Kailan kaya iinit uli ang Pinoy? O baka naman calloused na, from too many wounds.

  15. TurningPoint TurningPoint

    If Ma’m Ellen can post today’s front page of Philippine Daily Inquirer with headline: Sec, may 200 ka dito.

    And the accompanying picture with Abalos as if signalling Neri to keep silent tells it all. Katulad ng sinabi ng kakampi nilang senador na si, anong pangalan nito, si Joker, ang NBN=ZTE raw ay away ng mga fixers at commissioners. May pinag-aawayan, may batayan. Ano ngayon ang sinasabi nilang walang anomalya?

  16. pechanco pechanco

    Attorney, sa palagay mo ba dinaya si Cory? Si FPJ, yes…but Cory? Nope. Gaya ni Erap, pinagkaisahan lang si Marcos. It was a grand conspiracy. You might still be in high school and not yet a law student when Marcos was ousted.

  17. Kahit anong takip ang gawin ni Neri Puwet ng Manok, the truth is out na totoo ang sinabi ni Joey dV, at kahit anong ugas ng kamay ni Gloria Dorobo, malinaw na alam niya ang mga kabulastugang ginagawa ng mismong asawa niya, Abalos, et al.

    If they cannot catch the thief, surely, there must be something wrong with the system and it should be corrected pronto!!! Tama na ang mga pakulo.

    On the other hand, iyan ang napala ng mga pilipino allowing the crooks to change their laws after 1986 to suit them at times like this. Golly, where in the world can you see crooks and criminals being allowed to go scotfree and lording it over their people, and invoking their rights kuno! Onli in da Pilipins apparently! Why can’t they follow the basic principle that one forfeits ALL his rights and privileges under the law or laws he breaks!!!

  18. pechanco pechanco

    Kung ganyan lang pala ang gagawin niya, sana sumama na lang siya sa amo niya sa abroad. Tangna niya!

  19. Tonguena, iyong kawatan sa gobyerno, maliit pa ako naririnig ko na iyan. I remember the first scam I heard my parents talked about was the NARIC scam way back in the early 50’s pati na iyong scam sa backpay ng mga sundalong hindi nabayaran for serving the country as guerrillas.

    Kasi naman kahit hindi guerrilla, nagpanggap na. Iyon ang napala naman ng kawalan ng mga pilipino na concern sa kanilang mga personal records. Golly, marami nga sa mga nag-guerrilla, no read no write, tapos mga walang mga birth certificate. Iyong iba nga hindi alam ang mga birthdate nila sa totoo lang.

    Kaya nang magkaroon ng kalayaan daw kuno, hindi man lang inasikaso ng mga kumag na sipsip noon sa mga kano at tuwang-tuwang iniwanan ng mga kano ng reins of government para makanakaw na ituwid ang mga records ng mga pilipino. I should know, kasi sa totoo lang nahirapan akong magsaliksik ng genealogy ko sa Pilipinas. Buti na lang sa probinsiya ng nanay ko medyo intact ang papeles nila.

    Sinabi ko sa isang kaibigan kong politiko iyan, pero sabi niya sa akin, “Straighten the records of Filipinos with a new system of registration. Sorry, hindi papasa iyan kasi hindi na makakakurakot ang mga katulad kong politiko!”

  20. I won’t name names, pero iyong dating politiko na kakilala ko ngayon ay dito na sa Japan. Sabi niya sa akin kamakailan, “Now I know why you love Japan!” Aba, gusto na rin daw niyang maging hapon, pero sabi ko sa kaniya, “At least, ako may lahing hapon, ikaw wala!”

  21. pechanco pechanco

    Just FYI…I like Hopiang Hapon since when I was a kid. Right. Japanese are more disciplined and know what “hiya” means. Let’s exclude those who mess up in other countries, though.

  22. Eniwey, o di nadenggoy kayo. Iyan ang hirap if you are willing to give these crooks glove hands. Dito kasi sa amin, kapag hindi ka matino, walang excuse. Iyan ang maganda sa mga hapon, malinaw. You are either a crook or you are straight. Hindi puede iyong in-between. White is white, black is black and can never be gray!

    Kayo kasi gusto pa ninyong gawin pink. O di nadenggoy kayo! In fact, matagal na akong duda sa puwet na manok na iyan. I was not at all convinced that he could be different. Hindi ako umasang ididiin ng ungas si Gloria Dorobo at asawa niya.

    Who knows, baka napag-usapan na nilang kunyari idiin si Abalos tapos ask him to resign kuno pero bayad na siya? Ang hindi nila baka ma-anticipate ang galit ng mga intsik na kapag nakahalatang niloloko sila ay baka umalma—laban kay Abalos dahil siya ngayon ang idinidiin.

    Ano kaya ang gagawin ni unano kapag ni-request ng mga ponga na ibalik nila ang ibinayad ng ZTE at ipabitay si Abalos pagkatapos? Abangan ang susunod na kabanata!

  23. Elvira Sahara Elvira Sahara

    TT:
    O, di ba another 1+1+1+1+1 LIES na naman ang pinakawalan ng babaing MAGNANAKAW, MANDARAYA, at PINAKASINUNGALING SA BALAT NG LUPA? Still giving her a benefit of your doubt?

    Hopeless…as long as this Babaing Teriring in Malakanyang is around…her co-horts will either run away from her or be one Teriring like her! Neri has just joined the wagon!

    Hau ab (get lost) Puwet ng Manok! (fave ko pa namang kainin ang parteng ito ng manok. Ngayon hindi ko ma-imagine ng hindi isipin si Neri!!! Verflucht nochmal!

  24. Elvira Sahara Elvira Sahara

    Ellen,
    Hindi ko kaagad nabasa ang Pinoy Joke dahil naha-hi ako sa mga latest happenings diyan! Buti pa ang mga Pinoy diyan…natuto ng umaliw sa sarili! Tama sila…

    Ang magpapabagsak ay GMA…isang Arroyo din! Owwww…pabagsak na ba? Sana….at makatulog na nga!
    P:S: Si Puwet Manok ba…mangigitlog pa KAYA?

  25. TurningPoint TurningPoint

    Litra talk sa Pilipino Star Ngayon:

    JDV: (to Gloria): Malapit na ang Pasko. Umawit na tayo ng Silver Bells, Silver Bells…

    Gloria: It’s Christmas time in the Z…T…E…

  26. Pag hindi pa natanggal si Abalos with all the scandals involving him and his fellow commissioners at the Comolec, ewan ko na!

    Rebolusyon na dapat! Tapos makikita mo itong si Neriregla joining and getting near to the leaders of the group para kunyari may papel siya! Parang katulad noong ginawa nila noong 1986. Kumampi kay Aquino nang makita nilang matatalo na si Marcos pagkatapos nilang pakinabangan ang kawawang matanda, and boy, sila-sila pa rin ang umupo! Nakilala tuloy ang Pilipinas na “the country where the presidents are conceived as robbers and thieves.” At pinapatunayan naman ng husto ni Gloria Dorobo na ito ay tunay at totoo! Yuck!

  27. O ayan na naman kayo. Sinong Arroyo ang sinasabi ninyong magpapabagsak kay Gloria Dorobo? Si Joker Arroyo? Ano kayo, sira? Isa pang kurakot iyan! Duda nga namin kasabwat iyan sa disposal ng mga patrimonies sa Japan. Isa pa iyan na kung saan siya magbe-benefit, doon siya!

    Bakla din iyan, di ba? Alam ko wala ring asawa iyan na babae!

  28. Elvie:

    Me, too! Iyong nakalawitwit na puwit ng manok, gusto ko rin. Kaya nga siguro ang spelling ni Anna, puwet hindi puwit to make the distinction between masarap at hindi masarap!

  29. Assassination plot vs the Dorobo? Nah! May naniniwala pa ba kay Norberto “Isa pang Bakla” Gonzales? Kung totoo iyan, yehey! Pero alam naman natin hindi, bakit pa ninyo pinapansin!

    Sabi nga, to see is to believe. In other word, pag nakita ko nang patay si Dorobo, then I believe. Otherwise, pakisabi sa ungas, mag-escape na lang siya sa Timbuktu, which BTW is in Mali!

    Kung mapatay si Dorobo, alam na natin kung sino ang may gawa. Si Gonzales at Esperon!

  30. Yuko,

    Hahhahah! ” Kaya nga siguro ang spelling ni Anna, puwet hindi puwit”

    Akala ko talaga ang spelling ay P U W E T and not puwit… hihihi mali pala.

  31. Assassination plot vs kay Dorobo? Nakakasawa na! Hindi naman natutuloy kasi kathang isip ng mga ulol! Bakit ba dapat pang paniwalaan ang mga sira ang ulo! Kung gusto nilang ipapapatay si Dorobo, please ipapapatay na nila. Di ba sila nasusuya sa pagmumukha ng nakausling nguso na ito. Kundi puwet ng kuneho, puwet ng manok, etc. ang mga itsura! Nakakasuya!

    Puwede ba, kung gusto nilang patayin na si Gloria Dorobo, patayin na nila. Siguruhin lang nilang hindi sila Gonzales, Esperon, et al ang papalit. OK?

  32. myrna myrna

    elvira, sa tanong mo kung mangingitlog pa yang si neri, ang maisasagot ko ay malutong na hindi. pano makapangitlog ang isang walang itlog…kung halimbawa pang may itlog…bugok naman?

  33. Hi Elvira,

    will do…

    btw, am watching Robin Hood on German TV channel ZDF starring Kevin Costner… gosh, it’s a good thing I know the story! The only word I’ve understood so far is England. Heh!

  34. atty36252 atty36252

    pechanco:

    “You might still be in high school and not yet a law student when Marcos was ousted.”
    **************************

    Third year law na ako noon. May mga quetioned ballots din noon, sa Gatasang Pambansa. Presiding Officer Yñiguez kept saying put an asteriks (not asterisk), the equivalent of Kiko Pangilinan’s “noted”.

    Anyway, na-proclaim si Macoy.

    We will never know, dahil hindi nabuksan ang canvass. But the fact that there were efforts not to open them indicates na may tulog si Macoy. So yung “noted” ni Kiko is not original. Galing yan sa “asteriks” ni Yñiguez.

    Similarly, yang ka-ka-ungkat ng destab, parang Bush tactics. Tuwing may trouble, may biglang sumusulpot na tape ni Osama. Sayang napatay na si Janjalani. Maganda sanang excuse yan, sabihing nasa Manila, at may mga plano.

    Tama din naman, palagay ko. Why re-invent the wheel. Gayahin na lang ang mga batikang gago. Of course, they can’t win them all. Similarly, the people can’t lose all the time. Gaya ng sabi ng mga Chinese, heaven ultimately strikes a balance.

  35. atty36252 atty36252

    Sorry second year law. Pasensya na. Rang-gu na.

  36. myrna myrna

    natural, ililibre ni gloria ang sarili niya pati na asawa niya. naging one-man/woman probe body yung sinasabi niya. talagang malaking pang-uuto at pang-insulto na ito sa mga pilipino.

    wala ba talagang kikilos para mabura na sa mundo ang babaeng yan sampu ng kanyang pamilya at alipores. mga pilipino, gumising naman kayo!!!

  37. pechanco pechanco

    Attorney, what happened to Marcos was an orchestrated move as early as after Ninoy was assassinated. Iyon mga pag-walk out sa Computer Center, mga ginawa ng Namfrel…lahat na iyan ay orchestrated. It didn’t happen just like that. Ganoon din si Erap. Pagkaupo lang inumpisahan na ang pagpatalsik sa kanya. Let me mention who the participants in Edsa Uno and Dos: Cardinal Sin and the Catholic Church, Cory and her yellow army, civil society, the elite, Makati Business Club whose leaders are also heads of Namfrel, giant media networks, Communists, the leftist groups and militants, Ramos-Almonte gang, ambitious police and military officials and last but not least, US-CIA. What a coincidence that the same groups of people and forces in Edsa Uno were the same ones in Edsa Dos. More than coincidence, I should say.

  38. pechanco pechanco

    # TurningPoint Says:

    September 27th, 2007 at 4:34 am

    Litra talk sa Pilipino Star Ngayon:

    JDV: (to Gloria): Malapit na ang Pasko. Umawit na tayo ng Silver Bells, Silver Bells…

    Gloria: It’s Christmas time in the Z…T…E…

    ….Sabi naman ni Neri: NERI Christmas to you !

  39. alexander s. masing alexander s. masing

    ‘tangnang buhay ‘to talaga naman ‘wag ka lang malingat sandali,meron na naman mga mangungurakot,Diyos ko po naman!!!puro magnanakaw na lang ba ang laman ng gusali ng gobyerno……pasensiya na,kunwari nagulat ako,eto ang masasabi ko sa mga hinayupak na alepores ni madam president,pwede ba tantanan na ninyo ang pagmomoro-moro ninyo.sabihin na ang totoo!!..putok na eh!nakakahiya na eh! ABALOS magturo ka na!!balak ka ng ipulutan ng grupo mo,pati ikaw NERI umpisahan mo ng umawit.huwag na kayong maghugas-kamay,maaring naliitan ka lang sa 200M.Kayong mga nasa tungkulin sa gobyerno,ganito na lang ba ang gagawin ninyo sa sambayanang pilipino,ang paulit-ulit na pagpapahirap sa kapwa nating mga tumutubong bagong pilipino at eto ang inyong halimbawa sa kanila ang”magnakaw”. ewan ko ba!!wala na akong alam sabihin sa inyo,lahat na ata ng kasamaan nasa inyo na.wala ng makain ang mga pilipino,kung magpartihan kayo milyon,samantala ang mga kapatid nating naghihirap,ang pinakasagad nilang dasal sa biyaya eh…hanggang daan at daan-libo lang ayos na!!kayong mga #$#$%@pinutukan lintik milyon kung mag-partihan MAGNANAKAW!!!nakup!!!eh..wala na akong kakapunin sa inyo eh…puro na kayong alaws-yagballs eh!!….’teng,salamat po!

  40. Valdemar Valdemar

    The only reason the people kicked out Marcos was to get at those kickbacks. Hanggang ngayon pinag-aawayan parin ang kickbacks. The principal culture of the Filipino people is now synonymous to kickbacks. We developed it from watching kickback investigations and kickback trials and getting into government. About time we come out with WIKI-KICKBACK encyclopaedia.

  41. Totie Totie

    Pechanco: Good analysis, I agree.

    Atty: You were on your 3rd year Law, did you joined those usual rally being held in Mendiola, Lawton and Ayala?. I was working in a bank and always calling in sick till I finished off my vacation days attending these mass rallies armed with my three SLR’s .

    Do you guys remember where were you when they broke the news that Ninoy was shot dead? And do you guys experience first hand the build up of mass movement? It was slow and started to gather momentum when it became fashionable to wear yellow and make that sign “L”.

    Unfortunately, I believe it is quite difficult to duplicate that momentum. We now have the latest technology, before, if you wanted to find out what is going on, either you go and joined the rally or listen to Radio Veritas or DZRH, now information is right at the tip of your hand. If this current event happened in the early 80’s, the outcome is definitely different. People will be so interested and glued to Radio, TV news and of course attending mass movements. Plus noon people believe in the church, now?????

  42. pechanco pechanco

    Thanks Totie. Cory and her group didn’t even respect the dead body of Ninoy because they paraded his bloodied face, body, clothes all over the streets in Metro Manila. Hindi man lang pinunasan o nilinis ang mga dugo at hinayaan matuyo. Their purpose was clearly to all the more anger the public to go against Marcos whom they blamed for Ninoy’s death.

  43. rose rose

    This is a bit off topic but this is how GMA spends–a chartered plane came in at 4:00 am this morning and at the matinee (2:00 pm) of Les Miserables three rows of orchestra seats were occupied by the whole entourage of GMA. Recognizable people in the group…GMA, some members of her family, Bunye, Romulo, Consul General, If they paid the discounted ticket price that I paid for a seat in the row behind her which was 51.50 would you imagine how much the total cost would have been? Nakakangitngit. It was a surprise really to see her face..and I was glad she was not at the Consulate when Bert Florentino was given an award.
    Wala pang 12 hours since they came. Magkano naman kaya ang gastos bukas until Sept. 28?

  44. myrna myrna

    rose, nakita mo na pala, sana, “bumulong” ka na lang ng ‘alis diyan, mga magnanakaw. hehehhe

  45. rose rose

    myrna: akala ko kasi tutuloy siya sa Consulate..I was hoping I will have an eye to eye contact..4’11 rin ako..I was hoping to go to the UN too, but the UN headquarter is close to general public until Oct. 5..grabe ang security..the row infront of her was occupied..and the row behind her was also occupied by her people..nakasingit lang ang nabili kong ticket ahead of their party..I am sure there were other people scattered in the theatre..sa labas
    may mga tauhan rin siya..

  46. conqueror46 conqueror46

    kahit anong gawin nila kay abalaos hindi nila ito maikukulong,,, maliban na lang kung magpalit ng gobyerno,,, una galing siya sa tribu ng companero y companera, may kakayahan siya na baluktutin at ituwid ang mga akusasyon, pwede niyang daanin sa technicalities, para isalba ang sarili nya, ang kailangan lang niyang gawin ay ireview yung mga batas, promulgation, decision, order ng korte para makagawa siya ng kaukulang sangga sa kanyang sarili,,,, Yung mga senadores natin na hindi naman companero y companera ay medyo talaga maliligaw ng pagtatanong sa isinasakdal,kaya nagalit at nag-alsa balutan ang prinsesa ng mga may topak sa ulo, dahil master nya ito, kaya hindi niya matanggap ang paraan ng pag-gisa kay neri abalaos,,,at naging sarswela sa kanyang pananaw ang naganap na hearing sa senado. Alam ko ang kakayahan ng ating mga senadores, mahuhusay sila, ang kaibahan nga lang, kung hindi ka companero y companera iba yung istilo nila,,,, tama merong silang mga companero na nag-ga guide sa kanila, pero iba pa rin yung may katawan mismo ang gumagawa,,,, balikan natin ang istorya ni makoy, kinakailangan pang bitbitin siya ng kano para ilabas ng pilipinas, ayaw nyang umalis, sabi niya, kaya ko namang ipagtanggol ang sarili ko a,, pero siyempre utos ng kano binitbit siya palabas, si erap,,, ayaw ding umalis, pero sabi ng mga companerong nakapaligid sa kanya, umalis ka na bossing, siyempre, sila ang may alam sa batas, kaya sige umalis siya ng palasyo…at ganito rin ang mangyayari kay glueria,,, nasa kanya ang pinal na desisyon pero umaasa pa rin siya sa mga companero y comapanera na nakapaligid sa kanya at hindi naman lahat ay totoo ang sinasabi sa kanya…. kaya tuloy ay nag i am sorry siya sa hello garci, bakit, e hindi niya kabisado ang batas na tumutukoy sa election code, siguro alam niya, pero hindi naman binibigyang diin ng mga companero y companera na nakapaligid sa kanya…

  47. Rose, were there rallies against her?

  48. Mrivera Mrivera

    kayo naman, oo. anomalya ba ‘yung tinaasan lang naman ng 300% para magkaroon ng kahit konting pampasko ang mararangal nating opisyal ng gobyerno? ano ba ‘yung $75 milyon para sa mag-asawa at $50 milyon para kay abolis, eh magreretiro na siya sa pebrero? pabaon na lang sa kanyan ‘yun.

    at saka maganda naman ang mangyayari sa pilipinas kung matuloy ang broadband deal na ‘yan dahil magiging mistulang isang sine para sa mga tsekwa ang araw araw na aktibidades ng gobyerno ni goyang. bawat kilos at pag-uusapan ay kanilang mababantayan.

    isa lang naman ang problemang nakikita ko dito. naging TANGA na si gloria arroyo!

  49. mideast mideast

    so babalik pa pala sila gloria et al sa pinas? prayer ko lang : sana nag-crash yung eroplano nila pabalik. if that happens, solve ang problem ng mga pilipino. a bloodless revolution of sorts.

  50. Chabeli Chabeli

    Corrupt people simply do not know what is right from wrong. They have warped minds. To expect anything more from Gloria is wishing for the moon.

  51. pechanco pechanco

    Mideast, hindi naman kailangan ma-crash ang eroplano pagbalik ni Impakta. Baka madamay pa ang mga inosenteng taong kasama niya tulad ng piloto at stewardess. Kawawa naman. Eto ang mas maganda: She falls down or slips as she comes down from the plane door stair. Tapos tuloy-tuloy ang bagsak sa lupang semento. Natamaan ang ulo at bumiyak ang bungo. Lumabas ang mga dugo mula sa bibig, tenga, ilong at mata niya (Maliban doon sa mababang parte dahil menopause na siya). Then, her security rushes her to the nearby hospital. All the doctors try to save her life in vain. She died on the spot or dead on arrival. That day and the days that follow, people rejoice instead of mourning on her death. Iyan ang katapusan ng kasaysayan ng isang Impakta na naghasik ng lagin sa sambayanang Pilipinas.

  52. chi chi

    Pechanco,

    Maganda ang senaryo mo, pero isama mo na rin na madapa at mabiyak ang bungo nina Bunyeta, Romulo at kung sino pa na mga walang konsiensya na kasama niya sa eroplano. Pag nandun na sa punenarya at lahat na inutil na miembro ng aparador ay umaatungal ay pasabugan ng bomba!

  53. pechanco pechanco

    Hindi pa naman tapos ang kuwento ko. Nang lumabas ang mga dugo ni Impakta, tumalsik sa mukha nina Bunye at Romulo tapos natamaan ang kanilang mga mata at nabulag pareho.

  54. chi chi

    Sige, basta damay sila sa kapahamakan ni Gloria!

  55. hawaiianguy hawaiianguy

    Chi, pechanco, atbp, sige, pagpiyestahan natin ang mga pahamak na yan.

    Wala raw anomalya? Susmaryosep naman, sino ba (maliban sila mismo na may gawa) ang maniniwala sa kanila? Eh katakot-takot, karumal-dumal at umaatikabong anomalya sa kabahuan ang NBN deal na yan. Hanggang dito sa malayong lugar, amoy na amoy ang anomalya ni gloria.

  56. chi chi

    HW,

    Wala raw anomalya sa NBN. Kung si Gloria nga ang titingin ay talagang walang anomalya kasi ay nakapiring ang kanyang mga mata, may pasak na bulak ang mga tenga at pinipi na niya ang kanyang mga miembro ng kanyang aparador.

    Kung pupuntan diyan si Ate Nerissa ay supalpalan ay paki supalpalan mo ng buho ng may apoy sa bibig!

  57. haji haji

    Who told you na walang anomalya, Kahit sina Micky Mouse,
    Donald Duck, Bambi, Snow White at Mulan from Tsina ay alam
    na sino pa kaya ang hindi naka-amoy . Maari si Bill Gates o
    si Donald Trump kasi mga milyonaryo na yan.

  58. pechanco pechanco

    Sino itong Haji na sumulpot? Are you Haji Alejandro?

  59. haji haji

    I’m not Haji Alejando. My name is Oscar de la Cruz, dating
    meyembro ng AFP at Nabinyagan na Muslim doon sa Sitangkay.
    AWOLista at pumunta dito sa Disney World para magtrabaho
    bilang tagawalis ng kalsada. Pangarap ko sana tagawalis
    ng corruption sa “Pinas.

  60. Mrivera Mrivera

    haji,
    welkam sa grupo.

    ano’ng dating branch of service mo?

    and what particular period were you assigned in sitangkay?

Comments are closed, but trackbacks and pingbacks are open.