Skip to content

Bumenta na, tigilan na

Ay naku, nagkakalat na naman si AFP Chief Hermogenes Esperon ng kokorokoko.

Sabi ni Esperon noong Biyernes na may anim na junior officers raw na kanyang inire-assign at pinamanmanan dahil nagre-recruit raw para sa panibagong coup. Walang detalyeng binigay si Esperon.

Akala ni Esperon tanga tayo, ano? Akala niya bilhin natin ang bilasa na niyang tinitinda.

Pwede ba, matagal na bumenta yang mga kokorokoko na yan tuwing nasa gitna ng krisis ang mga magnanakaw sa Malacañang. Halata namang diversionary tactic lang para maiba ang usapan.

O kaya naghahanap ng excuse para manggigipit na naman gamit ang mga sundalo. At siyempre para kumita na naman.

Sinabi nga ni Pong Querubin, asawa ni Col Ariel Querubin, ang medal of valor awardee na isa sa nakakulong sa Camp Capinpin, tuwing may intelligence operation, may budget yan. Sabi niya para sa pekeng “Oplan Hackle” noong February 2006, P60 milyon ang budget noon. Sa computer lang binuo yun.

Magkano naman kaya ang budget nitong panibagong kokorokoko ni Esperon? Nainggit ba sila sa kina Benjamin Abalos at sa mga taga-Malacañang at DOTC kaya gumawa naman sila ng kanilang pagkakakitaan?

Ang nakakatawa sa kuwento ni Esperon, nang tanungin si Marine Commander Ben Dolorfino tungkol dito, sabi niya wala raw siyang narinig na may recruitment para sa coup.

Huling-huli si Esperon na diversionary tactic lang ang kanyang kokorokoko dahil sabi niya ang ginagamit raw na rason ng mga nagre-recruit para sa coup ay ang mainit ngayong na eskandalo sa ZTE kung saan bilyon na bilyon na peso ang nai-report na napunta sa mga bulsa ng mga taong kilalalng malapit sa Malacañang.

Kaya mabuti raw na naipaliwanag ng mga miyembro ng cabinet ni Arroyo sa Senado ang tungkol sa kontrata. “Ngayon klaro na,” sabi ni Esperon.

Oo, klarong nag-short cut ng batas para lang maitulak ang kontrata. Klaro ang kamay ni Abalos. At bakit naman pumasok ang isang opisyal ng Comelec sa kontrata ng telecommunications na pagbabayaran ng mamamayang Pilipino ng P16 bilyon?

Kung patuloy pa ang imbestigasyon, mai-konek na ito ay may kinalaman sa 2004 elections kung saan malaki ang papel ni Abalos na maideklarang presidente si Arroyo kahit hindi nanalo sa eleksyon. Nagbabayad utang si Arroyo kay Abalos.

Alam ni Esperon yan. Dahil nabanggit siya ni dating Comelec Commissioner Virgilio Garcillano doon sa “Hello Garci” tapes.

May sinasabi pa si Esperon na kasama raw sa mga destabilizers ang mga ilang taga-oposisyon. Ang totoong destabilizer ay ang mga nangungurakot ng kaban ng bayan. ‘Yan ang mga sangkot ngayon sa eskandalo ng ZTE deal. Yan ang pilit pinagtatakpan ng pamahalaang Arroyo, kasama na si Esperon.

Earlier story:

Esperon open to reimposition of martial law

Published inWeb Links

80 Comments

  1. Totie Totie

    Ate,
    Pasensiya na, sa sobrang kalituhan namali ng dampot ng game play. Honest mistake lang daw.

  2. pechanco pechanco

    Sino ang limang junior officers? Ilabas niya ang kanilang mga pangalan. What could five junior officers do to recruit and bring down this evil GMA government? Why not relieve or arrest their superiors and other higher ranking officers? Tulad na lang sa BOC na ilan lamang mababang puwesto ang dinemanda, where’s the mastermind? The longer this Esperon stays in AFP, the longer the soldiers and people suffer. I’m calling at least one soldier who can come close to him to shoot this Esperon in the head. Hindi titigil iyan hangga’t hindi patay.

  3. Totie Totie

    With all the indications and actions taking place within the Arroyo Administration, it appears that they need to reconvene and draft new case scenarios more adaptable to their current situation. The game plays they were using were all worn out and it wont sell to the general populace. Matalino na ang mga tao and in todays day and age where transfer of information is so fast and almost instantaneous, mahirap ng maloko ang mga tao.

  4. pechanco pechanco

    Maybe…just maybe, a fake ambush similar to that of Enrile would work so that GMA would declare martial law or any form of emergency. Sa nangyayari ngayon, isang uri tulad ng martial law ang last option ni GMA. Her time is up. Watch out lang tayo. Ingat lang. The heat is too much for Malacanang. Ayaw man nilang gawin ang last option, that seems to be the only way at this time.

  5. Marine wife Marine wife

    If it was true that there were recruitment done by these six officers, do you honestly believe that Gen Esperon would just reassign them? or have them monitored? gen Esperon would have detained them already together with the rangers and marines.

  6. Marine wife Marine wife

    together with the rangers and marines in Tanay.

  7. pechanco pechanco

    At the very least, Esperon should have revealed the names of these junior officers. One can just say things like that. Without naming them, all junior officers in AFP are now under suspicion. That would discourage them to recruit and do harm to the government. It’s as simple as that. Sana limitaw na ang mga bayani na matagal na natin hinihintay. Iyan lang ang paraan para mawala si Esperon at kanyang mga tarantadong amo sa Palasyo. Isa o mga bayaning handang isakripisyo lahat pati buhay para mawala ang mga gagong iyan. Why were other people in other countries successful in ousting and eliminating their evil leaders? Because there were those willing to sacrifice their lives. May paraan…alam niyo na kung ano. Magaling ang mga Iraqis at Taliban niyan. Problem with Pinoys is that wala ang may lakas na loob na gawin ang bagay na iyan tulad ng mga ibang bansa.

  8. Marine wife Marine wife

    Gen Esperon has to reveal that there were 6 officers relieved/reassigned so that this development will affirm his earlier statements about the coup plot. Now they must convince six officers to be their fall guys just to make his claims realistic. He has to give out names to complete the picture. All these are just the product of Gen Esperon’s imagination.

    Most of the rangers and marines in Tanay are Intel trained… in the intel world everything is possible. they can turn black to white. that is the expertise of Gen esperon

  9. Marine wife Marine wife

    From our intel source, Generals and Senior Officers of Esperon are recruiting young officers in Camp Aguinaldo. Maybe they want to do a palace backed coup.

    According to our source, Gen Esperon once said that he can be the Hugo Chavez of Asia.

  10. pechanco pechanco

    A Palace backed coup is very possible. If there’s to be one, I bet you FVR is among them or the leader of it. DOTC Sec. Mendoza who is among the principal suspects in the ZTE deal is a Ramos protege. So are Lastimosa and Berroya. Don’t forget Executive Secretary Ermita who used to be FVR’s close aide. The kind of scenario of looking at is that GMA wants a graceful exit and the one replacing her would be allied to her. From the very beginning, Ramos and GMA are partners in crime. Iyan ang nababasa ko kung sakali man may Palace backed military coup.

  11. Chabeli Chabeli

    Pechanco, interesting analysis, but I thought FVR was close to JdV ?

  12. Elvira Sahara Elvira Sahara

    Tunay ka talaga, Ellen! Tumigil na sila dahil BUKING na as in bumenta na ang strategy kuno ni ASSpreweron! Hindi na nila maloloko ang bayan!
    Kahit sa amin sa Mindanao, matagal ng alam ng mga tao ang Moro-moro nila at ang kawawa ay ang ating mga sundalo!

    Tahimik ang mga tao doon but only waiting for the right signal! Kaya, huwag tayong mainip…may mga kasunod pa!

  13. Spy Spy

    marine wife:

    Destab? Esperon is fooling again. Did he know that HE is one of the destabilizers?

    Esperon is a desperate liar. Last week, they announced that coups/destab are things of the past. Now,they’re floating about destab?!

    Esperon knows that he completely lost the soldiers’ trust and confidence…for how could a CSAFP play golf inside camp aguinaldo with a battalion of close-in security accompanying him during the game?

    By the way, Hugo Chavez is a macho revolutionary and is loved by his soldiers. Esperon is an ugly crook and hated by his soldiers. It would be very insulting to Hugo Chavez!

  14. pechanco pechanco

    Well, sometimes it’s necessary to sacrifice the other. FVR would help GMA on the condition that she lets go of JDV. Nasa pag-uusap iyan. Why do you think Edsa One and Two succeeded? They were as a result of grand conspiracy even among the enemies to bring down one common enemy.

  15. Diego K. Guerrero Diego K. Guerrero

    Kudeta me? Esperon’s military junta shall fail without the support of the elite, big business group, the Roman Catholic Church, the middle class and the masses. Esperon is not popular among the junior officers and politically unpopular nationwide like his boss. Baka sa Camp Aguinaldo lang ang kanyang hawak. Tanungin mo kay General Ermita kung nasaan ang kanyang bayag noon December 1st 1989 RAM-SFP kudeta. Kung di naki-alam si Uncle Sam bitay sana siya pati si FVR.

  16. You know why Esperon is pretty easy about withdrawing troops from everywhere, particularly from Mindanao and posting them in Manila? Simple! He’s entrusted Mindano to a Malaysian major general who’s just arrived to head the “monitor team” there.

    Esperon and Gloria have virtually surrendered Mindanao to the MILF who are backed no less than by Malaysia!

    Mga p¤¤¤¤¤¤nang duwag iyan!

  17. Diego K. Guerrero Diego K. Guerrero

    Treason? Death by firing squad for Gloria, Esperon, et al.

  18. pechanco pechanco

    A common practice is to move the troops around. Troops from the provinces are sent to Metro Manila. Luzon troops are sent to Mindanao. Mindanao troops are sent to Visayas and Luzon.
    Commanding Officers are also moved around. The only ones that remain as permanent are Presidential Group and those who have been tested loyal to Malacanang. Sa panahon ni Cory, may tinatag siyang Yellow Army. Noon panahon ni Marcos, karamihan sa nasa paligid niya ay mga Ilocano. The troops from Ilocos and the North were not able to enter Metro Manila during the 1986 Edsa Revolt. Kung nagkataon, siguro hindi napaalis si Marcos ng ganoon kadali. Bakbakan ng todo iyan. Ilocanos not to mention the Ilocano soldiers are very loyal to Marcos then. Eto naman si GMA, may nabalitaan ako noon na nagtatag din siya ng kanyang Black Army. Every leader, good or evil, organizes security troops to protect him and her. That’s understandable. Eto si GMA, ang binusog lang niya mga Heneral niya samantalang ang ordinaryong mga mababang ranggo at sundalo ay pinababayaan.
    Di tulad ni Marcos na pati mga maliliit na sundalo ay nabibiyayaan, mabuti man o masama.

  19. Pechanco,

    “Di tulad ni Marcos na pati mga maliliit na sundalo ay nabibiyayaan, mabuti man o masama.”

    Right on!

  20. Spy Spy

    Ellen,

    hindi na kailangan ng recruitment because gluria and esperon are the most effective recruiters for rebellion/coup.

    esperon must have realized that he cannot even trust his own close-in security men and the soldiers. He fabricated stories about those junior officers he cant even name trying to intimidate other junior officers with his iron-hand dealings kuno.
    He’s overly paranoid like his boss.

    It’s esperon’s a black propa. Im sure nobody believes this congenital liar anymore. Watch his nose every time he speaks.

  21. vonjovi2 vonjovi2

    Kung ako ay isang sundalo at napadaan sa tabi ko si Esperon ay hahagisan ko ng isang ATIS iyan at itataon ko kasma ang Reyna nila. Para mawala na ang mga hinayupak na ito. Isang sundalo lang ang gagawa ng pag hagis ng atis ay tapos na ang problema natin.

  22. pechanco pechanco

    Diego, you also touched a very good point on that failed 1989 coup. Kung hindi nakialam si Uncle Sam, panalo ang RAM nila Gringo at bagsak si Cory. Paano naman sila mananalo eh nasa taas nila ang mga US jets habang lumulusob ang grupo ni Gringo. But this time, baka…at sana ay bitiwan ni Uncle Sam si GMA. Hindi natin maaasahan ang Catholic Church ngayon lalo na’t kasabwa’t pa sina Rosales at Villegas. Cory could help. She’s close to the Catholic Church hierarchy and the Business elite. Pero tameme din si Pango. If only Susan agreed to be the rallying leader at the height of the Hello Garci scandal, matagal nang wala si GMA. Then, she was joined by Cory’s group. As usual, nakialam siguro si Uncle Sam. Kung ako ang tatanungin mo, kailangan ng isang suicide bomber tulad sa Iraq at Lebanon. Damputin na nila ako kung gusto nila sa mungkahi ko pero iyan lang ang mabisang paraan sa ngayon.

  23. vonjovi2 vonjovi2

    Ellen,

    ULO NG 3 GMA BOYS HININGI SA BROADBAND
    “To show her seriousness in addressing the matter, I challenge Mrs. Arroyo to ask for the immediate and irrevocable resignation of Comelec Chairman Abalos, Sec. Mendoza and Asec. Formoso. Only then can she redeem herself in the eyes of the Filipino people,” ani Madrigal

    Nakakatawa naman dahil kahit anong sama or kahit mag hirap ang taong bayan ay hindi gagawin ni Arrovo itong mga hinihingi ng mga oposisyon or militante politko. Ano siya (Arrovo) sira. Di lalabas ang mabahong mabahong amoy niya.
    Kahit na sabihin ni Abalos kay Gluria na himurin mo ang puwet ko ay gagawin ni Gloria iyan. Laki ng utang na loob yata niya kay Abalos.

    Isa pa ay talagang magaling manloko si Glloria dahil pina suspend niya ang contract. Eh.. diba naka suspend na sa SC (TRO). Babalik ulit ang contrata kapag nag lay low na ang mga Senador. Sana naman ay hindi urong sulong din ang pag imbistiga nila dahil kahit isa pa yatang anomalya ay wala pa silang natapos eh. Puro papogi na lang yata eh. Nakaka inis na rin dahil tayo ay uma asa sa kanila na mabigyan ng katarungan or malaman kung sino ang nag kasala tapos ang pag imbistiga nila ay nawawala na naman.
    Nakakayamot na rin eh..

  24. Diego K. Guerrero Diego K. Guerrero

    What’s the stand of Catholic Church hierarchy on ZTE-NBN scam? Bakiy ayaw maki-sawsaw sa issue? Baka kasabwat sila sa kudeta me conspiracy.

  25. Elvira Sahara Elvira Sahara

    I agree with Sen. Madrigal’s challenge to Glueria! Ax the 3 most important persons in his cabinet to show that she is sincere and is innocent of this idiot deal! If she does it, (iyan ay IF lang) MILAGRO!
    At ang duwag na AFP chief kuno…tumigil na! DUWAG ka, NOY!
    Kon sa mga Ilonggo pa, dako nga TALAWIT!

  26. pechanco pechanco

    Diego, kaya tahimik ang CBCP hindi dahil sa kasabwat sila sa coup kundi dahil busog na busog pa. They just had a wonderful heavy meal given by Malacanang. May tooth pick pa nga sa bibig ni Rosales at si Villegas naman may tinga pa sa ngipin nang tumawa.

  27. Mukhang nagkakalituhan na. Hindi masunod ang instruction ni Pandak. Sana tumaas ang BP niya sa kunsumisyon na siya rin ang nagbigay sa sarili niya.

    I’m reading Romans and I found this: “Because that, when they knew God, they glorified him not as God, neither were thankful; but became vain in their imaginations, and their foolish heart was darkened. Professing themselves to be wise, they became fools,” (Rom. 1:21-22)

  28. AdB: Esperon and Gloria have virtually surrendered Mindanao to the MILF who are backed no less than by Malaysia!

    ******

    Ancestral domain daw—nino? Ng mga Malaysians? Someone has been spreading via cyberspace the fallacious claim that the father of the unano was from Borneo. Tagadoon daw ang mga Macapagal.

    Baka kaya kumakabit siya sa mga Malaysian who owns part of Borneo para ibigay sa kaniya iyong sinasabing ancestral domain niya kasama na ang Mindanao. If this is not being crazy, what is?

    Just a reminder to these fools: ” And he said, That which cometh out of the man, that defileth the man. For from within, out of the heart of men, proceed evil thoughts, adulteries, fornications, murders, Thefts, covetousness, wickedness, deceit, lasciviousness, an evil eye, blasphemy, pride, foolishness: All these evil things come from within, and defile the man.” (Mark 7:20-23)

    Tamang-tama kay Gloria Dorobo, asawa niya at lahat ng kampon nila!

  29. pechanco pechanco

    I received words that Mike Arroyo will remain abroad at least after the Pacquiao-Barrera boxing match. Sugal na naman iyan. Expect fellow crook and gambler Chavit Singson to join him in the US. The bet is reportedly against Pacquiao. Mas mataas daw ang taya para kay Barrera. There’s now a very strong possibility that Pacquiao would lose this time. Matatalo nga siya pero doble ang bigay sa kanya ng sindikato. Manny has to make up for all those millions that he spent last election. The coming match will be like the ZTE deal.

  30. neonate neonate

    Song lyrics: “Fairy tales can come true, it can happen to you, if you’re young at heart.” Spinners of fairy tales and fables take enormous talent for public acclaim. Does this magnum opus of Esperon qualify?

  31. Esperon is mad, he’s gone bonkers!

    “MANILA, Philippines — Armed Forces of the Philippines (AFP) Chief of Staff General Hermogenes Esperon Jr. is open to the re-imposition of martial law, saying it will “come in handy,” especially in times of “rebellion.”

    “It might still come in handy. In other words, it’s for the national government to protect its citizens,” Esperon told reporters late Thursday, the eve of the 35th anniversary of the declaration of martial law.”

    Martial law under this pseudo general? He’s gotta be kidding?

  32. alitaptap alitaptap

    Kokorokoko esperon? Siempre ayaw paiwanan sa headline balita. Gagawa siya ng sariling headline si general KSPeron. Kawawa naman, hindi siya napapansin. Bitayin na para mapansin, kasama si abalos, gooria at ipjee.

  33. we-will-never-learn we-will-never-learn

    Ramos is close to Ramos – smile

  34. Pres Diosdado Macapagal renewed the 1922 claim of the Philippines on Sabah but it seems the daughter has not only officially abandoned that claim but also is hell bent on surrendering Mindanao or a vast portion of Mindanao to the Malaysians with the conniving coward of all cowards – Esperon!

  35. No, the Fatso will come back to the Philippines once the coast is clear. Pirmi namang ganyan iyan e. As for the betting during the Pacquiao fight, you bet, magbe-bet iyan kasama iyong kahihiyan ng mga Ilocano, si Chavit Singson. Pataas nang pataas ang bet ng mga iyan. Iyon yatang huli 550,000 dollars na. Alam ko noong isang taon, January ba iyon, 250,000 dollars ang bet nila. Hindi nga nakabet iyong isang Cebuano na boxing promoter kasi swinapang daw ng dalawang ganid. Iyan ang kuwento niya when I met him during a boxing bout in Japan na lumaban ang dalawang pilipinong alaga ng isang Japanese promoter. Ako kasi ang interpreter nila.

  36. Ellen,

    Pardon this rather off topic but quite “sad” post that I just read in Quezon’s blog by one who used to post here:

    “HindiNaPinoy :
    isang pagbati sa mga ‘posters’ dito. sa blog ni ellen tordesillas ako nag-umpisang sumali subali’t nabansagan akong ‘bayaran’, ‘flamer’ sabi nga ni john marsan sa isang ‘thread’ dito. tinanggal ako ni ellen doon subali’t bumalik ako kamakailan lang bilang si DinaPinoy.”

    Mlq3’s reply was dignified and kind.

  37. conqueror46 conqueror46

    Kung baga sa pagbaril e pahaging lang itong usapan para sa martial law, ika nga e, matakot ang matatakot, tumakbo ang tatakbo, at matira ang matibay, Kung matuloy ang martial law at nakahanda silang makulong, magpaiwan sila, kung takot naman sa selda at takot ding masalvage ng militar, ay takbo na kay uncle sam,, paulit ulit lang naman yan e, Yang mga salita ni esperrron ay pakagat labi pa lang yan, testing the water sabi ng mga companero y companera, pag sinabi ni uncle sam na ituloy mo, martial law mo… aba e, matulin pa sa alas kuwatro si glueria tawag agad kay esperrron yan, at malamang matuloy, dahil hindi talaga papayag si uncle sam na maglalagay ng linya ng komunikasyon ang tsekwa sa pinas,,, kaya ang pinakamadaling solusyon para mapalabas ni glueria na sumusunod siya sa kano ay martial law, hindi ngayon siya babalikan ng tsekwa, martial law e, lahat ng mga transaksiyon bago mag martial law e kanselado, o e di nakaiwas si glueria, hindi siya pag-iinitan ng tsekwa, yan ay kung mga tanga ang mga tsekwa at maniniwala sila kay glueria, pero kung may isip sila, aba e niloloko tayo a, gusto mong tikman ang lupit ng lumpiang shanghai,,, ha…. bwahahahaahahahahhh

  38. Tilamsik Tilamsik

    Nag aral, pinahirapan, hinubog at dinisiplina. Pagkatapos ng garduation, pagsisilbihan ang mandaraya, mandarambong, kurakot, makapal na garapal.

    AFP pagsilbihan nyo ang Bayan!!!! (Bwisit Kayo!!)

  39. Isaac H Isaac H

    Mr. Conqueror 46. Baka mahirap yata i-declare yung martial law. Una walang masamang ginagawa ang Pinoy, hindi nga makapagrally kasi hindi nagbibigay ng permit. Kung sabihin ng Malakanyang may back-up ang Kano, maraming Pinoy sa America hindi maniwala dyan baka may tulog ang Republican Party ni Bush sa Nov. 2007 US election. Si President Bush mukhang ayaw na kumausap kay GMA sa Australia – 7 minutes lang, ilang araw siya sa Australia. Ang gusto yata ng Pinoy ang katotohanan lamang gaya ng ZTE and other anomalies.

  40. parasabayan parasabayan

    Itong si asspweron nagpapapogi points na naman! Hindi ka na uobra ass, bistado na kayong lahat sa mga kalokohan ninyo! Sino ang susunod sa inyo sa martial law ninyo? Siguro ang mga alagad lang ninyo! Baka ni wala ka man lang isang daang sundalo sa susunod sa iyo, yung mga nasusuhulan lang siguro. Ngayon pa kayo magmamartial law eh ni wala naman kayong kalaban kung hindi yung mga sarili ninyo. Mga ganid!

    Wrong timing ka asspweron! Very wrong timing!

  41. parasabayan parasabayan

    Isaac, ayaw ni Bush ng two timer na katulad ni tiyanak, doble kara ika nga. Malamang ang US pa nga ang nag-expose nitong ZTE na ito para maalis na ang bruha!

  42. conqueror46 conqueror46

    Mr. Isaac, ang punto ko kasi dito ay ito lamang ang tanging paraan para umiwas siya sa pressure ng kano, isa pa hindi na kailangan pang gumawa ng kasalanan ng mga pinoy para magdeklara ng martial law, noon kay makoy, may ginagawa bang masama ang mga pinoy noon, ako ewan ko, wala akong matandaan, at saka si Bush, hindi siya ang kaalyado ni glueria, si Clinton ang kaututang dila ni glueria, kaya okay lang kay glueria kung no pansin siya kay bush, ang iniiwasan lang niya ay ang mapag-initan siya ng mga kano,,, at si bush ay hindi naman ang amerika, presidente lang siya, may mga nagpapaikot din sa kanya,,, yan ang sikreto ng gobyerno ng amerika, kaya nilang gumawa at bumuo ng isang presidente sa isang iglap lamang… kaya ang pananaw ko dito, kapag hindi siya nagdeklara ng martial law ay mahihirapan siyang patunayan sa amerika na sumusunod siya sa ipinag-uutos ng mga kano. Kapag nagdeklara naman siya ng martial law, alam na ng mga tsekwa ito, kaya ang mangyayari ay wala siyang patutunguhan, babalikan siya ng mga tsekwa at sisingilin sa suhol na ibinigay ng mga tsekwa sa kanila.At dito na nagtatapos ang kasaysayan ng pamahalaan ni glueria….

  43. conqueror46 conqueror46

    Samakatwid martial law or no martial law ay parehas din ang epekto… Parang ping pong effect, palo mo sa kanya, balik uli sa yo, palo mo uli, balik uli sa iyo. Kaya yung pananakot ni Assperon, ito ay isang taktika para ikundisyon ang isip ng mga tao, kapag kumagat ang mga pinoy, huli tayo sa bitag, kapag umalma naman, mag-iisip uli ng panibagong taktika..kung baga sa chess, isang move na lang at mate na si glueria, pero pinipilit pa rin ng kanyang mga kaalyado na isalba ang naghihingalong gobyerno ni glueria.

  44. martilyo martilyo

    Pag nag-re-red aalert naiipon ang mga sundalo ni Esperon sa Maynila. Sana naman sa susunod na kikilos kayo maghi-hiwalay kayo ng mga lugar Isa sa Mindanao, dalawa o tatlo sa major Islands ng Visaya at apat na magkakahiwalay na camp sa mga region ng Luzon. Saka na lang ang Maynila.
    Kung maagaw ninyo ang gobyerno pababain ninyo ang kuryente…
    LALO NA YONG GAMOT wala na akong perang pang-maintenance sa mga sakit ko.
    Pag napila ako sa MERCURY hindi lang ako ang nag-iisa na kailangan na bumili ng kalahati o kaya 1/4 ng prescribed na dami ng gamot. Yong kasing e-VAT isinaman pati gamot na pumapatay sa aming mahihirap.

    Kung kikilos ang mga sundalo huwag na naman nilang tagalan

  45. Isaac H Isaac H

    C-46 maliwanag na. I read the papers everyday like US news- papers, Canadian papers like Globe & Mail, Vancouver Sun, etc.including Malaya and Daily Tribune, bihira ang news items sa ating bansa, except yung gulo sa Mindanao, mga pa-alala ng foreign governments na huwag pumunta sa Pinas, anomalia at nakawan, at dayaan sa election. Hindi ba nakakahiya yun? May biro pa may bagong course BS or Vocational they call “Aliping Mamahay”. Sa travel naman, pag Philippine passport ang dala mo, naho-hold ang pila sa immigration sa port of entry binobusisi ang pahina ng Philippine passport crumpled ang pages bago isauli. Maraming pekeng Philippine passport and visas. Tama ka nga sa nahihingalong gobyerno ni glueria. Yes my friend, we are transient passengers.

  46. martilyo martilyo

    Sa Mga Kawal ng Bayan

    hindi maaring maging taksil, sapagkat kailanman ay hindi taksil ang nakikipaglaban nang dahil sa kanyang bayan!

    Jose Rizal
    Kabanata 61

  47. atty36252 atty36252

    Marine wife:

    “According to our source, Gen Esperon once said that he can be the Hugo Chavez of Asia.”

    Hugo Chavez had the balls to criticize dubious Dubya in his own turf – UN in New York, calling him demonyo. May pa-amoy-amoy pa kuno ng sulfur.

    Esperon has not shown the balls to criticize this demonya. Baka Pugo, not Hugo. He was a comedian in the 60s.

    This guy lost his balls, now may be losing his marbles.

  48. Assperon is just a quintessential asshole wearing a military uniform.

  49. alam ko bumenta na ito.
    pati yung pagbisita ni norberto gonzales kay erap,gagawan sana nila ng storya,nalabuan lang sila na baka magmukha silang tanga na national security adviser ang gagawain nilang excuse.

    Ermita did a good damge control press conference during that time.

    madaming dahilan kung dahilan lang ang hahanapin natin

    akala ba nila nakakatuwa yung ipain nila yung mga marines sa mga sniper,lalo na yung mga bagong graduate.

    akala ba nila na nakaktuwa yung mga walang coordinasyon ng mga peacemaker sa mga tao sa field,tapos meron pa daw itong reward daw galing sa mga onaks para sa abu sayaff.

    madaming dahilan pero masyado silang takot sa multo.

  50. Chabeli Chabeli

    Aside from fooling the public by suspending the ZTE Broadband deal – a suspension is not needed because the Supreme Court has already handed down a TRO on the said project – Gloria is so desperate & scared that she wants the public to now focus on the “absolute pardon” for Erap. I can only sermise that with this move Gloria wants to get the sympathies of the pro-Erap groups. It has been reported on ABS-CBN News that Erap is “now ready to accept the absolute pardon reportedly being offered by Malacañang..” If Erap does accept the said pardon, Gloria would have successfully neutralizsed the pro-Erap group & they will be numbered among the “let’s-move-on” family. I hope that the former President will be prudent enough to know that Gloria is only using him to get his sympathizers on her side if only to protect her from losing her job.

    Here’s the link to the story:
    http://www.abs-cbnnews.com/topofthehour.aspx?StoryId=93618

  51. bagwis bagwis

    OT, from Francisco Balagtas’ Florante at Laura.

    Sa loob at labás, n~g bayan kong sawî
    Caliluha,i, siyang nangyayaring harî
    cagalin~ga,t, bait ay nalulugamî
    ininís sa hucay nang dusa,t, pighatî.

    Ang magandang asal ay ipinupucól
    sa láot n~g dagat n~g cut-ya,t, lingatong
    balang magagalíng ay ibinabaón
    at inalilibing na ualáng cabaong.

    N~guni, ay ang lilo,t, masasamang loób
    sa trono n~g puri ay inalulucloc
    at sa balang sucáb na may asal hayop
    maban~gong incienso ang isinusuob.

    Caliluha,t, sama ang úlo,i, nagtayô
    at ang cabaita,i, quimi,t, nacayucô,
    santong catouira,i, lugamì at hapô,
    ang lúha na lamang ang pinatutulô.

    At ang balang bibíg na binubucalán
    nang sabing magalíng at catutuhanan
    agád binibiác at sinisican~gan
    nang cáliz n~g lalong dustáng camatayan.

  52. Chabeli Chabeli

    Gloria’s absolute pardon for Erap ? To my mind it should be No Deal !

  53. pechanco pechanco

    Chabeli, I said this in another thread and I’m saying it again here. There’s nothing wrong for Erap to accept absolute unconditional pardon to be with his old ailing mother’s side and take care of her. Malapit nang tawagin ni Lord ang ina ni Erap. Para sa akin, my mother comes first before anything else even if I have to swallow my pride and make a deal. Maiintindihan din ng mga tao iyan. Erap’s acceptance of pardon will not lessen the love and admiration of his supporters. The question is as one attorney here has pointed out, Erap should admit guilt. Iyan lang ang nakikita kong problema. Then, nagsalita na itong si FVR who disagrees giving Erap pardon while the judicial process is ongoing and has not terminated.

  54. Jadenlou Jadenlou

    Diego K. Guerrero Says:

    September 23rd, 2007 at 3:12 am

    What’s the stand of Catholic Church hierarchy on ZTE-NBN scam? Bakiy ayaw maki-sawsaw sa issue? Baka kasabwat sila sa kudeta me conspiracy.

    —————
    Diego, hindi makikisawsaw yung mga corrupt na pari dahil may tinanggap rin siguro sa NBN – Nakaw Ba Naman. Nagbibigay yang mga pidal family ng milyones sa kanila para daw ma-absolve sila sa kasalanan.

    Hindi na bago di ba?

    Amnesty me
    Coup me
    Kudeta me
    and now absolve me.
    Kuwarta lahat ang katapat niyan. Habang may mga buwaya hindi mawawala ang corruption.

  55. pechanco pechanco

    The Catholic Church’s role in many anomalies came to light when it was found out this Medy Poblador was related to Cardinal Rosales. It was also learned that it was this Medy who distributed the white envelopes to the corrupt bishops then. Iyan ang karumal-dumal na nangyayari ngayon sa simbahan. Once, I read an article citing an statistics about Catholics leaving the church. The number was very alarming. Simula nang napatalsik si Marcos na kasabwat ang Catholic Church, marami ang humiwalay sa simbahan at umanib sa ibang relihiyon. Groups like JIL, INC and others benefited from this huge exodus of Catholics. Tapos, lalong nadagdagan nang pati si Erap ay pinatalsik at kasabwat na naman ang Catholic Church sa pamumuno ng nasirang Cardinal Sin. One needs only attend the mass and you shall see the dwindling record of attendance. Of course with the exception of special occasions like Easter and Christmas. Iyan ang dagdag ko sa sinabi mo, Jadenlou.

  56. pechanco pechanco

    It should read “declining record of attendance”. Pansinin niyo ang pananahimik ng CBCP. Kung nangyari ang ZTE deal sa panahon ni Marcos o Erap, sila (CBCP) ang unang nag-ingay. And of course if the CBCP is quiet, Cory Aquino is quiet. Cory is hoping one day that the church would make her a saint and be called “Saint Cory”.

  57. Jadenlou Jadenlou

    Penchanco,

    Karamihan sa mga nagsisimba ay mahihirap. Humihingi ng himala galing sa diyos kung saan nila hahanapin ang suwerte para sa kanilang pamilya. O, makakuha ng desenting trabaho. Kaso, hindi papansinin ng mga corrupt na pari dahil wala silang binibigay na donasyon sa simbahan. Ang mga paring corrupt na yan, ang papansinin lang nila ay yong may milyones na binibigay.

  58. gen esperon aka veron as in ver and esperon, konting creativity maman diyan. buminta na yang linyang juniors officers as destabilizers. what can 6 junior officers do. tell me. i challenged you to publish there names. masyado yatang mabigat ang 4 na stars sa iyong balikat kaya kong anu-anong crazy ideas ang pumapasok sa utak mo. no wonder mga stars na iyan ay merits from the hello garci not like col querubin he really earned his medal of valor.

  59. pechanco pechanco

    Jadenlou, ang ugnayan natin sa Diyos ay direkta at personal. Ano po ang kinalaman ng pari sa hiling ng isang mahihirap na nagsisimba? Ang pari ba ang makakapagbigay sa gusto ng mahirap na taong iyan? When we pray, we pray directly to God.
    Other than Christ Who is the sole mediator between men and God, wala nang iba ang nasa gitna. Those who claim they can mediate between the men and God only enrich themselves. Sa kanila kasi ibinibigay ang mga donations na ang akala sa Diyos mapupunta.

  60. obvious na ngayon ang sobrang katahimikan ng CBCP, related pala si medy poblador kay cardinal rosales. and CBCP ngayon ay malayong-malayo na ca dating CBCP lalong lalo na noong panahong marcos at cory aquino.

  61. pechanco pechanco

    Kasi ang CBCP ngayon ay Cash Bank Check Payment.

  62. pechanco pechanco

    Basahin niyo ang headline sa Phil. Star ngayon at may litratong nagdarasal ng taimtim si Gloria sa loob ng Ermita Church sa Malate. Beside her I think is her ugly presidential daughter Luli. At her right is one mestiza looking woman na nakapikit ang mata at nakataas ang noo. Oh these hypocrites !

  63. pechanco pechanco

    Ewan ko kung off topic ito pero siguro nabalitaan niyo ang hot issue ngayon tungkol sa “Blackwater” private army that committed crimes against the Iraqi people. Since it’s a private group, the US government is free from complaint. But the thing is, it’s this Blackwater group that secures US diplomats and VIPs. The US government gives huge fundings to this para-military group. May ganoon klaseng “Blackwater” group din ba sa Pilipinas.

  64. Re Ver, I think Filipinos are being unfair to this man, who actually did nothing but be loyal to his boss unlike this Esperon. He was not the one running the AFP then but Enrile and Ramos, remember? Presidential guard lang siya. And I doubt if he ever tried getting soldiers of the AFP killed for Marcos the way this ass does at present to soldiers deemed disloyal to his kwin korap!

  65. pechanco pechanco

    FYI lang: May isa akong kaibigan ay dating sakristan. Sabi niya, pagkatapos ng misa, niyayaya siya ng pari na manood sila ng mga X-rated na pelikula sa isang tagong lugar. Ang mga madre raw mismo ay lantarang nanonood ng mga mahahalay na pelikula sa ngalan ng kalayaan. Iyan ang dahilan, Jadenlou, kaya walang moral authority ang ilang church leaders na magturo.

  66. pechanco pechanco

    General Ver was described as the “Berdugo” of Marcos years. But he is an amateur compared to this Esperon. Aminin na natin na marami ding kasalanang ginawa si Ver noon. His feared Metrocom was notorious at that time especially the MISG headed by then Col. Abadilla. I remember the Metrocom Chief den was Gen. Olivas who was identified with Imelda. Ver was also the head of then NISA (now called NICA). Marami din naman dinampot at nawala. But when it comes to high scale corruption, wala akong narinig kay Ver at sa mga bata niya. As I said, Marcos Generals are amateurs compared to GMA’s Generals today.

  67. Sabi nga, “God cannot be mocked.” Maraming warning si Jesus Christ sa mga hypocrites, and those who pretend to be holy but not. In fact, He recommended praying in secret versus praying in public and showing off.

    Christ said, “And when thou prayest, thou shalt not be as the hypocrites are: for they love to pray standing in the synagogues and in the corners of the streets, that they may be seen of men. Verily I say unto you, They have their reward. But thou, when thou prayest, enter into thy closet, and when thou hast shut thy door, pray to thy Father which is in secret; and thy Father which seeth in secret shall reward thee openly. But when ye pray, use not vain repetitions, as the heathen do: for they think that they shall be heard for their much speaking.” (Matt. 6:5-7)

  68. pechanco pechanco

    Very good point, ystakei. In other words, that’s outward way of service to God. Pakitang tao lang. It reminds me of those charismatic groups shouting, chanting, crying, clapping, singing in public. Isa na diyan ang El Shaddai that occupies the entire Luneta for their prayer rally.

    By the way, there’s a new singing band called “Broadband”. Timing din ano? I hope someone would also produce a Broadway type of show called “Broadband”.

  69. we-will-never-learn we-will-never-learn

    “Esperon open to reimposition of martial law”
    If martial law is proclaimed who will be Assperon’s commanding officers because the officers the soldiers will respect are in custody on account of him. Does he think that he can rely on his generals who can’t defeat a small rag tag army of rebels confined to Mindanao.
    Martial Law is not what scares me its the fact that this idiot Assperon would, without the full support of his soldiers and junior officers, split the AFP into two with declaring martial law and produce a Civil War.

    Now thats what scares me, a Civil War.

  70. we-will-never-learn we-will-never-learn

    These elite in Manila don’t seem to realise that they are playing with fire. We in Mindanao are already experiencing what happens in a Civil War – Filipino shooting Filipino!

  71. El Shaddai? Hindi ba katoliko rin ang mga iyan? Bakit pumapayag iyong mga paring katoliko na sambahin nila si Mike Velarde? Ang linaw naman ng Bible tungkol sa mga false prophets, di ba like when this self-proclaimed prophet says something that never comes to pass. Worse, people should question him for patronizing a crook and a criminal as when he invites Gloria Dorobo to their gatherings to flatter and praise! Susmaryosep!

    Oh well, last days na kasi! “This know also, that in the last days perilous times shall come.” (2 Tim. 3: 1) “Beloved, believe not every spirit, but try the spirits whether they are of God: because many false prophets are gone out into the world.” (1 Jn. 4: 1)

  72. we-will-never-learn we-will-never-learn

    What two names threaten us with martial law – Assperon and Schizoglo – get rid of them soonest.

  73. my mistake pehanco

    my mistake pechanco, tama ka amateur lang si gen ver compare kay gen assperon (thanks to the garci scandal) ang ipinagtatako ko ay kong paano masikmura ni gen assperon na ang ipinakakain niya sa kanyang pamilya ay galing sa garci scandal na hindi siya naging 4 stas gen assperon kong hindi sa kanyang pakipagsabwatan sa pandaraya sa eleksyon.

  74. pechanco pechanco

    Salamat Karl. Nabanggit ko ang Blackwater private security group kasi mainit ngayon sa mga tao at media. The group killed a lot of Iraqi civilians. May ganyang grupo din si Gloria na nasa Malacanang. It’s called Pasigwater.

  75. I hope someone would also produce a Broadway type of show called “Broadband”.

    BroadBandits.

    That’s also the collective name i’m going to call those cabinet men who attended last senate hearing.

  76. Walang anuman Pechanco.

    Pasig water, wala nang iitim pa dun, hehe.

  77. Mrivera Mrivera

    “Pasig water, wala nang iitim pa dun, hehe.”

    karl garci,

    meron pa. ‘yung budhi ng pamilya makagarapal-arroyo!

    dahil sa itim ng budhi nila, pati kanilang kaluluwa ay natatakot sa kanila!

  78. Mrivera Mrivera

    sabi ng paksa sa itaas: “Bumenta na, tigilan na.”

    pero si esPWEron nag-iintay pa ng DAGDAG na bayad.

  79. pechanco pechanco

    Broadbandits…ha, ha, ha. Maganda iyan! Teka muna, there was “Hello Garci”, then “Hello Erap”, “Hello Joey”, now it’s “Hello Neri”.

Comments are closed, but trackbacks and pingbacks are open.