Kung ang ang sariling mong tauhan, ang tawag sa yo sa official documents ay “magnanakaw”, ano pa ang natirang dangal sa yo?
Tingnan nyo ang website ng Office of the Press Secretary noong April 21, 2007 (http://www.news.ops.gov.ph/archives2007/apr21.htm). Ang mga istorya doon ay tungkol sa 12-oras na bisita ni Gloria Arroyo sa Boao, China kung saan nag-witness siya sa pirmahan ng ma-anomalyang National Broadband Deal (NBN) sa ZTE Corporation.
(Salamat kay Jarius Bondoc ng Philippine Star na siyang nakapansin nitong press release. Si Jarius din ang unang nag-expose nitong ZTE broadband deal.)
Ang pamagat ng press release ay “So much investments, so little time for PGMA in China”
Ito ang report: “Nearly a billion dollars worth of new investments in 12 hours.
That’s the way things looked like for President Gloria Macapagal-Arroyo in her brief stay in this picturesque coastal town Saturday as she “came and went like a thief in the night,” bringing with her an avalanche of Chinese investments to the tune of $904.38 million.”
“Came and went like a thief in the night”. Sa Tagalog, dumating at umalis na parang magnanakaw sa gabi. Ano siya, miyembro ng Akyat Bahay gang na nagtatrabaho kapag tulog na ang may-ari ng bahay?
Big time nga naman itong magnanakaw na ito. Biro mo P16 billion (siyam ang zero niyan) . Di ba sabi ni Sen. Ping Lacson Lacson marami ang nakinabang sa deal na ito na overpriced ng sobra $200 milyon (dolyar yan). Sabi niya parang mantikilya na ipinapahid sa tinapay. Lahat na kasama ay napahiran.
Ngunit ang tiba-tiba ay yung tatlong masuwerteng nilalang. Ang isa ay Comelec opisyal na pinagkautangan ni Gloria Arroyo ng malaki sa kanyang pandaraya noong 2004 na eleksyon. $55 milyon daw ang nakuha nitong opisyal ng Comelec na ilang beses rin pumunta sa China at nakipagkita sa mga ZTE na mga opisyal.
Ang dalawang nakakuha ng $75 million (hindi malinaw kung tig-$75 million bawat isa o naghati sila sa $75 million) ay tinaguriang “Little One” at “Big One”.
Alam ba ng sumulat ng press release ang kinita ni “Little One” kaya siya sumulat na “she came and left like a thief in the night” . Kasama nga pala si Press Secretary Ignacio Bunye sa biyahe na ito kaya dapat alam niya. Siguro naman aprub ni Bunye ang sinulat ng tauhan niya.
Ngayon, ito namang si “Big One” ay topic ng pustahan. May nagsasabing si Mike Arroyo. Sabi ng iba si Buboy Macapagal, kapatid ni Gloria Arroyo.
Sinabi kasi ni Jose de Venecia III, presidente ng Amsterdam Holdings na nag-offer ng mas mababa na bid sa broadband deal, na noong kinausap siya ni Abalos, kasama doon ang isang taong malaki at makapangyarihan.
Sinabi ni raw nitong malaking mama kay Joey, “Umatras na ka” sabay duro sa kanya.
Sasabihin daw ni Joey kung sino itong nanduro sa kanya sa hearing ngayon sa Senado.
Magnanakaw..sa araw at sa gabi.her deals are shitty, shoddy and shady…unbelievable! kung sa bagay tungaw kaya hindi nakikita…
She is the queen of the “elves” kaya tamang tama ang sinasabi sa WSJ about the dwendes..
When the ultimate fixer of a foreign proponent is as high in government hierarchy as Abalos, the country that is represented by that foreign proponent lines up all other potential free riders to the bonanza group. No wonder Gloria was able to witness the signing of dozens of contracts during that 12-hour visit.
The Chinese knew that Abalos who had an excellent reputation for selling out (votes, elective positions, etc.) was telling them the truth: they (the Chinese) could buy anything and anyone in the Philippines and no less than Gloria would be the witness to the sell off.
Ellen, “Ano siya, miyembro ng Akyat Bahay gang na nagtatrabaho kapag tulog na ang may-ari ng bahay?”
di lang miyembro, siya ang leader ng crime syndicate na yan.
I have the affidavit of Joey de Venecia but I don’t have a scanner. I’ll try to post it tomorrow.
Malaya has an article on the “long trip” to Hongkong and Spain of Mike Arroyo at kasama ang presidente ng Development Bank of the Phil..a grand vacation? at bakit ang kasama ay pres. ng Dev. Bank..ano and dedevelop nila..
at ang susunod daw si Aboitiz? at hinatid ng mga naga Bureau of Customs? dala kaya nila ang nakuha sa ZTE deal? dadaan sa Hongkong? are they going to deposit in a bank in Hongkong, or through the Banks of Hongkong..kanino kayang pangalan? ..hindi na seguro Pidal..mukha atang ang atatsi kiss ay Made in China..I guess the Phil. was just sold in a golden platter…the Chinese invaded the Phil. in a different way…napakalngkot…hintay ka muna..maylahi kaya akong intsik? I have to check my Chinese connection..mahilig ako sa siopao at siomai..makapunta nga sa Chinatown..masarap ang siopao sa Mai La Hway.
Ellen just posted on this Flight to China in a private plane.
Rose:
IpDyi does not own Cathay Pacific. It is not a private plane. What Filipinos in Spain should check is if he has bought a house in Spain, and check how this guy can have the money to buy houses everywhere. and who is paying for his trip to China, Spain, etc.
Sa Japan ang ganitong scandal will see a lot many crooks jumping from buildings or hanging themselves in some hotels kasi manipis ang balat ng mga tao dito. Itong mga Pidal and cohorts ang kakapal ng mga balat, kasama na iyong Madame Wetness. Ang kapal talaga.
Naku Yuko, iyan na nga caught virtually red-handed who’s sworn that so and so was in on the scam, wala pa rin – sige pa rin parang walang nangyayari…iyan pa na parehong mga abogago na Abalos at Fat Goon Arroyo na puwedeng baliktarin ang batas? Bakit nga naman sila tatalon ng basta basta kung may golden parachute sila?
Kapal talaga kung sa kapal lang…
Si Abe nga bababa na after being blamed for the defeat of his party in the last election. Si Pandak pinanakaw pa iyong isang upuan sa Senado na dapat ay para kay Koko Pimentel para huwag masabing talo talaga ang mga TUta niya.
Yuko, sorry to say but you are comparing delicious apples ang rotten mangoes here. Bukod na sa rotten, inuuod pa.
Walang comparisson. Mas makapal pa sa mag-asawang Pidal, imossible!
Yuko: sa bilis ng pagbasa ko at sa mas bilis ng isip ko I thought he “chartered” the plane. Cathay Pacific is a China owned plane company? I know Eva Air is a sister co. of China Air Line..which one is the flagship of China gov’t? shameless is too mild a word to describe them!
A Freudian slip? Malacanang propagandists are telling the truth about their thieving boss. They can no longer hide the billions of kickbacks involved in China’s ZTE-NBN misdeal. In June 2004, like the thief in the night, House Speaker Jose De Venecia proclaimed Gloria Arroyo the 14th president before dawn after six weeks of vote’s manipulation. Madilim at tulog pa ang mga Pinoy pati ang Diyos noon.
Rose:
Cathay Pacific used to be the flag carrier of Hong Kong. Still is, I guess, but it is a joint British-Chinese venture.
Puede naman PAL ang sakyan kaya lang baka binigyan ng libreng tiket ng mga kasabwat.
Kadiri talaga mga walanghiya. Tignan mo nga si pandak kung mag-utos sa mga pinaupo nilang kurakot. Parang siya ang may-ari talaga ng Pilipinas. Kulo na naman ang dugo ko na hindi sarili niya ang sisihin niya sa kapalpakan nangyayari kundi akala mo malinis ang kamay niya. Galing ng uod talaga!
You bet, Anna, cannot compare talaga sa mga mas may hiyang mga hapon. But then, dito naman kasi hindi sila uubra sa mga taumbayan who will not tolerate any crook in the government. Sa Pilipinas, kita mo nga binobobo pa ang mga taumbayang ayaw pang kumilos. Boto nga nila binababoy as when some crook in the department of justice refuses to grant Trillanes to serve his people in the Senate as they have given him the mandate to. Hindi puedeng si Pandak ang masusunod.
Rebolusyon na dapat!
This humongous parasite of Pidalistic lord is and foremost the result reign of corruption that was mainly manifested through improper appointments of unsuitable people to key posts ranging from the appointment of Garci General used to garner support for politicians to posts obedience on their command in to creating Glorific loyalists. The loyalistic crisis is the reason for the ongoing functional failure by judicial and legislatures, their corruption benefits their minions. It rewards supporters and greases the political machinery. And anyone who really tries to fight against their corruption makes a host of inconvenient and perhaps dangerous enemies.
Diego,Natutulog pa ba ang Diyos? Why he could not hear these political leaders who talk about fighting corruption when they needed votes?. They also like to investigate corrupt because it is showy and tend to be adversaries,’ GraftBuster sila sa TV.
Pa martyr na ang pinoy, handang tiisin ang nalalabi pang tatlong taon na paghahasik ng lagim ng bigtime glu, di ko maisip na nagagawang paulit ulit sa bayan ang lahat ng mga ito, wala talagang malasakit sa bayan kundi puro kadupangan, kasakiman, sobrang mga ganid.
“OPS:GMA parang magnanakaw sa gabi”
“Parang” lang?
Off-topic:
Naalala ko, sabi ni Esperon tatapusin niya ang Abu Sayyaf sa loob ng dalawang buwan. July 10 pa iyung sa Tipo-Tipo, Sept. 18 na.
Mabuhay si Esperon, yehey! Ang galing niya! Tapos na ang Abu Sayyaf, kaya pala hindi natin napapansin. Mahusay talaga itong GAGONG ito!
Buking na buking si Fatso. Ang dami sigurong naipon na kulimbat, dahil ngayon lang nag-overseas after his operation. Sige, pasarap siya ngayon, dahil the Pidals end is just around the corner.
Sa senate at kay Joey DV, sige tuloy tuloy na para tapos na sila.
Tongue;
Hindi mo ba alam kung bakit nanghihingi ng extension si Esperon,sinisisi niya si Gen.Garcia,dahil iyong palang binili ni Garcia na tangke na nakaupo ang gunner sa driver ay made in China.Mahinang klase at kadalasan ay natutumba.
Natutulog pa ba ang Diyos? Siguro, dahil maraming nakakalusot na anomalya at scam ng rehimeng Arroyo.
I would call her more appropriately as Madame Bugaw. Binubugaw niya ang ating bayan for a fee of course.
Kaliwa’t kanan ang pangungurakot, lahat nakakalusot, ano ba iyan. Peste talaga ang umabot sa Pilipinas na tila walang pesticide na kayang tumapos sa patuloy na paglaganap.
Kung ituloy ni JOey de V ang kanyang pagbulgar sa broadband deal, at sinabihan siya ng kanyang ama na he is not going to win over them, ay dapat bigyan ng moral support itong si Joey ng mga tao. He has a conscience saying to him ‘Sobra na, Tama Na’.
Kung sa katindihan nga ng araw ay nagnanakaw si Gloria Lucifera, sa gabi pa kaya?!
Ok ang sumulat ng press release na ‘yan. Approve without thinking yata si Bunyeta kaya lumusot.
Sa kalituhan nila ay marami pang lalabas na gayan, baka bigla ring may magtapon sa basura ng mga itinatago ni Gloria ng mga illegal contracts.
Si Toting talaga, madaling ma-distract kasi yan. Tahimik pero excitable din.
Like his I have two discs song. Imagine, he a lawyer exhibiting and in possession of evidence of their (Palace) complicity in wiretapping acts – something illegal in the country, tapos ngayon “like a thief in the night”… Hihihih!
Tongue:
Sabi ng Inquirer nakapuslit daw ang mga Abus. Meaning, hindi nakaya ng isang bala ni Gloria. Sa palagay ko kakampi din nila ang mga iyan at ginagamit sa mga kalokohan nila para ubusin ang mga kakampi noong mga nakakulong na. Papalitan naman ng mga bagong recruit sabi ng kakila na nagbalita sa akin ng sinasabing recruitment sa AFP para solid na loyal kay unano.
One thing Filipinos do not have in abundance, Anna, is perseverance. The Japanese on the other hand have lots of that plus determination to finish what they are supposed to do as when they find out about some anomaly/scandal.
Abe was not involved in any corruption as a matter of fact, but he was forced to resign with people in his administration getting embroiled in this and that anomaly. Then, he had this policy of militarization that he failed to pulse the sentiments of the majority, who have gotten used to our pacifist Constitution. Hindi siya tinigilan ng media. Umaga, tanghali at gabi binatikos.
Then, when his party lost in the last election, even members of his party joined his critics in demanding for a change, even his own resignation. Presto, baba siya! Ganyan katindi!
Bumaba na siya bago magwala ang mga tao dito. Si unano, nagwawala na ang mga pilipino, ayaw pa rin bumaba. Nagbabayad ng publicity paid with taxpayers’ money like that report posted by Rose. Ang tindi talaga ng kapal ng apog!
Kasi nakita mo naman ang media sa Pilipinas, nababayaran din! Dito, lahat bumabatikos sa mga politiko. Walang kumakampi! Batikos hanggang bumaba o magpakamatay ang binatikos.
Yuko “Filipinos do not have in abundance, Anna, is perseverance. ”
I think there’s truly a failing in that area among many Pinoys. Madaling mag-give up. “Di ko kaya” syndrome. Siguro dahil sa climate. I find that too in the Malays of Malaysia.
I believe that if we blame the current status quo to the non-perseverance trait of Pinoys it’s not so much the ease with which many of us give up but the great apathy.
We cannot compare Pinas and Japan on that score. Japan has a long history of martial discipline, a civilization that’s nurtured by hundreds of years of honour and obedience.
We are a tribalistic people. I’m a great believer that our 4 centuries of colonization by Spain confused us more than educated us.
Funny, Anna, but I learned to develop perseverance when I came to settle here, but then, I must have it in me, for my father actually talked a lot about long suffering, and never give up when I was a kid. In fact, it was from him that I learned that “Perseverance is genius in disguise.” onditioned to think that
In other words, Filipinos can be like the Japanese if they want to, but the problem is they are not encouraged to be what they can be but are told that they cannot.
As for the Spaniards, Rizal in fact complained about the general illiteracy during the Spanish administration of the Philippines. In fact, compulsory education was what he was advocating for.
The Spaniards in fact encouraged regionalism among Filipinos so they could not unite and rebel against them. The Americans likewise did the same, I guess.
May post dati dito pagkatapos ng operation ni Ipdyi.
“He saw the light.”
Baka naman ilaw ng silid niya sa St. Luke’s yung nakita niya. Could be Philips or G.E or Chang Wai lighting fixture? Made in China.
Ang nasa isip ko naman kung bakit napunta sa China si Gloria noong Abril para mag-witness sa pirmahan ay mayroon pang ibang pakay. Kailangan nila sigurong dalhin ang “pera” na galing sa China sa pamamagitan ng private plane ni Arroyo! Di ba money laundering iyon?
Sinabi na nga kasi, obsolete na yang broad band pero bakit itinuloy pa rin ang ZTE deal, kasi nga dahil sa laki ng kurakot nila dito, inaprobahan ni glueria ang kontrata, ibig sabihin siya at ang asawa niyang si Mike ang mastermind dito… bakit ba itong si joey boy venecia e nagpapaligoy ligoy pa,,, sabihin mo na kasi na si glueria at mike ang mastermind,,, tutal wala ka namang parte diyan, ituro mo na,, huwag kang gumaya sa tatay mong malapad ang tenga at nagtatago sa saya ni glueria, bwahahahahahaahaha, buset…
instead of referring the broadband deal as a $329 Million dollar scam/deal, dapat P15.5 Billion ZTE deal ang itawag dito, to show how BIG a scam this is.
GMA – sa GABI ay MAGNANAKAW si ARROYO.
tunay na tunay! kahit araw!
P15.5 Billion ZTE deal plus 3% interest. The scam is sky high.
Beware of Wack Wack Mafia. Delikado!
The Philippine Star columnist Jarius Bondoc on Tuesday accused Chairman Benjamin Abalos Sr. of the Commission on Elections (COMELEC) of threatening to kill him after he exposed a ranking poll official had received lavish gifts from grateful officials of China’s ZTE Corp. for allegedly brokering the national broadband network (NBN) deal.
abs-cbnnews.com/storypage.aspx?StoryId=92961
DKG,
Di ko ma-access yung ni-link mo na page. Baka nacensored na ng abs-cbn.
Hindi lang sa gabi magnanakaw. Araw, tanghali, gabi at madaling araw, si Gloria ay magnanakaw! Buong pagkatao ( o pagkahayop)niya ay bahid ng kasamaan!
Let’s support and protect journalist Jarius Bondoc especially now that his life is being threatened.
Malacanang belongs to the people and its occupants are transients – just passing through whose place at the leadership of the nation is a privilege given to them by the citizens of this nation. The present occupants have worn out their welcome – not only are they messy house guests, they have stolen many items from their hosts. They should preserve whatever is left of their dignity by voluntarily moving out – instead of being evicted like two previous occupants.