Skip to content

Lalong na-praning

Tanggap na yata ng Malacañang na mahirap nila maharang ang pagbubukas ng imbestigasyon ng Hello Garci sa Senado.

Anim na senador na na sumama sa mga bata ni Gloria Arroyo para maluluko si Manny Villar bilagn Senate president ay boboto para itutuloy ang pagbubukas ulit ng Hello Garci. Kasama pa si Villar.

Sa botohan mamayang hapon, inaasahan na magkakasama sina Ping Lacson, Nene Pimentel, Mar Roxas, Pong Biazon, Loren Legarda, Jamby Madrigal, Noynoy Aquino, Villar, Chiz Escudero, Allan Cayetano, Pia Cayetano, Jinggoy Estrada, Kiko Pangilinan.
Sayang nga na hindi makakasali si Sen. Antonio Trillanes sa imbestigasyon na ito na sangkot siya dahil sinabi ng a ni T/Sgt Vidal Doble kasama siya sa pina-wiretap ng Intelligence Service nf AFP.

Nakaka-imbyerna talaga ang desisyon ni Judge Pimentel na binale-wala ang kagustuhan ng 11 million na Filipino silbihan sila ni Trillanes sa Senado.

Ngunit balik tayo sa Hello Garci.

Dahil nga hindi na maharang ang imbestigasyon, kunyari sumisirko si Sen. Juan Ponce-Enrile. Payag raw siya na buksan ulit ang Hello Garci sa isang kundisyon: hindi patugtugin ang Hello Garci tape dahil ilegal raw ang pagka-kuha kaya malintikan raw sila kung gagamitin nila yun.

Halata namang pinu-protektahan pa rin niya si Gloria Arroyo.

Sabi nga ni Pimentel, napatugtug na yang Hello Garci sa House of Representatives noong isang taon. Dahil nga sa ilegal yun, kaya imbestigahan. Sino ba ang nag-utos? Takot ba si Enrile na ma-trace sa matataas na opisyal ng military na mga bata ni Gloria Arroyo? Takot ba si Enrile na baka umabot sa Malacañang ang responsibilidad?

Bakit ayaw ng Malacañang patugtugin ulit? Takot ba sila na maala-ala ng taumbayan kung paano sila inuperasyon ni Gloria Arroyo at ni Commissioner Virgilo Garcillano?

Punong-puno na ang mga tao sa garapalan na kurakutan at pambabastos ng batas. Ngayon maala-la nila na hidi nila binuto itong naka-upo sa Malacañang at nagre-reyna reynahan dito sa banasa.

Praning na praning ngayon sina Arroyo dahil sa nangyayari sa Mindanao. Alam nilang low morale ang mga Marines.

Inaasahan na lalabas ang desisyon ng Sandiganbayan tungkol sa plunder case ni dating Pangulong Estrada. Siyempre naman hindi maaring magdesisyon ang Sandiganbayan ng “Not Guilty” dahil kung mangyayari yun, bakit natanggal siya. At bakit nakaupo ang isang mandaraya? Titindi lalo ang isyu ng Hello Garci.

Destabilizing raw ang Hello Garci, sabi ni Presidential legal Counsel Sergio Apostol. Ano naman ngayon kung ma-destabilize si Gloria Arroyo? Ganoong talaga kapag ilegal ang kapangyarihan.

Published inWeb Links

83 Comments

  1. goji goji

    If you have read former Senator Francisco Tatad’s opinion on the subject, you would agree that he raised some valid points.
    Gloria Arroyo cannot be investigated unless the House initiates an impeachment proceeding. Investigating the wiretap is a prelude to unmasking Arroyo’s crime to solve this issue once and for all. But legally, this is not possible unless she’s impeached. So, let’s not be too sure about the success of this re-opening in the Senate. Palace defenders are experts in law and constitution. We cannot belittle the legal capabilities of these Miriam Santiago, Enrile and Joker.
    Malacanang has in its payroll among the best lawyers and politicians in the land. But with people uniting as one in finally closing this dark chapter of our history backed up by the patriotic military, it is still possible. And prayers do help…let’s all pray.

  2. Diego K. Guerrero Diego K. Guerrero

    What constitutional crisis? Gloria Arroyo is a bogus president. She has no mandate. Kit Tatad is confused like a baby. There’s big difference between elected and not elected president of the republic. Hello Garci political scam and its subsequent cover-up ops is an act of treachery against the Filipino people. Matagal na nilang binababoy ang Saligang Batas.

  3. goji goji

    Diego, I’m 100% with you in the desire to remove this evil woman. But, we’re constrained by some legal technicalities. For one thing, Arroyo’s presidency was affirmed by Davide’s SC. SC being the highest court of the land is something legal experts find very hard to overturn. We all know that Arroyo is a bogus president; but she and her groups believe on the contrary. To resolve this issue once and for all is to re-open the Garci tape and that’s what Lacson and his group are doing exactly right now. But before he could successfully do this, an impeachment must be filed again to investigate Arroyo. It’s quite frustrating but sometimes those guilty get away while the innocent is made to suffer.

  4. we-will-never-learn we-will-never-learn

    Whilst I appreciate the legal capabilities of Miriam Santiago, Enrile and Joker, there are many other excellent lawyers who believe in Truth & Justice and are prepared to uphold the Truth so that it prevails, not only as their oath of office but as their lifestyle.

  5. we-will-never-learn we-will-never-learn

    goji:
    I remember you here as NPonggo and glad you are back because you can have interesting observations. But like before
    you’re like a dog with a bone, you won’t let go even though your flogging a dead horse.

  6. Diego K. Guerrero Diego K. Guerrero

    Forget about impeachment. One option to overcome legal technicalities is extra constitutional means like Gloria and General Reyes did in 2001 power grab. Balimbing lawyers cannot be trusted at all.

  7. goji goji

    WWNL: I don’t know why people believe Npongco and me are one and the same person. Am I to take it as a compliment? There might be some similarities but it doesn’t mean I’m the same person. However, I appreciate your taking a more understanding stand and not jump into conclusion that I’m here to destroy the blog. I just can’t tolerate someone accusing me of stalking her when she’s the one committing this act. What disappoints me more is the fact that the one who is supposed to take a neutral position often ends up on one side.
    I posed the question on another thread asking if this blog is ready to risk its reputation on a blogger who is not the holiest as she thinks she is. Quite often, people make the mistake of putting more value on personal relationship than on someone who has lots to contribute to the blog and share the same aspiration as the rest. How many talented bloggers were compelled to leave just to please one big mouth blogger? This has to stop. Many like you have no other desire but to remove this evil women in Malacanang and this will not materialize if some bloggers have the tendecy to conspire to bring down another blogger.

  8. goji goji

    Extra constitutional means? Well, that’s the only thing that’s workable at this time given the powerful control of this evil woman over our military and courts. Once she is ousted, all is needed is for a friendlier Supreme Court to stamp it and presto, the rest would become history. It happened so why can’t it be done again. There must be someone, a rallying point, to accomplish this. I mentioned Susan Roces, but that influential blogger argued that Susan is not a political figure as if to say that only a politician can do it.

  9. we-will-never-learn we-will-never-learn

    Diego K. Guerrero Says: August 28th, 2007 at 4:12 am

    Forget about impeachment.

    Diego your right because she’s not too worried about the Garci tapes, she’s more worried about the Marine Corps. and so she should be. Marine Corps. and Garci/Doble together are problems that wont ever go away.

  10. rose rose

    Goji: I do agree with you that we have a lot of legal experts and politicians..but in matters of truth and justice is there any one better than God who teaches truth and justice at all times? And like you and with you I pray that the truth will set us free. It is really tragic, that in the Phil. many justices in the supreme court or lower courts do not seem to remember (lapse of memory perhaps? as some of them are a bit old and perhaps a bit senile because of illness) that Lady Justice when equal scales she holds is blind. My father told me this since I was in grade school and up to this day and I am now retired take this as a “gospel” of truth because my father told me so. And just as God is our Father He will set us free..with the truth and in His time. And incidentally, was Davide’s appointment as Supreme ever confirmed? He now sits at the UN, was this appointment also confirmed. The sad reality in our politics particularly in this administration is..maraming acting..si Erap ay isang artista, si FJP ay artista..pero they had real love and deep concern for the people of the Phil. hindi acting- tunay ang pagmamahal but this one? Is not for real.. hindi lang acting but tunay na peke not duly elected. Ang lungkot hindi ba? Again you are right we need to pray as one..and since you have started (I suppose) we will join you so we can be one nation, one people united..BTW, my father’s last words after he and my mother prayed the “Our Father” was “more things are wrought by prayers than this world dreams of”. I believe him, tatay ko siya, prayer is the best answer to our problems. And as a catholic, I ask for the intercession of the Blessed Mother, just as my mother always interceded for me with my father.

  11. rose rose

    Goji: sorry I got carried away. I grew up kasi listening and following up senators like Diokno, Rodrigo, Tolentino,
    Manglapus, Paredes (whose grandson is Ducky?) and the llkes..wala kaming Angara, Enrile, Santiago, it is kind of hard for me to understand the rationale of these three..

  12. rose rose

    goji: do you really think we can have a friendlier Supreme Court even after she is ousted (which is indeed the answer to our prayers)? Many of the justices were appointed by her, hindi ba? may utang na loob sa kanya kaya medio hindi equal ang timbang..Kung mangyari na mapaalis siya..kasama ba siraulo? how about Esperon? Oust her and she takes all? Sana nga.

  13. goji goji

    Hi Rose, thanks for your input. Gone are the Dioknos, Tanadas, Puyats, Rodrigos, Tolentinos. Tolentino was in fact the best constitutionalist better than this mentally challenged Miriam.

    Speaking of Kits Tatad, I don’t blame this guy. He’s hurting inside. He felt very bad for not being included in the GO ticket. I think he was among the most loyal Estrada followers and a full-blooded opposition member. I think he would have made it if he was in the team. Unlike his colleagues Soto and Oreta, Tatad never for one moment thought of jumping to the other side. I suggest that he runs again in 2010 and he has a good chance of winning. For one thing, he’s backed by the powerful Opus Dei.

  14. rose rose

    Goji: You mentioned Opus Dei..are they politically involved like the El Shaddai? They could really be powerful..and financially loaded. I have attended a few El Shaddai meetings here in JC (they are quite a big group and their appeal is on the ordinary Filipinos) but they could be a bit controlling. Kasi ang JC is where many Filipinos live who work in NYC. Mas mura ang rent dito. Karamihan if not all members of El Shaddai are Filipinos. The Opus Dei is a big community in NYC and karamihan mga puti. There are a few Filipinos. I have also attended their functions..and I find a big difference in the attendees. They could be controlling too..kaya in both I am not comfortable..Mabalik ako kay Tatad..was he not an Executive Secretary of a President before?

  15. rose rose

    Goji: Fr. Bernas in his column today wrote about the EO464.
    He is also an expert on constitution hindi ba. Kaya lang hindi ko alam ang constitution ngayon..what we took up in HS was the 1939. The impression I get is the court has a say on whether a military, or anyone can be called in an investigation..I have to read it again..

  16. luzviminda luzviminda

    DKG says:
    “Forget about impeachment. One option to overcome legal technicalities is extra constitutional means like Gloria and General Reyes did in 2001 power grab.”

    DKG,

    I totally agree with you. What is needed to remove this fake administration is only by extra constitutional means. In this way we can do away with and correct all the wrong decisions made by the Supreme Court. Also the easiest way to punish the people who made mockery of our laws. But this time is not power grab, but giving back the power to the people whom it really belongs.

  17. gokusen gokusen

    di ba sabi 2 reasons para manalo ang isang kaso, kung di kaya sa legalities daanin sa technicalities…so kung marami man na nasa payroll ng malakanyang na magagaling na abogado no doubt about it..kahit kanila na buong IBP natin, at supreme court natin kahit papano may butas pa rin para malaman ng tao ang “totoo”

  18. Valdemar Valdemar

    So we are now a majority for the only alternative. Whers my horse!

  19. Goji, why can’t you just confine your comments to issues?
    Or are you here just to stalk on a blogger? You have done that when you were NPonggo.

    I don’t mind that you are back under another name but will you please stop your obsession over Yuko? It’s annoying.

    Please don’t test my patience.

  20. TonGuE-tWisTeD TonGuE-tWisTeD

    Or mine.

  21. TonGuE-tWisTeD TonGuE-tWisTeD

    I wrote to goji in the preceding thread about disrupting the mood of the thread and engaging in petty whining and constant provocation. I decided against pushing the “Submit Comment” button though. But going through all the recent threads, it’s been the same whining and provoking all throughout.

    I can entertain a few snide remarks here and a swipe there, but when it becomes a blogger’s obsession to hit on another on a regular basis, the right thing to do is to call attention, and if unheeded, we all know what Ellen’s got to do to preserve the orderly flow of ideas.

    We’ve been patient enough.

  22. florry florry

    The guardians of elections are cheats; the key-holder of the treasury are thieves; the top officials of the military are kids inside adult bodies; and the one who tops them all is a devil incarnate; what should the people do to extricate themselves from such a situation? For her to step down on her own volition is out of the question; through legal and constitutional means is impossible due to her unggoys in congress; and so if in seeking reforms and changes can not be attained through peaceful and legal means, maybe we can follow a path outside the constitution, and by using force may not be after all a worst possible solution if that‘s the only alternative to bring back decency and sanity in this country.

  23. chi chi

    Destabilizing daw ang Hello Garci para kay Gloria, sabi ni Apostol.

    Only a legal president deserves to be destabilized!

  24. Destabilizing kay Gloria, siguro, pero siya ang nagde-destabilize ng Pilipinas! Ang linaw-linaw naman sa totoo lang.

    Ang iyong sinasabi naman ni FVR na political divisiveness, kasalanan niya. Sila ang nag-umpisa niyan noon pa! Buti nga ngayon, halos over 90% nang united ang mga pilipino na naniniwalang dapat nang sibakin si unano! Kaya nanginginig na ang mga boyfriends niya sa AFP.

    Iyong mga pinagdududahang destabilizer yata sa AFP, pinapakatay sa mga kasabwat nilang baka nagpre-pretend pang moro. Kung anu-ano pa kasing exotic name ang tinatawag. Hindi na lang sabihing mga tulisan!

    Patalsikin Na, Now Na!

  25. florry florry

    This will be the first test case for Villar and the rest of the opposition in the majority coalition. So far so good, mukhang OK , sama-sama at isa lang ang naging decision nila. As for Enrile, he is like a bamboo tree, just going and flying where the wind goes. He is a practitioner of politics for convenience. Mahirap na matanda na baka sumabit siya, marami rin siyang itinatago sa kaniyang closet. Alam niyang mahirap makalaban si Gloria at ang kaniyang esposo, lalo na at nandiyan pa si siraulo gunggongzales kaya sumasayaw na lang siya sa music nila.

  26. Huwag nang asahan si Villar. Gawin na ni Lacson ang kaya niya with those willing to support him. Mamamaya niyan pataasan pa ng ihi ang labas, at iyong nagluto siya pa ang walang makain!

    Iyong bobo sa justice department dapat sibakin na iyan. Dapat check-in kung saan nanggagaling ang pang-dialysis niyan. Baka marami na rin nakurakot iyan gaya ni Davide!

  27. Golberg Golberg

    “What we do in life, echoes in eternity.”

    Wahahahahahahahahahaha! Hehehehehehehehehehe! Hihihihihhihi!
    Hohohohohohohohohohohohohohohoho!

  28. AK-47 AK-47

    sana nga tuluyan ng mabaliw ang bruhang yan. nakakabwisit na talaga, isa rin itong sira ulo na chief justice nating raul gonzales.

  29. Tell you what, Cocoy, hindi ko sinabing lahat ng marinong amerikano ay rapists. Paki-intindi nga. And a lot of my relatives are in the US because they chose to be Americans even before the Philippines got its independence in 1946. It’s their reward for serving the US during WWII. At least, it was not something they got for nothing!

    Still, I won’t recommend that the Philippines become subservient to America. Iba na ang panahon ngayon. Hindi na alipin ang mga pilipino, DAPAT! They should demand for equality and co-prosperity, hindi iyong para silang palaging gustong magpa-alipin. Sabi nga, puede ba, kahit konting dignity. Huwag namang pakitang taeng-tae sa mga kano!

    You bet, I never liked to live in America. Home for your information is where the heart is, and mine is not in America.

    Yup, iba’t ibang tao ang dumayo sa America. Hindi naman ako mangmang sa totoo lang. Been there and had a culture shock there in the 60’s. Hindi mo siguro naabutan ang sobrang discrimination sa mga hindi puti.

    Suwerte na nga lang iyong mga late comers especially sa West Coast, CA in particular. Marami nang Asian, at saka maski pilipino, hindi na pa-ingles-ingles. Mas masahol pa nga ang hindi ipinanganak doon na meron mga hang-ups. Iyan ang dapat maalis sa totoo lang.

  30. Ooops, the above reply should be in the other loop!

  31. Mrivera Mrivera

    aba! lalong ako ang huwag ninyong susubukan?!

    kapag ako ang nagalit ay walang makapipigil sa akin sa …………….. paglulupasay sa gabukan!

    at walang makakapagpatahan sa akin kundi…………sorbestes na may ays krim!

  32. Mrivera Mrivera

    okey, gays let’s go bak tu da esyu.

  33. Mrivera Mrivera

    destabilizing gloria?

    talaga naman itong si apostol, oo!

    tulo na ang laway ay kayat pa ang utak sa tenga sa sobrang pagsisipsep sa amo niyang bruha!

    ay sino ga ang nanggugulo? sino ga ang kadaming ipinadukot na walang malay na tao? ala’y hindi baga’t kapag hindi pa sila nasiyahan, ey ipinapapatay pa nila, ah?

    aysus! ay ano gang mga katwiran meron areng mga nasa gabinete ng buwiset na babae?

  34. Mike Uliling Mike Uliling

    Anong constitutional crisis ang pinagsasabi ng iba tulad ni Kit Tatad. Bakit, nung si Pangulong Erap ba ay tinanggal nila sa Malakanyang, may nasunod bang constitution? Kailan bang may sinunod na batas ang mga squatter ng Malakanyang? Ever since, di naman sila legal. Kaya dapat lang na magkagulo gulo na at matanggal ang dapat na matanggal. Sana lang huwag nilang ispin na tumakas ng bansa. Huwag hayaang makatakas ang bansot na yan sampu ng kaniyang mga demonyong kamag anak at heneral.

  35. AK-47 AK-47

    mrivera,
    sarap naman yang sorbetes mo na may ice cream ! pwede ba ako mag request? padalhan mo ako, ibagahe mo nalang!

  36. Mrivera Mrivera

    ak-47,

    ano gusto mo, fried ice cream o plain in cone?

  37. Mrivera Mrivera

    mike,

    praning na nga sila. ano ba ang palaging naririnig sa mga ipokrito? sa mga sobrang talino? sa mga ganid sa kapangyarihan? lalo’t higit sa mga tagapagtanggol ng mang-aagaw, sinungaling, mandaraya, magnanakaw, pikon, asal bata at …. kah… kah… kah…kah….. hano pha hang mahaharih nhathing hithawhag sha khanyah!!

    haaaay! nakakapagod na wala na talagang masabing maganda para sa mga hidhid na nasa bahay na bato sa tabing ilog na nabubulok!

  38. gokusen gokusen

    MRivera and kuya Iking…

    penge naman din ako ng ice cream na may sorbetes..yung upside down … mainit eh…palamig muna tayo…!

    flash news…

    si joma sison nahuli na !

  39. gokusen gokusen

    Cocoy,

    di ba may tinatawag na legal ethics…applicable ba yun kay Gonzales..lawyer siya right? o kasi may immunity sila? di ko kasi masyado alam yung applicable ng immunity sa government eh!

  40. AK-47 AK-47

    gokusen,
    tama yan, mag sorbetes ka muna isama mo si goji para malamigan naman ang katawan ! hahahahaha…

  41. gokusen gokusen

    Ak-47,

    oo nga..ewan ko ba sa kapatid nating ito…init ulo..pede ba ko mag-rekwes kapag dumating na yung time na magkakaroon ng victory party…magkaroon ng tayo ng ng muse at escort..si goji at si yuko para naman magkasundo tong dalawang ito…madevelop maging “colored” at ng sumaya paligid! Ayaw magpadaigan eh..pag humirit yung isa..hihirit din yung isa, isa pa lang nasasabi yung isa 5 na..kaya di magkaintindihan eh..mabuti pa mag eyeball na lang sila..kitamo tatawa na lang sila sa isa’t-isa…
    goji and yuko..peace ha…magkasundo na kayo tsk..tsk…magpatawaran na ba para enjoy tayong lahat..matatalo tayo niyan pag di tayo solid…tao lang…! sensya na!

  42. AK-47 AK-47

    gokusen,
    kaya nga nagbabasa nalang ako sa mga lambingan nyong lahat eh ! hahahha… kaya natatawa nalang ako dahil parang mga bata tuloy! sympre lahat naman tayo nasasaktan di ba? palagay ko pag nag “peace” na sila yuko at goji malamang magkakaroon ng “party” sa ellenville!

    gokusen, ikaw ang “peace negotiator” ha?

  43. luzviminda luzviminda

    gokusen, Ak-47,

    Oo nga. Dapat mag-ceasefire na suna goji at Yuko. Minsan tuloy nawawala na issue at nagiging personal attacks na on the blogger. But in fairness to Ystakei, ang tinutukoy naman niyang ‘dugong-aso’ eh si Gloria. Kung di naman apektado yung reader eh huwag na lang pansinin… Goji, I like reading your comments kaya lang malimit nahahaluan ng personal attack kaya minsan nakakawalang ganang basahin nawawal ang sense. Peace!

  44. luzviminda luzviminda

    Hindi pa kasi kilala ni goji si Yuko na talagang medyo masimpatiya sa mga Hapon. Andun kasi yung maraming experiences niya. Tulad din ng ibang tao, kung ano yung mga experiences mo yung ang usually nakukuwento. Pwede naman di basahin kung hindi interesado. Bast wala lang personal attacks on the blogger as much as possible. Si Gloria Impakta na lang ang atakahin ng husto!

  45. Mrivera Mrivera

    ayaw bang tumigil?

    o, sige. eto unahang makatapak sa guhit. walang dayaan, hane?

    o kung ayaw pa rin, eto. kung sino ang unang makapagpahid ng sipon sa damit ng kalaban siyang panalo. walang takbuhan.

  46. Mrivera Mrivera

    Edsa III repeat possible — general

    ‘Worst-case scenario’ seen as result of Erap plunder verdict

    http://www.tribune.net.ph/headlines/20070828hed1.html

    ‘yan ang napapala ng pagiging sobrang salaula sa katawan. palibhasa ay pareparehong tadtad ng buni sa katawan kaya munting kibot ay hindi mapakali sa kating nararamdaman.

    ganyan din kapag merong mga kalansay na itinatago sa loob ng baul, kaluskos ng sariling paa ay ikinagugulantang at pati anino ay parang multong kinatatakutan!

    ano kaya’t sabay sabay ang buong alyaduhang mga garapal nina gloria na biglang bumula ang mga bibig habang nangangingisay sa paghihingalo?

  47. gokusen gokusen

    Mrivera,

    drama sa Manila..may mga checkpoint dahil papa Manila daw ang mga Abu…tapos 6,000 pulis ikakalat para daw dun sa promulgation…anak ng kamote oo lahat na lang ng lugar terorismo…andun na rin terorista matagal na sa malakanyang..

  48. paquito paquito

    alam na ng lahat na mandaraya si gloria,magnanakaw etc etc–kailangan lang sa bayang ito ay patunayan..yon ang mahirap! kaya dapat lumabas na tayo lahat para sipain ang demonyo sa malakanyang

  49. purple purple

    Hindi parin pala nawawalan ng mga utak ipis dito! Naging mutant pa!!!!
    Ellen, dapat gawing simultaneous ang pag-play sa lahat ng radio para buong Pinas marinig uli ang “Helo” ni pandak!Radio lang ang pag-asa ng mga dukha sa bundok, kasi nga dahil sa puro kaswapangang pag-uugali lang ang alam ng mga trapo, puro bulsa nila.
    Kaya ayan, “Hello, bakit kasi hindi ka nag-iingat garci. katangahan mo talaga..buti na lang at may linta kaming naipalit sa yo!….”

  50. goji goji

    Purple, as we speak there’s a report that administration senators led by Joker and Miriam are delaying the Garci investigation. Miriam even threatens to elevate the issue to the Supreme Court. Surprisingly, Senate President Villar is holding his ground and is not intimidated.

  51. BOB BOB

    Si Manong Enrile talagang ganyan ang ugali niyan, mahalaga sa kanya ang kanyang pera at ari-arian, Pinoprotektuhan niya , si Miriam naman , tatawagin bang BRENDA iyan kung hindi talagan brain damage na yan…kaya di nakakapagtaka na kung sino nakapwesto andoon sila…

  52. goji goji

    I agree Bob. The problem with Enrile is where’s he going to bring all his wealth and assets when he dies? He’s long been divorced and his two children, Jackie and Katrina are on their own. Enrile is very old. Let’s see what his greed would make of him in hell. Miriam herself admitted that she’s suffering from severe depression and on medication. With such a mental state of mind and condition, how can she perform in the Senate? Thanks God she’s not elected as President. If she’s our President, she would declare war on China and other countries. Miriam and Gloria make a good team, though.

  53. Sorry, Gokusen, pero hindi ako nakikipagbiruan. Ayokong matapat sa isang siraulo!

  54. Ang tamang salita, hindi ako pumapatol sa sira. Stalking iyan kahit saan ako pumunta, at palit pa ng palit ng pangalan. Duda ko alias noong anak iyan, both babae at lalaki. Ang masama, maraming egroup ng mga pilipino ang nasisira dahil sa taong ito na nagpapanggap na anti-GMA. Ilan beses na na-ban kung saan-saan.

    Remember, stalking is a crime. Cyberspace stalking pinag-aaralan pa lang kung papaano susupilin, and reason why I am in a program dito sa Japan to monitor stalkers sa internet connection ko. Problema ko I don’t have Ellen’s password and I don’t want to ask for it for more effective monitoring ng blog niya.

    Kayang-kaya ng ISAF na i-monitor si Ellen dahil kontrolado ng Philippine government ang linya sa Pilipinas. Hindi sakop iyan ng Japan. Otherwise, espionage na iyan. Wala na ako diyan as I hate being part of any secret combination na trabaho ng demonyo! It is one reason why I blog in my real name. Ayokong manloko!

  55. Luzviminda:

    Hindi ko binabasa ang stalker na ito. Siya ang nanggugulo sa akin as per warning from Ellen. Pirming nakasunod sa mga posts ko pero hindi ko binabasa, and I answer only those I read if you notice.

    Kilala ko ang taong iyan. Many years ago nakasama ko iyan sa isang forum for Filipinos based in the US. Ang daming aliyas niyan na akala ko iba’t ibang tao siya pala lang. I was told by the webmaster about it as a matter of fact. Nasara tuloy iyong forum dahil sa kaniya dahil labo-labo ang nangyari.

    On the other hand, marami akong naging kaibigan doon and together we have been doing this and that advocacy. Iyong iba peke, pero maraming tunay. May nagagawa kahit papaano.

    Sabi nga ni Ellen, huwag nang pansinin. Kundi ba naman bakla at may sakit sa ulo bakit ba buntot ng buntot sa posts ko. Nothing personal really, wala akong tiyaga sa mga sira ang ulo!

    OK, tuloy ang batikos sa amo niyan at palpak na palakad ng mga ungas!

  56. BTW, ingat kayo when you are really anti-GMA. Don’t make the mistake of exchanging private notes with this guy or should I say these guys?

    Papadalhan kayo niyan ng viruses, bugs and worms. Ganyan ang nangyari doon sa mga kasama namin doon sa forum na nawala. Muntik na rin akong mabiktima, pero OK lang kasi natoto ako ng husto ng paglalagay ng mga anti-virus, anti-spyware, etc. sa PC ko. Diyan nauubos ang allowance ko sa mga software and courses on computing, etc.

    Ingat!

  57. AK-47:

    Anong peace ang sinasabi mo, e hindi naman tao ang kausap ninyo! 😛 Internet Brigade iyan. Marami sila based in the US, Manila and Australia.

    Nag-attempt magkaroon ng base sa Japan, hindi nagtagumpay kaya nag-alsa balutan sila. I am told that the main office now is in Manila and the Japan operation transferred to Sydney. Ang pinaka-amo, iyong matabang mama.

    Taga media ang informer ko as a matter of fact. Huwag kakagat doon sa isa pang resurrected na alias.

  58. meksens meksens

    purple:

    “Radio lang ang pag-asa ng mga dukha sa bundok…”
    ***
    Salamat purple, binigyan mo ako ng idea! Pwede kaya na yung mga kababayan nating tagapakinig ng radio na walang access sa internet ay mabahaginan ng ating mga radio anchors ng mga samot saring web logs dito sa Ellenville?

    Sa mga legal experts, pwede po kaya ito? Paki sagot lang po.

  59. chi chi

    Hmmnn, magandang idea, meksens.

    Sana ay merong taga-radyo na progressive na maka-pick up ng iyong tinuran.

  60. goji goji

    Radio used to be and still a very effective way of communication and news broadcast. If you remember, Radio Veritas was very instrumental in calling for people to go out in the streets to protest against Marcos. But the key was still the late Cardinal Sin who led that call. He was the rallying point that led to the ouster of Marcos. Today, I believe that’s the only missing factor in ousting Arroyo. Since Arroyo is 100 times worse than Marcos, why is there no another Cardinal Sin or Cory?

  61. Chi:

    Kahit na meron nang Internet, iyong bayaw ko nagha-hum pa rin. I wonder kung pareho iyan ng ginagamit noong WWII na mga radio na hanggang UK nakukuha sa France.

    Maraming available ngayon sa Costco, etc. na mga survival kit that includes a radio na nakakapick up ng long distance airwaves. Huwag iyong mga made in China. Isang araw lang sira na. Wala akong nakitang “Made in the US” when I was there. Humahanap ako ng “Made in Japan” o “Made in Germany” dahil garantisado ang quality. Kapag nakahanap ako, ibibili rin kita.

  62. Mutant, Purple? Matagal na. Marami na silang nag-mutate sa totoo lang! Pero huwag na lang pansinin kahit na dahil sa may bayad siguro, hindi naman titigil unless na i-ban nang tuluyan ni Ellen. Tuloy ang batikos sa unano and company!

  63. Diego K. Guerrero Diego K. Guerrero

    Re: why is there no another Cardinal Sin or Cory?

    Masyadong kang bilib kina Tita Cory at yumaong Cardinal Sin. Kahit magdamag silang magsdasal at mag-rally. Kung wala ang military -police at Uncle Sam hindi sana naging tagumpay ang Edsa 1 ant Edsa Dos. Noon May 1, 2001-Malacanang siege , higit na 300,000 Erap supporters ay walang nagawang patalsikin si Gloria Arroyo dahil ayaw kumampi ang militar-police sa grupo nila Juan Ponce Enrile at Miriam Defensor-Santiago.

  64. DKG: Kung wala ang military -police at Uncle Sam hindi sana naging tagumpay ang Edsa 1 ant Edsa Dos.

    *****

    Sinabi mo pa. Totoo iyong involvement ng America sa EDSA 1 dahil mismong si Marcos sinabi iyan. Nagalit ang America sa kaniya dahil ayaw niyang pa-under ng husto sa mga kano sa totoo lang.

    Iyong EDSA 2, bystander lang ang US. Walang pakialam. OK, ayaw nila si Erap dahil alam nilang pro-Marcos, but I don’t think talagang gusto nila si unano. Kung makikinabang sila sa EDSA 2, OK lang ang attitude. Walang full participation ng kano iyan sabi ng isang kano sa simbahan namin na dating CIA.

    They needed the Philippines, on the other hand, dahil may balak na sa Iraq bago pa umupo si Dubya. Pero I doubt na nag-i-enjoy sila sa mga monetary demands ni unano na madada kaya imbes na hindi bulgar ang paggamit ng Mactan, etc. sa Pilipinas para sa tropa sa Iraq, nabisto tuloy.

    Huwag nang mag-ilusyon na pirming tutulong ang mga kano sa mga piipino na tinatawag nilang “White Man’s Burden” na mas masahol pa doon sa “Tail-less monkeys of Zamboanga” lalo na ngayong kapus na rin sila. Kaya nga ang sipag maningil ng tax ang IRS at mga francise boards sa Tate.

  65. Ang dapat na itanong, magkano ang ibinayad kay Sin ng mga kano for his participation in EDSA 1, huwag na iyong 2?

    Ang laki ng nakurakot ng paring iyan balita ko. Doon nga sa kidnapping ng isang Japanese executive ng mga NPA, nakakuha din ng balato sabi na rin ng mga na-interview ng Japanese media na mga kasangkot. Na-translate ko ang interview sa Japanese kaya alam ko. Kasangkot pa nga iyong Japanese Red Army. Meron din daw taga si Cory sa totoo lang!

  66. martina martina

    Kung ano ang apilyido, iyon siguro ang kanyang naging buhay. Hindi ba si Obispo (ba?) Villegas ay kanang kamay ni Cardinal Sin nuon, baka natuto sa huli? Magkano rin kaya ang ibinayad sa kanya nuong i-rescue (kuno) niya si Doble nuong unang lumabas ang Hello Garci issue? Tanong lang po, hindi kailangang may sumagot.

  67. gokusen gokusen

    purple, chi, yuko,

    sa amin maraming “radio” kaso ang “frequency” naagaw din..kasi yun lang ang alternative lalo na dun sa mga di maabot ng network, pero di naman kaya ng majority, ilan-ilan lang ang meron…kung sa mga am/fm radio naman eh sus kontrolado rin ng government radio station…wala rin…puro side ng government ang maririnig mo….kung may magtatayo ng cellsite sa gitna ng mga bundok ingat lang dahil kalaban naman ang mga abu…waah….grrrrrr!

  68. gokusen gokusen

    SAbi ng mga “puti”..scratch my back and i’ll scratch yours”..kaso tamad ang puti naka isang scratch lang..eto namang pinoy pudpod na daliri sa kaka-scratch sa likod na malapad kapalit lang dun sa isang naunang scratch ng puti…!
    katulad na lang yung kay smith kunwari magtitigas-tigasan ang pinas, nung biglang pinaalis ang mga sundalo at iabort ang project dun..hala naloka-loka na di na alam gagawin kaya kahit fiesta opisyal mega alis ng kulungan si smith..pano natakot dun sa pag-alis…eh kung alisin big deal ba yun? eh sila nga may kailangan sa lupa natin? Babalikin din yun! Dahil andun yung mga indonesian at malaysian na pinaghahanap nila…!

  69. gokusen gokusen

    diego..
    i second the motion…malaking advantage kasi pag nasa side mo ang militar eh…

  70. Gokusen:

    Iyong kausap kong kano na nag-balikatan sa Pilipinas, ang sabi sa akin ng loko wala raw silang tiwala sa mga pilipino kasi magnanakaw! Iyong mga baril nila pirming accounted for daw after a drill kasi baka ibulsa. Akala ng loko sarap na sarap akong nakikinig sa narrative niya. Hindi niya alam na gusto nang sumabog ang dibdib kong parang bulkan sa galit!

    Sabi pa sa akin ng ungas, “I love to be in the Philippines because, boy, how the Filipinos worship me!” “Like a god?” tanong ko. “You bet!,” sagot niya! Grrrrrrrr!

    Kandarapa daw pati mga sundalo kasi may dollar siya. Iyong nagdala ng mga toiletries ng mga kano, sabi ng kakilala ko pihado nabigyan ng tip kahit na one or two dollars lang. Malaki na raw iyon. Malaki pa doon sa sinasabing bonus na P150 na ipinagmamalaki ng unano!

  71. chi chi

    Kaya pinadala na lahat ni Gloria sa Mindanao ang mga sundalo ay para hindi siya ma-coup daw!

    Though already fed up with the political leadership, both houses included), the people are just waiting it up for Gloria to disappear. Nadala na pati sa mga simbahan. Hindi na sila kikilos pa para maunsyaming muli.

    Kaya ang coup ay manggagaling sa disgruntled soldiers. Pero wala sila sa Kamaynilaan dahil sa gera-gerahan na sadyang ginawa para sa kanila ni Gloria!

  72. gokusen gokusen

    yuko,

    tama ka…yun ganun nga sila! pare-parehong rank and file lang eh..nu ba pinagkaiba nun..pero feeling ng puting private eh colonel na siya kung mag-aasta! Di ko makalimutan yung isang “scenario” dun sa Jolo regional trial court..bumisita sila kasi magkakaroon ng awarding ceremony para sa reward dun sa mga kamoteng kuno eh yun ang nagturo kina janjalani..sus…i was personally saw how the american officers eh nagsisigaw dun at nagagalit sa mga pinoy na staff..isipin mo mga taga judiciary eh kung diktahan..yung naman isang pinoy na opisyales nakikisigaw din dun sa mga motorista..kainis…! Sa inis ko nilapitan ko yung isa dun..eh pano sila magkakaintindihan eh yung kinakausap niya at inuutusan di marunong mag-intindi ng english tapos magagalit yung matabang kamoteng opisyales na kano. sabi ko dun sa pinakamataas na staff…ano ba reklamo ng mga yan..feeling nila alipin kayo…?

  73. chi chi

    Kulang…

    Ibig lang sabihin ay kung sakaling makisama ang mga tao ay back-up lang sila, unlike the first Edsa when it’s the military that backed them up.

  74. gokusen gokusen

    di naman mga makaalis na walang mga nakapaligid na escort na mga sundalong pinoy…may mababait din naman at friendly..pero iba pa rin eh…nakakababa ng dignidad!

  75. gokusen gokusen

    Chi…

    mismo kailangan joint force..militar at civilian..!

  76. gokusen gokusen

    yung mga nasa pulitika..wait and see lang …pag alam nila na magtatagumpay oops makikita mo kanya-kanya silang paview dun..si jamby madrigal..i respect her kasi kahit siya nag-iisa pinapakita niya talaga..she never attended the sona ni gma..she is a fighter in her own ways! di tulad nung iba na gagaling bumalimbing..mga hunyango kung anong kulay ang madikitan yun din ang mga kulay nila! lalo na si apoh juan at si nana miriam…

  77. chi chi

    Tama, Gokusen. Magkasama sila, kung sino man ang may pakana o ulo ay kailangan ang katawan!

    Ang mga politikos, kung saan ang hangin ay doon sila. Hindi kasama dito si AT4 ha, hindi siya politiko, alam natin ang kanyang estorya.

  78. gokusen gokusen

    Chi,

    siempre iba si AT4…may movie yung “multiplicity” napanood mo yun? kung totoo lang yun maraming AT4 na maduduplicate..hehehe..kung ako ang fairy godmother ni AT4 bigyan ko siya ng 4powers..(1) invisible power para makalabas pasok siya sa Senate, (2)hypnotic potion para mahypnotize niya lahat ng nasa legislative at sumunod sa tama, (3) magic carpet para magamit niya para ilikas ang mga sundalong naiipit at pinapakain kay kamatayan, (3) saka yung bloody deadly poisonous eye..para lahat ng titigan niya na utak ni lucifer dudugo ang mga mata at mawawala sa mundo ng mga tao…kung napanood mo yung “hinobi” ay ganun lang ang mga tauhan niya hala ubos lahat ang kalaban..!

  79. Gokusen: i was personally saw how the american officers eh nagsisigaw dun at nagagalit sa mga pinoy na staff..isipin mo mga taga judiciary eh kung diktahan..yung naman isang pinoy na opisyales nakikisigaw din dun sa mga motorista..kainis…!

    *****

    Really? Ginagawa ng mga kanoto iyan sa Mindanao! Omigosh! Kaya pala sabi ng isang ungas sa akin, “I wish they would build another US military installation in the Philippines and I will be stationed there.” Kung sabagay iyon ngang isang pilipinong P. O. sa US Navy, ang palagay sa sarili niya mas mataas siya sa mga may rangko sa Philippine Navy!

    Dito iyan, hindi makahirit ang mga mokong sa mga hapon dahil hindi sila sinasanto dito, kahit noong mga pakawalang haponesa. Kaso ng mga kano ipinauubaya sa mga hapon sa totoo lang. Bakit hindi iyan magawa sa Pilipinas?

  80. AK-47 AK-47

    ystakei says:
    “AK-47:
    Anong peace ang sinasabi mo, e hindi naman tao ang kausap ninyo! ” (emotion laughing).

    yuko, mabuti binuntutan mo ng tawa! kundi ako naman ang magagalit sayo! hhahaha… ganyan, minsan tawa ka din! kahit na kulong kulo na ang dugo natin kay bruhang gloria !

  81. Nope, AK-47, abnormal iyong tatawa kang galit na galit ka. Contrasting emotions iyan. Madadali ka diyan. Mamaya-maya, nagsasalita na sa sarili. Candidate na para pumasok sa loob…ng isang mental hospital! 😛

    Unhealthy iyan sa totoo lang. Kung galit ka, ibuhos mo ang galit mo, mas maganda! Hindi dapat kipkipin iyan at sasabog ang utak! Mas mabuti huwag mong basahin ang mga nonsense na posts at mag-concentrate na sa issue na sinulat ni Ellen kung nagba-blog ka dito. Mas mabuting malaman ng mga sumisilip na politiko, spy, tuta ni Gloria Dorobo, et al ang damdamin ng mga pilipinong (citizens o may lahi lang) na kasali dito.

    Marami silang mapi-pick up sa mga bloggers na may experience sa ibang bansa ng tamang palakad ng pamahalaan. Huwag nang mainggit sa totoo lang.

  82. rose rose

    Brain damage na si Brenda?..did this happen before or after her election? Nadagdagan ata ang buang buang sa Iloilo. Kailan kaya mabawasan? Like 1 + 1= 2 and 2 – 2= 0; Dagdag bawas..

Comments are closed, but trackbacks and pingbacks are open.