Skip to content

Mana sa magulang

Like father, like son talaga itong mag-amang Mike at Mikey Arroyo.

Sabi ni Mikey Arroyo, congressman ng Pampanga, “Who, me? A smuggler?”

Sinabi ito ni Mikey noong isang araw dahil sa usap-usapan na kaya laganap ang smuggling ngayon dahil siya ang padrino ng mga smuggler. Kaya tuloy hirap na hirap ang Bureau of Customs makapag –meet ng kanilang target collection. Paano sagan ang smuggled goods.

Noong isang linggo, gumimik ang kanyang Nanay at inurder na sirain sa pamamgitan ng wrecker ang mga mamahaling kotse na smuggled. Lumabas mga hindi naman masyadong top-of-the line lang ang sinira. Hindi naman sinali ang mga Ferrari at Lamborghini.

Sinabi ni Sen. Ping Lacson na ang isa sa pinakamalaking smugglers sa Subic Naval base ay kasama sa pinakamalapit kay Gloria Arroyo.

Mas matindi ang sinabi ni Sen. Richard Gordon, dating chairman ng Subic Bay Metropolitan Authority. Sabi niyas ang isa sa mga smuggler ay “congressman” na “very,very close to the President.”

Dalawa ang anak ni Arroyo na congressman- si Mikey at si Dado. Ngunit si Mikey ang pumiyok. Sabi niya ginagamit lang daw ng ibang tao ang kanyang pangalan. Ilang beses na raw niyang sinabi na hulihin ang mga taong gumagamit ng kanyang pangalan sa ilegal na gawain.

Paano yung mga taong malapit sa kanya na nagpapasok ng mga kabayo, na siyang hilig niya. Bakit hindi niya ipahuli?

Noong nabasa ko ang kanyang linyang “Who, me, a smuggler?” , naala-ala ko amng kamnyang tatay ng tanungin noon ni Korina Sanchez sa mga usap-usapan na siya ay corrupt. Sagot ni Mike Arroyo, “Who, me, corrupt? Mayaman kami. We used to own the whole Marikina.” (Pag-aari namin dati ang buong Marikina.)

Para na ring sinabi niya na kapag mayaman, hindi maa-aring corrupt. Ang mahirap lang ang corrupt. Mata-pobre talaga.

Sila pala dati ang may-ari ng buong Marikina. Bakit naging “dati”?

Ang nakakalungkot at nakakagalit sa kurakutan na ginagawa ng mga Arroyo ay, inilukluk si GMA na president ng mga civil society kahit walang eleksyon noong Janaury 2001 dahil galit sila sa kurakutan noong panahon ni Estrada. Mas masahol pa pala itong ipinalit.

Sa survey na ginawa ng SWS sa Metro Manila,Bulacan, Cavite, Laguna at Rizal noong isang buwan, lumabas na 48 per cent ng mgas mamamayan ay naniniwala na corrupt si Erap. Seventy-eight (78) per cent naman ana naniniwalang corrupt si Gloria Arroyo at 81 per cent ang naniniwalang corrupt si Mike Arroyo.

Kung corrupt ang tingin ng tao sa nanay at tatay, ano naman kaya ang anak?

Published inWeb Links

81 Comments

  1. chi chi

    Ellen,

    E balitang balita sa amin na katabi lang ng Subic na si Mikey ang big time smuggler doon. Ginagamit ang kanyang pangalann pero sa kanya ‘yun. Siempre, kung merong mga hush-hush sa mga simpleng taga-barrio ay naniniwala ako dahil karamihan sa amin ay duon nagtatrabaho. My first cousin works there, sa loob mismo ng Subic at sabi niya ay hindi sekreto ang pangalang Mikey doon sa kanila. I believe her because she is my cousin.

  2. vic vic

    Just watch out for mikey “mouse” driving a lambo or a ferrari with different paint job and of course with “legal paper works”.. predictable..

  3. Diego K. Guerrero Diego K. Guerrero

    Why not smash Mikey’s kroko-head first? Anyways, luxury cars are innocent. Smuggling in the Philippines has resulted to about US$10 billion in revenue losses per year. The corrupt Arroyo government has not sent a single big time smuggler to jail. What do we expect from Mafia style-structure government?

    Alam ba ni Mrs. Itoh?

  4. Sabi nga hindi puedeng magbunga ng mangang matamis and maasim na santol. Manang-mana sa mga magulang, mukhang baboy!

    Iyong mga Toh (not Itoh, which is Japanese not Chinese), hindi ba balita ding mga smugglers dahil kabit ng mataba iyong kapatid? May litrato pa nga sa SFO Bay sakay ng ferry parang honeymooners!

  5. Diego K. Guerrero Diego K. Guerrero

    Kung ano ang itanim, iyon din ang aanihin.
    Pabalik-balik ang issue tungkol sa familyang dorobo Arroyo. Kapag sinabing smuggling may Victoria Toh at Mikey’s connection. Ano ba itoh? Umusok muli ang Hello Garci at smuggling.

    Part of sworn statement of Eugenio P. Mahusay executed on July 21, 2003 before his abduction led by Malacanang boy Mike Defensor.
    Ang karamihan po ng salapi ay akin pong naideposito o na-withdraw sa Union Bank-Perea Branch, sa Account No. 00-0073001483-6 na nakapangalan po kay Jose Pidal at ang signatory po ay si Atty. Jose Miguel Arroyo at sa Account No. 073-001283-9 na nakapangalan po sa Lualhati Foundation. Marami rin po akong naideposito sa Account No. 073-001820-9 sa pangalan po ni Victoria Toh at sa Account No. 073-001993-7 sa pangalan naman po ni Thomas Toh Jr. na kapatid ni Victoria Toh. Mayroon din po akong naideposito at nawithdraw na nagkakahalaga ng milyon-milyon sa bank account ni Kevin Tan. na bayaw ni Victoria Toh, sa Union Bank-Perea Branch, sa Account No. 073-001833-7 at sa International Exchange Bank, Perea-Legaspi Branch na may Account No. 041-02-0-001720 na naka pangalan rin kay Kelvin Tan. Lahat po ng nasabing bank account ay may address na c/o Vicky Toh, 8th Floor, LTA Bldg., Perea Street. Makati City, Si Victoria Toh ay naabutan ko na sa LTA Realty Inc. na gumawa ng trabaho ng accountant. Siya pala ay kalaguyo ni Atty. Jose Miguel Arroyo.

  6. rose rose

    Unless, hindi siya tunay na anak ni Mike Arroyo at ni Gloria Macapagal kanino pa magmana?..anak ba siya sa labas?
    Only Gloria can answer that. Adopted ba siya? Si Mike ba at si Gloria ang magulang niya? Kung sila nga, alangan naman magmana siya sa iba pa. But with all the cheatings, lying and all, what is one to believe?

  7. luzviminda luzviminda

    “Sila pala dati ang may-ari ng buong Marikina. Bakit naging “dati”?”

    Ate Ellen,

    Dati po ay may news item nuon at nagkakaso pa na may umaangkin na angkan ng mga Tuazon sa parte ng Rizal. Baka ito yung sinasabi ni Mike Pidal na pag-aari nila. Dahil malaki ang Rizal nuon at hindi pa hati-hati gaya ngayon. Pero lumabas yata na yung mga titulo na iprinesenta ay mga PEKE! Mga mandarambong at mandaraya talaga ang angkan ng mga Tuazon-Pidal-Arroyo! Mayaman daw! Galing sa NAKAW!

  8. gokusen gokusen

    Kung corrupt ang tingin ng tao sa nanay at tatay, ano naman kaya ang anak?

    simple… “c – o – r – r – u – p – t”…..”corrupt to the max” “sabi nga ng mga matatanda..kung ano ang ipinakita ng matanda sa bata yun ang gagayahin…!

  9. gokusen gokusen

    wag tayong magtaka pagdating ng time na may lumabas na nagmamay-ari ng pacific ocean…at isa sila sa “claimant”!

  10. we-will-never-learn we-will-never-learn

    The problem of this family being prosecuted for smuggling is always there, but the least of their worries at the moment – the Military & Senate is their main problem at this moment of time.
    The fear in her. by Ninez Cacho-Olivares Tribune 8/26/07
    Last paragraph reads: “It is the confluence of events that appears to be forming which she fears could lead to her being ousted that scares the holy shit out of her and her aides, and even her prostituted generals. It may be something that they can no longer control.
    I think Ninez Cacho-Clivares hit the nail on the head.

  11. cocoy cocoy

    gokusen;
    Not only the pacific ocean.They can also claim a lunar property in the sea of tranquillity

  12. we-will-never-learn we-will-never-learn

    Apparently Sonny Trillanes is reported as being used as a resource person having been a victim of wire taping in the ‘Doble’ enquiry. Another reason why she wanted the Marines out of the Palace and moved to Mindanao, far away as possible. I think she knows the writing is on the wall and there’s little she can do about it.

  13. chi chi

    “Sila pala dati ang may-ari ng buong Marikina. Bakit naging “dati”? ”

    ***

    Maniwala ako sa pamilya ng mga sinungaling, magnanakaw at mandaraya!

    “Dati”. Kung totoo man ay siguro naging pulubi sila kaya walang patawad ngayon sa korapsyon!

    Pero sino ang matinong isip na maniniwala sa kahambugan ng aroganteng IpDye?! Buti pa na lahat ng bakya, sapatos at sinelas na gawa duon ay ibato sa Arroyo-Tuazon-Macapagal-Pidal at siguruhing pati mga mata ay may latay!

    Noon ay buong Marikina ari nila, ngayon ay buong Pilipinas na! Mga buang!

  14. chi chi

    Bukas makalawa ay sasabihin naman ni Mike Pidal na kanila ang Mars! Hanep na pamilya ito, iisa ng takbo ng utak!

  15. chi chi

    Sa survey na ginawa ng SWS sa Metro Manila,Bulacan, Cavite, Laguna at Rizal noong isang buwan, lumabas na 48 per cent ng mgas mamamayan ay naniniwala na corrupt si Erap. Seventy-eight (78) per cent naman ana naniniwalang corrupt si Gloria Arroyo at 81 per cent ang naniniwalang corrupt si Mike Arroyo.

    ***

    Sabi ng hubby ko ay mas korap daw si Gloria kay Mike sa totoo lang! Sabagay, what is a 3% difference, pareho lang silang sukdulan ng kakorapan!

    Santo si Erap kumpara sa mag-asawang korap!

  16. chi chi

    Ang hindi ko maintindihan pa sa ngayon ay kung bakit itong si Finance Sec. Margarito Teves ay sunud-sunuran kay Gloria samantalang ang pagkakakilala dito noong una ay matino naman sana. Nawalan na rin ng bayag dahil si Mikey ang big time smuggler.

    Under kay Teves ang Customs, di ba? His lips are sealed!

  17. chi chi

    WWNL,

    Yup, the bruha is so scared of the marines near her since the beheading incident, goes to show her sins committed against them.

    Magdilang anghel ka sana, time for her to pack up and leave!

  18. Di ba sabi natin noon pa, takot siya ma-Indira Gandhi?

  19. Chi,

    May kaso ngang isinampa si Homobono Adaza na bata ni Enrile sa korte by someone claiming to be the rightful owner of the Philippines dahil hindi daw nagbayad sa kaniya ang America nangutang ng ipinambayad sa Spain nang angkinin ng USA ang Pilipinas. Kamag-anak daw ni IpDye at noong nababalitang tunay na ama daw ng unano (tsismis) na taga Iligan. Isa pa itong pampagulo sa totoo lang.

    Iyan ang tunay na mga sira ang ulo!!! Bakit noong ibinigay ng mga kano ang independence ng Pilipinas, hindi sila pumiyak!

  20. As for the Tuason owning Marikina, narinig ko lang iyan nang agawin ni Pandak ang trono mula kay Erap. Never heard pero magandang kalkalan ang peasant uprising sa Marikina between 1919 and 1941 against the landgrabbers. Tiyak kasama iyong mga jueteng lords na pinangungunahan ng mga nuno ni IpDyi.

    Si Greggy Araneta from the Tuason clan din pero hindi ko narinig na mag-ilusyon siyang sila ang may-ari ng Marikina!!!

  21. chi chi

    Oo, Ellen, iyan ang tunay na dahilan. Mabilis ring mag-isip ang nag-aalaga dito sa bruhang si Gloria.

    Ang kasalanan ay palaging may kakambal na takot. Pero may kasabihan na an evil person is not easy to die. Pahihirapan siya ng husto ng sariling multo. Sa totoo lang ay gusto kong malaman kung papaano siya mahirapan bago tuluyang malagutan ng hininga.

  22. Yup, baka gusto ni Unanong ma-assassinate gaya ni Indira Gandhi.

    Lintik din ang propaganda on Indira as a matter of fact, she being the daughter of a prominent Indian leader, Nehru, and being well-connected as a graduate of Oxford U. Pero iyong gutom ng mga bombay, hindi niya nagawan ng paraan. Now, India is better according to my contact in Bombay.

  23. rose rose

    Isn’t she toying with the idea of returning the “ancestral domain” in Mindanao. Gokusen, hindi kaya may parte din siya dito?
    The Tuasons may have owned Marikina before,pero hindi lang sila ang mga Tuason sa mundo. The school I went to for high school was just a small one. There was a Tuason, in the class after me, who lived in Sta. Mesa Heights. Alam ko na real estate rich ang mga ito. She couldn’t be his mother..pero baka kamaganak nila ito. Kasi may D. Tuason Ave. nga sa QC. Hindi ba he claimed kamaganak niya si St. Teresa of Avila? Sa yabang, anything is possible for them..

  24. chi chi

    Yuko,

    Narinig ko na ang estorya ni Luz sa itaas at iyang kwento mo. Pero ang balita ko noon ay may mga pumiyok.

    Siguro ay may maikukwento si Tongue tungkol dito. Hintayin ko.

  25. Chi,

    Hindi mo pa narinig magsalita iyong anak na babae. Ang hangin din!

    Tabitabi sa mga kapampangan at mga ilongo, pero lahat yata ng yabang ng dalawang lahi ay napunta na sa mga anak nitong mga dorobo! Tama ka, inangkin na ang buong Pilipinas! Next baka iyon namang Fookien! Pati nga si Rizal inaangking kamag-anak kahit na ang layo naman ng Amoy na pinanggalingan ng nuno ni Rizal na mga intsik sa Fookien!

    Iyan ang mga baliw! Iyan ang namana nila sa mga nuno nila pihado—ang kabaliwan!!! 😛

  26. rose rose

    Mabuti hindi niya sinabi they once owned Bacolod and Iloilo. Ang asawa niya kaya..do they own Pampanga? Kon sabagay, anak niya ang Congressman sa Camarines del Sur ba? Isa sa Pampanga Congressman din. Ang kapatid ni Mike ay Congressman ng Neg..kaya pala sinabi..”I have a country to run”.

  27. chi chi

    Buong Marikina ang inaangkin ni Pidal ng walang legal na papeles. Inaangkin rin na kamaganakan sila ni Santa Teresa d’Avila. Inaangkin rin na pinsan sila ni Gat Jose rizal. Inaangkin rin na galing sila kay Lakandula! Inangkin rin ng dalawang beses ang tronong hindi kanila!
    Wala nang itinira para sa atin!

  28. chi chi

    Rose,

    Hindi nila maaangkin ang Pampanga dahil bistado sila doon. Hanggang pulitika lang sila sa bayan ni Pineda. Ang Macapagal ay walang likas na yaman doon na pwede nilang angkinin. Poor sila sa Lubao noon, alam iyan ng lahat.

  29. vic vic

    by the way, the Northern Passage in the Arctic is open for Claimants. Russia is claiming it (planted her flag in the bottom) so is Norway, and uncle Sam said it is International, but is is located in the Arctic islands which is Canada’s, maybe the Arroyos want to lay Claim on it too? And station Esperon, Palparan and all the tough boys of Gloria to guard it against the Russians, the Norwegians and the U.S. and the Polar Bears…

  30. Ha!Ha! Ha! anong malay natin, Vic.

  31. Funny but the dorobos are silent about the Spratleys that they seem to give the Chinese freedom to claim. Siguro akala ni IpDye, later puede niya lang hingiin sa mga Chinese dahil Chinese descent siya kuno claiming kinship with the royalties of Fookien!

    Sa kaswapangan nahihibang na talaga!

  32. Luz,

    May mga interview na ginawa ang isang TV station dito sa Japan for a special documentary on Philippine-Japan relations na ako ang nag-translate para sa substitle tungkol sa uprising noong 20’s ng mga sakdalista sa Rizal laban sa mga landgrabbers kasama na iyong mga Tuason, et al. Iyan ang dahilan kung bakit sumama sila sa Asian Co-Prosperity Sphere ng mga hapon prior to WWII laban sa mga Europeans kasama na ang mga kano na sumasakop sa mga bansa sa Asia noon.

    Hindi natin alam iyan kasi hindi pa tayo tao noon. Ako nga nalalaman ko lang ang mga bagay na ito dahil sa mga researches at trabaho ko. By profession, I am in fact a historian. Hindi nga lang nagagamit ngayon dahil sa mga trabaho kong nothing to do with writing or rewriting history. Pag retiro ko iyan ang balak kong gawin. I-rewrite ang part ng Philippine history na may kinalaman sa pamilya ko.

    Iyong mga claim ng mga dorobo, you bet, gawa-gawa nila para hindi bistado ang ginawa ng mga nuno nila!!! 😛

  33. conqueror46 conqueror46

    Naalala ko tuloy noong bumalik sa Pilipinas yung anak ng pinatalsik na rehimeng diktadurya… Pagtuntong ng mga paa niya sa isang sikat na hotel sa Maynia kung saan pansamantala silang titigil bago tumulak sa probinsiya,….. amin ito ah, alam ko amin itong hotel na ito ah…. bwahahaahahahahaah …. Pare pareho sila,,, ,nakatutuwa silang pagmasdan…. nakatutuwa talaga sila…. Akin ang marikina, iyo ang Ilocos, akin ang Samar,iyo ang Basilan.. Akin ang malakanyang, iyo ang senado…. iyo naman ang kongreso, parang pellikula ah, pinaghati-hatian na nila ang pilipinas, tirhan nyo naman kami, mga swapang….. bwahahahahahahhaahh

  34. Mrivera Mrivera

    Sabi ni Mikey Arroyo, congressman ng Pampanga, “Who, me? A smuggler?”

    eh, sino pa nga ba?

    nag-iisa ka lang namang miking mukhang kabayong anak ng mag-asawang baboy at aso, di ba?

  35. Mrivera Mrivera

    “May litrato pa nga sa SFO Bay sakay ng ferry parang honeymooners!”

    puwede na palang mag-hanimun ang baboy at tao? tao nga ba ang isang i-TOH?

  36. C46:

    Mali naman ang sinasabi mo. Hindi puedeng angkinin ng mga Marcos ang Ilocos dahil ang mga Marcos naman ay hindi naman ganoon kalaki ang mga lupain. Iyong Rubio pa baka pa.

    Ang alam kong may halusinasyon ay iyong nanay na Bisayang taga-Leyte. Pero compared sa mga Pidal, mild pa ang dating!

    Lahi ng mga baliw siguro!

  37. I-toh? Baka “toe” o daliri ng paa ng baboy na ginagawang crispy pata! In shory, baboy pa rin ang labas! 😛

  38. AK-47 AK-47

    puro kayo “toh”:

    e-“toh” ang tama at walang kadudaduda na ang mga arroyo ay lagi nalang tayo inuu-“toh” lalo na ang mag-amang impak-“toh” kaya dapat sa mag-amang i-“toh” ay patitirahin sa kamposan-“toh” (ilokano i-“toh”, in english cemetery!), diba yu-toh! este yuko !!! hahahhaha.

  39. AK-47 AK-47

    palagay ko nga ang mga arroyo na i-“toh” nag-iipon na talaga ng pambili ng lupa sa “mars” kasi sa ngayon mura palang if am not mistaken US$40 per acre, biro mo sa mura na iyan! kaya sigurado doon na sila magtatago pag wala na sila sa puesto.

  40. Mrivera Mrivera

    john m,

    hindi ako maka-acccess sa site na binigay mo. pero sigurado ako, kulang sa palo sa ulo ang dalawang ‘yan sa pagsasabing “biktima” si arroyo.

    paanong nangyaring ang HUDAS pa ang magiging biktima?

  41. Sarap talagang maging anak ng “presidente”. Pwede kang mag-artista kahit wala kang mukhang artista, kahit pa hindi ka maruning umarte. Pwede ka ring magdeny ng magdeny kahit totoo. Oh well, what do you expect from the son of a mother who tried to appear as “showbiz” as possible (a la Ate Guy) in her campaign posters? What do you expect from the son of a mother who denied the contents of a controversial recording while admitting that it was her voice? Anong sabi ni Mike Defensor noon? It was Aling Gloria’s voice but it wasn’t Aling Gloria talking? Where else can you find ventiloquism as a weapon for a president to stay in power?

  42. Mrivera Mrivera

    ka enchong,

    ay ikaw pa ey nakabalik na, a?

    kamusta baga ang bakasyon?

    maige nama’t ika’y nakarating dine ng maluwalhati, ey.

  43. mlm18_corpuz mlm18_corpuz

    palagay ko di na magtatagal sa mundong ito si mike arroyo tingin ko lang ha?kasi nakikita ko sa kanyang mga mata na hindi na siya magtatagal para narin ako si madam auring hahahahaha!!pero sa nakikita ko lang talaga

  44. mlm18_corpuz mlm18_corpuz

    hindi ako namumuhi sa mga arroyo pero namumuhi ako sa mga ka-corrup an nila

  45. Mrivera Mrivera

    ang kasalukuyang mga pangyayaring nangingibabaw sa ating bansa sa ilalim ng mang-aagaw ng kapangyarihang hindi minsan lamang kundi dalawang beses na tinambalan ng pandaraya ay lumilitaw na ang pinakamababang uri ng mga hayop ay wala na sa gubat kundi nasa pinakamataas na luklukan ng kapangyarihan sa pamahalaan.

    ang ahas sa makabagong panahon ng kasaysayan ng pilipinas ay nakatapos na ng pagkadalubhasa sa ekomiya at isang doktorado mula sa isa sa mga pinagpipitagang unibersidad sa estados unidos. gayundin ang baboy sa katawan ng isang abogadong ang pinagmulan ay angkan ng mga santo, mariringal at tinitingalang dugong bughaw.

    ang mga anak ay gayundin. mga uri ng hayop ng nagtatago sa likod ng mamahaling kasuotan at kunyaring magandang paimbabaw na asal!

  46. Mrivera Mrivera

    “SA kasalukuyang mga pangyayaring nangingibabaw sa ating bansa sa ilalim ng mang-aagaw ng kapangyarihang hindi minsan lamang kundi dalawang beses na tinambalan ng pandaraya ay lumilitaw na ang pinakamababang uri ng mga hayop ay wala na sa gubat kundi nasa pinakamataas na luklukan ng kapangyarihan sa pamahalaan.”

  47. Valdemar Valdemar

    Prince Tallano won in a Pasay City court the whole of Luzon only a few years back.

  48. mrivera, pwede naman yung links ah.

  49. Off topic, but I just learned from a friend that the unano is trying hard to convince the Japanese government to grant her an official visit to Japan in October. Her request for a September visit was turned down due to the election debacle due to the defeat of the LDP in the July election.

    A fact-finding mission by members of the Japanese Diet is scheduled to fly to Manila before her proposed visit to Japan apparently aimed at getting more loans from Japan to prevent I guess the plunging down of the peso to 43 to a dollar by the end of this year.

    How can this idiot claim a strong peso when the Philippines has only the OFWs to sell overseas and at such low wages?! I’m told in fact of super maids getting only 100 dollars per month. Wala pa sa kalahati ng palengke ko sa Costco iyan!

  50. Off topic, but I saw a movie titled “The Maid.”

    It’s a horror movie, but it is more about the abused Filipino maid in Singapore.

    It is not a Filipino movie as a matter of fact. It is a Singaporean one starring that Filipino actress Alessandra di Rossi and Singaporeans I am not actually familiar with.

    It is a must see.

  51. Emilio_OFW Emilio_OFW

    Welcome back, Ka Enchong – hagip mo ang lahat sa iyong pagbabakasyon – artificial na paglakas (kuno) ng palitan ng piso sa dolyar at bagyo na nagdulot ng baha sa kalakhang Maynila.

    Balik naman tayo sa ating usapan – kung maalaala ng karamihan ang kagulangan at kasuwapangan ni Mikey ay naipakita kaagad noong bago pa lang ninakaw ni Blinky Tiyanak kay Erap ang pwesto. Ito ang racing horses na nagmula sa Australia at walang kaukulang buwis na ibinayad.

    Iyan ang maliwanag na smuggling.

  52. vonjovi2 vonjovi2

    Malakas ang loob Ni Mikey Mouse Arrovo na mag salita na hindi siya ang smuggler at sinasabi niya na nag kakamali tayo ng hinala sa kanya. Tama siya dahil hindi nga siguro “Siguro” siya ang smuggler ng kotse dahil ang kanyang bisyo ay mag “SMUGGLER NG KABAYO” at hindi ang kotse. Ang Tatay niya ay walang kibo dahil siya ang “SMUGGLER ng kotse” kaya hindi makapag salita at hindi makapagyabang ang mukhang asong ito (PITTBULL BIG MIKE ARROVO).

  53. TonGuE-tWisTeD TonGuE-tWisTeD

    “Who me, a smuggler?” Oo nga naman. Hindi naman siguro niya sinadyang masira yung helicopter ni Gloria papuntang Subic nang dumaan si Pandak sa bahay niya para mananghalian. Papunta sana si Mama Dear doon para panoorin kung paano wasakin yung mga BMW X5 na may mag wheels na gawa sa Bicutan, car stereo na tig P1,500 sa Raon, na ang makina ay Isuzu.

    Teka, napakalaking bahay naman niyan, kayang maglanding ang Presidential Chopper pati isang backup!

    Mula sa zero income naging P200M net worth sa SALN in six years! Daig si Sharon Cuneta kung kumita ang pelikula niya siguro. Biruin mo kahit sinungaling ang mata, boses bakla’t piyukin pa, pinagtampuhan na ng sining, biglang yumaman sa pag-aartista?

    Hindi siya smuggler!

  54. Ano iyan, parang game? Parang iyong game na “No. 1 stole the cookie from the cookie jar!”

    Public: Ang anak ay hindi magnanakaw pero smuggler daw!

    Mikey: Who me?

    Public: Yes, you!

    Mikey: Not me!

    Public: Then who?

    Mikey: Siguro iyong kabit ng tatay ko para sa tatay ko!!!

  55. Tongue:

    Pihado ikakatwiran at ipo-post dito ng isa sa mga Internet Brigade nila na hindi totoo ang bintang ng publiko sa kaniya, at siya ay mayaman na noong unang panahon pa kasi may-ari sila ng Marikina!

  56. vonjovi2 vonjovi2

    So, mayaman na pala sila noon at kanila ang Marikina. Kay yabang talaga ano. Siguro ganoon na talaga ang lahi nila na kahit ninuno ng mg arrovo ay magnanakaw at mapang angkin. Sa kanila pala bumili ng lupa ang TATAY ko.

  57. chi chi

    JonM,

    Biktima raw si Gloria ng Hello Garci? If this is correct which I don’t buy, kasi ay sigurista na tanga ang bruha!

    No, Gloria is not the victim, the pinoys and the country are!

  58. chi chi

    “Breach of national security” daw ang Hello Garci. E di ituloy ang imbestigasyon at ng matukoy kung sino ang kaporal, sabay ikalaboso!

    Whoever masterminded the wiretapping, and Gloria asking Garci for 1M votes should be punished. Iyong una ang may sala sa wiretapping samantalang si Gloria ay paglabag sa Comelec rule na pandaraya sa eleksyon in particular at Konstitusyon in general. Ibitin si Gloria ng patiwarik at isama ‘yung boss ng wiretapping sa kanya!

  59. chi chi

    “Siguro ganoon na talaga ang lahi nila na kahit ninuno ng mg arrovo ay magnanakaw at mapang angkin.”
    ***

    Vonjovi2,

    Iyang lang ang logical explanation kung bakit kina Mike Pidal Arroyo ang buong Marikina dati.

  60. Chi,

    Lagyan mo ng daw as in “kung bakit kina Mike Pidal Arroyo DAW ang buong Marikina dati.” Kahit nga si Greggy Araneta hindi ko narinig na nagsabi ng ganyan dahil imposible namang maging kanila lahat ang Marikina kahit na asawahin pa ng angkan nila ang lahat ng mayaman, mahirap at landgrabbers doon!!!

  61. goji goji

    What do we do with a blogger who keeps on sending “off topic” posts? A friend suggested that we might as well create a thread that’s called “Off Topic”. Corny but makes sense, right? By the way, does any one know who these persons are? Kaminoko and Faithfullds. My friend has been trying to get hold of the two. If you have any information about them, please let me know. Speaking of Mikey Arroyo, the clue is a give away. Of course he’s the one mentioned as the protector of smugglers at BOC. And he operates under the direction of his father, the First Gentlepig. When his father was still healthier, Mike was the one directly calling the shots. Nowadays, the job has been passed to Little Mikey.

  62. Mrivera Mrivera

    john m,

    hindi supported nitong server namin. company site kasi itong pinagbabahayan ko. hindi daw kasama sa buwanang renta ko ang pangangapit bahay sa hindi nila kilala.

    makikipulot na lamang ako sa iyo. he he heeeh.

  63. AK-47 AK-47

    well i do believe “mikey mouse” arroyo is not a “smuggler” but “notorious smuggler” and godfather as well!

  64. AK-47 AK-47

    puera de los buenos (“bari bari” sa ilokano), lahi ng kapampangan ang arroyo na iyan kaya “sobrang yabang” !

  65. AK-47 AK-47

    dapat iyan kay “mikey mouse” arroyo ipaayos nya yong boses nyang parang “barado” ! nakaka bwisit pakinggan.

  66. Ka Magno, Ka Emil,

    Salamat sa muling pagtanggap!

    Sinagasa man ng mga sakuna ang pansamantalang pamamahinga ko sa atin, wala pa ring tatamis sa mga panahong ginugugol sa lupang tinubuan.

    Iniwasan ko ang pagbabasa ng mga pahayagan at pakikinig ng balita habang nasa atin ako. Hindi lang talaga maawat ang pagpupuyos ko sa tuwing makakakita ako ng Macapagal- may Macapagal Drive (sa Mindanao pa!), Macapagal Boulevard, mayroon pang 200peso bill na Macapagal din. What must the Filipinos be thankful to the Macapagals for? Kakangitngit!

  67. Mrivera Mrivera

    he he he heh!

    ka, enchong, akala ko sobrang haba ng pisi ng toleration mo. umaabot din pala sa dulo.

    talagang ganyan ang buhay. una una lamang sa pagtatagumpay na maulol ang walang kadaladalang mamamayan.

    pero tingnan natin ang sakit ng parusang kanyang tatanggapin kapag umapaw na ang balon ng kumukulong ngitngit ng sobrang matiisin, matimpi at mapagparayang taong bayan.

    diyan mangyayari ang kasabihang weder weder lang.

  68. Emilio_OFW Emilio_OFW

    Ka Enchong, ganyan din ang aking gawain kapag nasa lupang sinilangan. Maski nga cell phone at landline telephone ay iniiwasan kong hawakan. Ang pinakamasarap na ginagawa naming pamilya ay isang linggo kaming lalayo sa magulong Maynila at sumisimoy ng sariwang hangin sa malayong lalawigan.

    Ang mahalaga ay nabisita mo muli ang lupang sinilangan. Lapit na ang Nobyembre at sana ay matuloy ang iyong pakay dito at tayo naman ay magkadaupang-palad. At magkaroon sana dito ng kahit na maliit na project ang kompanya ni Ka Magno at siya ang ipadala.

  69. Ka Enchong: Hindi lang talaga maawat ang pagpupuyos ko sa tuwing makakakita ako ng Macapagal- may Macapagal Drive (sa Mindanao pa!), Macapagal Boulevard, mayroon pang 200peso bill na Macapagal din. What must the Filipinos be thankful to the Macapagals for? Kakangitngit!

    ******

    Welcome to the Club, Ka Enchong! Iyan ang isang dahilan kung bakit hindi ako madalas magpunta sa Pilipinas kung wala rin lang happening gaya ng mga conference, etc. Maski nga sa Tate, hindi ako nanonood ng Philippine news, etc. Hindi rin ako namumulot ng mga libreng dyaryong pilipino kasi magpupuyos din ang damdamin ko sa ngitngit lalo na kapag makikita mo paghihirap ng karamihan sa mga pilipinong ang pag-asa na lang umunlad ay magpunta sa ibang bansa.

    Hanggang blogging na lang ako sa Ellenville. Basa ng kaunti sa Tribune at Malaya. Para kasing nagpepenitensiya ang pakiramdam kapag nakikita mo ang pagmumukha ni Mrs. Pidal na gustung-gusto ng mga publicity na ang katumbas naman ay buhay at siphayo ng buong nasyon ng Pilipinas.

  70. zen2 zen2

    bay vonjovi2,

    ‘ a horse, a horse, my Kingdom for a horse…’ nababagay diyan sa pamilyang mikey. he he.

  71. meksens meksens

    Chi:
    Sabi ng hubby ko ay mas korap daw si Gloria kay Mike sa totoo lang! Sabagay, what is a 3% difference, pareho lang silang sukdulan ng kakorapan!
    ***
    Sagot ni Goyang:”Kita nyo na? Tapos sasabihin nyo na kurap ako! Sa totoo lang si Miguel ang ayaw papigil sa kakurapan. Pag hindi ako nakapagpigil, ipakululong ko i-toh!”

    Masa:”Madam Fresidenti, pag naipakulong nyo si Miguel, isama din nyo sina: Bunyeta, ang dalawang Gonzales, ang mga Garci Generals, Angie Reyes, Ermita, Abalos, Pichay, JDV to name just a few, magiging legacy nyo itoh. Peks man! Wag na nyong isama si Mike Defensor dahil malapit ng kumanta itoh. Gayundin si Nani Perez, alam naming nagkakantahan kayo ng kundiman sa ilalim ng puno!

  72. Mrivera Mrivera

    “…..alam naming nagkakantahan kayo ng kundiman sa ilalim ng puno ng kaimiTOH!”

    meksens, dinugtungan ko lang, hane? kulang kasi, eh.

  73. Ka Emil,

    Insha Allah, sa huling linggo ng Nobyembre, matutuloy rin ang ating pagdadaupang-palad.

    Aling Yuko,

    Salamat po. Talaga naman kasing nakasusulasok ang guniguni ng anak ni Kong Dadong, e. Hindi man lang maghintay na manggaling ang papuri, kung mayroon man, sa ibang tao. Gusto pa yatang tanawin nating utang na loob na nasa Malacanang siya. Hindi siya nagtitiis para sa Pilipinas- tinitiis lang siya ng Pilipinas. Kung sa bagay, lahat naman ng pagtitiis ay may hangganan din.

  74. meksens meksens

    Mrivera:

    Salam, Ka Magno!

    Tila nga kulang. Kulang sa kung saan sila nagkakantahan at kulang din sa closing quotation mark. Salamat sa pag-ayuda.
    Shokran, sadik! Regards sa ‘yo at sa lahat sa samahang dikit.

  75. K. E.: Kung sa bagay, lahat naman ng pagtitiis ay may hangganan din.

    *****

    Sinabi mo pa. Kaya lang nakakainip nang maghintay. Marami kasi, umaalis na lang para hindi madamay!

  76. Re “Kung corrupt ang tingin ng tao sa nanay at tatay, ano naman kaya ang anak?”

    Kurakot!

  77. surotkati surotkati

    Kung tawag sa mga anak ay kurakot, ano naman sa mga apo? Nakakatakot.

  78. gokusen gokusen

    Kung tawag sa mga anak ay kurakot, ano naman sa mga apo?
    Nakakatakot na surot na kurakot!

  79. surotkati surotkati

    Hoy, hindi akong surot na nakakatakot. Sa unang sinulid na lang tinira mo na ako…pati ba naman dito. Ang surot na dapat natin patayin ay iyong INA ng mga Surot na nasa Palasyo.
    Pero kung gusto mong makatikim ng kagat ay ibibigay ko din sa iyo. Easy ka lang kabayan. War freak ka naman. Utak gulo at giyera ka.

  80. gokusen gokusen

    yoh…! may sinasabi ba ako? May nag-react! May tinamaan ba? Batu-bato sa langit tamaan wag magagalit ! para sinundan ko lang yung rhyme ah…kurakot..to nakakatakot…to surot na kurakot! di nga ba sabi mo eh Ina ng mga Surot oh di mas lalong surot na nakakatakot…!

Comments are closed, but trackbacks and pingbacks are open.