Civil society groups and the opposition formally launched on Thursday morning the nationwide campaign to “pressure” the government to allow detained senator Antonio Trillanes IV to perform his duties as a lawmaker.
Opposition personalities including former Vice President Teofisto Guingona and former UP president Francisco Nemenzo attended the launching of the “Trillanes Paglingkurin Movement” in Pasay City. The group’s steering committee said this was just a prelude to a nationwide information campaign to enlighten the public on the lawmaker’s case in his bid to reverse an earlier court ruling denying his petition to be allowed to leave his detention cell at Fort Bonifacio to attend Senate sessions, and access to the media.
Trillanes is detained at the Marine brig while both a military tribunal and a civilian court is hearing the coup d’etat case against him and 30 other junior officers involved in the 2003 Oakwood mutiny.
“Sen. Trillanes is needed at the Senate not only as a voice of the opposition but also the Filipino people, especially the 11 million people who voted for him in the last election and who want him to serve his mandate. The people have clearly spoken through the votes and he should be allowed to serve,” Guingona said.
Trillanes spokesman Sonny Rivera said the advocacy group will launch caravans, seminars, forums, lobbying, mass mobilizations, signature campaign and even concerts to raise the people’s awareness of the case. “The immediate objective of the movement is to win the demand to allow Sen. Trillanes to serve through a national campaign in order to develop a mass movement supportive of this goal. We will bring the fight to the grassroots, to the people,” he said.
We’ll get our people here moving, too, Ellen. Tinatapos ko lang ang backlog ko.
Congrats to the group. I pray for everybody’s success and efforts.
Dagdag—Paglingkurin si Trillanes, ora mismo!
The group’s email address:
trillanespaglingkurin@gmail.com
Ellen, thanks for the email address.
Let’s go, guys. Let’s all join in. Ipagkalat natin!
We need Senator Trillanes speaking in the halls of Senate for our future’s sake!
What failed in the past may be a success this time with the launching of this movement. Trillanes could become the rallying point to finally remove this evil woman in Malacanang. Let’s hope the movement would not be raided and infiltrated by opportunists and those claiming to be opposition. Trillanes who has military background should assign intelligence operatives to counter any sabotage that might ruin this very noble endeavor.
Thanks, Ellen for the email address for easy link-up.
Sana naman magtagumpay itong Trillianes movement na ito para naman makapaglingkod na siya sa mga bumoto sa kanya.
Malaki ang paniniwala ko na maraming issues ang mailalabas ni Trillianes tungkol sa mga katiwalian ni tiyanak at ng mga alipores niya.
chi Says: ” Let’s go, guys. Let’s all join in. Ipagkalat natin!”
sige, tena. magkalat tayo!
thanks ellen for the email address.
the easiest way to connect and coordinate with the group.our long waiting and prayers answered.to have a group which will initiate everything and anything with regards to sen. trillanes’ PAKIKIPAGLABAN.
anyway,dubai is an opposition bailwick.
Magno:
OK iyong ipagkalat, pero magkalat? Baka ma-misinterpret ka. Kita mo naman ang pagkakalat ni Madame Bobary at ng mga gabinete niya lalo na iyong dalawang Gunggonzales. Duming-dumi ang Pilipinas!
Okey dokey, ipagkalat! Paglingkurin si Trillanes, now na!
This endeavor is very timely… let us all spread the word to the whole world of our honest intentions..that Senator Trillanes serve his constituent and the people of the Phils. as a whole
yuko,
sabi na ngang magkalat, eh. kulit mo rin.
kung sina gloria ay kapalpakan ang ikinakalat, tayo naman ay panawagan upang pangibabawin ang katarungan.
bakit tayo paparis sa mga sinalibad ng lintek na mga ‘yun?
“Gov’t not remitting health funds from e-VAT, ‘sin’ tax —solon”
http://www.tribune.net.ph/headlines/20070825hed5.html
saan napunta ang pera?
hanapin sa bangko sa ibayong dagat!
o baka ipinambili ng mga kabayo sa australia.
itanong kay mikey, the king horse!
Magno,
Ikakalat ko pero hindi ako magkakalat. Iba ang ibig sabihin niyan sa totoo lang. Iyong isa para ibahagi ang balita, pero iyong isa para magdumi! Kulit ko talaga! Kasi gusto ko maayos ang tagalog ko.
Iyong mga pamangkin ko nga sa Tate, pinapagalitan ko kapag hindi matino ang tagalog nila. Suya kasi ako ng umaarteng kano hindi naman dahil mga pilipino naman ang mga ama!
MRivera,
dapat lang mag-ipon ng kabayo si Mickey eh utak paatras nga eh, di ba si Fernando nga “bolo” baka i-revived nila yung mga katipuneros…. kasi naiisip na nila na baka may posibilidad na dumating panahon, sila na ang mamumundok! Kaya nga di dapat kontrahin si Wahab dahil wala silang magiging “guide” na kabisado yung terrain na pagtataguan nila…!
yuko,
mas mabuti siguro pag-aralan mo sumakay sa mga simpleng salita ng kalokohan. bigyan mo ng pagkakataon ang sarili mong paminsan minsa lagi na tumawa.
o, huwag ka nang kokontra.
gokusen,
saan sila magtatago? sa sulu? sa basilan? sa zamboanga? o sa maguindanao?
mabuti pang magpakalunod na lamang sila sa dagat para wala nang makatugis sa kanila!
wala silang puwang sa ibabaw ng lupa.
Mrivera,
# Mrivera Says:
August 24th, 2007 at 2:43 pm
chi Says: ” Let’s go, guys. Let’s all join in. Ipagkalat natin!”
sige, tena. magkalat tayo!
***
Sori, ngayon lang ako nadako dito dahil sa bagal ng aking dial-up. (out-of-town)
Pero sumakit ang panga ko sa pagkakalat mo. heheh!
Nagkakalat na rin ang ate ko sa probinsya. Kailangan niyang papirmahin ang mga residente doon, pagdagdag sa lakas ni Senador Sonny.
chi,
ay, naku twisheart.
kung saan saan ka pa kasi naglilimayon, eh hindi na kayang bilangin ng hindi pa naiimbentong cash register ‘yang kita mo sa stock market.
pahinga ka naman.
Magno,
Sabi ng anak kong hapon na nag-aaral ng Tagalog, iba daw ang magkalat sa ikalat! Iyong isa daw ay magdumi, at iyong isa naman daw ay i-distribute! Tama siya. Memorize ang dictionary niya! 😛
yuko,
kahit anong paliwanag ko ay hindi mo mauunawaan kung laging literal ang iisipin mong kahulugan ng mga kakenkoyang sinasabi ko dito.
alam ko kung ano ang tunay na kahulugan ng “magkalat at ikalat”.
si chi siguro ang makapagpapaliwanag sa iyo sa paraang mauunawaan mo.
i just try to inject comic phrases para mabawasan ang sobrang silakbo ng ating kalooban dahil kung palagi tayong parang bulkang sasabog ay bakat mauna tayong matuyuan ng dugo kaysa bruhang ating isinusuka!
Sinabi mo pa, Magno, pero instructor kasi ako ng tagalog hanggang tatlong taon na ang nakalilipas sa isang pamantasan dito sa Tokyo kaya mahigpit ako pag dating sa tamang pagsasalita ng wikang pambansa ng Pilipinas. Mahirap maliin lalo na para sa kapakanan noong mga pilipinong pumunta na sa ibang bansa at sadyang kinakalimutan na ang sariling wika!
Laking tupak iyan sa ulo para sa akin!
Tungkol naman kay Gloria Dorobo, asahan mo hindi ako mauuna! Lahi namin ang mamatay nang lampas ng 90 taon. Sigurado akong aabot ako ng 100 kasi iyon ang taon na matatapos na ang lease ng tinatawag na Roppongi property. Aba kung magtatagumpay itong mga Pidal, e baka ibenta na lang nila iyon after 50 years. Balak ko pa ring magmartsa laban sa bentahang ito kahit na ako maging 100 taon kung sakali!
Bali-balita nga dito ngayon kung ang pakay ni unano ay ang pagbebenta ng bahay na ginagamit na tirahan ng Ambassador sa Kudanshita dito sa Tokyo sa balak niyang pagpunta dito sa Oktubre daw. Kung magkaganoon ay iyan ang dapat na batikosin ng husto maliban pa sa kaso ng mga napugutang at nakakulong na mga sundalo. Iyong mga property na ibinigay ng Hapon bilang kabayaran sa gera (reparations payments) ay bawal na ibenta ng walang national referendum. Malaking kuwarta iyan kapag nagkataon pero ibubulsa na naman ng mga Pidal at kakutsaba nila.
Pero puedeng idemanda ng mga pilipino sa korte ng Hapon. May provision niyan sa Reparations Treaty na kung babaguhin ay dapat na iluhog sa Diet ng Hapon. Ito ang isa sa dapat na batikosin ng mga pilipino sa totoo lang. Hindi dapat mawala ang mga patrimonyang ito na gustong lustaying ng mga Pidal.
Magno,
Alam mo nagpapatawa ka lang, pero dapat pa rin linawin ang magkalat at ikalat! Kulit talaga pero walang asaran!!!
Ooops, “Alam ko nagpapatawa ka lang,”
“Hindi dapat mawala ang mga patrimonyang ito na gustong lustaying ng mga Pidal.”
subalit maluwag na tatanggapin ng taong bayan kapag natigok ang mag-anak na salot!
Nope, Magno, hindi iyan dapat na mawala sa kamay ng mga pilipino. Malaki ang mapapakinabang sa mga patrimoniya sa Japan kung talagang sincere ang magyayaman ng mga patrimoniyang ito.
Iyon ngang property na ibinayad sa Australia at New Zealand ay napapakinabangan nila. Iyon ibinigay din sa Malaysia at Indonesia, hindi pinagsasamantalahan ng mga politiko nila.
Alam naman natin na ang pakay lang ng mga ungas sa pagnanasang ibenta ang mga patrimoniya ng bansa ay para lamang sa kanilang mga bulsa!
Ang mga patrimoniya sa Pilipinas para sa amin na nilalabanan ang pagbebentang ito ay mga simbolo ng kagitingan, katapangan, puri at dangal ng mga pilipino dahil iyan isa sa mga ibinayad ng Hapon sa mga kasalanan ng mga sundalong hapones noong WWII. In short, dugo ng mga pilipino ang ipinuhunan diyan. Walang karapatan ang mga Pidal na angkinin iyan at ibenta!
BTW, isa pang nag-i-interes diya ay si FVR samantalang si Marcos ay hindi iyan pinag-interesang ibenta. Maraming paraan na mapapagkuwartahan ang mga ariariang iyan kung matino lamang ang mga nagpapalakad ng bansa sa totoo lang.