Skip to content

Hamon kay Sarmiento

Tingnan nga natin kung ano ang gagawin ni Comelec Commissioner Rene Sarmiento sa panibagong paglitaw ni Master Sergeant Vidal Doble, ang sundalo na kasama sa pag-tape ng usapan ni Gloria Arroyo at dating Comelec Commissioner Virgilio Garcillano.

Noong nabuking siya doon sa Iligan nang nakaraang eleksyon na kinakampihan ang mga election operators ni Garcillano na gumagawa na naman ng milagro, sabi niya paimbistigahan raw niya ulit ang Hello Garci scandal para raw malinis ang Comelec.

Wala namang nangyari. Kasama pa siya doon sa pag-protekta kay Lintang Bedol, ang nagbigay kay Migz Zubiri ng pagka-senador, na prominenteng nabanggit sa Hello Garci tapes.
Ngayon na nabuhay na naman ang Hello Garci tapes, patuloy bang magbulag-bulagan si Sarmiento? Susunod na lang ba siya sa ginagawa ni Comelec Chairman Benjamin Abalos sa pagyurak ng demokrasya sa Pilipinas?

Dapat kabahan ang iba pang nabanggit doon sa tape, kasama na ang mga military offpicials, lalo pa ngayon na pamunas na ang tingin ng taumbayan kay Arroyo. Tingnan natin kung paano na naman pilitin ni Arroyo ibaon itong kaluluwa ng Hello Garci..

Katakot-takot na pera ng bayan ang ginamit ng Malacañang para hindi matuloy ang imbestigasyon at impeachment. Napakaraming buhay ang sinira ni Arroyo para lamang makalimutan ng taumbayan ang pruweba na siya ay pekeng presidente.

Sa taped interview ni Doble na isinagawa nang siya ay nag-resign na sa serbisyo, idiniin niya ulit na totoo ang ating narinig sa “Hello Garci” tapes. Nandoon sa “Hello Garci” ang pag-uusap ni Arroyo at ni Virgilio Garcillano,dating Comelec commissioner tungkol sa kanilang ginagawang pagmanipula ng resulta ng eleksyon para lalabas na nanalo siya ng sobra isang milyon na boto.

May mga dagdag na impormasyon at mga pangalan na binigay si Doble. Sinabi niya na ang kanilang pag-tape ng mga pag-uusap sa telepono at sa cellphone at kasama sa “Project Lighthouse” ng Intelligence Services of the AFP. Karamihan sa kanilang target at kontra administrasyon ngunit may ilan rin sa administrasyon na kanilang isinali.

Ngunit ang bagong impormasyon na naiinis ako ay ang papel ni Bishop Socrates Villegas.

Sabi ni Doble: “Sinundo ako ni Bishop Socrates Villegas. Dinala niya ako sa Camp Aguinaldo sa quarters ng dating chief of staff, si General (Efren) Abu … Doon ko nakita ang dalawang anak ko at yung misis ko na nandoon sila, naka-detain sa basement ng quarters ni General Efren Abu.”

Itong obispo na ito, na malapit na malapit sa yumaong si Jaime Cardinal Sin ay kasabwat pala sa pagtago ng pandaraya. Sermon ng sermon itong si Villegas tungkol sa katotohanan samantalang ito siya at katulong pala sa paglibing ng katotohanan.

Kasama siya sa nanloloko sa taumbayan.

Published inWeb Links

33 Comments

  1. Statement of the Black and White Movement

    A Second Chance

    The proverbial “monkey” is, once again, on Gloria Arroyo’s back. Yesterday, the “Hello Garci” scandal was given new life via erstwhile ISAPF agent Vidal Doble.

    For over two years, the GMA administration has conveniently dismissed any reference to the Garci scandal as old hat, a manufactured story by Gloria Arroyo’s political detractors used to destabilize her government. This is usually followed by a call to “move on”, coupled with declarations that her administration’s focus is “the economy, stupid”.

    But, as the 2007 elections have clearly shown, the unresolved Garci controversy of 2004 has merely emboldened Comelec officials and operators to carry on their cheating modus operandi with impunity, robbing winning candidates of their votes. The message was clear – you can get away with cheating on a grand scale for as long as you are protected by high level patrons.

    Even with a preponderance of evidence against Garcillano, the Lower House chose to turn a blind eye to the issue in defense of their benefactress and deny our people a resolution to this mess. Even Virgilio Garcillano thought the issue dead, brazenly using the nickname he once so vehemently denied was his as a campaign moniker.

    If we are to move forward and toward credible elections in 2010, the Black and White Movement believes it is important to get the truth about cheating in the 2004 elections once and for all.

    We exhort the Senate to vigorously re-investigate the Garci issue given this new development, to resist any call by GMA to set this matter aside, and fight any attempt to obstruct its investigation. It is time to resolve this matter and exact justice from those who have shamed our people.

    We should never sacrifice the truth on the altar of economic development. We should never allow our leaders and government officials to get away with lying, cheating, and stealing.

    The Black & White Movement has always believed that, in this matter, the truth has no shades of gray. Let us take this second chance and run with it. For the truth to set us free, we must first bring it out into the light.

  2. Text:

    Gusto ni Lacson mapahiya si GMA. Sorry, Ping, walang hiya si GMA.

  3. Sinabi mo pa, Ellen. Sementado na ang mukha ng malditang Mrs. Pidal na iyan. Hindi lang sementado, re-enforced concrete pa.

  4. Maganda ang isinulat ni Lito Banayo tungkol sa expose na ito. Interesado ako sa kabulastugang gagawin noong asawa ni Magastar. Tignan natin ngayon ang pagka-independent niya. Kapag ipinagtanggol niya ang kabalen niya, alam na natin na niloko lang niya ang mga voters noong huling election. Kunyari sumali siya sa GO tapos, umalis agad bago siya ma-declare na official candidate ng GO na hanggang sa huling sandali ay inasahan na papasok siya kasama ni Money Villar. Pero taragis naman ang mga botanteng pinoy, ang dami namang mahuhusay nagpaloko pa. Buti na lang nag-play safe na lang kaming kinapanya namin principally si Senator Trillanes sa Japan. Naka-pollwatch kami sa kaniya dahil siya lang ang nagbigay ng talagang official recognition sa amin. O di loko hindi natuloy ang balak na dagdag-bawas sa Japan. Talo ang TUta ng malditang unano! Iyan ang tunay na bayanihan.

    Ngayon tignan natin ang yabang ni Kiko Cuneta!

  5. chi chi

    A person with Gloria’s diseases, walang-hiya, sinungaling, mandaraya, magnanakaw, korap, is not easy to die.

  6. Bakit kasabwat ng mga Pidal ang bibigyan ng kasong ito ng “Hello Garci” when this is already a criminal case that should be tried in a criminal court not undergo simple discipline by agency now without any moral credibility and integrity? Dapat diyan sa COMELEC, i-abolish na lang kasi useless. Sayang ang bayad doon sa mga kuratong na commissioners.

    My condolence to all Filipinos na wala nang itulak kabigin. Iyong puedeng asahan nakakulong naman. Sali na lahat sa movmeent na ilo-launch ngayong araw na ito. Good luck to all!

    Patalsikin na, now na!

  7. chi chi

    Yes,Ellen, kaya ako naaasar kay Obispo Socrates ay kasama pala siya na nanloloko sa atin.

    Naniniwala ako kay Doble, at sana kung mapatunayan ang kanyang role sa “taguang” ito ay makasuhan siya ng obstruction of justice para magsilbing aral sa mga dapat ay spiritual adviser ng mamamayan.

  8. TonGuE-tWisTeD TonGuE-tWisTeD

    Sir Raul O. Gonzales warns Lacson and pals they will be charged in connection with the Aragoncillo-Aquino spy case if Lacson pushes through with Hello Garci probe.

    It’s Renal Justice’s discs vs. Stubborn Lacson’s tapes. Who will blink first?

  9. Diego K. Guerrero Diego K. Guerrero

    Sen. Lacson’s challenge to re-open Hello Garci is dead on the spot based on Comelec’s official stand. The Comolek had already decided to ‘move on’. The Hello Garci political scam is a closed book. They are parroting Malacanang’s line of reasoning. Elections commissionaires are obstructing justice. They opted to see no evil, speak no evil or hear no evil . I have the reason to believe that Abalos, et al are part of systematic and high level cover-up operations in 2004 presidential election and 2007 midterm elections. Who investigates the Comelec?

    Comelec won’t reopen ‘Hello Garci’ probe – Sarmiento

    The Commission on Elections will no longer investigate the controversial “Hello Garci” wiretapped conversations despite the resurfacing of former intelligence agent Vidal Doble Jr, Commissioner Rene Sarmiento said Wednesday.

    Sarmiento told GMANews.TV in a phone interview that the Comelec en banc discussed his proposal to reinvestigate “Hello Garci” last July and they decided to “move on.”

    He cited three reasons for the poll body’s decision, namely, the Comelec law department had already conducted its investigation on the matter and concerned personnel had denied involvement; efforts to obtain original copies of the tapes proved futile; and both chambers of Congress conducted probes that proved inconclusive.
    gmanews.tv/story/57229/Comelec-wont-reopen-Hello-Garci-probe—Sarmiento

  10. Tongue T:

    Hindi naman ang US ang na-apektohan ng espionage ni Aragoncillio kundi si unano. Napapahiya lang ang US na sa pakikialam sa Philippines, nabistong naninilip ng mga ebidensiyang ibabato sa hindi susunod sa kanila.

    Hindi sinabi naman na inalok naman ni Aragoncillo si Bobary na nilansi naman siya dahil nasanay nang mandenggoy ng mga taumbayan. Nang nalamang mas makalamang si Lacson sa ibinigay na information ni Aragoncillo, di sinumbong siya sa US na nag-i-spy.

    Diyan mo makikita ngayon ang kabobohan kapag ginamit nila ang kaso ni Aragoncillo at Aquino sa kasong ito na binabatikos ngayon ni Lacson. Magkakabukuhan na. Problema ilan na lang ang natitirang katulad mo at ng mga bloggers na totoo dito na pilitin kahit ang mga kano na ilabas ang totoo na hawak nila.

    OK ngarud ipilit nila ang kaso ni Aragoncillo at Aquino na tapos na. Baka mapahiya iyong dapat na sanang namatay na pero pahihirapan pa yata ng matagal.

  11. chi chi

    Gloria’s minions will back her up till she dies because she’s their bread and butter. Without her around, they’d be pathetic people knowing not how earn a decent living.

    Ang buntot nilang kahat ay bahag, most have nothing between their legs!

    Si Sarmiento pa. Nagsindi ng kwitis na hindi pumutok. Bumabalik sa kanya ngayon ‘yung kwitis!

  12. goji goji

    Agoncillo’s information relayed to opposition personalities were nothing new. Those where all on news media and local intelligence reports. So, why was he convicted? Same was true with Michael Aquino. It’s all because of the arrangement between Uncle Sam and Arroyo to pin down the opposition led by Estrada.

  13. Tongue, thanks for the link on Lacson’s speech.

  14. TonGuE-tWisTeD TonGuE-tWisTeD

    Ellen,
    Napulot ko lang din sa blog ni johnmarzan. Thank him too. heheh.

  15. Mrivera Mrivera

    ‘yan si sarmiento. parang si islaw. lulubog lilitaw sa taeng kalabaw.

    ngayong hinahamon, uurong na parang ratbu niyang katulad nina esPWEron at bahaw bakar ay SUPOT!

  16. Mrivera Mrivera

    bakar – arabic word for bakang unga ng unga!

  17. Mrivera Mrivera

    kaya, gokusen, muslimun, hindi nalapastangan ang ngalan ng allah dahil walang kinalaman sa allahu akhbar ang pangalan ni wahab kung galing sa salitang “bakar”a ang ibig sabihin ay baka na walang ginawa kundi ungaaaaa, ungaaaaa.

  18. Mrivera Mrivera

    ….ang pangalan ni wahab KUNDI galing sa salitang “bakar” NA ang ibig sabihin ay……….

  19. gokusen gokusen

    Mrivera,

    wag u wori..! oks lang! lam ko nman point mo eh..kanina pa nga ako inis paggising ko dahil dun sa mga “pula” na yun..kung ako lang asawa ni Ong…i push ko siya lumabas na eh…at kung ako si Ong..lalabas talaga ko kasi yun ang dapat eh…at kung ako naman ang senador tutulungan ko si Lacson , at kung ako congresista..magsisimula akong mag-lobby matapos lang ang “garci issue” at kung ako ang Chief of Justice..kakapalan ko yung piring sa mata ko at papantayin ko ang timbangan para sa katarungan..at kung ako si gonzales susuportahan ko ang senado itatago ko at iingatan ko na walang mangyayari sa mga witnesses…at kung ako si esperon lalagyan ko ulit ng basement yung quarter para masilip ko kung maayos ang lagay ng mga nasa witness protection program..at kung ako si gma…baba na ako ng malakanyang para magbigay daan sa karapat-dapat…kaso nga..si gokusen lang ako eh..gang blog na lang ako…at isiwalat ang sentimiento na nararamdaman namin taga sulu,

  20. Mrivera Mrivera

    gokusen,

    huwag mo nang asahan ang mga taong binanggit mo. wala kang mahihintay at makukuhang mabuting gawa sa mga lahing linta at dugong aso!

  21. Mrivera Mrivera

    “Sarmiento told GMANews.TV in a phone interview that the Comelec en banc discussed his proposal to reinvestigate “Hello Garci” last July and they decided to “move on.”

    He cited three reasons for the poll body’s decision, namely, the Comelec law department had already conducted its investigation on the matter and concerned personnel had denied involvement; efforts to obtain original copies of the tapes proved futile; and both chambers of Congress conducted probes that proved inconclusive.”

    ****************************************************

    ganoon lang, tapos na? magtapatan na lang, magkano kayo nabayaran, ha? ‘yawang mga abugago ng comolec na pilit binabaluktot ang katotohanan at pinagtatakpan ang lahat ng kawalanghiyaan ni GLORIA MAKAGARAPAL ARROYO!

    nakakahiya kayo! sumpain ang lahi ninyo!

  22. conqueror46 conqueror46

    Naturalmente, itatago ni Sarmiento sa loob ng kanyang salawal ang mga kabulastugan ni Gwarci, ni Linta-ng Bedol at ng iba pang mga henerales na kasangkot sa usaping ito.. Kasi pag hindi niya ginawa ito, siya ang ituturong mastermind ng mga tinamaang kulog na mga mandarayang iyan… Pipi si sarmiento, bingi at bulag pa..kaya kahit anong hamon ang gawin natin dyan, hindi yan kikibo… pag kumibo yan, lagot yan kay glue-ria, mawawalan siya ng trabaho, kahirap pa namang mag-apply ngayon, mahigpit ang commitee on appointments… bwahaahahahahahahhhhahahah

  23. conqueror46 conqueror46

    Doble, bagaman at hindi tayo magkakilala at ayaw ko rin namang makilala ka. Sana mabuhay ka hanggang sa maparusahan ang mga walanghiyang yumurak at dumapurak sa ating mga karapatan bilang mga botante na nagbabayad ng buwis sa gobyernong ito….. Na wala naman akon nakukuhang kapalit kundi kunsumisyon at pagdadalamhati sa gobyernong ito, huh… gobyerno pa ba ang tawag natin dito, ito na yata yung impyerno sa lupa…. bwisit… kaya … ha pagbutihin mo ha, doble, doblehin mo ang ingat mo, huwag kang mamamatay, pag pinatay ka nila, bumalik ka, magmulto ka huwag kang papayag… huwag…. kang mamammatay…. multuhin mo sila, hilahin mo sila sa hukayyyyyyyyyyyyy… kakakakkkkkakkk bwahahahahaahahahahahahahahhhaahahah nasobrahan na naman…..

  24. conqueror46 conqueror46

    Ikaw naman gwarci, huwag kang ganyan… kaya ka natalo sa eleksiyon ungas ka, ang lakas ng loob mo, isipin mo kung hindi ka pa namili ng boto, walang bumoto sa iyo… usap kayo ni Sarmiento ngayon, hingi ka tulong, hindi pala,,, takot mo si sarmiento…. pag isinabit mo ako dyan… makikita mo,,, ang alin,,,, makikita mo hindi ka na makakautang sa akin….. bwahahahahaahahahahahahah

  25. chi chi

    C46,

    Napapasama ako sa bwahas mo, heheh!

    “..Na wala naman akon nakukuhang kapalit kundi kunsumisyon at pagdadalamhati sa gobyernong ito, huh… gobyerno pa ba ang tawag natin dito, ito na yata yung impyerno sa lupa…. bwisit… kaya … ha pagbutihin mo ha, doble, doblehin mo ang ingat mo, huwag kang mamamatay,..”

    Impierno nga sa lupa ang Pinas ngayon sa ilalim ng maitim at walang budhi at hiya! Pero, ‘wag mamamatay si Doble ha. Hahahhah! Ok yun a.

  26. Chi,

    Simple lang naman. Pag namatay si Doble, alam na natin kung sino ang nag-utos at nagpapatay, si Gloria Dorobo! Problema iyong mga bakla lalong mawawalan ng yagbols to run after her. Kaya dasal na lang ang magagawa ng mga pilipino. Dapat na nilang ipagdasal na matuluyan na sana like mabilaukan ng lechon, etc. na kinakain niya paid with taxpayers money.

    Nakita mo ba ang kinain nila sa Basilan? Wow, lobsters, etc.! Mahal iyan kahit sa Tate, Japan, etc. Wowwowie, binusog ang mga sipsip, et al, para mapaniwala ang mga pilipinong inuuto nila tungkol sa “humanitarian invasion” niya na ginaya sa ginagawa ng isa pang ulol sa Iraq where 1,018,263 Iraqis have been sacrificed as of now.

    Sa Mindanao, hindi pa nga reliable ang figures na inilalabas ng AFP ng kung ilan mismo ang mga sundalong pilipino ang ipinapapatay nila sa mga tulisan in addition to the more than a thousand nang biktima ng extrajudicial killings mula nang umupo si Alembong sa Malacanang.

    Chi, nakakaduda ang litrato ni Glueria Dorobo at iyong kapartner niya sa krimen na si Esperon! Matagal na rin akong nagsususpetsa sa relasyon ng mga iyan kasi may litrato sila before na pati ba naman kuwelyo ng unano pinapakialamang ayusin ni Esperon. Bakit hindi ang nagbibihis kay Alembong ang mag-asikaso niyon maliban na nga lang kung si Esperon ang nagbihis sa kaniya? Golly, nakakademonyo talaga ang mga ungas! Kampon ni Satanas talaga ang mga iyan! Get thee hence, mga Satanic advocates, Gloria and Esperon!

  27. TonGuE-tWisTeD TonGuE-tWisTeD

    Wow ha, Yuko. Nag-boodle fight pala yung Unano kasama si Supot (na napagkamalan kong nabuhay na Maning Rivera) at kumain pa ng lobsters!

    Narecord ng isang sundalo yung bulungan habang kumakain ng lobster at alimango at swerte namang nai-forward yung voicemail dun sa suki natin sa tinapa.

    Eto’ng narinig:

    Herms: Ang sarap mo talagang tignan habang sumusubo.
    Glo: Ikaw ha pilyo ka, tignan mo, ang laki ng sipit ko.
    Herms: Mas malaki sipit-sipitan mo diyan, heheh. O, eto pa, kainin mo ‘to.
    Glo: Ang bastos mo, hihi, ayoko niyan, sawa na ako sa itlog na maalat. Ay, bastos din ako. Hahaha.
    (Ingay sa background ng mga 3 minuto)
    Herms: Sige, mamaya, ha? Busog na ako.
    Glo: Sige, mamaya na lang. Maghugas ka ng mabuti ng mga fingers mo, ha.
    Herms: Ikaw din, pati bibig, ha? (naputol)
    ——
    Sino kaya nagrecord nun e wala na si Vidal Doble sa MIG21? Si Bedol Triple?

  28. chi chi

    Hahahhahah! Mas magandang sietehan ‘yan, Tongue.

    Baka nga ganyan ang nangyayari palagi a! Who knows?! Heheheeehh!

    Naku ay tingnan nga ninyo at pati expressions ng mga mukha ay parehong-pareho.

    OK ang photographer niyan, subtle!

  29. parasabayan parasabayan

    Tongue mukha yatang nabasa mo yung libro ni Maria Linda Olaquer Montayre ppgs 112-119! Very steamy! Kaya lang wala ng mabili sa labas. Binili na yata lahat ng mga fans ni tiyanak.

  30. TonGuE-tWisTeD TonGuE-tWisTeD

    Di ko alam yan a, PSB. Steamy kamo, literature courtesy of Linda Montayre, the ex-nun?

    Meron pa ngang ganitong senaryo.

    Herms: (Galit na kinutusan si P4C Tolongges)Private! Sabi ko paypayan mo si Ma’m, ano’ng ginagawa mo’t pinpadaplisan mo sa mukha?
    Private: Hindi ko pinadadaplisan, sir. May bangaw lang kasi.
    Herms: Hindi bangaw yon, bobo!
    Glo: Thanks, Papa. Ini-ispoil mo ako talaga.
    ———
    Yuckkkk! Ayoko na. Horror na.

  31. TT:

    Jet lag pa ako. By 2 pm dito, antok na antok na ako. Tried to stay up till 6 pm tapos gising ng midnight. Kaya walang tulugan ako. Blog, blog, blog! Bingo!

    Lalo akong di-nakatulog sa kuwento mo tungkol kay Herms at Glo! Taragis iyong dalawa ha! Binagoongan pa ang paborito ha, may pasipit-sipit pa!

    Tariray talaga si Glongit! Ang askad ng mukha sa mga dyaryo ngayon. Di siguro nakakatulog sa resurrection ng “Hello Garci” and this time, hindi na puedeng mamamatay kasi resurrected na nga!

    Abangan ang susunod na kabanata! 😛

  32. Tongue:

    Bangaw sa mukha? Bwahahahahahaha! Pruuuuuuuuuuuuuuut! Kabag!

Comments are closed, but trackbacks and pingbacks are open.