Dumaan ako noong nakaraang linggo sa Baywalk sa Roxas Boulevard at maaliwalas na. Makikita na ang Manila Bay.
Mabuti naman at ginawa kaagad ni Mayor Alfredo Lim ang pagpatanggal ng mga pangit na structures doon. Ngayon talagang Baywalk. Pwedeng lumakad at mamasyal ng maayos. Hindi madumi at magulo.
Kaya malaki talaga ang pasalamat ko na nanalo si Lim. Kasi kung si Ali Atienza ang nanalo, baka hahaba pa ang linya ng mga pangit na restaurant at bar sa Roxas Boulevard. Ang tsipipay tingnan!
Ang natira na lang ay ang higanteng structures ng Coke at Café Puro na tinatanggal na rin.
Sinabi ni Mayor Lim na ayon sa records sa City Hall, ilang buwan na palang hindi nagbabayad ang mga restaurant diyan. Kasama na doon ang Knockout Bar ni Manny Pacquiao. Dapat nga talagang tanggalin.
Ang Baywalk ay isang ehemplo ng magandang ideya na siningitan ng pagkagahaman. Maganda ang ideya na ayusin ang Baywalk para gawing pasyalan ng mga tao. Kaya maganda ang ginawa ni dating Manila Mayor Lito Atienza na inayos ang pagkasemento, linagyan ng mga upuan, at tinaniman ng mga ornamental plants.
Ang nakasama ay ang paglagay ng mga karaoke bar at restaurants. Nagiging linya ng mga beerhouse tuloy.
Tama ang patakaran ni Mayor Lim bawal ang magtinda ng beer o mga nakakalasing na inumin diyan ngayon. Pangpamilya na talaga ang lugar.
Ang aking namang suggestion: maari siguro payagan ang mga rolling food stand. Katulad ng hotdog, hamburger o crepes stand. At softdrinks stand. Para hindi na tatawid ang mga tao para kumain. Basta huwag lang permanenteng structures.
Maari namang gumawa ng uniform na design ang mga stand para maganda tingnan.
Kung nagkamali man siya sa Baywalk, mukhang bumabawi si Atienza sa Boracay. Bilang environment secretary, nag-order siya ng moratorium sa pagpatayo ng bagong structures sa Boracay.
Sabi ng iba, dahil raw sa may sariling resort hotel ang pamilya niya doon at nakakabuti sa kanilang negosyo na walang dagdag na kumpetisyon. Kung totooo man yun, di nakakabuti sa isla at sa bayan na rin.
Sobrang sikip na ang Boracay. Dapat nga matagal ng pinatigil ang pagpatayo ng mga bagong buildings doon.. Dapat i-regulate na hindi sobrang laki na mga building ang ipatayo katulad ng Regency Hotel. Hindi bagay sa maliit na isla.
Hindi na kasingganda ang Boracay ngayon kaysa noon. Ngunit gumanda rin naman ang mga resort at ang kalidad ng mga restaurant.
Sana simulan na kaagad ni Secretary Atienza buhayin ang Boracay.
Saludo talaga ako kay mayor Lim, bagaman at maraming negatibong komento tungkol sa kanya, mga iyakan at hikbian ng mga pinatanggal na mga istraktura, na kay Mayor Lim pa rin ang simpatiya ko. Ginagawa lamang niya ang kanyang tungkulin. HOOOORAY…… Bwahahahahaahahahahaha.
At last nakauna at solong post. Huwag po sana nating kalimutan ang kamatayan ni “Ninoy” di muna siguro kailangan kung anong kulay ng pulitika meron tayo. Maliwanag na nakapag ambag si Ninoy sa ating kasaysayan. (di bale na kung sinong pinag lalamutak ni Kris).
Kudos to Mayor Lim. Sa may Liwasang Bonifacio marami na rin ang naka skwat doon sa mga bahay kubo, paki ayos din po Mayor. Salamat po.
Nag-iipon lang si Atienza ng boto para sa susunod na eleksiyon. Nakita kasi niya nasira ang kanyang diskarte sa pagsuporta kay pakman…. bwahahahahahaaaaahahahhaah at ngayon nililinis ni lim ang baywalk na DINUMIHAN NIYA…. bwahahahahaahahhahahha.
tilamsik, nauna ako sa yo ng isang minuto… bwahhaahahahahaha
Akala ko pa naman una na ako!
Clearly what Atienza did is just cosmetic beautfication of the city. Marami pa talaga ang dapat gawin, Manila is sopocated. Siguro kung di kinukurakot ang budget maayos ang Maynila.
bilib ako dito kay c46. parang apo ni bert marcelo, eh.
marami din ang kontra sa ginawa ni dirty harry sa pag-demolis ng beywok. lalo na ‘yung mga manlolokong nabubuhay sa panggugulang sa kapwa.
kung natatandaan ninyo ‘yung mga nagkakalesa na mahilig mangotong sa mga sumasakay kapag natunugan nilang puwedeng takutin at gulangan?
I hope Atienza makes good in Boracay.
Inshallah…. ellen..
hindi ko pa napapasyalan ang baywalk eh na-demolished na ni mayor lim. tsk tsk tsk. pero mas magiging maganda sigurong pasyalan ang baywalk sa malinis na kaayusan nya sa ngayon. sana lang mapanatili ang peace and order situtation sa lugar maski wala na ang mga inuman dun. baka kasi nde na tumambay ang mga lespu dun kasi wala ng beer at pulutan. sabagay pwede pa naman tumambay at manuod ng mga illegal drag race ng motor at kotse sa may macapagal. hehehe.
When I visited Boracay last courtesy of my daughter I was surprised to see and ride the dekatig ferries between Caticlan and Boracay lamentably on rough seas. Those ferries cannot pass safety convention ask the coast guard and Marina. But they passed political accommodation, I think.
So that I suggested they put up a bridge not even a kilometer long that will solve the safety matter, the trucking out of trash and other hotels can even be erected on the mainland. Flower boy can go ahead with his current dictum of moratorium.
“maari siguro payagan ang mga rolling food stand. Katulad ng hotdog, hamburger o crepes stand. At softdrinks stand.”
ellen, maganda etong suggestion mo lalo na pag maganda at uniform ang pagka design ng mga yon. sana nga okay lang kay mayor lim yan.
eror46,
wala ka di kapagod-pagod sa katatawa no? hahahhaa…. tuloy si mrivera naalala na nman nya si kumpare nyang “bert tawa” !
ak-47, pag hindi ako tumawa kahit dito lang sa blog, baka mas malaswang pananalita ang lumabas sa bibig ko, ayoko naman ng ganoon , kaya kahit paano ay kinokontrol ko ang emosyon ko sa pamamagitan ng pagsusulat ng medyo may katatawanan. salamat sa pansin.bwahahahhahhaah
eror46,
bwaakahkahkakahkahk… nahawa tuloy ako sayo! sige minsan pasyal nga tayo sa “baywalk” kasama si mrivera para masaya, basta i-kontrol mo lang yong “tawa” mo doon ha? para di tayo huliin ni alkalde !
eror46,
kung gusto mo naman pasyalan din natin ang “boracay”, marunong kaba lumangoy? pero dapat i-kontrol mo parin ang “tawa” mo doon ha? para di tayo kidnapin ni wahab akbar !
ak-47, salamat, salamat sa iyong pagpansin
Kahit maraming problema, akoy tatawa pa rin
Lulunurin sa ngiti ang mga suliranin
Ang mga hinagpis aking lulupigin
Makita ko lamang malaya ang bayang sinta natin
Ang aking panulat ay sibat at palaso
Sa mga taong may isip na liko
Mabuhay ang REBOLUSYON……………..bwahahahahahahahahaha
I have an idea: Why not invite the Baywalk babies to promote the Baywalk? In fairness to Atienza, he did some good things for Manila. Baywalk was not all bad. His plans were good but as usual it turned out to be only profitable for a few. I have a question to ask Mayor Lim: If he’s serious in cleaning up Manila and remove all the evils Atienza invested, what would Lim do to the many lamps along the roads and streets supplied by China? I heard Atienza made a killing out of that…millions in fact in commission. Lim could get back at Atienza by ordering an investigation of Atienza’s (illegal) purchase.
“Nag-iipon lang si Atienza ng boto para sa susunod na eleksiyon. Nakita kasi niya nasira ang kanyang diskarte sa pagsuporta kay pakman….”
***
C46, trulili ‘yang sinabi mo.
C46, minsan nga ay lessened ang galit ko kapag ang poste mo ay nakakatawa ngunit totoo. Thanks.
Mrivera, makata rin si C46. I miss your poems, MR.
chi, maraming salamat din sa iyong pagpansin
Hayaan mo at sa abot ng aking makakaya
Ay pilit ko kayong pasasayahin
Kahit na may kakornihan
Kayo’y aking patatawanin
Huwag lang kalilimutan ang aking naisin
Labanan ang masama, itaguyod ang mabuting ADHIKAIN
bwahahhahaahaaaaahahahahhhhh
chi,
ibinibigay ko nang buong buo ang hapag upag aliwin tayo sa tula ni c46.
hihintayin ko lamang na maubusan siya ng tawa saka ako hahabi ng ilang talata.
ayokong sumabay. baka ako kabagan.
dyok. dyok. dyok.
Offtopic.
Gloria the poser is having another nightmare!
***
Doble ready to testify on GMA-Garcillano vote pad gabs
Ex-Isafp agent turns Senate witness, bares all in Garci wiretap. http://www.tribune.net
con’t.
“…Nagulat kaming lahat nang tumawag si Pangulong Arroyo kay Virgilio Garcilliano na ang tinatanong niya ay ‘yung dagdag na isang milyon. Tunay po ang Garci tapes, wala na dapat akong ikatakot, sibilyan na ako. (We were surprised to hear President Arroyo calling Virgilio Garcillano asking for the additional one million votes. The Garci tapes are real, I’ve nothing to fear, I’m now a civilian.)” he said.
Let’s back up this witness. Baka takutin na naman iyan, tapos uurong. Hindi na dapat mamayani ang mga hangal!
Off topic: I saw Pacquiao on TV when I was in the USA. Magpapakabait na daw siya. Naging mayabang daw siya at nagsisisi siya na naging palalo siya. Ang pangit ay hindi niya sinabing, hindi na magpapagamit pa sa mga Pidal. At saka anong kabalbalan naman na nili-link siya doon sa bold star na anak daw noong Mathay na mayor ng Q.C.? Golly, ang tangkad noong bomba star e si Pacquiao, punggok! Buti hindi sinabing siya ng kapalit ni Binggot!
Let’s hope Pacquiao has learned his lesson. He was ripped off by Pidal and his gang. See…many of his friends are gone. They will only return when it’s time for another boxing bout when they place huge bets on him. How do you call a guy like Pacquiao? Stupid.
Ellen, as long as they allow foreigners to own some of the facilities in Boracay, the distance from beach to shore will be maintained. Pag puro Pinoy na iyan, pag labas mo ng resto nakatapak ka na sa tubig dagat. Dito nga sa Pasay, ang mga bahay sinakop na pati sidewalks, ang siste masikip ang mga daanan.
Ganyan din ang mangyayari sa Boracay pag di nabantayan, palapit ng palapit sa tubig ang mga istruktura.
Yung white sand, baka maging white house!
———
Sa isang banda, yung mga bagong projects na malalaki, karamihan sa Northern side na hindi tinatao gaano. May mga bagong condotel na time-sharing. Para na ring sarili mong bahay, pero kung wala ka, pinauupahan ng administrator.
Tama na ang isang golf course doon, na pag-aari ng Fairways and Bluewaters, pag nadagdagan pa, hindi na kakayanin ng island. Magandang may malalaking open space for trekking, cycling, or simple nature tripping o iba pang outdoor activities dahil after 5 days, boring na rin.
Kailangan din lakihan ang sewage treatment plant at magtayo ng desalination plant gaya sa Puerto Azul dati. Yung tubig doon, malambot sa buhok kahit walang shampoo. Maganda rin ang suggestion ni Valdemar na magtayo ng tulay.
Sana ay makakuha si Atienza ng matitinik sa planning and development kundi ay magagaya lang ang Boracay sa Baywalk na nagbalik sa Roxas Blvd. sa panahon ng 70s kung saan barbikyuhan at inuman ng mga pokpok sa Dewey kasama ang mga underworld characters na parokyano nila sa mga nightclubs ang laging laman.
Si Pacquiao sinisiw lahat ang mga suntok sa kanya. Pero knock-out siya sa mga politiko na ang alam lang puro upper-CUT.
tongue,
upper cut? hindi yata. ang alam ko CROSS CUT ang mga suntok na binibitiwan ng pulitikong may lahing linta. pinagsamang tagang may double cross.
I’m proud of the Filipino flag and want to see all the honors given to the country. Pacquio’s victory is always good for the country. But this time, I wish he loses his next fight so that he learns his lesson more. Losing it means his handlers losing their bets. Enough of Pacquiao…he’s a goner politically and as a person. May he also fails in his professional career. Karma is now working against him. He has done so much damage to politics and the people who trusted him. He slept with the devil so why should we root for the devil’s servant? If he says he’s withdrawing his support from Arroyo, then we may still continue to support him. As for me, Manny’s name has long been deleted from my list.
sino ba itong mani pakyaw na ito? mahirap kasing matandaan ‘yung mga taong yao’t dito sa ating kamalayan lalo’t naging sipsep sa bruhang mutya ng bahay na bato sa bulok na ilog pasig!
Bakit nabuhay si Pakyaw dito, explain!
O sori, dahil pala sa Baywalk na meron s’yang resto.
Ellen,
You’re right about the Baywalk. Pinagmayabang to nang mga barkada ko there, so we drove to that place nung Krismas. I was with my Belgian and Italian friends pa naman, siempre guapo mga bitbit ko. They’re not products, classmate ko yong Italian sa business school here in the US at yong Belgian eh matalik kong kebigan.
First impression, pucha grabeng mga nanonood sa kalye although nilagyan nila nang temporary bakod or something which is really ugly. Dahil medyo gabi na noon at gwapo nga mga kasama ko, pinutakte kami nang mga babaeng bayaran! Ampapangit pa mandin! I didn’t know how to explain what happened to my friends! Madami ring gays na nagsilipatan malapit sa table namen and we’re making chika chika wanting to get to know us. But of course!
In the end naglakad lakad na lang kami and we have pictures nang bay na napapalamutian nang mga lumulutang na mga kung ano anong abstract floatings arts, read: trash!
Baywalk indeed has a lot of potentials, deretsuhin nya lang ang paglilinisn na yan and yes, uniform food stalls would be good and a kiosk information center para sa mga bumababa nang bundok na gaya namen. Finally, paano ba maalis ang mga kawawang mga babae at lalaking nagbebenta nang aliw dyan?!
uuyyyy!
lumabas na muli ang kanyang kamahalan!
nagsawa pasumandali sa rangya ng kanyang palasyo at ngayo’y nakikihulabilo sa ordinaryong mamamayang naghihintay ng kanyang pagpapala.
welkam bak!
sana masolusyunan din ni meyor lim ‘yung buriki sa baywalk.
he he he heh.
tapos niya maayos ang buriki sa baywalk ay manood naman siya ng beewalk sa boracay para marelak naman siya sa mga umiilaw na legs, legs, legs nakakasilaw.