Nakabalandra ngayon sa ating mga pahayagan ang mga numero ng mga namamatay sa Sulu kung saan nag-oopensiba ang military laban sa Abu Sayyaf: “57 patay”. “25 patay sa isang araw.”
Nangyari itong opensiba isang buwan mangyari ang trahedya sa Basilan kung saan 14 na Marines ang namatay, 10 sa kanila ang napugutan ng ulo sa encounter sa mga miyembro ng Moro Islamic Liberation Front noong July 10.
Ngunit sa likod nitong mga numero ay mga taong tumatangis dahil sa mga nawala sa kanilang buhay. Mga taong ngayon ay hindi malaman kung papaano mabuhay sa gitna ng putukan at barilan.
Isang researcher na taga-Sulu na aking nakilala sa papagitan ng aking blog ang humihingi ng tulong para sa kanyang mga kababayan na ngayon ay walang makain dahil sa wala na silang magawa kungdi tumakbo para makaiwas sa mga bala at sa mga Abu Sayyaf na nagwawala na sa kabundukan.
Kung may maitulong kayo, maari kong paratingin sa kanya.
* * *
Ang isa pang kahindik-hindik na pangyayari ay ang pagpitik lang ng Comelec kay Lintang Bedol, election supervisor ng Maguindanao. Ngunit kaysa manggalaiti tayo sa galit, pagtawan na lang muna natin.
Maganda itong sinulat sa aking blog ni Tongue Twister kung ano ang kanyang gagawin kung siya si Bedol:
1.Magwawala ako. Bakit si Garci, di man lang naimbestigahan. Pati si Sumalipao, si Mangudadatu, si Noli Barcelona, si…, si…. Abalos! Sige pati si Gloria na!
2. Hindi ako magpipiyansa. Pagkatapos kung tulungan ang gobyerno, magbabayad pa ako? Bakit di na lang ibawas sa pasweldo ni Bong Pineda? Pwede namang imenos sa koleksiyon ni Chavit dahil nag-number one siya sa COC ko. Sagutin na lang kaya ni Ate Migz yung P1,000 at P15,000. Hindi na pwede bawasan ang pera ko. Ibinigay ko lahat sa Fund Manager ko yung P50M na sweldo ko nung eleksyon, no! Galing yata sa pagod yung perang iyon.
3. Hindi ko sisiputin yung pinaplanong inquiry sa House.Baka makotongan pa ako ng mga miyembro doon. Nandoon pa yung ibang members ng CA di ba? Isa pa baka hindi ako tanggapin pareho ni Garci. Si Garci, akala mo naka-homerun, kinakamayan ng lahat. Kakainggit.
4. Hindi ko sisiputin yung inquiry sa Senate. Delikado doon, nandoon yung tatay ni Koko. Hindi niya alam kasi na barkada ko yung nakalaban noon ng tatay niya. Saka baka payagan si Trillanes. Mapapatunayan pang si Trillanes ang number two sa totoong bilang. Kailangan siguro hindi na mata ang tapalan ko. Tama, yun na lang bibig!
5. Papayag akong makulong sa Manila Hotel ng anim na buwan.
Ang kasalanan ko lang naman talaga e hindi ko napartehan sila Abalos. Ang utos kasi ibigay ko yung iba sa en banc, dinig ko naman ilagay lahat in bank!
Isa lang ang nakikita kong solusyon. Bakit di na lang ibagay sina Bedol at Abalos sa mga nagwawalang ASG? Heads will literally roll.
Bakit kaya sa dami ng pinadalang mga sundalo ay di pa rin masugpo ang MILF, MNLF at ASG? Isa lang nakikita kong sagot, lahat kasi ng mahuhusay ng mga opisyal ng AFP ay nakakulong pa rin ngayon.
Hindi kaya ni Unano na supilin ang mga tulisang tinatawag nilang ASG. Golly, matagal nang sinabi ni Unano na isang bala lang ang mga tulisang iyan at saka 100 lang noong una na naubos na daw tapos ngayon more than 350 lang pinapalaban sa 5,000 well-equipped na sundalo daw.
Aba e mabuti pa pala si Osama Bin Ladin at well-supplied niya iyong 350 na ASG na nakakapatay ng maraming sundalong pilipino na trained pa raw ng mga kano.
Ano ba talaga ang totoo ha, Gloriang wala nang sinabing totoo? Kaya mo ba o hindi? Puede ba bumaba ka na lang at magpakulong. Nakakakulo ng dugo sa totoo lang! 🙁 Grrrrrrr!!!
Schumey: Bakit kaya sa dami ng pinadalang mga sundalo ay di pa rin masugpo ang MILF, MNLF at ASG? Isa lang nakikita kong sagot, lahat kasi ng mahuhusay ng mga opisyal ng AFP ay nakakulong pa rin ngayon.
*****
Sinabi mo pa. At saka ang best solution talaga ay patalsikin si Unano dahil puro yabang lang ang ungas wala namang ibubuga. Bobo pa ang mga hinayupak na deputy niya, puro duro lang!
Army HQ sent to Zamboanga
Arroyo orders Army chief to lead offensive vs Abu
By Juliet Labog-Javellana, Cynthia Balana
Inquirer
MANILA, Philippines—Talking tough but leaving room for peace, President Macapagal-Arroyo on Saturday ordered that the Army headquarters be moved from Fort Bonifacio to Zamboanga City and sent its chief, Lt. Gen. Romeo Tolentino, to personally lead military operations against the extremist Abu Sayyaf.
…Now that Arroyo has ordered the transfer of AFP Headquarter to Mindanao, expect an all-out war. Who told her to do this? Is there some invincible hand dictating her?
“Bakit kaya sa dami ng pinadalang mga sundalo ay di pa rin masugpo ang MILF, MNLF at ASG?”
Schumey,
Ang malinaw na sagot diyan ay dahil Bobo at Inutil ang Cheat-of-Staff at Commander-in-Cheat. At wala silang karapatan sa mga pwestong iyan dahil pareho silang PEKE! Under their questionable leadership, NAPABAYAAN na nang husto ang ating Sandatahang Lakas!
Maraming pawns si Gloria at Asspweron. Sige, ipadala ninyo lahat sa Mindanao ang mga sundalo na ang tanging kipkip ay tapang. Isang umaga ay magigising tayo na konting-konti na lang pala sila at tuluyan na tayong nawalan ng tagapagtanggol sa tunay na mga terorista.
Gaya ng nabanggit ko sa previous thread, malalim at ginugulo ang laro na ito kaya kung pwede lang ay magmulat ng mga mata ang mga sundalo hindi iyong bulag na pagsunod sa pekeng commander at pekeng chief of staff!
Foolish general! They don’t need the whole battalions to defeat the enemy.Determining how to best to defeat an enemy always begins with understanding who they are and why they fight. It is a time-honored component of strategy that one most know his enemies in order to understand the enemies’ strengths and weaknesses—and determine how to best defeat them.Winning the war is all about winning the struggle of ideas, destroying the legitimacy of a competing ideology, and robbing the enemy of the support of the people.
Commander would know his defeat well when his armies were scattered, his officers in chains, and his land occupied. Defeat in the war,in which a climactic battle might never be fought, and where indeed armies might never fight, could mean something very differently.
These groups have embraced terrorism as their weapon of choice, in order to defeat them, the government must respond to their needs and policy prescriptions for responses to terrorist attacks range from rejecting violence to more economic development and health care and promoting good quality education.There will be no winners in war of terrorism, you kill their father all his son will avenge. Leadership in the effort to win hearts and minds will require humility and realism.Changing hostile perceptions will not be easy. it is that the character of the solution to any problem has to fit the problem. If you’ve got a big problem, you need a big solution. If you’ve got a novel problem, you need a creative solution. If you have no problem, you need no solution!
At least, kitang-kita na mas magaling pa ang tulong ni Bin Laden sa ASG, etc. kesa doon sa yabang ni Unano na malaki na ang nahuthot sa mga kano, hapon, etc. pero wala pa ring sinabi kasi ibinubulsa naman ang mga abuloy mula sa mga bansang nabanggit. Siyempre naman anong ilalaban ng mga non-native sa Sulu doon sa mga tagadoon na lalo na kulang pa sa knowhow at tamang panlaban ang mga ipinapadala. Mukhang iyong gusto lang nilang maligpit ang ipinapadala nila kuno para maubos na iyong mga bataan noong mga ikinulong nilang mga matatapang at magigiting na mga sundalo. Kundi iyan inutil, ano pa?
to be at war or not to be, has always been a contentious issue.
i am against Gloria and Espweron’s latest stunt in concocting and pulling-off this stupid all-out war in Mindanao.
going to war, in order to win, must meet the following requisites:
1) reasons ought to be compelling;
2) reasons ought to be right;
3) most importantly, any war, must be led by leaders acceptable to the people.
Gloria and her cohorts of Garci generals, must be made to explain for the pile of fiascoes, on top pile of bodies.
the first 14 fallen Marines in Tipo-tipo, as i’ve said before, were deliberately led to their deaths; to lay the excuse to launch the offensives.
the people are goaded to believe that the option for a non-armed avenues in resolving the conflict wont work.
i wont be surprised if Espweron and his gang of Garci generals will make it sure that the numbers of troops fatalities will rise, so as to make way for another excuse.
they all want this emergency powers for a state of emergency or martial rule.
please tell me that am imagining things, or am I?
Hey! There is something serious going on.. Gloria cannot run the country at all.
Corruption
Cheating
Killing
Disapearance
War
Poverty
Garbage
What else?
Zen2:
The conflict in Mindanao is only a publicity stunt of the midget to impress America. It won’t justify the declaration of Martial Law nor her state of emergency. The Abu’s are only a sacrificial lambs for her financial interest. Wahab Akbar,although he owned Basilan won’t let her slaughtered his people because Akbar will be powerless if he has no follower even he has so many wives. Maybe, Pandakikay has a crush on him, and she want to be included on Akbar toy collection in bed, that is why she is sending Esperon’s army in his territory to get attention. She is stupid enough to burn the whole house just to kill a rat and she is foolish to drain all the water in the lake just to get the fish.
Schumey says:
di pa rin masugpo ang MILF, MNLF at ASG?
Sagot: lalong galit ang MILF MNLF ASG dahil hindi sila hinatian ng Bossi ransom money.
guys,
understandable ang hinagpis ng lahat sanhi ng walang kabuluhang patayan sa sulu at basilan.
matatapang ang mga nag-uutos dahil hindi sila ang humaharap sa kalaban. matigas ang kanilang mga salitang binibitiwan sapagkat hindi sila ang nanganganib ang buhay sa pagpalaot sa larangan.
nakakaawa ang mga sibilyang nadadamay sa pagkaipit sa sagupaan at napeperwisyo ang kanilang pamumuhay. nakakalunos ang kalagayan ng mga matatanda at paslit na walang kakayahang iligtas ang sariling buhay.
makadurog puso ang pagdadalamhati ng bawat pamilyang inulila ang mga napaslang sa labanan, maging sundalo man o kaaway sapagkat ang pagkamatay nila ay walang katuturan bunga ng isang sakim na hangarin ng nasa kapangyarihan – ang huwag matapos ang gulo sa mindanao upang siyang maging balon ng sasaluking kayamanan!
ang mga kalaban ay wala sa gubat, wala sa kanayunan at lalo’t higit na wala sa ilang KUNDI nasa loob ng kuta bonifacio, kampo aguinaldo at sa marikit na bulwagan ng malakanyang!
“……bawat pamilyang inulila NG mga napaslang sa labanan,….”
army headquarters to be transferred to zamboanga city? bakit? matatapos ba ang gulo sa buong mindanao kung nandoon ang punong himpilan ng hukbong katihan?
isang utos ng kabaliwan at pagpapa-impress upang maging maganda sa mata ni george bush?
gloria, ang tanda mong TANGA!
“I have ordered Army Commanding General Romeo Tolentino to the front lines, to help oversee the theater of operations and to be nearer to MY SOLDIERS,” Ms Arroyo said in her third statement since Friday night on the death of 26 soldiers in Sulu.”
ellen, ipagpaumanhin mo, pero kung maaari, kahit ngayon lang, pagbigyan mo ako.
GLORIA ARROYO INA KA NG LAHAT NG PUTA! ANG UTAK AT PUSO MO AY NILAMON NA NG PAGKAGAHAMAN AT PAGKUKUNWARI!
cocoy says:
“The conflict in Mindanao is only a publicity stunt of the midget to impress America”.
reply: add to that is, “for gloria and esperon to show to the filipino people that they are determined to end the hostilities in mindanao” but in reality is not, rather “publicity stunt” to contain people’s anger and grievances to the never-ending politicking and self interest by this evil woman gloria, esperon and their cohorts.
to gloria & esperon : may your body and soul rest in “the fire of hell” forever and ever…
hindi ko naramdaman ang ganitong galit kakambal ang pagdadalamhati bunga ng parang mga inabot ng pesteng kawawang mga kawal na ang naging sanhi ng kamatayan ay bunga ng walang pangalawang pagiging MANHID ng kasalukuyang pamahalaan.
hindi baril at bala ang kailangan upang makamit ang katahimikan, kaayusan at kaunlaran sa mindanao kundi ang TAPAT na paglilingkod ng alinmang pamunuan sa pamahalaan, mapalokal o pambansa man.
dahil sa kawalan ng tunay na pagmamalasakit ng mga nasa poder ay lalong lumalaganap ang kahirapan sanhi ng kaguluhan at hindi pagpapatupad ng mga programang pangkabuhayan, pangkalusugan at pangkarunungan.
malaki ang bawat alokasyon ng badyet sa bawat programa, subalit saan napupunta? kaninong bulsa ang lumolobo at sino ang lalong yumayaman?
napakayamang bahagi ng pilipinas ang mindanao. malawak at buo ang kanyang lupaing maaaring gawing sakahan na kung pagyayamanin ay mapagkukunan ng sapat na pagkain at hindi na kailangan pang umasa sa pag-angkat sa ibang bansa. mayaman din ang mga kabundukang hitik sa mga punong kung hindi aabusuhin ay magsisilbing tanod upang ang kapatagan ay hindi makaranas ng mga pagbaha. sa dibdib ng mga bundok na ito ay nakalagak ang mga likas na kayamanang magiging antabay upang pagkunan ng ikabubuhay ng nakararaming mamamayan. lalo’t higit na mayaman ang pusod na kanyang karagatang pugad ng likas na yamang tubig at pinaniniwalaang kinahihimlayan ng isa sa pinakamalawak na balong ng mina ng langis na labis labis tumustos sa pang-enerhiyang pangangailangan ng bansa.
nasa mindanao din ang isang sanga ng pinaniniwalaang sentro ng sinaunang kulturang pinagmulan ng pamayanang pilipino at marapat lamang na pagtuunan ito ng pagpapahalaga ng sinumang namumunong nagmamahal sa kasaysayan ng bansa at tunay na kahulugan ng kaunlaran, pagkakaisa, pagmamahalan at pagbabago.
how come she continues calling them “MY SOLDIERS”?
kapal ng mukha mo, gloria.
hindi mo kayang utuin ang buong sambayanan sa mga pakunwari mong pag-aalala.
at kailan pa naging iyo ang buong pilipinas, aber?
bagay sa iyo sa pinakapusod ng gubat kasama ang mga pnakamababang uri ng mga hayop at mga parasitiko tulad ng linta.
huwag ka nang magkuwaring tao na merong damdamin sapagkat batid na ng balana na wala kang pinapahalagahan kundi ang pagpapairal ng sarili mong interes. GAHAMAN!
napakaaga pa para sa paghahanda mo sa 2010 at maliwanag na wala kang balak umalis sa malakanyang.
ystakei says:
“Ano ba talaga ang totoo ha, Gloriang wala nang sinabing totoo? Kaya mo ba o hindi? Puede ba bumaba ka na lang at magpakulong. Nakakakulo ng dugo sa totoo lang! Grrrrrrr!!!
reply: ystakei, relax ka lang ! mamaya magkaskit ka nyan walang mag le-lead sa amin dito. smile !!! ano bang magandang gawin natin sa lintek na sinungaling na yan? pra matapos na. grrrrrrrrr…
“hindi ko naramdaman NOON ang ganitong galit kakambal….”
Magno:
Gustung-gusto ko na ring magmura, pero nagpipigil ako lalo habang pinakikinggan ko ang kanta ng Asin na “Ang Bayan kong Sinilangan.” Nakakaiyak! Magkakapatid, nagpapatayan. Pero masisisi ba ng lahat ang mga Moro na sa totoo lang ay aping-api.
Hindi ako Moro pero iyong interview na isinalin ko sa wikang hapon noong isang taon para sa isang programa sa NHK ay nakakabagbag ng damdamin lalo na iyong mga displaced children na para maligtas sa gutom at guerra ay pinapapuntang mag-isa ng mga magulang sa Maynila, Baguio at kung saan-saang tahimik at walang guerra.
Hindi nakakapag-aral dahil biktima ng child slavery, malayo sa magulang na umaasa na lang sa kanila. Tapos ang kapal ng mukha noong unano na magmayabang ng improved economy under her reign. Ummmmmph, gusto ko nang magmura sa totoo lang!!!
Sa Japan, alaga ang mga bata, protektado laban sa child slavery! Iyan ang tunay na progreso, hindi iyong hocus pocus progress ni Unano na pati ang exchange rate minamaniobra ng hangal. Taragis, papaanong magiging mas mahusay ang ekonomiya ng Pilipinas e wala namang ibang produkto kundi tao! Hangal na hibang pa ang ungas sa totoo lang!
Generally speaking, walang tulak kabigin sa mga ungas na nakaupo para magnakaw, and worse, magyabang na mga bobo pa!!!
i cannot post comment..but my tears are flowing while reading all your posts …
The Moro Islamic Liberation Front (MILF) has urged the leadership of the Armed Forces of the Philippines (AFP) to observe maximum restraint and call off its impending offensive against the forces still loyal to jailed MNLF leader Nur Misuari, which figured in series of encounters with government troops since August 9 that resulted in scores of slain or wounded on both sides. Muhammad Ameen, chairperson of the MILF Secretariat, made the urgent call in behalf of the thousands of civilians who will be displaced by renewed fighting, in addition to thousand of families who already fled their homes due to recent skirmishes in Indanan and Maimbung, in the war-torn Sulu Province.
Meantime, the tense situation in the island province further heated up this morning when security escorts of Sulu Governor Sakur Tan were prevented from entering with the governor to a conference room in downtown Jolo where a meeting was supposed to take place with AFP Chief of Staff General Hermogenes Esperon.
Tan preferred to leave the meeting rather to proceed without his men and aides.
===
bakit ang milf pedeng mag-ask ng sa peacetalk..at pinapakinggan ng gobyerno, abu ang kalaban di mnlf ano ba yan? kitang-kita ang laro ng gobyerno….malalaman din naman ng buong mundo kung ano talaga ang totoo…malapit na!
tilamsik,
definitely, a case of misplaced aggression.
there are many fronts to engage and declare war into, and possibly rally passionate support from the people—in their midst, saddled with a fake leader, nonetheless.
indeed, wars requiring almost none of armed confrontation but huge energy of political will and conventional honesty are there to train their sights on: electoral cheating, bureaucratic corruption, politically-induced killings and disappearances, etc.
why drag the entire country’s armed forces, when we have not yet explored fully the non-armed component of governance is not only stupid, but saps meager resources that would have offer better social-rewards if placed correctly.
but then maybe am being unreasonable for expecting too much from an avowed cheat to make something good for her country and its people.
cocoy,
if the on-going war in Mindanao is nothing but a mere ‘publicity stunt’ to impress her (Gloria) imagined patrons; they would be better off to put a screech on it.
even this early, the toll on the lives of civilians, and both contending armed parties is getting uglier by the day.
why do these people who call themselves leaders, not learned anything from the nation’s lessons of history?
the decade-long war in Mindanao in the 70’s brought out nothing but despair, mostly untold, and lingering miseries to the vast sea of people.
though there were no clear winners; save for the windfall made by the arms-traders, and lined the pockets of some stinky generals who made careers of shamelessly fleecing funds/supplies meant for the foot soldiers: it certainly made refugees of at least 250,000 Pinoys, to this day living in nearby Sabah.
yes, i agree with the last part of your observations. its horrifying to imagine the extent of destruction her actions would bring and needlessly, add to the long list of national ignominies.
Foolish general! They don’t need the whole battalions to defeat the enemy.Determining how to best to defeat an enemy always begins with understanding who they are and why they fight.
***
Cocoy,
Sugod nga lang ng sugod! They have the number advantage pero ang sabi nga ni Gokusen e bakit natatalo! Kasi ay hindi nila sundin ang sinasabi mo. 🙂
Yeah, the lives and heads of the 14 marines should be avenge, but before they send batallions to meet the same fate, Gloria and Asspweron and her Hello Garci Generals should weigh all the angles of this war first in order to win.
Si Bush nga e talo pa sa kanyang Afga and Iraq wars with the numerical advantage he has, ito pang mga corrupt na ito that as if they’re just putting up the big numbers of soldiers for a show!
Propaganda para sa superficial effect sa mata ng another approval rating survey, baka nga naman tumaas ng kahit ga puntos! And propaganda for the sake of Dubya’s eyes! Kawawang pinoy, kawawang bansa. Isinasakripisyo ni Gloria just to win another pogi points!
re: Bedol
ask any auditor worth his salt, as to the best strategy to prevent fraud: almost always, you will be answered that a well-thought series of control protocols are good enough.
set of controls in the procedures plus the thought of harsh life in prison is a surefire turnoff for wannabe offenders.
Bedol’s term of punishment (suspended, at that) is a surefire COME-ON for other Comelec bureaucrats to emulate his actions and rehash his alibis.
the rewards for being a crook is just to much to ignore, compared to one sentenced ala-Bedol.
comes next election time; having basically the same set of culture, leadership, and non-controls within the electoral body, i expect lots and lots of little Bedols to come in the open, lured by fast bucks as against mere tap on the shoulder if discovered.
gokusen,
gusto ko lang maliwanagan, ang MILF ba at MNLF ay magkakampi? sa dalawang grupo na eto, may kumakampi din ba sa mga abu sayyaf? punta naman tayo sa mga civilians, bakit namumugot ng ulo ang mga abu sayyaf sa kanila? ano ba ang mga kasalanan ng mga civilian sa mga abu sayyaf? kasi nabasa ko sa mga una mong posts na ang dami ng nagkalat na pugot na ulo at sinabi mo pa na halos bawat bahay ay pinapasok ng mga abu sayyaf para lang mamugot ng ulo. hinde ko lubos maisip ang kanilang kasamaan. sana naman eto na ang dapat na matigil at malutas ng gobyerno (kapayapaan sa mindanao) na kahit hinde daanin sa gyera.
simula nagkaroon ako ng isip hanggang ngayon ay gyera na sa mindanao at wala naman nangyayari. iisa lang ang ibig sabihin noon, hinde gyera ang sulosyon kundi ang isang “tapat at determinadong peace negotiation” at ang pagtanggap at paggalang ng gobyerno sa mga kultura ng mga moslems at syempre ang pagpapatupad ng “patas na batas at mga programa ng gobyerno” ke kristyano ka man o muslim.
yuko,
masakit sa aking kalooban ang nangyayari sa lalo na sa jolo na itinuring kong pangalawang tahanan. gaya nang mga nabanggit ko noon pa, at ‘yan ay matatandaan ng mga kasama dito na ang mga taosug ay mahusay makisama kahit sa hindi nila kapwa muslim huwag lamang silang abusuhin, bastusin at pahiyain.
sa haba ng panahong inilagi ko sa lugar, pagkatalaga sa iba’t ibang bahagi ng lalawigan at pakikisalamuha sa mga karaniwang mamamayan ay nag-iwan sa akin ng panghihinayang dahil sa kaguluhang walang katapusan na siyang umuudlot sa pagkakaroon nila ng katahimikan at kaunlaran.
sagana ang sulu sa likas na yaman, sa kaparangan, kabundukan at karagatan. kung ang mga ito ay pagyayamanin ay makasisiguro ng kasaganaan ang mamamayan. nakakalungkot isipin na ang yamang ito ay nawawasak lamang bunga ng pagiging ganid ng nakaupo sa malakanyang gayundin ang mga alagad niyang wala nang kabusugan.
ilang taon na ba ang muling pagsiklab ng karahasan? humupa na ang labanan noong huling bahagi ng dekada 80 subalit walang balak ang pamahalaan na isakatuparan ang programang pangkapayapaan sa mindanao man o saang bahagi ng ating bayan!
gokusen Says: “i cannot post comment..but my tears are flowing while reading all your posts.”
gokusen,
same here. my heart’s been bleeding since i learned of this nonsense fighting. not only for the families of the soldiers who perished but more on innocent civilians especially the old and the young who got caught in the crossfire.
displaced. wounded. maimed. killed.
“simula nagkaroon ako ng isip hanggang ngayon ay gyera na sa mindanao at wala naman nangyayari. ”
ak-47,
totoo ‘yan. wala ka pa sa talulot ng dahon ng talahib ay magulo na sa mindanano.
medyo humupa na noong patapos ang dekada 80 subalit muling pinasiklab ng mga gahamang maligno na namamahay ngayon sa malakanyang!
Gokusen,
What I feel towards this another war in your area is just a size of a pinky compared to yours. Be well!
Mrivera, you’re very funny. You asked Ellen’s permission for you to curse and swear at this evil woman in Malacanang even just for once, he, he. And since Ellen did not delete it, I suppose she allowed you. From now on, many might ask her for the same permission and start cursing the evil woman whom I now called Badwoman (as if Batwoman). This badwoman (BW) deserves all the curses of this world !
“Kung may maitulong kayo, maari kong paratingin sa kanya.”
ayan mga kababayan kong self righteous pagkakataon nyo nang makagawa ng makabuluhang bagay. put words into action. nananawagan si ellen kung meron daw kayong maitutulong doon sa mga biktima ng digmaan sa mindanao.
Gwaping, are you calling on bloggers now residing abroad? They cannot physically come to the Philippines to help. They can send their monetary help through this blog C/O Ellen. The
bloggers in the Philippines can organize an elite armed force called “Ellenville’s Brigade” to be led by Gokusen. He can be appointed as General or Col. Gokusen. But wait, the group is not to engage in the fight against the rebels or government troops in the South. EB or Ellen’s Brigade’s mission is to attack Malacanang and remove this BW (Badwoman). Let’s be clear on this.
mga kasama,parepareho tayo ng nararamdaman.
ilang pamilya pa kaya ang mawawalan ng anak at ama paglipas ng mga araw?
ilang mga anak pa kaya ang wala nang tatawaging tatay sa paglipas ng panahon?
habang tinitingnan ko ang litrato ng mga sundalo sa Inquirer kanina,basa ko na nagdadalawang isip sila sa pupuntahang gyera.wala lang silang choice.wala lang silang magawa.biktima sila ng isang MAPAGPANGGAP na gobyerno.gobyernong punung-puno ng kayabangan.isasakripisyo ang lahat,makapagyabang lang sa buong mundo na isa syng malakas na pangulo,ngunit sa katunayan,isa syang pangulong nakatago sa saya ng mga binubusog at kinukunsinting military men,in short,a LAME DUCK PRESIDENT, in the true and strict sense of the WORD.
AK-47
aga kong nagpost dito as in madaling-araw di ako makatulog kasi eh, kahit andito ako sa city ..
yung tanong mo na kung magkakampi ang mnlf at milf..oo magkasundo naman yang dalawa na yan kaso nga lang madalas eh pinag-aaway ng gobyerno. ang milf kasi yan ang humiwalay sa mnlf grupo nila salamat na kung saan si salamat ang target sa greenbase plan na exposed ni sen. trillanes. ang mnlf naman ang chairman si nur misuari ay sinasabi utak ng rebelyon sa sulu pero ang totoo walang alam si nur sa mga pangyayari ginipit siya ng parehong gobyerno ng malaysia at ng pilipinas dahil nga sa sabah claim na gusto ng malaysia na sila na ang mag-claim.
pero anuman ang di pagkakaintindihan ng mnlf at milf sa kani-kanilang paniniwala nag-rerespetuhan yan. Ang abu kaya umusbong ginamit yan ng gobyerno panggulo sa mnlf at milf, so papano kakampi ang dalawa na yan sa abu? Yung mga unang narecruit sa abu, ang sinasabi nila kaya maraming sumali agad sa abu ay nangangailangan ng karagdagang sundalo ang militar, since di nga ba nagkaroon ng integrations, so napaniwala nila ang mga naunang na-recruits sa abu na sila ay magiging sundalo, ng makabuo na sila at maraming halos kabataan na sumali..simula na ang paghostage..si abu sabaya naval officer yan sa basilan isa siya sa mga nagrecruit kaya napaniwala nila ang mga kabataan dahil nga si abu sabaya ay opisyales ng naval.Ang nanguha ng hostage sa sipadan sundalo at pagkakuha ipinasa sa mga abu..ng makatikim ang mga ito ng ransom ayun dun na lalong nagkaroon ng pagkakataon mang-hostage..may mga narecruits mula sa mnlf at milf pero ng pumunta na sila sa abu di na sila kinilalang kasama ng mnlf at milf. isa na nga sina radulan dun na dating mnlf pero ngayon nga abu na.
Goji,
thanks for the support..i’m glad for whatever you can do to help us… the fight for the truth will start that’s why i’m here in the city..pls include me in your prayers that i could do it will full of determinations and the Father above bless me in this fight!
ak-47
about “pugutan” issue naman, bakit sila namumugot ng civilian…
pag ang abu ang nanghostage sinasabi nila at ang pinupugutan nila yung hostage at di sundalo..yung ginawa ng abu pag pugot sa ulo ng mga sundalo sa basilan pag-retaliate nila yun dahil nga sinasabi ang kumuha kay father bossi abu at sa basilan dinala. Pero wala naman dun, ngayon nagkaroon ng offensive ang militar sa milf, yung mga abu sa paligid nun nakahanda yun kasi alam nila pag may putukan advantage nila una yung mga armas ng mga namamatay kailangan makuha nila, so yan nakaabang, galit sila sa sundalo nakakita sila ng pagkakataon para mamugot.
Sa sulu naman, namumugot sila ng civilian para magsimula ang paghahasik ng takot at panggugulo at isang paraan yun ng pag-retaliate nila sa gobyerno.
Kaso kahit sila na ang nagsimula ng nagsimula ang gobyerno imbis na abu ang harapin mnlf ang titirahin ng pagbomba..malayo ang mga kampo ng mnlf sa abu, kung may kinakatakutan ang abu mnlf dahil alam nila di sila titigilan ng mga ito pag nakasalubong sa engkwentro.at alam nila ang civilian malapit sa mnlf kaya wala silang pipiliin kahit sino ang makita nila para pugutan pupugutan nila ng ulo.
Gokusen, are you a Muslim? Just asking…
goji,
Yup!
I presume you are because you mentioned “Father” addressing God as such. Jesus is a man and a prophet to the Muslims. You believe that the Father is the only one true God. Anyway, keep up the good work by feeding us with information regarding the play by play account of the Mindanao conflict.
Goji,
I could mention Allah…but since majority blogging here are christian so i rather used it “Father” but when Mrivera before says something…i said Alhamdulillah!
and everytime he talks in tausug to me..tagalog ang sagot ko, kasi para malaman ng ibang nagbabasa ano ba yung sinabing salita ni mrivera at di mag-isip ng di maganda!
I have keen interest in Koran too, Gokusen. Koran and Bible have many similarities. Muslims being the minority in the Philippines are very much persecuted and abused. Sometimes, I imagine what would have become of the Philippines had the Spaniards not conquered the Philippines. Would we be a Muslim country?
goji,
i think so ! fyi, lapu-lapu is Rajah Elijah and kapatid ni rajah sulaiman, teka nakalimutan ko pa yung 2 kapatid nila sa kanila nagstart ang muslim dito sa pinas at ang pilipinas ang huling bansa na sinakop ng islam.
I hope you don’t get offended by this joke: Are there many Muslims in Islam (slum) areas? Jokey only…
Gokusen:
Sabi ko nga sa iyo kakilala ko si Nur Misuari as he was a scholar at the Asian Studies Center when I was a student assistant there. Mabait ang pagkakaalam ko sa kaniya as a matter of fact.
Sayang, maganda sana kung na-encourage siyang ipaglaban ang kapakanan ng mga Moslem without resorting to violence and armed resistance. Pero walang magagawa kung puro naman inutil ang namumuno ng sandatahang pilipino na kapwa mga pilipino pinapatay. Lalaban nga sila!!!
Mrivera: sagana ang sulu sa likas na yaman, sa kaparangan, kabundukan at karagatan. kung ang mga ito ay pagyayamanin ay makasisiguro ng kasaganaan ang mamamayan. nakakalungkot isipin na ang yamang ito ay nawawasak lamang bunga ng pagiging ganid ng nakaupo sa malakanyang gayundin ang mga alagad niyang wala nang kabusugan.
*****
Sinabi mo pa, Magno. Pag nawala ang Mindanao sa Republika ng Pilipinas, gutom ang aabutin ng mga pilipino. Sayang nga lang at nasasayang ang mga lupain doon ngayon dahil sa civil war na nangyayari gawa na rin ng mga kalokohan ng mga nagpapalakad ng bansa na gusto pang angkinin ngayon ng mga Pidal.
May ipinagtatanggol na nga si Homobono Adaza na siya raw na tunay na may-ari ng Pilipinas! Baliw na hangal pa yata ang kumag!
Hindi kasi isaayos ang kasaysayan ng bansa tapos may mga kumag pang inuutusan ngayon iyong Unano na i-tamper ang mga records sa National Archives o kaya ay gumawa ng mga pekeng papeles para ipalabas na sila ang tunay na may-ari ng Pilipinas kaya karapatan lang nilang kamkamin ang kayamanan ng bansa, at angkining kanila pati mga pilipino at iyong mga kinikita nila sa loob at lalo na sa labas ng bansa.
Hibang ba sila? Walang dudang “Oo”!
Iyong tanong mo, Goji, kung makakahingi ng tulong sa akin ang mga kurakot sa Pilipinas, ang sagot ko sa iyo ay matinding “Hindi!”
Kung sa tulong, marami na akong natulungan sa totoo lang. Kung matino tinutulungan ko, bakit ba hindi sa maniwala ka o hindi! Wala namang masama basta nasa lugar lang!
Problema sa iyo, pasok ka ng pasok may kasama pang himig insulto! Puede ba? Bigla kang papasok, wala ka pa sa lugar!
gokusen,
i only want to show our colleagues here how i love and respect the taosugs.
if there is one place i would want to spend the remaining part of my life, it is in JOLO, my second home.
gokusen,
maraming salamat sa information mo. ngayon napi picture ko na ang tunay na nangyyari. sana isang araw ay makikita na kita sa TV na nakataas ang isang kamay habang binibigkas ang ” i swear to tell the truth, the whole truth nothing but the truth, so help me god, amen”. god bless !
Ystakei, was there an insult in my question? You may or may not answer it. I’ve been very polite to you so please don’t be calm. I don’t even mine if you sometimes ignored my question like the one I posted twice if it’s true the child abuse cases in Japan is rising as reported. You said everything you wanted to say like this one about your knowing Nur Misurari. No doubt you’re the most influential blogger here…very well connected. My questions were questions, period. If you perceived it to be an insult, then I feel sorry for you. It was you who said that you could make anyone win in politics in the Philippines. If I quote you right, you have helped Trillanes through your Filipino staff. You said it, I didn’t say it. I hope this is clear. Relax and take a cool shower to lower your body temperature, mam.
Excuse me, I meant “please be calm”. If you felt that I indirectly made an insult, I’m sorry ystakei. The truth is I find your posts very interesting. You’re highly intelligent and knowledgeable. You know many people. You’re very well connected. A person who possesses so much qualities should be back home in the Philippines helping the country. Cheer!
ystakei,
ewan ko ba bakit may mga taong ganyan, mahilig mangontra at mang insulto.
AK-47, please don’t add flame or fire to the minor misunderstanding. You yourself try to review your posts and you also threw some insults to others (ystakei included). The right thing to do is for you to share peace and cheer and not second the already pissed individual. I regret to say that this is the kind of Filipino trait that makes the community disunited. One does not need to side with anyone to convey a message. Oh well, I know what your excuse pal, you would say you were only generalizing and not pointing your comment at me. Good luck and good night.
guys, cheers…dito muna tayo sa Mindanao ha, para hindi sabog ang ating energy. Mabigat ang laban!
You’re right, Chi. AK-47 pointed his gun at me for no reason when the matter was between ystakei and me. Instead of hiding his gun, he even gave the bullets to ystakei to shoot me. It looks like a movie uh? I just don’t know why people feel insulted when they should not and there’s no reason. If all think the same way, then we’re like the opposition in the Senate watching each other’s back. This should not be the case in a blog like this. Anyway, I have said my piece. Let’s move on…to Mindanao.