May mga sumulat sa akin tungkol sa kolum ko noong Martes, “Aliping Filipino” tungkol sa mga Pinoy na ni-smuggle sa Iraq para mag-trabaho sa konstruksyon ng U.S. Embassy.
Ang isa ay galing kay Joel Pineda ng Pampanga. Sabi ni Joel:
“Sa tingin ko po ang agency na dapat po ninyong ipatutok ay ang GFI Manpower International Specialist Inc sa FSE Bldg, 3671-3676 Bautista Avenue, Palanan, Makati City. Tel.(63 2)7293342; (63 2) 7572477 at (63 2) 5511860 sa kadahilanan na sila po ang nagpalagay ng advertisement sa Manila Bulletin sa trabaho papuntang Kuwait.
“Isa po ako sa mga nag -apply s kanila dahil ang pagkakaalam ko po sa Kuwait ang trabaho.Pero nang ma-interview ako dun sa agency at sinabi nila na sa Iraq nga po ang destination, nagdalawang isip na po ako.
“Sinabi ko nga po dun sa nag interview sa akin na okey lang kung sa Iraq ang trabaho dahil ang sabi na sahod ay $650 bawat buwan. Binigay pa nga nila ang website ng First Kuwati ( www.firstkuwaiti.com) para malaman ko daw po yung project nila sa US Embassy.
“Pero pagkatapos ng isang buwan, tumawag po sila s akin at na-select daw po ako ng employer ng First Kuwaiti at ang sahod na lang ay $450. Hindi ako pinayagan ng aking mga ate dahil nga po na magulo doon.
“Pero malamang po sa dami naming applicanteng nag- apply, nakapag paalis po sila ng kababayan natin papunta s Dubai. Ang sabi po nila s akin noon na pag nakaalis daw po, dadaan muna ng Kuwait, tapos bus na lang po papuntang Iraq.
“Sana po makatulong po ang sulat kong ito para mabigyan ng hustisya ang mga kababayan natin na naloko at pinangakuaan ng magandang trabaho bagkus pala para silang alipin sa ibang bansa.”
Ang isa namang sumulat sa akin ay nasa Iraq na siya. Hindi niya sinabi ang pangalan ng kumpanyang pinasuka. Hiniling niyang huwag sabihin ang kanyang tunay na pangalan kaya bigyan natin siya ng alyas na “Pete.”Humihingi siya ng tulong.
“Ako ay isang OFW rito sa Iraq. Nag-resign po ako sa kumpanya, Prime Project International, na aking pinapasukan noong July .17. Nais ko na pong makauwi subalit hindi kami makasakay ng chopper papuntang Baghdad kasi yung kompanya namin ay ini-asa na lang kami sa military flight na masyadong delikado.
“Ang totoo po nun ay may budget na nakalaan para sa mga pauwi na katulad ko subalit kinakamkam ng kompanya ang pera.
Nandito po kami sa Taqaddum. Marami po kaming nagti-tiyaga na makaalis sa araw-araw. Minsan naghihintay kami hanggang madaling araw. Tapos uuwi kaming bigo.”
I-refer ko itong mga sulat sa Department of Foreign Affairs at sa Department of Labor. Sana maaksyunan nila itong mga problema.
Ellen, paki sabi kay Pete na kung gusto na niyang umuwi, kausapin niya ang Mayor cell sa TQ. Halos lahat ng personnel sa mga FOB sa Iraq naka-asa sa Mil flight. Mas mabuti na ito imbes na sumabay siya sa convoy. Hindi naman niya kailangan ng direct flight papuntang BIAP. Pwede siyang mag sign up papuntang Anaconda and masmadali mag abang doon.
Ellen,
I’ll also pass on your articles to the official of the DFA I know. Baka mas mabilis kasi right hand man siya ni Romulo.
Ang take ko sa kasong ito kapareho ng sinabi ko noon sa mga niloloko rin na maging mercenary sa Iraq kahit na delikado.
Kasumpa-sumpa talaga at mga hayop talaga ang mga kompanyang nagyayaya sa mga pilipino na ipadala kahit sa mga lugar na may guerra na pag sinabi ko sa Mother ko, napapadilat na lang siya kasi noong panahon daw niya wala daw gagong pilipino na pupunta sa magulong lugar kahit na malaki ang sueldo kasi kawawa daw ang maiiwang pamilya maliban na lang daw noong WWII na namundok ang marami para ipagtanggol ang bansa kahit wala daw silang sueldo at magutom.
Dapat imbestigahan diyan ang mga patron ng mga kompanyang nagpapadala sa Iraq ng mga pilipino dahil for sure may mga koneksyon ang mga iyan sa DoLE at sa mga kongresistang patron ng mga iyan dahil malaking pera.
Golly, industriya iyan ni Unano, dapat siya mismo ang unang patalsikin sa mga anomalyang ito! Hindi biro ang threat ng resistance sa Iraq, Ellen. Karapatan ng mga Iraqi na itaboy ang mga dayuhang sumakop sa kanila gaya ng pakikibaka ng mga gerilya noong WWII sa Pilipinas laban sa sumakop na Japanese Imperial Army. Wala iyang pinagkaiba, Ellen. Bakit sasama ang mga pilipino sa kabuktutang iyan kahit na sabihin pa nilang dahil lamang sa pera?
Kawawa talaga ang mga naloloko sa mga ganitong kawalanghiyaan dahil sa kahirapan na hindi naman ginagawang malutas dahil pati iniaabuloy ng ibang bansa para sa ikauunlad ng mga pilipino, kinukurakot ni Gloria Makapal at ng mga kakutsaba niya. Puede ba, patalsikin na, now na!
Hindi naman ganoong ka delikado ang mga buhay namin dito. Sa experience ko sa qatar, mas abusado mga employer ko doon. Pag hindi ka pa mag ingat ka lalake kong tao rape ang mangyayari. Mas kabado pa nga ako na masaksak samin sa Pilipinas. Sa loob ng mga campo kami nagtatrabaho kung ikukumpara ko sa ibang lugar, ang pakiramdam pwera lang ang init at alikabok ay para kang wala sa Middle east. Nga lang swerte-swertehan din lang kung magiging maayos o abusado ang magiging employer mo katulad din kung nasa ibang lugar ka.
Joel Pineda of Pampanga? Any relation to gambling lord Bong Pineda?
takusa,
alam ko yung sinasabi mo na iba ang pakiramdam sa loob ng kampo. noong nasa saudi ako, ang mga U.S. compounds o ‘kampo’ ay parang nasa amerika ang pakiramdam mo. at hindi basta kung sino ang pwedeng pumasok kahit na arabo. pwede kaming uminom ng alak basta huwag ka lang lalabas ng kampo. may misa rin ng katoliko. kung mga kano ang employer mo, tingin ko nasa loob ka ng ‘green zone’.
While there are a lot of Filipino people trying to get into the job in the Middle East, it is arrogant to believe that they wants to be there. Already there are as many as million OFW’s who have chosen to work away from their families. Even though they know that, they have no security of knowing that they could not return during a time of danger.They hope to return to their native country when they have established a greater measure of prosperity and security in their lives.But the critics say that our country could not accommodate the vast numbers of this OFW’s If all, will be send home today. Living space and food is the problem.
DinaPinoy
Dati ako sa IZ, mas maganda talaga doon at maraming magagawa. Nasa FOB ako ngayon warhorse. Hindi kasing laki ng mga ibang campo pero ok lang naman kami dito.
takusa;
May itatanong lang ako,at huwag mong bigyan ng masamang kahulugan.Ano naman ang naa-abot ng $650 a month na suweldo?Palagay ko hindi kasya iyan sa gastusin.
..Puro arabo ang company ng mga pilipino dito, sub contract para sa us na company. Pansin ko lang na pag hindi kano ang supervisor doon nagka-ka letche letche.
Cocoy, I think you reside in SF, right? I think $650 is about the rental fee of bedroom sharing meaning you have room mate in the apartment. Leasing or financing a car is not even enough with that amount if you add the car insurance. Yes, $650 is nothing these days. But takusa is in Qatar not US. Maybe his housing is free. If everything is free and his take home is $650, not too bad. In the US let’s say in SF, $3,000 to $4,000 a month salary is scary.
cocoy,
Nakaka manage naman si commander ko kahit papano. 400 lang nga sweldo ko sa qatar dati. Konting ipon pa siguro tapos quits nako dito.
Takusa;
Mabuti naman kung ganon.Iyong 400 pag X 50 sana ay 20,000 pesos na sa atin,ano? Palagay ko ay kulang pa rin kung dalawa ang pinapa-aralang anak sa college.Kung sa probinsya ay kasya na siguro kasi kuryente lang ang bayarin.Mga gulay ay puedi ng itanim sa likod ng bahay at may alaga ng tatlong baboy at isang daan manok na puweding ibenta pag nagipit.Pag sa siudad titira palagay ko ay kulang pa rin iyan.
Alam mo kaibigan dito sa amin kailangan ay dalawa ang magtatrabaho,kasi kung apat na libong dolyares lang ang kita ay kulang pang pambayad sa mortgage ng bahay at mga utilities.Maniwala ka ang mga ibang pinoy dito ay kumakain ng pandesal ng walang palaman,mga iba nakakatikim lang ng masasarap na pagkain pag may handaan.Kaya kung mag b-day ka,halimbawa 100 ang expected mong bisita,kailangan na ipa-cater mong handa ay para sa 300 daan dahil pag-uwi ng mga iyon ay may to-go.Iyong bagong pinsan ko na bagong dating dito,ipinasyal ko sa mga lugar ng magagandang bahay.Napapa WOW na lang siyang,habang pinagmamasdan niya iyong nag-gagandahang bahay ayaw niyang maniwala sa akin na ang kinakain ng may ari ng bahay na iyon ay Ligo na lang at ginisang corned-beef,bihirang makatikim iyon ng mga steak at shrimp.Pag inimbita mo sa handaan mo ang may ari ng bahay na iyon,pag-uwi niya ay ihahatid mo sa kanyang sasakyan dahil tatlong balot ang iuuwi niyang togo,kakainin na niya iyon from monday-friday.Pagdating ng Sat.at Sun nasa ibang b-dihan na naman iyon.Kahit magbigay siya ng $30 sa celebrant ay tubo pa siya.Ang mga naghahanda dito,nababawi nila ang mga ginagastos nila at may tubo pa.Magagaling sila sa Majong at Ton-its.Masaya!
Ano pang hinihintay ng gobyerno natin… Dapat e busisiin na na yang GFI Manpower na yan… Kapag hindi naparusahan at naisara yang agency na yan… Siguro e, dapat na ngang mag-aklas ang buong bayan. Sunugin at bombahin ng bazooka ng militar na hindi pumuputok at ng m-16 na malakas pa ang utot ng kabayo ang agency na yan.. Sinabi ng huwag magpadala ng tao sa Iraq, talagang matigas ang tae ng mga hinayupak na yan a…. Baka naman ang may-ari ng agency na yan e,,, kaalyado ng Glueria baby… kaya malakas ang loob na lumabag sa kautusan na huwag magpadala ng tao sa Iraq. At bakit naman hindi ka makauwi Joel,,, talaga bang inutil na inutil ang embassy natin sa Iraq,sobra bang inutil as in Inutil.
Eh si Pete pala hindi si Joel….. sorry po tao lang nadala lang ng emosyon.
Takusa;
Ituloy ko ang kuwento ko para naman malibang ka d’yan sa lugar mo.Ito mga FIL-AM balikbayan naman.Pag umuuwi sa Pinas ang mga ito ay nakakatuwa silang pagmasdan sa airport dahil kahit malayo pa lang sila at nakatalikod ay makikipagpustahan ako na mga Pinoy sila.Una ang mga luggage nila ay mga balikbayan boxes 2kahon na 70 lbs bawat isang pasahero,iyong mga agent ng PAL sa check-in counter ay pinagpapawisan mula kili-kili hangang singit dahil sa dami ng kargang kikiluhin nila bawat pasahero,ang mga iba pag hindi na kasya sa kahon,ibinubulsa na lang nila ang mga sabon na dove,mga shampoo at lotion.Mababango sila at mga bagong bili na ikinaskas na plastic ang ginamit,maluluma ang mga artista sa kanila.Pag-uwi ng mga iyan dito karamihan ang una nilang ginagawa ay tumatawag sa kanilang attorni para mag-file ng bankcruptcy.
Ito ang nakakatuwa,may namatay dito at iniuwi ng Pinas ang bangkay ,sabagay matanda na siya at kung sa Pinas sana siya nga pa doktor ay baka nabuhay pa. Dito kasi malulugi ang gobyerno pag buhayin pa siya ng matagal.Biruin mo ang pensyon kada buwan,may SSI iyon ng $800 tapos may mga medicare pa.Sumulat ang anak ng patay sa kanyang anak sa Pinas na hindi na siya makakauwi dahil sa dami ng gastos at sinabi sa sulat na ipinadala na raw niya ang sapatos na para sa kanya.Iyon ng buksan ang balikbayan box ay wala ang sapatos at tumawag siya ng long distance collect sa kanyang ina at ihinahanap ang sapatos niya,sabi naman ng Ina, ay ipinadala na niya kaso nag-excess na sa bigat ang kahon kaya isinuot na lang niyang ang bagong sapatos niya sa kanyang lolo sa loob ng ataul.Anak! Sabi ng ina,Hubarin mo na ang bagong sapatos mo doon sa lolo mo,mahal ang bili ko doon,tatlong araw kong suweldo.
cocoy, tama si goji. ang sahod na US$650//mo. ng isang OFW sa middle east ay hinde na masama yon kung ikukumpara mo sa ibang bansa gaya ng US. kasi sa middle east halos lahat ay libre na ang tirahan, kung hnde man ay hiwalay ang kanilang accomodation & food allowance sa sahod nila. kaya yong sahod nila ay wala ng bawas yon at nasa OFW na lang kung paano sya gumasta sa mga personal na kelangan nya. sabihin na natin na kaya nyang i-save yong $500 kada buwan ay malaking halaga na rin yon sa pinas kesa naman andon ka sa atin na walang trabaho at kung meron man halos wala ng matira sa dami ng kinakaltas.
cocoy Says: “……….Ano naman ang naa-abot ng $650 a month na suweldo?Palagay ko hindi kasya iyan sa gastusin.”
pareng cocoy, bakit ako? ang basic ko ay USD425 lamang, pero awa ng diyos, kahit walang ibang pinagkukunan ng pantustos at sa suweldo ko lang kinukuha ang lahat, napagkakasya at nakakapag-aral ang mga anak? kunsabagay, sa murang kolehiyo lang. pero, ang lahat ay nasa diskarte at paglalagay sa tamang dapat kalagyan.
mrivera, tama ka. mabuti pa sayo marunong humawak ng pera ang asawa mo, samantala ang asawa ko doble yong sahod mo pinapadala ko pero minsan kulang pa rin ! nasa grade school pa lang mga 3 anak ko. kaya gusto ko na syang palitan! hahahhaa…
$650 lang ang sueldo ng mga puedeng pugutan ng ulo sa Iraq? Ang liit! Isang palengke ko lang iyan sa Costco, hindi pa nanganganib ang buhay ko!
Magkano kaya ang cut ng mga recruiters? At siyempre ni Unano at mga kakutsaba niya. Nak talaga ng pating, wala na bang katapusan? Taragis kung saan-saan ibinubugaw ang mga pilipino! Sabi ng ng isang blogger ni Ellen, “Dios, mahabagin!”
Off topic. Iyong ipinagpipilitang terror law pati sa mga hapon apparently ang may gusto lang talaga ang administrasyon noong loko-loko sa White House. Gosh, ipinadala pa sa Japan ang isang sugo niya para kausapin ang opposition sa amin para ikumbinsing ipasa ang Terror Law na sa totoo lang ay hindi namin kailangan sa Japan dahil meron naman kaming mas magaling na mga batas para supilin ang mga kriminal, local and foreign!
Pag-uwi ko sa Japan, balak kong sumama sa mga rallies at protests laban sa Terror Law na recommended ni Bush. Tignan mo nga ang nangyayari sa Pilipinas. Lalong magkakandaloko dahil ang mga gumawa at magpapairal ng batas na tinawag pang Human Security Act na akala mo naman meron pang para sa mga hayop ay puro kurakot naman! Ewwwww!
Pareng Mrivera :
Naawa akong naiinis sa kalagayan ninyo,dahil pumapayag kayo sa ganyang kababa ang suweldo,parang lokohan na ata.425 isang buwan at malayo pa kayo sa pamilya ninyo,tapos iyong mga iba ay mas masahol pa sa alila ang turing ng mga amo nila sa kanila,wala bang magagawa ang gobyerno natin para taasan ang mga suweldo ninyo.Parang slavery na iyan.
Kaya pala iyong mga Makapili noong panahon ni Mc Arthur ng nakapunta sila dito ay ayaw ng umuwi kahit matatanda na sila.Karamihan sa kanila ay laging nag-iistambay sa harapan ng Pinoy Seafood store at nagkakarerahan sila ng wheel-chair na de motor.Mga 4 na libong dollars ng halaga ng mga iyon.Libre sa kanila bastat may pirma ang mga doctor na kailangan nila.No driver license required.May mga SSI sila na $800 kada buwan at may mga rasyon pa sila ng mga pagkain.May housing allowance pa sila,kaya kahit ipadala nila sa pamilya nila ang perang natatangap nila ay walang problema dahil pati consultation nila sa doctor at gamot ay libre.
Akala ko mga libuhan ang pasahod d’yan sa lugar ninyo.Ganoon ba kababa?Apat na oras na overtime lang ng Registered Nurse dito ang katumbas ng sahod mo.Iyong konsehal sa amin na kumpare ko kaya pala hindi na bumalik ng Saudi dahil kumikita sila ng mahigit 20,000 isang buwan ABC president daw siya sa bayan na iyon at may commission pa siya sa kubrador Wish ko lang Pare sana ay makaipon kayo at mapagtapos ninyo ang mga anak ninyo ng sa ganoon ay hindi na nila dadanasin ang mga dinadanas ninyong hirap at lungkot.
cocoy,
tama ang sinabi sayo no mrivera, kasi ako galing na din ako ng saudi, ang mga medyo matataas lang ay yong mga technical position pero hnde pa iyon kalakihan! buti na lng at libre na lahat pagkain at accomodation. marami talagang nag sasakripisyo na kababayan natin lalo na sa middle east. no choice kesa naman walang makain ng kanilang mga pamilya.
ystakei,
alam ko may impluwensya ka, baka naman may maitutulong ka din sa mga kababayan nating OFW (isa na ako doon) na binibigyan ng napaka liliit na sahod. sa tutuo lang may magagawa ang gobyerno natin kung gugustuhin nila at hinde yong kinikita lng nila ang kanilang ginagawa. d2 sa abroad lalong lalo na sa middle east, mga pinoy ang inaasahan at pinagkakatiwalaan ng mga employer dahil sa kanilang abilidad.
AK-47;
Ewan ko lang kung totoo iyong kuwento ng tatay ng kaibigan ng anak ko,nasa Saudi ata siya o sa Kuwait,Truck driver daw siya sa Haliburton ba iyon,kumikita raw siya ng $100,000 a year.Nagkakuwentuhan ko siya pag umuuwi siya dito ng 3 weeks every 6 months.Biniro ko nga siya minsan,na isasama na niya ako,kahit tiga jack lang ng kanyang truck pag naflatan sa daan at sagasaan na namin ang mga camel na tatawid ng daan,napatawa na lang siya at ibinilin na lang sa akin na bantayan ko na lang daw ang misis niya at iyong anak niya na kaibigan ng anak ko.Canuto iyon.
cocoy,
kung truck driver sya, hnde kapanipaniwala yon, maliban kung 12 hours minimum overtime everyday pwede pa, pero kung sa mga technical positions like engineers maniniwala ako kasi malaking company yan (international), may mga pinoy doon engineers US$14,000/mo. ang sahod, libre na lahat doon. eto nga ngayon ang pinupuntirya ko kaso hnde nman ganun kadali kasi ang mag-aplay. dahil ako every 6 months din ako umuuwi dito sa company ko, pag na assign pa ako sa dagat (our projects) every 3 months pwede na ako mag bakasyon.
cocoy,
dito nga sa kinaroroonan ko ngayon, my kilala akong male nurse sa isang semi-govt. company dito, assingment nya sa disierto at dagat kasi oil exploration company eto, US$4,500/mo. sahod tpos umuuwi sya every 28 days.
pareng cocoy,
‘yaan mo na. nakakaraos pa naman, kesa umuwi ako’t magbilang ng butiki sa kisame.
pag kinapos, uutang na lang ako sa ‘yo.
Sorry, AK-47, sa Japan, walang palakasan. Kahit marami akong kakilala, hindi ako humihingi ng pabor dahil mahirap tumanaw ng utang ng loob. Malaki ang kabayaran.
Tungkulin kong maki-cooperate at maki-coordinate. Hindi ako nakikipagtulungan sa mga authority sa Japan para ako magkaroon ng influence. Tungkulin ko bilang mamamayan, ginagawa ko lang.
Iyong increase ng sahod, automatic iyan sa Japan. Habang tumatagal ka sa trabaho ay taas din ang sahod mo. Pero sa taong ito, mababa ang increase ng mga sueldo. Sa Tokyo nga, ayon sa balitang mahagap ko sa TV dito sa SFO, plus 19 yen lang ang itinaas ng minimum wage law per hour. Sa totoo lang, nagsawa akong maging empleyado lang. Kaya nagtayo ako ng sarili kong kompanya na walang koneksyon sa kompanya ng Mister ko. Customer ko nga ang company niya sa paglalakad ng mga papel sa pag-e-export ng produkto ng family company na itinayo ng biyenan kong lalaki at ngayon ay pinamumunuan ng Mister ko.
Iyan ang maganda sa Japan. Walang palakasan. Mas paligsahan pa ng kakayahan na walang hilahan ng paa di gaya sa Pilipinas. Isa pa, malas ng Pilipinas na si Unano ang naging lider ng mga pilipino ngayon kahit na puro yabang lang, pero walang ibubuga! Kawawang bansa!
I think we should not worry much having our brave sons in Iraq. They send in more dollars. Looking at statistics, there are more japayukis killed in Japan than OFWs in Iraq. There are more killed in other places. The bodybags allowed in the military is 15% which the generals are trying to fill up. We have dismembered bodies splattered all around us here every other day at home as if we can do something about it. Alipin in Iraq is sweeter than the practically all aliping workers here. They live in squalor here. Just watch them in every police sona, those quarters. Watch them under those fallen walls. under bridges. Under the rampaging trucks. Even our embassy brothels in the middle east
Pansin ko lang, iba iba sweldo ng ibat ibang lahi. Iba sweldo ng mga kano, indian, nepalese, african, australian at mga pinoy sa middle east. kung tutuusin ko-konti lang mga pinoy na nasa middle east kung ikukumpara sa mga ibang lahi. Ang dating nga ng trabaho dito Take it or leave it. Kung baga kung ayaw mo sa sweldo eh di huwag, ibang lahi kukunin. Pag nag strike ka naman deport ang bagsak mo.
Send GLORIA to Iraq…!!!
Tilamsik, Sa ibang lugar nalang Huwag dito, mapeper-wisho lang kami.
doon n’yo dalhin sa north pole. ‘yaan ninyong manigas doon pati dila niyang sinungaling!
sending gloria anywhere will not do good to our country either. i prefer dumping her in a meat mincer o kaya ipakain sa piranha!
Galing kay Norman:
Nandito rin ako ngayon nagtatrabaho sa Iraq. Sumulat ako sa yo para sabihin na sana hindi ka agad maniwala sa mga taong nagsusumbong o naninira sa mga kompanya na pinagtatrabahuhan nila ngayon.
In the first place, hindi sila dapat nag-sign sa contract dahil alam na alam naming lahat kung saan kami tutungo o patungo noong nasa agency pa kami at bini-briefing doon.
Ang nangyari kasi, may mga tao talaga na hindi sanay sa hirap pero gusto pa ring magtrabaho sa Iraq para lang maranasan kung anong buhay meyron sa Iraq. Kaya ang nangyari pag nahirapan sa trabaho dahil walang alam, yong iba na-homesick agad ay gustong-gusto na maka-uwi agad.
Kaya ang gawin ng iba dyan ay manira sa kompanya para sa kanilang interest. Hindi gaya namin na mahirap lang kami dyan sa atin sa Pinas kaya nakikipagsapalaran kami dito para lang may ma-ipadala buwan-buwan para sa pamilya namin at makapagtayo ng bahay at anu-ano pang magandang plano.
Isa ako sa mapalad Ellen dahil maganda ang trabaho ko dito at hindi ako pagod sa trabaho dahil “field” ko talaga o marami na akong experience sa trabaho ko ngayon kaya hindi na ako nahirapan. Ang iba kasi dito hindi angkop sa kanila ang trabaho nila kaya sa bandang huli ay nagsisisi.
Tanong: Sino o kaninong kasalanan ‘yon? Libre po kami lahat dito Ellen, sa labada, sa pagkain, sa lahat-lahat, so saan kapa? kaya lang minsan sa pagkain parang paulit-ulit mo na lang matikman ang kinakain mo dahil ang menu ay pabalik-balik lang naman pero pwede ka rin naman maka-bili sa labas kung ayaw mo sa pagkain na hinanda ng kompanya mo tulad ng burger, pizza etc…
Sana sa mga taong naninira sa kompanya namin, nawa’y patawarin kayo ng Diyos dahil kayo’y mga walang utang na loob. Mas gugustuhin naming mamatay dito kaysa umuwi dyan sa Pinas na maging stambay lang.
Ang sahod namin ay okay lang naman, hindi malaki/mataas pero hindi rin mababa, pero ang tao talaga’y walang pagka-kontento. Kung ano meyron sa iba ay gusto ring makuha.
Galing kay Enrique Espinosa:
The first letter is good kasi nag decide siya na huwag ng tumuloy upon knowing na Iraq ang destination niya. But the second Letter sender, he’s fool.
I’m sure same as first letter sender ay alam niya na Iraq ang destination niya then tumuloy pa siya. Ngayon bibigyan niya ng problema ang gobyerno.Alam ng lahat na bawal pumunta sa Iraq.
Ngayon may problema siya baka naman sisihin niya ang gobyerno naman for his action na pumunta sa Iraq.I don’t believe na may napupunta sa Iraq na hindi nila alam. That’s is very unlikely to happen dahil makikita mo sa pasaporte and visa.
SO ang payo ko sa 2nd letter sender mo ay Maghintay nalang siya until na makasakay siya at makauwi ng pinas, dahil siya ang may giusto nyan,
Lets accept the reality na hindi kaya ng gobyerno na ma monitor ang lahat ng bagay dahil may iligal na nag mamane obra nito with in or sa labas ng gobyerno, lets be fair sa mga writing natin
OFW Organization
Riyadh, KSA
Case in point, Filipino OFWs get paid much less in Saudi than those who are US, Canada, UK, Australian…citizens. I’ve some friends who work there as nurses who told me. What many do now is to immigrate to US or Canada. Once they become US or Canadian citizens, some return to Saudi and get paid in dollars equivalent to what they pay to US and Canadian citizens. So, if you’re a Filipino citizen whether you’re in medical, computer, technical or other skilled profession, you get paid much less.
Mas mabuti na mag-ingat ang mga aplikante kasi ay hindi nila malalabanan ang mga recruiters na garapal.
Huwag na lang magbakasakali kung hindi sigurado ang pupuntahan at ang mga pepeles ay tama.
Walang maaasahan sa DOLE at DFA dahil ang mga tao mismo sa 2 ahensya na ‘yan ang mga kakutsaba!
Case in point, Filipino OFWs get paid much less in Saudi than those who are US, Canada, UK, Australian…citizens.
***
May katotohanan siguro sa sinasabi mo, goji. Pero hindi lang Pinoy, ganun din ang mga Indian, Pakistani, Thai, etc.
We met a waiter, an Indian national, whom told us the same story. Kaya daw siya ay nasa US ay hinihintay niya ang kanyang immigration paper para pagbalik niya sa Saudi ay mas mataas ang pa-sweldo sa kanya.
Baka merong ibang dahilan maliban sa discrimination. Ang alam ko lang ay mas maliit ang pa-sweldo sa mga nabanggit kong nationals dahil sa mahigpit na kompetisyon sa trabaho, at ang ibang nationals ay handang tumanggap ng mas maliit na sweldo basta mayroong trabaho.
Chi, I think it’s the arrangement between Saudi Arabia and other industrialized nations. Technically and legally, I think Saudi has to pay workers from the US and Canada in their currency. And since the currency is much lower in smaller nations like the Philippines, Pakistan and other third world countries, Saudi pays them much less.
Tama si Chi about job competition. kaya siguro mas maraming indian dito kasi mas sanay sila sa hirap at willing na tumangap ng mas mababang sweldo. Kung bi-bigyan lang sila ng tinapay at tubig para sa pagkain, ok lang sa kanila. Pansin ko nga ngayon, mga african naman ang hina-hire, magaling na mag english may kasama pang french. Security guard lang sila sa dining hall para taga check ng ID pero 900 dollars kaagad sweldo. Sayang hindi man lang sa pinoy nabigay.
The main reason why westerners (Americans, Canadians & Europeans) are being paid higher compared with the TCN (Third Country Nationals) is the government-to-government arrangements/negotiations.
During the late 1970’s when Saudi Arabia was in the early stage of massive infrastructure projects, Filipinos tried their luck here with the all-support of the then Labor MInister Blas Ople.
It was supposedly at this early recruitment that the Philippine government was able to struck a deal with the Saudi government for better and higher pay for Filipinos.
BUT, greed of the mighty U.S. dollars was in the mind of the government officials – all they needed are remittances of workers.
REASON why we are one of the lowest TCN paid workers.
Now we could aligned our country,a world class exporter of man powers,from A-Z kind of worker.It shows from the very beggining of our two being said independence from 2 colanialist Spaniards and Americans,our own gov’t fails to provide the democratic way of living.The youths that our national hero,Dr. Jose Rizal were expecting to be the hope,would gave a bright lights for next generations of country, it seem they are the one dragging us more to pit of oppresions from foriegners hands.Or these youth are only following the words of the great statesman M.L.Quezon, before we gained our independence from American,during our Commonweakth govet.,rather see our go’vt run by Pilipino, like Hell,than seing run by foriegners.Our national resources and countrymen been exploited needlessly for mighty green dollars,just for personal gained of fews while the most are suffering from the basic needs to have a better quality of life.We could examine our self, where are these youth now?Are these the Hope of our Motherland,or another aliens from foriegn land.
Gusa, take note, I edited your comments and changed words that you have unnecessarily capitalized to lower case. This is to make comments more readable.
I have time and again reminded everybody to refrain from unnecessarily capitalizing words in your posts. It doesn’t look good. Parang sumisigaw. It’s distracting.
Even if you don’t capitalize your words, readers will get your message. Just make it brief and concise. Thanks.
The main reason why westerners (Americans, Canadians & Europeans) are being paid higher compared with the TCN (Third Country Nationals) is the government-to-government arrangements/negotiations.
****
Thanks, Emil. I thought so, too.
Chi, I don’t mean to take credit but wasn’t it me who first said that it was an arrangement the reason for the higher/lower pay? Emilio only concurred.
Government to government? parang malabo yata, kasi pag tinitingnan ko ang process ng pag award ng us contract dito; www2.fbo.gov/spg/index.html Lumalabas na malaya ang mga companies na nag po-propose na pumili or mag decide kung paano nila e-subcontract ang mga work requirements na pwedeng e-subcontract base sa Statement of Work.
Chi: The main reason why westerners (Americans, Canadians & Europeans) are being paid higher compared with the TCN (Third Country Nationals) is the government-to-government arrangements/negotiations.
****
Thanks, Emil. I thought so, too.
+++++
On the contrary. I remember, doctors from the Philippines did not receive lesser pay than the American doctors during the earlier exodus of Philippine doctors to the USA when they were welcome and getting credential and license to practice was not as difficult as it is now.
Likewise, I don’t see the Indians (from India), who are hired by companies in the Silicon Valley getting lesser pay than the white Americans. Only those coming to the USA or elsewhere without proper permits fall prey to these cheapie recruitment scams or as in the case of Filipino UN peacekeeprs, taken advantage of by the crooks in their government with their salaries reportedly slashed to benefit the crooks in the Philippine government. Yuck!
Over in Japan, the Immigration Bureau has raised the salary requirement for a foreigner to get approval to hire a foreign domestic helper to at least 1,500 dollars a month. This is in fact to discourage the hiring of non-skilled migrant workers since domestic helping is a job that even Japanese nationals can do even when their employers are foreigners. The minimum wage per hour for local domestic helper is 1,000 yen.
It’s not unbelieveble those $100k+ ang salary ng isang truck driver sa Haliburton,it depends where were you hired,if it is from the main office in Texas,w/c will required a lot of things to complied with about training&military affillations,physical and mental abilties on the hazardous environments,you are entitled to all fringe and benefits offered upon hiring,6 weeks of orientations & trainings,then go through rigid medical and psycological examinations.The web site http://www.kbr.com, fyi
Ystakei, I’ve a question that may not be related to this topic. You may or may not answer. I came across a news about child abuse cases in Japan that’s on the rise. Is this true?