Skip to content

Utak pulbura talaga

May kasabihan tayo na ang isda ay nahuhuli sa sariling bibig. Ganoon nga ang nangyari kay Army Chief Romeo Tolentino.

Pagkatapos ng pasikot-sikot na denial na wala raw kinalaman ang military sa pagkawala ni Jonas Burgos, anak ng press freedom fighter na si Joe Burgos, Jr., sinabi niya noong isang linggo na ayon sa kanilang record, miyembro raw ng New People’s Army si Jonas.

O ano ngayon kung NPA si Jonas? . Yun ba rason para kidnapin at patayin?

Nakasaad sa ating Constitution na ang lahat na Pilipino ay may karapatan mabuhay at walang sino man na maaring patayan na hindi dumaan sa hustisya. Mamamayang Pilipino si Jonas.

Hindi tayo nakakasiguro kung totoo ang pinagsasabi ni Tolentino. Ngunit kung totoo man yun, illegal pa rin ang ginawa nilang pagdukot kay Jonas na ngayon ay hindi pa lumulutang.

Tinanong si Lt. Col. Ernesto Torres Jr. kung ang mapasali sa listahan ng NPA ay spat na para targetin ng military, ang sagot niya ay, “Ang NPA ay an enemy of the state (kalaban ng bayan). Hindi sila authorized magkaroon ng sandata. The organization itself is an enemy of the state.”

Isa pa palang utak pulbura itong si Torres.

Nandoon na ako na may away ang NPA at ang pamahalaan kahit na ang Communist Party of the Philippines o CPP ay legal. Ngunit si Jonas ay hindi namatay sa combat o sa encounter. Dinukot siya noong April 28 habang kumakain ng tanghalian sa isang mall sa Quezon City.

Ang military ay may armas para protektahan ang sambayanang Pilipino. Ang nangyayari ngayon, ang mga military katulad ni Tolentino at ni Torres ang dapat katakutan ng sambayanang Pilipino.

Sila na mismo ang yumuyurak ng batas. Kung ano man ang sa kanilang dokumento, dapat sinampahan nila ng kaso si Jonas. Sedition, rebellion, subversion o kahit anong “ion” ang gusto nila. Mamili na lang sila doon ngunit dapat idaan sa korte. Ganyan ang palakad sa demokrasya.

Itong mga utak pulbura na mga bata ni Arroyo, kapag ikaw ay nagtataguyod ng katotohanan at hustisya, kapag binabatikos mo ang mga kurakot, mandaraya at sinungaling sa pamahalaan, ang turing sa iyo ay “komunista

Walang magawa si Arroyo sa mga extra-juidicial killings na nangyayari. May sinabi ba siya tungkol sa nakakabahalang pahayag ni Tolentino? Wala tayong narinig dahil takot si Arroyo sa mga sangganong military dahil sila lamang ang nagpuprotekta sa kanya.

Ngunit naniniwala ako may katapusan ang lahat na katiwalian. Sa dami ng kanilang pinapatay, lubog na sa dugo ang mga kamay ni Arroyo at ng kanyang mga heneral.

Published inWeb Links

33 Comments

  1. TonGuE-tWisTeD TonGuE-tWisTeD

    Ellen, sa unang nadinig ko ang statement ni Tolentino, pareho ng sa iyo ang sumagi sa isip ko. Kung nasa listahan ka pala ng militar, pwede ka nang dukutin at patayin. Hindi na pala kailangan ang Anti-terror Law.

    Isa pa, ang Enemies of the State List ay matagal nang inilabas ng AFP, naka-video pa nga at ipinalabas pa sa mga kampo-militar may ilang taon na ang nakaraan. Kasama sa listahang iyan, bukod sa mga rebolusyonayong MILF, NPA, Abu Sayyaf, MNLF, RSG at iba pang armadong grupo, ang mga hayagang kritikong Bayan Muna, KMP, Sanlakas, Bayan, Akbayan, at marami pa.

    Kung sa kanilang record ay kalaban ng bansa ang mga ito, na siyang dahilan sa pagdukot (at maaaring pagpatay) kay Jayjay Burgos, anong pumipigil para dukutin at patayin din nila ang libo-libong ordinaryong mamamayang kasapi sa mga grupong ito? Kaya ba pinapatay ang mga walang kalaban-labang mga magsasaka, mangingisda, o sige, sabihin nating pati na ang mga lider ng unyon at militanteng mga samahan, dahil mareklamo sila at maingay at nanghihikayat sa iba upang maglabas ng saloobin sa hayagang paraan, ay sapat na upang tatakan sila bilang Enemies of the State?

    Sa totoo lang nakakatakot isiping isang araw, ang mga mamamahayag na tulad mo, Ellen, at political bloggers na tulad namin na nagpapahayag ng salungat na ideya sa gobyerno ay isama diyan sa listahang wala naman yatang malinaw na criteria. Totoong takot ang nararamdaman ko at sigurado ako, ng marami din sa sumusulat dito ay may parehong pangamba. Ang ganyang malawakang takot at pangamba ay isa sa mga panuntunan upang ituring ang isang tao o grupo bilang terorista, ayon sa bagong batas.

    Ipagtatanggol ba ng estado ang aking/ating Human Security?

  2. chi chi

    Kinukusdisyon ng mga utak pulbura na tauhan ni Gloria ang mga pinoy na kaya nawala si Jonas ay dahil ito ay komunista. Kasi ay hindi na nila mailalabas ngayon ang katawan ni Jonas, sobrang huli na, at tiyak na kung gagawin nila ito ay mag-iigting ng todo ang emosyon ng mga tao at maaaring dahilan na kakaripas ng takbo si gloria terorista!

    Gaya ng sinabi ko sa ibaba, si Jonas ay matagal ng wala dahil kung ito ay buhay pa ay matagal na sanang ginawan ni Gloria ng fake rescue, baka helecoptered pa, para sa malaking pogi points.

    I remember that there was an anonymous military guy who confirmed the AFP’s policy of elimination as to the enemies of the Republic, which meant enemies of Gloria! Dahil communist kuno si Jonas kaya naniniwala ako na naisama na s’ya sa policy na ito.

    Sabi ni Ka Enchong ay estadistika na lang si Jonas. Marami pang Jonases ang mawawala at dudukutin ng militar para mapasama sa estadiska in the name of the number one terrorist Gloria Arroyo. Hello HSA!

  3. artsee artsee

    Sa hanay ng mga Heneral ngayon magmula kay Esperon, wala isa man sa kanila ang matino. Karamihan ay kasabwa’t sa dayaan at bahagi ng Garci scandal. Isa lang ang paraan para mapalitan sila, ang palitan si tiyanak at magkaroon ng bagong rehimen. Kailan man ay hindi magbabago ang AFP kung mananatili ang mga Heneral na iyan. Naaalala ko tuloy ang isang TV documentary na napanood ko kailan lang. Pagbagsak ni Hitler at pagsuko ng
    Germany, maraming mga Heneral at opisyales na Nazi ang binitay. Sa kabila ng dahilan na sumunod lang naman sila sa utos ng nakakataas, binitay pa din sila. Etong mga Heneral natin ngayon ay dapat maranasan din ang ganyan. Pero simula noon pa kapag nagbago ang pangulo, aalis ng bansa ang mga iyan kasama ang buong pamilya at maninirahan na lang sa ibang bansa gamit ang mga perang ninakaw. Iyan ang masaklap na katotohanan tungkol sa mga matataas na opisyales ng AFP sa atin.

  4. gody gody

    tama ka artsee, iisa lng ang sulosyon sa lahat na problema ng bansa ngaun : ang paalisin na si bruhang gloria at ideretso narin sa kulungan pra doon na sya mabulok.

  5. gody gody

    baka naman lahat na tayo d2 sa ellenville ay nasa listahan na tayo ng mga terorista ! at bukas makalawa isa isa na tayong dadamputin ng walang kaluluwang nilalang na gloria.

    dapat pala pangalan neto ” gorilla ” nalang eh.

  6. “O ano ngayon kung NPA si Jonas? . Yun ba rason para kidnapin at patayin?”

    First, there was no proof that Jonas is/was a member of the NPA. And, if ever there was (fabricated) proof, as the AFP claims, does the AFP have any right to appraise such proof?

    Second, if Jonas is/was indeed a member of the NPA, wasn’t it proper to just arrest him and charge him in court?

    Third, what is the AFP’s purpose in floating the accusation that Jonas is/was a member of the NPA ? Is it to justify his abduction (and, God forbid, murder)? If it is, are they, now, admitting that it was indeed the military that abducted (and murdered) Jonas?

    Fourth, if they are now admitting, albeit tacitly, that they are responsible for the abduction (and murder), what will set them apart from the NPA, Abu Sayyaf, MILF, and other “terrorist” groups?

    Fifth, if the AFP is as terroristic as the other “terrorists”, then we can consider the AFP as just another “terrorist” organization. Who’s going to save us from “them”? Who’s going to implement the Anti-Terrorism Law? Another terrorist organization like the AFP?

    What, then, is the use of HSA 2007?

  7. TonGuE-tWisTeD TonGuE-tWisTeD

    Thanks Ka Enchong for translating my post above. Heheh.

  8. chi chi

    Ka Enchong,

    It is my opinion that HSA was primarily intended for courting Bush for him to continue supporting Gloria. I’ve already said this days ago and is still my opinion as of this moment.

    Secondly, nand’yan na kaya gagamitin na para patahimikin ang mga critics ni Gloria.

    Tingnan natin kung sino ang unang lantarang sasampahan ng HSA, at kung hanggang saan nila ito maipatutupad na hindi mag-aalsa ng tuluyan ang mga tao.

    I believe that for wily Gloria and her BS military, HSA is still in it’s experimental stage, takot din sila kung paano ito ipatutupad publicly.

  9. Tongue,

    Oo nga ano… almost, hehehe.

    Chi,

    Agree. The HSA may have been crafted more as a propaganda material than as a law. Si Bush at ang mga neocons ang consumers.

  10. If Glueria wants us to accept her HSA, then ratify the Rome Statute. The treaty will be enough to cover our backs from this abusive regime. The safeguards in the HSA can easily be manipulated by those who will implement it.

  11. TonGuE-tWisTeD TonGuE-tWisTeD

    Sinabi mo pa Schumey!

  12. Mrivera Mrivera

    “Totoong takot ang nararamdaman ko at sigurado ako, ng marami din sa sumusulat dito ay may parehong pangamba.”

    tongue, ako hindi ko na nararamdaman ang takot dahil napagdaanan ko na at nalampasan ang mga hinarap na panganib. mas nakakaramdam ako ng karangalan sapagkat ipinaglalaban natin dito ay hindi pansarili kundi para sa bayan.

    ang isang marangal na pakikibaka ay hindi dapat bigyang pasubali bagkus ay taas noong harapin ang mga balakid na hahadlang upang ang pagbabago’t paglaya mula sa mapanupil at mapagsamantalang pamahalaan ay ating makamtan.

    minsan lamang dumating sa buhay ng sino man ang pagkakataong makapaglingkod sa bayang minamahal at ang pagtupad sa tungkuling ito ay isang karangalan maging katumbas man ay pagtitigis ng dugo at pagbubuwis ng buhay.

  13. Valdemar Valdemar

    Wala ng pulbura sila. Lahat ay dud.
    On a lighter mood a politician in Sulu said those ins are the winners in an election. All those who lost may as well run to the hills as outlaws.

    OB or order of battle lists down the enemies of the administration now classed as the people of the Philippines. Thats why there is no more “The People of the Philippines vs….” for its simpler to just kill the nemesis by all means extrajudicially.

  14. luzviminda luzviminda

    From abs-cbn website July 24:
    “On Monday Tolentino said the Army has gathered evidence that Burgos is an active New People’s Army member and his abductions could have been a result of a rift within the communist movement.

    The Army had also said that the Rebolusyonaryong Hukbong Bayan could be responsible in the abduction.”

    —————

    Sinungaling itong si Romeo Tolentino. Akala ba niya ay mapapaniwala niya tayo lalo na ang mga kamag-anak ni Jonas?Paanong yung sinasabi niya na rift within communist movement and RHB ang responsable sa abduction, eh lahat ng mga ebidensiya ay tumuturo sa mga tirador na military tulad ng mga sasakyang ginamit sa pagdukot. Malabo naman yatang magkakasabwat ang military at NPA. It is only one of them at sure ako na ang may kinalaman ay sina Palparan, Esperon, Tolentino at ang iba pang pamunuan ng gobyerno ni Gloria.

  15. Tolentino is the least credible (as if any of them is credible anyway).

    The only thing this guy knows is how to plant trees when he is doing something good as in using the entire army to plant trees along Marcos highway all the way from Tarlac.

    So that when Jonas was being abducted by one of his elements he didn’t know what to do.

    Gago!

  16. chi chi

    Luz,

    At sigurado ako na alam ni Gloria ang kaliit-liitan ng tungkol sa pagkawala ni Jonas. Her military alalays were instructed to make alibis para siya i-abswelto na naman! Ang deprensya, all fingers point to her as commander-in-chief, albeit fake!

  17. luzviminda luzviminda

    Yes Chi,

    Gloria is responsible for the abduction of Jonas Burgos being the Commander-in-chief. Kaya buong pagtanggi ang pamunuan ng kanyang Militia ( military under Esperon command) na may kinalaman sila sa kasong ito. But now that the Supreme Court has ordered a writ of habeas corpus, tingnana natin kung ano ang gagawin ni Gloria and her Berdugo Militia!

  18. Gloria and her supot na general (Esperon) are candidates for a stand in the International Criminal Tribunal for crimes against humanity.

    Pity that we’ve outlawed the death penalty – wouldn’t mind putting it back just for these two.

  19. luzviminda luzviminda

    Anna,

    Dapat lang na matulad Si Kumander Gloria, Kumander Esperon at pati na ang ibang pamunuan ng kanilang Militia kay Saddam Hussein dahil sa mga crimes against humanity. Never mind kung walang death penalty. Kung Life sentence lang kung saan man sila nakakulong ay lagyan ng sandamakmak na asukal at bulok na pagkain para puntahan ng mga daga, langgam, lamok, ipis, ahas at iba pang insekto!

  20. rose rose

    Ang hindi ko maintinhan: was helping the farmers about organic farming. so was Fr. Bossi. Si Jonas sa Bulacan, si Fr. Bossi sa Mindanao. Si Jonas Filipino. Si Fr. Bossi ay dayuhan. Si Jonas dahil sa NPA kuno ay military ang nagtago sa kanya (I still hope he is alive). Si Fr. Bossi ay itinago ng mga Muslims at nakalaya. Si Jonas identifies with the poor kaya walang kuarta. Si Fr. Bossi though working with the poor, is Italian mapera ang Italy.. What money can do indeed under this administration. Naintindihan ko na. And HSA ang panakot nila sa ating lahat.

  21. rose rose

    Bahit nawala ang pangalan ni Jonas sa unang sentence ko. May nagmimilagro ata.

  22. zen2 zen2

    kung si Garci General Tolentino, kasama ng kanyang mga spindoctors, kabalbalan ganito lang ang kaya, mas mabuti pang buwagin iyang GHQ ng Phil Army, at ikulong habambuhay ang mga walanghiya.

    nang maging malinaw at sukol na ng mga ebidensya, hindi lang isang sasakyan, kundi dalawa ang natukoy sa kanilang pangangalaga, naging NPA member bigla itong si Jonas?

    paghinayaan nating ganito na lang palagi, bubulaga sa atin ang mas marami at patong-patong na bangkay sa hinaharap.

    nasaan ang Senate Resolution para pormal na imbestigahan ito at wala na bang natitirang matinong pulis para kalkalin kung nasaan na si Jonas?

  23. rose rose

    Ano ba ang ibig nilang sabihin sa NPA?- New People’s Army..by that definition we all are ..the 14 or so million who went out to vote, through their votes is a new breed of army..new..; then those who voice out their protests through the rallies, blogging, and demonstrations are the new army..people’s army..marami ang mga NPA. Walang armas si Jonas noong kinidnap..Is he a communist? Isn’t communism a form of gov’t? A belief? hindi naman kasali si Jonas sa bagay na iyan. NPA- No Permanent Address..marami naman sa atin ay hindi iisa ang address. Si Gloria hindi niya permanent address ang Malacanang (gusto niyang gawin pero no dice). Pampanga? Makati? Malabo ang ibig sabihin ng NPA..tumigil na nga sila.

  24. Diego K. Guerrero Diego K. Guerrero

    The Philippine Supreme Court issued the writ of habeas corpus requiring AFP chief General Hermogenes Esperon, President Gloria Arroyo, et al to produce abducted Jonas Burgos on July 27, 2007. Ano kayang mga palusot at kasungalingan nina Esperon at Tolentino para bolahin ang mga magistrado at sambayang Pilipino. Abangan!

  25. chi chi

    Ilabas si Jonas, sabi ng SC sa PNP! Tingnan ko nga kung mag-boomerang ang utos daw ni terorista gloria na parusahan ang mga rogue elements kuno!
    ***
    SC to AFP, PNP:
    Produce Jonas

    Gloria named in habeas corpus plea

    BY EVANGELINE DE VERA

    THE Supreme Court yesterday ordered the AFP and the PNP to produce activist Jonas Burgos before the Court of Appeals on Friday.

    The high court, acting on a habeas corpus petition filed by the Burgos family, issued the order a day after President Arroyo called for harsher penalties against “rogue elements of uniformed services.” http://www.malaya.com

  26. Diego K. Guerrero Diego K. Guerrero

    It’s a big slap against tyrant Gloria Arroyo and her abusive military leadership. US Secretary of State Condoleezza Rice is responsible for the cut back. It means less ‘kurakot’ for the military top brass. The US condemned the extra-judicial killings and the poor treatment of political opponents and journalists by a few in the Philippine security forces.

    US cuts military aid to AFP amid rights charges

    WASHINGTON D.C. The United States has cut by nearly two-thirds the assistance intended for the Philippine military and police forces next year following allegations they were involved in extra-judicial killings.

    A State Department report showed the extent of reduction Foreign Military Financing (FMF) was reduced from nearly $30 million to only $11 million by fiscal 2008 which starts this September. It also slashed the International Military Exchange Training (IMET) program in the Philippines from $2.9 million to $1.5 million over the same period.
    abs-cbnnews.com/storypage.aspx?StoryID=85804

  27. Heh! And Condi has decided to snub the ASEAN conference in Manila too; that’s what we call back to back slap!

  28. Rose,

    Re Jonas and Bossi kidnapping

    I pretty much asked myself the same question. I wrote in my blog: What is the difference between the enforced disappearance of J Burgos and the Italian priest?

    US spy plane, Navy join search for priest reports the Philippine Daily Inquirer with AFP Chief of Staff General Esperon leading the military pack announcing the extraordinary search. All this is happening, i.e., US spy plane, American military personnel on the roll, all out military search, because an Italian priest was kidnapped.

    OK, I am all for it – let there be no doubt about that but what gets me is why isn’t the same effort being applied to the kidnapped militants like J J Burgos who was taken from Bulacan a few weeks ago? Why should Esperon treat the enforced disappearance of his fellowman second or third only in importance compared to the abduction of a foreign national?

    Shouldn’t the enforced and involuntary disappearance of Mr Burgos attract the same attention of and warrant the same US aid search and Philippine, PNP military retrieval efforts as the abduction of the Italian priest?
    ¤
    This seeming disproportionate attention by the military, the Philippine authorities and friendly – real friendly American troops on our soil, to the two cases of enforced disapperance points to an absolutely misplaced sense of moral values where the victim of enforced disappearance is a Filipino.

  29. I also said:

    Jolly good! Now, if that’s the case, I am waiting for Edong Ermita to also seek the help of the American troops who are stationed in the Philippines to fly a US spy plane and help locate the missing Filipino victims of enforced disappearance like JJ Burgos, Sheryl Capadan, Karen Empeno and a host of other abducted activists!

    To my mind, there should be absolutely no difference in governement effort at solving the enforced disappearance of young Filipinos and the Italian priest. An all out government search for them should be initiated and help should be sought from the friendly Americans to find them illico meaning with not a minute lost!

  30. Mrivera Mrivera

    anna,

    malaki kasi ang pagkakaiba kung ang ililigtas nila ay dayuhan kumpara sa kababayan. katulad ni father bossing. putok kaagad ‘yan sa italya at bilib silang nailigtas ng mga kotong cops ni gloria. internationally known pa ‘yung accomplishment na ‘yun at kosmetik sa agnas niyang kredibilidad.

    samantalang kung ang mga pinoy naman na matagal nang dinukot ang maipalabas (kung buhay pa), wala lang. kasi nga alam ng sambayanan na sila rin ang may pakana.

  31. Magno,

    Ang na-accomplish nitong si Maldita Gloria ay lumawak ang travel advisories against Pinas. Nalagay ang pangalan niya sa lahat ng western travel advisories advising their nationals not to travel to Pinas.

  32. Mrivera Mrivera

    anna,

    buti na nga lamang sana kung siya lamang ang i-itsa puwera, kaso damay din sa masamang turing ang buong pilipinas.

    ‘yan ang saklap sa pamunuang huwad na nga’t inagaw lang, sobra pang pikon at gahaman.

    kunsabagay, sila lang naman ang may gustong manatili ang baliw na ‘yan sa malakanyang.

Comments are closed, but trackbacks and pingbacks are open.