Skip to content

Mga walang kunsyensya

(For so many hours yesterday up to late last night, this blog was not accessible. If the forces of evil think they can prevent us from being informed by denying us our place and time in cyberspace, we will prove them wrong.Thank you all for your patience.)

Sabi ni Gen. Delfin Bangit, hepe ng ISAFP (Intelligence Service, Armed Forces of the Philippines) na kaya raw niyang tingnan sa mata si Edith Burgos at sabihin na wala silang kinalaman sa pagkawala ng kanyang anak na si Jonas Burgos.

Ganoon talaga ang taong manhid na. Kayang-kaya magsinungaling ng harap-harapan. Baka nga naniniwala na sila sa kasinungalingan na pinaggagawa nila.

Ang isang taong may natira pang kunsyensya, kung may kasalanan na ginawa, medyo mahiya at hindi makatingin diretso sa taong nagawan niya ng kasalanan. Babagsak ang mga ganung tao sa lie detector test.

Ngunit ang mga garapal at wala ng natirang konsyensya, katulad ni Gloria Arroyo, ang amo ni Bangit, kayang-kaya noon tumingin ng deretso kahit nagsisinungaling. Papasa yun sa lie detector test.

Galit si Bangit dahil binuking sila ni Senior State Prosecutor Emmanuel Velasco .

Ang linya kasi ni Bangit at ni AFP Chief Hermogenes Esperon ay walang kinalaman ang military sa pagdukot kay Jonas magta-tatlong buwan na ang nakaraan.

Ngunit noong isang araw inilabas ni Velasco ang kanilang mga naunang natuklasan tungkol sa pagkawala ni Jonas, anak ni Jose Burgos, Jr. kilalang press freedom fighter at founder ng pahayagang Malaya.

Pinangalanan ni Velasco ang limang sangkot: sina M/sgt Aron Arroyo at Cpl. Maria Joana Francisco ng Philippine Air Force at miyembro rin ng Military Intelligence Group 15 o MIG 15; T/Sgt Jason Roxas ng Philippine Army; 1st Lt. Jaime Mendaro ng Army ngunit naka-assign sa 56th Infrantry Batallion ; at Lt. Col. Noel Clement ng Army na naka-assign sa escort and Security Batallion.

Sabi ni Velasco ang plano ng pagdukot kay Jonas ay nabuo ning Oktubre 2006. Paniwala raw ng mga suspek, NPA si Jonas.

Sabi ng Air Force at ng Army wala raw ang mga pangalan na nilabas ni Velasco sa kanilang listahan ng mga tauhan.

Ang problema ngayon ng military ay wala silang kredibilidad lalo na si Esperon. Nakita ng taumbayan kung paano nila binastos si Edith Burgos noong nag-rally sa Camp Aguinaldo. Di ba nagpatugtog sila ng napakalakas na music para hindi marinig ang panawagan ng pamilyang Burgos sa rally.

Natumbok sa military ang plaka ng sasakyan na nakitang pinagkargahan kay Jonas. Nag-imbestiga raw ang military ngunit hanggang sa pagkawla lang ng plaka. Halatang ayaw tumbukin ang katotohanan.

Mabuti naman na pinupursige ni Prosecutor Velasco itong kaso ni Jonas.

Dati kasing reporter si Velasco sa Malaya. Magkasama kami noon. May pagpahalaga siya sa katotohanan at kalayaan.

Published inWeb Links

31 Comments

  1. Maybe worse is to come, but of course science tells you that everything has a breaking point!

  2. chi chi

    Hoy Bangit! Hindi ikaw ang unang sinungaling na nakakatingin ng deretso sa mata ng pinagsisinungalingan. Nandiyan si Imeldific at ang suko sa langit ang pagkasinungaling na iyong among tunay, si Gloria Pidal!

    Ay naku, saksakan ng BANGIT ang pagkatao nitong si Delfin, manang-mana kay Trapolita Gloria!

    Ilabas mo si Jonas, hangal!

  3. chi chi

    Ang linaw, kung walang kinalaman ang mga pangalang nasa kamay ni Senior State Prosecutor Emmanuel Velasco, e bakit bigla na lang siyang tinanggal sa kaso ng pagdukot kay Jayjay?

    Inutusan ni Assperon si Impakta Gloria na utusan si SiRaULo G na tanggalin si Velasco, malinaw pa sa sinag ng araw!

    Nanginginig pa ang impakta na sumunod sa utos ni Assperon! LAMEDUCK permanent acting president, poootha talaga!

  4. chi chi

    Salamat Mr. Velasco. Kahit tinanggal ka sa kaso ni Jonas ay napatunayan namin thru your initial investigation na tama ang unang hinala namin na iyang mga usual suspects ang kumidnap kay Jayjay!

    Lalong makakalbo si SiRaULo sa pagtatakip sa kanyang among Impakta Gloria at sa amo nito na si Assperon!

  5. chi chi

    Aling Edith, baka po kailangan ng makipag-ugnayan sa ibang organisasyon at hindi kay Ermita dahil halatang nilalaro lang tayo ng Enchanted Kingdom!

  6. Proof that the creeps are monitoring this blog, Ellen, is the response, directly or indirectly to the posts of bloggers here. Worse, however, is the attempt for these crooks to even try to hack our PCs with attempts to get our ID’s and passwords.

    For the past two days, there has been an attempt in fact to severe my PC connection to my broadband, by deliberately putting my server offline and force me to try to connect with my ID and password. But being in a program to monitor this kind of hacking for better implementation of the Internet Law of Japan, I get fair warning not to give my ID and password as instructed.

    I just thought these creeps must be desperate to even think of such creepy gimmicks. Hindi naman duwag ang mga posters dito, especially when they can in fact hide behind some exotic names. Gago din ano?

  7. The other day, the Colombians staged a national protest against political killings in their own country, past and present. I thought Filipinos should do the same especially with the impending implementation of the Mafiosa’s Anti-Terrorism Law that is aimed mainly in suppressing freedoms of Filipinos against her criminal government. Baka magaya ang Pilipinas sa Burma or Iraq under Saddam.

  8. rose rose

    Ang halimaw ay walang kunsensya. Ang demonyo ay wala ding kunsensya. Ang dami nang halimaw at demonyo sa atin.

  9. Emilio_OFW Emilio_OFW

    Ang taong sanay na magsinungaling ay gagawin ang lahat upang maging kapani-paniwala ang ganyang ginagawa.

    Sagad na ba talaga sa buto ang kawalanghiyaan sa mga tinaguriang “namumuno” ng bayan pati na ang kanilang konsiyensiya ay wala na rin?

  10. Mrivera Mrivera

    ang pilipinas ay pinamumunuan ng sindikato, hindi tunay na gobyerno.

    si gloria makapal ang mukha arroyo ay isang papet na kumikilos sa pamamagitan ng mga sinulid. kung sino sino ang mga kamay na nagpapakilos sa kanya upang pakilusin naman ang mga katulad nina eduardo ermitae, siraulo gagongongzalez, titing bunye, norberbato gunggonggonzalez, sergio apilipitdilapostol, gabriel bakulawdio at benjamin abalaos ay isang katanungang hindi mahirap sagutin subalit hindi rin madaling putulin sapagkat nababakuran sila ng mga pusakal na bayarang handang pumatay at magpakamatay hindi dahil sa tawag ng tungkulin kundi sila ay sapilitang inilublob sa katiwaliang hindi na nila kayang takasan.

  11. norpil norpil

    ang alam ko, ang trabaho ng armed forces ay protektahan ang sambayanan laban sa mga taga labas o taga loob ng pinas. ang pnp naman ay para protektahan ang sekuridad ng bawat nilalang na nasa pinas. sa tingin ko ay nag pro protektahan ang mga ito laban sa bawat nilalang na hindi nila kakampi.

  12. 2 months, 14 days since the abduction of Jonas Burgos…

    Wala pa ring linaw?! (When one finds it hard, as I did, to figure out whether to end this sentence with a question mark or with an exclamation point, something’s definitely wrong somewhere.)

    Raul Gonzales had just scolded (and relieved)Emmanuel Velasco for talking too much? Look who’s talking…

    Raul Gonzales is a living proof of what Orson Welles called “doublespeak” in one of his novels: A Department of Justice that is tasked to ensure that justice is denied? Well, what else is new? We have a Defense Department that is actually on the offensive against people they are tasked to defend, like Jonas Burgos.

    I won’t be so surprised if agents of the Department of (Transportation and) Communication is behind attempts to ensure that Ellenville habitues do not communicate as much as they need, hence, this denial of service yesterday.

  13. …ooops, George Orwell, hindi Orson Welles.

  14. …and “newspeak” hindi doublespeak…

  15. Valdemar Valdemar

    So I did not miss anything at all. They cut me off from the internet yesterday, well, until I raised hell with my provider a while ago.

  16. chi chi

    “ang pilipinas ay pinamumunuan ng sindikato, hindi tunay na gobyerno.”

    Mrivera,

    Boldyak mo! Sindikato ng mga mamamatay tao!

  17. Diego K. Guerrero Diego K. Guerrero

    Hello, Army chief Lieutenant General Romeo Tolentino. Evidences and confirmation are coming out. What now General? Deny, deny, deny, deny!!!!!

    Car linked to Burgos kidnap traced to Army chief’s office
    newsinfo.inquirer.net/breakingnews/nation/view_article.php?article_id=76300

  18. Diego K. Guerrero Diego K. Guerrero

    This blog is not accessible again. Its color and web format is modified as of this writing. Malacanang’s cyber attack is at work. I suspect it could be a prelude to HAS implementation on July 15th silencing Arroyo critics. Filipino patriots around the world have the right to know what’s going on our homeland.

  19. TonGuE-tWisTeD TonGuE-tWisTeD

    When Gloria arrived in Cagayan de Oro the other day, she was greeted at the tarmac by the PNP and AFP chiefs, and THREE TOLENTINOS: a Lt. Gen. Romeo Tolentino of the Army, a Rear Admiral Amable Tolentino of the Navy and a Lt. Gen. Horacio Tolentino of the Air Force.

    Ayan! Sabi niyo kasi SUPOT si Esperon, kaya puro TULEntino ang mga kinuhang kampon!

  20. martina martina

    Ang mga taong may kunsyensa ay hindi puwedeng magtagal sa pamumuno si Glueria Pidal. Dapat wala kang honor, wala kang sariling prinsipyo, ganid, marunong magnakaw at mandaya at importante na makapal ang iyong mukha, para ka ma-welcome sa kanyang circle. Iyan ang mga qualifications para ka makapaglingkod sa rehimen ni Glue. Kung wala niyan ay mapapatalsik lang, or duon ka sa mababang puwesto.

  21. chi chi

    Hahahaha! Puro TULEntino na ang sumasalubong kay poootha gloria! NaSUPOT na ng tuluyan si Assperon o busy sa kamamando kay impakta gloria?!

  22. martina martina

    “Worse, however, is the attempt for these crooks to even try to hack our PCs with attempts to get our ID’s and passwords.”

    I am wary to login when this website is not in its usual format, for i know they can get my username, password and ip address. Even if am hiding in this userid, they can still get my ip address and can trace my whereabouts. If they are really keen, they can contact my internet provider to ask for some personal details. There is a ‘privacy’ law in the country i live now, so i do not see how the Phil govt can get it, but who knows, they may just have this terrorism alibi to tell.

    As am not too sure, anyone in the know there, can please explain if the one am doubting about is possible.

  23. Emilio_OFW Emilio_OFW

    Halos mag-hapon ng Huwebes ay inaccessible ang Ellenville.
    Ito ang message na lumalabas sa tuwing attempt ko:

    It doesn’t look like you’ve installed WP yet. Try running install.php.

    Ang ibig lamang sabihin ay binabasa ng kampon ng kadiliman ang mga threads ni Ms. Ellen. Iniisa-isang basahin ang comments ng mga bloggers.

    Sa pamamagitan ng Ellenville ay nagkakaisa ang lahat ng mga Pilipino, maging OFWs o immigrant sa iba’t ibang panig ng mundo. Dahil sa pagmamahal sa Inang Bayan na patuloy na sinisira at niyuyurak ng pamahalaan ni Arroyo ay dito sa blogsite ni Ms. Ellen ipinahihiwatig at ipinararating ang pagka-dismaya sa nangyayari sa Inang Bayan.

    Sa halip na bigyan pansin ang mga karainggan at kung papaano bibigyan ng karapatang solusyon ay sinisira pa ng mga kampon ng kadiliman ang website.

    Sa mga naatasan na sumubaybay o sumira sa Ellenville, gumawa naman kayo ng mas maganda at karapat-dapat upang ang perang inyong natatanggap sa ganitong klase ng gawain ay ikasisiya at ikagiginhawa sa pangangailangan ng inyong pamilya.

    Huwag ninyong sayangin ang ibinigay na talino upang paglingkuran ang leader ng kampon ng kadiliman at iyan ay si Gloria.

  24. Valdemar Valdemar

    One does not have to be a good hacker to learn much about anyone here. If an expat, there’s not so many passports to check by countries. Promdis are easy to isolate, less possibles to check by agents. Time zones are worthwhile to associate at your waking hours, track records and twang or ebidensya for regions bach home.

  25. chi chi

    Emil

    At iyan ay nagba-Bible study pa raw si IpDye! Malaon at madali ay ang kanyang puso ang sasambulat sa kunsumisyon sa atin.

  26. rose rose

    Emilio-OFW: ang voces ninyo ay malakas at dapat marining..kayo ang bumubuhay ng econimia sa Pilipinas..
    Kaya lakasan ninyo kasi malaki ang takot ni Gloria sa hindi ninyo pagsuporta sa kanya. Let us all work together..Sama sama united we stand..divided we fall ang sabi nga…Hawak ninyo sa leeg si Gloria..kayang kayang ibitay..And besides you are all over the world…

  27. Chi: At iyan ay nagba-Bible study pa raw si IpDye! Malaon at madali ay ang kanyang puso ang sasambulat sa kunsumisyon sa atin.

    *****
    Nagba-Bible study siya, hindi naman pumapasok sa isip niya, wala ring silbi. Kung talagang naiintindihan niya ang binabasa niya mababagabag ang kalooban niya at magsisisi siya sa pamamagitan ng pagsuko sa mga maykapangyarihan ng ginagawa nilang krimen laban sa batas ng bansa at Saligang Batas lalo na’t ang mga ay supposedly inspired of God! Puede ba pakisabi sa ungas, Chi, na tigilan na ang kaplastikan. The more they blaspheme God, the more they become closer to hell!!!

  28. Kung nagbabasa si Fatso ng Biblia at naiintindihan niya ang binabasa niya, bakit hindi sila nababagabag ng mga namamatay dahil sa kapalaluan nila:

    For a starter, ito ang dapat na tinatandaan niya:

    A description of his wife: (Prov. 6:16-19) “These six things doth the LORD hate: yea, seven are an abomination unto him: A proud look, a lying tongue, and hands that shed innocent blood, An heart that deviseth wicked imaginations, feet that be swift in running to mischief, A false witness that speaketh lies, and he that soweth discord among brethren.”

    For himself, his wife and the people conniving with them
    (Jer. 9: 3) “And they bend their tongues like their bow for lies: but they are not valiant for the truth upon the earth; for they proceed from evil to evil, and they know not me, saith the LORD.”

    Cries of those who have died during this regime and cry for vengeance:
    ((Job 16: 18) O earth, cover not thou my blood, and let my cry have no place.
    (Ps. 9: 12) When he maketh inquisition for blood, he remembereth them: he forgetteth not the cry of the humble.
    (Jonah 1: 14) Wherefore they cried unto the LORD, and said, We beseech thee, O LORD, we beseech thee, let us not perish for this man’s life, and lay not upon us innocent blood: for thou, O LORD, hast done as it pleased thee.

    (Rev. 6: 10) And they cried with a loud voice, saying, How long, O Lord, holy and true, dost thou not judge and avenge our blood on them that dwell on the earth?

    Dapat matakot na iyong tabatsoy. Malapit na siyang mamatay, dapat magsisi na siya, pero hindi puede iyong puro satsat lang wala naman sa gawa!

  29. rose rose

    Nagbabasa lang si FG ng biblia pero I don’t think he is understanding and taking the messages in his heart. Ang sabi nga the Bible is inspired by God. . a book of faith. Kung tunay na nasa puso niya ang salita ng Dios bakit hindi niya naintindihan ang 10 utos ng Dios.. Reeading,Understanding, Believing and Doing are all different..Para sa kanya Reading? ok kaya ko easy lang yon. abogado ata ako..Understanding? hintay muna,,Believing..oo nga pero…Doing? Iba na yon..hindi para sa akin ang bagay na yan…Asawa ko ata ang pang-gu lo..what are we in power for?

  30. Mrivera Mrivera

    rose, huwag kang maniwala na nagbabasa ng bibliya si ip (PIG) dye.

    isang patunay: ang mas masahol pa sa demonyo ay hindi man lamang magtatangkang humawak o gumawa o mag-isip ng ano mang mayroong kinalaman sa kanyang kinamumuhian – ang kabanalan at kabutihan.

  31. artsee artsee

    Para malaman natin kung nasaan si Burgos dapat itanong natin kina Gomez at Zamora. Hindi ba laging magkasama silang tatlo?
    Naaalala niyo ba ang Gomburza?

Comments are closed, but trackbacks and pingbacks are open.