Skip to content

Naghubaran na ng maskara

Ang panalo ng pito (walo kung hindi magtatagumpay ang operasyon ng Comelec laban kay Koko Pimentel) na kandidato ng Genuine Opposition para Senado ay mataginting na protesta laban kay Gloria Arroyo at ng kanyang mga kampon.

Ang gusto ng taumbayan ay ang Senado na naninindigan laban sa pagyurak ni Arroyo ng Saligang batas at mga institusyon ng bayan. Ayaw ng taumbayan na patuloy na paghari-harian ng mga kampon ni Arroyo.

Dahil may pito o walong bagong oposisyon sa Senado, akala natin maitutulak na ng mataas na kapulungan ang mga imbestigasyion tungkol sa pang-aabuso ni Arroyo at ng kanyang pamilya na hinarang o inupuuan noon ng kanyang mga alagad katulad ni Joker Arroyo.

Maliban kasi sa pito na sina Loren Legarda, Chiz Escudero, Ping Lacson. Manny Villar, Noynoy Aquino, Alan Cayetano, at Antonio Trillanes nandiyan na sina Nene Pimentel, Rodolfo Biazon, Mar Roxas, Jamby Madrigal at Jinggoy Estrada.

Dahil mukha namang may prinsipyo si Pia Cayetano, kahit nanalo siya sa ilalim ng tiket ni Arroyo noong 2004, inaasahan rin na kakampi siya sa oposisyon.

Hindi ganoon ang nangyari.

Pagkatapos ng eleksyon, inasikaso na ni Villar ang kanyang pagiging Senate president na alam naman natin ay magiging tuntungan niya sa kanyang planong tumakbo para persidente sa 2010.

Maala-ala natin na si Villar ay hindi naman talaga Genuine Opposition. Guest candidate lang siya ng oposisyon at nagkahiwalaya sila ng kanyang mga kasamahan sa Wednesday group na sina Joker Arroyo at Ralph Recto na patuloy na dumikit kay GMA. Si Kiko Panglinan naman ay independent raw.

Alam ni Villar ang tayo niya sa oposisyon, Mas comportable siya doon sa mga kampon ni Arroyo. Kaya yun ang kanyang bagong grupo: maliban kay Joker at Pangilinan, suportado siya nina Angara, Juan Ponce Enrile, Miriam Santiago, Lito Lapid, Bong Revilla, Richard Gordon at Gregorio Honasan.

Ito ang masakit: nakuha niya ang suporta ni Peter Cayetano at Pia Cayetano na kapwa niyang miyembro ng Nacionalista Party. Nakuha rin niya ang boto ni Chiz Escudero ng Nationalist People’s Coalition na talaga namang partner ni GMA.

Ang pinakamasakit: mukhang kuha rin niya si Jinggoy Estrada.

Dahil dito, nasa majority ang grupo ni Villar na kasama ang lahat na alagad ni Gloria. Hawak nila ang mga makapangyarihang mga committee katulad ng finance, blue ribbon, defense at iba pa.

Ang natirang oposisyon na ngayon ay nasa minority ay sina Lacson,.Legarda, Pimentel, Biazon, Roxas, Madrigal, Aquino, Trillanes.

Alam ni Alan Cayetano ang aking sama ng loob at sinabi niya na kahit boboto siya kay Villar para sa Senate presidency, magiging oposisyon siya sa mga isyu na kanilang talakayin.

Paano yan, binigay nyo na ang kapangyarihan sa mga kampon ni Gloria?

Published inWeb Links

113 Comments

  1. Mike Uliling Mike Uliling

    Paki tama lang po ako Mam Ellen. Sana mali itong obserbasyon ko, natural lang na gumawa kaagad ng defense wall si Villar dahil matapos na manalo ang karamihan sa oposisyon sa Senado, pinaramdam kaagad na balak siyang palitan sa pagkapangulo matapos nilang magsama sama sa kampanya. Sana inuto muna nila hanggang sa makasiguro makukuha nila ang mga mahahalagang committe. Eh hindi, atat na atat na kunin ang mga committee na pinamumunuan ng administrasyon tapos papalitan pa siya. Ayan tuloy, nauwi sila sa latak na committee. Oposisyon nga, pero iba ibang paksyon ng oposisyon ang nakikita ko. Wala marunong magbigay. Nakakadismaya. Buti na lang at meron tulad ni Trillanes na sa tingin ko siya ang magiging backbone ng bagong oposisyon. Di tumitinag, talagang lumalaban. Deretso ang tingin. Tunay na sundalo. Di ko alam kung si Lenin ang nagsabi nito na bigyan mo ako ng apat na hardcore na komunista at kayang kong kontroling ang buong mundo. Sana magkaroon pa tayo ng tatlo pang Trillanes at tignan ko lang kung di natin mababago ang nababoy at nakawawa kong Pilipinas. Paki tama lang po ako Mam Ellen.

  2. Mike Uliling Mike Uliling

    Gusto ko lang i follow up. I didn’t mean to indicate that Senator Trillanes is left leaning. Naghalimbawa lang ako na sana may marami pang katulad niya na malakas ang paninindigan. Huwag niyo sanang bigyan pa ng ibang kahulugan.

  3. Emilio_OFW Emilio_OFW

    This word of wisdom lingers my mind and very appropriate in today’s thread:

    “To test the character of a man, give him power”

    Both of these two supposedly “Genuine Opposition” Senators, Alan Peter Cayetano and Chiz Escudero will soon be in power (they will handle senate major committees). Their positions will be an acid test.

    Let’s continue our watch to the actions of these two “Traydor ng Bayan” – akala pa naman naming mga OFWs ay kasangga itong dalawang ito kaya namin sila ibinoto. Iyon pala ay babaligtad din.

    Sayang…

  4. xanadu xanadu

    Katulad ng naiposte ko sa kabila, I will reserve my comments on these GO elected senators who will co-habitate with Gloria Arroyo until after the Senate presidency squabble is over. Basta tandaan lang nitong mga lalabas na balasubas, hindi kayo patatawarin ng tao.

  5. cocoy cocoy

    Napeke Ba? Nasilaw sa kinang na ang akala ay tunay na diamante,iyon pala ay cubic zirconia.
    Lesson number one,don’t buy a used car to a career politician.

  6. parasabayan parasabayan

    Xanadu, I am with you. Wait and see lang ako. Too early to tell how these GO winners will perform. Sometimes, you have to cross party lines to get things done. Chiz and Alan’s way of infiltrating the enemy camp may pay off later. Who knows. I will have to hold my judgement for later. If Villar, Chiz and Alan have future presidential aspirations, they have to tow the line. The people are watching and in the 2010 presidential elections, the people will guard their votes even more. Even if Villar has billions, the vigilance of the people will be more powerful. The third time around, a Garci or a Bedol may not be readily available. To the GO winners, stand by your commitment or suffer the same fate that the TUTAs had in the recent elections. The people are watching so DELIVER your promises or suffer an astounding defeat in your future political endeavors!

  7. acer acer

    Lumabas na rin ang tunay na kulay nila. Ano kaya ang say ni Susan roces ngayon tungkol kay chiz? Sana mom,you dont feel betrayed by your endorsement.Si Alan sabi ko sa misis ko, ok yan, GOD fearing yan,Iboto natin yan, magiging boses siya ng mga Filipino at ipaglalaban niya ang mga mahihirap.Ok naisahan ninyo kami,magsama sama na kayo,mga ampatuan,bedol, garci, abalos, estrada, cayetano, arroyo, Villar,cojuanco,escudero, Zubiri(all politicians). Mag payaman kayo ng magpayaman, kayo kayo na lang, maging diyus diyosan kayo sa mga pinoy. Matiisin ang mga pinoy, pero may hanganan din ang paghahari ninyo. Nawala na ang trust namin sa inyo, ipagpatuloy ninyo ang mga pandaraya ninyo. Hindi na kayo naawa, marami nang nagugutom,namamatay dahil sa taas ng gamot at bilihin, samantalang kayo at mga pamilya ninyo nagpapasarap, nakaw pa kayo ng nakaw,nakikipagpatayan kayo sa position na kay liit ng sahod.temporary lang ang buhay natin dito.Mag serve na kayo sa bansa natin.Ayaw ninyo bang mahalin kayo ng taong bayan dahil nag serve at nag mahal kayo ng tunay sa atin bansa,o ang gusto ninyo maalala ang mga kawalanghiyan ninyo.Isang araw kukunin din tayo ng Panginoon.Darating din ang araw na kailangan din ninyo ang awa ng Panginoon at ilalantad niya lahat ang maskara natin. GOD bless the Philippines.

  8. xanadu xanadu

    Malalaki na sila at alam nila ang kanilang ginagawa.

    Villar may have his billions pero alam naman nila ang kwento nang nakaraang halalan. Hindi umubra ang milyon milyong salaping tumataginting nina Pechay, Recto at Chavit laban sa ilang sentimong nakayanan ng mga sumuporta sa kandidatura ni Sen. Trillanes. Ang basehan ng tao ngayon ay kung sino ang naninindigan sa kanyang mga salita. Nakita na nila kung paano nilampaso ang mga alipores ni Gloria, makikita nilang muli kung paano hahambalusin ang mga taong matapos pagkatiwalaan ay makikipagkutsabahan kay Gloria.

  9. rose rose

    Ito ata ang sinasabi na- “beware of false prohets”.
    “Don’t judge a book by it’s cover”
    “a wolf in a sheep skin”. It is unfortunate indeed that many who trusted them were taken. Sa buhay nga ni Hesus ay may Hudas- sa Philippine politics- hindi lang isa “may club pa- at sumali na itong tatlo sa “Who Does Club”. Sa atin lang ang maraming balimbing. Who are members of the “Who Does Club” – those who turn coats. And their uniform?- a mask and a reversible coat. And what do they do? Have a Masquerade ball. Si Jinggoy ata ay sasali din- understandable baka ito ang deal para hindi ma convict ang tatay niya. But we here, will stand firm in what we believe. We will die standing up and firm in our convictions….with Sen. Trillanes to lead us on…”let us have some men who are stout hearted men who will fight for the rights they adore..start me with ten..” When you are right and you do what is right you have the majority of one…ang sabi nga. We are the silent majority who will soon rise..You will see.

  10. cocoy cocoy

    The GO in general and opposition in particular is now sustaining a stinging rebuke from the electorate who trusted them in the last election. The GO lost control of the lower house and with these impending turncoats forging alliance with the Devil they might lost the senate as well. Now, the agenda moves to administrations, the power of purse is shifting to administration, the opposition can now only shift in reverse. The GO has ruptured, through the demolition jobs of Villar, following suit are Cayetano and Escudero.

    Villar is ideally positioning himself for 2010 as an aspiring presidential candidate, he want to extend more leverage and want to control the Senate to whichever direction he could be careless, controlling the major committee s enhance his abilities to raise campaign funds and comprise him to do so. Perhaps worst, he might turn the table against opposition to Lacson and Nene Pimentel to ground them both on 2010.If he can control it is the opposition now who are without platform, without an identifying philosophy and without an articulate weapons to advance their cause. Divide and conquer, as what’s Villar on mind.

    Without no recourse and resource, the opposition in 2010 might extend it’s tentacles into the NPA, the leftist or to the many enemies of the states and it is a grave danger of becoming a sectional party with an ever declining decency and a bunker mentality.

    If Gloria’s anointed successor will still be in control after her term, She and her cabals of cohort are all free to roll the dice in a casino on Monte Carlo.

  11. parasabayan parasabayan

    That is tiyanak’s plan, to annoint the next president so that she will not find herself in the same place that Erap is in. She finds that vulnerability in Villar. Villar on the other hand may have something cooking for the people. Until he sits and assigns all these senators in place, we do not know what his whole plan is. As I can recall, when the Cha-cha was being cooked, Villar rallied the senate into not supporting the deadly initiative.

    I agree that just as Honasan made a deal with the tiyanak so he will be free, Jinggoy may be selling his vote for Villar to save his dad’s conviction. Tiyanak has mastered the art of dealing. As a matter of fact she may have outsmarted Satan. Satan, as we all know represents nothing but evil but the tiyanak is like a camillon, she changes her color as she changes her position but in the end she is still the winner. But let us see if the law makers, both in the lower house and in the senate can put an end to her wily ways. Baka nag gugulangan lang ang mga ito. Let us see how they play their game. It is just like playing a chess game. Will the “queen of ek” be mated? Abangan ang susunod na kabanata.

  12. Elvira Sahara Elvira Sahara

    Masakit ang puso ko! Inindorso ko sa mga kapatid, mga kamag-anak at mga kaibigan ang mga sinasabing GO na ngayon ay mukhang klaro ng bumaliktad sa Oposisyong kinabibilangan. Sana, hindi magkatotoo…dahil…saka na ako magsasalita! Tulad ng ibang bloggers dito, baka may kabutihan din tayong maaani! Sana nga!

  13. martina martina

    “Maghabol na kayo sa tambol mayor’. Iyan ang sinasabi ng mga tao kapag nakuha na ang gusto at gusto ng iwanan ang mga kasama. Nakisakay lamang sila sa bandwagon at ngayon ay tumalilis na. Typical sa mga tradpol.

  14. rose rose

    Nakikita na natin ang tunay na pagkatao ni Escudero, Cayetano, Villar. Peke din pala. With due apologies to Susan- ano ngayon ang say mo- hindi na ikaw ang mahal ng inaanak mo- inagaw na ng nagnakaw sa inyo at harapharapan pa ang “sweet na ngiti”. Hinay, hinay lang mga Toto- tatlong taon pa…at baka hindi na darating ang 2010. Don’t allow Sen. Trillanes to deliver what he promised…busalan ninyo siya at walang mga investigation to stop corruption …at babagsak ang pangarap ninyo..ang sabi nga kung gaano ka taas ang lipad, ganoon kasakit ang bagsak..ang karamihan ay hirap na .. bagsak na nag-a-antay na lang kami sa pag basak ninyo.

  15. Diego K. Guerrero Diego K. Guerrero

    Don’t let these bastards fool us again. The honeymoon period is over with the opposition. Sen. Manny Villar’s Judas act will cost him the presidency in 2010. The electorate won’t forgive Villar’s unholy alliance with discredited Gloria Arroyo administration. After political horse trading, the burning issue: Can he be trusted? Not anymore. The Filipino people deserve better a leader. The true opposition in the Senate must rise above politics. They must serve and protect the best interest of the people. Amen

  16. jay cynikho jay cynikho

    Oy puede rin dito yun post ko sa kabila. sige
    ala Joseph Goebbeles, pag naulit nabasa baka
    maniwala ang reader:

    Pinoy Kasi! It’s being Pinoy, stupid!

    Naniwala naman ako sa Lola ko, sa Itay ko. Kaya ang Itay ko lagi kong minamasdan, tinatarok, kung nambobola. Sabi ni Lola at ni Itay Kung ano ang puno siyang bunga. Ayun parang takot ako, kung ano si Itay ganoon din ako. Okay naman kahit mahirap lang, hindi naman naging magnanakaw o babaero.

    In a previous posting I said, in the revolution, it is crucial to Make sure the generation spawned by these political, religious and military criminals (they are already with us) must be stopped from continuing the crimes of their fathers. You know all of them even if you come from the provinces and the hinterlands. Some are already in the Senate, they are numerous in the House of Representatives. Those practicing the bar are multitudes in defending in the courts their corrupt clients. The young ones females even in the business sector have already taken over the partnerships of their parents with the government. No corporate business can be clean under a dirty government. They are partners every minute of the day: the government and the business sector. They thrive and flourished together in sucking the blood of the nation. they are insatiable gluttons for unbridled greed for money (preferably cash in US dollars) in creating more dirt and more crimes. For more than twenty-five years these sons of their fathers are already with us.

  17. rose rose

    Kay Sen. Trillanes- alisin muna ang korruption- alisin muna ang puno ng korruption (cut the corruption tree) linisin ang military who should protect us. But how can he when he is not given the privilege to serve the people who voted for him…85 million pa daw are to be protected sabi nga noong sino ba yon 96 million ba ang population ngayon ng Pilipinas? Villar, Escudero, Cayetano will join ni bandwagon against allowing him– utos ni Commander in Cheat yon. If Gloria & co. will only allow this. If only Villar, Escudro, and Cayetano will ask her..ok sana. You are ok but we the people are not ok.

  18. jay cynikho jay cynikho

    Yung mga anak ng mga santol na lason sa bayan, ang bunga ba nila mansanas para sa Pasko? Kay Jinggoy, noon pa man nasa Malacanang ang tatay niya na kilalang santol na. Si Chiz Escudero, mansanas ang dating, si Cayetano parang seedless ubas, ayun santol din.

    Huwag muna tayo humusga, hintayin natin kung ano ang gagawin. Sabi ni Itay, ano pa ang hinihintay mo, kilos ka na. Naghinhintay ka ng WALA. In 1970 sabi ni Ditas Concepcion, the population problem is not about birth control and family planning. The problem is already with us.

    Kung baga sa avian flu or AIDS, nandiyan na ang mga santol,
    Mga professional na, sa PNP, sa AFP, sa media, sa mga banko, Sa mga hospital, hindi lang sa Malakanyang, Congreso at Governors’ and Mayors’ offices, yung iba nasa abroad na.

    Sobra ka naman Jay! Anong palagay mo sa generation ni
    Mar Roxas mga aliens? Eh di tanungin ninyo yong mga Aeta
    mga katutubo sa Visayas, Palawan Mindoro at Mindanao. Yung mga tunay na Filipino. Sasabihin nila Yun mga tiyanak galing sa ilalim ng lupa, itong mga Pinoy aliens came from Hades, from the center of the earth. Ang popogi at mga sexy. They only have sex with their kind.

    Ellen paki delete na lang kung talagang Goebbelisque.

  19. PSB and Xanadu:

    I was willing to give the two the benefit of the doubt but not anymore. I was in fact hoping against hope that when I heard of this scandal, it was mere publicity stunt to weaken the opposition, but I was disappointed to know that it was after all true.

    Pati nga iyong Jinggoy kasama despite what these crooks have done to his father out of desperation to save him from getting a misjudgment. Mahirap talaga ang sinasabing, “sleeping with the enemy” because his motive is selfish.

    I got the inside story from a friend of mine that really disgusted me, for as a Japanese, I am not used to this kind of treachery, for over here, despite the fact that majority do not even profess to be religious and believe in God, somehow, people follow some code of ethics similar to Christian teachings as stomping one’s feet on people who have aligned themselves with the devil. So, I am dropping them both from my list, and will now be particular of every wrong move they make and attack them for it, for I believe that my opinion counts in a real democracy!!! 😛

    In other words, burado na ang dalawang ito sa listahan ko. Shame on these two or should I say three? Lalo na doon sa anak ni Erap. I was likewise willing to give Jinggoy the benefit of the doubt kahit na ang dating niya parang walang laman ang ulo. Pare-pareho lang sila—puro alumni ng Ateneo. Pwe!

    For what they have shown, they should be watched carefully from now on. I would not listen to the suggestion that they should have shown their true colors later. On the contrary, I am grateful to Tribune’s NCO and her deputies for a job well done in exposing these wannabe crooks this early. Maaga pa lang nakita na ng mga tao ang kulay nila.

    Meanwhile, let us congratulate Adel Tamano for trying hard during the election to make a semblance of unity even when apparently he must have been aware of the underground activity of Villar, who could have destroyed the chances of the United Opposition to stay together the way they marred the FPJ campaign.

    Buti na lang, hindi nila nakasama talaga si Senator Trillanes, whose incarceration actually is proving to be a blessing in disguise. Less temptation to be corrupt.

    Sabi nga sa Bible, “But God hath chosen the foolish things of the world to confound the wise; and God hath chosen the weak things of the world to confound the things which are mighty;” (1 Cor. 1: 27)

    I’m waiting in fact for what mighty work of wonder God will do from now on as this sifting of the tares from the wheats! Apparently, God wants a strong Opposition for the Filipinos even with such small number of people who have been made strong and undaunted toward these adversaries. Amazingly, by their own doing, these crooks have revealed themselves.
    Surely, this experience has made us “wiser and more determined” as Ellen has stated.

  20. cocoy cocoy

    The Filipino people were once fooled again by these traditional politicians who used the GO bandwagon to take them where they are now, they offers nothing but their desire to return to office. None of them seem likely to produce constructive change in the despotic rule of Arroyo. The country will be doomed, for they now forget what they stand for, it means that the existing approaches are not providing the necessary direction and impetus for reform. The potential will not be met, but the obstacle is one of the political culture, not political structure.

    They are an structure of cunning elites and has traditionally been almost completely exempt from the law and even towering above the law, Their behavior will cripple the attempts of political and economic reforms if it affects their self interest or with no peso and dollars to fill their pockets.

    We may not hope that there will be an structural change for the coming years while the ass of little president is on her stolen chair, it will make no difference until a change in political culture and political actors, for sure a hundred and ten percent these politician we voted in office as of now deliver only a fraction of their grains from corruption which often go unheard because none of them want to expose the illegal activities of their partner in crimes. Often the poor, the farmers, the bakers, the drivers, holdapers, nude dancers, drug pushers, Japayuki and Koreaoki will fall easy prey to demagogues of left and right, who manipulate frustration, anxiety, fear and depression to gain supports to please the lords of the darkness.–Jueting lord, drug lord and the landlord–just for their families to survive in having meals everyday.

  21. Rose:

    Susan actually did not join the miting de abanse of the Opposition. I guess, even then, she already knew the situation. Hindi lang nga niya mabulgar out of this compadre system. But the graceful wife of FPJ has washed off her hands. Wala siyang kinalaman sa kababuyang ginawa.

    She gave the hint as a matter of fact. Now, we know why she would not want to have anything to do with GO.

    Even Senator Pimentel was quite reluctant to ask my help because he knew and would not like to hurt me if I found out about this. Buti na lang I stock to my GO 10+0 in our campaign. Sa totoo lang, si Trillanes lang naman ang concentration namin, and we pollwatched officially for him. The rest, parang salingpusa lang.

    They actually did not like Villar. I shared that feeling and sentiment with them.

  22. …I stuck to my GO 10+0 in our campaign in Japan with emphasis on Trillanes.

  23. cocoy cocoy

    Yuko;
    Pati pa pala si Jingoy,ha!Kung ganon maybe,we can benefit more if we voted for Singson,Victor Wood and Kargador Cayetano at pati na rin siguro si Oliver Lozano,di tulad nitong mga lahi ni Hudas na sa 30 pieces of silver ay nasilaw na.Mas gusto ko pa nga si Mike Defensor si “Tol” kaso naputol.

  24. cocoy cocoy

    Jay;
    Okey iyang santol,huwag mo lang lunukin ang buto,alam mo na mahirap ilabas iyan,baka ma-emergency ka sa ER at macesarian ka.

  25. vic vic

    I still believe that unless there is a complete Reform of the System, Politicians will always have their Own Personal Interest as their Priorities instead of the Party or of the People.

    Example. A strong party system like Japan, where a Cabinet Minister, made an “uncalled comment” which is not the Party Line or Official Policy (minister of Defense) was fired out and Replaced. While Justice Secretary Gonzales whose foot get into his mouth every time he opens it, still the Secretary and a few others.

    Villar, Cayetano, Escudero, were elected as oppositionists, but after being offered some Kind of Deal (maybe for heads of Committee, in cases of others) their Principles readily jumped out of the Windows, even as they themselves physically remains as oppositionist in names only. And there will be More…

    This thing happens in our Case, But first a Member has to Cross the Floor and tell the word that he is Changing Colour without Pretending. That too, will be History soon, because it is proposed that a By-election is to called every time a member shift his/her allegiance to give the constituents (the voters) the Final Say. Transparency is always the mark of Good Governance…

  26. Cocoy:

    No way will I succumb to the temptation to get back at these people by recommending the same idiots and crooks that we want eliminated. No way! Sabi ko nga sa Bible, you either choose God or Mammon. I choose God and will never make a deal with Mammon. Mahirap ang namamangka sa dalawang ilog as a matter of fact.

    I know Oliver Lozano personally kasi nga Marcos Loyalist daw siya, and up until a year or two ago, I believed him iyon pala nakikipag-deal na rin siya kay unano, whom I must credit for being such a good liar, deceiver and a cheat.

    Ang galing talaga, but I won’t deal with this devil advocate. I am not undaunted kasi may araw din iyan! Mas grabe ang aabutin niyan kesa doon sa inabot ng uncle ko.

  27. Dapat sinabi mo Cocoy, buti pa siguro iyong tatlong senatorial candidate ng Kapatiran. Mukhang may talagang ilalabas. Dapat pala talaga iyong mga hindi pa nakakaupo para pure talaga. Mahirap na iyong nahawahan na ng trapo. And this, my friend, is what the lesson to be learned from this experience.

    PATALSIKIN NA, NOW NA!

  28. Vic: I still believe that unless there is a complete Reform of the System, Politicians will always have their Own Personal Interest as their Priorities instead of the Party or of the People.

    *****

    As far as Japan is concerned, it is actually more than that. Over here, we follow some unwritten law based on some Samurai Code, I guess, that compels everyone to try to conform to the standard norms of the rest of the members of the Japanese society. “Any protruding nail has to be hammered,” is the common adage here.

    Likewise, losing face is something seriously considered here. To lose face is like losing one’s life. To redeem it entails drastic measure like committing suicide, not necessarily harakiri, which can be messy. Most common is to hang oneself now in some hotel bathroom, or jump from a tall building that can also be messy as a matter of fact. Sabog ang utak in most cases.

    It’s actually good when you think of it, because it helps lessen the number of crooks in the government! 😛 I would recommend it especially for the crooks in this Arroyo government.

  29. cocoy cocoy

    Yuko;
    Tama ka about the 3 kapatiran,they are a decent persons and I don’t want to ridicule them,I mentioned the Singson,Lozano,Woods and kargador because they are a joke to society.

  30. The Defense Minister was forced to resign after the media focused their attacks on him. Iba kasi dito. When one becomes the issue, the media takes only one side and work hard to remove him/her. Walang nababayaran unlike in the Philippines, where the unano is still allowed to squander public funds for her expensive publicity stunt. Sa Japan iyan, matagal na iyan natanggal at kung hindi siya patay by self-destruction ay pihadong kulong na. Nakaamin pa nga sa TV that she broke the rule wen she admitted that she called up Garci when she said, “I am sorry, lapse of judgment. ” Dito iyan naposasan na siya!

  31. Jon M Jon M

    Ang kapangyarihan naman nating mga botante ay tuwing eleksyon lang nirerespeto (kuno), kaya doon na lang natin uli gamitin. Tandaan kung sino ang mga balimbing at ibasura sa susunod na eleksyon.

    Ngayong nakaraang eleksyon ay napatunayan naman natin na pwedeng mangyari ito dahil ang mga nagbalimbing ay ibinasura di ba? Kayang ulitin uli ito!

  32. cocoy cocoy

    Jon M;
    Agree ako sa sinabi mo.Trillanes is a living testament to our people, There is no impossible dream if all are willing to wake-up in long night of nightmares. Although democracy in our country has been a century, our people are in a slow-pace in learning process in selecting a righteous leader, electioneering to us is like a guinea-pig experiment. Barok and Gondina during stone -age era.
    People are only looking for charisma and popularity like electing a prom queen. But, Trillanes change everything, somehow there is still an existence that those Jihad who perished in battle in Maguindanao, their souls gathered under the banana plantation and cast their command votes administered by Bedol.

    Maybe, by 2010 those banana plantation in moslem location won’t exist no more, so that there will be no more meeting place for a million souls, then, we can be all comfortable that election is honest and peaceful.

  33. Come to think of it. Something is really wrong with this procedure of giving the Senate President all the prerogative to give this and that position to this and that crook! Unbelievable!

    All the more reason why we should condemn Escudero, Cayetano and Jinggoy for being in cahoot with Villar on this. Ano siya masaya? Warlord ang labas ng ungas. This should be stopped now once and for all kundi isa na naman demonyo in the making ang labas!!!

    No to Villar-Pangilinan for 2010!!! At lalong di puede ang mga Pidals! Ang daming dapat na ma-impeach sa totoo lang!

  34. Acer: Si Alan sabi ko sa misis ko, ok yan, GOD fearing yan,Iboto natin yan, magiging boses siya ng mga Filipino at ipaglalaban niya ang mga mahihirap.

    *****

    Iyan din ang akala ko, Acer, about Alan pero malakas talaga ang demonyo lalo na sa isang taong lumalaki na ang ulo!!! Kakalungkot sa totoo lang. Fortunately, I have no immediate relatives to be affected by this fiasco. Lahat nasa Tate na. May problema din sila doon. Iyong ibinoto nilang loko-loko! 😛

    Dito disappointing din ang aming PM kasi mahilig yata sa guerra ang ungas, but at least, intact ang batas namin dito at puede siyang masibak!

    Well, signs of the times sabi nga. This was prophesied in fact. The Bible says, “And in the morning, It will be foul weather to day: for the sky is red and lowring, O ye hypocrites, ye can discern the face of the sky; but can ye not discern the signs of the times?” (Matt. 16: 3) when the world will be led by unrighteous leaders as now.

    Kakatakot! Handa na ba tayo?

  35. Rose: sa Philippine politics- hindi lang isa “may club pa- at sumali na itong tatlo sa “Who Does Club”.

    *****

    Rose, salamat sa flowery descriptions mo. Naalis ang init ng ulo ko. Nakakalakas ng utot sabi nga ni Sampot! 😛

  36. cocoy cocoy

    Vic;
    Yes, I agree with you that politician will always have their own personal interest as their priorities instead of a party or a people.

    The overriding theme of this past election however, is that the opposition are more interested in derailing another launching of the Cha-Cha train. This past election is a rejection of a corrupt, complacent and incompetent governance of an illegal occupant in Malacanang. The result of this past election reflect that attitude, surprisingly numbers of the GO candidates dominates the administration candidates. Although, some traditional politician whose tarnished reputation in the past and wearing fake promises and take a free ride in a GO limousine, the people believed in their crusade, and the person who pulled-off the most impressive victory is a neophyte rebel soldier Trillanes and he is the most trusted, his promise is orig and his time is accurate. The election does not shows that the voters have abandoned their belief in a democratic government, it shows that the commander-in-cheat has abandoned them, these election results represent the total failure of Arroyo’s government even though everyday she is boasting a strong economy and OFW’s are the fuel pump to supply the flow of energy to keep the economy rolling,they are all dissapointed with her for the reason that peso was strong and the exchange rate was lower.

    The opposition have seen the opportunity to knocked her out, as Manny Pakyaw delivered the devastating blow to Eric Morales when the opportunity was wide open. The administration present no real ideas and solutions based on the future vision for the country to do well and for every child in the Philippines won’t be left alone, every child must enjoy the palatable smoked ham on Christmas eve’s Noche Buena. This is the main problem that Gloria could not deliver.No Merry Christmas and Happy New Year for them.The Ninong and Ninang never arrived.Sta.Clause can’t travel to Philippines because of custom restriction and tong collection.

  37. xanadu xanadu

    Nararagdagan na ang faction sa Senado. Ang pinaka latest ayon kay Rose dito sa Ellenville: Who Does Club

    Nauna nang naitatag ang:

    1. Wednesday Club 2. Cavaliers Club 3. Mental Bloc

  38. rose rose

    2010 is not that far….tatlong taon- we have to demand that Sen. Trillanes will be allowed to do his job- so he can start the investigation of the the removal of corruption… Manatili na lang ba tayong- the most corrupt country of the world? Tatanggapin ba natin that our capital is corruption? Sen. Trillanes could lead us-we have to demand that he be allowed to serve us. Mahirap ba itong gagawin? I don’t think so.–we can not give up. Tatlong taon na lang at may mangyayari. The number 3..those of us who are Christians believe in the Trinity (Father, Son and Holy Spirit)…we catholics believe in the three virtues of FAith, Hope and Charity, we Christians believe that on the Resurrection of Christ-Easter on the Third Day He Rose…3 is a symbol of victory– kaya umpisan na natin bilangin on the third year we will rise from poverty. We will have our freedom … By the third year..2010 we will be victorious. Sen. Tri-(3)llanes will lead us…get set! Ready? GO.
    BTW- COCOY/JAY Puede ang punong manga ay bubunga ng santol- through grafting- ginawa ito ng kapatid ng Lolo ko- he grated a branch of santol to a mango tree. At ngayon, hindi ba puedeng i clone ang hayop?

  39. Mrivera Mrivera

    rose,

    puwede yan. grafting at cloning ng halaman at hayop. merong magandang pakinabang.

    pero cloning ng mga sukab at gahaman?

    nakupo! patay tayo diyan.

  40. acer acer

    Sleeping with the enemy..Isa ba si allan peter cayetano sa mga anak ni simon iscariot? Halos hindi pa natatapos ang election parang babalitad ka na o may deal na kayo ni Satanas? Ang reason mo pa kahit na nasa adminstration ka na you will remain in the opposition.Magkapatid ba kayo ni Jinggoy, Chiz. Bulag ka ba? di ba paulit ulit ang kasamaan nila,Nandiyan ang Pandaraya ng Comelec,Fertilzer scam,Broadband contract with China,Argentina electricity payoff,Ikaw pa nga nag expose ng bank account ni FG or ginamit mo lang si mr.arroyo?. Di ba palaging sinasambit mo ang pangalan ng Panginoon noon election. Bakit gusto mong sumama ka sa kanila. pera pera lang ba, power power lang ba? Proverbs 24:1 Do not be envious of evil men, nor desire to be with them; Makinig ka sa konsensiya mo, hindi sa mundo. Do, what is right. Wisdom is calling you. huwag mong hayaan na magpatuloy ang kasamaan.Choose good not evil.

  41. Mrivera Mrivera

    part of AT4’s open letter:

    “In closing, I would like to say I honestly believe that I have served our country well. I am also certain that most definitely, I have never been corrupt in my entire AFP career. I can look my accusers straight in the eye and say I have never stolen a single centavo from the government.”

    gloria, esperon, villar, gaonggonzalez, ermita, bunye, claudio, apostol, abalos, can all of you read this aloud?

  42. Mrivera Mrivera

    Who does the real good job?

    Who does not want to bow to the will of the people?

    Who does not listen to his own conscience?

    Who does the cover up of all anomalies?

    Who does not want to be left behind the payroll?

    WHO DOES CLUB NGA!!!

  43. Acer: Ang reason mo pa kahit na nasa adminstration ka na you will remain in the opposition.

    *****

    Tawag diyan ay “namamangka sa dalawang ilog. Masama iyan. Delikado pa. Kaya nga kung maka-Diyos talaga si Cayetano alam niyang masama ang kumampi kay Satanas tapos sasabihin mong kakampi mo rin si Kristo! Traydor ang tawag diyan.

    Golly, kaya nga sila binoto para maging Opposition sila tapos ngayon sasabihin niya nasa administration na siya. Tarantado pala siya e. Anak nga siya ng tatay niya!!!

  44. Acer:

    Puring-puri ko pa naman si Cayetano dahil akala ko nga religious. Sino ba iyong nagsabi dito na maski nga iyong demonyo nagko-quote sa Bible. Tama siya. Hindi pala marunong makinig sa Still Small Voice (Holy Ghost) ang taong ito na nagtuturo ng katinuan.

    Kasi sa totoo lang, isang contact ko lang kay Gloria noong hindi pa siya Senador, alibadbad na ako. Nakita ko nang may pagka-demonya. Mahilig pang magtsismis sa totoo lang. Tanong mo ang mga students niyan. Marami ayaw sa kaniya.

    Hindi siya gumaya kay Sonny Trillanes. May paninindigan. Gosh, ang dami niyang binigo! Hindi ba siya nahihiya niyan? Pwe!

  45. Mrivera Mrivera

    “Ang reason mo pa kahit na nasa adminstration ka na you will remain in the opposition.”

    puwede ba ‘yang ihalintulad doon sa naliligo ako sa banyo pero nasa kama’t natutulog?

  46. Mrivera Mrivera

    tama na ! sobra na! labas na ang kababuyan nila!

  47. Sa totoo lang, ang dami kong nainis sa pollwatching namin noon para sa GO, especially para kay Alan dahil nga sa controversy ng pangalan niya at noong isa pang Cayetano (kung ako kahit kailanman wala akong ibobotong Cayetano). Nakipag-away pa kami para sa kaniya. How many lives have been risked for him? Bakit si Villar ang pinakinggan niya. Pwe, pwe, pwe!!!

  48. cocoy cocoy

    Sa deal or no deal,pinili ni Alan ang deal dahil mayroong million dollar ang laman.Iba kasi ang kartada niya,parang made in Olongapo ang pagka-AMBOY niya.Si Escudero 100 percent akong sigurado na pinoy siya.

  49. cocoy cocoy

    Rose;
    Sigurado ako na ang manga ay hindi pueding mamunga ng santol dahil marami akong punong mga sa Zambales.Kung ako ang papipiliin ay sa manga na ako dahil malaking pera pag namunga.Ang santol ay maasim at kasing laki lang ni Gloria at parang tennis ball.

  50. OK, my friends, let’s compose ourselves. Tuloy ang laban. Ilan na lang ang natira sa GO? Sila na lang ang tulungan natin para lumakas sila despite their numbers. Pati na iyong kumakampi sa kanila ngayon na dati nang nakaupo na may hanggang 2010 pa para lumaban para sa bayan. Handa na ba ang mga handang sagupain ang Terrorist Law ni Madame Pidal?

    Golly, saan ka nakakita ng mga binotong Opposition tapos baligtad agad na Administration? Kaya nga sila binoto para dumami silang Opposition sa Senado. Ano iyan? Iyong mga bugok na ulo na lang ba ang tumatakbo sa gobyerno at iilan na lang talaga ang matino? Susmaryosep!

    At least, kami sa overseas, libreng mag-alsa kasama pa ang mga sympathizers na mga host countries.

  51. Cocoy: Si Escudero 100 percent akong sigurado na pinoy siya.

    *****

    Anong ibig mong sabihin, Cocoy? Pag 100 percent Filipino, kurakot?

    This reminds me of the interview I translated for a documentary to be shown in Japan in August. Sabi ng in-interview, ang ugali daw ng mga pilipino ngayon ay iba doon sa ugali ng mga pilipino bago nagka-giyera. Ang sabi niya, disiplina kami noong panahon ng Hapon dahil mahigpit ang mga hapon, pero dahil nga sa nangyari pagkatapos ng giyera ay lumabas ang mga ugali nating animal na pinabayaan ng mga amerikano na sumibol! Ngayon masakit ang ulo natin lalo na’t iniwanan tayo ng mga amerikano ng katakot-takot na problema.

    Come to think of it. The Americans left the Filipinos amidst the confusion after WWII, while it continued to help the Japanese rebuild their country by administering Japan and training the Japanese on the principles of democracy till the early 50’s. Ang mga pilipino walang training. Iniwanan ng mga batas, etc. na hindi nila naintindihan kaya iyong mga nakaupo walang ginawa kundi magnakaw lang!

    Saklap ano? My condolence to all. Kawawang bansa!

  52. cocoy cocoy

    Pag naging babae iyan si Alan at sa mga inaasta niya,tatawagin iyan dito ng Bitch or a whore.Forgive my language! he really fit the description.

  53. Dapat na sigurong ibalik ang dating two-party system. Hindi puede ang hinalong kalamay. Naloloko pati taumbayan sa totoo lang.

    Ayan tuloy meron palang administration pero tumakbong opposition para makadenggoy lang. Susmaryosep!

  54. cocoy cocoy

    Ang tunay na pinoy ay may masamang ugali,karamihan na ay ingitero at gusto kaagad ay amo sila,marami na akong nakasama sa trabaho ng ganyan,ki bago bago pa lang sa trabaho pasikat agad,kaya may gugustuhin ko pang half-cast na pinoy ang makasama ko.Sila pa ang mag-hudas sa iyo.

  55. Sssssst, Cocoy! Dahan-dahan ka. Baka itneg ang ibig mong sabihin!

    I remember noong araw nagpunta kami for research sa Dagat-dagatan doon sa tinatawag nilang Aurora na ngayon pero Quezon province noong college days ko. Sabi ng ita doon sa mga kasama ko, “Kayo mga pilipino, tapos sila daw ay ita, at ako daw ay intsik!” Tawa ko kasi palagay ko sa sarili ko pinoy at that time bagamat Amerikano by birth kasi nga US citizen ang ama ko nang ipanganak ako. Hindi ko sinabing lahing hapon ako kasi hindi ko alam kung galit pa sila sa mga Japanese.

    Sabi ko doon sa ita, pilipino din siya pero sabi niya hindi at iyong mga kasama ko ang pilipino kasi may lahi silang kastila and/or Malay. Napatanga na lang ako.

    Kung sabagay, may katotohanan ang sinabi mo. Inggit ang worst na ugali ng mga pilipino! Bakit hindi iyan alisin? I wonder.

  56. cocoy cocoy

    Yuko;
    Ang 2 party political system has a lot of leverage and there is really a genuine opposition,each party has a party constitution to follow,no one can cross a party line and whoever doesn’t abide by their rules will be expelled.Also,their is an screening of potential candidates through party convention and each members has to protect the integrity of the party.

    Ang nangyayari kasi sa mga gahamang pulitiko sa bansa natin,pag hindi sila napasama sa line-up aalis at sasapi sa ibang partido o kaya’y magtatayo sila ng sarili nilang political party kaya magulo.Hindi tuloy alam ng tao kung anong political party sila,sa dami ng political parties sa atin.Noon Nacionalista at Liberal party lang,kaya mayroong command votes.Kaya dapat talag bumalik na lang sa 2 party system para magkaalaman kung sino talaga sila.

  57. gusa77 gusa77

    RE:to test the character of a man,give him power. I guess this quite wrong application on Pilpinos politicos.Take little step back in the history,From the time we gained our independence from “Alien invaders”.Elected,appointees or claimed self”Elected”,resulting to a disasterous situations.Never test and give power,if doubt linger on his/her character,it will be regretable for the entire communities.It will look like you gave man a bullwhip to strike you,to feel the pains and agonies you want to suffer.

  58. Tilamsik Tilamsik

    Naghubaran na ng maskara!

    Mulat sapul alam ba natin na may suot silang maskara? Malamang alam, bakit sila ibinoto? Sa kontemporaryong kasaysayan ng Bayan, akoy demalgana na sa tuwing magkakaroon ng halalan. Naalala ko ang artikulo ni Kong Randy David sa PDI ang sabi niya .. “Why not Boycott?” bakit nga hinde, naalala ko rin ang tinuran ni Ben Cervantes.. “I will not march with Imee and Jingoy!”, tama sila, masyadong bumulok at lumapot ang kontemporaryong kasaysayan. Muli at gaya ng dapat asahan, muling napag iwanan ang tunay na mga anak ng Bayan na nagtataguyod ng tunay na diwa ng pagbabago. Napakalalim ng problema ng Bayan, malaya tayong magbalitaktakan, magsuntukan at magpatayan subalit huwag lamang lalampas ang ating mga kamay sa bakod ng Imperyong Dayuhan na kampi ng reaksiyonaryong gobyernong makapili.

  59. Email from Raul:

    Itong si cayetano, pinabilib nya ang mga tao na porket kinakalaban nya si arroyo at pagkatapos na manalo ay lilipat sa kanila, tama bay un? Kung pede lang sanang ibalik ang kahapon at pedeng bawiin ng mga botante ang mga boto nila ay di mananalo ang cayetano na ito.

    Itong si villar naman, total 3 taon nalang si pementel sa senado ay pede naman nyang maibigay muna ang senate president at ito namang si Estrada, nakikipag alyado sa kampon ng taong nagpatalsik sa ama nya. Sana isipin nila na bata pa ang mga senador na ito at may balak pa sila na tatakbo sa mga susunod na election..iboboto pa kaya sila ng mga tao kung ganyan ang pinapakita nilang asal ngayun kakapanalo pa lang nila.

    Mark my word ellen, kakapanalo pa lang ni cayetano pero last term na nya ito.hindi na siya mananalo sa susunod na election, isama na rin natin si escudero at Estrada. Walang problema kay villar dahil maraming pera yan at pede nyang pagalawin ang pera nya.

    Saying talaga ang boto at hirap ng pagkampanya ko para sa mga bagitong senador dahil kulang pala sila sa bayag na tumayo bilang oposisyun talaga.

  60. From Joe Bacero:

    Ang masasabi lang namin dyan sampu ng mga kasamahan ko dito sa dubai na niloko nila yong mga tao na buo ang paniniwalang magiging independente na ang senado, dahil sa majority ng opposition – malaking kabaliktaran pala. meron pa namang 2010 at lahat ng mga bumaliktad pagbabayaran nila eto sa taumbayan.

  61. Ellen,

    I suggest you ask this cow of a DoJ chief kuno how much he spends on his dialysis!

  62. middle_east_ofw_68 middle_east_ofw_68

    Ang malaking problema kasi dito sa pilipinas ay masmarami ang mga pinoy na mahirap pa sa mahirap, eto ang ginagamit na sandata ng mga sakim na politiko para manalo at mailagay nila ang sarili nila sa kinalalagyan nila ngayon.

    So, kailangan kumilos ang mga nasa middle-class level na mga pinoy para maalis natin itong mga sakim na politiko. Wala rin maaasahan sa mga mayayaman dahil mas pinapaboran nila ang kahit na sino basta tuloy ang kanilang negosyo.

    So, saan tayo hihingi ng tulong, dapat magkaisa ang mga nasa middle class at kausapun ang mga mahihirap nating mga kababayan na wag magpagamit ulit.

    Noon ang ipinag-lalaban natin ay bigyan ang mga kabataan natin na mamahala sa senado, pero anong nangyari, madaling nasilaw ang mga eto at tayo ang dapat sisihin.

    Sa akin, panahon na na-dapat magkaisa ang mga pinoy lalo na ang mga ofw na ginagawang gatasan ng mga nasa gobyerno.

    Gising mga kapatid…………

  63. From Erlinda Orillaneda:

    Today I’m very disappointed dahil sa mga balingbing na senador na tumawid sa administration. Sayang lang ang boto namin sa kanila, nakakawala ng gana, ang sama sama ng loob ko ngayun kasi sayang ang pag hanga ko sa tapang nila di man lang inisip ang suporta ng taong bayan sa kanila.

    Well, kung ano man ang reasons nila pag tawid, I don’t care kasi isa lang ang malinaw , kakampi na sila ni GMA.

    Dapat kung oposisyon , they should remain oposisyon at dapat silang mag kaisa para sa bayan.

    Sana si Lacson at Trillanes ay di magbago para i buhos n lang namin lahat ang suporta sa kanila.

    Sa 2010 masubukan ng mga balingbing ang ganti ng taong bayan. Dapat nilang malaman na ang rating ni GMA sa amin ay negative ( -100 % )kaya pacensya na kung damay sila.

  64. Parang “sad movies always make me cry” ang nangyari sa ating kumampanya para kina Escudero at Cayetano. Hindi ako nagkampanya sa totoo lang para kay Jinggoy dahil ang dating nga nito sa akin parang walang gagawing maganda dahil parang kung saan lang siya agusin ang dating niya. Ibig sabihin nakikisayaw lang. Buti pa iyong kapatid sa ama, may sense.

    Shocking talaga, but sabi nga, “After the rain, the sun will shine.” Hindi pa naman tayo bigo. Meron pa naman tayong Trillanes in addition to Legarda, Lacson, Noynoy Aquino, Koko Pimentel (hindi dapat na payagan makasingit si Zubiri by all means, maghalo ang balat sa tinalupan!) among the newly elected senators, and Madrigal, Roxas, Osmena, Biazon, Nene Pimentel among the old ones. Kailangang huwag iboto si Villar para madala ang mayabang na iyan.

    Meanwhile, tuloy ang laban para kay Koko. Huwag payagang makasingit si Dayana Zubiri. Please mahabag kayo sa bansa at mga kababayan ninyo!!!

  65. From Ronnie Padagas:

    Talaga naman pong naloko na naman ang taong bayan. Kahit ako’y hindi ko expected na magkakaganon ang sitwasyon. Lahat talaga pagkatapos ng halalan ay lumalabas ang tunay na kulay.

    Sa totoo lang tama naman kayo hindi naman talaga oposisyon si Villar ewan ko lang ba bakit naman pinilit na kunin ng oposisyon si Villar e alam naman nila na maka administrasyon yan simula palang nung litisin si Pangulong Estrada.

    Pero si Cayetano at si Escudero yun ang hindi ko talaga nakita na tatalon dahil simula palang ng election e talagang kontra na si Cayetano kay Gloria bukod pa dun sa pagpapalabas kay Pepito Cayetano na ang suspetsya nya at gawa nila Gloria.

    Patuloy din ang pagpapahirap nila kay Trillanes marahil isa narin yun sa paraan nila para sumama sya sa administrasyon gaya ng ginawa ni Honasan.

  66. Mrivera Mrivera

    pareng cocoy,

    tama ka. isa sa ugaling pinoy ay INGGIT!

    ako nga ay naiinggit sa iyo pero hindi nangangahulugang INGGIT na sisirain ko ang pagkatao mo.

    naiinggit ako dahil HINDI ko maaaring gayahin ang ginagawa mo at katayuan mong PUWEDE kang hindi tumayo sa harap ng kompyuter at makipagbalitaktakan dito sapagkat pagbibilang lamang ng pensiyon ang pahinga mo.

    pautang naman diyan.

    he he he heh!

  67. Mrivera Mrivera

    mabuti pa siguro ‘yung lobong nagtago sa likod ng balat ng tupa maaaring puwede pang mapaamo at maalagaan, pero ‘yang mga ganyang mas masahol pa sa mga buwitreng nag-aanyong kalapati ay hindi na kailanman maaaring pagkatiwalaan. nadenggoy tayo, aminin natin at tanggapin at ariing isang aral na dapat maging gabay sa mga susunod pang darating.

    nakauna na sila. niloko tayo. pero hindi sila ang magpapasya sa susunod na pagpalaot nila sa halalan. nagawa nilang yurakan ang ating pagtitiwala, magagawa din nating isampal ang kanilang kawalanghiyaan sa MAKAKAPAL nilang mukha!

  68. tayerevo tayerevo

    that should be the last straw on our hope for effecting a peaceful way of overhauling the rotten socio-political-economic system in this benighted country.

    Rebolusyon Na!

    Now Na!

  69. Mrivera Mrivera

    huwag ‘yang rebolusyon. maraming inosenteng madadamay. hindi kailangang pagbuwisan ng napakahalagang buhay ang mga timawang ‘yan na sumisira sa ating dangal bilang isang lahi. gagawin nila ang lahat upang lahat ng kakalaban sa kanila ay maipakulong at maalis sa kanilang landas.

    isang milyong pilipino. ‘yan ang kailangan ko upang maisagawa ang isang napakatahimik na pagpapatalsik kay gloria at sa kanyang mga alagad.

    isang milyong pilipinong paikot na papaligid sa malakanyang upang mag-vigil. may nakatirik na kandila at may hawak na rosaryo. ganyan ang gagawin namin. nagdarasal.

    at habang nagdarasal ay kumakain kami ng kamote at nilagang itlog na bugok na isinasawsaw sa bagoong pangasinan. sabay sabay na hihilab ang aming tiyan at sabay sabay ding magpapakawala ng “masamyong hangin” patalikod sa malakanyang.

    tingnan ko lang kung hindi sila kusang lumabas at tumalilis kung saan saan!

  70. At least, nasagot iyong puzzle na nasa utak ko matagal na. Kasi I wondered why there was no protest re the delaying of the proclamation of Trillanes and Koko among those declared except perhaps from Lacson. I remember noting that in a previous loop. Nakasingit tuloy si Dayana Zubiri na ang kapal din ng mukha. Lalong lumakas ang loob ng malaman siguro ang ginawa ni Villar na nahikayat iyon pa namang inaasahan mas lalo ng lahat na hindi titiwalag. Iyon pala kumampi na sa kaaway. Bakit ano ba talagang meron si pygmy?

    Ang tindi! Ganyan din ang ginawa kay FPJ sa totoo lang!

  71. As for boycotting the election, huwag! Hindi iyan effective sa Pilipinas. Dadayain lang lalo ang boto. Ang kailangan ay huwag nang matakot ang mga pilipino. Labanan na ang mga walanghiyang iyan. Ipakulong ang mga lumalabag ng batas!

    PATALSIKIN NA, NOW NA!

  72. OK, guys, ready na ang mga kaldero, palanggana, tambol, etc. para sa mga rallies in case gumawa na naman ng eksenang di maganda si unano re Trillanes.

    Hindi daw mahalaga ang 11M votes na nakuha niya dahil iyong 85M hindi naman daw bumoto sa kaniya. Bakit ilan ba ang botante ng Pilipinas? 96M ang population pero botante walang 96M. Gago din ano?

    Hoy 11M na mga pilipino, handa na ninyo ang mga kaldero, etc. niya para sa pagbatikos kay Madame Pidal. Ginagawa pang mga tanga ang mga pilipino. Susmaryosep!

  73. jay cynikho jay cynikho

    From rose

    BTW- COCOY/JAY Puede ang punong manga ay bubunga ng santol- through grafting- ginawa ito ng kapatid ng Lolo ko- he grated (grafted) a branch (scion) of santol to a mango tree (stock) . At ngayon, hindi ba puedeng i clone ang hayop?

    Rose, Puede talaga ang asexual propagation bukod sa grafting puede rin ang inarching, Pero hindi na bunga yon, peke na yon. kaya tama pa rin ang lola natin. Nandiyan na nga si Mayor ng San Juan parang manga hindi santol. Pero sa Pinas at sa mundo, matagal pa kahit may cloning na. Hindi pa kayang gumawa sa laboratory ng langgam at kuto, the obsession to duplicate the power of God may not happen at all during this biblical time.

  74. acer acer

    Revolution? Ang pinoy mag revolution..Hahaha..Sa history ng pinas sa totoo lang.. mga duwag ang pinoy. Sample lang.after 500 years ng spanish colonization, nagka revolution nga, pero nalusutan pa tayo ng Kano. yun mga mag kurukucoup, sundalo pa mga eto.e puro forma lang.. hanggang sa makulong sila, walang mang ka action-action. O eto ngayon ang Comelec..E kitang kita na ang dayaan sa Maguidanao,nawala ang mga COC, after three weeks, magic, nandiyan ang second copy. Ano ang sagot ng Supreme court( deep in their alam nila na may dayaan) pero ibinalik ang tanong kay pimentel. e eto naman si koko mag ala-marcos..winning ka na, dika pa nag hire ng topnotch lawyer para idepensa ka, exhausted ka na (huwag kang mag Ala Marcos.(matalino yun.)ang pinaglalaban dito ay ang tama, at tandaan mo hindi eto ay dahil sa iyo, etong pinaglalaban namin ay para sa anong tama at sa people of the Philippines.
    Huwag payagan ng pinoy namaghari muli ang kasamaan. Sobra na sila, palagi na lang nila tayong naiisahan.Si Zubiri naman ang kapal, alam niyan talo na, gusto pang magmilagro. Galing niya magdasal sa mga santo. San Abalos, San ferrer, Sar Miento pray for us.People of the Philippines, Dont let the wicked reign in our country. II Timothy4:7 I have fought the good fight, I have finished the race, I have kept the fight. Go Christian Go!!!

  75. jay cynikho jay cynikho

    cocoy Says:

    July 5th, 2007 at 8:39 am

    Jay;
    Okey iyang santol,huwag mo lang lunukin ang buto,alam mo na mahirap ilabas iyan,baka ma-emergency ka sa ER at macesarian ka.

    cocoy

    salamat sa payo mo. Naintindihan mo ang salawikain ng ninuno natin. Sa dinami-dami ng bloggers dito, ikaw lang ang nagpayo. Don’t worry matagal nang de latang pineapple at saging na lang ako.

    Marunong din akong kumilatis ng masamang bunga. Salamat Cocoy for the advice and sense of humour, kahit dina ako takot mabinlaukan or ma-caesarian kasi damdam ko malapit na akong ilibing ayaw lang diretsahin ng doctor.

  76. Acer:

    Salamat. Nasabi mo nang mas magaling ang ibig kong sabihin. Lalo na iyong tungkol kay Marcos. Hindi nagaya ni Koko! 😛

  77. Ellen,

    Paki-dissect nga kasi hindi ko ma-gets kung ano ang ibig sabihin ni Cayetano doon sa administration na siya pero sa mga isyu opposition siya. Dahil ba sa walang pera ang opposition. Bakit si pygmy lang ba ang puedeng gumalaw ngayon sa kaban. Sinong nagbigay ng right sa kaniya. Pakisabi nga. Abaw, bakit hindi iyan ginagawan ng paraan para mahinto? Ang bobo naman!

  78. tayerevo tayerevo

    acer/Mrivera:

    freedom is not handed down on a silver platter, it is earned and won; with blood if necessary.

    we remain cowards and we remain chained and oppressed.

    think about it: the very structure of oppression used by the spaniards is still there until now. the only difference is that our oppressors now also call themselves filipinos.

    in place of the spaniards, our present day oppressors goes by the name of abalos, arroyo, cojuangco, ermita, gonzales, and a horde of other conscienceless buwayas and hyennas who brutalizes our people with their bottomless greed and cruelty.

    ever wonder why both EDSA uno and dos were such terrible letdowns?

    even our so-called middle class were nothing a bunch of TRAITORS!

  79. Acer:

    A friend called me up just now re my statement above regarding your comment on Koko’s failure to defend himself. Sabi ng kaibigan ko, mahusay daw talaga si Koko pero anong laban daw niya doon sa mga walanghiyang nakaupo sa bench ng court sa Pilipinas ngayon? Noon daw, iyong mga members of the Philippine Court na nakinig kay Marcos ay mararangal. Ngayon daw, makakapal! Araguy!!!

  80. Mrivera Mrivera

    tayerevo,

    no need to explain or lecture me about freedom. i have been there and had fought for it in my own way but sad to say during those times the likes of trillanes and other gallant magdalo officers (minus the caponized san juan et al) were not born yet and my small voice was never heard.

    general lim and others were still in their struggling years to be recognized in the officer corps with their idealism burning but not yet ripe.

    i have no one to be with which is why i decided to ease my way out of the service and besides, who would listen to someone just sporting stripes in his arms and not metals on his shoulders?

    i maybe jokingly expressing my opinion here which it my way of saying we should not be carried by emotions that will lead us to dead end.

  81. Here’s an offer of alternative to present trayduran:

    Civil Disobedience, Anyone? Apparently, there are groups now organizing this movement. We’ll start one in Japan against the criminal squatting at the palace by the murky river. Kung takot si Cayetano at Escudero, hindi ang lahat ng GO at supporters nila, no doubt!!!

  82. xanadu xanadu

    Kaya ayaw ko munang mag-comment sa mga kaganapan ay iniiwasan kong tumaas ang aking high blood. Magkagayunman, nababasa natin na hindi lang dito sa blog nagkakaroon ng mga pagpuna sa aksiyon ng mga GO elected senators. Nandyan ang Black & White Movement at iba pang grupo at forum na nagsasabing ayusin nila ang buhay nila. Alam naman nila ang implikasyon ng kanilang kilos kaya para sa akin, aabangan ko na lamang ang resulta ng kanilang pagaagawan sa pwesto sa senado. Kapag nakita na natin kung sino-sino ang naging traidor at ano-ano ang kanilang drama, tayo naman ang magpapalipad ng mga tuligsa na dati ay inilalaan lamang sa mga tiwaling nanunungkulan sa administrasyon.

  83. Ellen, pakipost here this message from Enteng:

    An urgent appeal to GO Senators-Elect
    Wed Jul 4, 2007 4:13 am (PST)

    A grave mockery of the people’s mandate is about to happen. While we gave the GO slate an overwhelming vote to make the Senate an opposition-dominated chamber as a countercheck to the abuses of the GMA administration, the opposition might still end up as the minority when the 14th Congress opens.

    Why? Because this early, some of those whom we voted, perhaps out of personal ambitions and blind loyalties, are aligning themselves with the administration bloc to secure the office of the Senate presidency.

    Let us not allow this to happen. I urge you to send a strong personal message to our newly elected senators that the higher interest of the people should take precedence over their personal interests. Let us remind them
    that it was our vote that placed them there, and that we will not take too kindly any act that will undermine the will of the people.

    Below is a message we sent to them. You can use this as a starting point of your own personal message to them. After the message, I have listed the directory (fax and email addresses) of opposition senators. I urge you to,
    not just email each one of them, but also send a fax message… their email boxes get full fast.

    Let us work together in protecting the mandate of our people. And please forward this message to as many people as you can.

    God bless,

    Enteng

    Dear GO Senators-elect,

    We are alarmed at the way the fight for the Senate presidency is developing. 

    The 14th Congress has not yet opened, and already we are seeing the people’s mandate for an opposition-dominated Senate being squandered.

    We view with grave concern that because of a factious opposition bloc, it is ultimately the administration bloc who will determine the outcome of the senate presidency. And the next senate president is inevitably allied, if
    not beholden, to the administration.

    We, therefore, urge the opposition senators – if not the whole bloc, then at least those who won under the GO ticket, to hold a caucus and decide exclusively among yourselves who the next senate president will be. We call
    on each and every one of you to rise above personal ambitions and loyalties for the higher interest of the people who have pinned their hopes and aspirations upon you in the last election.

    The worst thing that could happen is for the opposition to win with an overwhelming mandate the majority of the 12 seats contested, only to end up as the minority in the 14th Congress.

    We were one with you when you fought the good fight and celebrated a well-deserved victory. We pray that you will not fail us on this very important issue.

    Senator Fax Number email address

    Manny Villar 551-2923 / 5526876 mb_villar@yahoo.com

    Noynoy Aquino
    benigno_aquino_iii@yahoo.com

    Chiz Escudero 8346590
    minorityoffice@gmail.com

    Allan Cayetano 5526692 allancayetano@yahoo.com

    Ping Lacson 5526734
    ping_lacson_gov@yahoo.com

    Loren Legarda 5526889 jpe825@yahoo.com

    Sonny Trillanes 8348974 rbrobles@yahoo.com

    Jinggoy Estrada 5526716
    senjinggoyestrada@senate.gov.ph

    Pong Biazon 5526772 pongbiazon@yahoo.com

    Nene Pimentel 5526713 / 5526731 aqp@senate.gov.ph or
    aqp@pldtdsl.net

    Mar Roxas 5526689 mar@marroxas.com

    Jamby Madrigal 5526687 mam@senate.gov.ph

  84. xanadu xanadu

    Ma’m Ystakei

    Salamat po for providing us the contact numbers. As I said before, I’ll reserve my comments but will prepare individual letter for each. I will unleash it when it is already clear to us kung sino ang naghudas and rightfully belongs to the newly formed Who Does Club. We will also write to commend those who are steadfast, may paninidigan at hindi namamangka sa dalawang river. At the moment, si Sen. Trillanes pa lamang ang tunay na oragon.

  85. makabayan makabayan

    ystake, amerikano ka ba o hapon???????????????peace curious lang po

  86. xanadu xanadu

    By my withholding comments on the topic, I found the same sentiments in JB Baylon’s column at Malaya when he wrote: “maybe it might also be best to withhold judgment and see how things work out because, as we have seen in the past, those whom we believed to be ours turn out to be wolves in sheep’s clothing, while those whom we first despised turn out later on to be the heroes we have been looking for.

    And just to test this issue I put this question to the listeners of the radio program “Pananaw sa DWWW 774 kHz”: Can we rightfully call Chiz Escudero and Alan Cayetano traitors to the opposition cause by their siding with Manny Villar on the issue of the Senate presidency?
    The answer was overwhelmingly no, with many listeners saying it is too early to paint the two young legislators in such a manner on an issue which will just be one of so many others that will still arise.

  87. cocoy cocoy

    Jay;
    Na touch ako sa sinabi mo. Ibig mo bang sabihin na malapit ka ng mahatulan ng “reclusion perpetua” sa correctional facility ni San Pedro.Kaibigan huwag ka munang pumayag.I-appeal mo ang kaso mo sa Divine Supreme Court at maghain ka ng Motion for Reconsideration.Maraming magagaling na abugado at mga de-campanilla pa.Marami akong kilalang abugado na puede mong lapitan,Nand’yan si Virgin Mary,St.Peter,St.Joseph,St.Vincent pero ang pinakmatinik sa lahat ay si Jesus Christ pag ang mga iyan ang humawak ng kaso mo,I guarantee you,Absuwelto ka.Si Jesus Christ ang abugado ko,lahat ng kaso ko na nakahain sa Divine Court ay pending,hindi pa ako sinisingil ni Divine Judge kasi lagi akong nagpapadala ng deferment letter,stating that I am having economic hardships kasi may anak pa akong nag-aaral at umaasa sila sa akin.Pero pag si Mike Villarde ang kunin mong abugado,baka masentensyahan ka agad.One plus one,three plus three,seven plus seven lang ang opening statement niya sa korte at wala siyang matinding closing argument.

    Lumaban ka kaibigan at huwag kang mawalan ng pag-asa.

  88. Elvira Sahara Elvira Sahara

    Yuko,
    Thank you for providing us the email addresses of these GO senators. I will surely bombard them with letters. Am also writing Susan Roces. She campaigned for Chiz!
    Chi,
    Welcome back pala! We need some more back-up from you! Am so busy this week, I could hardly find time to read the news!

  89. rose rose

    yuko: Thanks for the info.

  90. acer acer

    Jay, tama si cocoy, believe in GOD, claim His Words. Pray unceasingly, have faith and ask HIS forgiveness and tender loving kindness. Read Psalm 57, huwag kang matakot, Jesus cares, He will not abandon you nor forsake you..Psalm 27. God is alive, humble yourself before His SON, He would not refuse a repentant sinner. Jesus Loves You, Saint Raphael the Archangel pray for us, In Jesus name, we pray for your healing, Jay.

  91. From Christine Briones:

    Mas nakakasuka sina Alan Cayetano at Chiz Escudero kaysa sa mga kandidato ng TU dahil halatang manggagamit sila ng GO.

    Hindi po ba ito pag traydor sa mga boto at suporta ng lahat ng pilipino na bumoto para sa kanila? Siguro po kung sinabi nila ito noong campaign, hindi sila lalabas sa eleksyon.

    Lalo po tuloy lumalakas ang loob ko na mag-migrate na lang sa ibang bansa dahil wala na po, wala na talaga
    akong pag-asa na may kinabukasan pa ang Pilipinas, pakapalan ng mukha ang lahat ng namumuno nakakasuka silang lahat!

  92. cocoy cocoy

    Pareng Mrivera;
    Darating ka rin sa panahon na iyan na makapag-retire at magbilang ng mga biyaya na darating sa buhay mo.There is a time that we can be together shooting bullshits over a cup of coffee in the Philippines,while the end of our both cigar pipe heavily emitting black thick smoke under a mango tree,we can save potassium,the smoke will make the mango tree bear fruits.

  93. martina martina

    Iyonf kahon kahon na mga ebidensya ni Cayetano laban kay Pidal ay nasaan na? Kailan iyan ilalabas, o naibenta na?

  94. Elvie:

    Remember, we also campaigned for Chiz. I bet wala din malay si Susan. Bagay hindi naman niya kaano-ano talaga iyan. Kaya nga siguro wala siyang ganang um-attend ng GO rally noong bandang huli. Alam ko ayaw niya si Villar at Pangilinan.

  95. neonate neonate

    My gambit into Ellenville is to stimulate diversity of viewpoints and debates to break the tedium of consensus – a devil’s advocate. But first I would like to make a worrisome observation about public opinion, mainly the absence of public outrage on issues that posters rant about in this blog. Could the reason be because most of the passionate, intense, patriotic Pinoys are abroad and few are left at home?
    An editorial of a leading newspaper declares that the opposition victory in the Senate strengthens the Constitutional checks-and-balance system and keeps an assertive Executive in line – bluntly, avert an Ate Glue authoritarian regime. With 2010 as a milestone in the nation’s destiny, in short the Presidency, the opposition has crumbled. Even Ellen’s diehard followers are scattering and losing their single minded fanaticism. Personalities’ patronage has emerged to supplant the goal of combating Ate Glue and cohorts’ overbearing and imperious governance. Is this consensus still a common goal?
    It seems the bond that kept the opposition united is disintegrating. This bond, Arroyophobia, will be completely gone once JDV’s Sigaw is moribund. Would anyone believe that Ate Glue is serving a useful purpose? She is miserable at governing and it is difficult to respect a leader that is dumpy, irascible, cantankerous, sly and mendacious. Ate Glue (emphasis on glue, a sticky substance) is ironically the current adhesive that sustains the opposition cohesiveness. ‘Opposition’ needs a new definition and goal.

  96. alexxx alexxx

    Sisimplehan ko lang ang kumento ko sa tatlong itlog na bumaligtad, “NAKAKASUKA, NAKAKADIRI at NAKAKASULASOK”. Sana ay hindi na masilayan ng susunod na henerasyon ang ginawa ninyo. At kay Mr. Sipag at Pagod, masyado kang ambisyoso na pati dignidad (meron ka ba nun) at mga kaibigan mo ay pinagpalit mo dahil masyadong mataas ang ambisyon mo. Tatandaan ka ng taumbayan, kala mo mananalo ka sa 2010. Kung ngayon pa lang na senador ka tinraidor mo na ang mga tao paano pa kaya kung presidente ka na! Nakakasuka kayo!

  97. Mrivera Mrivera

    naghubaran na sila ng maskara, nabisto natin ang kartada.

    ano kaya kung sila ay nagsipaghubad na kanilang mga……..

    PALDA?

    bistado ang kargada.

    may supot. may bingot. at may walang itlog.

    sino sa tatlo?

  98. tayerevo tayerevo

    never trusted this escudero guy.

    he is cold and calculating, the makings of a potential tyrant himself.

    escudero the elder is marcos the dictator’s agriculture minister.

    they’re all of the same breed, opportunist assholes.

    may pagka bading kagaya ni abalos at zubiri, malantik ang mga kamay.

  99. cocoy cocoy

    Neonete;
    First let me tell you that it is my pleasure to met you and welcome you to Ellenville. Since the action you are looking for, is you want to stimulate diversity of viewpoints and debates, the floor is open for you. In here, there will be some numbers of intellect people who are more than happy to step-up on your challenge. But, the question is, do you have strong stamina to tackle the ball on the whole 9 yards? There is no hold barred as long you know how to putt for birdies on a certain issues. Be careful what you wish for, you might get it.

    As of now, your tee-shot lies on the safe place on the fairway and watch out for those bunkers on your next shot. There were a lot of players whose balls buried in the sand traps when they came and tried to win games with us, in the end they packed their bags and headed home.

    I agree with you that your Ate Glue’s governance is argumentative, irritable and untruthful and JDV’s sigaw is on code blue and dying. There is no question about it, any opposition can write you a check for that, I can assure you,you can cash it in the bank because the fund is substantial.
    Untrue if Ellen’s diehard followers are scattered and losing enthusiasm. You are wrong about that my friend!

  100. rose rose

    Neonate: Sabi nga ni Cocoy dito sa Ellenville marami na ang hindi Filipino citizens for their own reasons. Pero as he said we may be scattered but we have not lost our enthusiam. I am now an American citizen, for convenience and to be able to vote and have a voice. I pay my taxes, and obey the law to the letter- kahit sa walk and don’t walk something I learned in Japan kahit walang polis na nakabantay.And while I was still a Filipino citizen, paid my taxes in Antique. My love for Antique, the land of my birth is not at all diminished in the least bit. As a matter of fact, nadagdagan pa sa nakikita ko tuwing uuwi ako.. Antique is the home of the peaceful and free (Ellen is Bugal kang Antique). Mas lalong napamahal sa akin ang Antique..”dear to my heart are thy stories…there shall my home ever be.” Home is where your heart is…Right? And through this blog I can express my feelings and sentiments. Welcome to Ellenville and share your story/ries with us. We listen and we do responsd..Dali sulod ron.! Saka ron. (Come up and come in Welcome!)
    Makabayan: As all of us here are,like Yuko citizens of the world who lives in Ellenville. Want to stay around? You are more than welcome.

  101. TonGuE-tWisTeD TonGuE-tWisTeD

    Cocoy, I think neonate can handle even the fast greens. His driver shot on no. 1 was cautious yet maximized yardage, I don’t see any problem in him pitching with the sand wedge if he’s trapped in any of the bunkers flanking the plateau.

    Unlike those ones who, during their first time here, use the woods for a putt shot a few inches from the cup and still go out of bounds!

  102. cocoy cocoy

    TT;
    Yeah! neonate has a good putter,She/he is welcome to be on foursome with us and can handle a sudden death play.It is my honor to play with her/him on the course.Drinks is on me on the clubhouse.

  103. xanadu xanadu

    Neonate, Sir!

    If you are just reading the rants through the blogs and other internet forum, you can very well say of the absence of the public outrage on issues. Same thing with your question “could the reason be because most of the passionate, intense, patriotic Pinoys are abroad and few are left at home??

    But I would like to disagree with you on both points. I’m also abroad at the moment, a lowly caregiver, but I was home during the elections and voluntarily campaigned and voted for Sen. Trillanes who got eleven million votes. The votes garnered by Sen. Loren Legarda is more than 18 million. Is not that a form of public outrage, not by shouting in the streets holding demos and rallies but done in the silence of the voting places with their pen writing and voting for the names of those who opposed the administration? I could see you as one of the intense, patriotic Pinoys but it does not necessarily mean you are abroad.

    Maraming nasa bukid ang nakakaunawa kung ano ang nangyayari sa bansa. They don’t manifest their public outrage, they don’t have access to internet like the bloggers but it’s their voices who reverberated in the recent midterm elections. The results show it. Di ba Sir?

  104. Correction please, dalawa lang ang bumaligtad, si Escudero at Cayetano. Iyong Villar, dati na iyan baligtad, balimbing pa nga! Kaya nga noong una, sabi ko GO 10+0 lang dahil ayoko iyong nilagay ni Binay na dalawa. Panakip butas lang nga si Trillanes, but it was good and a blessing in disguise. Nanalo because of prayers heard more than anything else, and sacrifices of those who gave their time, money, etc. for Trillanes’ campaign.

    But I don’t think it was a waste even when Cayetano and Escudero did not reciprocate right. May nalaman ang lahat! They have enough power, used properly and for the good of all, to put or remove a crook in the government. Gamitin na iyan! Hindi biro ang 11M votes for Trillanes. That is proof enough that “When there is a will, there is a way!”

    Senator Trillanes, hindi ka nag-iisa! Ipagpatuloy mo ang laban. Kasunod mo kami!

  105. Mrivera Mrivera

    rose and others,

    hindi naman masama kung maging citizen na alinmang bansang kinalalagyan.

    huwag lamang maging ALIEN of the nth kind katulad ng SALOT na nasa malakanyang!!

  106. Mrivera Mrivera

    cocoy says: “….we can be together shooting bullshits over a cup of coffee in the Philippines,…..”

    pareng cocoy,

    if that bullshit whe shall be shooting over our cup of coffee is either gloria makagarapal arroyo or her hogband oink oink mike, or any of the stupid cabinet members and the corrupt general, i welcome that idea with no batting an eyelash.

    let me do first and you will see how i will shoot each of them between their eyes. tirador will do if there is no firearm to be used.

  107. Mrivera Mrivera

    …and the corrupt generals……..

  108. John,

    So gobsmacking that only innate traydors realistically have the chance to become president of the republic in 2010.

    That Villar, the traydor par excellence (who wouldn’t have been the speaker of the house during Erap’s time without Erap working his ass out to make sure that he got the speakership) should do another traydor to get a crack at the prez post is very telling.

    Hayop!

  109. alexxx alexxx

    Isa lang ang pinapahiwatig ng mga nangyayaring ito, wala ng pag-asa ang Pilipinas! Ang mga pulitiko na dapat tumutulong sa mga mangmang ay sya pang nagiging dahilan para lalo silang magutom. Nakakahiya! Akala ko pagtapos ng eleksyon magkakaroon na ng pagbabago pero sa mga nangyayari ngayon mukhang kailangan na naman maghantay ng 100 years. Sayang ang mga gaya nila Trillanes, Lacson at iba pa na naninindigan. Isa lang ang solusyon dyan, mag-migrate na kayong lahat mga kababayan at wag ng lumingon pa. Sayang lang ang laway sa pagbibigay ng mga haka-haka dahil wala namang nangyayari. Habang may mga kagaya ni Arroyo, Villar, Escudero, Cayetano, Garci, Esperon at iba pang sugo ng imperyo walang mangyayari sa Pilipinas. Di na kayang makuha pa yan sa dasal. Lahat ng nagdasal ay nagdadasal pa rin. Lahat ng kumilos ay nakabaon na sa lupa. Sukang-suka talaga ako….

  110. zen2 zen2

    parasabayan, xanadu, at tongue:

    bilang mga kaibigang dikit dito sa Ellenville, nirerespeto ko ang inyong agam-agam na batikusin sina chiz, at alan peter, at manny v.,sa kanilang mga tinuran nitong huli.

    may kinalaman kaya ang pagiging SOBRANG bait nating Pinoy (to the point of lunacy), kaya umaabot ng walang hanggang bago naisasakatuparan ang mga repormang inaasam-asam na ordinaryo at matagal ng natutunghayan sa ibang bansa?

    sa mahigit kumulang na 3 buwang bakasyon ko sa Pinas, hindi alintana ang pagod at hirap, pinilit kong ikutin ang mga kaibigan at kamag-anak sa Bulacan, Quezon, Cebu, Davao at Gen.San para ikampanya ang buong kartada ng GO. di ba’t sabi natin, huwag na munang mapili’t ang importante maipadama muna natin ang disgusto sa kampon ng mga Tiyanak?

    abang ambag ko lang yun sa sinasabi nating, ‘let’s walk the talk…’

    bakit ba ang mga pulitiko lagi na lang natin bibibigyan ng benipisyo ng pagdududa?

    bakit ba ang sambayanan palagi ang naghihintay sa mga ugok na ito, imbes sila ang MAKINIG sa mga hinaing at gumawa ng mga aksyon para maipadama matuwid sila’t hindi manloloko?!

    dios mio, ano mukha ihaharap ng mga ito sa kanilang mga taga-tangkilik?

    ako?, nasa estado pa rin ng pagkamangha sa kanilang takot sa kani-kanilang partido’t pangingibabaw ng personal na interes.

    naONSE na naman ang taong bayan !

    buti na lang, may Trillanes pang natira.

    sa kanilang ginawa, pina-iigting lamang nila ang rebolusyon bilang isang popular na alternatibang opsyon.

    good riddance, sa inyong mg pulitikong asal hayop!!

  111. O may isa pang kakampi daw kay Villar kaya hindi na kumikibo. The very same person that I actually did not like from the beginning kasi wala ring moralidad. Mahirap talaga ang mga taksil na pahamak pa.

    Hopefully, God willing, mauunsyami ang mga balak nila.

Comments are closed, but trackbacks and pingbacks are open.