Skip to content

Responsibilidad ni Gloria Arroyo

Ermita: Arroyo not liable for killings

Maganda itong sinabi ni Judge Silvino Pampilo Jr na pwedeng gamitin ang doktrina ng command responsibility sa mga extra-judicial killings na nangyayari dito sa bansa.

Sa prinsipyo ng command responsibility, responsibilidad ng nakakataas na opisyal ang ano mang palpak o kasalanan na gianwa ng kanyang mga nakakababang tauhan.

Paliwanag ni Judge Pampilo ng Manila Regional Trial Court (siya ang judge sa libel case naming na isinampa ni Mike Arroyo) sa criminal law, ang isang commander ay hindi maa-aring idawit sa isang krimen na ginawa ng kanyang tauhan kung hindi naman talaga siya kasamang mastermind o kasabwat.

Ngunit sa ilalim ng doktrina ng command responsibility, ang isang commander ay maaring madawit rin kung hinayaan niya, o hindi niya nagawan ng paraang ihinto, o nagbu-bulag bulagan siya sa mga nangyayaring krimen.

Tumbok dito si Gloria Arroyo.

Ang sinasabi nating extra-judicial killing ay ang pagpastay ng isang tao na hindi dumaan sa hustisya. Basta kapag masama ang tingin mo sa isnag tao, hindi mo na idadaansa batas, patayin mo na lang.

Inalis na ang death penalty kaya kahit idadan pa sa korte, krimen talaga pang pumatay ng tao sa ilalim ng ating batas.

Ilang daan na ang pinatay na mga militanteng manggagawa. Si Jonas Burgos, ang aktibista na anak ng mamahayag na si Jose, Burgos, Jr., ang founder ng diyaryong Malaya, an ilang buwan nang nawawala mula ng kinuha siya ng mga di-kilalang lalaki sa isang mall sa Quezon City.

Malakas ang hinalang military ang gumawa. Kung military yun, bilang commander-in-chief, responsibilidad ito ni Arroyo.

Si Gen. Jovito Palparan na ang tinatawag na berdugo ng mga militantenng manggagawa. Kasama yan sila sa mga utak pulburang mga heneral na inaalagaan ni Arroyo.

Kahit na nire-reklamo ng karamihan si Palparan, pinuri pa siya ni Arroyo sa kanyang State of the Nation Address noong isang taon.

Hawak ni Judge Pampilo ang kaso ni Edilberto “Choy” Napoles, Jr na pinatay noong 2002. Kinuwento ni Ruel landuico, ang kasama ni Napoles na nabuhay na nang pinaslang sila, narinig niya ang boses ng dalawang sundalo na tauhan ni Palparan na nagsabi, “Tiyakin mong patay na yan.”

Sagot ng isa, “Patay na.” Sagot ulit ng isa, “Ok, matatawa na niyan si Col. Palparan.”

Sabi si Palparan, sabit din si Arroyo.

Published inWeb Links

14 Comments

  1. Valdemar Valdemar

    Command responsibility means the commander either resigns or commits suicide for anything that fails in his mission. No need to go to the court zarzuelas to save his honor.

  2. “No need to go to the court zarzuelas to save his honor.”

    No need for Aling Gloria and her henchmen to save their honor. There is simply nothing left to be saved.

  3. luzviminda luzviminda

    Mag-People’s Power (Rebolusyon) na lang kasi para matapos na lahat ng kawalanghiyaan ng administrasyong ito! Hindi na titino ang ating gobyerno dahil marami nang paglabag sa batas na magiging precedent kung hindi iaabolish ang gobyernong ito ni Gloria Pidal-Arroyo! Kailangn mapalitan ang mga batas na nilapastangan ng administrasyon ni Gloria sa pamamgitan ng Revolutionary-Transition Government! Okay na rin kung si Erap ang head ng civilian component tutal siya naman talaga ang inagawan ni Gloria ng pwesto!

  4. Emilio_OFW Emilio_OFW

    Responsibilidad ni Gloria sa harap ng mata ng Diyos at mga Pilipino ay ang pagbabalik sa dangal ng lahing Pilipino na kanyang niyuyurakan at patuloy na binababoy. Supreme sacrifice – get the hell out of that office which you stole not only once but twice!

  5. parasabayan parasabayan

    With the three generals attesting to the known policy of this administration to execute known left leaning activists, the tiyanak and assperon should really be nervous at this time. When the senate starts to summon these generals, the whole operation will be uncovered. The tiyanak may be able to evade the issues now but with an opposition senate, her so called “secrecy” will be a taboo. Tiyanak ,assperon and their butcher general will have a lot of explaining to do!

    The fact that the killings are done even to this day, tiyanak and assperon are powerless to stop the killing operation or they are simply the mastermind of the whole killing machine! The truth will soon come out!

  6. rose rose

    Pananagutan talaga ni Gloria ang lahat nang mga ito. I would not be surprised though kung sabihin niya- I didn’t do it- the devil made me do it.

  7. I wrote in the other loop about the habit of this creep calling herself of passing the buck to other people. Now her deputies are now even trying to solicit American help in running after the rebels and tulisans and put the country in a state of war so that the idiot can declare martial law as she is said to want now. Heaven forbid!

    This idiot must be removed now. Kawawa ang Pilipinas sa kawalanghiyaan ng ungas na ito. Buti na lang nga mahina ang economy ng Pilipinas and no matter what the idiot claims about economic prosperity or her manipulation of the peso to make it look strong even when it is not, at least, such stupid maneuvering does not affect our own economy back in Japan.

    Command responsibility should really be imposed. This idiot should not be given mere kid gloves. Dapat diyan ibitay, and it should be quick before we wake up not finding the Philippines no longer on the Atlas of the world like Yugoslavia of old. This woman should be condemned for what she even plans for Mindanao—sliced up among the Moslems, Americans, Australians, etc. not realizing apparently the value and worth of that island to Philippine progress and stability. Putting foreign military bases should be protested by all God-fearing and sane Filipinos!!!

    PATALSIKIN NA, NOW NA!

  8. Ang mga dapat panagutan ng pamahalaang ito:

    1. Ang patuloy na pagkawala ni Jonas Burgos, na sinasabing isinakay sa sasakyang natunton sa pangangalaga ng 56IB sa Bulacan. Ang palusot ng 56IB: NINAKAW daw ang sasakyan sa bakuran nila.

    2. Ang pagkawala ng kahinahinalang kasunduan sa pagitan ng Pilipinas at ZTE Corporation. Ang palusot: NINAKAW daw mula sa hotel.

    3. Ang pagkawala ng mga kahinahinalang kasulatan hinggil sa “halalang” naganap sa Maguindanao. Ang palusot: NINAKAW daw mula sa tanggapan ni Lintang Bedol.

    Madaling gamiting palusot ang NINAKAW. Madali rin kayang maitatanggi ang ginagawa nilang PAGNANAKAW, hindi lamang sa kaban ng bayan, kundi sa katinuan, katiwasayan, at katarungang patuloy na ipinagkakait sa sambayanang malaon nang nasasadlak sa dilim?

  9. Mrivera Mrivera

    sa kasalukuyang mga kaganapan ay natutuwa ako para kay sonny trillanes.

    aba’y biruin ba naman na mula nang siya ay magpahayag ng kandidatura upang lumahok sa labo labo bilang senador ay naging bukambibig na ng napakaraming tao lalo na ‘yung mga babae na kilig-to-the–bones kapag binabanggit at napag-uusapan ang kanyang pangalan? ‘dami kong nakausap na mga kababaihan na nagsabing UNANG UNA sa listahan ng mga senador na ibinoto nila ay TRILLANES na ‘yung iba ay lingid sa kaalaman ng kanilang asawa (na maka-garapal arroyo) samantalang ‘yung iba naman na hindi nagawang bumoto (mga hindi nakapagparehistro sa OAV) ay ipinagbilin sa kanilang mga kamag-anakan sa pilipinas na huwag kalilimutan at unahin sa listahan ang pangalang TRILLANES.

    ngayon ngang NANALO at proklamado na siya bilang ika-labing isang senador ay mas lalong hindi magkamayaw ang mga kababaihang sumuporta sa kanya at tuwang tuwa sila sa pagsasabing meron na silang PALABANG IDOL kasabay ng panggagalaiti sa mga sipsip na anay ni gloria MAKAGARAPAL arroyo dahil sa panggigipit nila upang huwag magampanan ni sonny trillanes ang kanyang tungkulin bilang senador sa pagbubukas ng ika-labing apat na kongreso.

    ano nga naman ba ang dapat nilang ipangamba gayung hindi gagawin ni AT4 na tumakas at talikuran ang MAHIGIT LABING ISANG MILYONG nagtiwala sa kanya at nagluklok sa senado? na hindi maaaring ipagpalit ni AT4 ang kapakanan ng karaniwang mamamayang umaasa, naniniwala at nagtitiwala na buong puso at katapatan niyang tutuparin ang kanyang mga plataporma at ihahatid sa harapan ng mamamayan ang katuparan ng mga isinasaisantabing kagalingan na hindi magawang bigyang pansin ng ganid na pamahalaan bunga ng pagpapangibabaw ng pansarili nilang interes? na siya, si dating NAVY LIEUTENANT SENIOR GRADE ANTONIO TRILLANES IV ang bubura sa masamang imahe ng pamunuan ng DATING MARANGAL NA HUKBONG SANDATAHAN na ipininta sa isipan ng taong bayan ng mga MAPAGSAMANTALANG HENERAL mula kay ANGELU REYES hanggang sa mga SIKAT NA MANIPULADOR ng halalan 2004 sa pangunguna ni HERMOGENES ESPERON gayundin ang mga KURAKOT NA HENERAL NA WALANG KAHIHIYANG NINAKAWAN ang mga karaniwang kawal sa pangunguna ni CARLOS GARCIA?

    hindi kaya ang mga GINANG na may kilik na sanggol na sumusuporta kay AT4 ang sagot sa panggigipit na ito at tuluyang GIGISING kundi man magpapabagsak sa HUWAD AT MAPAGSAMANTALANG administrasyong arroyo kung sila ay magmamartsa sa kahabaan ng EDSA at isigaw ang SOBRA NA, TAMA NA?

    sila na nga kaya?

  10. Elvira Sahara Elvira Sahara

    Sa kapal ng mukha ni Gloria Tiananak, binabale-wala niya ang lahat! Iyan ang producto ng Ph. D. Dinudoktor-doktor na lang lahat! Good in theory but not in praktis! Di ba BINGI as in DEAF na siya sa Burgos disappearance? Protektado pa niya ang mga prime suspek? Nabasa ko nga na pati ang latest “Hello Bedi” ay ready din siyang protektahan! Kasi ang focus niya ay hindi ang Command Responsibility kundi ang Survival niya!

    The BIG Question is: (PINOYS, PLEASE LISTEN!!!)

    WHEN is the FINAL Gloria Tiyanak showdown?

  11. These three Generals who say that they are willing to attend a Senate Inquiry to give evidence to who’s involved with the order to the extra judicial killings is more proof that the ship is taking water on-board.
    It will soon eventually sink believe me.

  12. BOB BOB

    Si Glueria , hindi niya alam ang ibig sabihin ng Responsibilidad…Wala siyang paki-alam kung mamatay tayong lahat sa gutom, gusto nga niya iyan..Wala siyang paki alam kung 8M-10M sa mga kababayan natin ay umalis nang bansa upang duon magtrabaho, gusto nga niya iyan..Wala siyang pakialam kung pagpapatayin tayo nang mga sipsip niyang militar,…Basta’t nakapuwesto siya sa malacanang at kaliwa’t kanan ang kulimbat nilang mag-asawa ay ok na ok. Darating din ang araw at isusuka niyo lahat iyan !mga ganid sa kapangyarihan at kwarta

  13. Mrivera Mrivera

    wala kay gloria ang tinatawag na pagpapahalaga sa responsibilidad niya sa taong bayan na kinakatawan ng kanyang inagaw at ninakaw na posisyon bilang pangulo daw ng bansa. mula’t sapul na mapaupo siya sa pinaglalawayan niya noon na trono sa loob ng malakanyang, wala siyang inisip kung ang kung paano niya patitibayin ng PANDIKIT upang hindi at walang makapuknat sa upuan ng kapangyarihan ang kanyang mabahong puwit.

    hindi ba’t kung ano anong mga kaliwa’t kanang salag ang ginawa niya noong unang 100 araw ng kanyang panunungkulan sa kanyang inagaw na kapangyarihan? na sa paglipas ng mahigit dalawang taon ay napagtanto niyang masama na ang tingin sa kanya ng taong bayan kaya nagmenor siya at sabay kambiyong hindi siya kakandidato sa 2004? na makalipas ang mahigit isang buwan ay bigla siyang naalimpungatan at naalalang marami siyang pananagutan sa taong bayan kaya 720 degrees ang kanyang about face at naghain ng kandidatura tanda ng kanyang KAWALAN ng palabra de honor? na sa kagustuhan niyang makasigurado ng panalo ay kung ano anong paninira ang pinakalat niya sa kanyang mga bayarang alagad upang ang kanyang pangunahing katunggali na si FPJ ay malagay sa talaan ng hindi kuwalipikadong kandidato? na sa pagkabigo nilang idiskaril ang maliwanag na panalo ni FPJ ay kinutsaba niya si virgilio garcillano upang buhayin ang mga patay, pagkatawaning tao ang mga maligno at pati ang mga agas na tiyanak ay pinaboto masigurado lamang ang MILYONG BOTONG kalamangan?

    hindi ba’t para siyang maamong tupa sa kanyang mala-aswang na proklamansyon dahil sa kahimbingan ng sambayanan kung saan sari saring mga panlilinlang na pangako ang kanyang binitiwan subalit wala pang isang buwan ay cha cha ang kanyang bukambibig? na sa hindi pagtanggap ng mamamayan sa kanyang kabaliwan ay kung ano anong kabulastugan ang kanyang mga pinaggagawa sa tulong ng kanyang alagang baboy, este asawang si miguel sa pamamagitan ng pananakot, pagdedemanda, pagdukot, at pagpaslang sa mga minarkahan nilang KAAWAY?

    meron ba tayong aasahang pagsasaalang-alang sa responsibilidad ng isang tapat at tunay na lingkod bayan sa mga kawalanghiyaang ito ng pinakakasukang babae sa balat ng lupa kasama na ang kanyang ugaling baboy na asawa?

    meron ba?

    meron ba?

    sabi na ngang WALA!!!!

  14. Mrivera Mrivera

    ……..wala siyang inisip KUNDI ang kung paano..

Comments are closed, but trackbacks and pingbacks are open.