Just when his fellow senators-elect had Chief Justice Reynato Puno administer their oaths of office, Senator-elect Antonio Trillanes IV will defy tradition by tapping a village chief in Caloocan City for the same ceremony.
An ABS-CBN News report said Ruben Gatchalian, barangay captain of Barangay 169, will administer the oath-taking of Trillanes at the Christ the King Parish on Friday.
Trillanes, in jail for charges related to the July 2003 Oakwood mutiny, is expected to be given a one-day furlough by the court for the ceremony.
Gatchalian is a close friend of Trillanes. The village chief said he regards former Navy officer as a serious and quiet person.
He added that it will be an honor to lead the oath-taking since this will be the first time in history that a barangay captain will swear in a winning senatorial candidate.
Gatchalian also said that he believes that it Trillanes’s strong character made win in the last elections. He added that Trillanes will not compromise his principles once he takes his post at the Senate.
Trillanes considers Caloocan as his hometown.
Gatchalian said he is mobilizing his councilmen to secure Trillanes.
He said the community and residents of barangays nearby are also busy preparing for the arrival of Trillanes.
A related report said the church that will be the venue for the oath-taking is being cleaned and spruced up.
A feast is also being prepared at a basketball court nearby.
According to Rey Robles, the legal counsel of Trillanes, the oath-taking in Caloocan is his client’s way of thanking the more than 11 million voters who carried him to the Senate during the May 14 midterm polls.
Trillanes’s plan to take his oath as senator in Caloocan followed Friday’s filing of three motions before the Makati City Regional Trial Court.
First, he requested the court to grant an omnibus to allow him to attend sessions in the Senate. This includes attending the weekly “Kapihan sa Senado” forum. He also asked the court to allow him to set up computers and telephones inside his detention cell.
Second, he asked the court to grant him a one-day pass for the oath-taking in Caloocan.
Third, Trillanes asked the court to permit him to attend the organizational meeting of the upper chamber when Congress resumes session on July 23.
The hearing for the second motion will be held Tuesday.
this may be a first for a senator, but with AT4 doing it, talaga ipinapakita lang na talagang may guts at may karapatan siya bilang senador.
hmm, i can just picture out the bulok strategies that this administration will resort to just to taint the festive atmosphere and the significance of the occasion. on the other hand, i would not be surprised pag may makiki-ride on sa okasyon, yun bang mga doble-kara.
right now, i hope AT4 stands firm towards the “gay” stand of villar on the senate committees.
whatever, those in gloria’s pigpen should now start packing up….. at least they cannot say that they were not forewarned.
At least the senator wont meet kotongero(s) anymore for his oath taking elsewhere.
Kapag natuloy ang panunumpa ni Sen. Trillanes sa harap ng isang Barangay Chairman at mga simpling tao lamang ang karamihang nakapaligid sa kanya, ito na ang magiging hudyat na sinisimulan niya ang kanyang mga adhikain na higit sa lahat, una sa isip at puso niya ang mga pangkariniwang mamamayan. It will be history in the making at lalong titindi ang dating sa masa ni Sen. Trillanes sa ganitong pangyayari. At katulad ng malimit kong sinasabi, patuloy ang Trillanes Tsunami sa kanyang pag-arangkada.
Marahil ay hindi naman hahadlangan ng korte ang kanyang kahilingan sa kanyang gagawing panunumpa. Ngunit ang hindi tayo nakasiguro ay kung muling iiral ang kagaspangan ng ugali ni Esperon, sa utos ni Gloria, na gipitin o pigilin na naman si Sen. Trillanes katulad noong ginawa nila sa proklamasyon.
It would indeed be a miracle if the administration will allow him to do all these. But miracles do happen and it will happen again..Doon sa play na Fiddler on the Roof- may kanta na Miracles, Miracles. This is my song for the week- Miracles….God will send His miracle.
The oath-taking of Senator-elect Antonio Trillanes in Caloocan can be considered as the Cry of Balintawak Part II. The common tao will witness the event. Ituloy ang laban ng Katipunan! Andres Bonifacio declared war against colonial power Spain in August 23, 1896. Long live the Philippines!
Rose,
Senator Trillanes getting elected is a MIRACLE in itself. I know Senator Trillanes has that knowledge by now that God is on his side, and will not allow the unano and her evil brigade to thwart God’s plan. Baka gabaan na nang husto si unano kung ipilit niya ang gusto niya.
Dramatic talaga ang nangyayari sa kandidatura si Senator Trillanes. God willing, lahat sila ng mga kasama niya ay makakalabas if not now, SOON!
PATALSIKIN NA, NOW NA!
This is very Trillianes! Downright humble and down to earth. Everything he does is non traditional. He does not have to conform to anything or cater to anyone because he doesn’t owe anyone big money like the other trapos. He just owes the over 11 million voters who chose him genuine public service.
Keep it up Sonny! You are on the right track and do not ever allow any of the trapos to derail your trajectory! More power to you!
Ganyan ang matapang na manok! Marunong kumahig…dahil may sariling paninindigan! Pag tumitilaok walang kinatatakutan! Kung sa mga sugarol pa, talagang pang- derby!
Sana’y pagpalain ka sa mga adhikain mo para sa ating bansa, Senator Trillanes. Ipagpatuloy mo ang nasimulan na at hindi ka pababayaan ng sambayanan!
Mabuhay ka, Senador!!!
just a piece of an unsolicited advice – senator AT4, keep your feet on the ground and your brain inside your head!
good luck!
THERE’S THE RUB
‘Law-kohan’
By Conrado de Quiros
Inquirer
Last updated 02:06am (Mla time) 06/26/2007
Juan Ponce Enrile wears the sternly benign face of law. The Senate can sign all the petitions it wants, he says, but in the end Antonio Trillanes’ fate rests on the courts, not on them. “We are dealing with the separation of powers. When the court says no, there is nothing you can do about it.”
His twin sister, Miriam Santiago, goes further. Trillanes’ case, she says, is just like Romeo Jalosjos’. Jalosjos ran for public office and won but remained in jail. His victory was soon voided. “Just because a prisoner has won as senator does not mean that she should be free to attend Senate sessions. That would be a violation of the equal protection clause of the Constitution.”……………
Trillanes’ case is not like Jalosjos’. Jalosjos’ sin is criminal, Trillanes’ is political. Jalosjos was accused and convicted of rape, and of a minor at that. However you slice it, however the public itself rules about Jalosjos’ qualifications to serve as public official, you cannot remove that blot on his person. By any moral standard, he remains despicable and deserves to rot in jail.
Trillanes was accused and convicted of mounting a coup against Arroyo. By all moral standards, other than the ones people like Enrile and Miriam discover when convenient, that is not a crime, that is a service to the nation. That does not deserve jail, that deserves a medal. That is not beyond the pale of the people, the ultimate arbiter of law and justice in a democracy, to set aright.
http://www.opinion.inquirer.net/inquireropinion/columns/view_article.php?article_id=73217
may pakiramdam pa kaya itong sina brenda at juan panghe enrile?
Hay salamat at pwede na ako magpost. Ang tagal ko inantay pagkakataon na ito para ako maibahagi ang nilalaman ng isip at damdamin ko.
Sa simula pa lamang ng pagpasok ni Sen. Trillanes sa politika (filing his certificate of candidacy), he’s already a history in the making. Ang daming “firsts” sa kanya. Nandyan yong nanalo siya ng nasa loob ng piitan. Kapos sa campaign funds pero nanalo pa rin. Pinakabatang halal na senador ng pilipinas. At ngayon nga, wala pa ako nawitness na nanumpa sa harap ng isang punong barangay – siya pa lang kung saka-sakali. Yong iba kasing mga nanalong politiko, kinokonsidera din ang katanyagan ng taong magpapanumpa sa kanila. Talagang ninanamnam nila hanggang sa huling patak ang kanilang tagumpay.
Di ko lang sigurado kong napansin din ng ibang mga taga-suporta at tagahanga ni Sen. Trillanes na mukhang swerte sa kanya ang numerong “11”. Di ba’t pang-11 siya sa mga bagong halal na Senador at maninilbi sa ika-14 Kongreso? At kung matatandaan din natin, ang nakuha nyang boto ay nasa 11 milyon (11,138,067 to be exact-minus the Maguindanao votes pa). At mukhang ang July 23 ay magiging significant at memorable din sa buhay at kasaysayan ni Sen. Trillanes. Di nga ba’t July 23 (2003) noong naganap ang tinaguriang Oakwood Mutiny? Sa July 23 din ng kasalukuyang taon unang maglilingkod in his capacity as newly-elected Senator si G. Trillanes (with the opening of the 14th Congress in the upper chamber).
Actually, I was not really bent on voting on the day of May 14 if not for the adulation I have toward Sen. Trillanes.I went to the voting precint with my 2-year old daughter kahit tirik ang araw para lang maiboto ko ang pinaniniwalaan ko na magsasakatuparan ng mga mithiin ko hindi para sa akin kundi sa aking anak. Mas ganado pa ang anak ko na lumabas kami noong araw na yon. Influence of political ads and media in general. She used to sing some of the political jingles. She must only be 2 years old pero mulat na siya sa mga nangyayari sa paligid nya. I want her to emulate Sen. Trillanes’when she grows up. Sacrificing your own survival for the greater good.
Keep fighting Sen. Trillanes!
to the honorable sen. antonio trillanes, kung patuloy ka gigipitin ng administration ipamukha mo sa kanila ang panggigipit nila. wag mo ipatanggal ang posas mo. serve in the senate with the handcuffs. go out in public with those handcuffs. yan ang posas na nde dapat ikahiya na makita ng mga pilipino. until you are fully given freedom, those hand cuffs will symbolize your fight for the real freedom of the filipino people.
kulitis, este, kulitus,
ang galeeeeeng mo! sapul sa bull eyes, este bull’s eye. kung ganyan nga, parang sinisilihan ang mga puwet ng mga hunghang na adbayser ni gloria makagarapal arroyo na animo’y sinusumpong sila palagi ng almoranas!
naguilenya,
welkam sa pinagkakainitang bahay! handa ka ba sa pag-atake sa iyo ng mga anay?
‘dami ditong iniispiyahan!
di nga baga’t nararapat la’ang na ang taong hinalal ng taong bayan ey sa taong bayan din la’ang manunumpa ng katapatan at hindi sa harap ng mga nakarobang mangongotong?
onli da pers in da histori op da pilipin palitiks bay a man op onor!
mabu’ay ka senador sani trilyanes!
To Mrivera:
Mukhang tinatakot mo na ako ah. Parang ayam mo na si Sen. Trillanes ang tularan ko kundi yong mga kasamahan niya na kumanta na pero mali ang lyrics ng inaawit nila. Kidding aside, wala ako armas na pwedeng panlaban kundi ang ipahayag lang ang aking saloobin sa ganitong venue.
Magkaiba man kami ng barangay ni Trllanes sa Kaloocan ay talagang malaking karangalan para sa buong taga-Kalookan na may magiting kaming BAYANI. Nawa’y lagi kang maging huwaran ng isang mababang loob at tapat sa panunungkulan para sa bayan! MABUHAY KA SENATOR TRILLANES!!!
naguilenya,
huwag mong masamain at bigyang ibang kahulugan ang paalala ko. malayo sa iniisip mo.
handa ka bang kapag nagpo-post ka dito ay hindi ka makapasok at paulit ulit na DENIED ang mga attempt mo dahil sa kagagawan ng mga pakawala ng sinungaling, mandaraya at mandarambong na isinusuka ng bayan? ganyan ang malimit maranasan ng mga panauhin dito lalo na ‘yung mga hard hitting commenters.
huwag mo ring akalaing ayaw kong tularan mo si sonny trillanes.
hindi ako kalaban, panggulo lamang.
pakibasa ang mga entries ko dito at sa mga naunang talakayan na maaari mong pagbatayan.
Naguilenya:
At least, may magandang role model na ang mga kabataang pilipino, hindi na ang mga Japayuki!!! Tignan mo naman ang puri ni unano sa sarili niya sa pagtataguyod niya ng human trafficking na condemned sa ibang bansa. Si unano binabalandra pa iyan kung saan-saan.
You bet, maganda ehemplo si Senator Trillanes, kahit na doon sa pagrerebelde nila ng mga Magdalo. Iyan ang tinatawag na “Rebel With a Cause!!!” 😛
I bet you, guys, that Tito Johnny and Brenda are green with envy for Trillanes kaya panay ang putak nila. I feel sorry for Enrile kasi matalino pa naman at talaga namang may ibubuga kung titinuin niya ang trabaho niya. Grabe siguro ang panakot ni unano sa kanila ni Edong Angara kaya sila parang si Tokyo Rose noong WWII.
I was actually born after WWII, but I’m learning a lot about that war and the bravery and courage of Filipinos who fought for not really the Philippines but for America. Funny that the die-hard Sakdalista, the original MAKAPILI, not the later recruits who spied for the Japanese for survival only, sided with the Japanese ironically for Philippine independence themselves.
Someone wrote about history being kinder to Senator Trillanes. He will surely be talked about in the years to come, and remembered even after decades or centuries as a hero of the Philippines. The Unano? You bet, she will be written in Philippine history as the worst pretender, a criminal, calling herself president of the Philippines! Her father’s reign in fact was one of the worse administrations, and when the Philippines incurred big debts and now being surpassed by the daughter, debts that my professor used to say my generation and the generations of Filipinos to come will never be able to pay!!!
I’m having second thoughts now about going to Manila for Senator Trillanes’ oathtaking. I have till tomorrow morning to decide. Ngayon pa kasi dumami ang trabaho ko. If I can’t go, Congrats na lang kay Senator Trillanes! Will wait for his being able to travel to Tokyo someday soon!!!
sa panunumpa ni trillanes sa isang barangay captain ipinakikita lamang ni senator trillanes ang kanyang pag ka down to earth na tao kayat lalong mapapamahal siya sa masa.sigurado ako na kokontra sina esperon at malakanyang sa kanyang gagawin kasi oras na pinayagan nila si AT4 dadalo lahat ng tao dito sa metro manila siya ang gagawa niyan kung sakasakali payagan siya sa kanyang panunumpa KAYAT SA IYO MAHAL NAMING SENADOR MABUHAY KA!!!
siya lamang ang gagawa niyan sa kasaysayan kung saka sakali
naguilenya huwag kang matataranta diyan kay Magno (MRivera) – kasangga iyan at kasama sa pagbatikos sa mga pagsisinungaling, pandaraya at pagnanakaw ng kasalukuyang pamahalaan.
Welcome aboard! Sa mga inputs ng bloggers kumukuha ng idea ang mga kampon ni Buruka Blinky Tiyanak.
Kulitus: I STRONGLY AGREE! If Sen. Trillanes will attend sessions in handcuffs, etc. it is very symbolic of the freedom there is in this administration. Ang pagapi sa kanyang karapatan ay pagaapi din sa ating lahat.
BTW- by comparing the case of Jalosjos and that of Sen. Trillanes, Enrile and Miriam are distorting the facts of the cases. Abogado pa man din sila. Hindi ako Abogada, pero mas lalong hindi ako Abogaga. Jalosjos was charged and found guilty of a CRIME. Not only did he violate the laws of the Phil. but more so the Laws of God- the Ten Commandments. Sen. Trillanes did not violate any law of the Phil. nor God’s. He has not been charged.
Naguilenya
Welcome sa Ellenville! If I’ll make hula kung bakit Naguielnya ang name mo. You’re either from Naga City or from Naguilian, La Union? Tama o correct?
Well, we’re all friends here at masisiyahan ka rito lalo na’t isa kang tagataguyod ni Sen. Trillanes. Napansin na namin dito noon pa na swerte ang number 11 kay Sen. Trillanes. May napansin pa akong isa sa apelyido niya. Di ba yong dalawang small letter L, pag type natin ll ang labas?
May nabasa akong isang post in another blog, ito raw si Brenda ay grabe ang inggit kay Sen. Trillanes. Kasi nga naman, si Sen.Trillanes ngayon ang laman ng halos lahat na pahayagan, pinaguusapan sa lahat ng forum, radio, television, blogs, umpukan ss kanto, sa barberya at beauty parlor lalong lalo na ang mga bading at kahit sa palengke, ang pangalan niya ang binabanggit. Kaya ang ginagawa ni Brenda, dalawang beses nang tumawag ng press conference. Siempre, datingan ang mga reporter baka may pasabog siya, yon pala, magsasalita ng tungkol kay Sen. Trillanes eh wala namang humihingi ng opinyon nya tungkol sa kaso ni Sen. Trillanes. Nagpapapansin baga.
Kahit magsama pa itong si Enrile at Brenda, walang binatbat ito kay Sen. Trillanes kahit nakakulong. Si Sen, Trillanes kasi, direct to the point ang mga statements, wala nang pasakalye. Basta ang sa kanya, walang mangyayari kapag nakaupo pa si Gloria. Period.
Eh lalo na kapag lumaya yan, kahit sa tabloid hindi na malalathala ang pangalan ni Brenda at Enrile. Pwera nga lamang kung mag-bold yan si Brenda, baka may magbalita tungkol sa kanya.
Si Brenda talaga, damaged na ang utak. Ang pag-interpret niya ng constitution, depende sa convenience niya at ng kay Gloria. Kung hindi ba naman siya may ulterior motive, bakit siya palaging kasama-sama ni gloria? Sipsip nga siya, at insecure na nga dahil hindi pa nga nakakaupo si AT4 sa senado, ayan at natataob na sila. tingnan natin….. baka lalong masiraan na nga ng isip si Brenda.
habang nakaupo si gloria:
1. lalong lalakas ang ekonomiya – dahil magsisipag-abroad upang magtrabaho ang milyon milyong walang makuhang hanapbuhay sa pilipinas.
2. mas magiging tahimik ang ating kapaligiran – sapagkat ang sinumang magbitiw ng salita laban sa kanya PATAY!
3. dadagsa ang mga dayuhang mamumuhunan sa SUGAL.
4. mangingibabaw ang demokrasya -AYON SA KUNG ANO ANG KANYANG KAGUSTUHAN, at
5. hindi na mangungutang ang gobyerno sa ibang bansa – dahil WALA NANG MAGPAPAUTANG!
hello again!
sana magpa-tuloy ang sincerity at pagka strong willed ni Sen. Trillanes. malamang kasi na marami sa senado ang babatikos at pauulanan sya ng intriga. sa ganang akin, very strong contender sya sa VP for 2010. sapaw na agad nya si chiz, alan peter and even noynoy. in fact, sen. trillanes is the man of the hour ngayon.
lacson and trillanes in 2010. very nice tandem. baka pwede na ako mag retire from saudi pag nangyari yun.
oh well, i can dream can’t i…
kulitus,
saan ka dito sa kaharian? ako dito sa jeddah.
uy, taga jeddah rin ako eh. hehehe. baka magkakilala pa tayo ah.
ayan mrivera at kulitus, mag eb na kayo!!! 🙂
kita mo nga naman nagagawa nitong blog discussions sa ellenville….:)
kulitus,
kung dito ka rin sa jeddah, alam mo itong red sea mall project situated between malik and prince faisal roads right before saudi oger camp. dito lang ang lungga ko. palambi lambitin sa mga iskapolding.
sa kasalukuyang mga kaganapan ay natutuwa ako para kay sonny trillanes.
aba’y biruin ba naman na mula nang siya ay magpahayag ng kandidatura upang lumahok sa labo labo bilang senador ay naging bukambibig na ng napakaraming tao lalo na ‘yung mga babae na kilig-to-the–bones kapag binabanggit at napag-uusapan ang kanyang pangalan? ‘dami kong nakausap na mga kababaihan na nagsabing UNANG UNA sa listahan ng mga senador na ibinoto nila ay TRILLANES na ‘yung iba ay lingid sa kaalaman ng kanilang asawa (na maka-garapal arroyo) samantalang ‘yung iba naman na hindi nagawang bumoto (mga hindi nakapagparehistro sa OAV) ay ipinagbilin sa kanilang mga kamag-anakan sa pilipinas na huwag kalilimutan at unahin sa listahan ang pangalang TRILLANES.
ngayon ngang NANALO at proklamado na siya bilang ika-labing isang senador ay mas lalong hindi magkamayaw ang mga kababaihang sumuporta sa kanya at tuwang tuwa sila sa pagsasabing meron na silang PALABANG IDOL kasabay ng panggagalaiti sa mga sipsip na anay ni gloria MAKAGARAPAL arroyo dahil sa panggigipit nila upang huwag magampanan ni sonny trillanes ang kanyang tungkulin bilang senador sa pagbubukas ng ika-labing apat na kongreso.
ano nga naman ba ang dapat nilang ipangamba gayung hindi gagawin ni AT4 na tumakas at talikuran ang MAHIGIT LABING ISANG MILYONG nagtiwala sa kanya at nagluklok sa senado? na hindi maaaring ipagpalit ni AT4 ang kapakanan ng karaniwang mamamayang umaasa, naniniwala at nagtitiwala na buong puso at katapatan niyang tutuparin ang kanyang mga plataporma at ihahatid sa harapan ng mamamayan ang katuparan ng mga isinasaisantabing kagalingan na hindi magawang bigyang pansin ng ganid na pamahalaan bunga ng pagpapangibabaw ng pansarili nilang interes? na siya, si dating NAVY LIEUTENANT SENIOR GRADE ANTONIO TRILLANES IV ang bubura sa masamang imahe ng pamunuan ng DATING MARANGAL NA HUKBONG SANDATAHAN na ipininta sa isipan ng taong bayan ng mga MAPAGSAMANTALANG HENERAL mula kay ANGELU REYES hanggang sa mga SIKAT NA MANIPULADOR ng halalan 2004 sa pangunguna ni HERMOGENES ESPERON gayundin ang mga KURAKOT NA HENERAL NA WALANG KAHIHIYANG NINAKAWAN ang mga karaniwang kawal sa pangunguna ni CARLOS GARCIA?
hindi kaya ang mga GINANG na may kilik na sanggol na sumusuporta kay AT4 ang sagot sa panggigipit na ito at tuluyang GIGISING kundi man magpapabagsak sa HUWAD AT MAPAGSAMANTALANG administrasyong arroyo kung sila ay magmamartsa sa kahabaan ng EDSA at isigaw ang SOBRA NA, TAMA NA?
sila na nga kaya?
MRivera,
yup, alam ko ang area na yan. lapit lang yan sa al-bilad where i play tennis. mrivera… hmmm… hindi ka naman siguro yung gaganap na marimar sa channel 7 no. hehehe. ooopps… naging showbiz.
balik sa politics… mukhang ang maiiwan lang sa opposition sa senado is lacson and trillanes. with nene pimentel siguro. kumakampi na yata lahat kay villar mga senador.
myrna…
yaan mo one of these days mag eb kami ni mrivera. and perhaps too, yung owner ng blog maka eb ko rin. if its alright with neighbor…
Sabi sa inquirer.net :
Even without US aid, we’ll beat NPA —-AFP
posted 1:50PM June 28,2007(Manila Time)
Malaki ang pinagkaiba ng Harrier at Terrier.
Ayon sa wikipedia, sabi ng mga Bitoy(British), ang Harrier ay jet fighter.
Samantalang ang mga Kano, ang Terrier naman ay ASO!
tanong: sino ngayon ang aso ng US Department of Defense – Pentagon dito sa Asia-Pacific?
naguilenya …ganda ng posting mo, parang charm offensive!
Mga co-bloggers ko na sina:
MRivera – Di kasi tayo face to face kaya medyo nagkaroon ng miscommunication sa mga nasulat. Alam ko naman na walang offensive sa mga nabanngit mo. Mapagbiro lang talaga akong tao.
Emilio_OFW – Di po ako nasindak ke MRivera. Minsan talaga nagkakaroon ng medyo konting di pagkakaintindihan. Iba kapag me sinabi ka na kaharap ang isang tao at iba yong naisulat mo na di mo kaharap yong tao. In short, misunderstood lang.
Xanadu – Hey! I’m prod to be a Naguileña. When I registered for this site, I originally wanted my log-in name to be “Naguileña” but it was not accepted so I had to change it to “Naguilenya”. Tumpak ka sa pangalawang hula mo – I am proud to be a Naguileña, from Naguilian, La Union. I was not born there pero don na ako nagkaisip. Sa ngayon ay naglilingkod ako dito sa Wall Street ng Pinas.
Nelbar – Do I sound like my “kailyan” Gabriela Silang? Nong magregister kasi ako dito eh di ko nareceive yong password so I had to use another email account para makapagpost na rin sa wakas.
Folks, sobrang fanatic na ata ako ke Sen. Trillanes. From the moment na makita ko sa TV nong July 2003 at nagsasalita, I guess yong instinct ko ang gumana at nagsabing tama ang sinasabi ng mamang to at dapat paniwalaan. Pag me hearing nga sila dito sa Makati, nag-aabang kami lagi pero di namin matyempuhan ang pagdating nya. Dami nya fans lalo na mga girls. Pati mga lolang senior citizen eh na-charm na ni Sen. Trillanes.
Sa kaka-check ko ng news sa internet, eto, tiyak matutuwa mga followers na Sen. Sonny T. Posted ito sa site ng GMA Network:
Trillanes pinayagan ng korte na manumpa sa Caloocan
06/28/2007 | 03:37 PM
Sa halip na sa mga mahistrado ng Korte Suprema, sa isang kapitan ng barangay sa Caloocan City manunumpa si Antonio Trillanes IV bilang halal na senador ng bansa.
Iniulat ng radio dzBB nitong Huwebes na pinayagan ni Makati Judge Oscar Pimentel si Trillanes na makalabas ng kanyang piitan para makapunta sa Caloocan City sa Biyernes.
Kasalukuyang nakapiit sa kampo ng military sa Fort Bonifacio si Trillanes dahil sa kinakaharap nitong kasong kudeta dahil sa pagsakop nila sa Oakwood hotel sa Makati noong July 2003.
Sinasabing naging mabilis ang pagpapasya ni Judge Pimentel na pahintulutan ang pansamantalang kalayaan ni Trillanes dahil hindi ito hinarang ng mga government prosecutor.
Gagawin ni Trillanes ang kanyang panunumpa kay barangay chairman Ruben Gatchalian sa BF Homes, Phase 1, Deparo, Caloocan City, dakong 10:00 a.m.
Napag-alaman na matalik na kaibigan ni Trillanes si Gatchalian. Sa Caloocan din nagparehistro at bumoto si Trillanes nitong nagdaang May 14 elections.
Bagaman hindi tumutol sa pansamantalang kalayaan, iginiit nina Assistant Chief State Prosecutor Richard Anthony Fadullon at State Prosecutor Juan Pedro Navera na dapat tiyakin ang seguridad ni Trillanes habang nasa labas ito ng kampo.
Naghain na rin ang mga abogado ni Trillanes ng omnibus motion para sa “leave of detention” upang makadalo sa lahat ng mga pagpupulong ng Senado, kasama na ang regular na sesyon at mga pagdinig sa mga komite.
Hinihing din ni Trillanes na pagkalooban siya ng lugar sa kanyang kulungan kung saan siya makapagtatrabaho. Hiniling din niya na payagang siyang makapaglagay ng mga kinakailangang communications equipment.
Bukod dito, humirit si Trillanes sa korte na palawigin ang media access sa kanya upang makapanayam siya ng mga mamamahayag tuwing Martes at Biyernes. – GMANews.TV
***********************
Lahat ba ng subscribers dito eh mga OFW? Parang ako lang ata ang nasa Pinas at nagtitiyaga sa mga nagaganap dito. Sana hindi. He he he. wiskful thinking.
Sa susunod ulit at maglilingkod muna ako.
Trillanes takes oath as senator
A former Navy officer and a mutineer took his oath as senator before a village chief in Deparo, Caloocan City Friday morning.
Senator-elect Antonio Trillanes IV, the 11th winning senatorial candidate to be proclaimed by the Commission on Elections, was sworn in by his friend, Ruben Gatchalian, chairman of Barangay 169 at the covered court of BF Homes, Phase 1, Deparo.
Present at the oath-taking ceremony were Sen. Rodolfo Biazon, also a former military official, and former Caloocan City mayor Rey Malonzo.
Trillanes left his jail cell in Fort Bonifacio in Taguig City around 9 a.m. and arrived around 10 p.m. at the covered court, where he cast his vote in the May 14 elections.
Judge Oscar Pimentel of the Makati Regional Trial Court branch 148 earlier granted Trillanes’s petition to attend the ceremony.
It is the first in the Philippines electoral history that a senator-elect is sworn in by a village chief. Senators usually take their oath before the Supreme Court.
Trillanes had earlier planned to take his oath at the Christ the King Parish Church, also in Caloocan, but his counsel, Reynaldo Robles, said the former Navy officer wanted instead to take his oath in front of the people who voted for him in a covered court.
Trillanes was proclaimed by the National Board of Canvassers (NBC) last June 15, after garnering more than 11 million votes.
Trillanes, 35, led a mutiny of young army officers against President Arroyo in 2003 due to perceived graft and corruption in the military and the administration.
While some of the mutiny leaders have reconciled with the President after making public apologies, Trillanes has remained unrepentant, criticizing Mrs. Arroyo’s government for widespread corruption and rights abuses.
He faces rebellion charges at a lower court in Manila’s financial district and several violations of the Philippine Army’s Articles of War before a military tribunal. If found guilty, he has to give up his Senate seat.
http://www.abs-cbnnews.com/topofthehour.aspx?StoryId=82827
To DIEGO GUERRERO:
I’ve also read that news sa website ng abs. pero me coorection lang don sa antry, instead of 10 pm, dapat am yon. masyadong mahaba namang travel time yon. Parang nag-site seeing tuloy si Sen Trillanes. Sana maabutan ko mamaya sa news report sa TV para makita ko. Wala kasi ako access for video sa internet.
naku pati spelling ko tuloy mali-mali na rin. he he he.
@11:05 A.M. natapos ang oath taking ni Senador Trillanes.