Skip to content

Ang galing ng mga bata ni Gloria

Nakakasuka itong lumalabas na kotongan ng mga congressman na miyembro ng Commission on Appointments.

Ito ay nangyari pagkatapos ng mga report na bilihan ng boto para sa kung sino ang magiging speaker sa House of Representatives.

Ito talagang mga kampon ni Gloria Arroyo, manang-mana sa amo.

Simple lang ang pinagmulan ng expose tungkol sa kotongan sa CA na siyang nagpapatunay na kahit anong lihim, nabubulgar. Sa pagpatalsik kay BIR Chief Mario Buñag dahil hindi raw magaling kumulekta ng buwis, pumalag siya at ibinunyag na nangulekta pala sila ng advance noong isang taon sa mga malalaking kumpanya para magpasikat sa mga international credit agencies at sa taumbayan. Personal pa nga raw na tinawagan ni Finance Secretary Gary Teves ang mga kumpanya.

Siyempre dahil, nakakulekta ka na noong isang taon, natural hindi na babayad ngayon yan. Di bumaba ang koleksyon. Kaya sabi ni Buñag kay Arroyo, kung patalsikin mo ako, patalsikin mo rin si Teves dahil palpak naman siya.

Siyempre, kampi naman kaagad ang tatay, si Rep. Heminio Teves na nagkwento kung bakit hanggang ngayon hindi pa naku-confirm ang kanyang anak ng CA. May mga congressman raw na miyembro ng CA na humingi ng P5 milyon.

Sabi ng matandang Teves ang mga humingi raw ay isang congressman na tumakbo para senador ngunit natalo at dalawang third-termer congressmen na ang mga asawa ay tumakbo rin noong nakaraang eleksyon ngunit natalo.

Alam ng lahat na si Prospero Pichay, ang puno noon ng House contingent sa CA ay tumakbo para sendor ngunit natalo. Siya rin ang may pinakamalaking ginastos sa TV advertisement noong nakaraang eleksyon– umabot sa P220 milyon.

Ang mga congressmen naman na ang mga asawa ay tumakbo ngunit natalo ay sina Marcelino Libanan ng Eastern Samar na ngayon ay immigration commissioner at Eduardo Veloso ng Leyte.

Siyempre deny si Pichay. Hindi raw siya nangotong kay Teves. Ngunit ang alam raw niya
si dating Majority Leader Prospero Nograles at Western Samar Rep. Reynaldo Uy ay humingo ng pabor kay Teves. Siyempre deny rin si Nograles.

Ngayon ito naman ngayon si dating Agriculture Secretary Domingo Panganiban na hindi na-confirm (ngayon hepe siya ng National Anti-Poverty Council) ay nagbulgar rin na kinokotongan rin siya ng projects na umaabot sa P80 milyon.

Ito ang mga congressman na humarang sa impeachment laban kay Gloria Arroyo. Ito ang mga bata ni Arroyo.

Sinabi ni Rep. Jose de Venecia na pai-imbestigahan raw ng Kongreso itong anomalya. Maniniwala ba tayong totohanin ni JDV ang pag-imbestiga?

Paano siya magpa-imbestiga ay kailangan niya ang mga boto ng mga buwayang yan para siya magiging Speaker ulit. Walang pinag-iba yan kay Gloria Arroyo na walang karapatang mag-imbestiga ng nakawan at kurakutan sa pamahalaan dahil siya ang numero unong magnanakaw.

Published inWeb Links

29 Comments

  1. Elvira Sahara Elvira Sahara

    So, what’s new with GMA’s boys? It is a fact, na “follow the leader” lang naman sila. That this on-going SECRET be made public, is what the leader perhaps didn’t expect at a time when all guns are ,again, aimed at her!

    JDV will have this anomaly investigated? Aw, c’mon, you must be kidding! I may not be an expert in politics, but, judging from this guy’s track record…seems too… shallow! Sabi nga, like leader, like follower! Ang magkaiba lang naman sa dalawang ito (GMA..at JDV), ay ang kanilang mga TAINGA!

  2. Emilio_OFW Emilio_OFW

    Ang kasalukuyang kaganapan sa mga miyembro ng Mababang Kapulungan ay pagpapatunay lamang na walang baho na hindi sisingaw kahit na anong takip o pagtatago ang gawin ng mga kinauukulan.

    Dumating na ang araw na sila-sila mismo ang nagkakagatan na! Napakagandang magmasid at pagmasdan kung papaano sila magtapunan ng kani-kanilang mga tae.

    Kayong mga miyembro ng 13th Congress – nakakahiya kayo – iyan ba ang ipamamamana ninyo sa mga kabataan na sila mismo ang magpapatakbo ng bansang sinilangan? Puro mga kasinungalingan, pandaraya at pagnanakaw!

    Kung mayroon pa kayong tunay na kahihiyan na nanalantay sa iyong mga ugat ay magbitiw na kayo sa puwestong hindi karapat-dapat na tawaging Honorable Congressman.

  3. xanadu xanadu

    Magaling talaga ang mga bata ni Gloria, kapag pera ang pinaguusapan. Kaya itong kotongan sa Commission of Appointments ay totoong nangyari kung ang pagbabatayan ang pagiging number 1 ni Prospero Pichay. Hindi sa pagka Senador kundi sa pinakamalaking nagastos nitong nakaraang eleksiyon. Dyan marahil kinuha ang malaking kadatungan bukod sa ibang kurakotsing.

    Dahil sa kotongan, sari-saring drama na naman sa Bastusang Pambansa ang ating matutunghayan. Pangungunahan ito ng laban sa pagka speaker. Pero pera-pera lang yan at dyan sila magagaling.

  4. xanadu xanadu

    Ngayon pa lang, tinatakot na ni JDV si Gloria na pwede siyang ma-impeach kung hindi siya ang susuportahan sa pagka speaker. Tingnan nyo at kasama sa Singapore. Panay ang bulong siempre. Bago magbukas ang Congreso, si JDV naman ang tatakutin ng mga congressman kailangan nila ng lagay para para iboto siya sa pagka speaker. Kapag naging speaker si JDV, another round of pagkakaperahan na naman.

    Susunod, pasisingawin ng mga congressman na susuportahan nila ang impeachment laban kay Gloria kapag hindi sila binigyan ng milyones katulad noong 13th Congress. Pero magaling lang sila kapag may pera. Kapag nabago ang takbo ng pangyayari at nawala sa pwesto si Gloria, sila ang naguunahang tatalon sa kabilang bakod. Ito’y isang katotohanan na pwede itong itaga sa bato.

  5. Diego K. Guerrero Diego K. Guerrero

    Sabi ni Speaker Jose De Venecia pina-imbestigahan daw ang extortion sa CA. Malabo ito. Parehong kawatan. Dapat independent body ang mag-ibestiga.

    The Dirty Dozen Tongressmen?

    1.Prospero Pichay (Surigao del Sur) *
    2.Jesus Jurdin Romualdo (Camiguin)
    3.Eduardo Veloso (Leyte)
    4.Prospero Amatong (Compostela Valley)
    5.Manuel Ortega (La Union)
    6.Rafael Nantes (Quezon)
    7.Antonio Roman (Bataan)
    8.Aurelio Umali (Nueva Ecija)
    9.Victor Sumulong (Antipolo)
    10.Harlin Abayon (Northern Samar)*
    11.Rolex Suplico (Iloilo)
    12.Marcelino Libanan(Eastern Samar)*

    Sino kaya ang mag-Judas sa kanila?

  6. myrna myrna

    kangino pa ba magmamana ang mga yan kundi sa amo nila? this gloria’s administration talaga…….walang legacy kundi corruption!

    legacy daw…..hanggang leeg nga abot ng corruption ng gobyerno niya.

    i remember one time, i wrote and send an open letter to luli arroyo that was published in daily tribune. hmmm, mukhang makapal na rin si luli. i knew she came here once to auckland with romulo, working as a business consultant whatever.

    hayun, at nang malaman ko nga, kadaming kiyeme. first hand info yan, dahil yung source ko is now a dean of one of the universities in manila….

    ang problema sa kanila, akala nila (mga tuta ni gloria), lahat ng tao maniniwala sa panggogoyo nila.

    ang ipinagtataka ko, bakit atras-abante rin si teves sa pagbigay ng pangalan kung sino nga ba talaga. ano, if he is leaving the choice to us (as in multiple choice), di hayan, malinaw na sa asterisk! hehehheh

  7. Valdemar Valdemar

    Their mastery at something bigger only deviates our attention on the CA sourgrapes which are inconsequential. They remain in their posts anyway whether they were appointed or rejected by the CA.

  8. Ellen,

    Ako matagal ko nang alam na garapal ang babaing iyan, at nungka na tinawag ko iyang presidente dahil ang tingin ko diyan ay isang kriminal. Kung sa kaniya lang naman ay di hamak namang matino si Erap na sinasabi niyang corrupt! Dahil kahit na ganoon si Erap ay wala namang dinidihadong tao ito maliban na lang siguro kung makita niyang talagang walanghiya.

    Bistado ko na ang ungas noong pang unang pumunta dito iyan sa Japan para mangalap ng pera sa mga hapon. Ang hilig pa niyan na magbigay a papuri sa sarili niya kahit hindi totoo. Kaya hinihintay ko ang pagkakataon na makita ang ungas na nakakulong. Dapat diyan duraan sa mukha. Ang mga kriminal ay dapat na nakakulong! Kulang na lang maglagay ng bigote ang ungas at maging kamukha ni Hitler.

    But then, ito na siguro ang hudyat ng katapusan ng mundo dahil pambihira ka nang makakakita ng mga matitinong pinunon ng mga bansa. Doon nga sa Amerika, may movement din ngayon na magkaroon ng impeachment ni Bush.

    Sa Pilipinas, hindi na kailangang ang impeachment. Ang kailangan lang diyan ay disqualification. Iyong impeachment ay para lang sa mga talagang ibinoto ng bayan!

    Sabi, one does not have any right as he forfeits his rights and privileges under the law that he breaks. Itong walanghiyang unano, saligang batas pa ang nilabag sa kasakiman niya. PATALSIKIN NA, NOW NA!

  9. parasabayan parasabayan

    What do you expect, kung ano ang puno iyon din ang bunga! If the tiyanak has so far done the unthinkable, lying, cheating, corrupting and may have even given the blessings to the military to be involved in the extrajudicial killings, the rest of her followers can also just do anything they please to do! How can a leader with the worst morals tell her followers to straighten up when she herself is rotten to the core?

  10. Ako, sukang-suka diyan kay JdV. Ang pangit ng mukha pati ang trabaho pangit. Golly, kundi ba namang ungas, iyong Migrant Act na para sa mga OFWs, ibinunyi ang isang kriminal komo naloko nila ang mga pilipino sa mga pakulo nila. Di bale sana kung talaga namang walang kasalanan iyong pinugayan niya ng batas na iyon na ngayon ay alam ng lahat na wala namang pakinabang para mapangalagaan ang mga pilipino nabubuwang sa ibang bansa at nakakagawa ng malaking kasalanan sa ibang bansa.

    Ang daming kalokohan ng mamang iyan at isa sa mga naunang biktima ng kabulastugan ay mismong anak niya. Remember iyong kaso ng bombero sa Makati?

    Malaking perhuwisyo ang ginagawa ng mamang ito sa nangyayari sa Pilipinas. Baka dahil sa mga kalokohan ng mga hayup na ito ay biglang mabalitaan na lang natin ang kapareho nang nangyari sa Yugoslavia. Nawala sa mapa! Heaven forbid! At dahil lang sa mga baboy na ito na hindi lang ginagawang banana republic ang Pilipinas, ginawa pang babuyan na umaalingasaw!!!

    My condolence to all. Gayunpaman, konting kayod pa at baka maitaas na rin ang bandila ng Pilipinas nang tama. Salamat sa lahat nang bumoto kay Senator Trillanes at Senator Koko Pimentel. I doubt kung bibigyan ng katahimikan ng mga namulat nang mga pilipino iyong binabaing nagpipilit na makaupo dahil sa gusto ng isang unano!!!

    Pwe! Nakakasuka talaga.

  11. paquito paquito

    Alam na nang lahat ng pilipino yang mga masamang gawain ng mga kampon ng demonyo sa malakanyang. Nandyan na nga ang pandaraya sa mga halalan na nagaganap, nandyan na rin ang kurakotan, nandyan na rin ang sinungalingan, at siempre ngayon e yang kotongan sa mga gustong makalusot sa CA. Hindi naman nakakapagtaka kaya lang hindi palagi pinaguusapan. Tapos ngayon sasabihin ni de venecia na iimbestigahan daw. Magtigil ka de venecia hindi ikaw ang dapat magimbestiga. Kapag si de venecia ang nagimbestiga tyak na walang mapaparusahan, kasi isa rin yan sa kampon ng demonyo. Magbago na kayo kung ayaw nyo na ang mga kasalanan nyo ay mga anak nyo or apo ang dumanas ng kaparusahan ng langit.

  12. Mrivera Mrivera

    dapat sa mga kotongerong (pahiram, valdemar) alagad ni gloria MAKAGARAPAL arroyo ay italing isa isa sa super kuwitis at balutan ng super lolo at sindihan para pagsabog sabay sabay ng paputok ay malasog ang mga katawan at utak. ang tanging magiging pakinabang sa kanila – ipakain sa uwak!

  13. Mrivera Mrivera

    dapat imbestigahan din si jose tae nga ng daga upang halukayin kung saan niya kinuha ang kanyang ginastos na KALAHATING BILYONG PISONG PONDO na ginamit niya nitong nakaraang eleksiyon.

    huwag na rin siyang pakunwari pang magpatawag ng imbestigasyon ukol sa kotongang kinasangkutan ng kanyang mga kasamahan sa tongresong bumubuo ng commi$$ion on aPPointment$. sa tagal niyang ispiker, gayon din katagal siya naging BULAG?

    magkano kaya ang kanyang commi$$ion?

  14. Mrivera Mrivera

    pasingit:

    SC defers ruling on Maguindanao canvass

    By Tetch Torres
    INQUIRER.net
    Last updated 01:00pm (Mla time) 06/26/2007

    MANILA, Philippines — The Supreme Court has deferred action on a petition by opposition senatorial candidate Aquilino “Koko” Pimentel to stop the Commission on Elections from canvassing the votes from Maguindanao province and set oral arguments on the issue on June 28.

    The deliberations will take place at 2 p.m. at the new session hall of the high court.

    Pimentel had asked the high court to compel the poll body to declare the winning candidate for the 12th slot based on the results of the national canvass that had excluded Maguindanao.

    http://www.newsinfo.inquirer.net/breakingnews/nation/view_article.php?article_id=73290

    abangan ang susunod na kabanata!!

  15. martina martina

    Biktima rin siguro ng mga buwaya sa CA si Assperon. Nalala ko ang mabilis niyang confirmation sa dalawang beses niyang promotion sa pagiging 3 and 4 star general. That was unbelievable, many said nothing of that kind happened before, i mean the double promotion and not a whimper from the CA, oppositions included.

  16. Mrivera Mrivera

    martina,

    hindi mangyayaring maging biktima ng mangongotong si hermoranas espurot, ang punong ayudante ng garapal na pekeng sinungaling at mandarayang hindi hinalal na pangulong mang-aagaw ng puwesto.

    maghahalo ang balat ng mga kawatan!

  17. Chabeli Chabeli

    W/ all this brouhaha between the GMA boys, one cannot help but ask, are we witnessing a government about to implode right before our very eyes ? or is all this the ramifications of a lame duck president ?

    Over on ANC Top Story, it was funny to hear Rep. Pichay call Miniong Teves an “old liar.” I wondered whether what he really wanted to say was “old fart”.

  18. nelbar nelbar

    10 taon mula noong 1997 nang buuin ni GMA ang kaniyang team bago makapasok sa pagka Bise-Presidente, at heto na nga ang kaniyang mga GMA boys.

    10 taon na sa pamumulitika at panay kasinungaling at pagmamayabang mula sa kanyang panunungkulan sa DSWD hanggang sa pagiging impostor na lider ng bansa.

    Anong klaseng pamumulitika ang naituro ni GMA sa bansa?

    Sapat na bang sabihin natin na nagkaroon tayo ng alternatibong pulitika sa pamamagitan ng Ang Kapatiran(Bautista-Sison-Paredes)?

    Wala pa akong nakikita na kahalintulad o kalibre ng mga taong tulad nina James Matheson at William Jardine kung sa pangingibang bansa ng mga Pilipino ang pag-uusapan!?

    bilang paggunita noong nakaraang linggo, a-beinte kwatro ng Hunyo!

     

    Isang WIKA
    Isang Lahi
    Isang Motherland

    – this is what Tagalog nationalism is all about!

  19. mlm18_corpuz mlm18_corpuz

    nakakahiya talaga yong mga tongressmen nagkukunwari pa si PICHAY na di siya tumanggap ewan ko lang kung ano ang totoo ako kasi pag walang sunog walang apoy di ba?

  20. BOB BOB

    mga ”Spice Boys” dati, ngayon ”Kotong Boys” na….

  21. Emilio_OFW Emilio_OFW

    Bob, tumbok mo na naman dahil akmang-akma, di ba?

    Narito pa ang re-cycle joke na akma dito sa sinulid na “Ang galing ng mga bata ni Gloria”:

    A COW story:
    America has COWboy and COWgirl.
    England has madCOW.
    China has MaCOW.
    Russia has MosCOW .
    Philippines has politicians magnanaCOW.

  22. parasabayan parasabayan

    Heh,heh,heh…Emilio angkop na angkop naman ng magnanaCOW mo!

  23. nelbar nelbar

    cow-wawa naman ang mga pinoy.

    sa ipinakitang cow-walanghiyaan ni prospero pichay nitong nagdaang eleksyon, eh may lakas pa siya ng loob na magsalita laban sa old cow from negros oriental.

    feeling siguro nitong si Pichay eh nasa Hong Kong sya at mobster na naka-based sa Kowloon.

    Ang pagiging Kongresista ay hindi isang pagsusugal na akala mo ay ibinibenta mo ang interes ng iyong nasasakupan na para kang nasa MACAU!

  24. Mrivera Mrivera

    kahit kailan naman arogante at mayabang ‘yang si puwetchay!

    bastos pa!

  25. Mrivera Mrivera

    sa galing ng mga bata ni gloria, WALANG maaaring ITULAK o KABIGIN.

    lahat sila, sarap pagsisipain at ihulog sa bangin!

  26. rose rose

    Saan GALING ang mga bata ni Gloria? From Hell hindi ba? Kaya Mrivera doon dapat ihulog- Back to Hell!

  27. Diego K. Guerrero Diego K. Guerrero

    Commission on Appointments’ Tongressmen will have a frenzy day. I’m sure the six reappointed Cabinet men will be rejected by opposition CA senators.
    Gloria Arroyo reappointed *Justice Secretary Raul Gonzalez, *Health Secretary Francisco Duque III, *Interior Secretary Ronaldo Puno, *Environment Secretary Angelo Reyes, Finance Secretary Margarito Teves, Socioeconomic Planning Secretary Romulo Neri, Social Welfare Secretary Esperanza Cabral, Trade Secretary Peter Favila, *Budget Secretary Rolando Andaya Jr., Energy Secretary Raphael Lotilla and *Defense Secretary Hermogenes Ebdane Jr. SiRaulo Gonzalez must go.

  28. Mrivera Mrivera

    how many times an examinee allowed to take a licensure exam when he fails the first one?

    why is it in this shameless administration those rejected by the CA are still reappointed for nth time after failing to make it for so many times?

  29. Elvira Sahara Elvira Sahara

    Gustung-gusto ko na talagang sipain si Gloria Unano, kung malapit lang ako! Pa’no…sa kanyang pekeng administration lang nangyayari na ilang ulit ng ni-reject ang mga cabinet members n’ya ng CA pero ibinabalik pa rin niya!
    Magno, sa tanong mo:
    “why is it in this shameless administration those rejected by the CA are still reappointed for nth time after failing to make it for so many times?”
    -Sinagot mo na , kafatid! Shameless nga , eh!
    Isa pa, mga TUTA niya ‘yan! May alam din ang mga Cabinet members na ‘yan ng mga BAHO ni Gloria kaya iyan lang ang paraan niya para maisara ang mga bibig nila! Keep them working! Tingnan mo si Agurang Gonzales, isinusuka na ng mga tao pero pilit niyang ibinabalik! Kaya nga sabi ng ulianing DOJ sec. na ito, “Sa panahon ngayon, hindi na ako natatakot!” Mamamatay na rin lang siya, pagsilbihan na niya ng husto ang amo niyang Reyna ng Kadiliman!

Comments are closed, but trackbacks and pingbacks are open.