Noong isang araw, nagsumite si Mike Arroyo sa pamamagitan ng kanyang abogado na si Ruy Rondain, sa korte ni Manila Judge Silvino Pampilo, Jr. na hindi na raw niya itutuloy ang kaso na libel laban sa amin nina dating Senador Francisco Tatad, Malaya Publisher Jake Macasaet at anim pang mga editor at reporter ng Malaya.
Ito ang sabi ni Mike Arroyo: “I have, of late, suffered a life-threatening condition. With the prayers and support of my family and friends, I have miraculously survived.
“Because I have been given a second lease on life, I have decided to forgive everyone who has caused me pain. Because of this I am no longer interested in pursuing the case.”
(Kailan lamang, ako ay nagkasakit at kamuntik mamatay. Sa panalangin at tulong ng aking pamilya at kaibigan, ako ay milagro na nabuhay.
(Dahil sa binigyan pa ako ulit ng pangalawang pag-asa sa buhay, ngdesisyon ako na patawarin ang mga nagdulot sa akin ng sama ng loob. Hindi ko na itutuloy ang kaso.)
Ang kasong libel na isinampa ni Arroyo sa amin ay nag-ugat sa isang news item na lumabas sa Malaya noong May 19, 2004 na sinabi ni Tatad na si Mike Arroyo and chief cheating operator ni Gloria Arroyo sa Mindanao.
Itong bagay ay alam ng marami. Ito ay napatunayan ng Hello Garci tapes.
Ngayon ini-urong na ni Arroyo ang mga kaso. Wala akong magawa diyan dahil siya ang nag-akusa sa amin. Kung tatanggapin ng judge, di tapos na ang kaso.
Sa akin, mawawala na ang perwisyo sa pagdalo ng mga hearings. Sa aking publisher na si Jake Macasaet, hihinto na ang pagbayad niya ng abogado.
Ngunit hindi ko siya mapapatawad dahil hindi naman siya humingi ng tawad. Ininsulto pa niya ako sa kanyang pagsabi na pinapatawad niya ako.
Excuse me, bakit niya ako patawarin? Wala akong kasalanan sa kanya. Siya ang namerwisyo sa akin. Nang nagpreliminary investigation itong kaso nooong 2004, nagki-chemotherapy ako sa aking ovarian cancer. Napipilitan akong pumunta sa korte ng maaga (8:30 ng umaga karaniwan ang simula ng hearing). Nagta-taxi pa ako mula Las Piñas hanggang Manila City Hall at pabalik. Iyan ba babayaran niya ako?
Ang malaking kasalanan ni Mike Arroyo ay sa sambayanang Pilipino. Kapag pinigilan mo ang isang journalist gampanan ang kanyang trabaho, ginagawa mong tanga ang taumbayan. Doon siya dapat humingi ng tawad .
Dahil sa kanyang pinakitang walang pagsisisi, nagdesisyon kaming mga journalists na nagsampa ng class suit sa kanya sa Makati Regional trial Court na ituloy ang kaso. Iba ito kaysa yung libel suit na pina-dismis ni Arroyo sa Manila Regional Trial Court.
Tama nga Ate Ellen, tuloy ang laban! Si Pidal Arroyo ang may kasalanan lalo na sa bayan. Ang inyong ipinaglalaban ay kalayaan ng pagpapahayag. Ang tagumpay ng “Freedom of Expression” ay tagumpay para sa lahat lalo na ng mga pangkaraniwang mamamayan!
Dapat lang ituloy ninyo ang inyong laban.
Nang ma-heart attack sa puso itong si Mike Arroyo, palagi sigurong tumataas ang high blood, kaya tuliro na rin, praning na rin, hindi na alam ang gagawin.
Siya ang nagdemanda, siya ang gumawa ng perhuwisyo, siya pa ang ang magpapatawad? Para nang sinabing, o ayan Ellen Tordesillas, nagkasala ako sa iyo, pinatatawad na kita!
Sa nababasa natin ngayon, hinihingi ni Gloria, ang asawa ni Mike Arroyo, na maging mabait sa kanya ang media hanggang sa 2010. Ito marahil ang isang dahilan kung bakit nagurong ng demanda itong si Mike Arroyo, asawa ni Gloria. Parang pinalalabas ngayon, may utang na loob na ang mga journalists sa kanila kaya lubayan na ang mga ulat na laban sa pamahalaan at sa kanilang mag-asawa.
Susme, taktikang pang elementarya. Hindi na uubra ngayon yan. Ang kailangan, tuluyan ninyong lisanin ang Malakanyang. Punta na kayong timbuktu.
Sang-ayon din ako na dapat lang ipagpatuloy n’yo ang kaso laban kay Mike arroyo. Dapat mabigyan ang mga katulad niya na bastos at sakim sa kapangyarihan ng magandang leksiyon! Kung umasta siya ay parang hari ng Pilipinas at Reyna naman ang bansot niyang asawa!
Sana mabasa rin nila ang sinulat ng columnist ng Inquirer ma si Conrado de Quiros, ngayong araw over REVENGE.
Sobra na ang pagpapahirap nila sa mga tao. Silang dalawa. kasama ng kanilang mga Alipores ay dapat na talagang i-drag palabas ng Malakanyang! Kailan mangyayari ito?
Nakakahiya! Idawit pa ang MILAGRO kuno ng Dios dahil nabuhay siya! Hoy, Piggy Man, magsisi ka na ng mga kasalanan mo..malapit na ang ‘yong katapusan!
Sira ulo siya! Ano’ng sinasabi niyang ipinagdasal siya ng pamilya’t kaibigan?
Ang mga kaaway niya ang nagdasal na humaba pa ang buhay niya. Hindi puwedeng basta na lang siya aalis na hindi pinagdudusahan ang mga kagaguhan niya!
Hindi ka pa tapos hangga’t hindi ka naghihirap kagaya ng mga pinahirapan, inapi, ninakawan, at pinapaslang mo!
Susundan ka namin hanggang impiyerno, hangal!
Ellen: Excuse me, bakit niya ako patawarin? Wala akong kasalanan sa kanya. Siya ang namerwisyo sa akin. Nang nagpreliminary investigation itong kaso nooong 2004, nagki-chemotherapy ako sa aking ovarian cancer. Napipilitan akong pumunta sa korte ng maaga (9:00 ng umaga karaniwan ang simula ng hearing). Nagta-taxi pa ako mula Las Piñas hanggang Manila City Hall at pabalik. Iyan ba babayaran niya ako?
******
Sinabi mo pa, Ellen. Bakit mo siya patatawarin ng walang ganti para siya madala sa mga kalokohan nila ng kaniyang asawa at mga galamay nila. Puro kaartehan ang ungas na ito.
Nakakakulo ng dugo ang mga pinagsasabi. Ang lakas ng loob na baligtarin pa ang mga taong pinerhuwisyo niya. Sarap sampalin, tadyakan at patalsikin!
What an arrogant boor ang ungas! Binibigyan siya ng Dios ng chance na mabuhay para pagbayaran nilang mag-asawa ang ginagawa nila sa kanilang mga kababayan sa loob ng kulungan. Hindi sapat na sabihin niyang iniuurong niya ang kaso niya laban sa mga taong dapat lang na ibulgar ang mga ginagawa nila.
Tama si Tongue T. Hindi siya dapat na makawala na hindi niya pinagdurusahan ang mga kabulastugan nilang mag-asawa habang may buhay pa siya. Ibalik nila ang mga ninakaw nila.
You bet, Ellen, bakit ikaw ang hihingi ng tawad sa pang-aabuso nila. Silang mag-asawa ang humingi ng tawad sa mga pinagkakautangan nila. Tungkulin mo lang bilang journalist ang isulat ang mga kawalanghiyaan nila para sana sila maaresto at magdusa sa kulungan ng mga kahayupang ginagawa nila na hindi naman nakakabuti sa bayan. Marami silang piniperhuwisyong tao. Tapusin na ang mga kawalanghiyaan ng mga ito.
God willing, malapit na! Dapat lang, Ellen, na ituloy ninyo ang kaso laban sa abusadong tabatsoy na ito. Iyong hospital bills niya ay di dapat na ipabayad sa mga taumbayan. Please, pati iyan ay dapat na ibulgar!
PATALSIKIN NA, NOW NA!
Anong tuloy ang laban? Paspasan na.
Doblehin ang upakan. Maawaain Pinoy.
Ayun sumakit ang dibdib ng rapist hindi
makahinga. sige patawarin dalhin sa ospital
para malunasan.
Okay, iurong ang demanda, puede ba kayo
naman hinayop niya ang magdemanda. huwag
matakot, nasa panig naman niya ang Diyos,
inililigtas at protectado siya ng diyos.
kung madedbol siya, pinabayaan na siya ng diyos.
Ano ba ang nangyari sa demanda sa kanya,
ngayon atras siya, aba’y dadagan ang demanda
dahil dahil hindi na kayang magwalang hiya
nagpapatawad pa siya.
Ituloy ang class action lawsuit ng mga journalists. Inumpisahan niya, tapusin niyo. Who cares kung maysakit siya sa puso. Kulang pa yan na bayad sa nagawa nilang kasalanan sa mga Pilipino ang ang Inang bayan.
Siguro sa ikinabubuhay nilang lahat na pamilya ay galing sa pandarambong kaya hayan tuloy, karma.
Hi Ellen, kumusta? Ngayon ko lang nalaman dito sa blog mo ang tungkol sa iyong ovarian cancer. Isinama kita sa aking prayer intentions. God bless. 🙂
Akala ni Ipji ay dummy ang mga kinasuhang peryodista kasama si Ellen. Yan ang tinaguriang insulting the intelligence. Wala nang redemption si piggyman.
nakakakolo talaga ng dugo itong gentlepig at bruhilda sirauyo,parang ganito pa ang banta nila kay ms ellen noon kung isang bala lang o antayan nalang ni ellen ang oras nya dahil sa pag ke chemo nya.bagay sa mag asawa sa veterinary doctor ipa check up kc maka hayop sila.grrr!!
ellen,
suporta at sang-ayon, ako sa pagpapatuloy ng kaso ninyo kay IpDye.
serbisyong publiko ninyo ito para matugunan ang ilang mahahalagang katanungan na may kinalaman sa batas at jurisprudence.
________
tongue’s “…susundan ka namin hanggang impiyerno, hangal.”
Malutong at bullsye !
Gago rin ang logic ng ungas. Siya ang namerhuwisyo sa mga journalists, tapos sasabihin niyang pinatatawad niya sila. Parang pag sinabi ng ungas na may utang na loob sina Ellen sa kaniya. Hanip din ano? Strategy nila palpak. Iyong babae naman kuno asking the media to support her remaining 3 years in office. Abaw, hindi puede iyan. Ngayon din paalisin ang ungas, at ikulong. In fact, the law provides that she can be disqualified. No need for impeachment. Immunity is good only for legally and legitimately elected officials, not one who has cheated in the election. Iyong pag-amin niyang tumawag siya kay Garcillano ay sapat nang prueba na ang ungas ay lumabag ng batas.
My father was right when he told us, his children, that when one breaks the law, he/she forfeits all rights and privileges the said law grants and provides. In short, walang immunity ang kriminal!!!
Actually I was busy with my case, but, I take a moment to give my moral support to Ellen.
Ellen, tuloy ang laban at walang urungan,masarap ipaglaban ang karapatan upang makamit ang katarungan.You have a solid and strong case, take the whole pie and don’t compromise for number of slice.
Bye now! And see you all again soon!
Hey, bully in the block, iatras mo ang lahat ng mga kaso! iyan ba ang hiningi sa iyo ni Satanas?
From Fernando Sunga:
Sa totoo lang wala talagang dapat na gawin si arroyo loko kundi umatras sa mga demanda niya sa inyo.
Bakit, bawal sa kanya ang maistress at magalit, hindi niya kayo binibigyan ng pabor, ang sarili niya ang nangangailangan ng pahinga sa mga intriga at stress na dadaanan niya kung maghihiring pa sa korte.
Tama yon, huwag ninyong iatras ang class suit laban sa kanya ang tulad ni hindi gentleman arroyo loko ay dapat na binibigyan ng aral, bakbakan ninyo, ipakita ninyo na kayong mga peryodista ay may isang salita at lumalaban.
Nauna na ang aral niya sa itaas, ngayon naman ang aral niya sa ibaba ay malapit na niyang matikman, darating ang araw, malalagay yan sa wheelchair, malulumpo bakit kasi makasalanan yan, parurusahan pa yan sa itaas.
Mabuhay kayong mga peryodista, kayo ang sandigan ng katotohanan at hindi dapat na kayo ay binubusalan, ang galing aarter ni arroyo akala mo nagbago na, hindi pa yan, umaarte lang yan, pag magaling na magaling na yan, lalabas na uli ang ugaling basahan niyan.
Itaga mo sa bato ang sinabi ko
“Susundan ka namin hanggang impiyerno, hangal!’
tongue, baon ka ng payong. mainit sa impiyerno. samahan ko ng fire extinguisher para i-spray ko kapag nagtago sa kakapalan ng apoy ang hunghang na ‘yan!
ano kaya’t magdala na rin tayo ng kawayang pantuhog para doon na natin litsunin ang bastos na baboy na ‘yan?
pareng cocoy,
maligayang pagbabalik!
logical ba ito?
si mike arroyo maraming bayarang journo. itong mga
hindi niya mabili, idinemanda niya. talagang napakababa
ang tingin niya sa mga Filipino. Akala niya lahat
pare-pareho ng mga nabili niya. kaya okay lang dahil
sa kwartang galing sa kanya, ay puede niyang patawarin
sa akala niya ay kasalanan sa kanya.
can you imagine this?
si mike arroyo, isang caciqueng hacendero. may hawak
na latigo, isang katsila. nilalatigo niya ang kanyang
mga tenant (kasama’) sa hacienda. noong magkasakit
sa kalalatigo, sabi niya sige, pinatatawad ko na kayo.
hindi na kayo lalatiguhin. Farfetch ba ang analogy?
Ellen:
The Fatso is at it again. He’s trying to toe the line again by asking the court to dismiss your class suit against him. What a creep indeed! Hindi nagsisisi ang ungas na iyan. Ang kapal ng mga mukha. Kung nagsisisi iyan sasabihan niya ang asawa niya to step down and they surrender themselves to the rule of law.
Ang dami nilang piniperhuwisyo. Dapat lang na magdusa sila.
Good luck to all of you in the group. Nasa likod ninyo kami.
Hindi pa tapos ang pang-aabuso ng mga creeps na iyan. God willing matatapos din ang paghihirap ng mga pilipino!
Mrivera: BOAR yan baka lason ang litson niya. Doon na lang ipakain natin sa ASO at TUTA.
YOU GO GURL!!!!
yong mga pinatawad drama nya are are simply for his own self-serving objectives! and i like your fighting spirit at dapat lang! matapos manggulo biglang – o, tapos na ako – dapat tapos ka na? PEDEEE BA?! labahannnnnn!!!
TT:
“Susundan ka namin hanggang impiyerno, hangal!
Ha! Ha! Ha!
Pero dapat niyang malaman na KASING-INIT NG IMPIYERNO ANG GALIT NATIN SA KANILANG MAG-ASAWA!
P.S.
Puwede ba hanggang pintuan ng impyerno lang tayo? LOL!
Ellen:
Advice lang namin: BATO-E! (laban) Wala atras-atras! Ano Talawit? (Walang urungan. Ano Duwag?)
Guys, takot nga siguro niyang magpa-cremate dahil walang katapusang apoy ang haharapin niyang demonyong iyan.
——-
Yuko, I doubt it kung magsosoli iyan ng ninakaw.
——-
Magno, Hindi ako magdadala ng payong kasi may dala kami ni Cocoy na isang tanker ng GASUL! Sisiguruhin ko lang na hindi mauubusan ng apoy doon. Isa pa, tama si Rose, baka malason pa tayo pag nilitson natin yan. Ikaw, gusto mo ba siyang tikman? Eeeeewww!
——-
Elvira, kung sa pintuan lang, magmumukha tayong bargirls sa Olongapo, heheh. Diba may Disco Inferno? Sa langit naman tayo pupunta, hingi lang tayo ng bakasyon kay San Pedro.
——-
Speaking of impiyerno, naaalala ko noong 80’s merong sikat na bar sa Ermita, yung “Impyerno”. Sumikat yon dahil sa mga sexy dancers na pumupulupot sa mga tubong nakatayo sa stage. Kahit pa may P50 cover charge, dinarayo pa rin.
Nagtayo ng branch sa Pasay, along Taft Ave., tapat ng palengke. Nung construction pa lang at ikinabit na yung neon signboard, nagalit si Pasay City Mayor Cuneta dahil ang nakalagay sa karatula: “Impyerno sa Pasay”. Inutusan at tinuklap naman nung contractor yung word na “sa”, pero naging mas masagwa dahil parang mas lumaki pa kung babasahin yung “Impyerno Pasay”.
Pinatanggal uli ni Cuneta yung salitang “Pasay” kaya “Impyerno” na lang ang natira. Heheh.
medyo off topic, pero just wanting to ask, ano ba nangyayari sa daily tribune, at hindi ma-access yung issue para sa ngayon?
hindi kumpleto araw ko pag hindi ko nabasa ang commentaries nina ninez.
pati malaya, hindi rin ma=access. ano ba ito?
Ellen, the burden is on the Fatso! You are right, the inconvenience and the emotional aspect of the case can not just be erased by the Fatso’s withdrawal of the case against the journalists. He has to likewise feel the pain he had inflicted on you. For his penance, he has to be in your shoes!
Take care Ellen. I hope your treatments will be successful! My prayers are with you. You are a rarity in your profession-always on the side of the truth!
TonGuE-tWisTeD Says: “….tama si Rose, baka malason pa tayo pag nilitson natin yan. Ikaw, gusto mo ba siyang tikman?”
eeeeennnngggggg??!!
litsunin lang natin pero hindi kakainin. at saka hindi palatable ang karne ng baboy na ‘yan. bukod sa makunat pa sa kuwero ng sapatos, amoy asupre pa!
pwee!!!!
Ang tagal kong nawala. Pareho pa rin ba ang isyu? Mistulang tuloy pa rin ang laban.
preng norim,
hikaw na ‘yan?
maligayang pagbabalik dine sa ba’ay, ‘ane?
hang hisyu pare’o pa rin, ‘indi nagbabagu.