Itong sina Benjamin Abalos, kasama ng lahat na commissioners ng Comelec at pilit pinapahirapan ang sarili, pati na rin ang taumbayan.
Ang pinakahuli nilang pakulo ay pupunta raw sila sa Maguindanao para hanapin ang nawawalang municipal certificates of canvass.Kalokohan. Katangahan.
Ang boto kasi sa Maguindanao ang magpapasiya kung sino ang magiging pang number 12 na nanalo sa pagka-senador na pinagaagawan ngayon nina Koko Pimentel ng Genuine Opposition at Migs Zubiri ng Team Unity.
Ang lumabas doon na boto ay 12-0 para sa Team Unity ni Gloria Arroyo. Ngunit marami na ang nagbulgar na wala naman palang eleksyon na naganap doon. Unang-unang nagbulgar si Musa Dimasidsing, ang schools district supervisor, na pinilit silang sulatan ang mga balota at mga COCs. Mga bata pa anga ang pina-thumbmark nila sa mga balota. Noong isang linggo, pinatay si Musa.
Sa press conference ng oposisyon noong isang linggo sa Manila Polo Club para kay Sonny Trillanes at Koko Pimentel, sinabi ni Alan Cayetano na ngayon ay senator-elect na katulad ni Trillanes, na malaking problema talaga na nawawala ang municipal COCs. Nguinit mas malaki ang problema kung may makuha silang municipal COCs. Ibig sabihin noon, gumawa na naman ang mga cheating operators ng panibagong magic.
Maala-ala natin na halos isang buwan pagkatapos ng eleksyon, sumipot si Lintang Bedol, election supervisor sa Comelec at binigay ang provincial COCs kung saan 12-0 nga ang score ng senatorial eleksyon doon. Dahil sa maraming kwento na peke nga ang mga numbero na nakalagay sa COC’s, tinanong siya kung saan an mga mucnipial COCs at election returns na pinagbasehan ng provincial COCs.
Sabi ni Bedol, nawala raw. Nasa opisina niya nakatago ngunit hindi niya alam kung sino ang kumuha. Naglaho lang. Pinagbintangan pa niya ang mga tao na nag-puprotesta sa labas ng kanyang opisina na baka raw yun ang kumuha ng mga COCs.
Nagdesisyon ang Comelec na hindi magdeklara ng failure of elections sa Maguindanao dahil nai-proklama na ang mga lokal na mga opisyal. Wala na silang jurisdication ng Comelec at wala ng karapatan ang Comeelc bawiin ang proklamasyon dahil wala namang nagre-reklamo. Karamihan kasi ng mga lokal na opisyal na yun ay unopposed o walang kalaban noong eleksyon.
Iminungkahi ni Adel Tamano, spokesman ng Genuine Opposition, sa Comelec na pagtibayin ang proklamasyon ng mga lokal na opisyal at itapon na mga boto para senador na pineke nina Bedol.
Ito naman si Zubiri dakdak na dakdak ng dis-enfranchisement o pag-alis ng karapatan ng mga taga-maguindanao pumili ng kanilang mga opisyal.
Bakit ang 12-0 ba na boto, yun ba ang kagustuhan ng mga taga Maguindanao? Manufactured na boto yun.
Itapon na yang mga pekeng COCs at iproklama si Koko Pimentel.
Comelec must resort to a solomonic way of solving the situation to resolve the problem. The solution is to disregard the votes for the senators and proclaim Koko Pimental as the 12th elected senator.
At hindi rin lamang makakaya ng comelec na mapawalang bisa ang proklamasyon ng mga local officials sa Magindanao, bukod sa takot silang resbakan, hayaan na sila. Recognized them as the elected local officials. Kumporme tayo na sa dahilang nakapanumpa na sila, ibang proseso na ang nakapaloob sa ganung sitwasyon.
Kung may natitira pang katinuan ang administrasyon, sabihan nang mag-concede na si Zubiri. Magiging maamo pa ang kapalaran sa kanya sa darating na araw. Kung magpipilit pa siyang maging senador at gawan ng paraang makakaupo, hindi rin magiging maganda para sa kanya na mabansagang nanalo lamang sa pandaraya at dahilan sa sobre-sobreng datung na ginamit. At tatawagin pang Sen. Daya-na Zubri.
Pero ano ba itong sinabi ng PCCRV person na meron daw namang botohang naganap sa Maguindanao, yun nga lang daw at magulo.
Naguguluhan na ang taongbayan, at lalo pang ginagawang tanga ni Abalos! Saan ba ang utak ng taong yan? Yan ba ang gustong mapunta sa Supreme Court.
Tanga lang talaga ang maniwala pa sa mga taong gaya niya na nakapwesto sa Comelec.
Kaya dapat, pag=ibayuhin pa ni Sen Pimentel at ni Koko, lalo na, ang pagpursige sa pag file ng kaso ng election sabotage. Hindi lang kay Bedol, dapat pati kay Abalos at sa mga alipores nito!
How will Abalos prove that the COCS they fished are copies of the same COCS lost? Basta sinabi niya yon na? Hintay muna ay nawawala na turnilyo. Were they stolen? From whose heads? Pambirang patis!
Whether or not the crooks succeed in cheating again so the binabae can be declared winner by even by daya, Senator Pimentel and Koko should pursue this case of election sabotage against all those suspects involved in these cheatings since the time the father of the unano reportedly tried this scheme during his reign.
Meanwhile, the Filipinos, not just Koko, should make their voices heard now. Huwag palusutin si So Very Me Girl, et al to succeed in this scheme of making him winner even when everybody knows he cannot win without resorting to this kind of cheating. Ang kapal din ng apog ng ungas! Dapat diyan iniimbestigahan ng pulis para malaman ang involvement niya sa mga kalokohan niya at ng mga kasama niya.
Koko, pagbutihin mo! Sayang ang pagka-bar topnotcher mo kapag nakalusot ang ungas. Will pray for you for sure!
Si Abalos ay di makakilos
Kung si gloria ay walang utos.
Kaya nandiyang ang COMEEC
Abalos ay malayang magmagic
Gagawing no. twelve si migs Zubiri
Kahit na labas niya ay kakapandiri
Dahi yan ay utos ni gloria
Reyang sinungaling at mandaraya.
At walang hiya …
Talagang kalokohan ang pinaggagawa nina Abalos. Bakit nila bibilangin ang sinabing nawawalang CoCs kahit na makita nila? It is obvious that they are the same tampered CoCs so why are they going to still consider such tampered CoCs as valid and legal.
What they should do instead is have all those involved in cheating, tampering and “stealing” (kuno) the CoCs arrested and duly prosecuted for their crime, for violating the Election Code of the Philippines is a CRIME punishable by fine and imprisonment? Bakit hindi ganyan ang iniisip nilang gawin? Halatang-halata naman!
Another thing, bakit ba pinapayagang mag-appoint ng tao nila iyong mga crooks sa gobyerno gaya ni unano sa Comelec na dapat ay walang taong hawak sa leeg ng kahit sino para maging independent talaga? Alam naman mandaraya lang! Ang bobo naman!
Alitaptap,
Ganda ng tula mo! Sige pa.
PATALSIKIN NA, NOW NA! SIPAIN DIN ITONG SO VERY ME GIRL NA ITO! KAKADIRI TALAGA!
BTW, iyong nawawalang whistleblowers, nakita na ba? Dapag magkaroon ng malaking rally na naman kapag pinilit nina Abalos na bilangin ang mga dayang boto lalo na’t may dumanak na dugo sa pagpapalabas ng dayang CoC na ito. Kundi sayang ang buhay na ibinuwis ni Dimasidsing na witness sa pandarayang ito at ibinuwis ang buhay niya para hindi mabilang ang mga dayang botong ito. Please, huwag ninyong payagang masayang ang sakripisyo niya. Iyong dalawang witness pa, nasaan na?
Itong si Zubiri nagpapakita ding isa pang walanghiya. Alam niyang talo na siya, ayaw pa ring mag-concede. Ni hindi nga iyan kilala sa totoo lang. Siguro nagpapasikat lang ngayon para maalala siya ng mga pilipino, pero sira na siya for sure! Ngayon pang nagkakalakas na ng loob ang mga pilipino na ipakilalang, silang mga taumbayan ang masusunod at hindi itong mga politikong puro lang pangako at mga mandurugas lang pala.
KOKO HINDI KA NAG-IISA! PAGBUTIHIN MO! IPAKITA MO ANG GALING AT TAPANG MO!
Hindi ba dapat ma ideclare ang winner Pimentel or Zubiri by June 30? June 19 na ngayon mangigisda pa sila, magkatapos bibilangin pa. Could they do it in 11 days? Ah seguro de lata na ang makikita nilang isda. Sardines…OH OH Dia- na …
Anong disenfranchisement ang sinasabi ni So Very Me Girl e mismong nandaya para sa mga katulad niyang TUta ang nag-disenfranchised doon sa mga botante ng Maguindanao. Di ba, sinabi na ngang hindi nakaboto ang mga tao dahil gawa na ang mga boto nila?
Nice try, Dimaginoong Binabae! Mamundok ka na lang. Baka magkaroon ka pa ng pakinabang!
Rose,
Hindi mananalo si Zubiri. Dadanak ang dugo sabi ng kaibigan kong Moslem. Marami sila dito ngayon na nagtatrabaho sa mga embassy ng mga Middle-Eastern countries. Malakas daw si Nene Pimentel sa mga Moslems dahil siya ang tumutulong sa kanila. Kaya bakit daw nila pababayaan si Koko lalo na ngayong pang-12 siya.
Hopefully, matauhan naman sana si Abalos na malapit nang pumanaw sa mundong ito sa tingin ko sa mukha niyang kunsumido. Baka magaya siya kay Wycoco. Kaya hangga’t maaga magsisisi na siya sa mga kasalanan niya para kung matepok man siya bukas handa na siya. Yup, best is for him to declare Koko as the winner for the 12th seat at the Senate at hindi iyong makulit na binabae!
Itong si Binabae sana tamaan din ng kidlat ang ungas para tumahimik na.
Makapal din nama mukha ni Zubiri, pinagpipilitan ang sarili, maliwanag naman na talo siya. Kung ilulusot si Zubiri, aba eh, papanalunin na din sina Montano, gomez, sotto at si sabit singson. Lintek na!!!
Laking kahihiyan kasi ang nangyari sa tinatawag na Gloria boys kaya pinagpipilitang ipasok itong si Zubiri. Si Angara at Joker ay hindi naman tunay na kapartido. Biglang talon lang sila sa bakuran ng administrasyon at nagpasiguro sa pondo. Sabi nga ni Angara, kahit papaano, mabibilang ang boto niya kapag kasama ni Gloria. Si Defensor na die hard Gloria at siyang tanging nasa kabinete ay 15th place lamang. Sampal na kay Gloria yon. Si Pichay na siyang may pinakamalaking nagastos ay 16th place, another sampal. Singson ay pang 24, kulelat sa hanay ng GO at TU. Si Zubiri lamang ang lumaban pero wika nga’y bamderang kapus at kailangan ang magic. Kaya ngayon, hilong talilong si Abalos kung anong magandang paraan para masunod ang gusto ni Gloria. Pero habang nagdaraan ang araw, ang mga tao ay buo na ang isip. Mamagikin, dadayain upang manalo at makaupo sa senado kahit pa tawaging Sen. Daya.
Ellen,
I’ve been waiting for the Comelec’s release of it’s itinerary for it’s Field Trip to Maguindanao (and General Santos??)
************************
Have the journalists and media been furnished any copies of their proposed plans for the Maguindanao Document search or are we again being kept in the dark?
Ang problema kasi diyan sa Maguindanao kahit namfrel walang COC…kaya ng sabi noon ng Comelec na Surigao del norte at maguindanao na lang ang bibilangin alam ko na Trillanes will make it because sa tally ng Namfrel for surigao konti lang ang lamang ni Zubiri… So kung walang kopya ang Namfrel lumalabas talagang si bedol lang ang gumawa ng figures at lumalabas na talo si Koko. I strongly agree with Tamano and Koko na huwag ng i-include ang Maguindanao.
Isang buwan mahigit na hindi inilabas ang CoC ng Maguindanao is enough reason to discard it and consider it null and void. Anong kagaguhan ang pinagsasabi ni binabae na disenfranchisement iyan ng mga botante ng Maguindanao. Gago niya! Halatang dinaya dapat lang na i-consider na invalid! Dapat pa nga hulihin ang mga may gawa ng pandarayang iyon na sinang-ayunan ni Linta (pangit na ang pangalan, pangit pa ang mukha!). Hindi ito dapat na payagang makalusot! Tarantado talaga!
GO KOKO GO! IPAKULONG MO LAHAT ANG MGA INVOLVED SA DAYAANG ITO! ELECTION SABOTAGE IS A CRIME. THE PERPETRATORS SHOULD BE JAILED FOR LIFE! Kung puede pa nga ipakulong ang mga ungas.
Ooops, it should be: Kung puede pa nga ipabaril ang mga ungas para mabawasan na ang mga walanghiya sa Pilipinas!
Utos lang kaci ng bugnutin sa palasyo na puntahan ng COMOLEC ang Maguindanao at tingnan kung bakit di mailantad ang mga bagong gawang COCs. Di puwede kaci di magkakatugma. So they will return to decide for another round at the balloting. But of course those already proclaimed locals wont like that. Therefore, our KOKO will have to be proclaimed. Congratulations to our newest Senator.
The only decision, one that gives a semblance of having thought of King Solomon in mind and in spirit, is the option to proclaim Koko Pimentel, NOW. Not later, or any other way, but right NOW!
Proclaiming Koko Pimentel, NOW, is not only fair, and right but the best, given the set of circumstances.
Once proclaimed, the Comelec can, uncomfortable as it seems, shift some of the responsibility to the Electoral Tribunal, the only proper venue to evaluate post-election protestations.
This action is the only acceptable course, temporarily if the 13th placer decides to pursue the case before the ET, resolving the issue.
Any other option is NO LONGER acceptable, since the electoral body, by omission, allowed the likes of Lintang Bedol, to mock the whole process that is elections.
Or putting it another way, the Comelec, by commissioning cheats-and-criminals to serve in important and sensitive posts within, NO LONGER enjoys any moral leverage to impose any parochial decision on a hapless electorate.
Any talk of disenfranchisement, if Koko is to be proclaimed now, is baloney, if not pure hogwash. The 12th placer, did not not impose this on the people of Maguindanao; the Comelec represented by dimwits like Abalos, Bedol, et al , is solely responsible for this idiocy.
Any solution, at the expense of Koko’s rightful place to be proclaimed, should be deemed as anti-people, and thus a criminal activity.
Migz Zubiri, on the other hand, to champion the cause of, or invoke any talk of disenfranchisement does not augur well with any impartial observer either. At the least, not only does it smacks of self-serving but promotes as well the gross criminal activities of the Comelec.
If people care to recollect, mainly due to Comelec’s deliberately idiotic system of registration and purging of non-voters; there were tens of thousands of voters, numbers easily reaching hundreds of thousands even, wishing to be heard as well, mainly in areas perceived to be opposition bailiwicks.
Are they going to conduct special elections in these areas, as well?
All GO candidates, winners and non-winners alike, complains NOT of the outcome 12-0 of a particular region, in this case Maguindanao, BUT of the zero-votes,(repeat, yes zero-votes) the candidate individually received in many townships and municipalities in the area.
A feat, that even Comelec chair Abalos, in his one of rare display of lucid moments, readily acknowledges as one “…statistically improbable results”.
Again, i ask, what good will it bring for Abalos to travel to Maguindanao, purportedly to retrieve the missing, and declared lost(by Lintang Bedol) Election Returns (ERs) ??
Are they going to manufacture ERs in some remote banana plantation, once more ??
And allow whistle-blowers to be wasted again, and again, and again ?? How many more deaths will it take, for Comelec to heed cries of the people ?!
May i demand and appeal the humane side of the criminals that is lording over the Comelec, to proclaim 12th placer Koko Pimentel as Senator of the Republic?
The logical course of action remains to be Senator Koko Pimentel’s proclamation. Doing such does not take away Zubiri’s right to search for proofs that he actually won the twelfth slot after the event, if he really did. If it were the other way around with Zubiri leading, would he be invoking the disenfranchisement issue?
ON a side note, I’d like to try deliberately misplacing office documents at home. I wanna see if my boss will be kind enough to come over and do the search himself without terminating me…
Zen2: May i demand and appeal the humane side of the criminals that is lording over the Comelec, to proclaim 12th placer Koko Pimentel as Senator of the Republic?
******
Ganda! Unfortunately, if you are directing this to the criminal(s) at the palace by the murky river, most likely your words will fall unto deaf ears. They may even be cursing and gnashing their teeth at members of Ellen’s blog.
Still, there is nothing wrong about trying to appeal to the human nature of these crooks who have acted much worse than animals. I would rather pray for the Lord above to listen once again to the voice of the people who have put their trust in candidates like Koko Pimentel, Trillanes, et al. except for 4 of those included in the Magic 12.
GO KOKO GO!
ito ang maganda:
Mike Arroyo withdraws libel case vs Tatad, Malaya execs
By Allison Lopez
Inquirer
Last updated 09:20pm (Mla time) 06/19/2007
MANILA, Philippines — The President’s husband, Jose Miguel Arroyo, has officially withdrawn his libel case against former senator Francisco Tatad, Malaya newspaper publisher Amado Macasaet, and seven of the newspaper’s editorial staff.
In the motion to dismiss that he filed with Manila Judge Silvino Pampilo Jr., Arroyo said: “I have, of late, suffered a life-threatening condition. With the prayers and support of my family and friends, I have miraculously survived.
“Because I have been given a second lease on life, I have decided to forgive everyone who has caused me pain. Because of this I am no longer interested in pursuing the case.”
Arroyo underwent surgery for a dissecting aortic aneurysm last April.
In June 2004, he charged the nine respondents — which included editors Ellen Tordesillas, Enrique Romualdez, Joy de los Reyes, Teresa Molina and Minnie Advincula, and reporters JP Lopez and Regina Bengco — for a May 19, 2004 article in Malaya, titled “Poe’s camp says Mike is chief ‘cheating’ operator.”
The Malaya article accused Arroyo of “manipulating election results” to favor President Gloria Macapagal-Arroyo.
Tatad was also quoted as saying that the President’s operatives were “all over Mindanao, led by her famous husband.”
Arroyo denied the allegations and sued for libel. In his complaint, he said the article tagged him as being involved in election fraud by allegedly purchasing “CoCs (certificates of canvass) with the aid of military personnel and government officials” around the country, particularly in Mindanao.
Asked what the outcome would have been had Arroyo pursued the charges, Pampilo said Arroyo had “great chances of winning” as he had a strong case that there was malice in the article.
But he said he believed Arroyo was sincere in withdrawing the charges
The Philippine Daily Inquirer editors who were similarly sued by Arroyo are not over the hump yet.
Though Arroyo has filed the same motion to dismiss his case against the Inquirer editors, clerk of court Rey Inciong said the fiscal decided to conduct a review in the 15 days to see if the affidavit of desistance, which was merely notarized, would be admissible in court.
He said the law called for Arroyo, the private complainant, to appear personally and swear before the trial fiscal that he executed the affidavit of desistance “of his own free will.”
Arroyo slapped a P22-million libel suit against Inquirer publisher Isagani Yambot, editor in chief Letty Jimenez Magsanoc, editors Jose Ma. Nolasco, Abelardo Ulanday, Jorge Aruta, Artemio Engracia Jr., Pergentino Bandayrel Jr., Rosario Garcellano and Juan Sarmiento Jr., and columnist Ramon Tulfo.
In March, the editors were detained for an hour at the holding room of a Manila police station after they posted bail.
http://www.newsinfo.inquirer.net/breakingnews/nation/view_article.php?article_id=72185
yeheeeeeey!!
magsasaya na ba tayo?
Arte lang iyan. For the trouble the people he caused the people he charged with libel, he should be charged likewise and made to suffer the way everybody has suffered because of his arrogance, etc.
There is no celebration, Magno, until they are kicked out of the palace by the murky river.
Ang maganda dyan ay kailangang ilagay na si ZUBIRI sa no. 1. Suma total pareho na rin yon. Kung nandaraya ka rin lang ay lubos lubusin na para bilid na bilid na sila sa ABILIDAD NI ABALOS. Magkapareho pala ang THEME SONG ni MAKALINTAL at ni ZUBIRI “Maguindanao Forever”.Magaling din na abogado aring si MAKALINTAL. Dahil nakikita na sa TV ang pag-amin ni ARROYO ay dikit na dikit o sipsip ng sipsip pa rin. Siguro ang dami na ng datong aring si Makalintal.
Abalos finds SOVs, municipal COCs! Siyempre sasabihin niya narecover niya yung Namfrel at opposition copies. At siyempre pa rin, panalo si Chuvaness Me Girl So Very by 17,000 votes over Pimentel! Take note, wala nang zero votes! Mas propesyunal ang kumana ngayon. Ogag kasi si Lintang Bedol, kaya isinama na ang election con-suhol-tant na si MakaLINTAl. Letseng mga linta ‘yan!
Ang tanong na lang ngayon, paano nila palulusutin?
Lahat ng OFW involved sa OAV campaign galit diyan kay Makalintal. Tingin namin diyan sa bobong iyan bobo at walang malasakit sa mga kababayan niya. Iyan ang dahilan kung bakit palpak ang OAV law na ipinasa nila. Gusto pa kasing pagkakuwartahan ang OAV. Sabi nga ng mga pilipino dito sa Japan, “Ate, bakit ganoon. Lahat na lang may bayad!” Dito nga naman, walang bayad ang palista ng mga dayuhan. At saka kami, hindi nagbabayad na magpalista bilang mamamayan ng Hapon. Kung magbayad kami mga buwis lang at saka cost ng papel halimbawa kung kumuha kami ng kopya ng mga record namin.
Dapat talagang malimas ang mga kurakot sa gobyerno. Huwag payagang i-consider ang dayang CoC ng Maguindanao. Majority rules ika nga. Si Binabae lang naman ang ayaw pang mag-concede. ‘Kinana niya! Tamaan sana siya ng kidlat!
Ang may kagagawan ng sinasabi ni Zubiri na dis-enfranchisement ng mga botante sa Maguindanao ay sila mismo, ang mga KUMOLEK cheating operators at ang mga nagbayad na Team Unity. Obvious naman na daya ang resulta dahil si Sabit Singson na hindi taga-Mindanao at hindi rin Muslim ang naging topnotcher. Si Singson kasi ang pinakamalaki ang binayad at pinaka-sponsor dito. Akala kasi nila ay hindi mabubusisi ang COCs ni ‘Bedol-Bedol gang’. NAPAKALAKING PAGKAKAMALI ang gagawin ng KUMOLEK pag isinama at binilang nila ang mga kwestiyonableng Maguindanao votes na ito sa final tally. MAGHAHALO ANG BALAT SA TINALUPAN!
The most respectable thing that should happen now is with Zubiri to concede irrevocably and honorably refuse anymore therapy. He is young still and with this action, that will be long remembered into the next test in 2010.
I am happy for Ellen and Co. if the court’s decision is to acquit them. But ang kay Arroyo- “I forgave them” and he petition’s for the court to dismiss the case. Sa ganoon utang na loob pa nila Ellen kay Mike. I hope that the journalists will still continue with their counter-suit.
re: Mike Arroyo withdraws libel case vs Tatad, Malaya execs
““Because I have been given a second lease on life, I have decided to forgive everyone who has caused me pain. Because of this I am no longer interested in pursuing the case.””
ngek! hindi ko napagtuunan ng pansin i-TOH, ah.
mr. pig, anokabanaman? alam mong walang laban ang iyong kaso dahil talagang wala kang panalo, humihirit ka pa? sino ba ang dapat magpatawad kung sakali kanino?
ubod ka pa rin ng yabang, sinungaling, manggagamit at pati ang DIYOS ay kinakasangkapan mo. ‘tangnakatalaga, kung makakababa lamang sa kanyang pagkakapako si barabas baka sinipa ka na nang todotodo dahil inaagawan mo siya ng papel sa senakulo!
Inquirer banner says, “Koko Pimentel takes case to SC:
Petition seeks to halt Maguindanao vote count.” Attaboy, Koko! Sige lang, huwag kang patatalo. Exhaust everything you know about the law to bring to fore your case against these creeps, including this loser, So Very Me Girl! Hindi ka nag-iisa. Nasa likod mo kami!
PATALSIKIN NA, NOW NA! Pukpokin na sa ulo si Abaloslos, et al kapag hindi pa nila i-proclaim si Koko today!!!
latest news: Poll officials say Maguindanao docs ‘authentic’
Heto na tuluyan ng nadaya si Koko at mukhang makukuha na ni Migz ang no. 12 slot. Naguguluhan na ako sabi ni Bedol nawawala ngayon may authentic na documents samantalang ang namfrel walang kopya. Nadali na si Koko!!
Ano iyan, another palitao, lulubog-lilitaw! Halatang hocus-pocus! PATALSIKIN NA, NOW NA! Iyong Abaloslos puede ba, pakihila sa loslos niya! Sinong niloloko nila? Gagooooooo!
Hindi humuhinto sa panloloko itong mga taga-Komolek headed by its head of course! Gago as in G A G O talaga! Sa sobrang inis ko, gusto ko ng ikanta ang sumusunod: (tune: Abaruray-
“Itigil na, itigil na
Abaloslos, itigil na!
Pandaraya, itigil na
Pagkat..ikaw–ay–buking na!!!
may tanong lang ako…
parang may nabasa ako dati na sabi ni koko pimentel na maski daw bilangin ang votes ng maguindanao eh panalo pa rin sya ng mga 2000 votes. saan nya kinuha ang figures na iyon assuming that votes in maguindanao were tampered by bedol et al.
kulitus,
tama si koko, pero hindi pa niya nakunsidera na pati yung sa Lanao del Sur, Sharif Kabunsuan, Basilan at Sulu yayariin rin pala siya. Tinira siya ng paunti-unti sa mga probinsiyang ito, kaya noon pa lang, alam na ng kabilang kampo kung ilan ang idadagdag kay Chuviri.
Tantiyado na kahit zero si Koko sa Maguindanao, panalo siya kung hindi nagapang sa ibang probinsiya.
—–
Ayup talaga si Abalos, no? Biruin mong maghahanap daw ng dokumento sa Maguindanao, pero sa GenSan nakita! Malayo ang Gensa na nasa South Cotabato para makita ang mga SOVs ng Maguindanao.
Tinatarantado na talaga tayo!
Ang “authentic documents” pala e yung kopyang ipinapaskel sa labas ng classroom na mga presinto. Tatlong linggo nang may klase, siguradong hindi totoong iyon ag nakuha nilang kopya dahil matagal nang natanggal iyon kundi man nasira!
June 21 na wala pa ring linaw kung ipoproklama si Koko Pimentel na senador. Nakikiramdam pa ang mga walanghiya. Iisa na lang iyan, hindi pa madesisyonan. Takot na takot si Abaloslos na tanggalin noong bobang magnanakaw kaya naniniguro pa siya.
‘Taragis ang suspense. Gusto na naming magwala dito sa Tokyo. Hindi lang makahirit ang mga ungas kay Senador Trillanes dahil mainit na talaga pati sa loob ng AFP. Pero kwidaw sila sa mga Moslem sa Mindanao. Kung ipinagmamalaki ni Ampatuan na malakas siya sa teritoryo niya, hindi siya kakasiguro kasi may mga galamay ding mga Moslem sina Koko. Rebolusyon daw sabi ng kaibigan kong Moslem. Gusto nga nila si Senator Nene Pimentel ang maging presidente ng Pilipinas pero sabi ni Sir, huwag na lang daw kasi matanda na raw siya at mas kailangan daw siya sa Senado.
Kaya, kalampagan na! GO KOKO GO NA! Huwag nang pansinin ang angal noong binabae. Hindi dapat makaupo iyan dahil salot din iyan. Tama na iyong natirang mga salot sa Senado at Kongreso. Kaya na ng mga taumbayan iyan. Ngayon pang gising na gising na ang mga pilipino. Ipinakilala nila iyan sa eleksyon na ito.
Pati nga iyong mga pilipino sa ibang bansa, hindi naloko ni unano. PATALSIKIN NA IYAN, NOW NA!
Tongue T:
Baka mabukolan si Abaloslos kapag ipinagpatuloy pa niya ang kabalbalan niya. Wala nang naniniwala sa kanila. Tapos na ang eleksyon. Ano pang mga kababalaghan ang gusto nilang gawin. Tangi na nila! Puro sila kabobohan. Please mahiya naman sila.
Sinabi ko nga sa mga kaibigan ko sa TV ang mga kagaguhang pinaggagagawa ng mga ungas, napapanganga na lang ang mga hapon. Sabi nila, “Alam namin, Yuko-san, kung gaano kabulok ang gobyerno ng Pilipinas!” Kakahiyang sabihin/marinig sa ibang tao pero walang magagawa. Tama si Senator Trillanes. Kailangang matanggal ang mga balakid sa progreso ng Pilipinas, unang-una na iyong garapal na babaing unano!
Ito din si TSUPIri, puede ba pakisabi sa binabaing iyan, magTSUPI na siya. Mamundok na lang siya!
bilib din naman ako sa tiyaga nitong si tsugiri. hanggang ngayon ay pinagpipilitan pa rin na makapasok siya sa magic 12 gayung bagay lamang siya bilang alanganing hudas sa 13!
ayaw talagang patsugi ang byuti niya. ahaaay!
June 21 na. If by June 30 COMELEC cannot finish the counting as they are still collecting election returns- di si Koko ang napatunayan na nanalo. Is there such a thing as “default” or “due to technicality” in our election code?
rose Says: “Is there such a thing as “default” or “due to technicality” in our election code?”
should this indecisiveness of the COMOLEC to proclaim who should occupy the 12th senatorial slot reach 30 june, then it could be summed up that koko is the winner due to their inability and futility to prove the there was really credible elections held in maguindanao and other daya riddled places particularly lanao del sur where anomalies ranging from GARAPALAN and HARAPANG VOTE BUYING and allowing minors to cast their votes were glaringly tolerated by the elements of the armed forces and national police deputized to secure and supervise the special elections conducted.
malinis na halalan?
meron ba?
kailan?
ewan!!
Kapal naman ng mukha nitong mga taga TU(ta) ni Gloria especially ang comelec + Zubiri.Alam naman nila na talagang nagkadayaan sa lugar na yon at milyong pinoy ang duda sa halalan nila e pinagpupursigi pa rin ni Zubiri + Abalos na i-consider ang mga naganap na dayaan doon. Ano ba kayong klaseng mga tao, bakit hindi nyo tanggapin na talo kayo. Ayaw na ng tao sa kapit tuko kay Gloria. Mga kampon talaga kayo ng demonyo sa malakanyang.! Kung magtatagumpay ang masamang balak nina Abalos + Zubiri (mga tuta ni Gloria) e anong tawag mo kay Zubiri? e di senador daya! Iproklama na si Atty. Koko Pimentel, yan ang solusyon. Abalos resign walang kwenta. Gloria sipain na sa malakanyang, sobra na!